Tatlong beses na kumurap-kurap ang mga mata niya na halatang antok na antok pa. Nakaharap siya sa cabinet habang nakahiga nang patagilid.Biglang dumilat na nang tuluyan ang mga mata niya nang ma-realize na hindi niya cabinet ang tinititigan niya.Tumihaya siya habang inilibot ang paningin sa loob ng kwarto. Napabalikwas siya ng bangon nang maalalang kwarto nga pala ni Sky iyon, at kama nito ang hinihigaan niya.Napangiti na lang siya nang maisip na kaya siya ando'n dahil mag-asawa na sila nito. Napatingin siya sa nakasarang pinto ng kwarto. Nasa labas si Sky. Sa sala nga ito natutulog.Gusto niyang puntahan ito at silipin kung maayos ba ang pagkakahiga nito pero baka magising ito.Napatingin siya sa oras. Malapit nang mag-alas singko ng umaga. Kailangan na niyang bumangon para maipagluto si Sky. Papasok pa kasi ito sa opisina sa kompanyang pag-aari ng pamilya nito.Kaya nga kahit bakasyon sa school ay wala namang bakasyon si Sky.Dapat nga ay honeymoon nila, eh. Binigyan sila ng Mama
Napatingin siya sa shirt na suot saka alanganing ngumiti kay Sky."Naglinis kasi ako buong araw tapos ano... parang ang presko kasi ng shirt mo kaya hiniram ko muna. Okay lang ba?""May naglilinis dito every Wednesday. You don't have to do all the cleaning.""Okay lang. Wala kasi akong magawa. So, okay lang ba na suot ko itong shirt mo?" Pinalambing pa niya ang boses saka humarap dito."Yeah, sure. That's fine." Mabilis lang na dumaan ang mga mata nito sa suot niya saka iniiwas na agad ang tingin sa kanya.Sumandal ito sa sofa saka pumikit na parang pagod na pagod. Napatitig siya rito. Tumayo siya saka pumunta sa likod nito. Dumako sa mga balikat nito ang mga kamay niya saka sinimulan na itong hilutin.Pabigla ang ginawa nitong pagdilat. Nagulat yata sa ginawa niya.Yumuko siya rito at nginitian ito habang patuloy sa pagmamasahe.Pumikit na lang din ito na parang nagiginhawaan sa ginagawa niya.Walang imik na ipinagpatuloy niya ang pagmamasahe rito. "That feels good, Braille," mahin
Hindi niya nakitaan nang kung ano mang pagkailang si Sky after no'ng nangyari sa kanila sa sala. Normal pa rin ang mga kilos nito. Siya lang iyong hindi maalis-alis sa isip ang mainit na tagpo nila.Maaga pa rin siyang nagigising para ipagluto ito ng almusal bago pumasok sa opisina.Kada uwi nito ay kinukwento nito sa kanya ang mga nangyari sa trabaho. Ang sofa yata ang paborito nilang tambayan. Pakiramdam niya ay umiiwas itong magdikit man lang ang mga balat nila dahil nasa pinakadulo ito ng sofa laging nakaupo habang nasa kabilang dulo rin siya.Hindi na rin niya sinubukan pang akitin ito or magdamit nang daring para lang makuha ang atensiyon nito sexually.Natatakot din siya na ewan pero laging ando'n naman lagi ang kasabikan. Gabi-gabi nga niyang naiisip ang mainit na halikan nila ni Sky. Hindi na kasi nasundan iyon kahit smack. Sa tuwing umaalis ito ay sa pisngi na siya hinahalikan ng asawa at hindi sa lips.Asawa...Parang hindi pa rin siya sanay na tawagin itong asawa pero kin
Tinulungan niya ang mommy niya at ina ni Sky sa pagbitbit ng mga dala ng mga ito. Niyakap naman agad siya ng dalawa na para bang ang tagal nilang hindi nagkita.Si Audrey ay nakatayo sa may pinto nila na nakahalukipkip. Nakita niya ang pagsulpot ni Sky na preskong-presko na ang mukha. Nakikipaghuntahan pa ang mga ina nila sa pasilyo ng condo na puro ngiti lang ang sagot niya. Ang mga mata niya naman ay nakapagkit sa dalawa. Lumingon si Audrey kay Sky. Kitang-kita niya nang matigilan si Sky pagkakita sa babae.Bigla ay parang gusto niyang pumagitna sa dalawa at hawakan sa braso si Sky. Gusto niyang ipamukha sa pinsan na kanya na talaga ang lalaki.Pinag-aralan niya ang mukha ni Sky pero kumunot lang ang noo nito. Hindi nito pinansin si Audrey. Dumiretso ito sa kanila at saka lang ngumiti nang salubungin ang mga ina nila. Hinalikan muna nito sa pisngi ang mommy niya saka sumunod naman ang Mama nito."Naku, parang nawiwili kayo sa buhay mag-asawa ninyo, ah!" Masayang pansin ng Mama nit
Kinuha niya ang ibang malalaking unan at inilagay sa pinakagitna ng kama. Minamadali niya ang pag-aayos no'n habang hindi pa pumasok si Sky.Nang maramdaman niya ang presensiya nito ay ipinagkit niya agad sa mga labi ang napakalaking ngiti. Ayaw niyang mahalata nito na nati-tense siya na matutulog na sila sa iisang kwarto.Muntik pang mapalis ang ngiti niya nang masalubong ang tingin nito. Nakasandal ito sa pinto ng kwarto na iniwan niyang nakabukas. Bitbit nito ang unan at kumot nitong ginagamit sa sala."Gusto mong dagdagan ko pa itong Great Wall of China?" Pabirong tukoy niya sa mga unang pinagpatong-patong niya. Mabuti na lang at may nakita siyang mga unang hindi nagagamit sa loob ng cabinet.Napalunok siya nang nanatiling seryoso ang mukha nito. Pumasok na nga ito nang tuluyan saka ibinaba sa kama ang mga bitbit "Are you sure about this?" Ando'n na naman ang klase ng tingin nito na parang hihigupin pati ang kaluluwa niya."Oo nga. Humiga ka na riyan at maliligo na rin muna ako."
Lagi nang mainit at mapusok ang gabi nila ni Sky. Bilib na bilib naman siya sa self-control nito dahil kahit hubo't-hubad siya at dinadama ng mga kamay at dila nito ang buong katawan niya ay nakaya pa rin nitong pigilan ang sarili na tuluyang angkinin ang pagkababae niya.Kaya siguro kapag ginagawa nila iyon ay hindi nito hinuhubad ang brief. Ironic nga dahil nakita na nito ang buong kaluluwa niya pero siya ay hindi man lang nasilayan pa ang naghuhumindig na alaga nito.Nararamdaman niya nga iyon lagi lalo na kapag dumidiin ito sa katawan niya pero hindi iyon inilalabas ni Sky sa loob ng brief nito.Halos isang linggo na nilang pinapainit ang gabi nila nang wala pa ring nangyayari sa kanila. Minsan ay gusto niyang maawa kay Sky. Kapag kasi naabot na niya ang sukdulan sa pamamagitan lang ng daliri at dila nito ay ito naman ang magpaparaos sa sarili. May mga panahon pa nga na sa loob ng banyo nito ginagawa iyon.Ang sabi ng iba ay sasakit daw ang puson ng lalaki kapag hindi napagbigyan
Pasukan na uli.Parehong may klase sila ni Sky ng alas nuebe ng umaga kaya't madaling araw pa lang ay gising na siya. Gusto niya pa ring magluto ng breakfast nila kahit pa nga fried egg at hotdog lang ang niluluto niya sa umaga.Alam niyang hindi talaga kumakain ng breakfast si Sky. Nasanay itong magkape lang sa umaga, pero mula nang nag-effort siyang magluto para sa lalaki ay hindi ito umaalis na hindi nakakain ang hinanda niya kahit pa nga if ma-late pa ito.Pareho silang nagmamadali sa pagkain kaya't halos wala silang imikan. First day of school para sa second semester na kasi.Mabuti na lang at madadaanan ni Sky ang school nila papuntang school nito. Ihahatid muna siya ng lalaki.Nang nasa loob na sila ng kotse ay saka siya nakangiting bumaling rito."Apelyido ko pa rin pala ang ginagamit ko sa school now kasi iyon pa rin naman ang lumalabas sa documents ko. Kailan ko nga pala papalitan iyong apelyido ko ng Razon?" Naalala niyang itanong sa asawa.Natigilan ito sa tanong niya nang
Wala silang imikan hanggang sa makapasok sa unit nito. Hindi rin niya alam kung paano ito ia-approach kung gano'ng parang wala pa rin ito sa mood.Dumiretso ito sa kwarto nila. Para naman siyang engot na buntot nang buntot dito.Isa-isa nitong hinubad ang mga damit. nang makalapit sa paanan ng kama nila. Basta na lang nitong inilagay sa ibabaw ng kama ang mga damit na nahubad. Para naman siya naestatwa na nanatiling nakatingin dito hanggang sa ang brief na lang nito ang naiwan.Nang akmang huhubarin na rin nito iyon ay saka lang siya parang natauhan. Agad na tumalikod siya. Kahit naman halos gabi-gabi niyang nakikita at nahahawakan ang katawan ng lalaki ay nahihiya pa rin siya.Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo ay saka siya humarap. Lumapit siya sa kama at iniligpit ang mga hinubad nitong damit. Namumulang napangiti pa siya nang damputin ang brief nito.Parang may urge siyang amuyin iyon, pero siyempre hindi niya ginawa. Nahihiya pa rin naman siya sa sarili niya.Hindi
Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋
Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b
No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g
Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang
Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung
Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN
Malaking-malaki na ang tiyan niya. Kabuwanan na niya kasi. Alam niyang may pasorpresa si Sky sa kanya dahil birthday niya sa araw na iyon.Hindi marunong magtago ng sorpresa ang asawa. Kunwari pa ito na busy na busy raw ito sa trabaho pero alam niyang abala ito sa birthday niya.Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa bahay nila ni Sky sa Maynila. Iyon ang bahay na pinagawa nito at tinuluyan nila no'ng akala niya ay totohanan ang kasal nila.Pinaayos iyong muli ni Sky bago sila tumira roon. Ibinilin nito sa katiwalang kinuha na huwag muna siyang palalabasin ng kwarto para huwag siyang mapagod.Kung hindi lang siya nagkahinala sa plano nitong sorpresa ay hindi niya ito susundin. Sino ba naman ang gaganahang magkulong ng kwarto nang buong araw?Si Ivan ay may pasok sa araw na iyon kaya't tanging ang matandang katiwala ang nakakasama niya lagi.Sinakyan niya na lang din si Sky. Hindi niya ito sinuway. Nanatili nga lang siya sa kwarto pero panay naman ang tanong niya sa katiwala. Baka kasi
Ikinasal nga sila sa huwes nang araw na iyon. Isa na siyang ganap na Mrs. Braillene Dominique Razon!Ngayon ay totohanan na talaga. Iyak nang iyak ang mga ina nila nang ianunsiyo nilang kasal na sila ni Sky. Iyak iyon ng kaligayahan.Excited pa rin ang dalawa sa kasal nila sa simbahan sa susunod na buwan. Habang nasa preparation stage sila ay naging busy rin sila sa ibang mga bagay.Sinamahan siya ni Sky para sa checkup niya. Halos hindi na ito umaalis sa tabi niya mula nang ikasal sila ng lalaki. Saka na lang sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal sa simbahan.Dinalaw nila sa ospital si Brandon. Hindi na makakalakad ang lalaki dahil sa matinding pinsala ng aksidente. Natutunan na rin nila itong patawarin. Ito rin kasi ang nagligtas sa buhay nila mula sa masamang balak ni Audrey.Si Audrey?Hindi na nila binisita ni Sky ang pinsan niya sa mental pero kumukuha sila ng updates. Ang sabi ng doktor ay palala nang palala ang kalagayan nito. Nakita rin nila ang hitsura ni Audrey sa lara
Kahit hindi pa siya nahihimasmasan sa sunod-sunod na rebelasyon at pangyayari ay lumuwas uli sila ni Sky pa-Maynila.Hindi na siya makapaghintay na makita si Ivan. Ang hirap paniwalaan na ang anak na iniyakan niya sa loob ng pitong taon ay buhay na buhay pala at nasa piling ng ama nito.Kahit si Sky ay hindi kayang magmaneho sa tindi ng emosyon nilang dalawa. Pagkatapos silang ma-interview sa presinto dahil sa nangyari kay Audrey at Brandon ay may kinontak agad si Sky para ihatid sila sa bahay nito sa Maynila.Hindi siya nito binibitiwan. Pareho silang nakaupo sa likod. Alam niyang umiiyak din ito habang panay ang halik sa buhok niya. Tahimik ito pero mahigpit ang yakap sa kanya.Siya naman ay halos hihimatayin na naman sa hindi maipaliwanag na emosyon. Ni hindi na niya iniisip muna ang tangkang pagsagasa sa kanila ni Audrey. Akala niya talaga kanina ay katapusan na nila.Nangatal siya sa takot at nang makitang si Audrey ang nagmamaneho ng sasakyang gusto silang banggain ay mas lalong