Seducing My Baby's Father

Seducing My Baby's Father

last updateLast Updated : 2022-02-28
By:  Rina  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
8 ratings. 8 reviews
85Chapters
61.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ano ang gagawin mo kung ang taong pinakamamahal mo higit kaninuman ay sapilitang inilayo sa iyo? "I'll seduce him," sagot niya. "Hindi lang para bawiin ang nararapat sa akin, kundi para iparamdam din sa kanya ang sakit na naranasan ko noong kinuha niya ang anak ko."

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1

"Hindi ka sasama kay Maris patungong Japan!" Ang dumadagundong na boses ni Manong Leroy ang pumukaw sa mga luhang kanina pa pinipigilan ni Lera. Niyakap siya ng inang si Nora, na pinapahupa ang mainit na tensyon sa pagitan ng mag-ama. Kakatuntong pa lamang niya sa legal na edad nang nakaraang buwan, nang ayain siya ni Maris, matalik niyang kaibigan, na sumama sa tiyahin nito patungong Japan. "Itay, mataas raw po magpasahod ang mga hapon sabi ng tiyahin ni Maris. Nakita n'yo po ba ang ipinapagawa niyang konkretong bahay? Katas po iyon ng pagtatrabaho niya sa Japan. Gusto ko lang naman po na makaahon tayo sa hirap." Sunod-sunod na lumuha si Lera ngunit hindi siya nag-abalang punasan iyon. Nais niyang ipaunawa sa mga magulang na para sa kanila ang kagustuhan niyang magtrabaho sa ibang bansa. "Mag-aaral ka at hindi magsasayaw sa harap ng mga hapon!" Kunot na kunot ang noo ng kan'yang ama at matalim ang titig na ipinukol sa kan'ya. Hindi ito

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
angel040983
better write in english so that everybody can read.
2023-07-25 11:57:13
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-11-08 02:18:43
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-08-16 07:16:32
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-08-16 07:15:52
0
user avatar
Rina
Hi! Please also support my novel entitled, THE BEAUTIFUL MISTAKE. Kaka-publish lang under this app. Sana basahin n'yo . Salamat ...️
2022-06-30 18:49:34
3
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-04-08 07:42:54
1
user avatar
Rina
Thank you sa mga nagbibigay ng gems at nag-a-unlock ng chapters. ... I'll appreciate it also kung makakapagbigay kayo ng review, suggestion or comments. I am also planning to make an english version of this story ... 'Yon lang! Salamat.
2022-03-24 11:59:00
1
user avatar
Mathapelo Maraba
Can we not get English vision of this book
2022-03-09 05:56:55
1
85 Chapters

Kabanata 1

"Hindi ka sasama kay Maris patungong Japan!" Ang dumadagundong na boses ni Manong Leroy ang pumukaw sa mga luhang kanina pa pinipigilan ni Lera. Niyakap siya ng inang si Nora, na pinapahupa ang mainit na tensyon sa pagitan ng mag-ama. Kakatuntong pa lamang niya sa legal na edad nang nakaraang buwan, nang ayain siya ni Maris, matalik niyang kaibigan, na sumama sa tiyahin nito patungong Japan.  "Itay, mataas raw po magpasahod ang mga hapon sabi ng tiyahin ni Maris. Nakita n'yo po ba ang ipinapagawa niyang konkretong bahay? Katas po iyon ng pagtatrabaho niya sa Japan. Gusto ko lang naman po na makaahon tayo sa hirap." Sunod-sunod na lumuha si Lera ngunit hindi siya nag-abalang punasan iyon. Nais niyang ipaunawa sa mga magulang na para sa kanila ang kagustuhan niyang magtrabaho sa ibang bansa. "Mag-aaral ka at hindi magsasayaw sa harap ng mga hapon!" Kunot na kunot ang noo ng kan'yang ama at matalim ang titig na ipinukol sa kan'ya. Hindi ito
Read more

Kabanata 2

"Kumusta ang pag-aaral mo sa America, Lucas?" Lihim na napairap si Lucas Valle sa tanong ng kan'yang ina na si Ginang Juana Valle. Nasa hapag sila at pinagsasaluhan ang ipinalutong kakanin ng ginang sa mga katulong. Alas-tres pa lamang ng hapon kaya wala pa ang isa niyang kuya na si Dominic, na siyang abala sa pamamahala sa kanilang sakahan at mga lupain sa Sta. Ignacia. Ang panganay naman sa mga Valle na si Alexis ay mayroon ng asawa at sa ibayong lungsod na naninirahan upang hawakan ang negosyong iniwan ng kanilang ama doon, kasama ang isa pa nilang kapatid na lalaki na si Zeus. Itinabi niya ang platong naglalaman ng malagkit na suman. "Could you please just give me tuna salad? or perhaps cookies? Anything except this one. I don't like it," aniya sa katulong na napangiwi nang marinig ang pag-i-ingles niya. Hindi niya gusto ang mga putaheng ipinapahain ng ina. Sa loob ng anim na taon na pananatili sa Amerika ay nasanay na ang dila niya sa ban
Read more

