Inihulog niya sa labas ng bintana ang mahabang kumot na pinagdugtong-dugtong niya.Tahimik na masyado ang paligid kaya't malakas na ang loob niyang pumuslit palabas ng bahay.Bumili ng bahay ang mga magulang niya sa Maynila na malapit sa paaralan nila ni Audrey. Kahit hindi naman magkapareho ang pinapasukan nila ng pinsan ay parehong malapit lang ang mga iyon sa nabiling bahay ng mga magulang niya.Ang Daddy niya ay laging may business trips sa iba't-ibang lugar. Ang Mommy niya ay hindi maiwan ang hacienda dahil nga wala ang Daddy niya lagi.Sila lang ni Audrey ang nakatira sa bahay na iyon kasama ng isang matandang katiwala na hindi taga-Tarlac.Sinadya yata iyon ng ina para huwag nilang masulsulan na huwag magsumbong sa mga ito kapag may ginagawa silang kabulastugan.Hindi niya naman talaga gustong makasama si Audrey sa Maynila. Gusto niyang mag-request sana sa mga magulang na mag-dorm or kunan na lang siya ng condo unit pero alam niyang hindi papayag ang mga ito.Wala kasing nahihi
Sky's POVA few months ago...Nakaupo siya sa sofa ng condo niya habang malalim na nag-iisip. Sumasakit din talaga ang ulo niya kay Braille.Nakailang sumbong na si Manang Lolita sa kanya tungkol sa pag-uwi-uwi ni Braille nang gabi na masyado.Pinapakiusapan niya naman ang matandang katiwala na huwag na lang banggitin sa parents ni Braille ang tungkol do'n dahil siya na ang bahala. Alam niya kasi na kapag umabot uli iyon sa kaalaman ng Mommy ng babae ay siguradong pababalikin nito ng Tarlac si Braille para do'n na mag-aral uli.Ayaw niya namang magrebelde pa lalo ito kaya hangga't maaari ay siya na muna ang bahala kay Braille."Happy Anniversary!" Nakangiting mukha ni Audrey ang bumungad mula sa kusina.May bitbit itong isang maliit na cake. Awtomatikong napangiti na rin siya. Ito ang nagustuhan niya kay Audrey. Masyado itong sweet kaya nga lang ay hindi nito pwedeng maipakita sa iba kapag nasa Tarlac sila o kapag kaharap nila si Braille.Nanatiling tago ang relasyon nila at hindi niy
Biyernes pa lang pagkatapos ng last subject niya ay pinauwi na siya ng Mommy niya sa Tarlac. Napapangiting-napapailing siya dahil alam niyang excited na excited ito sa debut niya sa Linggo.Kung siya lang talaga ay ayaw niya ng malaking party. Okay na sa kanya ang mag-bar hopping kasama ang mga barkada niya. Sa katunayan ay iyon sana ang plano nila nang gabing iyon kung hindi lang siya pinapauwi ng Mommy niya.Sinundo siya ng driver nila. Si Audrey ay hindi niya masyadong nakikita sa bahay nila halos isang linggo na. Hindi naman siya nagtatanong. Sabi ni Manang Lolita ay dumating daw ang kapatid ng ama nito galing Australia. Siguro kasama ni Audrey ang Tita nito sa side ng ama nito.Ipinagkibit-balikat niya na lang iyon. Hindi naman kasi na bumalik ang dati nilang closeness. Ni hindi na nga sila halos nag-uusap.Napasilip siya sa bintana ng kotse nang sa daan pa lang papasok ng hacienda nila ay may mga nakikita na siyang mga palamuti. Mukhang pinaghandaan talaga ng parents niya ang de
Nakausap na siya ng Tita Janese niya nang masinsinan. Hindi maikakaila ang kasiyahan nito nang yakapin siya dahil sa wakas ay magiging anak na rin daw siya nito.Ang balak niya sana ay ito naman ang kumbinsihin na umatras sa kasunduan nila ng Mommy niya pero hindi niya maatim na alisin ang ngiti sa mga labi nito.Excited na excited na raw ito na tawagin din niyang Mama. Medyo nadismaya pa nga raw ito na hindi sa simbahan ang kasal nila. Ilang years nitong pinaghandaan ang magiging kasal nila ni Sky, at kung ito lang ang masusunod ay gusto nito ng engrandeng kasal sa simbahan.Nagtaka nga ito nang kausapin ng parents niya para sabihing sa huwes daw muna sila ikakasal. Ayaw lang daw ng mga magulang niya na maapektuhan ang pag-aaral nila ni Sky sa paghahanda nila sa kasal lalo pa't graduating na si Sky sa taong iyon.Naging emosyonal din ito kaya't hindi na niya naituloy ang binabalak sabihin. Ngayon niya naiintindihan kung bakit hindi makatutol si Sky sa kasunduang iyon.Namumugto ang m
