Share

KABANATA 6

Author: Jewiljen
last update Last Updated: 2022-08-11 07:39:07

Busy sa kusina ang mommy niya pati na rin ang Tita Janese niya. Ang mga ama naman nila ay nasa veranda at nag-uusap na. Sigurado siyang tungkol na naman sa negosyo ang paksa ng mga ito.

Si Ara na batang kapatid ni Sky ay karga-karga naman ng yaya nito.

"Sa labas tayo, Sky!" Agad na hinila niya ang isang kamay nito para akayin papunta sa kwadra ng mga kabayo.

Excited siyang ipakita rito ang bagong kabayo niya na regalo ng ama. Kulay itim iyon at kanina lang din niya nakita. Halos sampu na yata ang mga kabayong alaga nila dahil mahilig din ang ama niya sa kabayo. Sa katunayan, ang ama niya ang nagturo sa kanya mula pa pagkabata kung paano sumakay ng kabayo.

Ang mommy niya lang ang palaging sumasaway sa kanyang mangabayong mag-isa dahil natatakot itong mahulog siya.

Alam niyang may alaga ring kabayo si Sky sa bahay ng mga ito. Katulad ng sa kanila ay may malaking hacienda rin ang mga magulang nito na may iba't-ibang klase ng mga hayop. Halos isang oras din ang layo ng bahay ng mga ito sa kanila.

Napupunta lang siya roon kapag may espesyal na okasyon sa kanila ni Sky. Ang sabi ng mommy niya kasi ay pangit kung sila ang dumadalaw lagi sa bahay ng lalaki lalo pa at ipinagkasundo na silang dalawa. Mas mabuti raw na sila Sky ang laging dumadalaw sa kanila.

Hindi niya man naiintindihan ang logic no'n ay ipinagkibit-balikat niya na lang.

Saka lang niya binitiwan ang kamay ni Sky nang nasa loob na sila ng kwadra. Ayaw niya sanang bitiwan ito dahil masarap sa pakiramdam niya ang hawakan ang kamay nito pero baka makahalata naman si Sky.

Agad na napansin ni Sky ang bagong kabayo nila at nilapitan iyon.

"What's her name?" Hinawakan nito ang mukha ng kabayo habang nilingon siya.

"His name is Atlas, lalaki siya, regalo ni daddy." Nakangiting lumapit na rin siya at nakihimas sa mukha ng kabayo.

Lumuwang ang ngiti ni Sky saka ibinaling nang muli ang tingin sa kabayo.

"Gusto mong subukan natin siya?"

"Can we?" Excited na tanong ni Sky.

"Oo naman. Magaling ka namang mangabayo, eh. Ayoko kasing sumakay mag-isa kasi nga kakabigay lang ni daddy. Baka pareho kaming manibago at baka ihulog lang ako," nakatawang sabi niya.

Ngiti lang ang itinugon ni Sky na nanatiling nakatingin sa kabayo na para bang nag-iisip.

"Sige na, please..." Hinila-hila pa niya ang manggas ng suot nitong polo.

Hindi nga siya nito natiis. Binuksan niya agad ang pinto ng kulungan ni Atlas. Mabuti na lang at maamo ang kabayo at hindi nag-alburoto. Hawak-hawak ni Sky ang renda nito habang inilalabas nila ang hayop sa kulungan.

Inayos muna nila ang saddle ng kabayo nang makalabas. Malaki kasi ang nasasakupan ng hacienda nila kaya't malawak ang lugar para sa pangangabayo.

Inalalayan siya ni Sky na sumakay muna. Hindi na niya naalala na nakabestida pala siya kung makasakay siya.

Pumalatak si Sky na parang naiinis dahil nakakunot ang noo nito.

"W-what?" Nagtatakang tanong niya nang masama ang tingin nito sa kanya.

"You're not a child anymore, Braille. Marami kayong lalaking tauhan dito."

"Oh? Bakit nga?"

Huminga ito nang malalim bago siya sinagot.

