Flare Joshel's POV"Rise and Shine!" narinig kong bati ni mama habang kinalikot nya ang tenga ko para magising."Hmm." naalimpungatn akong tumalikod sa kanya.Binuksan nya ang bintana ko,nasilaw tuloy ako."Mama. Inaantok pa ako." reklamo ko sa kanya saka tinalukbong ang unan ko sa mukha. Kahapon anong oras na ako nakauwi tapos hindi pa ako nakatulog agad. Nababagabag ako sa ginawa ko kay vice pres. Alam ko namang walang malisya iyon but I can't help how his lips taste so sweet.Eww. Ayan na naman nasa isip ko. Pakiramdam ko tuloy ang dumi dumi na ng utak ko.Hinampas nya ako ng malakas sa kaliwang hita kaya napatayo ako bigla. Ang lakas kaya! Baka maging pasa iyon mamaya."Mama naman eh!" nakabusangot akong umupo sa kama. "Umayos ka,magsisimba pa tayo." nakapameywang nyang sabi sabay may hinagis sa mukha ko. Tinanggal ko iyon. "Opo." sabi ko sabay higa uli. Inaantok pa talaga ako eh. Ano'ng magagawa ko?"Hoy!""Hmmm!" piningot nya ako sa tenga. "Aaaahh!! Mama!" "Gising na,potek a
**********16"Transferee ba sya?""Classmate ba natin yan?""Parang namumukhaan ko sya.""Hindi ba sya iyong future wife ko?"Lumingon ako sa paligid para lang makita ang halos mga estudyante na nakatingin sa akin. Napakunot ako ng noo. Dumaan lang ang sabado't linggo naging weird na sila sa paningin ko. Nagtutulakan sila para makuha ang atensyon ng iba, hindi nakatakas sa akin ang pagtaas ng kilay ng mga babae kapag napapadaan ako.Umiling-iling ako. Hindi. Daydream lang ito. Hindi ganito ang treatment sa akin ng mga schoolmates ko.Nagtuluy-tuloy ako sa Artemis Building habang tumitingin sa compact mirror na hawak. Wala naman akong dungis sa mukha. Nakakaloka talaga 'yung mga tingin nila sa akin."Ganda mo ‘te! Masaya ka ba?" sarkastikong tanong ni Kean na sumusunod sa akin habang lumulutang. "Para sa akin panget ka pa rin kahit two inches ang kapal ng make up mo."Kahapon pa siya naiinis sa akin. Hindi daw niya ako mahanap. Wala naman daw akong sinabi kung saan ako pupunta. Like du
Flare's POVHindi pa rin tapos magtest si Crapberry. Breaktime na pero heto naghihintay pa rin ako. Ganoon siya kabagal. Hindi ko alam kung sinasadya niya iyon o hindi. Ang sabi ni vice pres, babalik sya after two hours pero breaktime na siya nakabalik. Nasa loob pa kaming tatlo ng office. "Your time is over. Give me your answer sheet." Hiningi ni vice pres sa nakaupong si Crapberry ang papel."I'm not yet finish," iyon lang ang sagot ni Berry."I told you,finish or not finish, I---""Okay, I'm done." Napatingin ako nang tumayo siya at inabot kay vice pres ang papel. Hindi agad kinuha ni vice pres ang papel. Tiningnan muna niya si Berry. Nang kukunin na niya saka namang bitiw ni Berry kaya naman nalaglag ang papel sa sahig. "Oops. Sorry," she apologized sarcastically. Halatang inaasar niya lang si JG. Umiling na lang ako, pakiramdam ko mag-aaway na naman silang dalawa. Wala akong magawa nang Makita kong nagtitigan silang dalawa. Naniningkit na ang mga mata ni JG. Para tuloy anytime
"Woah, woah, woah. Look who's here."Napalingon kami sa nagsalita. Nakatingin siya sa board tapos ay dumako ang tingin kay Nelorie. Nagpamulsa siya, ang mga mata niyang mapang-asar ay biglang naging cool na parang magyeyelo ka kapag napatingin ka sa kanya."The mean squad of Queen bee, Nelorie," cool niyang pagkakasabi. He grinned devilishly. Kung isa ako sa mga fan niya, malamang ay nagtitili na ako sa ganda ng pagpasok niya sa eksena. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko na dumating siya o dagdag lang siya sa problema ko. Pakiramdam ko kasi, mas lalala lang ang mangyayari."Oh, look who's here too. Ang bobong playboy ng class F," sagot ni Nelorie sa kanya. She crossed her arms and raised her eyebrow."Aww." He touched his chest. "Ang sakit mo naman magsalita. Parang wala tayong pinagsamahan, ah." Hindi pa rin naaalis ang ngisi sa mga labi niya. It's like, he really loves to tease her."Shut up," saway ni Nelorie sa kanya. Nakakunot na ang noo niya. Senyales na hindi na siya natutuwa
CRANBERRY'S POV I went out of the elevator as fast as I could. I hugged myself so tight. May kung anong nangyari na nagpatayo ng balahibo ko. "Omg, so creepy. Gosh!" I glanced at the elevator. Hindi ko alam kung sa loob ng elevator ako nagkaroon ng goosebumps o doon sa narinig kong boses malapit sa tenga ko. Ang pagkakarinig ko ay'mitch' kaya akala ko may nagtatawag lang malapit sa akin, pero wala namang ibang tao kundi ako lang. Nagsipasukan na sa rooms ang iba. A strange student registered on my mind. Bago pa nagsara ang elevator door, mayroon akong nakitang lalaki. Maputi ang mukha nya, may bangs siya at naka-unbotton ang upper part ng polo nya. Ang leeg niya ay may bakas ng lubid. As if he put a rope on his neck. May umaagos ding dugo sa kanang wrist niya. Nanlaki ang mga mata ko. F*ck that crap! "Oh no." Hysterical akong nagpaikot-ikot sa realization ko. Bumalik na naman ba? Bumalik ba? I shook my head. Oh no, this can't be happening. Kapag nangyari iyon, baka huminto na
Flare Joshel's POVNagring na ang bell. Sign na dismiss na ang klase ngayon. Hindi ako maka-concentrate maghapon. Sino kaya ang may pakana doon sa mga pictures? Paano niya iyon nagawa? Ibig sabihin ba may student na nakakita sa amin at sumunod?Hindi ko namalayan na wala na pala sa loob ng classroom si Crapberry. Tumayo ako at nag-ayos na ng gamit."Flare." Lumapit sa akin ang squad ni Joshua habang siya naman ay naka-headphones at walang pakialam na nakaupo malapit sa bintana. "Totoo ba? Nakipagdate ka kay JG?" tanong ni Luke na parang may nerbiyos sa boses."Oo nga." si Honey. Nakiusyoso na rin ang iba kong classmates. Pinagkumpulan nila ako. "Nagdate ba talaga kayo ng pinakasuplado at masungit na Vice President ng taon?"Napatingin ako sa mga tsismoso't tsismosa kong mga classmats. Kailan pa sila naging close ng ganito sa akin?"Ah, hin—" Hindi ko maituloy ang sasabihin ko nang may sumingit na naman."Girlfriend na yata sya ni JG," sabi ni Ella.Nagbulungan naman ang ibang babae.
Flare Joshel's POVKINABUKASAN, pinagkukumpulan ang bulletin board ng mga students. Hindi na dahil sa mga pictures, kung hindi dahil sa result of examination.Walang gana akong pumunta roon. Pinagtitinginan nga ako ng iba at naglalayuan na parang mayron akong malubhang karamdaman.Hanggang ngayon,lutang pa rin ako sa sinabi ni Vice Pres kahapon. Nagsulat nga ako sa notepad ko. Inilagay ko roon ang sinabi ni vice pres, ang tungkol sa nangyari sa old building at kung bakit galit siya kay Kean.Kaya nga ba talagang gawin iyon ni Kean?Iwinaksi ko ang iniisip ko. Kailangan kong mag-move on. Hindi dapat ako magpadala sa mga sinabi nya.Tiningnan ko ang result sa bulletin.300 lang ang Grade 10 students kaya naman madali lang para sa akin na makita ang pangalan ko. May kanya kanyang bulletin board ang mga grade level kaya naman hiwalay kami sa iba. Iba’t iba din ang building namin. Sa grade 7;Hades building. Grade 8; Hera, sa grade 9; Perseus building at kami; Artemis building.Para sa seni
Pumunta si Cranberry kasama ang mga staff niya sa isang orphanage. Ang utos kasi sa kanya ay magperform sa harap ng mga ulilang bata roon. Dahil nga sikat siya, siya ang kinuha para roon. Ayaw man niyang gawin iyon ay hindi siya makatanggi. Una, may contract siya sa management na nag-settle ng program. Pangalawa, kailangan siyang ma-built up para lalo siyang sumikat, at pangatlo bayad na siya, bawal nang tumanggi. Sinsisi niya ang manager niya dahil kinuha agad ang talent fee niya. Mukhang pera talaga ito at hindi man lang inalala ang feelings niya. Matapos siyang mag-perform kahit wala siyang talent sa pagsayaw ay naglahad ang mga bata ng mga kanya-kanyang experience, umiyak pa siya sa harap ng camera dahil hindi na niya makayanan ang paghihirap ng mga bata bago pa sila makuha ng social welfare. Pero siya si Cranberry Hopkins. Isa siyang artista. Plastic siyang makitungo sa mga tao sa paligid niya. She doesn't want to bond with other people but she needs to. Kung hindi masisira ang
