"Hindi ka sasama kay Maris patungong Japan!" Ang dumadagundong na boses ni Manong Leroy ang pumukaw sa mga luhang kanina pa pinipigilan ni Lera.
Niyakap siya ng inang si Nora, na pinapahupa ang mainit na tensyon sa pagitan ng mag-ama.
Kakatuntong pa lamang niya sa legal na edad nang nakaraang buwan, nang ayain siya ni Maris, matalik niyang kaibigan, na sumama sa tiyahin nito patungong Japan.
"Itay, mataas raw po magpasahod ang mga hapon sabi ng tiyahin ni Maris. Nakita n'yo po ba ang ipinapagawa niyang konkretong bahay? Katas po iyon ng pagtatrabaho niya sa Japan. Gusto ko lang naman po na makaahon tayo sa hirap."
Sunod-sunod na lumuha si Lera ngunit hindi siya nag-abalang punasan iyon. Nais niyang ipaunawa sa mga magulang na para sa kanila ang kagustuhan niyang magtrabaho sa ibang bansa.
"Mag-aaral ka at hindi magsasayaw sa harap ng mga hapon!" Kunot na kunot ang noo ng kan'yang ama at matalim ang titig na ipinukol sa kan'ya. Hindi ito galit sa anak, bagkus ay sa kan'yang sarili dahil kahit ano'ng pagsusumikap niyang mabigyan ng masaganang buhay ang pamilya ay nananatili pa din silang mahirap.
Magsasaka ang ama ni Lera sa malawak na lupain ng pamilya Valle, ang pinakamayamang pamilya sa Sta. Ignacia. Ang kan'yang ina naman ay naninilbihan bilang kasambahay sa mansyon ng alkalde ng kanilang bayan.
Binitiwan siya ng ina at masuyong inalo ang kan'yang ama.
"Hindi po ako magsasayaw doon katulad ng iniisip n'yo, waitress po ang magiging trabaho namin doon." Gustuhin niya man mag-aral ay alam niyang imposible iyon.
Baon na sila sa utang dahil sa pagkakasakit ng nag-iisa niyang bunsong kapatid, na si Mikoy.
"Hindi ka aalis!" Pinal na sabi ng kan'yang ama subalit umiling siya bilang pagtutol.
Kinuha niya ang bag na naglalaman ng kan'yang mga damit. Niligpit niya iyon kanina upang dalhin sa pag-alis nila bukas ni Maris kasama ang tiyahin nito.
Nakayuko niyang hinarap ang mga magulang.
"Nasa tamang edad na po ako para magdesisyon sa sarili ko. Para po ito sainyo. Maiintindihan n'yo rin po ako kapag nakarating na ako doon."
Nahihiya siya na suwayin ang mga magulang sa unang pagkakataon. Buong buhay niya ay ngayon lamang siya hindi susunod sa mga ito.
Hindi niya na nakita pa ang reaksyon ng magulang dahil tumakbo na siya paalis. Maging ang pagtawag ng kan'yang kapatid at ina sa pangalan niya ay hindi naging dahilan upang lumingon siya at bumalik dito.
Lumaki siya sa payak na pamumuhay. Kumakain sila sa tamang oras at naibibigay ng kan'yang mga magulang ang mga pangangailangan nila. Subalit, nagbago iyon nang magkaroon ng komplikasyon sa baga ang kapatid niya. Nabaon sila sa utang, na hindi niya alam kung hanggang kailan nila matatapos bayaran.
Hindi niya maatim na makitang halos magkandakuba-kuba na ang kan'yang ama't ina sa pagtatrabaho. Hindi niya nanaisin na maging ang pag-aaral niya sa kolehiyo ay dumagdag pa sa pasanin ng mga ito.
Gamit ang kanang kamay ay pinahid niya ang luha sa kan'yang mga mata. Tumingala siya sa kalangitan at nakita ang napakaraming bituin na nakapalibot sa bilugang buwan.