"I just saw a glimpse of your... undies. Huwag ka ngang paburara kung kumilos. Ganyan ka ba kapag sumasakay ng kabayo? So lagi kang nasisilipan niyan?" Mas lalo pa yata itong nainis pero napansin niyang medyo namula ang mukha nito.

Sa galit kaya iyon? Or dahil nakita nito ang panty niya?

Imbes na mahiya sa nalaman ay natawa pa siya. Ang cute kasi tingnan ng reaction nito.

"At least may suot na undies. Saka hindi naman manipis ang suot kong pan-"

"Stop! Next time, huwag kang sumakay ng kabayo nang hindi nakapantalon." Agad na pinutol nito ang sasabihin niya saka sumakay na rin ng kabayo.

Sinupil niya na lang ang ngiti nang makitang pulang-pula na ang mukha nito.

Itinuon niya na lang ang tingin sa harap nang maramdamang ganap na itong nakaupo sa likod. Mabilis na hinawakan uli nito ang renda. Pakiramdam niya tuloy ay nakayakap ito sa likod niya.

Kilig na kilig siya sa posisyon nilang iyon.

"Hiyah!" Malakas na sigaw ni Sky habang ikinilos ang dalawang kamay na may hawak ng renda.

Nagsimula na ring gumalaw si Atlas. Tiwala siyang masyado dahil si Sky ang kasama niya. Ito ang unang beses na dalawa silang sakay ng isang kabayo. Mas madalas kasi ay ito lang ang nangangabayo habang nanonood sila.

Ang totoo ay magaling din siyang mangabayo pero dahil patago lang siyang nangangabayong mag-isa ay hindi niya pwedeng ipagyabang din iyon kay Sky. Baka makarating pa sa mommy niya.

Kakutsaba niya lagi ang daddy niya. Kunyari ay angkas siya nito sa kabayo habang papunta sa dulo ng hacienda malayo sa bahay nila. Pagdating do'n ay hinahayaan na siya ng ama na mangabayong mag-isa habang abala ito sa pagbisita sa mga tauhan nilang may mga bahay na nakatayo sa bandang iyon.

Hindi naman siya natatakot na isumbong ng mga ito sa mommy niya dahil kinausap na sila ng daddy niya.

"Here, try holding this. Sa dami ng kabayo ninyo, dapat marunong ka na rin."

Nanindig yata lahat ng balahibo sa batok niya nang maramdaman ang mainit na hininga ni Sky sa batok niya. Nanginginig tuloy ang mga kamay niya nang hawakan ang renda ng kabayo.

Akala yata nito ay dahil iyon sa takot. Nagulat na lang siya nang kasabay ng renda ay hinawakan din nito ang dalawang kamay niya nang mahigpit. So bale parang silang dalawa ang may hawak ng renda.

Ang sweet!

"Don't be afraid. Hindi naman kita hahayaang mahulog dito. Magaling naman talaga pumili ng kabayo mo si Tito. Masyadong mabait itong si Atlas, di ba, Atlas?"

Muli ay dumampi sa balat niya ang hininga nito.

Narinig nila ang pag-ingay ng kabayo na para bang sagot sa sinabi ni Sky. Muntik pa yata siyang makasabay sa tunog ni Atlas sa pagkakawindang niya ngayon.

Hindi binibitiwan ni Sky ang mga kamay niya habang tumatakbo ang kabayo. Sumusunod lang siya sa bawat galaw ng mga kamay nito.

Medyo bumibilis na rin ang takbo ni Atlas pero hindi siya natatakot. Mas mabilis ang pagpapatakbo niya kapag siya lang mag-isa kumpara do'n.

Nadaanan nila ang mga tauhan ng hacienda na busy rin sa pagluluto. Alam niyang dadalhin ng mga iyon ang lulutuin sa bahay nila pagkatapos. Imbitado rin kasi ang mga ito sa tuwing may okasyon sa kanila.

Binabati naman sila ng mga nadaanan nila. Hindi rin nakakaligtaan ng mga ito na batiin siya sa kaarawan niya.

