DEBORAH’S POVSa labinlimang minutong biyahe pauwi sa amin ay pareho kaming tahimik ni Byeongyun sa loob ng sasakyan niya. Diretso lang siyang nakatingin sa daan samantalang ako ay hindi komportable habang kinakain ang kuko ko.“Why did you hit my boy? Aw! Ugh!” nakangibit at dumadaing niyang tanong sa akin.Nagkibit-balikat naman ako.“Baka nga ginawa ko pa iyang scrambled eggs kapag nagkataon!” singhal ko.Pagtalikod ko ay agad rin akong bumalik sa aking upuan upang ayusin ang aking mga gamit.“Aw!” rinig ko pang daing niya. Bahagya ko siyang nilingon at nakita kong tumatayo na siya nang dahan-dahan.“Buti nga sa iyo! Napaka mo kasi!” sabi ko pa saka isinukbit ang aking bag.Nang lingunin ko siya ay seryoso na ang kaniyang hitsura. Bahagya naman akong natakot kaya napakurap ako at napatitig sa kaniy
BYEONGYUN’S POV“Do you guys really love chicken?” tanong ko kina Einon at Watt na walang awa doon sa fried chicken.“Bro, parang hindi mo kami kilala. No. Just the meat. They’re awesome!” usal ni Watt habang puno ang bibig.“Right. Salamat ulit sa pa-chicken dinner mo,” tugon naman ni Einon saka muling kumuha ng drumstick sa bucket.Napailing naman ako.I should be at home by now, but I saw these two wandering in front of the restaurant kanina habang pauwi na ako galing kina Deborah kaya agad akong humanap ng space for parking para lapitan itong dalawa.“You two should call me. Hindi iyong para kayong pulubi kanina habang nasa labas ng restaurant,” sabi ko saka sumandal sa aking upuan.“Tsk! We have money for chicken dinner kaso...” usal ni Watt sabay lingon sa katabi niyang si Einon.“Kaso?” Napataas ang kilay ko.&ldqu
DEBORAH’S POVHindi na ako lumabas ng aking kuwarto. Hindi ko kasi alam kung paano ako haharap kina Mama at Papa matapos ng inasal ko kanina.Alam ko namang mabuting tao si Byeongyun, hindi ko nga lamang maiwasan na hindi mag-isip nang hindi maganda gayong isa iyon sa mga pangyayaring ayaw ko nang maulit pa, ang ipahiya at mapahiya na damay ang buong pamilya ko.Kung tutuusin, mas gugustuhin ko pa na walang pumansin sa akin kaysa ang mapansin para lang kutyain at maliitin.Natatakot ako na baka isang araw, maulit muli iyon lalo pa ngayon na may mga nagagalit sa akin sa pagiging malapit ko kay Byeongyun.Hindi ko na nagawa pang basahin ulit ang sanaysay na aking ginawa kanina dahil sa sama ng loob. Nakatulog ako ng may pag-aalala sa mga maaari pang mangyari.Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil alas otso impunto ay sisimulan ang mga patimpalak na gagawin ngayong selebrasyon ng Buwan ng Wika.Tahimik kong bina
EINON’S POVMabigat ang aking paghinga habang bumababa sa hagdan mula sa library. Simula kasi nang makita ko si Deborah na umiiyak kanina ay bumigat ang aking pakiramdam.“H-hindi ko sinasadya. H-hindi—”“Soobin... h-hindi ko naman sinasadya. Wala akong alam—”“H-hindi ko sinasadya. Hindi ko alam...”Nasabunutan ko ang aking sarili saka napahilamos sa aking mukha.Mariin akong pumikit para malimot ang hitsura ni Deborah ngunit sadya yatang makulit ang aking utak.“Naku! Tara na bro. Kumain muna tayo sa labas. May ilang minuto pa bago magsimula ang klase,” sabi sa akin ni Watt sabay hila sa akin palabas ng classroom.Matapos kasi ang away at sagutan ni Soobin at Deborah ay kinukulit na siya ni Byeongyun ngayon.Mukhang may pinag-awayan sila kaya itong si Watt, agad ako hinila paalis para bigy
