BYEONGYUN’S POVPasado alas dyes na ng umaga at tatlumpung minuto na akong huli para sana sa huling meeting ng Department tungkol sa selebrasyon ng Buwan ng Wika bukas.Ano ba’ng magagawa ko kung sa tingin ko’y mas importante ang bagay na inuna ko kaysa sa meeting na dapat ay naroon ako bilang Presidente ng buong CTELA?Habang nakatayo sa harap ng aking sasakyan ay namulsa ako’t muling sumulyap sa police station na aking pinanggalingan kanina.Why are there so many unfair people?“Soksanghaeyo. Jinjja! Aish!” It’s really upsetting. Tsk!Napabuntong-hininga ako bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob ng sasakyan.Saktong pag-locked ng aking seatbelt ang pagtunog ng aking telepono mula sa bulsa ng aking polo. Kinuha ko naman agad iyon.Nang makita kong si Tito Paps ang nag-text sa akin ay agad ko iyong tiningnan at binasa.“Maraming salama
BYEONGYUN’S POV“Ayon sa tala ng United Nations Educational Scientific, and Cultural Organization o UNESCO, 2 268 wika ng daigdig ang maaaring maglaho na sa hinaharap kung hindi magkakaroon ng konkretong pagpaplano at aksiyon sa pagsagip dito,” usal ni Deborah habang hawak ang isang yellow paper na pinagsusulatan niya ng draft ng kaniyang essay para bukas.“Make a supporting sentence with it. How many words do you have already?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya.Kanina pa siyang balisa at ayaw paawat sa pagsulat. Bukod sa hindi niya kabisado ang lahat ng kaniyang isinulat sa nawawala niyang papel ay naiinis siya kaya’t ang hirap niyang pakalmahin.“Around two thousand words na,” tugon niya na sa papel pa rin nakatingin.Nasa tabi niya lang ako at nakapanood sa kaniya. Wala na ring klase at tapos na ang meeting ng Department. Kakaunti na lang din ang tao rito sa loob ng classroom.“Byeongyun, Deborah, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ni Einon habang nakaakbay kay Watt.“Hindi pa,” sa
DEBORAH’S POV“Sige, Mama,” sabi ko bago ko ibaba ang tawag.Dahil sa pagkabalisa ay naibato ko sa ibabaw ng mesa ang aking telepono. Nalukot pa ng aking mga kamay ang suot kong palda.“Excuse me? May nakakita ba sa papel ko?” pasigaw kong sabi sabay tayo mula sa aking pagkakaupo. “May mga sulat iyon para sa sanaysay.”Nagsilingunan naman ang mga kaklase ko sa aking gawi ngunit wala ni isa sa kanila ang nagsalita.“Ano’ng problema, Deborah?”Nilingon ko si Einon na kapapasok lamang sa loob ng classroom kasama si Watt na kasunod niya lamang sa kaniyang likuran.“Nawawala iyong draft ng aking sanaysay para bukas,” tugon ko.“Ha? Paano?”Umiling ako. “H-hindi ko rin a-alam.”“Aw. Poor you.” Binalingan ko naman ng tingin si Soobin na kapapasok lamang din sa loob ng classroom. “I’m so right na nasa risk ang Department natin if you will be the representative of essay category,” aniya pa. “Ije mwoya?” What now?Mas lalo pa akong na-frustrate dahil sa pagngisi niya.“Ya! Geuman!” Hey! Stop it
DEBORAH’S POVSa labinlimang minutong biyahe pauwi sa amin ay pareho kaming tahimik ni Byeongyun sa loob ng sasakyan niya. Diretso lang siyang nakatingin sa daan samantalang ako ay hindi komportable habang kinakain ang kuko ko.“Why did you hit my boy? Aw! Ugh!” nakangibit at dumadaing niyang tanong sa akin.Nagkibit-balikat naman ako.“Baka nga ginawa ko pa iyang scrambled eggs kapag nagkataon!” singhal ko.Pagtalikod ko ay agad rin akong bumalik sa aking upuan upang ayusin ang aking mga gamit.“Aw!” rinig ko pang daing niya. Bahagya ko siyang nilingon at nakita kong tumatayo na siya nang dahan-dahan.“Buti nga sa iyo! Napaka mo kasi!” sabi ko pa saka isinukbit ang aking bag.Nang lingunin ko siya ay seryoso na ang kaniyang hitsura. Bahagya naman akong natakot kaya napakurap ako at napatitig sa kaniy
