Share

5: Curiosity

NATAPOS na ang last subject namin, sa wakas makakauwi na rin. Drain na drain na ang utak ko. Inayos ko ang mga gamit ko, nakayakap na naman ako sa bag ko, ilalagay ko na lang ito sa locker para bukas 'di na ako magdadala. Ayoko din sabihin kay mama na nasira ko ang bag, magagalit na naman iyon sa akin at pagdidiskitahan ang mga inipon kong merchandises sa bahay. Sasabihin na naman n'on kung inipon mo mga pinambili mo n'yan e 'di may bag ka sana na original at hindi galing sa bangketa!'

Hindi niya kasi naiintindihan, haays.

"Hoy, panget!" sigaw ng alam niyo na kung sino. Siya, kasama ang squad niya. Lumapit sila sa seat ko. Umupo si Josh sa upuan ko, pinagmamasdan niya ako habang inaayos ang gamit ko. Pinapakiusapan ko ang sarili ko na 'wag siyang pansinin.

Napaangat ako ng tingin sa kanilang apat nang malakas na suntukin ni Josh ang desk ko.

Natatawang tinuro ni Kean ang apat. Nandito pa pala siya, naku naman para na siyang nakadikit sa akin kung saan man ako magpunta. "Suitor mo? hanep ang hilig mo pala sa mga gangster." Nakaupo siya sa vacant seat sa harapan ng seat ko, bale nakalingon siya sa akin. Gusto niya daw makinig sa teacher namin. Ewan ko dyan, baliw na 'yang kaluluwa na 'yan.

"Shut up,” saway ko kay Kean at dahil hindi naman makita nila siya, nagmukha akong tanga. Akala rin siguro ni Joshua siya ang sinabihan ko.

Nawala ang ngiting mapanloko ni Joshua. "Shut up? Did you just said that to me?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"A-ah." I stuttered. Patay paano na? Pagtitripan na naman ako nito, hindi na naman ako tatantanan.

"Bahala ka na d'yan. May susundan pa pala ako. Ba-bye. Goodluck. Hahaha." Kumaway sa akin si Kean bago naglaho. Sabi niya tinatamad siyang sundan iyon? Kung kailan naman kailangan ko siya, dakilang user talaga.

Kean!

Siraulo ka talaga! Ugh!

Iniwan na naman niya ako.

Tumawa ako ng mapakla. "Ah, wala 'yon ikaw naman. Kausap ko ang sarili ko. Hahaha." Sana makalusot. Pero bakit nga ba kailangan kong magpaliwanag? Hindi ko alam kung naniwala sila o hindi. Bahala na. Wala akong mahanap na dahilan eh.

Tinaasan niya ako ng kilay, nag-crossed arms siya at huminga ng malalim. "Anyway, nakita kita kasama 'yung SSC vice president. Ano'ng sinabi mo sa kanya?"

Kinakapa ko pa ang sasabihin ko. Bakit naman interesado siya kung ano'ng pinag-usapan namin?

"Vice.. President?" I asked.

"Oo." Napakunot-noo siya. "H'wag mong sabihing hindi mo sya kilala?"

"Ang bobo mo naman kung ganoon." Clinton, ang mean squad member niya.

Look who's talking. Eh pare-parehas lang kaming nasa class F eh. Kung minsan talaga gusto ko na lang ipatumba sa riding in tandem ang mga kaklase ko.

"Tell me." Joshua lean forward. "Nagsumbong ka ba sa kanya?"

"A-ako? Ano namang isusumbong ko." Nagsimula na akong maglakad papunta sa pintuan nang magsalita ulit siya.

"Alam mo na. Baka kumati 'yang dila mo at isumbong mo kami." Narinig kong wika niya kaya napalingon ako. Nginitian ko siya nang mapakla.

"Bakit naman kita isusumbong?"

Kumunot noo siya. "Kasi binu-bully ka namin 'di ba?" Tumayo siya at naglakad papalapit sa akin.

"Ah yun ba?" I rolled my eyes heavenwards, huminto siya sa paglapit. Isang dipa ang layo namin sa isa't isa. "Wag kang mag alala. Kung isusumbong ko ang mga bully, mauubos ang mga classmates natin." Nag-smirk ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng pinto ay sumulyap ulit ako. May itatanong lang ako sa kanya, tutal naman marami siyang kakilala sa school at balita ko simula first year nandito na siya, baka kakilala niya si Kean. "Ah, Joshua and the squad. May kilala ba kayong Kean James?"