Kabanata 3

Isa sa mga mahahalagang bilin kay Lera ng kan'yang ina ay panatilihin ang kabirhenan hanggang sa mahanap niya ang lalaking magbibigay ng tunay na pag-ibig sa kan'ya. Iyon ang kan'yang nasa isipan habang nagpupumiglas sa lalaking sinisiil siya ng h***k. Pilit siyang kumakawala sa higpit ng yakap nito subalit higit na malakas ang lalaki at nagawa pa nitong pumaibabaw sa kan'ya. Matindi ang pangangamoy ng alak sa bibig ng estranghero kaya pakiramdam niya'y ganoon na rin ang amoy ng kan'yang katawan nang masimula itong h*****k sa bawat parte. Buong lakas niya itong itinulak ngunit hindi ito ininda ng lalaki at sa halip ay inipit pa ang ilang hibla ng kan'yang buhok sa likod ng tainga bago siya gawaran ng h***k, na ngayon ay masuyo na at puno ng pag-iingat. Ang banayad na paghalik nito sa kan'yang mga labi ay tila gamot na unti-unting nagpakalma sa kan'ya. Ito ang unang pagkakataon na n*******n siya, hindi niya man aminin ay nagugustuhan ni
Read more

Kabanata 4

Ang mahimbing na pagtulog ni Mateo ay naistorbo ng ingay ng mga tao sa labas ng kubo. Papungas-pungas pa siyang dumilat habang iniinda ang sakit ng ulo. Kaagad niyang inilibot ang tingin sa apat na sulok ng kubo. Pilit na inaalala kung paano siya napunta doon.  Hindi niya pa man nasasagot ang sariling katanungan ay nabalot muli siya ng pagtataka nang makitang wala siyang saplot pang-itaas at tanging panloob lamang ang tumatakip sa kan'yang ibaba. Dali-dali siyang bumangon at hinanap ang kan'yang mga damit. Isinuot niya ito nang mabilisan nang marinig ang pagkalampag sa pintuan. Mayroong nagbubukas nito. "Sino ka? Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ng may edad nang babae na pumasok. Hindi siya pinansin ni Lucas. Sa halip ay kinuha nito ang pitakang nasa papag, ngunit napatigil siya nang makita ang kulay pulang mantsa doon, tila ito dugo. Lumalim ang pagkakakunot ng kan'yang noo.  Sa isipan niya'y isang panaginip
Read more

Kabanata 5

Bahagyang naaaninag ni Lera ang itsura ng lalaki sa larawan, subalit bago niya pa man lubusang makilala ito ay nakuha na iyon ng hepe mula kay Ginang Juana. Kaagad na nagbigay ng utos ang hepe sa kan'yang mga kapulisan upang hanapin ang anak na bunso ng mga Valle. "Ano'ng nangyari kay Haya, Luisa?" tanong ng ginang sa pinsan ng kan'yang yumaong asawa. Bahagyang ikwenento ni Luisa ang nangyari sa anak at ang ginawang pagtulong ni Lera. Napaayos sa pagkakaupo si Lera nang tumingin sa kan'ya ang pinakamarangyang ginang sa kanilang bayan. Yumuko ang kan'yang ama't ina, na nakatayo sa likod niya, bilang paggalang, habang siya nama'y mataman na nakipagtitigan dito. Iniisip niyang napakaswerte ng mga mayayaman dahil bukod sa limpak-limpak na pera nila ay marami pa silang pribelihiyo, kagaya nito. Hindi pa isang araw na nawawala ang bunsong anak ni Ginang Juana ay mabilis nang tinugunan ng hepe ang kahilingan na hanapin ito, samantalang ang ka
Read more

Kabanata 6

Mabilis na bumaba ng sasakyan si Lucas nang huminto ito sa himpilan ng pulisya. Subalit napatigil siya nang makasalubong ang ina. Nasa likod nito si Haya at Luisa, na kan'yang sadya sa lugar.Hindi niya inaasahan na makita doon ang ina lalo pa't malayo ang loob nito sa mga kamag-anak ng ama.Sa kabila nang hindi nila magandang pag-uusap kahapon ay bumeso pa din siya dito bilang paggalang.Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Ginang Juana, kahit pa ang totoo'y nakahinga siya nang maluwag na makita ang anak.Nilagpasan siya ni Lucas. Nagtungo ito sa kan'yang pinsan.Napaawang ang kan'yang labi nang makita ang benda sa ulo at pasa nito. Marahas siyang bumuntong hininga upang kontrolin ang galit na namumuo sa kan'yang dibdib."Where are those morons?" Ikinuyom niya ang kamao. Labis ang pagbabantay niya sa pinsang si Haya nang nasa America sila, kaya hindi niya matanggap na basta na lamang ito sasaktan ng sinuman.Hinawakan ni Luisa ang
Read more

