Home / YA / TEEN / Mysterious Case of Love / Seven :The transferee is a celebrity 1

Share

Seven :The transferee is a celebrity 1

Author: Mystshade
last update Huling Na-update: 2024-01-04 07:07:01

Seven :The transferee is a celebrity 1

Paakyat na sana ako sa may hagdanan papuntang second floor nang may mambato sa akin at tinamaan ako sa likod ng ulo ko. "Aahh!" d***g ko. Pagtingin ko sa bagay ginamit pambato sa akin, tennis ball pala. Gumulong iyon palayo sa akin. Lagi na lang ba akong binabato? tss.

Narinig ko ang tawanan ng mga babae sa bandang likuran ko kaya ako napalingon. Nakita ko ang taong nagpahiya sa akin kahapon;si Nelorie. May kasama siyang dalawang babae. Ang babaeng sobrang lawak ng imahinasyon dahil sabi niya kahapon isa raw akong witch. Well, mukha lang naman. Grabe siya manlait, mukha ba akong may hawak na walis? vacuum kaya gamit ko kahapon.

"Oh ano, bitchy witchy masakit ba?" nakangising tanong niya habang hinahagis pataas at sasaluhin ang isa pang tennis ball. Kinuha niya ito sa kasamahan niya na may hawak pang dalawa sa magkabilaang kamay. "Gusto mo pa ng isa?" binato niya ulit sa akin ang bola. Tumagilid ako ng kaunti kaya tumama iyon sa kaliwang pisngi ko.

"Ahh!" nasapo ko ang tila namanhid kong pisngi, natumba ako sa lakas ng pagkakabato niya.

Nagtawanan silang tatlo na lalong lumapit sa akin sa kung saan ako nakatayo. Inangat ko ang aking ulo. Nakatingala ako sa kanila dahil nagtaasan ang kanilang suot na heels.

"Sorry, ah. Natamaan ka." she said sarcasticly. Tinaasan niya ako ng kilay na tila ba hinihintay niya kung ano ang gagawin ko.

Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin saka tumayo ng maayos. Inayos ko ang pagkakasukbit ng kulay asul kong bag at nag-inat-inat sa harapan nila. Pilit kong ipinahalata sa kanila na wala lang sa akin ang ginawa nila. Tingin ba nila ay iiyak ako dahil lang doon? Kahit masakit ang pisngi at ulo ko, ipinakita ko sa kanila na wala akong naramdaman. Kung papatulan ko sila ay lalo lang lalala ang lahat baka mas matindi pa ang gagawin nila kung ipagtatanggol ko ang sarili ko sa kasamaan nila. Isa pa, no to violence kasi ako. Nginitian ko silang tatlo bago tumalikod at nagsimula nang humakbang paakyat.

"Hoy! Bitchy, bumalik ka nga rito!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. Kunwari lang akong kalmado pero natatakot din ako sa kanya. Sa itsura kasi ng mukha niya parang kahit ano'ng gawin ko ay hindi siya titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya. Mabilis akong humakbang paakyat. May mga students na nakatmabay sa mga baitang, nagsitayuan sila para magbigay ng daan. Nagulat na lang ako nang may kamay na sumambunot sa buhok ko at kinaladkad ako pabalik sa first floor.

"You bitch! Huwag na huwag mo akong tatalikuran! Sinabi ko naman sa iyo na magiging hell ang buhay mo!" lalong hinigpitan ni Nelorie ang sabunot niya sa akin. Pagbalik namin sa first floor ay hinaribas niya ako kaya napadapa ako sa sahig.

Nasaktan ako ngunit hindi ako umiimik. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. May dalawang tao na lumapit sa akin at hinigit ako sa braso. P'wersahan nila akong itinayo. Pinaharap nila ako sa gawi ni Nelorie.

Nagsimulang dumami ang mga nakikiusyoso na estudyante sa paligid. Aaminin kong madalas akong ma-bully sa school but not like this. Iyong tipong gumagawa na ng eskandalo at marami ang nakatingin. Dati tuwing nadadaanan ko sina Nelorie na may binu-bully na estudyante ay nagkikibit-balikat na lang ako, takot ako na sitahin sila dahil baka ako naman ang pagbuntungan nila ng galit. Ngayon alam ko na ang pakiramdam na walang tumutulong sa iyo na kahit na sino.

I don't know why but I kept calling Kean on my mind. Ngayon mo ako tulungan, Kean please ikaw naman ang may kasalanan nito eh. Tumingin ako sa paligid, nagbabakasakali ako na makita siya ngunit nabigo ako.

Nakangisisi Nelorie na nagpameywang sa harap ko. "Haven't I told you already, I will make your life a living hell. Well, I'm just warming up." sinampal niya ako sa kanang pisngi.Hindi pa nga umiimpis ang sakit ng sampal niya kahapon dinagdagan na naman niya Malala baa ng ginawa ko sa kanya at bakit galit nag alit siya, Hindi nya ba naisip na baka wala naman talaga akong kinalaman sa nangyari? Akala ko pa naman matalino siya, iyong mga katulad niya dapat ay hindi nagpapaniwala sa bagay na hindi pa napapatunayan ng siyensiya pero ewan ko ba parang gusto niya lang talaga na may naaapi.

"Aaminin mo na bang isa kang witch, ha?"

Tiningnan ko siya nang mataman. Sa lahat ba naman ng ibabato sa'kin iyang witch-witch pa na 'yan. Ang babaw. She's keeping on her mind that I'm one of those. Eh siya, hindi ba siya demonyita? Kaugali niya kasi eh.

"Avada Kedavra." I said. Napanood ko lang iyan sa Harry Potter. Ganyan ang spell nila para tuluyang maglaho ang kalaban nila sa mundong iyon. Baka sakaling tumalab sa kanya tutal naman pinipilit niyang witch ako e 'di panindigan natin.

Napakunot-noo siya nang marinig ang winika ko."What?"

"That's a curse spell, sis." ani ng babaeng nakahawak sa kanang kamay ko sabay hinigpitan lalo ang pagkakahawak niya. Hindi ko napigilan na humiyaw.

"What the fuck, are you serious Alliah?" tanong ng babae na nakahawak sa kaliwang braso ko.

"Mukha ba akong nagbibiro ha, Yunice?" pabalang na balik-tanong ni Alliah sa kanya. Nag-uusap sila habang nakapagitan ako. Ang mga laway nila habang nagsasalita ay tumatalsik sa mukha ko. Magaganda nga, mga baboy din naman.

"Mukha talagang joke 'yang mukha mo. Kaya hindi ako naniwala agad," sagot naman ng Yunice.

"You two, Shut up!" sigaw ni Nelorie sa dalawa. Natahimik naman sila na napayuko. She then glared and slapped me again. Mag-asawang sampal na ang natanggap ko mula sa kanya. Ayos 'to, may libreng blush on ako sa umaga. Noong nagsabog siguro ng kamalasan, isa ako sa naulanan. Hindi naulanan, binagyo ng kamasalan.