Abala ang lahat para sa paghahanda bukas. Ang alam ng mga tauhan sa hacienda nila ay para lang iyon sa kaarawan niya. Tanging ang pamilya niya at pamilya ni Sky lang ang nakakaalam na double celebration pala ang magaganap bukas.Halos ayaw na niyang lumabas ng kwarto niya dahil mas lalo lang siyang napi-pressure kapag nakikita ang pagiging abala ng lahat.Napatingin uli siya sa bag na inihanda niya. Pagkatapos nilang mag-dinner mamaya ay saka siya aalis.Bisita nila uli ang pamilya ni Sky. Pinasok pa siya ng Mama nito para kumustahin uli kasama ang Mommy niya. Parang ang dalawa pa nga ang kinakabahan para sa kanya.Mas kapansin-pansin nga lang ang biglang pananahimik ng ina na para bang nagtatalo ang loob nito. Nagdadalawang-isip na rin kaya ito na ipakasal siya kay Sky?Hindi na talaga siya lumabas ng kwarto kinahapunan. Nang tawagin siya para mag-dinner ay saka lang siya bumaba. Ang alam niya ay wala si Sky dahil may inaasikaso raw sabi ng Mama nito. Hindi rin niya napapansin si Aud
Months earlier...SKY'S POV"Friend? You let a friend kiss you on your lips, and hinahayaan mong akbayan ka like he was telling the whole world that you were his girlfriend?" Hindi maipinta ang mukha niyang nakatitig sa kalmadong mukha ni Audrey na nakaupo sa sofa niya sa loob ng condo.Kinumpronta niya ito sa parehong araw na nakita niya ito sa school na hinalikan ng lalaking sumalubong dito sa gate."Sky, it was really nothing. Kung sino man iyang nagsabi sa'yo-""I saw it with my own eyes, Audrey." Putol niya rito.Hindi rin naman siya kumbinsido sa paliwanag nito.He's angry and hurt at the same time!Nagpupuyos ang loob niya habang ini-imagine ang lalaki na pinagsusuntok niya ang mukha.Imbes na mag-sorry si Audrey ay nag-iba na rin ang timpla ng mood nito."Sky, sino ba sa atin ang mas malala? Ako na may harmless fling lang? Or ikaw na simula pa lang ay nakatakda nang ikasal sa pinsan kong iyon? Ni hindi mo ako maipakilala sa iba as your girlfriend! And yes, inaamin ko na, he's j
Sky's POV"You want a fake marriage? Tama ba ang pagkakaintindi ko, iho?" Halos hindi alam ng Tita Laurel niya, ang Mommy ni Braille kung ano ang magiging reaksiyon.Nasa harap siya ng mga magulang ng babae. No'ng isang linggo lang siya kinausap ng Mama niya. Binuksan na uli nito ang tungkol sa paksa ng kasunduang kasal nila ni Braille.Sumang-ayon lang siya sa lahat ng sinabi nito. Napag-usapan na pala nila ng Mommy ni Braille na sa mismong eighteenth birthday nito itatakda ang kasal nila. May anim na buwan pa ang natitira para sa ora-oradang preparasyon.Ang plano ay sa simbahan sa Tarlac kung saan parehong ikinasal ito at ang Tita Laurel niya sila ikakasal ni Braille.Tumango-tango lang siya. Napagdesisyunan na rin niyang tanggapin ang kasunduang iyon ng mga ina nila.Pero may pinaplano rin siyang gawin at hindi niya alam kung paano niya iyon sasabihin sa mga magulang ni Braille. Baka masuntok pa nga siya sa mukha ng ama nito dahil iisipin nitong madedehado ang anak nila dahil ito
Katatapos lang siyang lagyan ng makeup ng baklang makeup artist na kinuha ng ina. Nakaupo siya sa harap ng salamin habang nakatitig sa repleksiyon. Suot na niya ang puting damit na pangkasal niya. Simple lang ang tabas no'n kaya't hindi iisipin ng kung sino mang makakita na pangkasal pala iyon.Sinadya talaga iyon ng ina dahil wala ngang dapat makaalam na kasal din niya sa araw ng kaarawan niya.Nakakapanibago ang hitsura niya dahil wala ang makapal na eyeliner at dark lipstick. Hindi na siya mukhang frustrated na rock star.Nakangiting tumitig din ang mommy niya sa salamin saka idinikit ang pisngi sa pisngi niya."You're so beautiful, anak. Hindi ka na baby. I'm so emotional right now na parang ayaw ko na lang lumabas tayo sa kwartong ito." Gumaralgal ang boses ng ina habang pinapahiran ang sulok ng mga mata nito.Hinawakan niya ang isang kamay nitong nasa balikat niya. Naiiyak din siya pero pinipigilan niya lang at baka ulitin na naman ang pagmi-makeup sa kanya.Nginitian niya ito
Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋
Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b
No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g
Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang
Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung
Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN
Malaking-malaki na ang tiyan niya. Kabuwanan na niya kasi. Alam niyang may pasorpresa si Sky sa kanya dahil birthday niya sa araw na iyon.Hindi marunong magtago ng sorpresa ang asawa. Kunwari pa ito na busy na busy raw ito sa trabaho pero alam niyang abala ito sa birthday niya.Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa bahay nila ni Sky sa Maynila. Iyon ang bahay na pinagawa nito at tinuluyan nila no'ng akala niya ay totohanan ang kasal nila.Pinaayos iyong muli ni Sky bago sila tumira roon. Ibinilin nito sa katiwalang kinuha na huwag muna siyang palalabasin ng kwarto para huwag siyang mapagod.Kung hindi lang siya nagkahinala sa plano nitong sorpresa ay hindi niya ito susundin. Sino ba naman ang gaganahang magkulong ng kwarto nang buong araw?Si Ivan ay may pasok sa araw na iyon kaya't tanging ang matandang katiwala ang nakakasama niya lagi.Sinakyan niya na lang din si Sky. Hindi niya ito sinuway. Nanatili nga lang siya sa kwarto pero panay naman ang tanong niya sa katiwala. Baka kasi
Ikinasal nga sila sa huwes nang araw na iyon. Isa na siyang ganap na Mrs. Braillene Dominique Razon!Ngayon ay totohanan na talaga. Iyak nang iyak ang mga ina nila nang ianunsiyo nilang kasal na sila ni Sky. Iyak iyon ng kaligayahan.Excited pa rin ang dalawa sa kasal nila sa simbahan sa susunod na buwan. Habang nasa preparation stage sila ay naging busy rin sila sa ibang mga bagay.Sinamahan siya ni Sky para sa checkup niya. Halos hindi na ito umaalis sa tabi niya mula nang ikasal sila ng lalaki. Saka na lang sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal sa simbahan.Dinalaw nila sa ospital si Brandon. Hindi na makakalakad ang lalaki dahil sa matinding pinsala ng aksidente. Natutunan na rin nila itong patawarin. Ito rin kasi ang nagligtas sa buhay nila mula sa masamang balak ni Audrey.Si Audrey?Hindi na nila binisita ni Sky ang pinsan niya sa mental pero kumukuha sila ng updates. Ang sabi ng doktor ay palala nang palala ang kalagayan nito. Nakita rin nila ang hitsura ni Audrey sa lara
Kahit hindi pa siya nahihimasmasan sa sunod-sunod na rebelasyon at pangyayari ay lumuwas uli sila ni Sky pa-Maynila.Hindi na siya makapaghintay na makita si Ivan. Ang hirap paniwalaan na ang anak na iniyakan niya sa loob ng pitong taon ay buhay na buhay pala at nasa piling ng ama nito.Kahit si Sky ay hindi kayang magmaneho sa tindi ng emosyon nilang dalawa. Pagkatapos silang ma-interview sa presinto dahil sa nangyari kay Audrey at Brandon ay may kinontak agad si Sky para ihatid sila sa bahay nito sa Maynila.Hindi siya nito binibitiwan. Pareho silang nakaupo sa likod. Alam niyang umiiyak din ito habang panay ang halik sa buhok niya. Tahimik ito pero mahigpit ang yakap sa kanya.Siya naman ay halos hihimatayin na naman sa hindi maipaliwanag na emosyon. Ni hindi na niya iniisip muna ang tangkang pagsagasa sa kanila ni Audrey. Akala niya talaga kanina ay katapusan na nila.Nangatal siya sa takot at nang makitang si Audrey ang nagmamaneho ng sasakyang gusto silang banggain ay mas lalong