DEBORAH’S POV
“Byeongyun daw ang pangalan niya, Ate.”
Ganoon na lang ang aking pagkagulat nang malaman kong si Byeongyun pala ang sinasabing tao ng aking kapatid na nasa labas ng aming bahay.
“King ina! Bakit ka nasa labas ng bahay namin?” sigaw ko sa telepono saka dali-daling lumabas ng aking kuwarto.
“Do you really have to cuss?” aniya sa kabilang linya.
“Anak, bakit may kotse sa labas ng bahay natin? Sino ba iyon?” tanong ni Papa na pasilip-silip sa labas habang nakaupo sa sala.
Sa halip na sagutin siya ay nagdire-diretso na ako sa labas ng pinto.
Naroon nga si Byeongyun.
Nasa labas siya ng kaniyang sasakyan, nakasandal habang may bitbit na malalaking supot na papel ang kaniyang magkabilang kamay. Doon ko rin napansin na nakasuot pa rin siya ng uniform.
“Ayos ka rin,” sabi ko sa telepono nang makita ko pa siyang nakakiling dahil nasa pa
DEBORAH’S POV“Papatayin ko ba ang character? Ano ba’ng isusunod ko? Hay!”Napasubsob na lamang ako sa aking mesa nang hindi ko magawang sundan ang isinusulat kong nobela.Hindi ko na alam kung kailan ako nagsimulang magsulat. Sa pagkakantanda ko lang ay isa ang pagsulat ng mga kuwento sa pampalipas-oras ko.She left me. Dami left me. I still have no idea why, so I’ll not be using this until she comes back.Marahan kong ipinikit ang aking mga mata nang maalala ko na naman ang mga katagang iyon na nakasulat sa Bio ng Instagram account ni Byeongyun.Buwan na ng Agosto, isang buwan na ang nakalilipas matapos kong halungkatin ang account niyang iyon at ni minsan... ni minsan ay hindi ko nabanggit sa kaniya iyon. Natatakot akong magtanong at ayaw kong makialam. Hindi ko nga lamang lubos na maintindihan ang aking sarili kung bakit hanggang ngayon ay binabagabag ako ng aking mga nakita gayong unang-una ay wala naman akong kinalaman doon.Bahagya naman akong napalingon sa bakanteng upuan sa ta
BYEONGYUN’S POVPasado alas dyes na ng umaga at tatlumpung minuto na akong huli para sana sa huling meeting ng Department tungkol sa selebrasyon ng Buwan ng Wika bukas.Ano ba’ng magagawa ko kung sa tingin ko’y mas importante ang bagay na inuna ko kaysa sa meeting na dapat ay naroon ako bilang Presidente ng buong CTELA?Habang nakatayo sa harap ng aking sasakyan ay namulsa ako’t muling sumulyap sa police station na aking pinanggalingan kanina.Why are there so many unfair people?“Soksanghaeyo. Jinjja! Aish!” It’s really upsetting. Tsk!Napabuntong-hininga ako bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob ng sasakyan.Saktong pag-locked ng aking seatbelt ang pagtunog ng aking telepono mula sa bulsa ng aking polo. Kinuha ko naman agad iyon.Nang makita kong si Tito Paps ang nag-text sa akin ay agad ko iyong tiningnan at binasa.“Maraming salama
BYEONGYUN’S POV“Ayon sa tala ng United Nations Educational Scientific, and Cultural Organization o UNESCO, 2 268 wika ng daigdig ang maaaring maglaho na sa hinaharap kung hindi magkakaroon ng konkretong pagpaplano at aksiyon sa pagsagip dito,” usal ni Deborah habang hawak ang isang yellow paper na pinagsusulatan niya ng draft ng kaniyang essay para bukas.“Make a supporting sentence with it. How many words do you have already?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya.Kanina pa siyang balisa at ayaw paawat sa pagsulat. Bukod sa hindi niya kabisado ang lahat ng kaniyang isinulat sa nawawala niyang papel ay naiinis siya kaya’t ang hirap niyang pakalmahin.“Around two thousand words na,” tugon niya na sa papel pa rin nakatingin.Nasa tabi niya lang ako at nakapanood sa kaniya. Wala na ring klase at tapos na ang meeting ng Department. Kakaunti na lang din ang tao rito sa loob ng classroom.“Byeongyun, Deborah, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ni Einon habang nakaakbay kay Watt.“Hindi pa,” sa
