Mapupuno ng nakakatawa, nakakaiyak, at pagtitiis ang pagtatagpo ni Byeongyun at Deborah. Dito rin unti-unting mahalungkat muli ang nakaraan ni Byeongyun—nakaraang pilit niyang kinakalimutan kasama si Kang Dami, ang dating nobya niyang misteryosong inilayo sa kanya.
View MoreDEBORAH’S POV Maaga akong nagising kinabukasan. Buhay na buhay ang group chat namin nila Byeongyun, Einon, Watt, and Bavi nang mag-online ako. Yes, kasama si Bavi. A week old pa lang ang group chat namin. “Balita ko umalis na raw si Soobin?” entrada ni Einon. “Hindi man lang nagpaalam sa akin,” tugon ni Watt na may umiiyak na emoji. “Salamat daw sa tula, Watt. Pero sorry, hindi ka raw talaga niya type,” sabi ko. Ang harsh ng dating pero iyon talaga, e. Para maka-move on na rin talaga siya. “Paano mo nalamang binigyan ko siya ng tula?” “Hala, ang corny mo talaga, Watt. Oh ayan ha, hindi ka talaga type,” pang-aasar pa ni Einon. “Pero nice guy ka daw naman, Watt,” sabi ko. Pampalubag-loob sa kaniya. “Did you two talk?” biglang singit ni Byeongyun. “Oo, saglit. Bago siya umalis kahapon. She apologized to everyone,” sagot ko. “Ikaw, kinausap mo pa ba siya?” “Nah.” “If Soobin’s really leaving, mukhang magiging okay na ang mga susunod na araw para sa iyo, Mexico,” Bavi commented.
DEBORAH’S POVTumahimik ang buhay ko for the past few days. Walang nananakit sa akin o nangti-trip. Nakakahinga na ako nang maluwag na hindi iniisip kung may mangyayari na namang masama sa akin.“Pupunta ako sa canteen,” I announced, looking at the three boys. “Sasama ba kayo?”Mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo si Byeongyun sa tabi ko. Tumayo na rin sina Einon at Watt habang tumatango.Sampung araw na rin ang nakakalipas matapos kaming ipatawag ng Board of Discipline. The penalty of expulsion of Choi Soobin with prior approval of the Secretary together with the supporting papers were forwarded to the Regional Office. Oo, mae-expel na si Soobin.Pagdating sa canteen ay bumili lang kami ng iced coffee saka naupo sa bakanteng table.“Threathening another with infliction of harm upon his person, destroying property belonging to any member inside the school, participating in brawls or inflicting physical injuries on others inside or outside the campus, physically assaulting any student,
DEBORAH’S POVI was sitting among these men, Einon, Watt, and Byeongyun. Isa-isa ko silang tinititigan habang nag-uusap sila sa harap ko sa isang glass table. In the North was our best choice for lunch after morning class. Treat ni Byeongyun.Napabuntonghininga na lamang ako nang maalala ko ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi ngayong may patunay na laban kay Choi Soobin. Maraming nangyaring hindi ko inaasahan at isa na doon ang ginawa ni Watt.“I won’t judge you for liking Choi Soobin, nagmamahal ka lang naman,” nakaismid na sabi ni Einon kay Watt na tahimik lang na nakasandal sa kaniyang upuan. “Mahal kita pero hindi ako support, bro.”Parang noong isang araw lang ay halos lumuwa ang mata ni Einon nang aminin sa amin ni Watt na gusto niya si Choi Soobin. Si Byeongyun? Hindi ko alam.“Isa pa, hindi ko pa rin matanggap na nagawa mong maglihim sa amin. Ang galing mo doon, hindi ko nahalatang marunong ka palang umibig,” nanunuksong dag
WATT’S POVSabi ko sa sarili ko, I should be in love with a nice person. Kasi kahit hindi ako mahal, mabait pa rin. Kahit hindi ako gusto, she would treat me nicely. Pero hindi ko akalain na magkakagusto ako sa kaniya, kay Choi Soobin. King ina! I had never tried to tell it either to Einon or Byeongyun kasi para saan pa? Itatago ko na lang siguro hanggang sa mawala. Almost everyone in the class despised her. She was once nice to me, not until I confessed to her.I had been trying to look okay everytime I would saw her talking with Byeongyun. Alam ko kung gaano niya kagusto ang kaibigan ko. Alam ko rin kung gaano nasusuya si Byeongyun sa ugali ni Soobin. Nasasaktan ako para kay Soobin, but I hid it anyway. Alam ko sa sarili kong hindi magiging maayos kung ipagpapatuloy ko ang pagkagusto ko sa kaniya, but I couldn’t help it. Gusto ko siya pero sa tingin ko rin ay sumusobra na siya. These past few days had been a chaotic days for us dahil kay Soobin.“Hindi ninyo pa rin ba makontak?” tan