Sinabunutan nya uli ako. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Kitang-kita ko makinis niyang mukha at ang maliliit niyang pores. "Ang lakas talaga ng loob mong galitin ako. P'wes, humanda ka sa gagawin ko. " Hinila na naman niya ako sa kung saan. Napabitiw ang mga alipores niya sa akin. Hinawakan ko rin ang buhok ko sa pag-asang mababawi ko iyon sa kanya pero wala akong nagawa. Ang lakas niya masyado. Hindi pa kami nakakalayo sa kung saan niya ako sinimulan kaladkarin nang may lalaking humarang sa daanan namin. Lumuwag ang pagkakahawak niya kaya sinamantala ko na matanggal ang kamay niya sa akin.

Nakita ko ang pag-atras nina Alliah at Yunice, gulat na gulat ang mga mukha nila kaya lumingon ako sa taong humarang sa amin. Hinawi ko ang buhok ko na nakahrang sa mata ko. I was shocked when I saw the vice president of student council. Tulad ng unang beses ko siyang makita, he's wearing his eyeglasses again. Naroon pa rin ang blangkong ekspresiyon sa kanyang mukha.

"What is the meaning of this Miss Buenviaje?" mariin ang pagkakasabi niya sa bawat salita. Napakamasculine ng voice niya. Kung hindi mo nga siya makikita at boses lang ang maririnig mo, hindi mo aakalaing fifteen years old ang nagsasalita.

"A-ah." Nelorie stuttered. "V-vice P-president. Hi, how are you?" iniwas niya ang tanong nito.

He glanced at me so I shyly bow my head. Itinakip ko ulit ang buhok ko sa mukha bahagya akong yumuko. Ayoko siyang makita niya ako sa ganitong posisyon pero kung siya ang magliligtas sa akin sa kamay ng bragudang si Lorie ay ayos lang sa akin.

"Ikaw," narinig kong sabi niya kaya nag-angat ako ng ulo. Nakatingin siya diretso sa akin pati si Nelorie dahan-dahang lumingon, nagtiim-bagang siya at pinandilatan ako ng mata.

"Ha?" tanong ko kay vice pres.

"Sabihin mo sa'kin, ano ang ginawa sa'yo ni Buenviaje?" He asked but sounds more like a command for me. Nakakatakot siya tumingin. Hindi mo mababasa ang nasa isip niya.

Lumingon ako kay Nelorie. Nanlalaki ang mata niyang binabantaan ako. Nabasa ko pa sa bibig niya na lumabi siya ng 'keep your mouth shut'. Nginisian niya ako. Napabuntung-hininga ako, akala ko ang mga ganitong kaganapan ay nangyayari lang sa kuwento sa telebisyon hindi ko alam na magaganap sa akin ito.

Nelorie grinned and look at the vice president. "Wala naman akong ginagawa sa kanya, vice. Actually..." I was shocked when Nelorie hooked her arm on mine. As if we're close. Kahit nararamdaman ko naman hindi totoo ang kinikilos niya. "We're friends and I want to take her to her classroom,"

"Mukha ba akong tanga, Rie?" may inis sa boses ni Vice president.

Nawala ang pekeng ngiti sa labi ni Nelorie sabay tanggal ng braso niya sa akin. Nandidiri niya pang pinagpag iyon.

"Sa pula ng pisngi niya mukha siyang nag-blush on nang hindi pantay," pagpapatuloy ni vice pres.

"Ano ba'ng sinasabi mo, JG?"

Sinulyapan ako ni JG. Nagulat ako nang hablutin niya ako sa braso papunta sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi tingnan ang mukha niya sa sobrang gulat. Nakita ko ang pares ng mga mata ni Nelorie na nainis sa ginawa ng bise presidente.

"Oras ng pasukan nakatambay kayo rito sa labas. All of you get back to your classrooms." Utos ni JG sa mga students na nagkumpulan. Sa dami ng mga estudyante roon wala man lang nangahas na tulungan ako. Ganito pala ang pakiramdam na walang kaibigan na dadamay sa iyo sa oras ng kagipitan. Mabilis pa sa alas kwatrong nagpulasan ang ibang students papasok sa kani-kanilang silid aralan. Aalis na rin sana si Nelorie nang magsalita si JG. "Except you, Miss Buenviaje."

Napabuga siya ng hangin sa sinabing iyon ni bise pinuno. Napatingin ako sa dalawang alagad ni Nelorie na nakatingin pa rin kay JG. Hindi siguro nila alam kung kasama sila sa pinapaalis o hindi.

"What are you waiting for? Go!" sigaw ni JG sa dalawang kasama ni Nelorie. Nakita ko na madapa-dapa sila makalayo lang sa amin.

Napaka-powerful naman ng utos ni vice president para manginig at matakot silang lahat kahit ako ay natatakot sa sasabihin niya sa akin.

"Look, Mr. vice president. Hindi ako ang nagsimula ng gulo kun'di sya!" turo sa akin ni Nelorie nang kami na lang tatlo ang nasa labas ng classroom.

Hindi pa rin binibitiwan ni JG ang braso ko. Isa rin siyang sadista, hindi niya ba naisip na masakit na ang braso ko kakahawak ng kung sinu-sinong tao. "Sa tingin mo maniniwala ako? I know you from head to toe."

"John Gervie! Bakit ka ba nangingialam, Siguro may gusto ka sa akin 'no?" matapang na tanong ni Nelorie sa lalaki.

I saw JG smirked. "In your dreams, hindi ako magkakagusto sa mga katulad mong papansin." Direktang sagot ng lalaki.

"Aba! Baka nakakalimutan mo, ako ang tagapagmana ng Buenviaje Corporation." diin na salita ni Nelorie. Tila may laman ang gusto niyang ipahiwatig kay vice pres. Hindi man lang nabahala ang isa at nginisian lang siya.

"Hindi ko nakakalimutan, Buenviaje. Ikaw, baka nakalimutan mong I am the vice president of the student council?"

"Huh, wala ka sa kalingkinan ng pagkatao ko Buenaflor kaya 'wag kang magmalinis d'yan,"

"Siguro nga sa labas ng school wala lang ako para sa iyo. Pero I'm sorry to tell you, you're in my territory. Wala akong pakialam kung anak ka man ng presidente ng pilipinas o anak ng mafia o kahit may shares ka sa school na ito. Sa paaralang ito, ako ang vice president at isa ka lamang normal na estudyante. Show some respect. I won't tolerate student like you. And I am telling you, wag mong kaladkarin ang pangalan ng pamilya mo sa kabaliwan mo, baka magsisi ka,"mahabang litanya ni vice pres na ikinatahimik niya. Napalunok na lang ako, hinawi ko ang buhok ko papunta sa likuran ko.

