Just Past Crack of Dawn

Just Past Crack of Dawn

last updateLast Updated : 2022-10-28
By:  pyaririshOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
21Chapters
3.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Because of the poem he accidentally read, Satsuto's sexual orientation turns upside down. And when he realize that the boy he hates the most was actually he's in love to, what would he do? Can he even melt the cold-as-ice heart of that sanguinarian Snow? “I'll give you your fill and you'll give me a head, how about that?” Read how Satsuto Fuentes will fall deep into the homosexuality rabbit hole as he pursue Snow Benesisto.

View More

Chapter 1

(1) Just past crack of dawn...

Chapter 01

[Satsuto's POV.]

“MUKHANG MAY parating na bagyo. May dala kang payong Ian?” tanong ko sa ‘king katabi na abala sa pagdutdot ng cellphone niya. Mahina akong natawa ng mapatingin sa puwesto niya. Kahit araw-araw ‘kong nakikita ang ayos ng kanyang buhok ay nakakatawa pa rin. Paano ba naman, parang i-shinampoo niya ang gel sa tigas ng buhok niyang nakatayo na parang buhok ni Goku, tapos lagi pang magkasalubong ang makakapal niyang kilay kaya mukha siyang nakakatakot. Ito rin ang dahilan kung bakit walang magtangkang asarin siya.

Napailing na lang ako dahil ang aga-aga nagtutumpukan ang mga kaibigan ko rito sa aking tabi para lang mag-laro ng Mobile Legacy. Pare-parehong nakakunot ang mga noo nila at pokus sa kaharap nilang cellphone. Hindi man lang maistorbo, kahit tanong ko ay hindi na nasagot. Kinuha ko na lang din ang cellphone sa ‘king bulsa at isinalpak ang plug ng headphone na nakalagay sa leeg ko saka nakinig ng music habang may sinusupsop na lollipop sa bibig.

Hindi siguro halata pero wala akong hilig sa mga laro sa cellphone o kahit sa internet. Mas gusto ko ang mga larong pisikal kagaya ng volleyball. Sinubukan ko naman isang beses maglaro ng nilalaro nilang ML pero mas enjoy pa rin talaga kapag pinagpapawisan ka.

Muli akong sumilip sa bintana at pinanood ang pag-ulan. Mukhang hindi ngayon lalabas ang araw dahil sa kapal ng mga itim na ulap. Dumadampi sa balat ko ang hanging pumapasok sa bintana at mabilis na nilamig. Tch, wala akong payong. Mahina lang ang pag-ulan pero sapat na ‘yon para takpan nila ang sikat ng mainit na araw.

Takpan ang sikat ng araw? Napatingin ako sa suot na wrist watch at nanlaki ang mata. Pinatay ko ang music saka ibinalik sa aking leeg ang headphone.

“Hoy! Bumalik na kayo sa upuan niyo. Dadating na si Sir,” utos ko sa kanila.

“Mamaya na Fuentes!”

“Malapit na kaming matapos.”

“Oo nga ito na patapos na kami.”

Napailing ako. “Kayo ang bahala. Kapag naabutan kayo ni Sir Hernandez matatapos na talaga ang laro niyo. Pati cellphone niyo tapos!”

Naglakad ako palabas ng room at tinignan kung malinis ba, pati loob. Nasa second floor ang room namin pero dapat malinis pa rin ang harapan para magandang tignan. Binura ko ang mga lesson naming naiwang nakasulat sa blackboard at ng makumpirma kong ayos na naman ang lahat ay naupo na ulit ako sa aking upuan. Ako na naman kasi ang mabubungangaan kapag hindi malinis ang labas at loob ng classroom dahil ako lang naman ang class president.

“Mia, mag check ka na ng attendance. Pati attendance sa board,” sabi ko sa babaeng nakaupo sa likuran ko.

“Tapos na po Mr. President.” At sumaludo pa siya sa ‘kin. Pinitik ko ang noo niya at napangisi. Loko.

“Ayon! Ayon! Ayon!”

“VICTORY WAAAAAH!”