Puro ngiti ang isinasagot nila ni Sky sa mga ito. Pinatigil ni Sky ang kabayo nang mapadako sila sa maliit na batis na siyang nagsisilbing barrier sa kabilang lupa na hindi na nila pag-aari.

Sa gilid ng batis na iyon ay may harang na rin para hindi basta-basta mapapasok nang kahit na sino ang hacienda nila.

Nauna itong bumaba at saka siya hinawakan sa kamay para alalayang bumaba na rin. Ando'n na naman ang kakaibang kiliti sa pagdaop ng mga palad nila.

Kung kanina ay paburara siyang sumakay ng kabayo, ngayon naman ay ingat na ingat siya na huwag magpakita ng panty uli. Alam niya kasing iinit na naman ang ulo ng lalaki.

Ewan nga ba kung bakit na-highblood ito nang makita ang panloob niya kanina, eh, hindi naman iyon butas. Sa katunayan ay napakamahal ng brand ng suot niyang underwear na bigay ng mommy niya. Napaingos siya sa naisip.

Narinig na lang niya ang mahinang pagtawa nito. Bigla siyang napatingin sa mukha ni Sky na sa kanya pala nakatingin.

"Ano bang inisip mo at may paingos-ingos ka pa riyan?" Curious na tanong nito na nakatawa pa rin.

Lumabi lang siya sa lalaki saka nauna nang pumunta sa tabi ng malaking bato at naupo sa lupa. Hindi na naisip na baka madumihan ang suot na damit.

Sumunod na rin ito sa kanya at umupo sa tabi niya. Iyon kasi ang paborito nilang tambayan.

Nang makaupo na ito ay saka siya nagtanong.

"Pang-ilang girlfriend mo na ba sa Rhea?"

Matagal na hindi ito nakaimik.

"Who told you about her?"

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Dimple
selos yan...
goodnovel comment avatar
Jazzy
Kilig hehe
goodnovel comment avatar
Mhariel Co
luh sinong Rhea yan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 7

    Nagkibit-balikat lamang siya na ibinaling na sa ibang direksiyon ang mga mata. Baka kasi makahalata ito na masama ang loob niya dahil hindi ito nag-deny man lang.Narinig niya kasi nang minsang itsinismis ng yaya ng kapatid nitong si Ara ang tungkol sa bagong girlfriend ni Sky sa isa nilang katulong.Sa katunayan, sa yaya ni Ara niya laging nalalaman ang mga naging girlfriends ni Sky."Hindi mo na ba mabilang kung pang-ilan siya?" Kunwari ay hindi siya apektado sa pagkakaroon nito ng girlfriend. Nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa ilog habang pumupulot ng maliit na bato para itapon sa tubig.Imbes na sagutin siya ay tawa lang ang itinugon nito. Inis na ibinaling niya uli ang tingin sa binata."Lahat na lang ba ay idadaan mo sa tawa? Mahirap ba namang sagutin iyon?" Salubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa mukha nito."Woah!" Nagulat ito sa outburst niya at natatawa pa rin naman habang itinaas ang dalawang kamay sa harap niya.Umirap siya rito bago nagsalitang muli."You kn

    Last Updated : 2022-08-11
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 8

    Sinalubong sila ng isang tauhan nila sa hacienda para ito na ang magbalik kay Atlas sa kwadra.Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya habang pabalik na sila ng bahay. Sinadya pa talaga niyang dumikit kay Sky habang naglalakad sila.Nag-init pa ang mga pisngi niya nang hindi sinasadyang mabangga ng kamay niya ang isang kamay nito.Muntik na siyang tumigil sa paglakad nang may sumalubong na babae sa kanila."Sky! Lumiban talaga ako sa practice namin dahil alam kong dadalo ka sa birthday ni Braille." Isang segundo lang siyang binalingan ni Hulyanah na may kasamang taas pa ng kilay.Napalis ang ngiti sa mga labi niya at awtomatikong tumaas din ang kilay.Si Hulyanah ay twenty years old na anak ng isa sa mga katiwala nila sa hacienda. Tumigil na ito sa pag-aaral nang maging vocalist ito ng isang banda.Kahit saan-saan napapadpad ang banda nito lalo na kapag may mga piyesta.Kinuha ba ng mga magulang niya ang banda ng babae para mag-perform sa birthday niya? Hindi na niya napigilan ang sa

    Last Updated : 2022-08-12
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 9

    Gusto niya tuloy bumalik sa loob ng kwarto at magkulong. Bago pa niya maisipang gawin iyon ay nilapitan na siya ni Sky.Nakangiting inakbayan siya nito na ikinatigas ng mga balikat niya. Kahit nakangiti ito ay parang dama pa rin niya ang kaseryosohan sa ekspresyon ng mukha nito."So, ako pala ang pinakauna sa listahan?" Tanong nito na nakatingin pa rin sa mukha niya habang nananatili ang isang braso sa balikat niya."H-huh?" Parang lutang na tanong niya.He chuckled at para bang nag-aalangan kung dudugtungan ba ang sinabi."Your "crushes" list. Sabi mo pupunuin mo iyon ngayon."Biglang nawala ang awkwardness niya sa narinig. Napalitan uli iyon ng inis.Gusto ba talaga nitong magbilang siya ng mga lalaki? Kahit pa nga sabihing crush lang naman. Hindi ba pwedeng maging one-man woman na kahit crush pa lang?Inis na inalis niya ang pagkakaakbay nito sa kanya. Nagmartsa na siya palayo para bumaba na. Humabol naman agad ito saka nakatawang umakbay uli sa kanya."Don't worry. Tutulungan kita

    Last Updated : 2022-08-12
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 10

    Lumakas ang palakpakan nang nasa itaas na sila ng stage. Sinalubong sila ni Hulyanah sa itaas.Bahagya itong napasimangot nang mapatitig nang matagal sa magkahawak nilang kamay ni Sky. Agad din namang ngumiti ito nang ibaling ang mga mata sa mukha ng lalaki."Salamat sa paghatid sa birthday girl natin, Sky. Ngayon, ibibigay ko na ang mic kay Braillene at ihanda na natin ang ating mga tenga sa maganda niyang boses!" Anunsiyo uli ni Hulyanah na muntik pang matawa sa huling sinabi nito."Braille, kaya mo iyan!" Magkapanabay na sigaw ng mga kaibigan niya na ngayon ay nasa pinakaharapan sa ibaba ng stage.Nang mapatingin siya sa mga ito ay nakita niya ang nanunuksong mga tingin ng tatlo. Alam ng mga itong patay na patay siya kay Sky.Nanginginig pa yata ang mga kamay niya nang kunin ang inabot na mic ni Hulyanah. Ang laki ng ngiti nito nang bumulong sa kanya."Good luck. Huwag naman sanang umulan pagkatapos mong kumanta, noh?"Muntik na niya itong bigyan ng malalim na irap."Ano'ng kakanta

    Last Updated : 2022-08-13
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 11

    Inilapit pa niya ang mukha sa salamin habang nire-retouch ang maitim na eyeliner sa mga mata. Inayos niya na rin ang kilay niya. Nang masiyahan ay kinuha niya ang dark lipstick sa bag saka naglagay uli.Nagpa-pout pa siya ng mga labi bago ibinalik ang lipstick sa bag. Sinuklay niya ng mga daliri ang wavy na buhok na hanggang tenga.Iyong tenga niya naman ay may tigtatlong hikaw na silver. Muntik pa nga siyang magpalagay din sa ilong pero hindi niya na lang ginawa. Alam niyang hindi na naman siya titigilan ng sermon ng Mommy niya kung gagawin niya iyon."Ang tagal mo naman diyan, Braille!" Naiinip na sabi ng isa niyang kaklase na katulad niya ay makapal din ang eyeliner at may dark violet na lipstick."Heto na at tapos na!" Sabi niyang lumingon na rito.Nasa loob sila ng C.R ng school. Tapos na ang klase nila sa araw na iyon at papauwi na sila.Pero siyempre, hindi siya didiretso ng bahay. Tatambay muna sila ni Angel, ang may emo-look din niya na friend, sa isang abandonadong bahay sa

