DEBORAH’S POV
“Sinong kinakausap mo? Saglit pa lang akong nawawala sa tabi mo, kung sinu-sino na agad ang kinakausap mo.”
Sinimangutan ko na lamang siya’t nagsulat ng kung ano sa aking notebook.
“Tss. Wala,” maikli kong sagot sa kaniya.
“Ano ba’ng ginagawa mo?"
“Hindi ba obvious? Nagsusulat ako.”
“Yeah. I mean, what’s it all about?”
Tiningnan ko siya. “Bakit ka curious?”
“Masama ba’ng magtanong?”
“Hindi,” patuloy kong tugon.
“Ano kasi iyan?”
Sa tangkad niya’y hindi ko agad magawang bawiin sa kaniya iyong aking notebook nang magawa niya itong hablutin mula sa akin.
“Synopsis? Oh, so you’re writing a story?” sabi niya sabay lipat nito sa kabilang page.
“Ibalik mo na iyan, ano ba? Hoy!”
“Wait. Just let
BYEONGYUN’S POVPanibagong araw na naman.Sa aking paglalakad patungong gate ng school matapos kong mai-parked ang aking motor ay isinalpak ko ang earphones sa magkabilang tainga ko habang humihithit ng sigarilyo.Missing You by The VampsAgad namang natigil ang pinatutugtog kong kanta nang biglang may tumawag sa aking telepono na agad ko namang sinagot.“O noona?” Yes, Ate Jiyun? sambit ko.“Jal jinesseoyo?” How have you been?“Gwaenchana. Hakkyoae kakoisseoyo. Wae?” I’m okay. I'm on my way to school. Why?“You were at the restaurant yesterday?” tanong niya. “Mianhae.” I’m sorry.“That’s fine. I was there with a friend, Deborah. Doon kami nag-lunch. I was about to introduce her to you, but you weren’t there yesterday,” sagot ko. “Bappayo?” Are you busy?“A girl?” Tila sumigla ang boses niya sa kabilang linya kaya agad akong napangisi.“Why?” tanong ko sabay hithit muli sa aking sigarilyo.“Date her.”Muntik na akong masamid. “M-mwo?” W-what? “Date her!” ulit pa niya.“Seriously? We’r
DEBORAH’S POV“King ina! Paniguradong aasarin na naman ako ng ungas na iyon!”Pasabunot kong isinuklay ang aking mga daliri sa aking buhok habang nasa loob pa rin ng cubicle at nakaupo sa toilet.“Inhale tapos exhale, Deborah,” sabi ko sa aking sarili saka huminga nang malalim.“Bakit ka ba nagkagano’n kanina? Para kang siraulo, Macalintal! Eh ano naman kung sumama siya sa mga babaeng iyon? Ano naman sa iyo? Edi hayaan mo siyang mag-party! Malaki na si Byeongyun, okay? Siya nga si Goliath, ‘di ba? Buwisit kasing guard iyon e! Hay!”Muli akong huminga nang malalim saka ilang minuto pang nanatili sa loob ng cubicle para mahimasmasan.Nang tangkain ko nang tumayo para sana lumabas sa cubicle ay sakto namang may narinig akong nag-uusap sa labas kaya’t napaupong muli ako.“Ang ganda ni Choi Soobin, ‘di ba?”“Tama ka. Kaya nga nakakapagtaka na ayaw sa kaniya ni Byeongyun e. Sayang. Kung hindi siguro dahil sa nangyari noon sa kanila, hindi siguro magagalit sa kaniya si Byeongyun nang gano’n.”