Parang mga unggoy na nakawala sa kulungan ang mga katabi ko ngayon. Bakit sobrang saya nila e dalawang daliri lang naman ang ginagamit nila sa pag lalaro. Boring.

“Anong meron at ang sasaya ata ng mga ugok?”

Parang nag evolve sila into unggoy to ninja. Ang bibilis nilang nakayukong bumalik sa mga upuan nila habang nakalagay ang dalawang kamay na may hawak na cellphone sa likuran. Narito na kasi ang adviser namin at may kasama siyang maglakad papunta sa front desk. Ipinatong niya ang dalang mga libro at laptop sa ibabaw noon habang masamang tinitignan ang tatlong mga unggoy kaninang nagsisigawan.

Tumayo ako sa pagkakaupo saka sumunod ang mga kaklase ko. Sabay-sabay naming binati ng magandang umaga ang guro namin saka ulit kami naupo nang sumenyas siya.

“Wala namang araw kaya puwede mo munang tanggalin ang mask at sunglasses mo,” sabi ni Sir Hernandez sa katabi niyang naka-hoodie na black, face mask na black at sunglasses na black din. Seryoso? Hindi halatang lamig na lamig siya dito sa Batangas ah.

Sinunod niya nga ang sinabi ni Sir Hernandez, ibinaba niya ang suot na hoodie sa ulo at tinanggal ang suot na face mask at salamin. Napaawang ang labi ko ng makita ang itsura niya. Alam kong hindi lang ako, pati mga kaklase ko ay nagulat sa itsura niya.

“Okay class, siya si Snow Benesisto. Halata namang bago ninyo siyang kaklase. Nagtataka siguro kayo kung bakit ganyan ang suot niya,” Nilingon ni Sir ang katabi at tinignan ito mula ulo hanggang paa. “Well, nagluluksa siya kasi natapakan niya ‘yung ipis na matagal ng nakikitira sa bahay nila.”

Mabilis na nagtawanan ang mga kaklase ko at napapikit naman si Benesisto.

“Sir,” tawag ni Benesisto saka pilit na ngumiti.

“Charot charot lang. O, sige na at maupo ka na kung saan ka komportable. Kung may tanong ka o kailangan, kay Fuentes ka lang lumapit,” itinuro ni Sir ang puwesto ko. “Ayon si Fuentes, makikilala mo siya agad dahil laging may lollipop ‘yan sa bibig.”

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Sir. Saglit naman akong tinapunan ng tingin ni Benesisto at muling iginala ang tingin niya sa buong classroom. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya na ngayon ay naglalakad sa may dulong bakanteng upuan. Maputla ang balat niya na parang hindi ito nagpapasinag sa araw simula noong ipinanganak. Mahaba rin ang itim at wavy niyang buhok na hindi didikit sa balikat niya.

Nang maupo siya ng ayos ay sa harapan agad siya tumingin. Mapula-pula ang labi niya na parang may lip gloss. Nakakasilaw ang kaputian at kinis ng balat niya. Matangos din ang kanyang ilong at isa siya ro’n sa mga sinasabi nilang ‘God’s favorite’. Bagay na bagay ang hugis ng mukha niya sa malago niyang buhok. Siguradong pinagkakaguluhan na ng mga babae ang social media upang hanapin ang mga account niya.

***

“HOY FUENTES!”

Nakakadiring basang towel ang bigla na lamang dumikit sa mukha ko. Mabilis ‘kong hinanap ang salaring nagbato noon saka ko ini-spike ang bola sa kanya.

“Gago! Lahat na ng kabargasan Nathaniel alam mo.” Tawang-tawa pa siya ng lumapit ako sa kanya kaya isinalaksak ko sa bunganga niya ‘yung basang towel. Mabilis niya iyong tinanggal saka dumura.

“Nawawala kasi ang magiting naming si Satsuto Fuentes. May problema ka ba? Kanina ka pa wala sa sarili habang naglalaro,” sabi ni Nathaniel, ang ace ng college volleyball team ng university namin. Lunch break na namin ngayon at minsan kapag lunch break ay narito ako sa open court ng school upang makipaglaro kay na Nathaniel pagkatapos kumain. Nasa second year college na si Nathaniel sa University na ito, major in psychology, habang ako ay senior high pa lang. Nakilala ko siya noong senior high sila kasama na ang ibang kalaro rin namin ngayon sa volleyball club. Manghang mangha sila sa jump serve at spike ko, na nakakatanggal kamay raw pag-ni-receive, kaya atat na atat na si Nathaniel na mag-college ako. Unang-una niya akong i-re-recommend sa coach nila, panigurado, at mukhang wala na talaga akong kawala.

Napatingin ako sa kalangitan. Tumila na ang ulan pero madilim pa rin ang langit at mukhang may part two pa mamaya ang pag-ulan niya. Sana nakauwi na ko bago siya mag part two.

“Wala. Tara na laro ulit,” sabi ko saka nga kami nagkampihan. May ibang mga estudyanteng hindi naman kasali sa volleyball team na nakipaglaro rin sa ‘min. Ayos lang naman sa kanilang makipaglaro ang kahit sino, kahit hindi kasali sa team, baka may makalaro na lang daw kasi sila bigla one time na may potensyal edi puwede nilang i-recommend kapag college na. Pero syempre alam ko rin namang hindi madaling pasukin ang sports sa college, dapat mahal mo talaga ‘yung sports kasabay ng pag-aaral.

“Satsuto!” sigaw ni Clyde na mahal na mahal ang posisyon niya bilang setter ng volleyball team. College na rin ito at pareho sila ng major ni Nathaniel. Ngumisi ako saka tumalon ng mataas, mas mataas pa sa mga blocker sa kabila, at ng makita ko ang bola na alam kong abot ng aking kamay ay malakas ko itong hinampas. Gumawa ito ng napakalakas na ingay na nakapagpatigil sa lahat, kahit na sa mga dumaraan lamang.

Ng makaapak na ulit ako sa lupa, napansin ko ang nakatingin sa ‘kin sa may gilid. Tatlong hakbang lang ang layo namin sa isa’t isa at nakatayo lang siya roon. Mukhang nakita niya ang paghampas ko kanina ng bola. Titig na titig siya sa akin at ang mga mata niya... parang kumikinang habang nakaawang ang labi. Ang labi niyan---

“Anong masasabi mo sa ace namin?” tanong ni Nathaniel na bigla na lang sumulpot sa likuran at inakbayan ako. Itinatali na talaga nila ko sa volleyball team. Pero nakakatuwang nakikita niya ako bilang rival niya sa pagiging ace, kahit mas magaling naman talaga siya sa ‘kin.

“Masyado ka namang seryoso Fuentes,” sabi ni Dexter na nasa kabilang parte ng net. Kagaya ko ay senior high pa lang din siya at mataas ang potensyal niyang maging wing spiker.

Hindi naman maalis ang tingin ko kay Benesisto at hinihintay ang sasabihin niya. Hindi ko naman alam kung may sasabihin ba talaga siya pero kasi mukhang may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang masabi o kaya naman...

Biglang tumunog ng malakas ang bell sa buong school na hudyat na mag uumpisa na ang panghapong klase. Napansin ko ang pamumula ng mukha ni Benesisto at mabilis siyang tumakbo papaalis. Kasabay ng pagtakbo niya paalis ay ang mata kong nakatingin sa likuran niya.

... baka naman gusto ko lang na may sabihin siya tungkol sa ‘kin?