Nelorie gritted her teeth then glanced at me. Inirapan niya ako bago padabog na umalis. Sinundan ko siya ng tingin. Akalain mong pati ang queen bee ng school napatiklop niya.

Tiningnan ko siya. Nakakatakot siyang galitin pero kung makakasundo ko siya ay wala akong problema sa loob ng classroom. Sa kaniya lang natatakot ang ibang estudyante.

Nabigla ako nang magtama ang mga mata namin. Umiwas agad ako ng tingin sa kaniya, nagbabakasakali na hindi niya nakita na naktaingin ako. Hindi ko tuloy magawang sulyapan ulit siya.

"I already told you shouldn't help him. You never listen to me. Well, this is the consequence. "

Naguluhan ako sa sinabi niya. Oo alam ko naman na binalaan na niya ako pero ano'ng magagawa ko e dikit nang dikit ang kaibigan niya sa akin. Hindi ko rin magagawa ang payo niya dahil sobrang kulit ni Kean.

"Kung hinayaan mo na lang siya sa problema nya, hindi ka madadamay sa kamalasan niya."dugtong niya sa sinabi.

Nakatingin lang ako sa kanya. He sounds concerned. Ngumiti sya sa akin gaya no'ng sweet smile niya na nakita ko sa library. Nagulat ako nang buhatin niya ako ng parang pangkasal.

"V-ice president!" Gulat na gulat ang mga mata kong tumingin sa kan'ya."Ano'ng ginagawa mo?"

"Alam mong ayaw na ayaw kitang nasasaktan, ipagtatanggol kita sa kahit kanino." Ang mga mata niyang blangko ay tila nawala at napalitan ng pagmamahal para sa akin.

Ngumiti ako sa mabulaklak niyang salita."Vice president, ang sweet mo naman,"

"I love you, honey ko."

"I love you too, baby ko."

I was about to kiss him when he yelled.

"WHAT THE FUCK ARE YOU THINKING?"

Dumilat ako nang marinig ko ang sigaw niya. Nakita ko si JG na nakataas ang isang kila, naka-pout at naka-tiptoe rin ako as if inaabot ang mukha niya at naghihintay din sa labi niyang dumampi sa akin. My fingers are intertwined over my chest.

Shete otso nuwebe! Nag daydream na naman ba ako?

Nakakahiya!

Dahan-dahan akong umayos ng tayo. Napayuko sa sobrang hiya, panigurado namumula na ang mukha ko. Ano na naman ba kasi ang iniisip ko at bakit ginawa ko iyon sa harapan niya?

"Ahmm." I don't know what to say. Gusto kong batukan ang sarili ko. Bakit ka ganyan brainy, lagi mo kong pinapahiya. Hays. Gusto ko nang tumakbo sa sobrang hiya paano ko pa siya haharapin? Huhuhu.

Wala akong narinig na salita sa kanya kun'di ang tono ng pag smirk inya saka tumalikod at lumakad palayo sa akin. Bago pa man siya makalayo ay tinawag ko siya. "Vice President Sandali lang!"

Huminto siya but he just stood there and didn't care to look back.

"Salamat,Vice president." nahihiya ko pang sabi habang kinikiskis ang sapatos ko sa sahig.

"Go to the clinic. Lagyan mo ng cold compress iyang pisngi mo." iyon lang ang sinabi niya and he slowly disappeared in my sight.

Nakahinga ako ng maluwag habang sinusundan siya ng tingin palayo. Napasabunot ako sa sarili ko sa kahihiyan.

Patay ka na talaga, Flare. Wala ka nang mukhang ihahahrap.ani ng isip ko.

John Gervie's POV

Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sa Student council nang maalala ko ang ginawa ng babaing iyon sa harap ko, hindi niya napansin but I glanced at her. I saw her tousling her hair like crazy. I smirked then shook my head. That girl is unbelievably crazy. I continued to walk and was never aware I was smiling the whole time until I reached the student council room. Anne went out and saw me.

"Why are you smiling?" tanong niya sa akin. I cleared my throat and showed her my inexpressive look. Nababahala ang itsura niya na parang may bumabagabag sa kanya. I heard someone shouting inside our office. Saglit lang akong nawala nagkagulo na sila. "Vice pres, mabuti na lang nandito ka na. ano kasi..."hindi madugtungan ni Anne ang sasabihin so I opened the door to see who's this person making a scene and disrespecting our officers. Sumunod siya sa akin papasok.

I saw a woman standing towards our president. Nakapameywang siya sa harapan nito at walang humpay sa pagsasalita. I assume she is on her mid-thirties, she wore black blazer that matches her black pants. Pinapagalitan nito ang mga Student councilors at president na para bang sobrang sama ng ginawa ng mga ito sa kaniya.

Pinahinahon siya ng aming secretary na si Anne at ng president pero wala pa rin siyang tigil sa pagsasalita. Sumenyas sa akin si Anne na tulungan siya.I raised my brows. Nandoon ang president namin na si Scottie, bakit hindi siya ang gumawa ng paraan sa problemang ito?

I cleared my throat and walk towards them. Inilagay ko aking mga kamay sa likuran ko.I looked at the woman she suddenly stopped and stared at me.

"Excuse me, madame. I am the vice president of the student council. Is there something we can do for you?" I asked giving my blank expression to her. I am a short tempered person and I don't like it when someone shouts at my officers. Even if she is way older than us that's not an excuse to mock and insult others.

"Ahm. Madame, sya pala si John Gervie Buenaflor, ang vice president namin. At ako naman si Scottie Dela Cruz, ang president." singit ng nagmamagaling naming presidente. I rolled my eyes heavenwards because of frustration.

Inaamin kong hindi ko gusto ang ugali ni Scottie at alam niya iyon. Lalong hindi rin naman niya ako gusto makasama kaya naman kahit nasa iisang office kami kahit kailan hindi ko nanaisin na makausap syia. Maliban na lang kung tungkol sa organisasyon at eskwelahan.

Tinitiganako ng babae, I find it weird nang hawiin niya ang buhok papunta sa kanyang likod. Tumikhim sya at mahinahong nagsalita.

"Hello,I'm the manager of Berry. Ako si Belinda." nilahad nya ang kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon bilang respeto sa kanya kahit na ikinainis ko ang pagwawala at pagsisigaw nya sa mga kasama ko.

" Hello,miss Belinda. What can I do for you?" I asked again. Napataas ako ng kilay. Berry? Who would that be?

Nginitian niya ako ng matamis. "Alam mo pwede kang maging artista. Sabihin mo lang sa akin pag interested ka ha,"

Gusto ko siyang barahin pero hindi ko ginawa. After all, mas matanda siya sa akin. Ayaw kong tumatak sa isip niya na masama ang ugali ko.