DEBORAH’S POV“Sige, Mama,” sabi ko bago ko ibaba ang tawag.Dahil sa pagkabalisa ay naibato ko sa ibabaw ng mesa ang aking telepono. Nalukot pa ng aking mga kamay ang suot kong palda.“Excuse me? May nakakita ba sa papel ko?” pasigaw kong sabi sabay tayo mula sa aking pagkakaupo. “May mga sulat iyon para sa sanaysay.”Nagsilingunan naman ang mga kaklase ko sa aking gawi ngunit wala ni isa sa kanila ang nagsalita.“Ano’ng problema, Deborah?”Nilingon ko si Einon na kapapasok lamang sa loob ng classroom kasama si Watt na kasunod niya lamang sa kaniyang likuran.“Nawawala iyong draft ng aking sanaysay para bukas,” tugon ko.“Ha? Paano?”Umiling ako. “H-hindi ko rin a-alam.”“Aw. Poor you.” Binalingan ko naman ng tingin si Soobin na kapapasok lamang din sa loob ng classroom. “I’m so right na nasa risk ang Department natin if you will be the representative of essay category,” aniya pa. “Ije mwoya?” What now?Mas lalo pa akong na-frustrate dahil sa pagngisi niya.“Ya! Geuman!” Hey! Stop it
DEBORAH’S POVSa labinlimang minutong biyahe pauwi sa amin ay pareho kaming tahimik ni Byeongyun sa loob ng sasakyan niya. Diretso lang siyang nakatingin sa daan samantalang ako ay hindi komportable habang kinakain ang kuko ko.“Why did you hit my boy? Aw! Ugh!” nakangibit at dumadaing niyang tanong sa akin.Nagkibit-balikat naman ako.“Baka nga ginawa ko pa iyang scrambled eggs kapag nagkataon!” singhal ko.Pagtalikod ko ay agad rin akong bumalik sa aking upuan upang ayusin ang aking mga gamit.“Aw!” rinig ko pang daing niya. Bahagya ko siyang nilingon at nakita kong tumatayo na siya nang dahan-dahan.“Buti nga sa iyo! Napaka mo kasi!” sabi ko pa saka isinukbit ang aking bag.Nang lingunin ko siya ay seryoso na ang kaniyang hitsura. Bahagya naman akong natakot kaya napakurap ako at napatitig sa kaniy
BYEONGYUN’S POV“Do you guys really love chicken?” tanong ko kina Einon at Watt na walang awa doon sa fried chicken.“Bro, parang hindi mo kami kilala. No. Just the meat. They’re awesome!” usal ni Watt habang puno ang bibig.“Right. Salamat ulit sa pa-chicken dinner mo,” tugon naman ni Einon saka muling kumuha ng drumstick sa bucket.Napailing naman ako.I should be at home by now, but I saw these two wandering in front of the restaurant kanina habang pauwi na ako galing kina Deborah kaya agad akong humanap ng space for parking para lapitan itong dalawa.“You two should call me. Hindi iyong para kayong pulubi kanina habang nasa labas ng restaurant,” sabi ko saka sumandal sa aking upuan.“Tsk! We have money for chicken dinner kaso...” usal ni Watt sabay lingon sa katabi niyang si Einon.“Kaso?” Napataas ang kilay ko.&ldqu
DEBORAH’S POVHindi na ako lumabas ng aking kuwarto. Hindi ko kasi alam kung paano ako haharap kina Mama at Papa matapos ng inasal ko kanina.Alam ko namang mabuting tao si Byeongyun, hindi ko nga lamang maiwasan na hindi mag-isip nang hindi maganda gayong isa iyon sa mga pangyayaring ayaw ko nang maulit pa, ang ipahiya at mapahiya na damay ang buong pamilya ko.Kung tutuusin, mas gugustuhin ko pa na walang pumansin sa akin kaysa ang mapansin para lang kutyain at maliitin.Natatakot ako na baka isang araw, maulit muli iyon lalo pa ngayon na may mga nagagalit sa akin sa pagiging malapit ko kay Byeongyun.Hindi ko na nagawa pang basahin ulit ang sanaysay na aking ginawa kanina dahil sa sama ng loob. Nakatulog ako ng may pag-aalala sa mga maaari pang mangyari.Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil alas otso impunto ay sisimulan ang mga patimpalak na gagawin ngayong selebrasyon ng Buwan ng Wika.Tahimik kong bina
EINON’S POVMabigat ang aking paghinga habang bumababa sa hagdan mula sa library. Simula kasi nang makita ko si Deborah na umiiyak kanina ay bumigat ang aking pakiramdam.“H-hindi ko sinasadya. H-hindi—”“Soobin... h-hindi ko naman sinasadya. Wala akong alam—”“H-hindi ko sinasadya. Hindi ko alam...”Nasabunutan ko ang aking sarili saka napahilamos sa aking mukha.Mariin akong pumikit para malimot ang hitsura ni Deborah ngunit sadya yatang makulit ang aking utak.“Naku! Tara na bro. Kumain muna tayo sa labas. May ilang minuto pa bago magsimula ang klase,” sabi sa akin ni Watt sabay hila sa akin palabas ng classroom.Matapos kasi ang away at sagutan ni Soobin at Deborah ay kinukulit na siya ni Byeongyun ngayon.Mukhang may pinag-awayan sila kaya itong si Watt, agad ako hinila paalis para bigy