Kabanata 7

Dalawang linya ibig sabihin ay positibo.Mariing pumikit si Lera matapos pagmasdan ang dalawang guhit sa pregnancy test kit. Hindi niya akalaing magbubunga ang gabing pagbabaya niya.Ang sabi ng university nurse na sumuri sa kan'ya, hindi pa raw lubos na sigurado ang resulta dahil isang beses lamang siyang sumubok. Kailangan niya pa'ng magpakonsulta sa doktor.Pinasadahan niya ng tingin ang calling card ng doktor na ibinigay nito. Saan siya kukuha ng pera pambayad sa pagpapakonsulta, gayong ang pambaon niya nga sa araw-araw ay pinoproblema na nila."Anak, kakain na tayo." Bago pa man maitabi ng ina ni Lera ang kurtinang nagsisilbing pintuan sa kan'yang kwarto ay naitago niya na ang pregnancy test kit.Isa pa'ng problema niya'y kung paano sasabihin sa mga magulang na siya'y nagdadalang-tao. Tiyak niyang magtataka ito lalo pa't wala siyang nobyo at higit sa lahat ay nangako siyang magtatapos ng pag-aaral bago bumuo ng pamilya.Sum
Read more

Kabanata 8

Ang magandang sikat ng araw ay hindi nakatulong para mabigyan ng sigla ang bahay ng mga Santillan. Ang dating masayang pagsasalo-salo sa hapag ay nauwi sa tahimik na tensyon sa pagitan ni Lera at kan'yang mga magulang.Ilang araw niya nang tinitiis ang hindi pagpansin ng ama at ina sa kan'ya. Naiintindihan niya dahil kasalanan niya."Hindi na po ako papasok sa eskwela." Hinintay niyang makaalis ang kapatid upang masabi iyon.Imbes na sumagot ay tumayo ang ama at walang pasabing iniwanan siya. Napatingin siya sa ina."Nasasaktan kami sa ginawa mo'ng ito anak. Pero nand'yan na iyan, wala na tayong magagawa."Alam niyang hindi siya matitiis ng ina. Tinanggap nito ang kan'yang sitwasyon at sinamahan siya na magpatingin sa pampublikong doktor.Tatlong buwan na ang nasa sinapupunan niya. Tunay nga'ng mayroong batang mabubuo sa loob niya."Nora! Buntis ka?" tanong ng kapitbahay nila nang maabutan sila sa health center at kagaya nito ay kumuk
Read more

Kabanata 9

"Please, Babe, understand me this time. I need to return home to keep my promise to my mom. I need to run our business there for at least a short time." Nag-iisang linya na ang kilay ni Lucas sa pakikiusap kay Maica na payagan siya nitong bumalik ng Pilipinas. Higit tatlong taon na simula nang huli siyang umuwi sa Sta. Ignacia, pero ang huli niyang kita sa ina ay noong graduation niya. Pumunta ito sa America upang dumalo sa kan'yang pagtatapos. Muli ay pinakiusapan siya nitong umuwi na sa Pilipinas upang hawakan ang isa sa mga bagong lupain na nabili nito. Nangako siyang susunod sa ina ngunit mariin ang pagtutol ni Maica, dahilan upang manatili pa siya ng isang taon sa bansa. Nagkaroon ng tampo ang kan'yang ina at ito ang pinakamatagal na panahon na hindi siya nito kinausap kung kaya uuwi siya sa ayaw at gusto ng nobya. "You resigned from your job without my knowledge, and you also booked a flight back to the Philippines, and now you're begging me to let you.
Read more

Kabanata 10

Lukso ng dugo o pagkagiliw sa bata. Ano nga ba ang nararamdaman ni Lucas para kay Arim?Maingat na isinasalangsang ni Lucas ang limang paper bags na naglalaman ng damit pambata at mga laruan sa likod ng kan'yang kotse.Pagkatapos ng kan'yang meeting ay dumiretso siya sa bayan upang bilhin ang mga iyon."Para kanino ang mga iyan?" Usisa ng kan'yang ina. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang matapos silang mag-usap nito sa mansyon patungkol sa ipapatayo niyang negosyo."Para sa apo ng kasambahay ni Tito Esteban," kaswal niyang sagot sa ina.Mataman siyang tinitigan nito."Kailan ka pa nahilig na bumili ng gamit para sa ibang bata?" Alam ni Ginang Juana na walang hilig ang anak sa mga bata, maliban na lamang kung nagbago na ito simula nang manirahan sa ibang bansa.Sandaling napatigil si Lucas sa ginagawa at marahan na isinara ang likod na pintuan ng kan'yang kotse. Napaisip siya. Bakit nga ba tila napakaespesyal ni Arim para sa kan'ya?
Read more
DMCA.com Protection Status