Mysterious Case of Love

Mysterious Case of Love

last updateLast Updated : 2024-02-29
By:  Mystshade  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
54Chapters
2.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Tahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kanya at hindi niya mahindian. Makabalik pa kaya ang multong ito sa kanyang katawan?

View More

Latest chapter

Free Preview

1: Day dream

One: DaydreamLUMABAS ako mula sa elevator ng school namin. Inaabangan ako ng mga students sa labas nito, may nag-abot sa akin ng bouquet of flowers. Nginitian ko siya pero binulungan ko siya na 'wag nang umasa, hindi ko siya magugustuhan. Iniwan ko siya ngunit sinundan pa rin ako ng ibang lalaki. Lahat ng madadaanan ko, sinusundan ako ng tingin. Naririnig ko pa ang ibang babae na nagsasabing ang ganda ko raw. Nginingitian ko lang sila, hinawi ko pa papunta sa likod ang aking buhok.Habang naglalakad ako papuntang library, naririnig ko pa ang saliw ng tugtog na nanggagaling sa broadcasting department namin; can't take my eyes off you.I am Flare Joshel Garcia. Maganda, sophisticated, maputi, makinis, at matalino. I'm good at everything. Sports, academic, curricular activities, name it. I'm also popular and all of the students respects me because I'm their student council president.Who says nobody's perfect? Ano ang tawag ninyo sa akin?"Miss! Tatamaan ka ng bola!"Napaangat ako ng ti

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
54 Chapters

1: Day dream

One: DaydreamLUMABAS ako mula sa elevator ng school namin. Inaabangan ako ng mga students sa labas nito, may nag-abot sa akin ng bouquet of flowers. Nginitian ko siya pero binulungan ko siya na 'wag nang umasa, hindi ko siya magugustuhan. Iniwan ko siya ngunit sinundan pa rin ako ng ibang lalaki. Lahat ng madadaanan ko, sinusundan ako ng tingin. Naririnig ko pa ang ibang babae na nagsasabing ang ganda ko raw. Nginingitian ko lang sila, hinawi ko pa papunta sa likod ang aking buhok.Habang naglalakad ako papuntang library, naririnig ko pa ang saliw ng tugtog na nanggagaling sa broadcasting department namin; can't take my eyes off you.I am Flare Joshel Garcia. Maganda, sophisticated, maputi, makinis, at matalino. I'm good at everything. Sports, academic, curricular activities, name it. I'm also popular and all of the students respects me because I'm their student council president.Who says nobody's perfect? Ano ang tawag ninyo sa akin?"Miss! Tatamaan ka ng bola!"Napaangat ako ng ti
Read more

2: Ghost in School

Nababagot ako na nagdo-drawing sa likod ng aking notebook. Nagdi-discuss si ma’am pero walang nakikinig, nakakantok kasi siya magturo. Well, ano ba’ng aasahan niya sa class F? Tapos science pa ang tinuturo niya. Natuwa ako nang mag-ring na ang bell. Indikasyon na tapos ang klase."Class--" paninimula ni Miss Delisa, sa sobrang tuwa ko napatayo ako bigla."Dismissed. WOO!” dugtong ko sa sasabihin ni Ms. Delisa saka tumayo at ready ng umalis nang sawayin niya ako. Naibaba kong muli ang aking bag. Saka ko na-realize ang kabastusan na nagawa ko. Napalingon ako sa classmates ko, nagpipigil sila ng tawa. "Garcia, p’wede bang patapusin mo muna ako, excited masyado?" nagagalit na sabi sa akin ni Miss Delisa. Nagpameywang siya sa harap kaya naman napukaw namin ang atensiyon ng iba kong classmates. Nagtawanan sila habang tinuturo ako."Uwing-uwi na si panget ma'am! Hahaha,” pang iinsulto sakin ni Joshua, ang numero unong nang-aasar lagi sa’kin. Nagtawanan ulit sila.Naningkit ang mga mata kon
Read more

3: Handsome ghost problem

"HEY, hey. Talk to me, please?" pakiusap niya sa akin. Mabilis akong naglalakad palabas ng campus pauwi sa amin pero sinusundan pa rin ako ng lalaking ito. Umiling-iling ako, natatakot at kinakabahan. Bakit ako sinusundan ng multo? Bakit ako? Tumakbo ako palayo pero nahahabol pa rin niya ako at wala siyang humpay kakasalita sa tainga ko, palipat-lipat siya sa magkabilang tainga ko, hindi niya ako tinatantanan.Ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko na may multong sumusunod sa akin. Naluluha na ako sa takot ko.Tinakpan ko ang tainga ko. "Ah wala. Wala akong naririnig! Flare Joshel, guni-guni lang to. Okay, okay?" pagpapahinahon ko sa sarili ko, ipinikit ko saglit ang mata ko. Paano ko siya nakikita? As far as I'm concern I don't have third eye! Sana pagdilat ko wala na siya."I'm not. Notice me. Please I need your help. Stop walking, napapagod na ako kakahabol,” reklamo niya kaya napadilat ako. Pakiramdam ko ako na ang pinakamalas na tao sa mundo nang makita ko siya sa harapan ko."Ay k
Read more