"Pagdating ko sa Japan ay ang langit na ito pa din ang makikita ko. Wala naman magbabago, parehong hangin pa din ang malalanghap ko."
Niyakap niya ang maliit na bag na naglalaman ng kaunti niyang mga damit.
Lumingon siya sa daang tinahak niya kanina.
"Pangako inay, itay, at Mikoy, iaahon ko kayo sa hirap." Tumalikod na siya at muling tinahak ang masukal at madilim na daan patungo sa kabukiran kung saan nakatira si Maris.
Malapit na ang bahay ni Maris dahil natatanaw niya na ang ilaw ng mga kabahayan. Bibilisan niya sana ang paglalakad nang mapahinto siya ng isang mahinang halinghing.
"Tulong!" boses ng isang babae ang narinig niya kasunod ng napakalakas na tunog ng tila pagsampal.
Puno ng talahib ang gilid ng daan ngunit ang liwanag ng buwan ang nagsilbing ilaw niya upang makita kung saan nagmumula ang ingay.
Nakita niya ang tila pagbubukas ng zipper ng pantalon ng dalawang malalaking lalaki habang nakasalampak naman sa talahiban ang isang babae.
Napasinghap siya nang maunawaan kung ano ang nangyayari. Nagkubli siya sa malaking puno ng narra habang nag-iisip kung ano ang nararapat gawin.
Pinalaki siyang mabuting tao at matulungin sa kapwa. Hindi niya maaatim na iwanan ang babaeng humihingi ng tulong sa ganoong sitwasyon.
Malalim siyang nag-isip, may kalayuan ang himpilan ng pulis at kung uunahin niya ang paghingi ng tulong sa mga kabahayan na ilang metro pa ang layo ay baka tuluyan nang magawan ng masama ng dalawang lalaki ang babae.
Sinilip niyang muli ang mga ito sa likod ng puno. Kaagad siyang nataranta nang makitang pumaibabaw ang isang lalaki sa babae Mabilis niyang iginala ang paningin sa paligid upang maghanap ng bagay na maaaring gamitin bilang panlaban sa mga ito.
Napukaw ang kan'yang atensyon ng isang may kalakihang bato. Hindi na siya nagdalawang isip na kunin iyon. Humakbang siya palapit sa dalawang lalaking nakatalikod at buong lakas na ipinukol ang bato.
Natamaan ang baywang ng lalaking nakatayo. Uminda ito ng sakit subalit hindi iyon sapat upang mapatumba ito. Sa halip ay naalarma ito at hinanap kung sino ang bumato. Bago pa man makapagtago si Lera ay nakita na siya ng dalawa.
Nanlaki ang kan'yang mga mata at kaagad na pinanlamigan ng katawan.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong kumaripas siya ng takbo.
Damang-dama niya ang takot nang habulin siya ng dalawang lalaki. Hindi niya alam kung saan siya magtutungo basta't tumatakbo na lamang siya sa gitna ng damuhan, nang hindi inaasahang matalisod siya at madapa.
"Kung sweswertihin ka nga naman! Hindi man natin nakuha ang pamangkin ni mayor pero mukhang 'di hamak na mas maganda ang babaeng pumalit," sigaw ng isang lalaki na mayroong hawak na patalim. Mahina na itong naglalakad palapit sa kan'ya.
Lumingon sa kanila si Lera. Masakit ang kan'yang paa dahil sa pagkakatalisod ngunit hindi niya iyon ininda. Inabot niya ang kan'yang bag at buong pwersa itong itinapon sa dalawa.
Kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang tumayo at muling tumakbo.
Humahangos siyang nagkubli sa isang malaking bato. Ilang hakbang na lamang ay may mga kabahayan na.
Sumilip siya sa parte ng kakahuyan kung saan siya nanggaling. Nakita niya ang dalawang lalaki na panay ang lingon sa paligid.
Hinanap niya ang pinakamalapit na bahay upang humingi ng tulong, hanggang sa makita niya ang maliit na tila abandonadong kubo. Ilang malalaking hakbang ang kan'yang ginawa upang makarating doon.