Tumawa ng mapakla si Scottie. "A-ha-ha. Miss Belinda, masyado kang nagpapatawa. Hindi siya pwedeng maging artista. Tingnan mo nga siya,Hindi naman siya pogi katulad ko." pagmamalaki pa niya. Binuhat naman niya ang kanyang bangko na nabibigatan na sa sobrang yabang niya.

Miss Belinda looked at him from head to toe and hissed. "Gwapo kaya siya. Wala ka ngang panama sa kanya eh. Tsaka hindi ka gwapo hijo, for your information lang, ha?"

I secretly smiled. Ano ka ngayon, Mr. President? Gusto mo pa talaga na nasasampal ng katotohanan,anang isip ko. Lalo akong natuwa nang makita ko ang pagsimangot nyia sa sinabi ni Miss Belinda.

"Have a seat, madame." Alok ko sa kanya habang hinila ang upuan malapit sa kanya. Nakangiti naman siyang umupo. Inutusan ko ang lahat na umupo para mapag-usapan namin lahat. Ang ibang officers ay napangiwi nang magtama ang aming mga mata sabay sumulyap kay Scottie at Ms. Belinda. Umupo ako sa tapat ni Ms. Belinnda habang katabi naman niya ang president.

She cleared her throat. "You know what handsome. Transferee ang alaga ko dito sa Xerxes Academy, bukas na ang simula ng pasok niya. Alam mo ba kung saan siya galing? Huh! Sa Dream International Academy." masayang wika ng babae sa kanila.

Secretary Anne passed a white folder to me. I opened the folder and began to read what's inside. The name of that student is Cranberry Hopkins. She is an actress and dancer under CYD Entertainment. I looked at her photo. She has this blonde hair and I must say, she is pretty for her age. She is a year older than mine and I admit, not all girls is as pretty as her but she is not my type. She wore a black see-through with a design of flower. She was a former Dream International academy; it is three kilometers away from this school. Sikat ang school na iyon because most of the time, they chose students to either be a dancer, actor/actress or a singer. In short, it is a school for perfoming arts. Mahirap makapasok sa eskwelahang iyon maliban na lang kung talented ka talaga.

Seriously, who the hell is she? Habang tinitingnan ko ang picture niya, hindi ko maiwasang mapakunot-noo. I think I've seen her before pero hindi ko matandaan kung saan at kailan. Ayoko nang maalala kung saan ko man siya nakita, she's not that important for me.

"Vice, siya iyong teen star na sumisikat ngayon. Binigyan siya ng pangalan ng mga fans niya ng Empress Berry." bulong sa akin ni secretary Anne. I look at her askingly, like seriously sikat talaga siya? Kung sikat siya bakit hindi ko siya kilala.

Sinara ko ang folder at tumitig sa nagpakilalang manager. "So ano'ng gusto niyo pong gawin?"

"Bukas, first day ni Cranberry dito. Gusto ko ng bonggang welcome party para sa alaga ko. You know, kailangan iyon dahil ang alaga ko ang magiging dahilan ng pagsikat school niyo. Gather your students and make a party," sabi nito na para bang napakadali ng sinasabi niya.

Uminit bigla ang ulo ko. Napangisi na lang ako habang umiiling. Sisikat ang school namin dahil dito mag-aaral ang starlet na iyan and a welcome party? Sino sila para magkaparty sa school namin, anak ba siya ng pinakamayamang tao sa buong mundo o apo ng isang bayani para magkaroon siya ng special treatment?

"But madame, we can't grant your request. Hindi kami nagbibigay ng special treatment sa mga stud-" hindi na natapos ni Scott ang paliwanag niya dahil sumingit ang nanggiggil na manager.

"I don't care! Gawan ninyo ng paraan. Dito ako lumapit dahil sabi ng principal niyo sa inyo ako dapat dumulog. Kailangang magpa-welcome party kayo para kay Cranberry!" hysterical niyang sabi.

Yumukod na lang si Scott. Pakialam naman namin sa Cranberry na iyon?

Tss. This manager is giving me another headache.

"The press will feature her come back in school after her hectic schedule. Kailangan bongga ang back to school niya, Iyong tipong may red carpet sa lalakaran niya,magtitipon ang mga students to welcome her while chanting her name, may confetti and balloons everywhere," she suggested which made me cuss in my mind. What a pain in the neck!

I smirked."No wonder, former Dream International Academy student siya, ang hilig niyo kasing mangarap. Tell me, madame bakit ba lumipat ang alaga mo sa not so famous school na ito?" I tried to be sarcastic; I'm not in the mood right now.

"Ha? D-dahil gusto niya ng new environment." alanganing sagot niya. Narinig ko ang paggaralgal ng boses niya. Ibig sabihin nagsisinungaling siya may iba pang motibo kung bakit lumipat ang starlet na ito sa eskuwelahan namin. Sa itsura pa lang ng babaing iyon malamang may ginawa itong kalokohan.

I smirked. "New environment? Bakit hindi na ba siya bagay sa previous school niya?"

Tumingin siya sa akin nang makahulugan. "What are you saying?"

Binuksan kong muli ang profile niya, pinasadahan ko lahat ng papel na nakapaloob doon. I saw a photocopy of her previous grades. "Based on her profile. Tatlo ang bagsak niyang grades kaya naman hindi na siya pwedeng pumasok sa DIA dahil importante ang grades sa school na iyon at kung hindi ako nagkakamali pinakiusapan niyo lang ang principal namin para tanggapin ang bobo niyong alaga," lumabi ako sa kanya. Nasisira na ang reputasyon ng school na ito. Nakakapasok na ang mga bobo at mangmang pati ng multo nakapasok na. Hindi ko na alam kung paano ko pa aayusin ang pamamahala ng eskuwelahang ito.

"Watch your mouth! Student ka lang rito." Pinandilatan niya ako ng mga mata at dinuro ako. Look how ill-mannered person she is. Nakakainit ng ulo.

"I'm just stating facts Madame Belinda. As our president had said, We can't give special treatment to students. Iistorbohin niyo ang class hours para lang sa isang student? Mas mahalaga ang pag aaral kaysa sa showbiz at para lang sa bobo niyong artista? Hindi ko alam kung paano niyo napapayag ang principal pero ang totoo niyan kahit isang bagsak na grade lang hindi dapat tinatanggap dito. Nakatikim na kayo ng special treatment. Sapat na iyon," mahabang litanya ko. Sa totoo lang, napigilan ko pa ang sarili ko na magsalita.

"Hoy bata ka--" Tumayo siya akma na sana akong hablutin kahit may lamesang nakapagitan sa amin nang magsalita ulit ako.

"Isa pa, kung gagawin niyo lang iyan para sa image ng alaga niyo. I am telling you, hindi makakatulong ang kaartehan nya para sumikat. Magmumukha siyang pabebeng matinee idol."

She gasped an air. "Ano'ng alam mo sa showbiz? Hindi mo alam ang kalakaran sa trabaho namin! Find a way or else lilipat kami ng school and I will make sure, sisirain ko ang image ng school niyo at wala kayong magagawa para ipagtanggol ito. Huh, tingnan lang natin."pagbabanta pa niya.