BYEONGYUN’S POV It was just so tiring recently. Lalo pa ngayon na may hindi pa nagpapakilalang nagsasabi na si Soobin ang may kagagawan ng pagkawala ng drafts ni Deborah. “Paano ninyo nagagawang pagbintangan si Choi Soobin kung kasalanan naman talaga ni Deborah kung bakit hindi niya makita iyan? Hindi siya ninakawan. Malinaw na kay Deborah ang sisi kung hindi niya nakita ang draft dahil nasa mga gamit niya pa rin iyan. Puwede ba? Tigilan ninyo ang kasisisi sa kaibigan ko!” “See? It’s really her fault,” may pagmamalaking giit pa ni Soobin sabay punas sa basa niyang pisngi. “Are we done? Ugh! Such as waste of time!” “Hindi ko alam... bakit...” nauutal na sabi ni Deborah na halatang hindi rin makapaniwalang nasa mga gamit lang pala niya ang nawawalang drafts ng essay niya. Matapos ang pangyayaring iyon ay umalis ng classroom si Soobin kasama si Selena. Ang ipinagtaka ko nga lamang ay halos kaladkarin niya si Wyn palabas ng classroom. Agad akong kinutuban saka napailing. “This is a
DEBORAH’S POVHalos mabiyak na ang aking ulo sa kaiisip kung ano’ng nangyayari. Ang gulo. Hindi ko alam kung bakit may nagte-text sa amin na may nagnakaw ng draft ko sa essay gayong nakita rin ito sa mga gamit ko. Ang dami kong tanong ngunit parang ang hirap hanapan ng sagot.“Sino ba kasi iyan? Totoo pa ba iyan o ginugulo na lang tayo?” reklamo ni Watt makaraang malaman nila na may nagpadala rin ng text message sa akin.Nakita ko kung paano gumalaw ang panga ni Byeongyun. Kita sa hitsura niya na napipikon na siya.“Hindi ko talaga alam na narito ang mga papel na pinagsulatan ko. Wala na akong matandaan,” sabi ko saka sinimulang ayusin ang aking mga gamit na nakakalat sa lapag. Agad naman akong tinulungan ni Einon.“Kahit ako ay naguguluhan na rin,” sambit pa ni Einon saka niya iniabot sa akin ang aking bag.“Ayaw ko na talaga ng gulo. Hangga’t maaari, sana huwag na
BYEONGYUN’S POVIlang minuto na naming pinag-iisipan kung kanino maaaring nanggaling ang text ngunit ni isa sa amin ay walang ideya.“Hindi ko alam kung sino iyan pero sa tingin ko, nasa loob lang ng classroom na ito ang nakakita sa nagnakaw ng piece mo,” sambit ko.Panay ang buntong-hininga ni Deborah habang nakatingin sa aking telepono. Hindi ko alam kung ano’ng iniisip niya.“Deborah?” tawag ko sa kaniya.Tumunghay siya ngunit hindi pa rin siya nagsalita matapos niyang makita ang text.“Hey, speak up,” untag ko pa sa kaniya pero nabaling lang ang aking atensyon nang magsalita sa aking likuran si Watt.“Sino naman kaya talaga ang nagnakaw ng draft mo?” tanong niya kay Deborah ngunit isang kibit-balikat ang isinagot nito rito.“Iisa lang naman ang puwedeng gumawa niyan.”Agad kaming napalingon kay Einon na naglakad palapit sa
DEBORAH’S POVPara akong nabunutan ng tinik kaya habang naglalakad ako patungo sa room habang nasa tabi ko si Byeongyun ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti.Maayos na sila ni Bavi. Maayos na rin kaming dalawa. Magiging maayos na rin kaya ang takbo ng buhay ko sa paaralang ito?“Bakit mo na naman ako iniisip?”Agad akong napalingon sa katabi kong kapre at halos mapunit na rin ang kaniyang labi sa lapad ng kaniyang ngisi.“Ano’ng sinasabi mo?”“I don’t need to ask kung sino ba ang crush mo kasi for sure, ako iyon. Saka ang mga ganiyang ngiti? Ngiti ng mga iniisip ang kanilang crush. In short, ako ang crush mo, ako ang iniisip mo kaya ganiyan ang ngiti mo.”Napasinghap ako sa kakapalan ng kaniyang mukha.“Hoy!” bulyaw ko sabay duro pa sa kaniya. “Kailan ka pa nagsimulang kumorni nang kumorni, ha? Ang kapal ng mukha mo. Nakangiti ako kasi ok
DEBORAH’S POV“The Korean guy... Byeongyun,” usal ni Bavi. “Okay, look, Byeongyun. It’s... it’s not what you think.”Sa pagitan ng mga hikbi ko’y muli kong tinawag ang pangalan ni Byeongyun.“Byeongyun...”Nang mapalingon siya sa paligid ay mas lalong kumunot ang noo niya. Doon niya lang rin siguro napansin kung ano’ng hitsura ko ngayon.Tumakbo na siya palapit sa akin saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko.“Bakit... bakit ka umiiyak? Bakit ang dumi mo? Ano’ng nangyari? Ha? Answer me, Deborah!” untag niya sa akin ngunit hindi ko nagawang sabihin kung bakit.Dahil doon ay nilingon niya si Bavi. Agad kong hinawakan ang mga braso niya nang maramdaman kong tensyonado na siya ngunit hindi iyon tumalab.“You!
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments