Chapter 09 BAGAMA’T WALANG KLASE ay kung ano-ano na lamang ang ginagawa ng mga kaklase ni Satsuto. Hinayaan niya ang mga ito sa kung anong gustong mga gawin basta hindi sila lalabas ng classroom, mag-iingay at makaka-istorbo sa ibang nagkaklase. Nakabilog ngayon ang sampung estudyante sa sahig sa may may likuran ng silid. Kabilang dito sina Satsuto, Condoriano, Gelo, Mia, Ian, at Dexter na naglalaro ng UNO. Isa na lamang ang hawak na card ni Satsuto at naghihintay na lamang siyang itapon ito dahil color wheel naman ito ng bigla siyang babaan ni Condoriano ng +4 na unang tatapon bago siya. Nginisian siya ng nasa harapan na si Condoriano na wala ng hawak na cards at dahil siya na lamang ang mayroong cards, awtomatikong talo na siya. Masyado siyang nakuntento sa color wheel na hawak niya, nakalimutan niyang isa na lang din pala ang baharang hawak ni Cruz. “Trut
Terakhir Diperbarui : 2022-04-25 Baca selengkapnya