"John, Let's talk first." aya sa'kin ni Scott. Lumapit siya sa kinauupuan ako at hinawakan ang braso ko. Lumabas kami saglit sa room. Paglabas namin tinanggal ko agad ang braso niya sa akin. He doesn't have the right to hold me, we are not friends. He bit his lips to hide his anger.

"We will talk for the sake of our school. We should decide. Kapag hindi natin s'ya sinunod ang school natin ang mapapahamak pati tayo," wika nito.

"Pero kung susundin natin siya, ano na lang ang sasabihin ng ibang students? Mayroon tayong pinapaboran? May iba tayong students dito na artista at model pero hindi natin pinayagan ang ganoon. I'm just being fair."

"Choose. School's reputation or breaking the rule? Just once, JG. Pumayag ka na,"

"Sabihin mo nga sa akin paanong nakapasok ang bagsak na student na iyan sa school natin, ginamitan mo na naman ng connection mo?" Pang-iinsulto ko sa kanya.

Hindi ako naniniwala na against si Scott sa party na gusto ni miss Belinda. Sa tingin ko props lang niya ito para sa akin mabaling ang desisyon. Nakakainis talagang leader ito. Bias siya at mahiig manglaglag ng mga kasama niya. Panigurado kapag hindi namin sinunod ang miss Belinda na ito, tototohanin niya ang banta niya at as usual maghuhugas kamay lang ang magaling naming presidente. Bakit ba siya nanalo, sarili lang niya iniisip niya.

Ah oo nga pala, anak kasi sya ng may ari ng school. Iyon nga pala, anak siya ng may-ari, sila ang nagdedesisyon ng papa niya so bakit pati ako nadadamay?

"Pinagbibintangan mo ba ako?" nangangalit ang mga mata niya.

"Dapat bang hindi kita pagbintangan?"

"Susundin ko ang gusto ni Miss Belinda dahil mahal ko ang school na ito at ayaw kong masira ito ng kahit sino," ani niya na nakapameywang pa.

"Bakit may tinatago ba'ng baho ang school na ito kaya ayaw mong may maungkat?" tanong ko ngunit mali yata ang pagkakapasok ko.

He look at me teasingly." Gusto mo bang mabuksan uli ang issue about sa bestfriend mo?"

Hindi ako sumagot at nakasimangot na tumitig sa kanya. Goddamn mouth! Ngayon tuloy na-corner na niya ako. Kapag ang issue na iyon ang pinag uusapan hindi ako umimik at hanggat maaari nilalayasan ko. "Fine. Bahala ka na sa buhay mo and besides ikaw naman presidente." Blangko ang ekspresiyon kong sabi. Nakita ko ang ngisi sa mga labi niya. He finally won against me. Pumasok akong muli sa office and I saw Miss Belinda grinning at me, I hate it but I have no choice.

"Okay madame. We will do what you want." labas sa ilong kong sabi. Hindi na ako umupo at dinirekta na lang siya. Napatingin sa akin ang mga officers nang hindi makapaniwala. Alam ko sa loob nila nagpoprotesta na sila. Hindi ko sila pinagtuunan ng pansin.

Ngiting tagumpay na tumayo si Miss Belinda. "Good. Madali pala kayong kausap eh." she gave her hands to shake but I just look at it. Hindi niya ibinaba ang kamay hangga't hindi ako nakikipag kamay. Bumuntong-hininga muna ako bago iyon tinanggap. I really don't wanna lose. Losers are for weaklings.

I smirked when an idea popped on my mind. Tingnan lang natin kung makangiti ka pa bukas. Sa isang iglap nagbago ang ekspresyon ko at tinanggap ko ang suggestion niya or I must say utos niya. "Don't worry, madame. Ako na'ng bahala sa party ni Cranberry. Pero meron sana akong request," wika ko at nginitian pa siya ng matamis. Nahulog naman siya sa patibong ko.

"Sige, ano iyon?"

"Mas gusto ng mga fans ang surprise party kaya naman gagawin natin ang party sa aming Olympus Hall. Doon namin iga-gather ang mga students at kami nang bahala sa video recordings and settings. So sana, wala nang press dahil mayroon naman kaming broadcasting club. Kami na ang magko-cover sa lahat. H'wag na kayong mag-alala.

"Bakit naman ayaw niyo ng media? Hindi ba't mas sisikat ang school niyo kapag ganoon?"

Ngumiti ako ng tipid. Wala siyang alam kung ano ang school namin. Xerxes acadaemy always rank first when it comes to popularity and reputation. Almost of students want to enter this school pero pili lang ang mapapalad na nakakapasok. Sumagi tuloy sa isip ko ang babaeng nakita ko sa loob nitong office noong nakaraang araw-hindi ko alam kung paano iyon nakapasok dito.

"May sarili kaming journalists, kaya sila na ang bahala doon." Tumingin ako sa malayo para pigilan ang ngiti ko. Ako na'ng bahala sa photographer. Magaling kaya ako sa photography, siguradong magugustuhan nila ang mga shots ko.

She bit her lip then nod."Okay, payag ako. It's settled then. Aalis na ako, aasahan ko ang mga sinabi mo." paalam niya sa amin. Masaya ang itsura niyang lumabas ng office.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni Scott. "Sasamahan ko lang siya." Aniya at sinundan na ang CYD manager.

Paupo na sana ako sa kinauupuan ko kanina nang harangin ako ni Vince, siya ang treasurer namin. "What is that, Gervie?" Halos lahat ng officers ay may inis sa president namin. Palibhasa anak ng may-ari ng school kaya naging president. Wala rin iyong ginagawa kun'di ang um-absent at mag-cutting sa klase. Ikinahihiya ko na siya ang president namin and at the same time, classmate namin. Nandaya siya sa nakaraang eleksyon kaya siya nanalo.

"You will break the school rule!" hysterical na sabi ni Anne.

"Sa iyo kami humingi ng tulong para kontrahin si president pero ano ang nangyari?" Friah, the auditor.

"Hindi mo ba alam na kasabwat si Pres sa kabaliwan ng CYD manager na iyon?" Henry, the P.R.O.

"Halata naman eh, kunwari lang iyon. At gusto niya si vice president ang umako para kapag may nangyaring hindi maganda, si vice president ang sisisihin niya." Dj, the sergeant at arms

"You think I'm a fool to believe your beloved president? Naah, Alam ko iyon. And I will make sure na mapapahiya siya. Just help me and I will do my evil plan," ngumisi ako at umupo na. tiningnan ko sila isa-isa. "This is the plan."