Nanlaki ang mga mata nilang sumulyap sa akin. Takang-taka sila at ang iba pa ay nagkaroon ng takot. Napaatras si Joshua. "Paano mo?" Joshua asked. Biglang sumeryoso ang tingin niya sa akin. "Don't mention his name!" pambabanta niya sa akin.

May binulong ang mga squad niya sa kanya tsaka natatakot na sumulyap sa akin.

But why all of a sudden I sense fear from them?

Sino ka ba talaga Kean?

"Tinanong ko lang naman kung kilala ninyo si Kean eh,” pag-uulit ko.

"Ah, ah! I said don't mention his name! Ang tigas ng ulo mo!" Joshua exclaimed.

Nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kanya.

"Kean, kean, kean,” pang-aasar ko. Lalo silang natakot, si Mark biglang tumakbo palabas ng classroom.

Bigla namang sumulpot si Kean sa likod ko. "Ba't ka tawag ng tawag? Hype naman oh!"

"Alis na tayo, Josh. Baka sumpain tayo,” narinig kong bulong ni Clinton at hinila sila ni Luke palabas. Ilag na ilag silang lumagpas sa akin. Paglabas nila, siya namang karipas ng takbo sa iba't ibang direksyon.

Bakit ba? Ano bang meron? Peste naman. Tiningnan ko si Kean ng nagtatanong. "Ba't nandito ka?"

"Eh, tinawag mo ako e!" irita niyang wika. "Sino mga 'yon? Ba't nagtakbuhan? Parang may nakitang multo."

"Sigurado akong 'di ka nila nakita. I asked them kung kilala ka nila but they got scared and ran away. Sabi pa ni Joshua, 'wag ko raw bigkasin ang pangalan mo."

Tumingin kami parehas sa direksyon kung saan pumunta si Joshua. Mukhang may alam sila sa pagkakakilanlan ni Kean.

**********************************************

Pumunta ako sa gymnasium kung saan nakatambay ang mga nagta try-out ng basketball. Base doon sa picture ni Kean sa profile niya, naka jersey siya so baka isa siyang varsity player. Iniwan na naman niya ako, matutulog lang daw siya saglit. Natutulog ba ang multo? Hay nako.

Nahihiya akong lumapit sa nagtatawanang players sa may bleachers.

"Excuse me."

Dahan-dahan silang lumingon sa akin at nabuwal sa pagkakaupo dahil sa gulat.

"Waaahh!!" sigaw nila.

"Mama! May mumu!"

Nagyakapan silang magtotropa. Grabe para silang mga bakla, sila 'yong naka-encounter ko kahapon. Umiling-iling ako. "Hindi ako multo, tao ako."

Huminahon sila unti-unti. Natauhan siguro sila na hindi ako masama.

"Kasi naman ate. Bakit buhaghag 'yang buhok mo? Nakakatakot ka?" tanong ng lalaking naka-headband. Siya 'yong unang nagtanong sa akin n'ong tinamaan ako ng bola.

Ngumisi ako tsaka sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko, kaso 'yung buhok ko hindi nakisama eh. Na-traffic ‘yong daliri ko sa hibla sa sobrang tigas. Tiningnan ko sila at tumawa nang mapakla. Isang beses lang kasi ako magsuklay, kapag papasok pa lang ako sa school. After n'on hindi ako nagtatangka pang magsuklay ulit.

"May itatanong lang sana ako sa inyo," I said.

"Itanong mo na, tapos umalis ka na," sabi sa'kin ng lalaking tighiyawat na tinubuan ng mukha. Napakasungit, akala mo naman pogi ang mean masyado. Tsk.

"Itatanong ko lang sana kung kilala niyo si Kean?"

"Kean-- Cipriano?" tanong ng isang player na matangkad. Mahaba ang gamit niyang medyas.

"Hindi, Kean James Ambot. Matangkad, mga nasa 5'8 sya, may itsura, mukhang nakalunok ng gluta, medyo singkit, tsaka ang sexy ng..."

Tumigil ako ng makita na nakanganga sila sa akin. "Legs niya," dugtong ko sa sinabi ko. Grabe, namangha ba sila sa description ko?

Nagkatinginan sila tsaka sumigaw at nagpulasan.

"Teka saan kayo pupunta?"

"Ang weirdo mo, ate. Diyan ka na!" sabi ng matangkad na lalaki tsaka tumakbo.

"Sandali lang!" Hinabol ko si kuyang matangkad. Halos madapa-dapa na ako para lang maabutan siya.