-

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Rubz Rotia
antagal kuna binbasa to wla parin update nghihinayang ako sa story subrang ganda
2024-06-09 11:12:02
0
user avatar
Rubz Rotia
wla parin update
2024-06-09 11:10:10
0
user avatar
psychopomp666
waaaah author update na! hindi ko na po mabilang kung ilang beses ko na tong binasa paulitulit hehe sana may update na po salamat.
2022-07-05 11:07:48
1
user avatar
fujoshi2003
my last comment won't appear but this book was so good! naaalala ko si langga kay snow. i'm excited for next chapters.
2022-05-11 18:48:35
1
user avatar
asdfghjkl1001
yehey... naka-update na.. sana po mabilis po update niyo lagi! ang ganda na po T___T
2022-05-01 12:22:01
2
user avatar
psychopomp666
worth to read for those who likes yaoi in school setting and i'm one of those! will wait for more update! support!
2022-04-21 20:45:49
3
21 Chapters
(1) Just past crack of dawn...
Chapter 01 [Satsuto's POV.] “MUKHANG MAY parating na bagyo. May dala kang payong Ian?” tanong ko sa ‘king katabi na abala sa pagdutdot ng cellphone niya. Mahina akong natawa ng mapatingin sa puwesto niya. Kahit araw-araw ‘kong nakikita ang ayos ng kanyang buhok ay nakakatawa pa rin. Paano ba naman, parang i-shinampoo niya ang gel sa tigas ng buhok niyang nakatayo na parang buhok ni Goku, tapos lagi pang magkasalubong ang makakapal niyang kilay kaya mukha siyang nakakatakot. Ito rin ang dahilan kung bakit walang magtangkang asarin siya. Napailing na lang ako dahil ang aga-aga nagtutumpukan ang mga kaibigan ko rito sa aking tabi para lang mag-laro ng Mobile Legacy. Pare-parehong nakakunot ang mga noo nila at pokus sa kaharap nilang cellphone. Hindi man lang maistorbo, kahit tanong ko ay hindi na nasagot. Kinuha ko na lang din ang cellphone sa ‘king bulsa at isinalpak ang plug ng headphone na nakalagay sa leeg ko saka nakinig ng music habang may sinusupsop na lollipop sa bibig.Hindi s
last updateLast Updated : 2022-03-03
Read more
(2) Awake and roused,
Chapter 02 LUMIPAS ANG mga araw na naging linggo, noong una pasulyap-sulyap lang ako sa upuan ni Snow dahil naiirita ang tainga ko kapag naririnig na nakikipagtawanan siya sa mga babae. Hindi ko alam kung bakit pero kumukulo ang dugo ko kapag nahahagip siya ng mata ko, nahihirapan akong iiwas ang tingin ko sa kanya dahil sa inis. Ngayon ay naging hobby ko na ata na panoorin ang bawat kilos ni Snow, na para bang hinihintay kong may mangyaring masama sa kanya at tawanan siya ng malakas habang hawak-hawak ang aking t’yan. Ilang linggo pa lang siya rito at marami ng lalaki ang naiinis sa kanya, isa na ‘ko ro’n. Napansin ko rin na marami ng sumubok lumapit sa kanyang mga lalaki na gustong makipag kaibigan pero parang may malaki siyang barrier at plaka sa noo na huwag siyang kausapin, wala siyang pake dahil babae lang ang gusto niyang kausap. Oo, palagi siyang napapaligiran ng mga babaeng
last updateLast Updated : 2022-03-03
Read more
(3) I could not turn away,
Chapter 03 “FUENTES MAY problema ka ba? Hindi maganda ang mga nakuha mo sa exam.”  Tanong sa ‘kin ‘yan ni Sir Hernandez pero hindi ko naman inaasahan na ang hindi magandang ‘yon ang maghihila sa ‘kin papuntang pangalawa. Masyado akong nakampante. Wala ako sa sariling lumabas ng classroom dahil sa hiya. Gusto kong mapag-isa at mag-isip kung paano nangyari lahat ito. Tangina! Wala pa ‘kong nadalang lollipop, mas lalong nakaka-bad trip. Pero… paano ako naging pangalawa? Masyado ko na bang napapabayaan ang pag aaral ko? Bakit ko ba napabayaan ang pag aaral ko? Bakit ko pinabayaan? Anong nangyayari sa ‘kin? Hindi ko maisip kung anong dahilan--- Bigla akong napaupo sa lupa habang malalim ang iniisip at nag lalakad papunta sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Doon lang ako natau