*******

Kaugnay na kabanata

  • Mysterious Case of Love   Eight: the transferee is a celebrity 2

    Flare Joshel Kanina pa ako nagtataka pagkapasok ko sa loob ng school. Wala akong student na nakikita sa hallway, garden, kahit sa field. Inikot-ikot ko ang paningin sa buong paligid. Bakit parang walang tao. Late na ba ako? Tiningnan ko ang wristwatch ko. Nagbilang pa ako mula sa unang linya hanggang sa kung saan nakaturo ang hour hand. Classic wristwatch kasi ito kaya naman hirap ako magbasa ng oras. Si mama kasi eh, ganito raw ang gamitin ko para sosyal like duh kapag digital ba ginamit ng tao pulubi na siya? Hindi naman eh. "One, two, three, four, five, six. Siiixxx." tiningnan ko naman ang minute hand. Ganoon din ang ginawa ko pero count by five naman. "Five, ten, fifteen, twenty, twenty---" nakita kong nasa gitna ng 20 at 25 ang minute hand. Ano ba'ng gitna ng 20 at 25? Ah ewan. "Six and twenty something minutes," sabi ko na lang. Haist bukas talaga hindi ko na ito susuotin lalo ko lang napapatunayan ang kabobohan ko at hindi ko iyon gusto. Maaga pa naman ah, bakit kaya walang

    Huling Na-update : 2024-01-04
  • Mysterious Case of Love   9: Flare has a friend?

    Flare JoshelPumasok na ako sa classroom matapos akong patalsikin ni Vice pres. Nagkukumahog akong lumabas sa hall dahil natatakot akong mapagalitan niya. Kung nakakatakot si Nelorie, mas nakakatakot siya at ayaw ko siyang makalaban.Pagdating ko sa room, bumalik na ang sigla ng classroom namin. Ang kalat na rin ng paligid dahil tila mga bata sila na nagbabatuhan ng bolang papel sa isa't-isa. Ang mga babae naman ay nagtutumpukan sa gilid at nagtsi-tsismisan.Naupo akong muli sa chair ko. Saglit akong natulala nang maalala ang nangyari kanina sa loob ng Olympus hall bigla akong natawa nang sumagi sa isip ko ang itsura ni vice pres. Kasi naman, may suot pa siyang party hat kaso 'yong mukha niya parang nalugi sa negosyo. Iyon ba ang welcome party para sa kanya? Hay nako. napapailing na lang ako."HAHHAHA!" Hindi ko napigilan ang tawa na lumabas sa bibig ko. Hindi ko magawang huminto sa pagtawa nakahawak pa ako sa tiyan ko. Napatingin lahat ang classmates ko sa akin. Tinakpan ko ang bibig

    Huling Na-update : 2024-01-04
  • Mysterious Case of Love   10: Nelorie's new enemy.

    Nelorie's POVNapagod ako kakahabol kay bitchy witchy kaya naman hininto na namin ang paghahabol. I can't understand myself why I hate her. Simula nang mangyari ang incident few days ago hindi ko mapigilan ang mainis sa kanya. Maybe because I see myself to her before. Yeah, dati akong katulad niya. Medyo angat nga lang ako dahil ako nerd lang, siya weird. Pero the way she dress, iyong mahabang palda, buhaghag na buhok at maluwag na blouse? Akong ako noon. Nasa classroom na kami. Katabi ko ang dalawang kaibigan ko na kasa-kasama ko kahit saan. Nagdadaldalan silang dalawa. Mga kaibigan ko nga ba o nakikisama lang dahil matalino at sikat ako sa campus. But I don't care anymore, kahit pa plastic sila atleast ngayon meron na akong matatawag na kaibigan. Pumasok ng tuluy-tuloy si JG. Sinundan ko lang siya ng tingin habang umupo siya sa harapan. I admit,I like John Gervie. Hindi kasi sya iyong tipikal na lalaki. Hindi sya nag e effort na gustuhin mo sya,pero marami parin na n

    Huling Na-update : 2024-01-04
  • Mysterious Case of Love   11: He's back

    Flare Joshel Sinasamantala ko ang araw na walang pasok. Maaga pa lang, naririnig ko na ang mga kapitbahay naming nag-aaway. Katapat namin sila ng bahay. Nagbabatuhan ng mga kagamitan nila sa bahay. Tumapat ako sa bintana ng kuwarto ko at naupo sa tapat niyon upang siliipin ang mga tao sa ibaba. Nakapuwesto ang kuwarto sa ikalawang palapag. Nakaupo ako sa tabi ng bintana habang nakatingin sa mga taong dumadaan. Natatanaw ko ang mga kapitbahay namin sa baba habang kumakain ng marshmallows. Ito talagang mag-asawang kapitbahay naming, lagi na lang nag-aaway. Babaero kasi ang lalaki kaya nagseselos ang babae. Ang edad nila, tantiya ko, mga nasa kuwarenta pataas na. Nakita ko kung paano hampas-hampasin ni Aling Loreta ng sandok ang asawa niyang si Juancho. Kinukompronta ng babae kung sino 'yong nakita ng kapitbahay nila na kasama ni Kuya Juancho sa mall. "Hala, sige banatan mo," I cheered her wife. Tama lang iyan sa mga babaero. Kung pwede nga lang sana ipatapon sila sa bermu

    Huling Na-update : 2024-01-05
  • Mysterious Case of Love   12: The Kiss

    Pagkarating ko sa school ay nakita ko agad siya sa sa harapan ng gate. Nakahalukipkip siya na naghihintay. Sumenyas siyang sundan siya pagbaba ko. Nakita ko ang pagtagos niya sa tarangkahan na parang isa siya sa mutant student ni professor Charles. Napamura ako sa inis, depungal baka tumatagos siya, ako kailangan pang kumatok sa gate. Gusto niyang sundan ko agad siya.Ilang beses akong kumatok bago pagbuksan ni manong guard. Nagulat pa siya nang makita ako."Oh hija, wala pang pasukan sabado pa lang," pagbibiro nito. Kilala ni mang Herman ang halos lahat ng students dito kahit sa mukha lang kaya hindi ako nagtataka kung namumukhaan niya ako.Ngumiti lang ako. "Manong, pwede bang pumasok?""Bakit, may permit ka ba?""Kasi manong. Ihing-ihi na kasi ako." Um-acting ako na parang naiihi. Ang lame ng excuse pero iyon lang ang naisip kong idahilan. Nakahawak pa ko sa tiyan ko para medyo kapani-paniwala. "Galing kasi ako sa kaklase ko. Pauwi na po ako nang makaramdam ng pag-ihi. E napadaa

    Huling Na-update : 2024-01-10
  • Mysterious Case of Love   13:Hospital

    Flare Joshel's POVKasalukuyan kong pinagmamasdan ang natutulog na si Gervie. May dextrose at may oxygen sya sa bibig.We're here in hospital. Together with student councils except the president. Naroon parin sya sa school at nagreport daw sa incident. Susunod nalang daw sya sa amin.Nagpapasalamat ako dahil dumating ang SSC Officers kung saan naroon kami ni vice pres. Naiyak nga ako nang binuhat palabas ni Vince si JG. Pero hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit biglang nagkaganoon siya. Maiintindihan ko kung nagtagal kami sa room ng ilang oras. Pero minuto lang ang tinagal namin roon,ganoon na bigla ang nangyari sa kanya?Nagpakilala sila sa aking lahat kanina matapos maipasok sa emergency room si JG. Hindi sya iniwan ng mga ito hanggang sa ward. Siguro nga kahit mainitin ang ulo niya ay mahal parin sya ng mga tao sa paligid nya at ganoon sya kahalaga.Kausap nina Vince at Anne ang doctor sa labas ng kwarto. Nandito kami sa loob ni Friah,Henry, at Dj. Tulog si vice president."

