Gising na gising na nga si Audrey pero parang dumilat lang din. Nakatunganga lang kasi ito lagi kung hindi man umiiyak.Sinubukan niyang kausapin kanina pa ang pinsan pero parang wala itong naririnig. Nakatitig lang ito sa kawalan. Tanging ang mga mata lang din nito ang nakikita niya dahil may benda pa rin ang buong mukha ng pinsan. Bukas daw ay aalisin na iyon sabi ng doktor.Tumahimik na lang din siya nang wala talagang planong makipag-usap ang pinsan niya. Naiintindihan niya naman ang kalagayan nito. Ang mga magulang niya ay laging abala mula nang maaksidente ang pamilya ni Audrey. Ang dami ng pina-process nila dahil napagdesiyunan ng ina niya na sa kanila na tutuloy ang pinsan niya.Wala naman kasi itong malalapit na kamag-anak sa side ng ama nito sa Australia. Hindi niya alam kung paanong ang mga naiwan ng parents ng pinsan sa Australia ay maibenta para mailagay na sa account ni Audrey.Nakausap na ng Mommy niya si Audrey tungkol doon. Pumayag si Audrey na manatili na nga lang
Nagkukumahog na lumabas siya ng kwarto nang mabanggit ng katiwala na nasa ibaba si Sky.Nakauwi na sila ng Tarlac kasama ni Audrey. Mabuti na lang talaga at wala na silang pasok. Kailangang-kailangan ni Audrey ng makakausap lagi at makakasama sabi ng doktor.Si Sky naman ay mas napapadalas na rin ang punta sa kanila dahil bakasyon na nga. Sa Tarlac din ito naglalagi habang bakasyon pa.Naabutan niya si Sky na naghihintay sa sala at nakaupo sa sofa. Lumaki ang ngiti niya nang makita ang malaking teddy bear sa tabi nito. Ngayon lang uli nagdala ng stuffed toy ang lalaki para sa kanya.Hindi siya agad napansin ng lalaki kaya't nagulat ito nang tumakbo siya papalapit dito. Agad na umupo siya sa bakanteng espasyo sa tabi ng malaking teddy bear. Niyakap niya iyon."Thank you, Sky!" Masayang-masayang sabi niya na hindi na binitiwan ang malambot na stuffed toy.Nagulat man sa biglang pagsulpot niya ay ngumiti na lang din ito."You're always welcome." Kinikilig talaga siya kapag naririnig ang
Gusto niya sanang umakyat na diretso sa kwarto niya at magkulong do'n. Hindi niya kasi gusto ang itinatakbo ng isip niya. Nagi-guilty siya kay Audrey dahil sa inis na unti-unting umusbong sa dibdib niya.Ayaw niyang maging toxic na girlfriend o asawa kung saka-sakali. Hindi pa nga sila ni Sky ay mukhang nagsisimula na siyang magselos sa mga babaeng napapalapit dito, kahit si Audrey nga na pinsan niya ay hindi nakaligtas sa pagseselos niyang iyon.Hindi tama iyong gano'n. Dapat ngayon pa lang ay marunong na siyang kumontrol ng sariling damdamin. Nasa loob siya ng kwadra at hinimas-himas muna ang mukha ni Atlas habang panay ang paghinga nang malalim. Ayaw niya munang lumabas hangga't hindi napapakalma ang sarili.Napalingon siya nang maramdamang may papalapit. Nakita niya si Sky na naglalakad habang nasa tabi nito ang kabayong ginamit nila kanina ni Audrey.Pormal na pormal ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Agad na iniiwas niya ang tingin saka yumuko.Wala itong imik na pinapasok d
Ilang linggo nang hindi nagagawi sa kanila si Sky mula no'ng araw na may hindi pagkakaunawaan ito at si Audrey.Ni hindi ito tumawag o nagtext man lang sa kanya. Si Tita Janese niya naman ay nasa Singapore kasama ng lolo't lola nina Sky at Ara kaya wala siyang matatanong.Nang hindi na siya makatiis ay siya na ang tumawag sa lalaki. Nasa malaking sofa siya at nakahiga habang nakataas ang isang paa sa sandalan no'n. Naka- long pants naman siya kaya't hindi niya alintana ang posisyon niya.Nakabitin pa sa gilid ng sofa ang ulo niya, ang medyo mahaba na niyang buhok ay nasa sahig na.Hinihintay niyang sagutin ni Sky ang tawag. Nang sa wakas ay sagutin nito iyon ay agad na siyang nagtanong bago pa umurong ang dila niya."Sky! Nasaan ka na ba? Bakit hindi ka na pumupunta rito?" Pinipigilan niyang mahalata nito ang pananabik sa boses niya."Bakit may nakaka-miss na ba sa akin diyan?" Seryosong tanong nito na feeling niya ay gusto nga nitong sagutin niya.Napaghahalata na naman 'ata siya ng l