Third Person's POVInilapag ni Flare ang bulaklak sa gilid ng lapida ng kanyang papa. Noong huli niyang punta rito ay umiiyak siya pero ngayon ay nagagawa na niyang ngumiti.Nagpapasalamat siya sa kanyang ama na kahit sa huli nitong hininga ay hindi siya pinabayaan. She thinks she is the luckiest person to have a father like him."Thank you,papa. Don't worry,aalagaan ko ang sarili ko pati na rin si mama para sa'yo." nakangiti niyang sabi.Niyakap naman siya ng mama niya na nakangiti rin. Tanggap na nila ang sinapit nito at mahirap man ay kailangan nilang magpatuloy upang hindi masayang ang pinaghirapan nito."Papa,may chika pala ako sa'yo."excited na sabi niya. Lumingon muna siya saglit sa blankong mukha ni JG bago bumulong. "May boyfriend na ako,pa. Ang gwapo." kinikilig niyang kwento rito."Tch." narinig niyang sabi ni JG.Tumikhim naman siya saka tumingin kay JG na parang naiinip na. Siningkitan niya ito ng mata kaya naman napakunot-noo ang binata."Bumati ka sa papa ko." utos niya
Flare's POVMatapos ang insidenteng iyon,nakakapanibago na ang paaralan nila dahil pumalit na sa pwesto si Mrs. Ancelor. At dahil pangalawa sa may malaking shares ang pamilya ni Nelorie,napunta sa kanila ang paaralan sa pamamagitan ng pagbili ng shares sa family ni Mr. Principal.Sinabi rin sa kanila ng parents nila ang totoong nangyari ten years ago. Sila pa lang anim ay nakulong sa classroom habang nasusunog iyon gawa ng kindergarten pupil na si Maki Dela Cruz. Bata pa lang pala ay magkakakilala na ang mga magulang nila at ang sabi ng mama niya,kaibigan ng papa ni Kean ang papa niya. Meron nga rin daw na namatay dahil sa aksidenteng iyon.At dahil sa pangyayaring iyon,nagkatrauma silang lahat. Nagtry daw ang mga magulang nila na ipacouncil sila ngunit ang kanilang principal ay nag-offer na ipapakilala sila sa isang doctor na kayang magperform ng hypnotism. At iyon nga ang ginawa sa kanila. Upang tuluyan na raw nilang makalimutan ang lahat
"Scottie,okay ka lang?"tanong niya nang may pag-aaalala. Samantalang si Cranberry ay nakamasid lang rito.Natauhan naman ito na tumigil at tumayo ng maayos. Muli na naman itong ngumisi. "Nagkita na tayo noong mga bata pa tayo,hindi mo ba ako natatandaan?"Nagkita sila? Kailan? Hindi niya matandaan."Hindi,"iling niya.Lalo itong ngumisi na ikinakilabot niya. "Pwes,gagawa ako ng paraan para matandaan mo."Nagpalinga-linga ito sa paligid habang si Berry naman ay dumungaw sa bintana.Nakita na lang niya na may hawak nang maliit na balde si Scottie."Ano'ng gagawin mo?" kinakabahan na siya sa kung ano'ng gagawin nito sa kanya. Pwersahan na niyang iginalaw ang mga braso upang makatakas ngunit wala paring nangyari.Ibinuhos ni Scottie ang isang maliit na baldeng may gaas sa paligid ni Flare. Pakanta-kanta pa
*****Third Person POV"Nasaan na yon?"Naiinis na hinalungkat ni Scottie ang bag ni Flare. Hindi pa siya nakuntento ay ibinuhos niya ang laman nito.Nagtatanong naman ang isip ni Berry na nakamasid sa napaparanoid na lalaki."Nasaan yung journal!" sigaw nito habang napafrustrate na.Sa ingay ni Scottie ay nagising si Flare. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata kahit hirap siya dahil blurred pa ang paningin niya. Naaninag niya ang isang lalaki at isang babae.Hahawakan niya sana ang ulo niya dahil sa sumasakit ito pero nagulat siya nang mapansin na hindi niya magalaw ang kanyang kamay. Iyon pala ay nakatali ito.Nanlaki ang mata niya nang makita sina Scottie at Berry sa harap niya. Nagulat din naman si Berry kaya naman tumalikod ito."Berry? Scottie? Nasaan tayo,bakit ako nakatali?" tanong niya
*THIRD PERSON POV*Pinagmamasdan ni Scottie na nasa katauhan ni Maki ang tulog na si