last updateLast Updated : 2022-03-03
Read more
(4) Nor conquer
Chapter 04 [3rd Person POV.] NAKIKIPAGTAWANAN SA mga kaibigan niya si Condoriano habang kanya-kanya nilang kinakain ang hawak na chichirya nang bigla siyang napamura dahil nahagip ng kanyang paningin ang bading nilang kaklase. Hindi maatim ng mata niya at talaga namang bumabaliktad ang kanyang sikmura sa tuwing nakikita ang kaklaseng nakapangbabaeng uniporme kahit lalaki naman ito. Suportado ng unibersidad nila ang LGBTQ+ kaya hinahayaan nilang malayang suotin ng mga estudyante ang gusto nilang uniporme. “Hoy Alejandro!” tawag niya sa kaklaseng bading na tahimik na naglalakad papasok na sana ng canteen. Masama siya nitong tinignan at pagalit na nagwika, “It’s Roxan!” “Roxan?! E pangbabaeng pangalan ‘yon!” Nagtawanan ang mga kaibigan ni Condoriano pati na siya. Tumayo si Condoriano at naglakad papalapit kay Roxan. “Ito oh! Lalaking lalaki!” Marahas niyang kinamkam ang pribadong parte ni Roxan kaya napaurong ito sa gulat. Mas lalong lumakas ang tawa ng tatlo habang inaasar ang hiya
last updateLast Updated : 2022-04-14
Read more
(5) full desire that burned
Chapter 05 HUMAGALPAK NG tawa ang malapit na kaibigan ni Hazel na si Danica dahil sa ikinuwento nito sa kanya. “Seryoso ba siya beh? Pffft---” Tinakpan niya ang bibig habang ang isang kamay ay nakahawak sa t’yan at pinipigilan ang sariling muling tumawa. Walang buhay naman siyang tinignan ni Hazel na medyo mugto ang mga mata at kakagaling lang sa kaunting pag iyak. Kanina pa nito gustong salaksakan ng tissue na siningahan niya sa bunganga ang kaibigan dahil kanina pa siya nito tinatawanan. “Kailangan ‘kong bigyan ng award ‘yang si Satsuto HAHAHA! That was the best rejection I’ve ever heard!” Itinaas pa ni Danica ang dalawang kamay na naka-thumbs up at halos mautas na siya kakatawa. “I guess he’s really a gay,” puno ng lungkot na wika ni Hazel na parang maiiyak na naman habang nakapanghalumbaba. &ld
last updateLast Updated : 2022-04-15
Read more
(6) As much as eastern sky
Chapter 06   I WONDER WHEN did I started to be like this?   I don’t really know.   The last time I remember, I was at my 7th grade. Mayroon akong naging kaklaseng babaeng ibang iba sa lahat nang nakilala ko. Asul ang mga mata niyang kasing kulay ng karagatan at parang kristal, mestisa at kasing kulay ng araw ang natural niyang kulot na buhok. Oo may lahi nga siya at hindi maalis ang atensyon ko sa kanya.   ‘Gusto ko siyang makuha.’   Iyan agad ang mga salitang pumasok sa isipan ko kaya naman inumpisahan kong lumapit sa kanya hanggang sa magkakilala kami. Naging madali lang ang lahat para sa akin dahil halatang gusto niya rin ako. At habang tumatagal ay nalaman ko na ang lahat sa kanya at sa huli, napagtanto kong kagaya lang din siya ng ibang babae. Boring. Pang labas niya lang ang kakaiba at sa tagal na n
last updateLast Updated : 2022-04-16
Read more
(7) that holds the rising sun