"Waaah! Wag mo 'kong habulin please, waaa! mommy!" Mukha yata akong mangkukulam kaya natakot siya. Ano ba 'to temple run? Kailangan ko silang habulin? Haays. Sabagay, mukha siyang unggoy.

Huminto ako sa paghabol. Huwag mo ng habulin ang mga taong ayaw sa'yo, masasaktan ka na, mapapagod ka pa. Hugot mo 'to. Haha.

Huminto si kuya pero malayo ang space namin sa isa't isa. Mabuti na lang hindi ko na dala ang bag ko, kung hindi magkakalat na naman ako dahil malalaglag na naman ang mga laman.

"Kung gusto mong malaman ang lahat-lahat kay Ugh, that guy. Doon ka sa bestfriend niya magtanong."

"Bestfriend?" takang tanong ko. Ano, may bestfriend si Kean, wow naman may nakatiis sa ugali niya?

"Yeah, hanapin mo si JG. 'Yun lang ang maitutulong ko sayo, Bye." Tumakbo na siya nang tuluyan.

Pagtapos noon ako na lang ang natirang mag-isa sa gymnasium. Hanep, pinagkaisahan ako. Paano ko naman malalaman kung sino si JG kung lahat ng tatanungan ko ay tatakbo.

Pero sino si JG?

Saan ko siya makikita?

**********************************************

KUMAKANTA ako sa loob ng CR habang nagsha-shower at , sumasayaw ng isa sa mga sikat na kanta sa mundo ng KPop. Masyado ba akong fan? Okay lang masaya naman ako sa ganoon. Sabi ko naman kasi singer at dancer ako sa loob ng comfort room eh.

Biglang may kumalabog sa labas. Napahinto ako sa pagkanta. Itinutok ko ang aking mukha sa shower para mabanlawan ito.

"Mama? Ikaw ba 'yan?" tanong ko. Baka mama ko lang, mahilig kasi iyon pumasok ng hindi kumakatok.

May kumalabog ulit.

Tinapos ko na ang pagshower ko at nagtapis na ng tuwalya. Kami lang ni mama sa bahay dahil ang papa ko sumakabilang bahay na at wala akong kapatid.

"Mama."

Bakit nasa kuwarto ko si mama?

Katabi lang ng CR namin ang kuwarto ko kaya malalaman ko kung sino ang mga pumasok at maririnig din mula sa CR kung may tao sa loob.

Teka, pakshet! Ni-lock ko ang pinto ng kuwarto ko eh. Iyong duplicate key ni mama sa room ko nai-flush ko sa inidoro dati. So imposibleng buksan niya iyon.

Kinuha ko sa ibabaw ng lababo ang susi ko. Bakit ko nila-lock? Simple. Kapag nakita ni mama ang mga ipon ko na merchs baka bigla siyang mai-stress at ipagtatapon ang mga iyon. Hala! baka may nakapasok na magnanakaw?

"S-sino iyan?" Napakapit ako sa tuwalya. Marahan akong lumabas. Pinihit ko ang doorknob, nakasara naman kaya dahan-dahan kong sinusi. Pumasok ako. Naghanap ako ng pwedeng ipanghampas sa kanya. Kinuha ko sa gilid ang lotion. Hinawakan ko iyon ng dalawang kamay. "Sino'ng nandyan? magpakita ka!"

Sinuri ko ang buong paligid. Nasaan kang magnanakaw ka? Wala namang nagalaw sa mga gamit ko. Mabuti naman. Pagtingin ko, nalaglag ang picture frame ko na kasama si mama. Napatingin ako sa paligid. Mabuti na lang plastic lang 'yong frame kaya kahit malaglag okay lang hindi iyon mababasag.

"What the..." Lumapit ako sa picture pero bigla na lang iyong lumutang. Hindi ko alam ang gagawin ko, inabot-abot ko iyon pero sobrang taas eh.

"Boo!" Biglang may bumulong sa tainga ko.

"Ay, palaka! Woah!!!" Sa gulat ko, na-out balance ako at matutumba na sana nang may malamig na kamay ang humila sa'kin at sumapo sa katawan ko. Ang braso niya ay pumulupot sa aking beywang.

I saw him. Matagal akong napatitig sa kanya. Ang mukha niya ay sobrang putla na medyo nagta-transparent na. Singkit ang mga mata niya at cute ang ilong niya, ang labi niya maputla na rin pero manipis. His pale skin and his sad eyes though he's hiding it.

