Dalawang linya ibig sabihin ay positibo.
Mariing pumikit si Lera matapos pagmasdan ang dalawang guhit sa pregnancy test kit. Hindi niya akalaing magbubunga ang gabing pagbabaya niya.
Ang sabi ng university nurse na sumuri sa kan'ya, hindi pa raw lubos na sigurado ang resulta dahil isang beses lamang siyang sumubok. Kailangan niya pa'ng magpakonsulta sa doktor.
Pinasadahan niya ng tingin ang calling card ng doktor na ibinigay nito.
Saan siya kukuha ng pera pambayad sa pagpapakonsulta, gayong ang pambaon niya nga sa araw-araw ay pinoproblema na nila.
"Anak, kakain na tayo." Bago pa man maitabi ng ina ni Lera ang kurtinang nagsisilbing pintuan sa kan'yang kwarto ay naitago niya na ang pregnancy test kit.
Isa pa'ng problema niya'y kung paano sasabihin sa mga magulang na siya'y nagdadalang-tao. Tiyak niyang magtataka ito lalo pa't wala siyang nobyo at higit sa lahat ay nangako siyang magtatapos ng pag-aaral bago bumuo ng pamilya.
Sum
Ang magandang sikat ng araw ay hindi nakatulong para mabigyan ng sigla ang bahay ng mga Santillan. Ang dating masayang pagsasalo-salo sa hapag ay nauwi sa tahimik na tensyon sa pagitan ni Lera at kan'yang mga magulang.Ilang araw niya nang tinitiis ang hindi pagpansin ng ama at ina sa kan'ya. Naiintindihan niya dahil kasalanan niya."Hindi na po ako papasok sa eskwela." Hinintay niyang makaalis ang kapatid upang masabi iyon.Imbes na sumagot ay tumayo ang ama at walang pasabing iniwanan siya. Napatingin siya sa ina."Nasasaktan kami sa ginawa mo'ng ito anak. Pero nand'yan na iyan, wala na tayong magagawa."Alam niyang hindi siya matitiis ng ina. Tinanggap nito ang kan'yang sitwasyon at sinamahan siya na magpatingin sa pampublikong doktor.Tatlong buwan na ang nasa sinapupunan niya. Tunay nga'ng mayroong batang mabubuo sa loob niya."Nora! Buntis ka?" tanong ng kapitbahay nila nang maabutan sila sa health center at kagaya nito ay kumuk
"Please, Babe, understand me this time. I need to return home to keep my promise to my mom. I need to run our business there for at least a short time." Nag-iisang linya na ang kilay ni Lucas sa pakikiusap kay Maica na payagan siya nitong bumalik ng Pilipinas. Higit tatlong taon na simula nang huli siyang umuwi sa Sta. Ignacia, pero ang huli niyang kita sa ina ay noong graduation niya. Pumunta ito sa America upang dumalo sa kan'yang pagtatapos. Muli ay pinakiusapan siya nitong umuwi na sa Pilipinas upang hawakan ang isa sa mga bagong lupain na nabili nito. Nangako siyang susunod sa ina ngunit mariin ang pagtutol ni Maica, dahilan upang manatili pa siya ng isang taon sa bansa. Nagkaroon ng tampo ang kan'yang ina at ito ang pinakamatagal na panahon na hindi siya nito kinausap kung kaya uuwi siya sa ayaw at gusto ng nobya. "You resigned from your job without my knowledge, and you also booked a flight back to the Philippines, and now you're begging me to let you.
Lukso ng dugo o pagkagiliw sa bata. Ano nga ba ang nararamdaman ni Lucas para kay Arim?Maingat na isinasalangsang ni Lucas ang limang paper bags na naglalaman ng damit pambata at mga laruan sa likod ng kan'yang kotse.Pagkatapos ng kan'yang meeting ay dumiretso siya sa bayan upang bilhin ang mga iyon."Para kanino ang mga iyan?" Usisa ng kan'yang ina. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang matapos silang mag-usap nito sa mansyon patungkol sa ipapatayo niyang negosyo."Para sa apo ng kasambahay ni Tito Esteban," kaswal niyang sagot sa ina.Mataman siyang tinitigan nito."Kailan ka pa nahilig na bumili ng gamit para sa ibang bata?" Alam ni Ginang Juana na walang hilig ang anak sa mga bata, maliban na lamang kung nagbago na ito simula nang manirahan sa ibang bansa.Sandaling napatigil si Lucas sa ginagawa at marahan na isinara ang likod na pintuan ng kan'yang kotse. Napaisip siya. Bakit nga ba tila napakaespesyal ni Arim para sa kan'ya?