BYEONGYUN’S POV“Do you guys really love chicken?” tanong ko kina Einon at Watt na walang awa doon sa fried chicken.“Bro, parang hindi mo kami kilala. No. Just the meat. They’re awesome!” usal ni Watt habang puno ang bibig.“Right. Salamat ulit sa pa-chicken dinner mo,” tugon naman ni Einon saka muling kumuha ng drumstick sa bucket.Napailing naman ako.I should be at home by now, but I saw these two wandering in front of the restaurant kanina habang pauwi na ako galing kina Deborah kaya agad akong humanap ng space for parking para lapitan itong dalawa.“You two should call me. Hindi iyong para kayong pulubi kanina habang nasa labas ng restaurant,” sabi ko saka sumandal sa aking upuan.“Tsk! We have money for chicken dinner kaso...” usal ni Watt sabay lingon sa katabi niyang si Einon.“Kaso?” Napataas ang kilay ko.&ldqu
DEBORAH’S POVHindi na ako lumabas ng aking kuwarto. Hindi ko kasi alam kung paano ako haharap kina Mama at Papa matapos ng inasal ko kanina.Alam ko namang mabuting tao si Byeongyun, hindi ko nga lamang maiwasan na hindi mag-isip nang hindi maganda gayong isa iyon sa mga pangyayaring ayaw ko nang maulit pa, ang ipahiya at mapahiya na damay ang buong pamilya ko.Kung tutuusin, mas gugustuhin ko pa na walang pumansin sa akin kaysa ang mapansin para lang kutyain at maliitin.Natatakot ako na baka isang araw, maulit muli iyon lalo pa ngayon na may mga nagagalit sa akin sa pagiging malapit ko kay Byeongyun.Hindi ko na nagawa pang basahin ulit ang sanaysay na aking ginawa kanina dahil sa sama ng loob. Nakatulog ako ng may pag-aalala sa mga maaari pang mangyari.Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil alas otso impunto ay sisimulan ang mga patimpalak na gagawin ngayong selebrasyon ng Buwan ng Wika.Tahimik kong bina
EINON’S POVMabigat ang aking paghinga habang bumababa sa hagdan mula sa library. Simula kasi nang makita ko si Deborah na umiiyak kanina ay bumigat ang aking pakiramdam.“H-hindi ko sinasadya. H-hindi—”“Soobin... h-hindi ko naman sinasadya. Wala akong alam—”“H-hindi ko sinasadya. Hindi ko alam...”Nasabunutan ko ang aking sarili saka napahilamos sa aking mukha.Mariin akong pumikit para malimot ang hitsura ni Deborah ngunit sadya yatang makulit ang aking utak.“Naku! Tara na bro. Kumain muna tayo sa labas. May ilang minuto pa bago magsimula ang klase,” sabi sa akin ni Watt sabay hila sa akin palabas ng classroom.Matapos kasi ang away at sagutan ni Soobin at Deborah ay kinukulit na siya ni Byeongyun ngayon.Mukhang may pinag-awayan sila kaya itong si Watt, agad ako hinila paalis para bigy
DEBORAH’S POV“Hai già pianto prima. Per favore resta,” You’ve been crying for awhile now. Please, stop already.Dahan-dahan ay inangat ko ang aking ulo sa kung sinong naglapag ng panyo sa aking mesa kasabay ng pagtigil ko sa aking pagsusulat.Habang pinupunasan ko ang aking pisngi gamit ang aking kamay ay nakita ko ang isang lalaking may katangkaran, maputi at nakasuot ng isang asul na modernong barong tagalog.Nang titigan ko siya’y bigla siyang napakamot sa kaniyang ulo.“Oh, what I mean is, you’ve been crying since you came here. I just want to offer you my handkerchief,” aniya saka muling inabot sa akin iyong panyo na kinuha ko rin naman.“T-thank you,” sambit ko.“I’m Bavi Rossi, Engineering Department’s President,” pagpapakilala niya sa akin.“Oh, um...” nasabi ko na lamang matapos kong punasan ng kaniyang panyo ang aking magkabilang pisngi.Agad ko ring napansin na baka isa siya sa facilitator ng category na sinalihan ko kaya agad akong bumalik sa aking pagsusulat.Hindi ko na