"Are you okay?" His voice, na parang galing sa ilalim ng lupa sounds like a concern one.

Kahit na medyo transparent na siya kita ko pa rin ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Ahh, oo. Okay lang." Wala akong ibang masabi.

Nagtitigan kaming dalawa. Mga ilang segundo na parang kami lang dalawa ang tao sa mundo. Para akong prinsesa sa isang fairytale, kasama ang lalaking nagligtas sa akin, ang prins---

Teka, sh*t. Ang g'wapo niya pala? Bakit ngayon ko lang nakita. Well, lahat naman siguro ng tao gwapo at maganda depende na lang 'yan sa tumitingin.

"Pearly Shel," he seductively whispered.

"A-ano?"

"Ang cute mo."

Nagblush akong bigla sa sinabi nya. Omg! Ngayon lang may nagsabi sa aking cute ako. Pero teka, parang may mali sa kanya. Ang serious niyang mukha ay napalitan ng nagpipigil na ngiti. "Mukha kang lumpia kapag nakatapis ng tuwalya."

Loaaaaddiiingg...

Tumayo ako nang diretso at lalong hinigpitan ang tuwalya ko. Kinuha ko sa higaan ang damit ko tapos lumabas ako pabalik sa CR. Habang palayo ako, naririnig ko ang halakhak niya. Doon na lang ako nagbihis sa CR namin, nakakahiya naman kasi sa BWISITA ko.

Naririnig ko pa rin ang tawa niya. Kabagin ka sana. Hmp. Napameywang ako tsaka sinabunutan ang sarili ko. Bwisit na multong iyon. Badtrip talaga! Wala na ba siyang ibang magawa kun'di ang asarin ako? Eh kung hindi ko kaya siya tulungan? Punum-puno na talaga ako sa kalokohan niya.

Pagtapos kong magbihis lumabas agad ako. "Bakit nandito ka na naman sa bahay ko?" bungad ko sa kanya habang nakapameywang.

He shrugged his shoulders. Nakaupo siya ngayon sa kama ko at pinakikialaman ang mga gamit ko. "Inisip ko lang na pumunta sa bahay mo then voila! here I am."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Hindi ka dapat pumapasok ng basta-basta. Trespassing ang ginagawa mo,” pagpapaalala ko sa kanya. Pati privacy ko nawawala na.

"Bakit? Hindi naman nila ako nakikita ah.” Lumapit siya sa cabinet ko at binuksan iyon.

"Hoy, hoy!" Hinarang ko ang katawan sa cabinet. "Ano'ng gagawin mo sa mga damit ko? Bawal 'yan."

He just smirk and I was shock, pinatagos niya ang katawan nya sa akin. Nakaramdam ako ng lamig at iba ang feeling. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig na may tipak pa ng yelo. Napayakap ako sa sarili ko. Umaga hanggang gabi lagi siyang nakabuntot sa akin, kapag kailangan ko naman siya bigla siyang nawawala.

"Galing ka ba sa makalumang panahon?" tanong niya habang nakatingin sa mga damit ko. Lumayo at lumingon ako sa kanya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. "Bakit pang lola ang damit mo?"

I gasped. Bastos talaga 'to. Hinawi ko ang aking buhok sa inis. "Paki mo ba? Umalis ka na nga umuwi ka na. Magtutu-tulog ka naman."

"Tulog ako, remember?"

"Tss. I mean 'yung kaluluwa mo, matulog na."

"Hindi ako natutulog."

Hindi na ako nakipagtalo. Gabing-gabi na pero gumagala pa siya. Buti hindi siya hinahabol ng grim reaper. Kung mayronon nga talagang gan'on. "Sabi mo kanina natulog ka, 'di pala totoo 'yon? Pinagloloko mo ako imbes na tulungan ako. Grr."

Umupo ako sa kama. Ginulu-gulo ko ang buhok ko. Wala na bang kapayapaan sa buhay ko? Hindi pa ba sapat sa kanya na buong araw akong nag-iimbestiga para sa kapakanan niya. I just need a peaceful night!

Humiga ako at nagpapadyak sa hangin, umikut-ikot at gumulung-gulong ako sa sobrang inis. Haaaa, 'di ko na kaya pakiramadam ko mamamatay na ako sa stress.

"Oh." May hinagis siyang mga paper bag sa kama ko. Tiningnan ko ang pink paper bag na hinagis nito.

"Ano 'yan?"

"Open it," sabi niya, ngumisi siya bago sumandal sa pader. Dalawang beses niyang tinaas ang kilay niya.