Kaagad niyang isinara ang pintuan nang makapasok.
Ang kaunting liwanag mula sa maliit na siwang ng nakasarang bintana ay hindi nakatulong upang maaninag niya ang nasa loob. Kumapa siya sa dilim ngunit walang kahit anumang bagay siyang mahawakan doon.
Sa kan'yang paglalakad ay mayroon siyang nasaging mga gamit na tuluyang nahulog sa sahig. Lumikha iyon ng ingay kaya napatakip siya ng bibig.
Nagpatuloy siya sa paglalakad nang maapakan niya ang isang matalim na bagay sa sahig. Nadapa siya at bumagsak sa papag.
"Miss, lumabas ka na." Nangilabot siya nang marinig ang boses ng lalaki sa labas ng kubo.
Nagsumiksik siya sa pinakagilid ng papag, hanggang sa mayroon siyang makapa na sa wari niya ay unan o gamit. Dinaganan niya ito.
Dahil sa matinding kaba, matagal bago niya naramdaman na ang bagay na nadadaganan niya ay tila gumagalaw.
Suminghot-singhot pa siya nang maamoy ang alak. Sinundan niya iyon at 'di inaasahang dumapo ang kan'yang labi sa isang malambot na bagay kung saan nanggagaling ang amoy.
Lumayo siya dito nang mapagtantong isang tao ang nadadaganan niya.
Subalit bago pa siya tuluyang makatayo ay kinabig siya nito pahilig sa d****b.
Akmang aalis muli siya sa ibabaw nito, nang marinig niya ang sapilitang pagbubukas ng pintuan at boses ng humahabol sa kan'ya.
Wala siyang ibang pagpipilian kun'di gisingin ang lalaki sa kan'yang ilalim para humingi ng tulong.
"Gumising ka," mahina niya itong sinampal subalit ungol lamang ang isinukli nito at marahang pagdantay ng kamay sa kan'yang likod.
Maya-maya pa'y tumigil ang pagbukas ng pintuan hanggang sa narinig niya ang papalayong mga yabag.
Akala niya'y ligtas na siya ngunit ang magian na pagkakayakap ng hindi kilalang lalaki sa kan'yang baywang ay humigpit.
Pilit siyang kumakawala dito ngunit napatigil siya nang isang mariing h***k ang iginawad sa kan'ya ng estrangherong iniibabawan niya.
"Kumusta ang pag-aaral mo sa America, Lucas?" Lihim na napairap si Lucas Valle sa tanong ng kan'yang ina na si Ginang Juana Valle. Nasa hapag sila at pinagsasaluhan ang ipinalutong kakanin ng ginang sa mga katulong. Alas-tres pa lamang ng hapon kaya wala pa ang isa niyang kuya na si Dominic, na siyang abala sa pamamahala sa kanilang sakahan at mga lupain sa Sta. Ignacia. Ang panganay naman sa mga Valle na si Alexis ay mayroon ng asawa at sa ibayong lungsod na naninirahan upang hawakan ang negosyong iniwan ng kanilang ama doon, kasama ang isa pa nilang kapatid na lalaki na si Zeus. Itinabi niya ang platong naglalaman ng malagkit na suman. "Could you please just give me tuna salad? or perhaps cookies? Anything except this one. I don't like it," aniya sa katulong na napangiwi nang marinig ang pag-i-ingles niya. Hindi niya gusto ang mga putaheng ipinapahain ng ina. Sa loob ng anim na taon na pananatili sa Amerika ay nasanay na ang dila niya sa ban