Chapter 07  PARE-PAREHONG NAKATINGIN sina Clyde, Dexter at Miguel kay Nathaniel na nakaupo habang nilalantak ang hawak na malaking blue na piatos at kasama nila sa may open field. Nasa malayo ang tingin nito at mukhang naglalakbay sa outer space ang kamalayan. Hindi nila tuloy mapagwari kung paano pa nito nagagawang lumamon habang nakatulala. Talent nga talaga siguro nitong kumain ng hindi tumataba. Pagkatapos ay sa kabilang bahagi ng sementadong lamesa na nasa gitna naman sila mapapatingin kung saan ay nakaupo si Satsuto na nasa malayo rin ang tingin at may lollipop na namang sinusupsop ang bibig. Muli silang mapapatingin kay Nathaniel nang bumuntong hininga ito, at mapapatingin din sila kay Satsuto ng bumuntong hininga rin ito. Maingat na kumikilos ang tatlo at para bang kapag nawala sa pokus ang dalawa sa pagtulala ay manganganib na ang buhay nila. Napatingin sa isa’t isa ang tatlo
last updateLast Updated : 2022-04-18
Read more
(8) He lay upon
Chapter 08 KINUKUSOT PA NI Satsuto ang mga mata nang makarating siya sa dinning area nila. Naabutan niyang naghahain na ng agahan ang Mama niya at napansin nitong magara ang kasuotan nito. Isang dentista ang Mama noya at kahit mag-fo-forty years old na ito ngayong taon ay maganda pa rin ang pangangatawan niya kaya bumabagay talaga sa kanya ang suot niyang baggy pants na may sinturong itim habang naka-tuck in naman ang itim na tee shirt na may SELINE na nakasulat sa bandang dibdib. Kitang-kita sa suot ang maliit na bewang nito. “Morning Satsat,” bati ng Mama niya saka naman siya naupo sa hapag at dinampot ang kutsarang nasa platong may lamang kanin at ulam na delatang tuna sa harapan niya. “Kala ko day off mo, Ma?” Naghihikab pa siya nang itaas niya muli ang tingin sa Mama niyang parang tubig na iniinom ang kape sa hawak na mug. Paniguradong nakalimutan na
last updateLast Updated : 2022-04-21
Read more
(9) white sheets, asleep,
Chapter 09  BAGAMA’T WALANG KLASE ay kung ano-ano na lamang ang ginagawa ng mga kaklase ni Satsuto. Hinayaan niya ang mga ito sa kung anong gustong mga gawin basta hindi sila lalabas ng classroom, mag-iingay at makaka-istorbo sa ibang nagkaklase. Nakabilog ngayon ang sampung estudyante sa sahig sa may may likuran ng silid. Kabilang dito sina Satsuto, Condoriano, Gelo, Mia, Ian, at Dexter na naglalaro ng UNO. Isa na lamang ang hawak na card ni Satsuto at naghihintay na lamang siyang itapon ito dahil color wheel naman ito ng bigla siyang babaan ni Condoriano ng +4 na unang tatapon bago siya. Nginisian siya ng nasa harapan na si Condoriano na wala ng hawak na cards at dahil siya na lamang ang mayroong cards, awtomatikong talo na siya. Masyado siyang nakuntento sa color wheel na hawak niya, nakalimutan niyang isa na lang din pala ang baharang hawak ni Cruz. “Trut
last updateLast Updated : 2022-04-25
Read more
(10) Raising from sacrifice
Chapter 10 “SO ANO NG gagawin mo? Iwawagayway mo talaga ang puwet mo sa harapan niya? Ipapakita mo ang kahalayan mo kay Fuentes?” Mahinahon pero ramdam ni Cruz ang galit na pumapagitna sa boses ni Gelo. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang tono niya kaya nanatili siyang tahimik at hindi niya ito tinugon. Binalewala niya ang nakayakap sa likuran at inisip ang mga nangyari kanina. Hindi pa rin siya makapaniwala. Mas lalo lang siyang kinakabahan dahil baka ikalat ni Fuentes ang nalaman nito, kinakabahan siyang malaman ng iba pa ang sikreto niya na sana ay isasama na lang niya hanggang sa hukay niya. Gulong-gulo ngayon ang isipan at hindi malaman ang gagawin. Nag-uumpisa na namang mataranta ang utak niya at iniisip kung ano bang dapat niyang gawin sa oras na mangyari ang pinakamasamang senaryong iniisip niya. “Tignan mo nga naman. You’re hard.” Patuloy na binubulungan ni Gelo ang tainga niya upang kuhanin ang kanyang atensyon. Humahaplos ngayon ang mga kamay nito, na kanina la
last updateLast Updated : 2022-05-01
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status