Binuksan ko ang paper bag sa sobrang curious ko. Napaupo ako nang maayos, napangiwi ako sa nakita ko. Itinaas ko ito sa ere.

"What's this for?" tanong ko waving the dress in front of him.

He crossed his arms. "Bagong damit, duh." Ginaya niya ang expression ko pati ang roll eyes.

Inirapan ko siya. Naghagis na naman siya ng dalawang paper bags, sinilip ko ang mga iyon. High heel shoes 'yong isa tapos 'yong iba make up kit.

"Saan mo 'to pinagkukuha, Kean?" nakakunot-noo kong tanong. Ayaw kong mag-isip ng masama pero hindi ko magawa. Baka nagnakaw siya.

"D'yan lang sa tabi tabi." Hindi siya makatingin sa akin.

I glared at him. "Take this with you." Pinagbabalik ko ang mga gamit sa paperbag.

"Bakit? Bigay ko 'yan sayo!"

"Bigay o nakaw mo? Paano ka naman nakakuha nito? Sorry pero hindi ako tumatanggap ng mga galing sa nakaw."

"I didn't steal it!" pagdidiin niya sa sinabi.

"Oh eh ano? Nakita mo lang sa lansangan, pinulot at binigay sa akin?"

"Basta. I didn't steal it. Kunin mo na 'yan. Mag ayus-ayos ka naman, lola." Tiningnan niya ako ng taas-baba. Nangi-insulto na naman ang buwisit na 'to.

"LOLA?" I gasped an air. This guy annoys me. Really. "Ang yabang mo, akala mo kung sino ka. Tsk. P'wede ba kahit isang araw lang, isa lang tantanan mo ako?"

"Basta promise hindi 'yan galing sa nakaw. Gamitin mo na 'yan. Paano mo ko matutulungan kung sarili mo nga lang hirap ka pa?"

Tinitigan ko siya, nanahimik ako sa sinabi niya. Sincere naman ang mukha niya. I have no choice but to believe him. Bigla siyang naging concern sa akin sa 'di ko malamang dahilan pero pakiramdam ko nanliit ako sa sinabi niya.

"Alam mo, hindi ko kailangan nyan. Hindi ko kailangan ang tulong mo."

"Ah, talaga? Naalala mo ba kung bakit natakot sa'yo ang varsity players?"

Gulat akong tumingin sa kanya. Napabangon ako sa sinabi n "Paano mo nalaman 'yon? Ibig sabihin nandon ka? Ang kapal ng mukha mo hindi mo man lang ako tinulungan. Bastos ka."

He smirked. Hindi siya sumagot. Lumapit siya sa bintana at tumingin sa labas. Napatingin na rin ako. Kitang-kita ang kumikinang na mga bituin sa kalangitan.

Hindi na lang ako umimik. Hahaba na naman ang conversation namin maiirita lang ako sa kakulitan niya.

"Yung lalaki. Nalaman mo na kung sino siya?" tanong ko matapos ang mahabang katahimikan.

"Hindi." Hindi siya tumitingin sa akin kaya lumapit ako sa kanya. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Nakatingin siya bilog na bilog na buwan. Mataman lang siyang nakatingin doon. Hindi ako sanay na ganito siya, pakiramdam ko may dinadamdam siya na hindi sinasabi sa akin.

Sinubukan ko siyang hawakan, tumagos ang kamay ko at may malamig na sensasyong gumapang sa katawan ko. Siguro, nalulungkot siya sa nangyari sa kanya. I hissed.

"Wala kang kwenta," sabi ko saka bumalik ulit sa kama. Napakasenti niya so I cracked it, I'm not ready for emotional Kean. “Sa tingin ko konektado siya sa'yo. Hindi ko lang alam kung sa papaanong paraan. Hindi mo ba talaga siya maalala? Sino ba 'yong bestfriend mo na JG ang pangalan?”

Lumingon siya akin. "Hihingi ba ako ng tulong kung naaalala ko? Utak, bes." Bumalik na siya sa pagiging sarkastiko niya.

"Kasalanan kong ulyanin ka? Siguro pagkabagok ang dahilan ng pagkaaksidente mo."

He just shrugged his shoulders.

"Mr. Kean. Gabi na po baka gusto mo nang umalis."

He smiled at me and waved his hands. Mayroon siyang binigkas pero hindi ko na narinig pa. Pabulong kasi ang pagkasabi niya. Sa isang segundo lang biglaan na siyang nawala.

Ano raw?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status