Ilang araw na mula nang banggitin niya kay Audrey ang tungkol sa kasunduang kasal nila ni Sky. Hindi niya maiwasang dumistansiya nang konti sa pinsan kahit wala namang nabago sa pakikitungo nito sa kanya. Naiilang na kasi siya at medyo masama pa rin ang loob niya rito.Simula na ng klase uli.Nakakapag-drive na si Audrey kaya't ito ang pinagamit ng Mommy niya sa isang sasakyan nila. Hindi na siya nakatanggi nang makiusap ang Mommy niya na isabay siya sa pagpasok ni Audrey since madadaanan naman ang school nila bago ang school ng pinsan.Agad na sumang-ayon ito na para bang masayang-masaya pa. Hindi niya alam pero parang lagi na niyang tinatanong sa sarili kung totoo nga ba ang ipinapakita nitong kagiliwan sa kanya.Tahimik na tahimik siya sa loob ng kotse. Hindi rin umiimik si Audrey na siyang nagmamaneho. Nagulat na lang siya nang tumigil na sila. Hindi niya namalayang nasa school na pala sila."Have fun on your first day, Braille." Nakangiting sabi nito sa kanya.Tipid na ngumiti s
Halos araw-araw nilang bisita sa bahay si Jake. Sinasabayan kasi nito sa pag-uwi si Audrey.Kinausap ng Mommy niya ang pinsan niya. Okay lang naman daw dito ang makipagligawan si Audrey basta ba hindi nito pababayaan ang pag-aaral.Sa harap ng mga magulang niya ay mistulang maamong tupa ang pinsan. Pero mula nang makita niya ang iba pang side nito ay hindi na siya kumbinsido sa halos perpektong imaheng ipinapakita nito sa lahat.Bumalik naman sa pagiging mabait sa kanya si Audrey na para bang walang nangyari. Siya lang ang hindi maalis-alis ang pader na basta na lang humarang sa kanilang dalawa.Kasabay niya uli si Audrey papuntang school. Panay ang ngiti nito na para bang kinikilig na hindi niya mawari. Siguro dahil iyon sa isang malaking bouquet ng bulaklak na pina-deliver sa bahay nila kanina."Kayo na ba ni Jake?" Hindi niya mapigilang itanong.Lumingon ito sa kanya nang nakangiti pa rin."Why? Are you so eager to tell Sky again?" Kahit nakangiti ito ay ando'n ang sarcasm sa tono n
Inihulog niya sa labas ng bintana ang mahabang kumot na pinagdugtong-dugtong niya.Tahimik na masyado ang paligid kaya't malakas na ang loob niyang pumuslit palabas ng bahay.Bumili ng bahay ang mga magulang niya sa Maynila na malapit sa paaralan nila ni Audrey. Kahit hindi naman magkapareho ang pinapasukan nila ng pinsan ay parehong malapit lang ang mga iyon sa nabiling bahay ng mga magulang niya.Ang Daddy niya ay laging may business trips sa iba't-ibang lugar. Ang Mommy niya ay hindi maiwan ang hacienda dahil nga wala ang Daddy niya lagi.Sila lang ni Audrey ang nakatira sa bahay na iyon kasama ng isang matandang katiwala na hindi taga-Tarlac.Sinadya yata iyon ng ina para huwag nilang masulsulan na huwag magsumbong sa mga ito kapag may ginagawa silang kabulastugan.Hindi niya naman talaga gustong makasama si Audrey sa Maynila. Gusto niyang mag-request sana sa mga magulang na mag-dorm or kunan na lang siya ng condo unit pero alam niyang hindi papayag ang mga ito.Wala kasing nahihi
Sky's POVA few months ago...Nakaupo siya sa sofa ng condo niya habang malalim na nag-iisip. Sumasakit din talaga ang ulo niya kay Braille.Nakailang sumbong na si Manang Lolita sa kanya tungkol sa pag-uwi-uwi ni Braille nang gabi na masyado.Pinapakiusapan niya naman ang matandang katiwala na huwag na lang banggitin sa parents ni Braille ang tungkol do'n dahil siya na ang bahala. Alam niya kasi na kapag umabot uli iyon sa kaalaman ng Mommy ng babae ay siguradong pababalikin nito ng Tarlac si Braille para do'n na mag-aral uli.Ayaw niya namang magrebelde pa lalo ito kaya hangga't maaari ay siya na muna ang bahala kay Braille."Happy Anniversary!" Nakangiting mukha ni Audrey ang bumungad mula sa kusina.May bitbit itong isang maliit na cake. Awtomatikong napangiti na rin siya. Ito ang nagustuhan niya kay Audrey. Masyado itong sweet kaya nga lang ay hindi nito pwedeng maipakita sa iba kapag nasa Tarlac sila o kapag kaharap nila si Braille.Nanatiling tago ang relasyon nila at hindi niy
Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋
Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b
No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g
Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang
Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung
Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN
Malaking-malaki na ang tiyan niya. Kabuwanan na niya kasi. Alam niyang may pasorpresa si Sky sa kanya dahil birthday niya sa araw na iyon.Hindi marunong magtago ng sorpresa ang asawa. Kunwari pa ito na busy na busy raw ito sa trabaho pero alam niyang abala ito sa birthday niya.Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa bahay nila ni Sky sa Maynila. Iyon ang bahay na pinagawa nito at tinuluyan nila no'ng akala niya ay totohanan ang kasal nila.Pinaayos iyong muli ni Sky bago sila tumira roon. Ibinilin nito sa katiwalang kinuha na huwag muna siyang palalabasin ng kwarto para huwag siyang mapagod.Kung hindi lang siya nagkahinala sa plano nitong sorpresa ay hindi niya ito susundin. Sino ba naman ang gaganahang magkulong ng kwarto nang buong araw?Si Ivan ay may pasok sa araw na iyon kaya't tanging ang matandang katiwala ang nakakasama niya lagi.Sinakyan niya na lang din si Sky. Hindi niya ito sinuway. Nanatili nga lang siya sa kwarto pero panay naman ang tanong niya sa katiwala. Baka kasi
Ikinasal nga sila sa huwes nang araw na iyon. Isa na siyang ganap na Mrs. Braillene Dominique Razon!Ngayon ay totohanan na talaga. Iyak nang iyak ang mga ina nila nang ianunsiyo nilang kasal na sila ni Sky. Iyak iyon ng kaligayahan.Excited pa rin ang dalawa sa kasal nila sa simbahan sa susunod na buwan. Habang nasa preparation stage sila ay naging busy rin sila sa ibang mga bagay.Sinamahan siya ni Sky para sa checkup niya. Halos hindi na ito umaalis sa tabi niya mula nang ikasal sila ng lalaki. Saka na lang sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal sa simbahan.Dinalaw nila sa ospital si Brandon. Hindi na makakalakad ang lalaki dahil sa matinding pinsala ng aksidente. Natutunan na rin nila itong patawarin. Ito rin kasi ang nagligtas sa buhay nila mula sa masamang balak ni Audrey.Si Audrey?Hindi na nila binisita ni Sky ang pinsan niya sa mental pero kumukuha sila ng updates. Ang sabi ng doktor ay palala nang palala ang kalagayan nito. Nakita rin nila ang hitsura ni Audrey sa lara
Kahit hindi pa siya nahihimasmasan sa sunod-sunod na rebelasyon at pangyayari ay lumuwas uli sila ni Sky pa-Maynila.Hindi na siya makapaghintay na makita si Ivan. Ang hirap paniwalaan na ang anak na iniyakan niya sa loob ng pitong taon ay buhay na buhay pala at nasa piling ng ama nito.Kahit si Sky ay hindi kayang magmaneho sa tindi ng emosyon nilang dalawa. Pagkatapos silang ma-interview sa presinto dahil sa nangyari kay Audrey at Brandon ay may kinontak agad si Sky para ihatid sila sa bahay nito sa Maynila.Hindi siya nito binibitiwan. Pareho silang nakaupo sa likod. Alam niyang umiiyak din ito habang panay ang halik sa buhok niya. Tahimik ito pero mahigpit ang yakap sa kanya.Siya naman ay halos hihimatayin na naman sa hindi maipaliwanag na emosyon. Ni hindi na niya iniisip muna ang tangkang pagsagasa sa kanila ni Audrey. Akala niya talaga kanina ay katapusan na nila.Nangatal siya sa takot at nang makitang si Audrey ang nagmamaneho ng sasakyang gusto silang banggain ay mas lalong