Sinalubong sila ng isang tauhan nila sa hacienda para ito na ang magbalik kay Atlas sa kwadra.Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya habang pabalik na sila ng bahay. Sinadya pa talaga niyang dumikit kay Sky habang naglalakad sila.Nag-init pa ang mga pisngi niya nang hindi sinasadyang mabangga ng kamay niya ang isang kamay nito.Muntik na siyang tumigil sa paglakad nang may sumalubong na babae sa kanila."Sky! Lumiban talaga ako sa practice namin dahil alam kong dadalo ka sa birthday ni Braille." Isang segundo lang siyang binalingan ni Hulyanah na may kasamang taas pa ng kilay.Napalis ang ngiti sa mga labi niya at awtomatikong tumaas din ang kilay.Si Hulyanah ay twenty years old na anak ng isa sa mga katiwala nila sa hacienda. Tumigil na ito sa pag-aaral nang maging vocalist ito ng isang banda.Kahit saan-saan napapadpad ang banda nito lalo na kapag may mga piyesta.Kinuha ba ng mga magulang niya ang banda ng babae para mag-perform sa birthday niya? Hindi na niya napigilan ang sa
Gusto niya tuloy bumalik sa loob ng kwarto at magkulong. Bago pa niya maisipang gawin iyon ay nilapitan na siya ni Sky.Nakangiting inakbayan siya nito na ikinatigas ng mga balikat niya. Kahit nakangiti ito ay parang dama pa rin niya ang kaseryosohan sa ekspresyon ng mukha nito."So, ako pala ang pinakauna sa listahan?" Tanong nito na nakatingin pa rin sa mukha niya habang nananatili ang isang braso sa balikat niya."H-huh?" Parang lutang na tanong niya.He chuckled at para bang nag-aalangan kung dudugtungan ba ang sinabi."Your "crushes" list. Sabi mo pupunuin mo iyon ngayon."Biglang nawala ang awkwardness niya sa narinig. Napalitan uli iyon ng inis.Gusto ba talaga nitong magbilang siya ng mga lalaki? Kahit pa nga sabihing crush lang naman. Hindi ba pwedeng maging one-man woman na kahit crush pa lang?Inis na inalis niya ang pagkakaakbay nito sa kanya. Nagmartsa na siya palayo para bumaba na. Humabol naman agad ito saka nakatawang umakbay uli sa kanya."Don't worry. Tutulungan kita
Lumakas ang palakpakan nang nasa itaas na sila ng stage. Sinalubong sila ni Hulyanah sa itaas.Bahagya itong napasimangot nang mapatitig nang matagal sa magkahawak nilang kamay ni Sky. Agad din namang ngumiti ito nang ibaling ang mga mata sa mukha ng lalaki."Salamat sa paghatid sa birthday girl natin, Sky. Ngayon, ibibigay ko na ang mic kay Braillene at ihanda na natin ang ating mga tenga sa maganda niyang boses!" Anunsiyo uli ni Hulyanah na muntik pang matawa sa huling sinabi nito."Braille, kaya mo iyan!" Magkapanabay na sigaw ng mga kaibigan niya na ngayon ay nasa pinakaharapan sa ibaba ng stage.Nang mapatingin siya sa mga ito ay nakita niya ang nanunuksong mga tingin ng tatlo. Alam ng mga itong patay na patay siya kay Sky.Nanginginig pa yata ang mga kamay niya nang kunin ang inabot na mic ni Hulyanah. Ang laki ng ngiti nito nang bumulong sa kanya."Good luck. Huwag naman sanang umulan pagkatapos mong kumanta, noh?"Muntik na niya itong bigyan ng malalim na irap."Ano'ng kakanta
Inilapit pa niya ang mukha sa salamin habang nire-retouch ang maitim na eyeliner sa mga mata. Inayos niya na rin ang kilay niya. Nang masiyahan ay kinuha niya ang dark lipstick sa bag saka naglagay uli.Nagpa-pout pa siya ng mga labi bago ibinalik ang lipstick sa bag. Sinuklay niya ng mga daliri ang wavy na buhok na hanggang tenga.Iyong tenga niya naman ay may tigtatlong hikaw na silver. Muntik pa nga siyang magpalagay din sa ilong pero hindi niya na lang ginawa. Alam niyang hindi na naman siya titigilan ng sermon ng Mommy niya kung gagawin niya iyon."Ang tagal mo naman diyan, Braille!" Naiinip na sabi ng isa niyang kaklase na katulad niya ay makapal din ang eyeliner at may dark violet na lipstick."Heto na at tapos na!" Sabi niyang lumingon na rito.Nasa loob sila ng C.R ng school. Tapos na ang klase nila sa araw na iyon at papauwi na sila.Pero siyempre, hindi siya didiretso ng bahay. Tatambay muna sila ni Angel, ang may emo-look din niya na friend, sa isang abandonadong bahay sa
