Bahagyang naaaninag ni Lera ang itsura ng lalaki sa larawan, subalit bago niya pa man lubusang makilala ito ay nakuha na iyon ng hepe mula kay Ginang Juana. Kaagad na nagbigay ng utos ang hepe sa kan'yang mga kapulisan upang hanapin ang anak na bunso ng mga Valle. "Ano'ng nangyari kay Haya, Luisa?" tanong ng ginang sa pinsan ng kan'yang yumaong asawa. Bahagyang ikwenento ni Luisa ang nangyari sa anak at ang ginawang pagtulong ni Lera. Napaayos sa pagkakaupo si Lera nang tumingin sa kan'ya ang pinakamarangyang ginang sa kanilang bayan. Yumuko ang kan'yang ama't ina, na nakatayo sa likod niya, bilang paggalang, habang siya nama'y mataman na nakipagtitigan dito. Iniisip niyang napakaswerte ng mga mayayaman dahil bukod sa limpak-limpak na pera nila ay marami pa silang pribelihiyo, kagaya nito. Hindi pa isang araw na nawawala ang bunsong anak ni Ginang Juana ay mabilis nang tinugunan ng hepe ang kahilingan na hanapin ito, samantalang ang ka
Read more