Isa sa mga mahahalagang bilin kay Lera ng kan'yang ina ay panatilihin ang kabirhenan hanggang sa mahanap niya ang lalaking magbibigay ng tunay na pag-ibig sa kan'ya. Iyon ang kan'yang nasa isipan habang nagpupumiglas sa lalaking sinisiil siya ng h***k. Pilit siyang kumakawala sa higpit ng yakap nito subalit higit na malakas ang lalaki at nagawa pa nitong pumaibabaw sa kan'ya. Matindi ang pangangamoy ng alak sa bibig ng estranghero kaya pakiramdam niya'y ganoon na rin ang amoy ng kan'yang katawan nang masimula itong h*****k sa bawat parte. Buong lakas niya itong itinulak ngunit hindi ito ininda ng lalaki at sa halip ay inipit pa ang ilang hibla ng kan'yang buhok sa likod ng tainga bago siya gawaran ng h***k, na ngayon ay masuyo na at puno ng pag-iingat. Ang banayad na paghalik nito sa kan'yang mga labi ay tila gamot na unti-unting nagpakalma sa kan'ya. Ito ang unang pagkakataon na n*******n siya, hindi niya man aminin ay nagugustuhan ni
Ang mahimbing na pagtulog ni Mateo ay naistorbo ng ingay ng mga tao sa labas ng kubo. Papungas-pungas pa siyang dumilat habang iniinda ang sakit ng ulo. Kaagad niyang inilibot ang tingin sa apat na sulok ng kubo. Pilit na inaalala kung paano siya napunta doon. Hindi niya pa man nasasagot ang sariling katanungan ay nabalot muli siya ng pagtataka nang makitang wala siyang saplot pang-itaas at tanging panloob lamang ang tumatakip sa kan'yang ibaba. Dali-dali siyang bumangon at hinanap ang kan'yang mga damit. Isinuot niya ito nang mabilisan nang marinig ang pagkalampag sa pintuan. Mayroong nagbubukas nito. "Sino ka? Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ng may edad nang babae na pumasok. Hindi siya pinansin ni Lucas. Sa halip ay kinuha nito ang pitakang nasa papag, ngunit napatigil siya nang makita ang kulay pulang mantsa doon, tila ito dugo. Lumalim ang pagkakakunot ng kan'yang noo. Sa isipan niya'y isang panaginip
Bahagyang naaaninag ni Lera ang itsura ng lalaki sa larawan, subalit bago niya pa man lubusang makilala ito ay nakuha na iyon ng hepe mula kay Ginang Juana. Kaagad na nagbigay ng utos ang hepe sa kan'yang mga kapulisan upang hanapin ang anak na bunso ng mga Valle. "Ano'ng nangyari kay Haya, Luisa?" tanong ng ginang sa pinsan ng kan'yang yumaong asawa. Bahagyang ikwenento ni Luisa ang nangyari sa anak at ang ginawang pagtulong ni Lera. Napaayos sa pagkakaupo si Lera nang tumingin sa kan'ya ang pinakamarangyang ginang sa kanilang bayan. Yumuko ang kan'yang ama't ina, na nakatayo sa likod niya, bilang paggalang, habang siya nama'y mataman na nakipagtitigan dito. Iniisip niyang napakaswerte ng mga mayayaman dahil bukod sa limpak-limpak na pera nila ay marami pa silang pribelihiyo, kagaya nito. Hindi pa isang araw na nawawala ang bunsong anak ni Ginang Juana ay mabilis nang tinugunan ng hepe ang kahilingan na hanapin ito, samantalang ang ka
Mabilis na bumaba ng sasakyan si Lucas nang huminto ito sa himpilan ng pulisya. Subalit napatigil siya nang makasalubong ang ina. Nasa likod nito si Haya at Luisa, na kan'yang sadya sa lugar.Hindi niya inaasahan na makita doon ang ina lalo pa't malayo ang loob nito sa mga kamag-anak ng ama.Sa kabila nang hindi nila magandang pag-uusap kahapon ay bumeso pa din siya dito bilang paggalang.Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Ginang Juana, kahit pa ang totoo'y nakahinga siya nang maluwag na makita ang anak.Nilagpasan siya ni Lucas. Nagtungo ito sa kan'yang pinsan.Napaawang ang kan'yang labi nang makita ang benda sa ulo at pasa nito. Marahas siyang bumuntong hininga upang kontrolin ang galit na namumuo sa kan'yang dibdib."Where are those morons?" Ikinuyom niya ang kamao. Labis ang pagbabantay niya sa pinsang si Haya nang nasa America sila, kaya hindi niya matanggap na basta na lamang ito sasaktan ng sinuman.Hinawakan ni Luisa ang