Tunay na mapaglaro ang buhay. Kung kailan tumigil na si Lera sa paghahanap ay saka niya naman ito matatagpuan."Mama!" Kinarga niya ang nasasabik na si Arim. Mahigpit niya itong niyakap at paulit-ulit na hinalikan. Bukod sa na-miss niya ang anak ay nais niya din itago ang kaba na nararamdaman sa lalaking kaharap.Paano siya hindi babalutin ng kaba gayong kitang-kita na sa personal ang pagkakahawig ni Arim sa ama. Walang duda ilang hakbang na lang ang layo niya sa lalaking una't huling umangkin sa kan'ya.Damang-dama niya ang paninitig nito subalit hindi niya magawang salubungin ito. Kinakabahan siya. Bakit kasama nito si Arim? Alam na ba nito na ang bata ay kan'yang anak?"You're probably Arim's mother. Hi! I'm Lucas Valle." Inilahad nito ang kamay sa kan'ya.Umangat siya nang tingin.Mas lalong tumikas ang pangangatawan nito. At hindi niya rin maikakaila na angat ang pagiging magandang lalaki nito sa buong kalalakihan ng Sta. Ignacia. Paano
Paano kung ang katotohanang itinatago mo ay unti-unti nang nalalantad, haharapin mo ba ito o magpapanggap ka'ng maayos pa ang lahat?Pinili ni Lera na kalimutan ang huling tanong ni Lucas sa kan'ya bago natapos ang kanilang pag-uusap.Masuyong hinalikan ni Lera ang natutulog ng anak bago siya lumabas sa kanilang kwarto. Naabutan niya ang inang nagtutupi ng mga damit."Ipinapaalala ko lamang sa'yo Lera, hindi maganda ang mag-away sa harap ng bata."Naabutan ng kan'yang ina na umiiyak ang apo nitong si Arim at nagsumbong pa sa nangyaring pag-aaway nila ni Lucas. Kung hindi pa umiyak ang bata ay hindi pa sila matatauhan sa pagtataas ng boses sa bawat isa."Si Sir Lucas po kasi inay, pinapangunahan ako sa pagdedesisyon sa bata. Nais niya daw ipakonsulta ito sa pedia buwan-buwan.""Nakakahiya nga naman kay Sir Lucas dahil ang dami niya nang naitulong sa bata, pero wala naman yatang masama sa sinabi niya. Mabuti ng iyon nang matingnan ang bata."
Pinangarap ni Lera na magkaroon ng magandang buhay at kompletong pamilya si Arim, subalit hindi niya inaasahan na ang tunay nitong ama ang magtutupad ng kan'yang pangarap.Inilibot niya ang mga mata sa napakalawak na bungad ng mansyon. Hindi lamang mataas na bakod ang kan'yang nakikita kun'di ang mga halamang bago sa kan'yang paningin. Kilala si Ginang Juana sa pangongolekta ng mga halaman, sa wari niya'y nagmula pa ang mga ito sa ibang bansa."Ako na po." Maagap niyang kinuha sa katulong ang isang maleta na naglalaman ng damit nila ni Arim. Subalit hindi ito ibinigay sa kan'ya."Let her, Lera." Napatigil siya sa pakikipag-agawan sa katulong nang magsalita si Lucas. Sumunod siya dito sa pag-akyat sa ilang baitang na hagdan patungo sa malaking pintuan ng mansyon.Napatingin siya sa anak, na nakayakap sa leeg ni Lucas. Hindi inaalis ng bata ang tingin sa kan'ya, animo'y natatakot na iwanan niya ito.Nginitian niya ang anak at masuyong inayos ang pagk
Noon pa man, kapag nagdedesisyon si Lera ay palagi niyang pinipili kung saan ang tama at panatag ang kan'yang loob. Subalit nang dumating si Arim, inuuna niya ang makakabuti at makakapagpasaya sa anak. Ito'y kahit pa labag ang desisyong gagawin sa kagustuhan niya."Mama, gusto ko mag-sleep sa tabi ni papa."Napatigil si Lera sa pagkiliti at paghalik sa anak nang magsalita ito. Kasalukuyan na silang nasa kwarto at handa nang matulog."Tulog na 'yon baby," palusot niya kahit ang totoo'y nakita niya pa itong dumaan sa tapat ng kanilang kwarto."Pero 'di ba dapat nag-good night siya sa akin? Kasi ikaw, si lolo at si lola, tapos si Tito Mikoy gano'n ang ginagawa."Malungkot siyang napangiti nang banggitin ng anak ang kan'yang pamilya. Nami-miss niya na ang mga ito. Alam niyang labag sa kalooban ng kan'yang mga magulang, lalo na ang ama, na sa mansyon sila tumira ng anak, ngunit wala siyang magagawa. Higit pa ngayon na tila labis ang kagalaka
Ang kakaibang galak na nararanasan ni Lucas sa tuwing kasama si Arim ay nagkaroon ng mas malalim na kahulugan nang makompirma niyang anak niya ang bata.Masasabi niyang bukod sa malaking pagkakahawig nila nito, ay hindi rin marunong magtago ng sekreto si Lera. Napakadali niyang mabasa ang nasa isip nito dahil hindi ito magaling magsinungaling."Papa!" Mabilis niyang pinutol ang tawag kay Maica nang bigla ay tinawag siya ng anak, mula sa pamamasyal kasama ang kan'yang ina.Hindi niya pa nasasabi sa nobya ang katotohanang mayroon na siyang anak. Sigurado siyang magagalit ito at kahit ano'ng gawin niyang paliwanag ay hindi siya maiintindihan. Kailan ba siya inunawa ng nobya?Kinarga niya ang anak at masuyong hinalikan sa ulo. Hindi pa rin siya makapaniwalang makakaya ng isang bata na baguhin ang takbo ng kan'yang buhay."Nasaan po si mama?"Lumingon siya sa kan'yang likod at nakita doon ang balisang ina ni Arim. Inaamin niyang nakaramdam siya n
Pag-ibig. Isang makapangyarihang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin."Relax Lucas." Ang pampapalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inaayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa ngunit naroon pa din ang kaba."Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo."Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?" Ang mga naglalakad
Ang maingay at masayang mansyon ay nabalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Lera ay bumalik siya sa panahon kung saan pinagpaplanuhan niya pa lamang na bawiin ang anak. Nakakapanibago. Nakakalungkot."Hindi talaga naubusan ng paraan si Ginang Juana para makuha sa'yo ang mag-ama mo."Hindi pinansin ni Lera ang sinabi ng kaibigan. Ang kan'yang mga mata ay tutok sa wedding gown na ipinadala kaninang umaga ng designer sa mansyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya kahapon pa lang siya nakaabiso dito na kanselado ang kasal."Ikakasal na kayo bukas pero nagawa pa din ni Lucas na umalis kasama pa si Arim," dagdag pa ni Maris na umupo sa kama at pinagmasdan ang malungkot na kaibigan."Nasabihan mo na ba ang mga bisita na hindi na tuloy ang kasal bukas?" pagkalaon ay tanong ni Lera.Marahan na tumango si Maris. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kaibigan, ngunit wala naman siyang magagawa kung sa bandang huli ay nais maging kontrabida ni Ginang Juana.
Ang pag-ibig ay mas matamis sa ikalawang pagkakataon. Tama nga siguro ang kasabihan dahil walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ng puso ni Lucas at ni Lera. Tila ba isang gamot na pampalimot ang pag-ibig, na nagawa nitong burahin sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan noon."Papa, tama po ba ito?" tanong ni Arim habang pilit na itinatali ang munting na kurbata sa kan'yang leeg.Bahagyang umupo si Lucas upang magpantay sila ng anak at inayos ang pagkakatali ng kurbata. Napangiti siya nang makita na maliit na bersyon niya ang anak dahil pareho sila ng suot pati ang pagkakahagod ng buhok palikod."Papunta na daw siya dito." Mabilis siyang napaayos ng tayo nang marinig ang humahangos na boses ni Maris.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago pa man patayin ang ilaw doon.Nabalot ng dilim ang function hall ng hotel na ipina-reserve niya. Kinuntsaba niya ang malalapit na kaibigan ni Lera kabilang na si Jervy, na nirerespeto ang
Ang katahimikan ng gabi ay hindi napapansin ni Lera dahil ang kan'yang isipan ay ukopado nang naging pag-uusap nila kahapon ng kan'yang mag-ama. Partikular na ang katanungan ng mga ito sa kan'ya. Kung hindi lamang siguro pumasok sa loob ng silid ang kan'yang Nanay Nora ay baka napatango na siya. Subalit, ano pa ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Si Ginang Juana ba? Malayo na si Ginang Juana at kung magtitiwala lamang siya kay Lucas ay madali para sa kanila na magkaroon ng isang buong pamilya. "Tulog na si Arim?" Ang pagpasok ni Lucas sa silid ay hindi niya napansin. Mabilis siyang napabangon sa higaan at kinapa ang noo ng bata. Mayroon itong sinat kaninang umaga. "Nakatulog na din. Mamaya kapag tumaas pa ang lagnat ay gigisingin ko para uminom ng gamot." Hindi niya naiwasan ang humikab matapos sabihin iyon. Umupo si Lucas sa paanan ng kama. "Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Matulog ka na sa kwarto mo," anito. Umiling siya. H
Mula sa terasa ng kwarto ay nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang kan'yang mag-ama at si Mikoy na maglaro ng basketball. Gumawa ng maliit na basketball court sa likod bahay si Lucas nang isang araw.Narinig niya ang halakhakan ng mga ito nang pumalya si Mikoy sa pag-shoot ng bola.Ang kan'yang malawak na ngiti ay naglaho nang tumuon sa kan'ya ang tingin ni Lucas. Itinuro siya nito na animo'y sinasabing para sa kan'ya ang pagtira nito ng bola sa ring.Narinig niya pa ang kantyawan ni Arim at Mikoy sa kanila. Hindi niya alam kung kailan naging close ang dalawa dahil simula nang bumalik siya ay parang ito na ang magkapatid.Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang mag-bounce lang pabalik ang bola. Humalukipkip siya at mataray na pinasadahan ng tingin si Lucas."Sira 'yong ring! Aayusin ko ito mamaya," sigaw nito nang tumalikod siya.Walang pasok kung kaya sabay-sabay silang kumain ng tanghalian sa bakuran. Sariwa ang ha
Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan. "Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato. Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono. "Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar. Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas. Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi. "Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito. Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.