BYEONGYUN’S POV“Galit ka ba?” tanong ko kay Deborah na hindi pa rin natitinag sa mga pagtawag ko sa kaniya.Hindi ko kasi alam kung kanino na ba talaga siya galit, doon sa guard, sa akin, o kay Soobin?Bahagya akong lumapit sa kaniya saka itinapat ang aking bibig sa kaniyang tainga.“Remember,” bulong ko, “I’m too cute to be ignored, midget. I’m telling—”“Look at them!”“Omg!”Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Deborah matapos maglapat ang aming labi nang lingunin niya ako.Sa gulat ko ay hindi rin agad ako nakagalaw.“Everyone, eyes on me!”Nang biglang dumating ang aming guro ay kapuwa kami napaayos ng aming upo.“Alright. I think, we... we should just talk later,” sabi ko na lamang at hindi na siya tinapunan pa ng tingin.Buong oras ng klase ay hindi ako kinausap
DEBORAH’S POV“Inang! Bakit may halik? Bakit nangyari iyon? Bakit? Bakit may gano’ng eksena? Bakit? Hay!”Panay ang aking sigaw sa aking kuwarto habang nakahiga sa aking kama at may taklob na unan ang aking mukha.“Yoon Byeongyun! Isa ka talagang harot na Goliath! Nakakainis ka—”“Mexico, ano ba’ng nangyayari na naman sa iyo?”Agad akong napabalikwas matapos akong hampasin ni mama sa aking binti. Nasa kuwarto ko na siya’t nakatitig na sa akin, naghihintay ng isasagot ko sa kaniyang tanong.Anong sasabin ko? Na nahalikan ako ng isang kanong pinaglihi sa kitikiti?Napakamot ako sa aking ulo saka nag-Indian sit.“Wala naman, Ma,” tugon ko. “Nakaka-stress lang po sa school.”“Pagkain lang ang katapat niyan. Kumain ka na!”“Mamaya po,” sagot ko pa saka muling nahiga at nagtaklob ng
DEBORAH’S POV“Byeongyun daw ang pangalan niya, Ate.”Ganoon na lang ang aking pagkagulat nang malaman kong si Byeongyun pala ang sinasabing tao ng aking kapatid na nasa labas ng aming bahay.“King ina! Bakit ka nasa labas ng bahay namin?” sigaw ko sa telepono saka dali-daling lumabas ng aking kuwarto.“Do you really have to cuss?” aniya sa kabilang linya.“Anak, bakit may kotse sa labas ng bahay natin? Sino ba iyon?” tanong ni Papa na pasilip-silip sa labas habang nakaupo sa sala.Sa halip na sagutin siya ay nagdire-diretso na ako sa labas ng pinto.Naroon nga si Byeongyun.Nasa labas siya ng kaniyang sasakyan, nakasandal habang may bitbit na malalaking supot na papel ang kaniyang magkabilang kamay. Doon ko rin napansin na nakasuot pa rin siya ng uniform.“Ayos ka rin,” sabi ko sa telepono nang makita ko pa siyang nakakiling dahil nasa pa
DEBORAH’S POV“Papatayin ko ba ang character? Ano ba’ng isusunod ko? Hay!”Napasubsob na lamang ako sa aking mesa nang hindi ko magawang sundan ang isinusulat kong nobela.Hindi ko na alam kung kailan ako nagsimulang magsulat. Sa pagkakantanda ko lang ay isa ang pagsulat ng mga kuwento sa pampalipas-oras ko.She left me. Dami left me. I still have no idea why, so I’ll not be using this until she comes back.Marahan kong ipinikit ang aking mga mata nang maalala ko na naman ang mga katagang iyon na nakasulat sa Bio ng Instagram account ni Byeongyun.Buwan na ng Agosto, isang buwan na ang nakalilipas matapos kong halungkatin ang account niyang iyon at ni minsan... ni minsan ay hindi ko nabanggit sa kaniya iyon. Natatakot akong magtanong at ayaw kong makialam. Hindi ko nga lamang lubos na maintindihan ang aking sarili kung bakit hanggang ngayon ay binabagabag ako ng aking mga nakita gayong unang-una ay wala naman akong kinalaman doon.Bahagya naman akong napalingon sa bakanteng upuan sa ta
BYEONGYUN’S POVPasado alas dyes na ng umaga at tatlumpung minuto na akong huli para sana sa huling meeting ng Department tungkol sa selebrasyon ng Buwan ng Wika bukas.Ano ba’ng magagawa ko kung sa tingin ko’y mas importante ang bagay na inuna ko kaysa sa meeting na dapat ay naroon ako bilang Presidente ng buong CTELA?Habang nakatayo sa harap ng aking sasakyan ay namulsa ako’t muling sumulyap sa police station na aking pinanggalingan kanina.Why are there so many unfair people?“Soksanghaeyo. Jinjja! Aish!” It’s really upsetting. Tsk!Napabuntong-hininga ako bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob ng sasakyan.Saktong pag-locked ng aking seatbelt ang pagtunog ng aking telepono mula sa bulsa ng aking polo. Kinuha ko naman agad iyon.Nang makita kong si Tito Paps ang nag-text sa akin ay agad ko iyong tiningnan at binasa.“Maraming salama
BYEONGYUN’S POV“Ayon sa tala ng United Nations Educational Scientific, and Cultural Organization o UNESCO, 2 268 wika ng daigdig ang maaaring maglaho na sa hinaharap kung hindi magkakaroon ng konkretong pagpaplano at aksiyon sa pagsagip dito,” usal ni Deborah habang hawak ang isang yellow paper na pinagsusulatan niya ng draft ng kaniyang essay para bukas.“Make a supporting sentence with it. How many words do you have already?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya.Kanina pa siyang balisa at ayaw paawat sa pagsulat. Bukod sa hindi niya kabisado ang lahat ng kaniyang isinulat sa nawawala niyang papel ay naiinis siya kaya’t ang hirap niyang pakalmahin.“Around two thousand words na,” tugon niya na sa papel pa rin nakatingin.Nasa tabi niya lang ako at nakapanood sa kaniya. Wala na ring klase at tapos na ang meeting ng Department. Kakaunti na lang din ang tao rito sa loob ng classroom.“Byeongyun, Deborah, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ni Einon habang nakaakbay kay Watt.“Hindi pa,” sa