Dalawang linya ibig sabihin ay positibo.Mariing pumikit si Lera matapos pagmasdan ang dalawang guhit sa pregnancy test kit. Hindi niya akalaing magbubunga ang gabing pagbabaya niya.Ang sabi ng university nurse na sumuri sa kan'ya, hindi pa raw lubos na sigurado ang resulta dahil isang beses lamang siyang sumubok. Kailangan niya pa'ng magpakonsulta sa doktor.Pinasadahan niya ng tingin ang calling card ng doktor na ibinigay nito.Saan siya kukuha ng pera pambayad sa pagpapakonsulta, gayong ang pambaon niya nga sa araw-araw ay pinoproblema na nila."Anak, kakain na tayo." Bago pa man maitabi ng ina ni Lera ang kurtinang nagsisilbing pintuan sa kan'yang kwarto ay naitago niya na ang pregnancy test kit.Isa pa'ng problema niya'y kung paano sasabihin sa mga magulang na siya'y nagdadalang-tao. Tiyak niyang magtataka ito lalo pa't wala siyang nobyo at higit sa lahat ay nangako siyang magtatapos ng pag-aaral bago bumuo ng pamilya.Sum
Ang magandang sikat ng araw ay hindi nakatulong para mabigyan ng sigla ang bahay ng mga Santillan. Ang dating masayang pagsasalo-salo sa hapag ay nauwi sa tahimik na tensyon sa pagitan ni Lera at kan'yang mga magulang.Ilang araw niya nang tinitiis ang hindi pagpansin ng ama at ina sa kan'ya. Naiintindihan niya dahil kasalanan niya."Hindi na po ako papasok sa eskwela." Hinintay niyang makaalis ang kapatid upang masabi iyon.Imbes na sumagot ay tumayo ang ama at walang pasabing iniwanan siya. Napatingin siya sa ina."Nasasaktan kami sa ginawa mo'ng ito anak. Pero nand'yan na iyan, wala na tayong magagawa."Alam niyang hindi siya matitiis ng ina. Tinanggap nito ang kan'yang sitwasyon at sinamahan siya na magpatingin sa pampublikong doktor.Tatlong buwan na ang nasa sinapupunan niya. Tunay nga'ng mayroong batang mabubuo sa loob niya."Nora! Buntis ka?" tanong ng kapitbahay nila nang maabutan sila sa health center at kagaya nito ay kumuk
"Please, Babe, understand me this time. I need to return home to keep my promise to my mom. I need to run our business there for at least a short time." Nag-iisang linya na ang kilay ni Lucas sa pakikiusap kay Maica na payagan siya nitong bumalik ng Pilipinas. Higit tatlong taon na simula nang huli siyang umuwi sa Sta. Ignacia, pero ang huli niyang kita sa ina ay noong graduation niya. Pumunta ito sa America upang dumalo sa kan'yang pagtatapos. Muli ay pinakiusapan siya nitong umuwi na sa Pilipinas upang hawakan ang isa sa mga bagong lupain na nabili nito. Nangako siyang susunod sa ina ngunit mariin ang pagtutol ni Maica, dahilan upang manatili pa siya ng isang taon sa bansa. Nagkaroon ng tampo ang kan'yang ina at ito ang pinakamatagal na panahon na hindi siya nito kinausap kung kaya uuwi siya sa ayaw at gusto ng nobya. "You resigned from your job without my knowledge, and you also booked a flight back to the Philippines, and now you're begging me to let you.