Ang hirap magdesisyon kapag hindi umaayon sa'yo ang sitwasyon."Ipa-kidnap na lang natin si Arim. May kakilala ako'ng sindikato," seryosong saad ni Maris na ikinairap ni Lera.Bakit nga ba siya nagtatanong pa ng payo dito? Wala naman siyang makuhang matinong sagot.Kinuha niya ang bag at handa nang umalis sa opisina. Uuwi siya sa mansyon nila sa Sta. Ignacia, kagaya ng kondisyon na ibinigay niya sa anak. Mananatili sila sa Pilipinas kasama si Lucas ngunit doon sila maninirahan."Bye! Hoping for a comeback!"Naiiling na iniwan niya ang kaibigan. Hindi niya alam kung saan ba ito pumapanig. Isa pa'y wala naman balikan na mangyayari dahil walang nakikipagbalikan. Ang kanilang pagsasama ngayon ay para na lamang sa bata. Sa mga susunod na araw ay binabalak niya nang kumbinsihin ang anak at ipaunawa dito ang magiging set-up nila ni Lucas bilang magulang. Ipapaliwanag niya na hindi na sila pwedeng magsama sa iisang bubong."Mabuti naman kung hindi n
"Ikaw ang haligi ng tahanan. Keep your family in the loop. You are their protector. There is no reason to give up. Alam ko naman na hindi ka susuko, but I just wanted to remind you that dad didn't raise us to be ungentleman. Harapin mo ang problema mo. Bawiin mo ang pamilya mo. Ako na ang bahala kay mommy."Ang mga sinabi ng kan'yang kapatid na si Dominic ang nagpapalakas sa loob ni Lucas.Isang araw ang nilaan niya upang bigyan ng lakas ang sarili. Hindi biro ang sakit na ibinigay niya kay Lera. Hindi niya alam kung mayroon ba'ng kapatawaran iyon, subalit nais niyang subukan.Hindi niya susukuan ang taong kan'yang mahal."Lera, this is Lucas." Matapos ang higit isang buwan na hindi ito nakakausap ay hiningi niya kay Mikoy ang bagong numero nito."Please, not now Lucas. Nawawala ang anak natin." Gusto niyang ngumiti nang marinig ang salitang 'natin'. Mayroon pa din silang koneksyon. Subalit, pinili niyang hindi ituloy ang pagngiti nang
Matagal nang naka-plano sa isipan ni Lera na sarilinin si Arim. Ngayong kasama niya na ang anak akala niyang buo ang kasiyahan na kan'yang madarama. Hindi pala. Mayroong pa din kulang. Alam niya kung sino, pero alam niya din na hindi maaari."Ako na ang bahala sa kompanya. I'll report to you everything," ani Peter."Kami na din ang bahala kay Nanay Nora at Mikoy," dagdag ni Maris. Pinili niyang huwag na munang isama ang ina upang may makasama ang bunsong kapatid."Thank you." Nagpaalam siya sa dalawa nang umalis na ito.Iginala niya ang mata sa kabuuan ng lugar. Dalawang palapag na bahay ang kanilang nirentahan. Sa taas ay may dalawang kwarto at sa ibaba naman ang salas at kusina. Hindi ganoon kalaki subalit sapat na para sa kanilang dalawa ng anak. Pansamantala lang naman ito dahil sa susunod na buwan ay baka makaalis na din sila ng bansa kasama ang ina.Inihanda niya ang lahat ng kailangan sa ibang bansa para sa sana ay pag-alis nila,