Share

KABANATA 5

Author: Jewiljen
last update Huling Na-update: 2022-07-27 16:01:14

Fourteenth birthday niya at excited siya habang naghihintay ng oras. Alam niya kasing bisita nila uli ang buong pamilya ni Sky. Actually, lagi naman ito sa kanila kapag weekends. Hindi niya alam kung talagang tinotoo ng mga magulang nila ang sinasabing paglapitin na silang dalawa habang bata pa sila.

Napangiti uli siya nang maalala ang kasunduan sa pagitan nilang dalawa ng binata. Apat na taon na lang at magiging eighteen na siya. Parang gusto niya tuloy humiyaw sa sobrang kilig.

Apat na taon na lang at magiging Mrs. Braillene Dominique Razon na siya!

Hindi naman siguro siya sobrang bata na para kay Sky sa edad niya ngayon. Nineteen na si Sky at siya ay fourteen. Baka naman pwede na rin siyang gawing girlfriend na ni Sky. Gusto niya naman kasing maranasan maging girlfriend muna nito bago maging asawa.

Gusto niyang maranasan na i-date ng lalaki saka ipapakilala sa mga kaibigan nito. Itanong niya kaya sa ina if pwede bang maging sila na ni Sky. Napahagikgik siya sa naisip.

Agad na tiningnan niya ang mukha sa salamin. Dalagang-dalaga na nga siya. Mahaba ang buhok niyang may pagkakulot na hanggang kilikili niya. Bagay na bagay daw iyon sa mukha niyang may maumbok na mga pisngi. Gusto niya sanang pumayat pa ang mukha niya pero sabi ng mommy niya, eh, mawawala raw iyon kapag nag-mature na siya.

Napatingin siya sa dibdib. Nagsimula na ring lumaki ang mga iyon kaya't hindi na siya mako-consider na bata pa rin. Naglagay siya uli ng manipis na lipstick saka nilagyan din ang mga pisngi para maging pinkish ang mga iyon.

Sinuklay niya lang ang mahabang buhok at hinayaang nakalugay. Kadalasan kasi ay nakatali iyon dahil tamad na tamad siyang magsuklay lagi. Ngayon ay inilugay niya lang dahil parang mas nagmumukha siyang dalaga kapag gano'n.

Napatingin agad siya sa oras. Malapit nang mag-alas singko ng hapon. Busy ang Mommy niya pati na ang mga katulong nila sa paghahanda para sa birthday niya. Pili lang din naman ang mga bisita. Kadalasan sa mga iyon ay mga kaibigan ng daddy niya sa negosyo. Siyempre, di mawawala sina Sky.

Mamayang seven pa ng gabi magsisimula ang maliit na party para sa kanya pero alam niyang darating na sina Sky before gumabi. Napalingon siya sa pinto nang may mahihinang katok siyang narinig. Agad na bumukas iyon at sumilip ang ina niya.

Ang laki ng ngiti nito nang makita ang ayos niya. Suot niya ay isang simpleng damit na kulay peach na hanggang tuhod ang haba. Sleeveless din iyon at magaan ang tela sa katawan niya.

Mabilis na pumasok na ang mommy niya saka inilahad ang dalawang kamay na akmang yayakapin siya.

"Ang ganda-ganda ng anak ko. Hindi ka na talaga, baby! Halika nga rito. Let me hug you." Parang maiiyak na sabi nito.

Agad na yumakap na siya sa ina at hinalikan ito sa pisngi.

"Thank you, Mom. Siyempre, mana ako sa inyo kaya't maganda." Sinasakyan na niya ang sinabi nito.

Nakita niyang pinahid nito ng daliri ang gilid ng mga mata. Natawa siya.

"Ang mommy talaga! Birthday ko nga lang, eh, umiiyak ka na. Paano na lang kung ikakasal na nga talaga ako?" Bigla na lang iyong lumabas sa bibig niya.