Pag-ibig. Isang makapangyarihang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin."Relax Lucas." Ang pampapalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inaayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa ngunit naroon pa din ang kaba."Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo."Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?" Ang mga naglalakad
Ang maingay at masayang mansyon ay nabalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Lera ay bumalik siya sa panahon kung saan pinagpaplanuhan niya pa lamang na bawiin ang anak. Nakakapanibago. Nakakalungkot."Hindi talaga naubusan ng paraan si Ginang Juana para makuha sa'yo ang mag-ama mo."Hindi pinansin ni Lera ang sinabi ng kaibigan. Ang kan'yang mga mata ay tutok sa wedding gown na ipinadala kaninang umaga ng designer sa mansyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya kahapon pa lang siya nakaabiso dito na kanselado ang kasal."Ikakasal na kayo bukas pero nagawa pa din ni Lucas na umalis kasama pa si Arim," dagdag pa ni Maris na umupo sa kama at pinagmasdan ang malungkot na kaibigan."Nasabihan mo na ba ang mga bisita na hindi na tuloy ang kasal bukas?" pagkalaon ay tanong ni Lera.Marahan na tumango si Maris. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kaibigan, ngunit wala naman siyang magagawa kung sa bandang huli ay nais maging kontrabida ni Ginang Juana.
Ang pag-ibig ay mas matamis sa ikalawang pagkakataon. Tama nga siguro ang kasabihan dahil walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ng puso ni Lucas at ni Lera. Tila ba isang gamot na pampalimot ang pag-ibig, na nagawa nitong burahin sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan noon."Papa, tama po ba ito?" tanong ni Arim habang pilit na itinatali ang munting na kurbata sa kan'yang leeg.Bahagyang umupo si Lucas upang magpantay sila ng anak at inayos ang pagkakatali ng kurbata. Napangiti siya nang makita na maliit na bersyon niya ang anak dahil pareho sila ng suot pati ang pagkakahagod ng buhok palikod."Papunta na daw siya dito." Mabilis siyang napaayos ng tayo nang marinig ang humahangos na boses ni Maris.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago pa man patayin ang ilaw doon.Nabalot ng dilim ang function hall ng hotel na ipina-reserve niya. Kinuntsaba niya ang malalapit na kaibigan ni Lera kabilang na si Jervy, na nirerespeto ang
Ang katahimikan ng gabi ay hindi napapansin ni Lera dahil ang kan'yang isipan ay ukopado nang naging pag-uusap nila kahapon ng kan'yang mag-ama. Partikular na ang katanungan ng mga ito sa kan'ya. Kung hindi lamang siguro pumasok sa loob ng silid ang kan'yang Nanay Nora ay baka napatango na siya. Subalit, ano pa ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Si Ginang Juana ba? Malayo na si Ginang Juana at kung magtitiwala lamang siya kay Lucas ay madali para sa kanila na magkaroon ng isang buong pamilya. "Tulog na si Arim?" Ang pagpasok ni Lucas sa silid ay hindi niya napansin. Mabilis siyang napabangon sa higaan at kinapa ang noo ng bata. Mayroon itong sinat kaninang umaga. "Nakatulog na din. Mamaya kapag tumaas pa ang lagnat ay gigisingin ko para uminom ng gamot." Hindi niya naiwasan ang humikab matapos sabihin iyon. Umupo si Lucas sa paanan ng kama. "Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Matulog ka na sa kwarto mo," anito. Umiling siya. H
Mula sa terasa ng kwarto ay nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang kan'yang mag-ama at si Mikoy na maglaro ng basketball. Gumawa ng maliit na basketball court sa likod bahay si Lucas nang isang araw.Narinig niya ang halakhakan ng mga ito nang pumalya si Mikoy sa pag-shoot ng bola.Ang kan'yang malawak na ngiti ay naglaho nang tumuon sa kan'ya ang tingin ni Lucas. Itinuro siya nito na animo'y sinasabing para sa kan'ya ang pagtira nito ng bola sa ring.Narinig niya pa ang kantyawan ni Arim at Mikoy sa kanila. Hindi niya alam kung kailan naging close ang dalawa dahil simula nang bumalik siya ay parang ito na ang magkapatid.Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang mag-bounce lang pabalik ang bola. Humalukipkip siya at mataray na pinasadahan ng tingin si Lucas."Sira 'yong ring! Aayusin ko ito mamaya," sigaw nito nang tumalikod siya.Walang pasok kung kaya sabay-sabay silang kumain ng tanghalian sa bakuran. Sariwa ang ha
Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan. "Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato. Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono. "Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar. Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas. Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi. "Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito. Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.