Nauna na siyang bumaba pagkahinto ng sasakyan. Patakbong pumasok na siya ng bahay na hindi na hinintay si Sky.Napangiti siya nang makita nga ang Tita Janese niya sa sala nila kausap ang Mommy niya. Na-miss niya na nga rin ito dahil laging hindi nga sila nagpapang-abot sa tuwing dumadalaw ito sa kanila.Madalang na rin kasi siyang tumatambay ng bahay. Nagagalit ang Mommy niya kapag hindi siya nakikita sa loob ng bahay lalo na kapag weekends pero ang Daddy niya ang nagsisilbing abogado niya.Kung hindi dahil sa Daddy niya ay baka nga nakakulong lang siya lagi sa bahay dahil ayaw ng Mommy niyang lumalabas siya.Katwiran ng Daddy niya ay malaki ang tiwala nito sa kanya kaya hinahayaan siya nitong mag-enjoy as long as hindi niya mapapabayaan ang pag-aaral niya."Tita!" Masayang tawag niya sa ina ni Sky. Nakabuka pa ang dalawang braso niya habang papalapit dito."Oh, nandito na pala ang maganda mong anak!" Nakangiting tumayo agad ang babae para salubungin siya ng yakap.Bahagyang sumimango
Kasalukuyan siyang nakahiga nang gabing iyon. Kagagaling lang niya sa tambayan nila pero umuwi naman siya kaagad.Ewan niya pero parang nawawalan na rin ng thrill ang pagsama-sama niya sa grupo nila.Ang ginagawa lang naman kasi nila do'n ay magkwentuhan ng mga drama sa buhay. Tagapakinig lang din naman siya sa mga nagsi-share.Kaya nga siguro tinatawag silang emo-pipz. Parang ngayon niya gustong matawa.Siguro nangangailangan lang talaga siya ng company no'ng mga panahong iyon. Ang emo pipz naman ang willing tumanggap sa kanya.Biglang tumunog ang phone niya. Tinatamad na pilit niyang inaabot iyon sa mesa. Pabuntunghiningang tiningnan niya iyon. Baka si Angel at magtatanong kung bakit siya umuwi kaagad.Napabalikwas siya ng bangon mula sa pagkakahiga habang nanlalaki ang mga mata.Galing kay Sky ang text!Once in a blue moon lang siya nakakatanggap ng mensahe galing dito. Kung magti-text man ito, it's either may pinapatanong lang ang Tita Janese niya, o kaya naman ay may importanteng
Nasanay na siya na laging kasama si Sky tuwing weekends. Dati ay mabibilang na lang ang araw na nakikita niya ito, pero mula nang mag-usap sila tungkol sa kasunduang kasal ng mga ina nila ay every week na itong nasa kanila kahit minsan ay hindi kasama ang ina nito at sina Ara.Feeling niya tuloy ay para siyang nililigawan kahit wala naman itong binibigay na bulaklak or sinasabing kahit ano. Iyon na yata ang sinasabi nitong "getting to know each other more."Nag-iilusyon tuloy siya na M.U na sila, dahil parang gano'n na rin iyon, di ba? Pinag-usapan nila iyong gano'ng set up para hindi na sila mahirapan after two years.Wala na ring sinasabing bagong girlfriend ni Sky ang yaya ni Ara kapag ando'n ito. Sa katunayan ay tinutukso pa siya nito at ng bestfriend nitong katulong nila. Pilit siyang pinapaamin kung sa wakas ay siya na ba ang girlfriend ni Sky.Tumatanggi siya agad pero nakangiti naman kapag nangungulit ang mga ito.Hindi nga bulaklak ang bitbit ni Sky kapag pumupunta sa bahay
"Hey, weird kid, I don't have time for games right now. Nasaan ba si Sky?" Nawawalan na ng pasensiyang sabi ng babae.Kid? Siya ba ang tinatawag nitong kid? Eh, mas matangkad pa nga siya rito."Ano nga ang kailangan mo sa mapapangasawa ko?" Inis na ring tanong niya na humarang pa sa pintuan. Pansamantalang nakakalimutan niya tuloy ang paghihinagpis dahil sa pagkainis sa babaeng nakatayo sa harap niya.Imbes na sagutin siya ay kinuha nito ang phone at may tinawagan. Hindi nito inaalis ang matalim na tingin sa kanya habang hinihintay na sumagot ang nasa kabilang linya."Hello, Sky. Yes, I'm here at your condo. Kukunin ko lang sana iyong naiwan kong... m-may naiwan kasi ako sa kwarto mo. There's this weird kid here na hindi ko alam kung member ng cult or ano-"Bigla niyang hinablot ang phone sa babae na ikinasigaw nito."Kukunin niya yata ang sinadya niyang iwan na bra sa kwarto mo. Ipapapulot ko ba sa kanya sa sahig iyong bra niya? Or itatapon na lang iyon at bibigyan na lang siya ng pa
Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋
Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b
No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g
Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang
Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung
Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN
Malaking-malaki na ang tiyan niya. Kabuwanan na niya kasi. Alam niyang may pasorpresa si Sky sa kanya dahil birthday niya sa araw na iyon.Hindi marunong magtago ng sorpresa ang asawa. Kunwari pa ito na busy na busy raw ito sa trabaho pero alam niyang abala ito sa birthday niya.Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa bahay nila ni Sky sa Maynila. Iyon ang bahay na pinagawa nito at tinuluyan nila no'ng akala niya ay totohanan ang kasal nila.Pinaayos iyong muli ni Sky bago sila tumira roon. Ibinilin nito sa katiwalang kinuha na huwag muna siyang palalabasin ng kwarto para huwag siyang mapagod.Kung hindi lang siya nagkahinala sa plano nitong sorpresa ay hindi niya ito susundin. Sino ba naman ang gaganahang magkulong ng kwarto nang buong araw?Si Ivan ay may pasok sa araw na iyon kaya't tanging ang matandang katiwala ang nakakasama niya lagi.Sinakyan niya na lang din si Sky. Hindi niya ito sinuway. Nanatili nga lang siya sa kwarto pero panay naman ang tanong niya sa katiwala. Baka kasi
Ikinasal nga sila sa huwes nang araw na iyon. Isa na siyang ganap na Mrs. Braillene Dominique Razon!Ngayon ay totohanan na talaga. Iyak nang iyak ang mga ina nila nang ianunsiyo nilang kasal na sila ni Sky. Iyak iyon ng kaligayahan.Excited pa rin ang dalawa sa kasal nila sa simbahan sa susunod na buwan. Habang nasa preparation stage sila ay naging busy rin sila sa ibang mga bagay.Sinamahan siya ni Sky para sa checkup niya. Halos hindi na ito umaalis sa tabi niya mula nang ikasal sila ng lalaki. Saka na lang sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal sa simbahan.Dinalaw nila sa ospital si Brandon. Hindi na makakalakad ang lalaki dahil sa matinding pinsala ng aksidente. Natutunan na rin nila itong patawarin. Ito rin kasi ang nagligtas sa buhay nila mula sa masamang balak ni Audrey.Si Audrey?Hindi na nila binisita ni Sky ang pinsan niya sa mental pero kumukuha sila ng updates. Ang sabi ng doktor ay palala nang palala ang kalagayan nito. Nakita rin nila ang hitsura ni Audrey sa lara
Kahit hindi pa siya nahihimasmasan sa sunod-sunod na rebelasyon at pangyayari ay lumuwas uli sila ni Sky pa-Maynila.Hindi na siya makapaghintay na makita si Ivan. Ang hirap paniwalaan na ang anak na iniyakan niya sa loob ng pitong taon ay buhay na buhay pala at nasa piling ng ama nito.Kahit si Sky ay hindi kayang magmaneho sa tindi ng emosyon nilang dalawa. Pagkatapos silang ma-interview sa presinto dahil sa nangyari kay Audrey at Brandon ay may kinontak agad si Sky para ihatid sila sa bahay nito sa Maynila.Hindi siya nito binibitiwan. Pareho silang nakaupo sa likod. Alam niyang umiiyak din ito habang panay ang halik sa buhok niya. Tahimik ito pero mahigpit ang yakap sa kanya.Siya naman ay halos hihimatayin na naman sa hindi maipaliwanag na emosyon. Ni hindi na niya iniisip muna ang tangkang pagsagasa sa kanila ni Audrey. Akala niya talaga kanina ay katapusan na nila.Nangatal siya sa takot at nang makitang si Audrey ang nagmamaneho ng sasakyang gusto silang banggain ay mas lalong