Natigilan silang pareho ng ina. Biglang nag-init ang mga pisngi niya. Baka mahalata ng mommy niya na excited na siyang mangyari ang araw na iyon. Mabuti na lang hindi na nag-comment pa ang ina at ngumiti na lang.

Hinahaplos nito ang mga pisngi niya saka bumuntunghininga.

"I think I want to change my mind," seryosong sabi nito.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya at kinabahan siya sa narinig.

"H-hindi na matutuloy ang kasunduan ninyo ni Tita?" Gusto niyang magprotesta agad.

Hindi pwede! Nakatatak na sa utak niya na magiging Mrs. Razon siya apat na taon mula ngayon.

"I mean... Parang ayaw ko na lang na makasal ka. Kung ikakasal ka man gusto ko kapag thirty years old ka na kasi gusto ko andito ka pa rin sa tabi ko hanggang tumanda ka." Muli ay para na naman itong maiiyak.

Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak na rin sa sinabi nito.

"Gusto ninyo palang tumandang dalaga si Braille, Tita."

Nagulat silang pareho nang makita ang nakangiting si Sky na nakasandal sa pinto ng kwarto niya habang magkasalikop ang mga brasong nakatitig sa kanilang dalawa. Iniwan palang bukas ng ina niya ang pinto kaya't dinig na dinig marahil ni Sky ang napag-usapan nilang mag-ina.

Narinig ba nito ang kasabikan sa boses niya no'ng banggitin niya ang kasal? Nakita rin kaya nito ang pagkabahala niya ng sabihin ng ina na nagbago ang isip nito? Gusto niya na lang lumubog sa kinatatayuan.

"You won't let her become an old maid, right, Sky?" Pabiro na ring sagot ng ina niya.

Mahinang tawa lang ang isinagot naman ni Sky dito. Gusto niyang sumimangot dahil ayaw nitong sagutin nang seryoso ang tanong ng mommy niya.

"Umakyat pala ako para sana ipaalam na dumating na sina Sky. Eh, ito na pala ang kaibigan mo at sinusundo ka na rito," dugtong pa ng ina.

Kaibigan? Kaibigan pa rin ba ang tawag sa kanila kahit ikakasal naman sila sa future? Hindi ba pwedeng boyfriend na lang? Gusto niya sanang sabihin sa mommy niya pero baka makurot pa siya sa singit.

"Oh, siya, bababa na muna ako at marami pa kaming niluluto sa kusina." Agad nang umalis ang ina pagkatapos siyang halikan sa pisngi.

Nang maiwan silang dalawa ni Sky ay saka siya binati nito.

"Happy Birthday!" Matamis ang ngiting bati nito sa kanya saka may inabot sa kanyang regalong nasa maliit na kahon.

Nanlaki ang mga mata niya.

Agad na kinuha niya ang regalo saka namimilog ang matang napatitig do'n pagkatapos ay sa mukha ni Sky.

"Is this our engagement ring already? Am I your official girlfriend now once I wear this ring?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Laking gulat pa niya nang bigla na lang bumunghalit ng tawa si Sky.

Ano'ng nakakatawa sa sinabi niya?

Inirapan niya lang ito nang parang walang balak pa yata itong tumigil sa kakatawa. Ibinaling na lang niya uli ang pansin sa regalo at saka napangiti na nang buksan iyon nang mabilisan. Nang maalis na ang wrapper ng regalo ay tumingin pa siya uli kay Sky bago niya binuksan ang cover ng maliit na kaheta.

Ngiting-ngiti naman si Sky habang hinihintay ang magiging reaksiyon niya.

Oh my! He really wants to see my reaction.

Binuksan niya na nga ang regalo na pinagsisihan niya naman agad. Napalitan ng pagkadismaya ang excitement na naramdaman niya kanina nang makita ang laman. Muntik pa siyang mapasimangot kung hindi lang cute ang design ng kumukutitap na clip sa buhok na laman ng kahetang iyon.

"Now what's with the long face? Pinasadya ko pa iyan, ha? And mind you totoong gold iyan kaya't huwag mong basta-bastang iwawala," nakangiting sabi ni Sky na lumapit na sa kanya. Kinuha nito ang clip na hugis puso na may pangalan niya.

Hanggang leeg lang siya nito kaya't madali nitong nailagay sa gilid ng buhok niya ang clip. Hindi naman siya halos humihinga dahil sa pagkakalapit nilang iyon.

"There." Niyuko pa siya nito para matingnan ang mukha niya pagkatapos mailagay sa buhok ang clip.

Nawala na ang pagkadismayang nararamdaman nang sumilip siya sa malaking salamin sa gilid niya. Bagay na bagay nga sa kanya at saka niya napansin ang hugis pusong design. Bumaling uli siya sa lalaki.

"Thank you. B-bakit heart ang design? Did you plan on giving me this to mark me as your girlfriend?"

Hindi talaga siya matatahimik yata hangga't hindi niya maisatinig ang nasa isip. Imbes na sagutin siya ay ginulo lang nito ang buhok niya habang natatawa uli sa kanya.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jewiljen
Gani. salamat haha
goodnovel comment avatar
Vanessa Labadan Loque
gisundan njud tka dri ha?hehehe
goodnovel comment avatar
Jewiljen
haha. tinutoo nga. Salamat
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 6

    Busy sa kusina ang mommy niya pati na rin ang Tita Janese niya. Ang mga ama naman nila ay nasa veranda at nag-uusap na. Sigurado siyang tungkol na naman sa negosyo ang paksa ng mga ito. Si Ara na batang kapatid ni Sky ay karga-karga naman ng yaya nito."Sa labas tayo, Sky!" Agad na hinila niya ang isang kamay nito para akayin papunta sa kwadra ng mga kabayo.Excited siyang ipakita rito ang bagong kabayo niya na regalo ng ama. Kulay itim iyon at kanina lang din niya nakita. Halos sampu na yata ang mga kabayong alaga nila dahil mahilig din ang ama niya sa kabayo. Sa katunayan, ang ama niya ang nagturo sa kanya mula pa pagkabata kung paano sumakay ng kabayo. Ang mommy niya lang ang palaging sumasaway sa kanyang mangabayong mag-isa dahil natatakot itong mahulog siya. Alam niyang may alaga ring kabayo si Sky sa bahay ng mga ito. Katulad ng sa kanila ay may malaking hacienda rin ang mga magulang nito na may iba't-ibang klase ng mga hayop. Halos isang oras din ang layo ng bahay ng mga ito

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 7

    Nagkibit-balikat lamang siya na ibinaling na sa ibang direksiyon ang mga mata. Baka kasi makahalata ito na masama ang loob niya dahil hindi ito nag-deny man lang.Narinig niya kasi nang minsang itsinismis ng yaya ng kapatid nitong si Ara ang tungkol sa bagong girlfriend ni Sky sa isa nilang katulong.Sa katunayan, sa yaya ni Ara niya laging nalalaman ang mga naging girlfriends ni Sky."Hindi mo na ba mabilang kung pang-ilan siya?" Kunwari ay hindi siya apektado sa pagkakaroon nito ng girlfriend. Nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa ilog habang pumupulot ng maliit na bato para itapon sa tubig.Imbes na sagutin siya ay tawa lang ang itinugon nito. Inis na ibinaling niya uli ang tingin sa binata."Lahat na lang ba ay idadaan mo sa tawa? Mahirap ba namang sagutin iyon?" Salubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa mukha nito."Woah!" Nagulat ito sa outburst niya at natatawa pa rin naman habang itinaas ang dalawang kamay sa harap niya.Umirap siya rito bago nagsalitang muli."You kn

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 8

    Sinalubong sila ng isang tauhan nila sa hacienda para ito na ang magbalik kay Atlas sa kwadra.Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya habang pabalik na sila ng bahay. Sinadya pa talaga niyang dumikit kay Sky habang naglalakad sila.Nag-init pa ang mga pisngi niya nang hindi sinasadyang mabangga ng kamay niya ang isang kamay nito.Muntik na siyang tumigil sa paglakad nang may sumalubong na babae sa kanila."Sky! Lumiban talaga ako sa practice namin dahil alam kong dadalo ka sa birthday ni Braille." Isang segundo lang siyang binalingan ni Hulyanah na may kasamang taas pa ng kilay.Napalis ang ngiti sa mga labi niya at awtomatikong tumaas din ang kilay.Si Hulyanah ay twenty years old na anak ng isa sa mga katiwala nila sa hacienda. Tumigil na ito sa pag-aaral nang maging vocalist ito ng isang banda.Kahit saan-saan napapadpad ang banda nito lalo na kapag may mga piyesta.Kinuha ba ng mga magulang niya ang banda ng babae para mag-perform sa birthday niya? Hindi na niya napigilan ang sa

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 9

    Gusto niya tuloy bumalik sa loob ng kwarto at magkulong. Bago pa niya maisipang gawin iyon ay nilapitan na siya ni Sky.Nakangiting inakbayan siya nito na ikinatigas ng mga balikat niya. Kahit nakangiti ito ay parang dama pa rin niya ang kaseryosohan sa ekspresyon ng mukha nito."So, ako pala ang pinakauna sa listahan?" Tanong nito na nakatingin pa rin sa mukha niya habang nananatili ang isang braso sa balikat niya."H-huh?" Parang lutang na tanong niya.He chuckled at para bang nag-aalangan kung dudugtungan ba ang sinabi."Your "crushes" list. Sabi mo pupunuin mo iyon ngayon."Biglang nawala ang awkwardness niya sa narinig. Napalitan uli iyon ng inis.Gusto ba talaga nitong magbilang siya ng mga lalaki? Kahit pa nga sabihing crush lang naman. Hindi ba pwedeng maging one-man woman na kahit crush pa lang?Inis na inalis niya ang pagkakaakbay nito sa kanya. Nagmartsa na siya palayo para bumaba na. Humabol naman agad ito saka nakatawang umakbay uli sa kanya."Don't worry. Tutulungan kita

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 10

    Lumakas ang palakpakan nang nasa itaas na sila ng stage. Sinalubong sila ni Hulyanah sa itaas.Bahagya itong napasimangot nang mapatitig nang matagal sa magkahawak nilang kamay ni Sky. Agad din namang ngumiti ito nang ibaling ang mga mata sa mukha ng lalaki."Salamat sa paghatid sa birthday girl natin, Sky. Ngayon, ibibigay ko na ang mic kay Braillene at ihanda na natin ang ating mga tenga sa maganda niyang boses!" Anunsiyo uli ni Hulyanah na muntik pang matawa sa huling sinabi nito."Braille, kaya mo iyan!" Magkapanabay na sigaw ng mga kaibigan niya na ngayon ay nasa pinakaharapan sa ibaba ng stage.Nang mapatingin siya sa mga ito ay nakita niya ang nanunuksong mga tingin ng tatlo. Alam ng mga itong patay na patay siya kay Sky.Nanginginig pa yata ang mga kamay niya nang kunin ang inabot na mic ni Hulyanah. Ang laki ng ngiti nito nang bumulong sa kanya."Good luck. Huwag naman sanang umulan pagkatapos mong kumanta, noh?"Muntik na niya itong bigyan ng malalim na irap."Ano'ng kakanta

    Huling Na-update : 2022-08-13
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 11