DEBORAH’S POV“Hai già pianto prima. Per favore resta,” You’ve been crying for awhile now. Please, stop already.Dahan-dahan ay inangat ko ang aking ulo sa kung sinong naglapag ng panyo sa aking mesa kasabay ng pagtigil ko sa aking pagsusulat.Habang pinupunasan ko ang aking pisngi gamit ang aking kamay ay nakita ko ang isang lalaking may katangkaran, maputi at nakasuot ng isang asul na modernong barong tagalog.Nang titigan ko siya’y bigla siyang napakamot sa kaniyang ulo.“Oh, what I mean is, you’ve been crying since you came here. I just want to offer you my handkerchief,” aniya saka muling inabot sa akin iyong panyo na kinuha ko rin naman.“T-thank you,” sambit ko.“I’m Bavi Rossi, Engineering Department’s President,” pagpapakilala niya sa akin.“Oh, um...” nasabi ko na lamang matapos kong punasan ng kaniyang panyo ang aking magkabilang pisngi.Agad ko ring napansin na baka isa siya sa facilitator ng category na sinalihan ko kaya agad akong bumalik sa aking pagsusulat.Hindi ko na
BYEONGYUN’S POV“Why don’t we eat first? It’s almost lunch, Byeongyun.”“I have something else to do. I can’t eat with you.”“But why?”“Please. I’ll just drop you off to your house, then I’ll go,” pagtatapos ko sa aming usapan ni Soobin.“I can’t believe why you suddenly wanted to take me home.”Ipinako ko na lamang ang aking tingin sa daan habang nagmamaneho at hindi na siya pinansin pa.I was hurt badly from the accident awhile ago pero kahit na ganoon ay agad kong naisip si Deborah dahil nag-aalala ako sa maraming dahilan.Nang malaman ko pang sinaktan at sinisi siya ni Soobin ay mas lalo akong nagmadali para makita siya at makausap pagkagising na pagkagising ko.Masiyado akong nag-alala.Naging mabigat ang dibdib ko oras na makita kong nakahilig sa balikat ng isang lalaki si Deborah nang magp
DEBORAH’S POV“Sandali lang, Deborah! Saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Einon matapos ko silang talikuran ni Watt.“Dito lang sa tabi-tabi,” tugon ko saka nagpatuloy sa aking paglalakad.Nakayuko akong naglakad paalis matapos kong marinig sa bibig ni Einon na kasama ni Byeongyun si Soobin.May ilang nakatabig sa akin dahil hindi rin talaga ako nakatingin sa daan.“Aba! Bakit ba ako malungkot? Ano namang pakialam ko kung magkasama sila? Ayos nga iyon para wala ng manggugulo sa akin!” wala sa sariling sigaw ko kaya’t napalingon sa akin iyong mga nakakasalubong ko sa hallway.Pasado alas dose na ng tanghali ngunit hindi pa rin tapos ang mga kaganapan sa loob ng gym. Maingay pa rin doon at puno ng mga estudyante at mga bisita.Nang masipat ng aking mga mata ang isang bakanteng upuan sa may garden malapit sa Engineering’s Department ay naupo ako roon.&ldqu
DEBORAH’S POV“E-Einon?” gulat na sambit ko.Makailang beses akong napakurap dahil nakita ko kung gaano kaseryoso ang hitsura ni Einon ngayon habang nakatingin kay Bavi.“Who are you?” nakangiting tanong naman ni Bavi.Nang hindi magsalita si Einon ay sumabat na ako sa kanilang dalawa.“Ah Bavi... si Einon nga pala. Kaklase ko siya saka kaibigan... kaibigan ni Byeongyun,” sabi ko saka tiningan si Bavi.“Oh, nice to meet you,” bati naman ni Bavi.Lumingon ako kay Einon saka ko sinabing, “Siya si Bavi, CPE President.”Matapos ng ginawa ko ay bigla naman akong naguluhan. Bakit ko nga ba sila ipinagkikilala?Nang mapansin ko pang pareho pa rin silang nakahawak sa magkabilang braso ko ay agad ko iyong hinigit mula sa kanila.“Sandali nga! May mga braso naman kayo, iyon na lang ang higitin ninyo!” sabi ko saka binalingan ng ti