    Last Updated : 2022-08-14
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 12

    Nauna na siyang bumaba pagkahinto ng sasakyan. Patakbong pumasok na siya ng bahay na hindi na hinintay si Sky.Napangiti siya nang makita nga ang Tita Janese niya sa sala nila kausap ang Mommy niya. Na-miss niya na nga rin ito dahil laging hindi nga sila nagpapang-abot sa tuwing dumadalaw ito sa kanila.Madalang na rin kasi siyang tumatambay ng bahay. Nagagalit ang Mommy niya kapag hindi siya nakikita sa loob ng bahay lalo na kapag weekends pero ang Daddy niya ang nagsisilbing abogado niya.Kung hindi dahil sa Daddy niya ay baka nga nakakulong lang siya lagi sa bahay dahil ayaw ng Mommy niyang lumalabas siya.Katwiran ng Daddy niya ay malaki ang tiwala nito sa kanya kaya hinahayaan siya nitong mag-enjoy as long as hindi niya mapapabayaan ang pag-aaral niya."Tita!" Masayang tawag niya sa ina ni Sky. Nakabuka pa ang dalawang braso niya habang papalapit dito."Oh, nandito na pala ang maganda mong anak!" Nakangiting tumayo agad ang babae para salubungin siya ng yakap.Bahagyang sumimango

    Last Updated : 2022-08-14
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 13

    Kasalukuyan siyang nakahiga nang gabing iyon. Kagagaling lang niya sa tambayan nila pero umuwi naman siya kaagad.Ewan niya pero parang nawawalan na rin ng thrill ang pagsama-sama niya sa grupo nila.Ang ginagawa lang naman kasi nila do'n ay magkwentuhan ng mga drama sa buhay. Tagapakinig lang din naman siya sa mga nagsi-share.Kaya nga siguro tinatawag silang emo-pipz. Parang ngayon niya gustong matawa.Siguro nangangailangan lang talaga siya ng company no'ng mga panahong iyon. Ang emo pipz naman ang willing tumanggap sa kanya.Biglang tumunog ang phone niya. Tinatamad na pilit niyang inaabot iyon sa mesa. Pabuntunghiningang tiningnan niya iyon. Baka si Angel at magtatanong kung bakit siya umuwi kaagad.Napabalikwas siya ng bangon mula sa pagkakahiga habang nanlalaki ang mga mata.Galing kay Sky ang text!Once in a blue moon lang siya nakakatanggap ng mensahe galing dito. Kung magti-text man ito, it's either may pinapatanong lang ang Tita Janese niya, o kaya naman ay may importanteng

    Last Updated : 2022-08-15
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 14

    Nasanay na siya na laging kasama si Sky tuwing weekends. Dati ay mabibilang na lang ang araw na nakikita niya ito, pero mula nang mag-usap sila tungkol sa kasunduang kasal ng mga ina nila ay every week na itong nasa kanila kahit minsan ay hindi kasama ang ina nito at sina Ara.Feeling niya tuloy ay para siyang nililigawan kahit wala naman itong binibigay na bulaklak or sinasabing kahit ano. Iyon na yata ang sinasabi nitong "getting to know each other more."Nag-iilusyon tuloy siya na M.U na sila, dahil parang gano'n na rin iyon, di ba? Pinag-usapan nila iyong gano'ng set up para hindi na sila mahirapan after two years.Wala na ring sinasabing bagong girlfriend ni Sky ang yaya ni Ara kapag ando'n ito. Sa katunayan ay tinutukso pa siya nito at ng bestfriend nitong katulong nila. Pilit siyang pinapaamin kung sa wakas ay siya na ba ang girlfriend ni Sky.Tumatanggi siya agad pero nakangiti naman kapag nangungulit ang mga ito.Hindi nga bulaklak ang bitbit ni Sky kapag pumupunta sa bahay