    Huling Na-update : 2024-01-10
  • Mysterious Case of Love   14 : Maniac?

    Sinundan ko si Kean hanggang sa makarating kami sa isang private room na may window glass sa may pintuan. Doon lang kaming dalawa nakasilip. May nagbabantay na isang lalaki na naka business attire sa kanya. Nakaupo ito sa tabi ng kama nya hawak nito ang kanyang kamay.Paharap sa pinto ang bed ni Kean kaya naman nakatalikod sa gawi namin ang lalaki na parang nasa mid-40's na."Ikaw ba yan?" turo ko sa pasyente sa loob ng room. Medyo malayo kasi kami. Ayoko naman pumasok sa loob dahil may bantay sya. Isa pa,payat ang katawan nito."Hindi. Kapitbahay ko iyan. Malamang ako diba? " masungit niyang sagot habang nakatingin sa katawan nya.Pinaningkitan ko sya ng mata. "Bat ang sungit mo?"He stared annoyingly."Bat ambobo mo?""Tss." ngumiwi ako sa sinabi nya. Savage talaga ang lalaking ito. Bakit ko ba sya tinutulungan?"Siya ba ang papa mo?" tukoy ko sa lalaking hindi ko makita ang mukha."Siguro. Kamukha ko sya eh."I looked at him disgustingly. "Pati papa mo hindi mo matandaan?"Galing mo

    Huling Na-update : 2024-01-10
  • Mysterious Case of Love   15: the make over and a date

    Flare Joshel's POV"Rise and Shine!" narinig kong bati ni mama habang kinalikot nya ang tenga ko para magising."Hmm." naalimpungatn akong tumalikod sa kanya.Binuksan nya ang bintana ko,nasilaw tuloy ako."Mama. Inaantok pa ako." reklamo ko sa kanya saka tinalukbong ang unan ko sa mukha. Kahapon anong oras na ako nakauwi tapos hindi pa ako nakatulog agad. Nababagabag ako sa ginawa ko kay vice pres. Alam ko namang walang malisya iyon but I can't help how his lips taste so sweet.Eww. Ayan na naman nasa isip ko. Pakiramdam ko tuloy ang dumi dumi na ng utak ko.Hinampas nya ako ng malakas sa kaliwang hita kaya napatayo ako bigla. Ang lakas kaya! Baka maging pasa iyon mamaya."Mama naman eh!" nakabusangot akong umupo sa kama. "Umayos ka,magsisimba pa tayo." nakapameywang nyang sabi sabay may hinagis sa mukha ko. Tinanggal ko iyon. "Opo." sabi ko sabay higa uli. Inaantok pa talaga ako eh. Ano'ng magagawa ko?"Hoy!""Hmmm!" piningot nya ako sa tenga. "Aaaahh!! Mama!" "Gising na,potek a

    Huling Na-update : 2024-01-10

Pinakabagong kabanata

  • Mysterious Case of Love   Chapter 50: Final Chapter

    Third Person's POVInilapag ni Flare ang bulaklak sa gilid ng lapida ng kanyang papa. Noong huli niyang punta rito ay umiiyak siya pero ngayon ay nagagawa na niyang ngumiti.Nagpapasalamat siya sa kanyang ama na kahit sa huli nitong hininga ay hindi siya pinabayaan. She thinks she is the luckiest person to have a father like him."Thank you,papa. Don't worry,aalagaan ko ang sarili ko pati na rin si mama para sa'yo." nakangiti niyang sabi.Niyakap naman siya ng mama niya na nakangiti rin. Tanggap na nila ang sinapit nito at mahirap man ay kailangan nilang magpatuloy upang hindi masayang ang pinaghirapan nito."Papa,may chika pala ako sa'yo."excited na sabi niya. Lumingon muna siya saglit sa blankong mukha ni JG bago bumulong. "May boyfriend na ako,pa. Ang gwapo." kinikilig niyang kwento rito."Tch." narinig niyang sabi ni JG.Tumikhim naman siya saka tumingin kay JG na parang naiinip na. Siningkitan niya ito ng mata kaya naman napakunot-noo ang binata."Bumati ka sa papa ko." utos niya

  • Mysterious Case of Love   Chapter 49: Choose

    Flare's POVMatapos ang insidenteng iyon,nakakapanibago na ang paaralan nila dahil pumalit na sa pwesto si Mrs. Ancelor. At dahil pangalawa sa may malaking shares ang pamilya ni Nelorie,napunta sa kanila ang paaralan sa pamamagitan ng pagbili ng shares sa family ni Mr. Principal.Sinabi rin sa kanila ng parents nila ang totoong nangyari ten years ago. Sila pa lang anim ay nakulong sa classroom habang nasusunog iyon gawa ng kindergarten pupil na si Maki Dela Cruz. Bata pa lang pala ay magkakakilala na ang mga magulang nila at ang sabi ng mama niya,kaibigan ng papa ni Kean ang papa niya. Meron nga rin daw na namatay dahil sa aksidenteng iyon.At dahil sa pangyayaring iyon,nagkatrauma silang lahat. Nagtry daw ang mga magulang nila na ipacouncil sila ngunit ang kanilang principal ay nag-offer na ipapakilala sila sa isang doctor na kayang magperform ng hypnotism. At iyon nga ang ginawa sa kanila. Upang tuluyan na raw nilang makalimutan ang lahat

  • Mysterious Case of Love   Chapter 48: Caught

    "Scottie,okay ka lang?"tanong niya nang may pag-aaalala. Samantalang si Cranberry ay nakamasid lang rito.Natauhan naman ito na tumigil at tumayo ng maayos. Muli na naman itong ngumisi. "Nagkita na tayo noong mga bata pa tayo,hindi mo ba ako natatandaan?"Nagkita sila? Kailan? Hindi niya matandaan."Hindi,"iling niya.Lalo itong ngumisi na ikinakilabot niya. "Pwes,gagawa ako ng paraan para matandaan mo."Nagpalinga-linga ito sa paligid habang si Berry naman ay dumungaw sa bintana.Nakita na lang niya na may hawak nang maliit na balde si Scottie."Ano'ng gagawin mo?" kinakabahan na siya sa kung ano'ng gagawin nito sa kanya. Pwersahan na niyang iginalaw ang mga braso upang makatakas ngunit wala paring nangyari.Ibinuhos ni Scottie ang isang maliit na baldeng may gaas sa paligid ni Flare. Pakanta-kanta pa