Ang hirap magdesisyon kapag hindi umaayon sa'yo ang sitwasyon."Ipa-kidnap na lang natin si Arim. May kakilala ako'ng sindikato," seryosong saad ni Maris na ikinairap ni Lera.Bakit nga ba siya nagtatanong pa ng payo dito? Wala naman siyang makuhang matinong sagot.Kinuha niya ang bag at handa nang umalis sa opisina. Uuwi siya sa mansyon nila sa Sta. Ignacia, kagaya ng kondisyon na ibinigay niya sa anak. Mananatili sila sa Pilipinas kasama si Lucas ngunit doon sila maninirahan."Bye! Hoping for a comeback!"Naiiling na iniwan niya ang kaibigan. Hindi niya alam kung saan ba ito pumapanig. Isa pa'y wala naman balikan na mangyayari dahil walang nakikipagbalikan. Ang kanilang pagsasama ngayon ay para na lamang sa bata. Sa mga susunod na araw ay binabalak niya nang kumbinsihin ang anak at ipaunawa dito ang magiging set-up nila ni Lucas bilang magulang. Ipapaliwanag niya na hindi na sila pwedeng magsama sa iisang bubong."Mabuti naman kung hindi n
"Ikaw ang haligi ng tahanan. Keep your family in the loop. You are their protector. There is no reason to give up. Alam ko naman na hindi ka susuko, but I just wanted to remind you that dad didn't raise us to be ungentleman. Harapin mo ang problema mo. Bawiin mo ang pamilya mo. Ako na ang bahala kay mommy."Ang mga sinabi ng kan'yang kapatid na si Dominic ang nagpapalakas sa loob ni Lucas.Isang araw ang nilaan niya upang bigyan ng lakas ang sarili. Hindi biro ang sakit na ibinigay niya kay Lera. Hindi niya alam kung mayroon ba'ng kapatawaran iyon, subalit nais niyang subukan.Hindi niya susukuan ang taong kan'yang mahal."Lera, this is Lucas." Matapos ang higit isang buwan na hindi ito nakakausap ay hiningi niya kay Mikoy ang bagong numero nito."Please, not now Lucas. Nawawala ang anak natin." Gusto niyang ngumiti nang marinig ang salitang 'natin'. Mayroon pa din silang koneksyon. Subalit, pinili niyang hindi ituloy ang pagngiti nang
Matagal nang naka-plano sa isipan ni Lera na sarilinin si Arim. Ngayong kasama niya na ang anak akala niyang buo ang kasiyahan na kan'yang madarama. Hindi pala. Mayroong pa din kulang. Alam niya kung sino, pero alam niya din na hindi maaari."Ako na ang bahala sa kompanya. I'll report to you everything," ani Peter."Kami na din ang bahala kay Nanay Nora at Mikoy," dagdag ni Maris. Pinili niyang huwag na munang isama ang ina upang may makasama ang bunsong kapatid."Thank you." Nagpaalam siya sa dalawa nang umalis na ito.Iginala niya ang mata sa kabuuan ng lugar. Dalawang palapag na bahay ang kanilang nirentahan. Sa taas ay may dalawang kwarto at sa ibaba naman ang salas at kusina. Hindi ganoon kalaki subalit sapat na para sa kanilang dalawa ng anak. Pansamantala lang naman ito dahil sa susunod na buwan ay baka makaalis na din sila ng bansa kasama ang ina.Inihanda niya ang lahat ng kailangan sa ibang bansa para sa sana ay pag-alis nila,