    Inilapit pa niya ang mukha sa salamin habang nire-retouch ang maitim na eyeliner sa mga mata. Inayos niya na rin ang kilay niya. Nang masiyahan ay kinuha niya ang dark lipstick sa bag saka naglagay uli.Nagpa-pout pa siya ng mga labi bago ibinalik ang lipstick sa bag. Sinuklay niya ng mga daliri ang wavy na buhok na hanggang tenga.Iyong tenga niya naman ay may tigtatlong hikaw na silver. Muntik pa nga siyang magpalagay din sa ilong pero hindi niya na lang ginawa. Alam niyang hindi na naman siya titigilan ng sermon ng Mommy niya kung gagawin niya iyon."Ang tagal mo naman diyan, Braille!" Naiinip na sabi ng isa niyang kaklase na katulad niya ay makapal din ang eyeliner at may dark violet na lipstick."Heto na at tapos na!" Sabi niyang lumingon na rito.Nasa loob sila ng C.R ng school. Tapos na ang klase nila sa araw na iyon at papauwi na sila.Pero siyempre, hindi siya didiretso ng bahay. Tatambay muna sila ni Angel, ang may emo-look din niya na friend, sa isang abandonadong bahay sa

    Huling Na-update : 2022-08-14
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 12

    Nauna na siyang bumaba pagkahinto ng sasakyan. Patakbong pumasok na siya ng bahay na hindi na hinintay si Sky.Napangiti siya nang makita nga ang Tita Janese niya sa sala nila kausap ang Mommy niya. Na-miss niya na nga rin ito dahil laging hindi nga sila nagpapang-abot sa tuwing dumadalaw ito sa kanila.Madalang na rin kasi siyang tumatambay ng bahay. Nagagalit ang Mommy niya kapag hindi siya nakikita sa loob ng bahay lalo na kapag weekends pero ang Daddy niya ang nagsisilbing abogado niya.Kung hindi dahil sa Daddy niya ay baka nga nakakulong lang siya lagi sa bahay dahil ayaw ng Mommy niyang lumalabas siya.Katwiran ng Daddy niya ay malaki ang tiwala nito sa kanya kaya hinahayaan siya nitong mag-enjoy as long as hindi niya mapapabayaan ang pag-aaral niya."Tita!" Masayang tawag niya sa ina ni Sky. Nakabuka pa ang dalawang braso niya habang papalapit dito."Oh, nandito na pala ang maganda mong anak!" Nakangiting tumayo agad ang babae para salubungin siya ng yakap.Bahagyang sumimango

    Huling Na-update : 2022-08-14
  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 13

    Kasalukuyan siyang nakahiga nang gabing iyon. Kagagaling lang niya sa tambayan nila pero umuwi naman siya kaagad.Ewan niya pero parang nawawalan na rin ng thrill ang pagsama-sama niya sa grupo nila.Ang ginagawa lang naman kasi nila do'n ay magkwentuhan ng mga drama sa buhay. Tagapakinig lang din naman siya sa mga nagsi-share.Kaya nga siguro tinatawag silang emo-pipz. Parang ngayon niya gustong matawa.Siguro nangangailangan lang talaga siya ng company no'ng mga panahong iyon. Ang emo pipz naman ang willing tumanggap sa kanya.Biglang tumunog ang phone niya. Tinatamad na pilit niyang inaabot iyon sa mesa. Pabuntunghiningang tiningnan niya iyon. Baka si Angel at magtatanong kung bakit siya umuwi kaagad.Napabalikwas siya ng bangon mula sa pagkakahiga habang nanlalaki ang mga mata.Galing kay Sky ang text!Once in a blue moon lang siya nakakatanggap ng mensahe galing dito. Kung magti-text man ito, it's either may pinapatanong lang ang Tita Janese niya, o kaya naman ay may importanteng

    Huling Na-update : 2022-08-15

Pinakabagong kabanata

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat muli

    Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   FINAL SPECIAL CHAPTER (Arch-Angel)

    Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 3 (Arch-Angel)

    No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 2 (Arch-Angel)

    Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 1 (Arch-Angel)

    Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat

    Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   FINALE

    Malaking-malaki na ang tiyan niya. Kabuwanan na niya kasi. Alam niyang may pasorpresa si Sky sa kanya dahil birthday niya sa araw na iyon.Hindi marunong magtago ng sorpresa ang asawa. Kunwari pa ito na busy na busy raw ito sa trabaho pero alam niyang abala ito sa birthday niya.Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa bahay nila ni Sky sa Maynila. Iyon ang bahay na pinagawa nito at tinuluyan nila no'ng akala niya ay totohanan ang kasal nila.Pinaayos iyong muli ni Sky bago sila tumira roon. Ibinilin nito sa katiwalang kinuha na huwag muna siyang palalabasin ng kwarto para huwag siyang mapagod.Kung hindi lang siya nagkahinala sa plano nitong sorpresa ay hindi niya ito susundin. Sino ba naman ang gaganahang magkulong ng kwarto nang buong araw?Si Ivan ay may pasok sa araw na iyon kaya't tanging ang matandang katiwala ang nakakasama niya lagi.Sinakyan niya na lang din si Sky. Hindi niya ito sinuway. Nanatili nga lang siya sa kwarto pero panay naman ang tanong niya sa katiwala. Baka kasi

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 77

    Ikinasal nga sila sa huwes nang araw na iyon. Isa na siyang ganap na Mrs. Braillene Dominique Razon!Ngayon ay totohanan na talaga. Iyak nang iyak ang mga ina nila nang ianunsiyo nilang kasal na sila ni Sky. Iyak iyon ng kaligayahan.Excited pa rin ang dalawa sa kasal nila sa simbahan sa susunod na buwan. Habang nasa preparation stage sila ay naging busy rin sila sa ibang mga bagay.Sinamahan siya ni Sky para sa checkup niya. Halos hindi na ito umaalis sa tabi niya mula nang ikasal sila ng lalaki. Saka na lang sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal sa simbahan.Dinalaw nila sa ospital si Brandon. Hindi na makakalakad ang lalaki dahil sa matinding pinsala ng aksidente. Natutunan na rin nila itong patawarin. Ito rin kasi ang nagligtas sa buhay nila mula sa masamang balak ni Audrey.Si Audrey?Hindi na nila binisita ni Sky ang pinsan niya sa mental pero kumukuha sila ng updates. Ang sabi ng doktor ay palala nang palala ang kalagayan nito. Nakita rin nila ang hitsura ni Audrey sa lara

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   KABANATA 76

    Kahit hindi pa siya nahihimasmasan sa sunod-sunod na rebelasyon at pangyayari ay lumuwas uli sila ni Sky pa-Maynila.Hindi na siya makapaghintay na makita si Ivan. Ang hirap paniwalaan na ang anak na iniyakan niya sa loob ng pitong taon ay buhay na buhay pala at nasa piling ng ama nito.Kahit si Sky ay hindi kayang magmaneho sa tindi ng emosyon nilang dalawa. Pagkatapos silang ma-interview sa presinto dahil sa nangyari kay Audrey at Brandon ay may kinontak agad si Sky para ihatid sila sa bahay nito sa Maynila.Hindi siya nito binibitiwan. Pareho silang nakaupo sa likod. Alam niyang umiiyak din ito habang panay ang halik sa buhok niya. Tahimik ito pero mahigpit ang yakap sa kanya.Siya naman ay halos hihimatayin na naman sa hindi maipaliwanag na emosyon. Ni hindi na niya iniisip muna ang tangkang pagsagasa sa kanila ni Audrey. Akala niya talaga kanina ay katapusan na nila.Nangatal siya sa takot at nang makitang si Audrey ang nagmamaneho ng sasakyang gusto silang banggain ay mas lalong

DMCA.com Protection Status