  • Mysterious Case of Love   Chapter 47:

    *****Third Person POV"Nasaan na yon?"Naiinis na hinalungkat ni Scottie ang bag ni Flare. Hindi pa siya nakuntento ay ibinuhos niya ang laman nito.Nagtatanong naman ang isip ni Berry na nakamasid sa napaparanoid na lalaki."Nasaan yung journal!" sigaw nito habang napafrustrate na.Sa ingay ni Scottie ay nagising si Flare. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata kahit hirap siya dahil blurred pa ang paningin niya. Naaninag niya ang isang lalaki at isang babae.Hahawakan niya sana ang ulo niya dahil sa sumasakit ito pero nagulat siya nang mapansin na hindi niya magalaw ang kanyang kamay. Iyon pala ay nakatali ito.Nanlaki ang mata niya nang makita sina Scottie at Berry sa harap niya. Nagulat din naman si Berry kaya naman tumalikod ito."Berry? Scottie? Nasaan tayo,bakit ako nakatali?" tanong niya

  • Mysterious Case of Love   Chapter 46: Scottie's past

    *THIRD PERSON POV*Pinagmamasdan ni Scottie na nasa katauhan ni Maki ang tulog na si Flare habang nakatali ito sa upuan.Itinaas niya ang susi na galing sa kanyang namayapang tito. Napangiti na lang siya nang maalala ang mukha ng tito niya habang naghihingalo. Alam na niya ngayon kung para saan ang maliit na susing ito. Ito ang hawak nito bago tuluyang bumagsak sa sahig.Buti nga sa kanya. Anang isip niya habang nangisi. Masyado kasi itong hadlang sa buhay niya. At sa totoo lang,iyon naman na talaga ang plano niya rito. Iyon nga lang,ang lason na ginamit niya ay tumatalab lang kapag madalas gamitin. In short,ang tsaa na iniinom nitong may lason ay hindi agad tumatalab. It takes time. And how happy he was when he saw the result.Goodbye,my one and only uncle.Hindi niya napigilan ang luhang may halong poot at tuwa. Sa wakas,napatumba na niya ang mahigpit niyan

  • Mysterious Case of Love   Chapter 45:Bad News

    Flare's POVHindi ako makatulog pagdating ng gabi. Nahuhuli ko na lang ang sarili ko na nagpapagulung-gulong sa kama ko habang yakap ang kulay blue kong unan. Naaalala at lagi pa rin sa isip ko,paulit-ulit na nagrerewind ang sinabi ni Gervie.Ano kayang ginagawa niya ngayon? Tanong ko bigla sa isip ko.Iniisip niya rin kaya ako? Kaya siguro hindi ako makatulog! Kyaaah!Humiga ako sa kama at nagpapadyak-padyak. Hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng kama kaya nalaglag ako."Ouch!"I grunted holding my back. But I just smile like I have never been hurt. I'm too happy just to think my back is aching right now.Inabot ko sa mini drawer ang cellphone ko. Baka nagtext na siya. Abot tenga pa ang ngiti ko.But I was so disappointed when I saw nothing. No vice pres on my message box. Si talk 'n text lang ang masugi

  • Mysterious Case of Love   Chapter 44: JG points

    Flare's POV"Umalis ako umiiyak ka,pag-iyak na lang ba ang kaya mong gawin,maniac?"Tinaas-baba ko muna siya ng tingin bago ako tumayo. Istorbo sa pamumuhay naman ang lalaking ito,nagsisenti yung tao eh.Nagpunas ako ng luha bago humarap sa kaniya."Bakit nandito ka pa?"hindi ako makatingin sa kaniya dahil alam niyo na,natatakot ako sa blanko niyang mata.I heard him hissed."Tch. Natural,nag-iikot ang mga Student council para tingnan kung may natira pang student sa loob BAGO KAMI UMUWI." pagdidiin niya sa tatlong huling salita. As if sinasampal niya sa mukha ko iyon. "Bakit nandito ka pa,ano'ng oras ka na naman makakauwi? It's dangerous to stay up late. Umuwi ka na,grounded ka diba?""Paano mo nalamang grounded ako? May pa-detective ka diyan ah. Tsaka wala kang paki,tutal hindi mo naman ako kaibigan diba,so hindi ka dapat

  • Mysterious Case of Love   Chapter 43: Transfer?

    Flare's POV"Magtatransfer ka?" gulat na tanong ni Nelorie sa akin. Napatayo pa siya. Breaktime ngayon kaya nasa cafeteria kami.Napakagat-labi ako nang mapatingin sa akin sina Joshua at JG. Simula ngayon magkakasama na kami kumain tuwing breaktime. Hindi namin matanggihan si Tanda este si Kean nang sabihin niyang dapat sama-sama kami. Akala mo naman talaga tunay kaming magkakaibigan."Maupo ka nga,nakakahiya ka!" hinihila ko siya pababa para mapaupo."You heard it right,magtatransfer siya. Huhuhu!" kunwa'y naiiyak pang suminghot si Kean. "Kaya naman magbabayad na ako sa utang ko sa iyo. French fries,cola,marshmallows and pizza." he said then put the tray in front of me.Ngumiti lang ako sa kanya.Kahapon,hinatid niya ako sa bahay namin. Nagulat pa si mama nang makita na may mga kalmot,pasa at namumula ang pisngi ko pero ang sabi ko lang ay

  • Mysterious Case of Love   Chapter 42: Kindergarten

    *Third Person POV*"Nawala lang tayo saglit,nagparty na ang mga daga? Tss." sabi ni Kean habang tinitingnan siya ni John Gervie. Nasa loob sila ng Clinic at hinihintay magising si Nelorie. Nakayuko lang si Joshua sa gilid ng kama ni Nelorie.Si Flare naman ay nilalapatan ng ice pack sa pisngi ni Nurse Maggie.Hindi nila halos maalala na may naiwan sila sa pool area.Alam na niya kung sino ang may gawa ng lahat ng ito. Maghintay lang sila,paparusahan niya ang mga ito.After niyang makipagmeeting kasama ang SSC officers ay may nagbalita sa kanya paglabas nila na pinagtulungan sina Flare,Berry,at Nelorie. Sinabi niya ito kina Kean at Joshua na kakabalik lang mula sa kani-kanilang assignments. Kaya naman dali-dali silang naghanap. Mabuti na lamang ay nakita niya ang ibang students na papunta sa Poseidon's pool.Exam day ngayon pero nagkaroon ng ganitong problema. Nananakit lalo ang ulo niya,tapos iyong sugat pa niya sa braso hi

DMCA.com Protection Status