Abala ang lahat para sa paghahanda bukas. Ang alam ng mga tauhan sa hacienda nila ay para lang iyon sa kaarawan niya. Tanging ang pamilya niya at pamilya ni Sky lang ang nakakaalam na double celebration pala ang magaganap bukas.Halos ayaw na niyang lumabas ng kwarto niya dahil mas lalo lang siyang napi-pressure kapag nakikita ang pagiging abala ng lahat.Napatingin uli siya sa bag na inihanda niya. Pagkatapos nilang mag-dinner mamaya ay saka siya aalis.Bisita nila uli ang pamilya ni Sky. Pinasok pa siya ng Mama nito para kumustahin uli kasama ang Mommy niya. Parang ang dalawa pa nga ang kinakabahan para sa kanya.Mas kapansin-pansin nga lang ang biglang pananahimik ng ina na para bang nagtatalo ang loob nito. Nagdadalawang-isip na rin kaya ito na ipakasal siya kay Sky?Hindi na talaga siya lumabas ng kwarto kinahapunan. Nang tawagin siya para mag-dinner ay saka lang siya bumaba. Ang alam niya ay wala si Sky dahil may inaasikaso raw sabi ng Mama nito. Hindi rin niya napapansin si Aud
Months earlier...SKY'S POV"Friend? You let a friend kiss you on your lips, and hinahayaan mong akbayan ka like he was telling the whole world that you were his girlfriend?" Hindi maipinta ang mukha niyang nakatitig sa kalmadong mukha ni Audrey na nakaupo sa sofa niya sa loob ng condo.Kinumpronta niya ito sa parehong araw na nakita niya ito sa school na hinalikan ng lalaking sumalubong dito sa gate."Sky, it was really nothing. Kung sino man iyang nagsabi sa'yo-""I saw it with my own eyes, Audrey." Putol niya rito.Hindi rin naman siya kumbinsido sa paliwanag nito.He's angry and hurt at the same time!Nagpupuyos ang loob niya habang ini-imagine ang lalaki na pinagsusuntok niya ang mukha.Imbes na mag-sorry si Audrey ay nag-iba na rin ang timpla ng mood nito."Sky, sino ba sa atin ang mas malala? Ako na may harmless fling lang? Or ikaw na simula pa lang ay nakatakda nang ikasal sa pinsan kong iyon? Ni hindi mo ako maipakilala sa iba as your girlfriend! And yes, inaamin ko na, he's j
Sky's POV"You want a fake marriage? Tama ba ang pagkakaintindi ko, iho?" Halos hindi alam ng Tita Laurel niya, ang Mommy ni Braille kung ano ang magiging reaksiyon.Nasa harap siya ng mga magulang ng babae. No'ng isang linggo lang siya kinausap ng Mama niya. Binuksan na uli nito ang tungkol sa paksa ng kasunduang kasal nila ni Braille.Sumang-ayon lang siya sa lahat ng sinabi nito. Napag-usapan na pala nila ng Mommy ni Braille na sa mismong eighteenth birthday nito itatakda ang kasal nila. May anim na buwan pa ang natitira para sa ora-oradang preparasyon.Ang plano ay sa simbahan sa Tarlac kung saan parehong ikinasal ito at ang Tita Laurel niya sila ikakasal ni Braille.Tumango-tango lang siya. Napagdesisyunan na rin niyang tanggapin ang kasunduang iyon ng mga ina nila.Pero may pinaplano rin siyang gawin at hindi niya alam kung paano niya iyon sasabihin sa mga magulang ni Braille. Baka masuntok pa nga siya sa mukha ng ama nito dahil iisipin nitong madedehado ang anak nila dahil ito
Katatapos lang siyang lagyan ng makeup ng baklang makeup artist na kinuha ng ina. Nakaupo siya sa harap ng salamin habang nakatitig sa repleksiyon. Suot na niya ang puting damit na pangkasal niya. Simple lang ang tabas no'n kaya't hindi iisipin ng kung sino mang makakita na pangkasal pala iyon.Sinadya talaga iyon ng ina dahil wala ngang dapat makaalam na kasal din niya sa araw ng kaarawan niya.Nakakapanibago ang hitsura niya dahil wala ang makapal na eyeliner at dark lipstick. Hindi na siya mukhang frustrated na rock star.Nakangiting tumitig din ang mommy niya sa salamin saka idinikit ang pisngi sa pisngi niya."You're so beautiful, anak. Hindi ka na baby. I'm so emotional right now na parang ayaw ko na lang lumabas tayo sa kwartong ito." Gumaralgal ang boses ng ina habang pinapahiran ang sulok ng mga mata nito.Hinawakan niya ang isang kamay nitong nasa balikat niya. Naiiyak din siya pero pinipigilan niya lang at baka ulitin na naman ang pagmi-makeup sa kanya.Nginitian niya ito
Bitbit niya lang ay isang bag habang nanatiling nakatayo sa gitna ng sala ng condo ni Sky. Si Sky naman ay tinutulungan ng driver ng mga ito na si Mang Johnny sa paghahakot ng mga gamit niya.Tatlong malalaking bags at isang backpack na bitbit niya ngayon ang mga dala niyang gamit.Last week ng first semester nila pero dahil tapos na ang final exam nila ay pwede na silang huwag pumasok talaga. Busy na rin kasi ang mga guro nila sa ibang gawain. Pina-prioritize na ng mga ito ang mga estudyanteng posibleng babagsak sa subjects nila.Kadalasan ang mga estudyanteng iyon lang ang pumapasok sa week na iyon para hanapin ang mga guro nila para magmakaawa o humingi ng ibang projects para maipasa ang subject.Ang gusto ng mommy niya ay samahan sana sila ni Sky pabalik ng Maynila para makita ang condo ng lalaki pero pinigilan na ito ng daddy niya. Alam niyang gustong siguraduhin ng mommy niya kung magkakahiwalay nga ba sila ng tulugan ni Sky.Mas lalo siyang natigilan habang nakatingin lang dito
Tatlong beses na kumurap-kurap ang mga mata niya na halatang antok na antok pa. Nakaharap siya sa cabinet habang nakahiga nang patagilid.Biglang dumilat na nang tuluyan ang mga mata niya nang ma-realize na hindi niya cabinet ang tinititigan niya.Tumihaya siya habang inilibot ang paningin sa loob ng kwarto. Napabalikwas siya ng bangon nang maalalang kwarto nga pala ni Sky iyon, at kama nito ang hinihigaan niya.Napangiti na lang siya nang maisip na kaya siya ando'n dahil mag-asawa na sila nito. Napatingin siya sa nakasarang pinto ng kwarto. Nasa labas si Sky. Sa sala nga ito natutulog.Gusto niyang puntahan ito at silipin kung maayos ba ang pagkakahiga nito pero baka magising ito.Napatingin siya sa oras. Malapit nang mag-alas singko ng umaga. Kailangan na niyang bumangon para maipagluto si Sky. Papasok pa kasi ito sa opisina sa kompanyang pag-aari ng pamilya nito.Kaya nga kahit bakasyon sa school ay wala namang bakasyon si Sky.Dapat nga ay honeymoon nila, eh. Binigyan sila ng Mama
Napatingin siya sa shirt na suot saka alanganing ngumiti kay Sky."Naglinis kasi ako buong araw tapos ano... parang ang presko kasi ng shirt mo kaya hiniram ko muna. Okay lang ba?""May naglilinis dito every Wednesday. You don't have to do all the cleaning.""Okay lang. Wala kasi akong magawa. So, okay lang ba na suot ko itong shirt mo?" Pinalambing pa niya ang boses saka humarap dito."Yeah, sure. That's fine." Mabilis lang na dumaan ang mga mata nito sa suot niya saka iniiwas na agad ang tingin sa kanya.Sumandal ito sa sofa saka pumikit na parang pagod na pagod. Napatitig siya rito. Tumayo siya saka pumunta sa likod nito. Dumako sa mga balikat nito ang mga kamay niya saka sinimulan na itong hilutin.Pabigla ang ginawa nitong pagdilat. Nagulat yata sa ginawa niya.Yumuko siya rito at nginitian ito habang patuloy sa pagmamasahe.Pumikit na lang din ito na parang nagiginhawaan sa ginagawa niya.Walang imik na ipinagpatuloy niya ang pagmamasahe rito. "That feels good, Braille," mahin
Hindi niya nakitaan nang kung ano mang pagkailang si Sky after no'ng nangyari sa kanila sa sala. Normal pa rin ang mga kilos nito. Siya lang iyong hindi maalis-alis sa isip ang mainit na tagpo nila.Maaga pa rin siyang nagigising para ipagluto ito ng almusal bago pumasok sa opisina.Kada uwi nito ay kinukwento nito sa kanya ang mga nangyari sa trabaho. Ang sofa yata ang paborito nilang tambayan. Pakiramdam niya ay umiiwas itong magdikit man lang ang mga balat nila dahil nasa pinakadulo ito ng sofa laging nakaupo habang nasa kabilang dulo rin siya.Hindi na rin niya sinubukan pang akitin ito or magdamit nang daring para lang makuha ang atensiyon nito sexually.Natatakot din siya na ewan pero laging ando'n naman lagi ang kasabikan. Gabi-gabi nga niyang naiisip ang mainit na halikan nila ni Sky. Hindi na kasi nasundan iyon kahit smack. Sa tuwing umaalis ito ay sa pisngi na siya hinahalikan ng asawa at hindi sa lips.Asawa...Parang hindi pa rin siya sanay na tawagin itong asawa pero kin
Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋
Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b
No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g
Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang
Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung
Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN
Malaking-malaki na ang tiyan niya. Kabuwanan na niya kasi. Alam niyang may pasorpresa si Sky sa kanya dahil birthday niya sa araw na iyon.Hindi marunong magtago ng sorpresa ang asawa. Kunwari pa ito na busy na busy raw ito sa trabaho pero alam niyang abala ito sa birthday niya.Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa bahay nila ni Sky sa Maynila. Iyon ang bahay na pinagawa nito at tinuluyan nila no'ng akala niya ay totohanan ang kasal nila.Pinaayos iyong muli ni Sky bago sila tumira roon. Ibinilin nito sa katiwalang kinuha na huwag muna siyang palalabasin ng kwarto para huwag siyang mapagod.Kung hindi lang siya nagkahinala sa plano nitong sorpresa ay hindi niya ito susundin. Sino ba naman ang gaganahang magkulong ng kwarto nang buong araw?Si Ivan ay may pasok sa araw na iyon kaya't tanging ang matandang katiwala ang nakakasama niya lagi.Sinakyan niya na lang din si Sky. Hindi niya ito sinuway. Nanatili nga lang siya sa kwarto pero panay naman ang tanong niya sa katiwala. Baka kasi
Ikinasal nga sila sa huwes nang araw na iyon. Isa na siyang ganap na Mrs. Braillene Dominique Razon!Ngayon ay totohanan na talaga. Iyak nang iyak ang mga ina nila nang ianunsiyo nilang kasal na sila ni Sky. Iyak iyon ng kaligayahan.Excited pa rin ang dalawa sa kasal nila sa simbahan sa susunod na buwan. Habang nasa preparation stage sila ay naging busy rin sila sa ibang mga bagay.Sinamahan siya ni Sky para sa checkup niya. Halos hindi na ito umaalis sa tabi niya mula nang ikasal sila ng lalaki. Saka na lang sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal sa simbahan.Dinalaw nila sa ospital si Brandon. Hindi na makakalakad ang lalaki dahil sa matinding pinsala ng aksidente. Natutunan na rin nila itong patawarin. Ito rin kasi ang nagligtas sa buhay nila mula sa masamang balak ni Audrey.Si Audrey?Hindi na nila binisita ni Sky ang pinsan niya sa mental pero kumukuha sila ng updates. Ang sabi ng doktor ay palala nang palala ang kalagayan nito. Nakita rin nila ang hitsura ni Audrey sa lara
Kahit hindi pa siya nahihimasmasan sa sunod-sunod na rebelasyon at pangyayari ay lumuwas uli sila ni Sky pa-Maynila.Hindi na siya makapaghintay na makita si Ivan. Ang hirap paniwalaan na ang anak na iniyakan niya sa loob ng pitong taon ay buhay na buhay pala at nasa piling ng ama nito.Kahit si Sky ay hindi kayang magmaneho sa tindi ng emosyon nilang dalawa. Pagkatapos silang ma-interview sa presinto dahil sa nangyari kay Audrey at Brandon ay may kinontak agad si Sky para ihatid sila sa bahay nito sa Maynila.Hindi siya nito binibitiwan. Pareho silang nakaupo sa likod. Alam niyang umiiyak din ito habang panay ang halik sa buhok niya. Tahimik ito pero mahigpit ang yakap sa kanya.Siya naman ay halos hihimatayin na naman sa hindi maipaliwanag na emosyon. Ni hindi na niya iniisip muna ang tangkang pagsagasa sa kanila ni Audrey. Akala niya talaga kanina ay katapusan na nila.Nangatal siya sa takot at nang makitang si Audrey ang nagmamaneho ng sasakyang gusto silang banggain ay mas lalong