4: Who's that guy

AKALA ko madali lang na tulungan ang katulad niya. Akala ko kasi ang gusto ng mga tulad niya ay isang panalangin lang at huling mensahe para sa mga magulang niya. Hindi ba't ganoon naman talaga ang mga kaluluwa? Ganoon ang napanood ko sa isang Kdrama. Hindi kasi sila matatahimik hangga't hindi pa nila nasasabi ang mga gusto nila. Pero itong multo na ito sinasabing hindi siya multo kun'di ligaw na kaluluwa lang. Ang dami niyang hinihiling sa akin. Hindi niya ako tinatantanan. "Sa tingin ko talaga wala na akong oras. Gawin mo na 'yung pinagagawa ko!" hysterical niyang sigaw sa tenga ko. Natutuliling na ako sa kaniya. Nandito ako ngayon sa library at nagrereview. SANA. Kung wala lang gumugulo sa tahimik kong mundo. "Ano na? Magsalita ka naman d'yan! Tsk,” inis niyang wika sa akin. Kung pwede lang sana akong sumigaw at kausapin siya nang hindi napagkakamalang baliw, ginawa ko na. Kung wala lang sana ako sa library. Hindi ba siya marunong magbasa? Observe silence, bes. Kapag nag-usap
Read more

5: Curiosity

NATAPOS na ang last subject namin, sa wakas makakauwi na rin. Drain na drain na ang utak ko. Inayos ko ang mga gamit ko, nakayakap na naman ako sa bag ko, ilalagay ko na lang ito sa locker para bukas 'di na ako magdadala. Ayoko din sabihin kay mama na nasira ko ang bag, magagalit na naman iyon sa akin at pagdidiskitahan ang mga inipon kong merchandises sa bahay. Sasabihin na naman n'on kung inipon mo mga pinambili mo n'yan e 'di may bag ka sana na original at hindi galing sa bangketa!' Hindi niya kasi naiintindihan, haays."Hoy, panget!" sigaw ng alam niyo na kung sino. Siya, kasama ang squad niya. Lumapit sila sa seat ko. Umupo si Josh sa upuan ko, pinagmamasdan niya ako habang inaayos ang gamit ko. Pinapakiusapan ko ang sarili ko na 'wag siyang pansinin.Napaangat ako ng tingin sa kanilang apat nang malakas na suntukin ni Josh ang desk ko.Natatawang tinuro ni Kean ang apat. Nandito pa pala siya, naku naman para na siyang nakadikit sa akin kung saan man ako magpunta. "Suitor mo? han
Read more

6: Revelation

Six: RevelationPAGPASOK ko kinabukasan sa school, halos lahat ng students napapatingin sa akin tapos nagbubulungan. Kapag sinusulyapan ko naman nagbabawi ng tingin at lumalayo. Nagtataka nga ako kasi 'di tulad ng dati na pagtatawanan nila ako everytime na nakikita nila ako o 'di kaya ay ang katangahan ko. Katulad na lamang kanina, nadapa ako sa may gate kaya may kaunting dungis ang uniform ko pero wala ni isang tumawa o nang-asar bagkus ay nilayuan nila ako na parang may malubha akong sakit.Sobrang ilag na nila sa akin. Kanina nga pumunta ako ng cafeteria para mag almusal bago magsimula ang klase, halos ayaw nilang makita ako. Nag-iiwas agad sila ng tingin tuwing mahahagip ko sila ng tingin. Kung hindi lang ako mali-late sa pagpasok ay hindi naman ako pupunta sa cafeteria, bawal kasing mahuli kahit isang minuto lang. Masyadong mahigpit ang school pagdating sa oras.Hindi ko na lang pinansin although may tanong sa isip ko kung bakit parang takot sila sa presensya ko ngayon. But I thi
Read more

Seven :The transferee is a celebrity 1

Seven :The transferee is a celebrity 1Paakyat na sana ako sa may hagdanan papuntang second floor nang may mambato sa akin at tinamaan ako sa likod ng ulo ko. "Aahh!" daing ko. Pagtingin ko sa bagay ginamit pambato sa akin, tennis ball pala. Gumulong iyon palayo sa akin. Lagi na lang ba akong binabato? tss.Narinig ko ang tawanan ng mga babae sa bandang likuran ko kaya ako napalingon. Nakita ko ang taong nagpahiya sa akin kahapon;si Nelorie. May kasama siyang dalawang babae. Ang babaeng sobrang lawak ng imahinasyon dahil sabi niya kahapon isa raw akong witch. Well, mukha lang naman. Grabe siya manlait, mukha ba akong may hawak na walis? vacuum kaya gamit ko kahapon."Oh ano, bitchy witchy masakit ba?" nakangising tanong niya habang hinahagis pataas at sasaluhin ang isa pang tennis ball. Kinuha niya ito sa kasamahan niya na may hawak pang dalawa sa magkabilaang kamay. "Gusto mo pa ng isa?" binato niya ulit sa akin ang bola. Tumagilid ako ng kaunti kaya tumama iyon sa kaliwang pisngi ko
Read more

Eight: the transferee is a celebrity 2

Flare Joshel Kanina pa ako nagtataka pagkapasok ko sa loob ng school. Wala akong student na nakikita sa hallway, garden, kahit sa field. Inikot-ikot ko ang paningin sa buong paligid. Bakit parang walang tao. Late na ba ako? Tiningnan ko ang wristwatch ko. Nagbilang pa ako mula sa unang linya hanggang sa kung saan nakaturo ang hour hand. Classic wristwatch kasi ito kaya naman hirap ako magbasa ng oras. Si mama kasi eh, ganito raw ang gamitin ko para sosyal like duh kapag digital ba ginamit ng tao pulubi na siya? Hindi naman eh. "One, two, three, four, five, six. Siiixxx." tiningnan ko naman ang minute hand. Ganoon din ang ginawa ko pero count by five naman. "Five, ten, fifteen, twenty, twenty---" nakita kong nasa gitna ng 20 at 25 ang minute hand. Ano ba'ng gitna ng 20 at 25? Ah ewan. "Six and twenty something minutes," sabi ko na lang. Haist bukas talaga hindi ko na ito susuotin lalo ko lang napapatunayan ang kabobohan ko at hindi ko iyon gusto. Maaga pa naman ah, bakit kaya walang
Read more

9: Flare has a friend?

Flare JoshelPumasok na ako sa classroom matapos akong patalsikin ni Vice pres. Nagkukumahog akong lumabas sa hall dahil natatakot akong mapagalitan niya. Kung nakakatakot si Nelorie, mas nakakatakot siya at ayaw ko siyang makalaban.Pagdating ko sa room, bumalik na ang sigla ng classroom namin. Ang kalat na rin ng paligid dahil tila mga bata sila na nagbabatuhan ng bolang papel sa isa't-isa. Ang mga babae naman ay nagtutumpukan sa gilid at nagtsi-tsismisan.Naupo akong muli sa chair ko. Saglit akong natulala nang maalala ang nangyari kanina sa loob ng Olympus hall bigla akong natawa nang sumagi sa isip ko ang itsura ni vice pres. Kasi naman, may suot pa siyang party hat kaso 'yong mukha niya parang nalugi sa negosyo. Iyon ba ang welcome party para sa kanya? Hay nako. napapailing na lang ako."HAHHAHA!" Hindi ko napigilan ang tawa na lumabas sa bibig ko. Hindi ko magawang huminto sa pagtawa nakahawak pa ako sa tiyan ko. Napatingin lahat ang classmates ko sa akin. Tinakpan ko ang bibig
Read more

10: Nelorie's new enemy.

Nelorie's POVNapagod ako kakahabol kay bitchy witchy kaya naman hininto na namin ang paghahabol. I can't understand myself why I hate her. Simula nang mangyari ang incident few days ago hindi ko mapigilan ang mainis sa kanya. Maybe because I see myself to her before. Yeah, dati akong katulad niya. Medyo angat nga lang ako dahil ako nerd lang, siya weird. Pero the way she dress, iyong mahabang palda, buhaghag na buhok at maluwag na blouse? Akong ako noon. Nasa classroom na kami. Katabi ko ang dalawang kaibigan ko na kasa-kasama ko kahit saan. Nagdadaldalan silang dalawa. Mga kaibigan ko nga ba o nakikisama lang dahil matalino at sikat ako sa campus. But I don't care anymore, kahit pa plastic sila atleast ngayon meron na akong matatawag na kaibigan. Pumasok ng tuluy-tuloy si JG. Sinundan ko lang siya ng tingin habang umupo siya sa harapan. I admit,I like John Gervie. Hindi kasi sya iyong tipikal na lalaki. Hindi sya nag e effort na gustuhin mo sya,pero marami parin na n
Read more
DMCA.com Protection Status