    Last Updated : 2022-08-17

Latest chapter

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat muli

    Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   FINAL SPECIAL CHAPTER (Arch-Angel)

    Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 3 (Arch-Angel)

    No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 2 (Arch-Angel)

    Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 1 (Arch-Angel)

    Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat

    Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   FINALE

    Malaking-malaki na ang tiyan niya. Kabuwanan na niya kasi. Alam niyang may pasorpresa si Sky sa kanya dahil birthday niya sa araw na iyon.Hindi marunong magtago ng sorpresa ang asawa. Kunwari pa ito na busy na busy raw ito sa trabaho pero alam niyang abala ito sa birthday niya.Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa bahay nila ni Sky sa Maynila. Iyon ang bahay na pinagawa nito at tinuluyan nila no'ng akala niya ay totohanan ang kasal nila.Pinaayos iyong muli ni Sky bago sila tumira roon. Ibinilin nito sa katiwalang kinuha na huwag muna siyang palalabasin ng kwarto para huwag siyang mapagod.Kung hindi lang siya nagkahinala sa plano nitong sorpresa ay hindi niya ito susundin. Sino ba naman ang gaganahang magkulong ng kwarto nang buong araw?Si Ivan ay may pasok sa araw na iyon kaya't tanging ang matandang katiwala ang nakakasama niya lagi.Sinakyan niya na lang din si Sky. Hindi niya ito sinuway. Nanatili nga lang siya sa kwarto pero panay naman ang tanong niya sa katiwala. Baka kasi

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 77

    Ikinasal nga sila sa huwes nang araw na iyon. Isa na siyang ganap na Mrs. Braillene Dominique Razon!Ngayon ay totohanan na talaga. Iyak nang iyak ang mga ina nila nang ianunsiyo nilang kasal na sila ni Sky. Iyak iyon ng kaligayahan.Excited pa rin ang dalawa sa kasal nila sa simbahan sa susunod na buwan. Habang nasa preparation stage sila ay naging busy rin sila sa ibang mga bagay.Sinamahan siya ni Sky para sa checkup niya. Halos hindi na ito umaalis sa tabi niya mula nang ikasal sila ng lalaki. Saka na lang sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal sa simbahan.Dinalaw nila sa ospital si Brandon. Hindi na makakalakad ang lalaki dahil sa matinding pinsala ng aksidente. Natutunan na rin nila itong patawarin. Ito rin kasi ang nagligtas sa buhay nila mula sa masamang balak ni Audrey.Si Audrey?Hindi na nila binisita ni Sky ang pinsan niya sa mental pero kumukuha sila ng updates. Ang sabi ng doktor ay palala nang palala ang kalagayan nito. Nakita rin nila ang hitsura ni Audrey sa lara

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 76

    Kahit hindi pa siya nahihimasmasan sa sunod-sunod na rebelasyon at pangyayari ay lumuwas uli sila ni Sky pa-Maynila.Hindi na siya makapaghintay na makita si Ivan. Ang hirap paniwalaan na ang anak na iniyakan niya sa loob ng pitong taon ay buhay na buhay pala at nasa piling ng ama nito.Kahit si Sky ay hindi kayang magmaneho sa tindi ng emosyon nilang dalawa. Pagkatapos silang ma-interview sa presinto dahil sa nangyari kay Audrey at Brandon ay may kinontak agad si Sky para ihatid sila sa bahay nito sa Maynila.Hindi siya nito binibitiwan. Pareho silang nakaupo sa likod. Alam niyang umiiyak din ito habang panay ang halik sa buhok niya. Tahimik ito pero mahigpit ang yakap sa kanya.Siya naman ay halos hihimatayin na naman sa hindi maipaliwanag na emosyon. Ni hindi na niya iniisip muna ang tangkang pagsagasa sa kanila ni Audrey. Akala niya talaga kanina ay katapusan na nila.Nangatal siya sa takot at nang makitang si Audrey ang nagmamaneho ng sasakyang gusto silang banggain ay mas lalong

DMCA.com Protection Status