Flare habang nakatali ito sa upuan.Itinaas niya ang susi na galing sa kanyang namayapang tito. Napangiti na lang siya nang maalala ang mukha ng tito niya habang naghihingalo. Alam na niya ngayon kung para saan ang maliit na susing ito. Ito ang hawak nito bago tuluyang bumagsak sa sahig.Buti nga sa kanya. Anang isip niya habang nangisi. Masyado kasi itong hadlang sa buhay niya. At sa totoo lang,iyon naman na talaga ang plano niya rito. Iyon nga lang,ang lason na ginamit niya ay tumatalab lang kapag madalas gamitin. In short,ang tsaa na iniinom nitong may lason ay hindi agad tumatalab. It takes time. And how happy he was when he saw the result.Goodbye,my one and only uncle.Hindi niya napigilan ang luhang may halong poot at tuwa. Sa wakas,napatumba na niya ang mahigpit niyan
Flare's POVHindi ako makatulog pagdating ng gabi. Nahuhuli ko na lang ang sarili ko na nagpapagulung-gulong sa kama ko habang yakap ang kulay blue kong unan. Naaalala at lagi pa rin sa isip ko,paulit-ulit na nagrerewind ang sinabi ni Gervie.Ano kayang ginagawa niya ngayon? Tanong ko bigla sa isip ko.Iniisip niya rin kaya ako? Kaya siguro hindi ako makatulog! Kyaaah!Humiga ako sa kama at nagpapadyak-padyak. Hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng kama kaya nalaglag ako."Ouch!"I grunted holding my back. But I just smile like I have never been hurt. I'm too happy just to think my back is aching right now.Inabot ko sa mini drawer ang cellphone ko. Baka nagtext na siya. Abot tenga pa ang ngiti ko.But I was so disappointed when I saw nothing. No vice pres on my message box. Si talk 'n text lang ang masugi
Flare's POV"Umalis ako umiiyak ka,pag-iyak na lang ba ang kaya mong gawin,maniac?"Tinaas-baba ko muna siya ng tingin bago ako tumayo. Istorbo sa pamumuhay naman ang lalaking ito,nagsisenti yung tao eh.Nagpunas ako ng luha bago humarap sa kaniya."Bakit nandito ka pa?"hindi ako makatingin sa kaniya dahil alam niyo na,natatakot ako sa blanko niyang mata.I heard him hissed."Tch. Natural,nag-iikot ang mga Student council para tingnan kung may natira pang student sa loob BAGO KAMI UMUWI." pagdidiin niya sa tatlong huling salita. As if sinasampal niya sa mukha ko iyon. "Bakit nandito ka pa,ano'ng oras ka na naman makakauwi? It's dangerous to stay up late. Umuwi ka na,grounded ka diba?""Paano mo nalamang grounded ako? May pa-detective ka diyan ah. Tsaka wala kang paki,tutal hindi mo naman ako kaibigan diba,so hindi ka dapat
Flare's POV"Magtatransfer ka?" gulat na tanong ni Nelorie sa akin. Napatayo pa siya. Breaktime ngayon kaya nasa cafeteria kami.Napakagat-labi ako nang mapatingin sa akin sina Joshua at JG. Simula ngayon magkakasama na kami kumain tuwing breaktime. Hindi namin matanggihan si Tanda este si Kean nang sabihin niyang dapat sama-sama kami. Akala mo naman talaga tunay kaming magkakaibigan."Maupo ka nga,nakakahiya ka!" hinihila ko siya pababa para mapaupo."You heard it right,magtatransfer siya. Huhuhu!" kunwa'y naiiyak pang suminghot si Kean. "Kaya naman magbabayad na ako sa utang ko sa iyo. French fries,cola,marshmallows and pizza." he said then put the tray in front of me.Ngumiti lang ako sa kanya.Kahapon,hinatid niya ako sa bahay namin. Nagulat pa si mama nang makita na may mga kalmot,pasa at namumula ang pisngi ko pero ang sabi ko lang ay
*Third Person POV*"Nawala lang tayo saglit,nagparty na ang mga daga? Tss." sabi ni Kean habang tinitingnan siya ni John Gervie. Nasa loob sila ng Clinic at hinihintay magising si Nelorie. Nakayuko lang si Joshua sa gilid ng kama ni Nelorie.Si Flare naman ay nilalapatan ng ice pack sa pisngi ni Nurse Maggie.Hindi nila halos maalala na may naiwan sila sa pool area.Alam na niya kung sino ang may gawa ng lahat ng ito. Maghintay lang sila,paparusahan niya ang mga ito.After niyang makipagmeeting kasama ang SSC officers ay may nagbalita sa kanya paglabas nila na pinagtulungan sina Flare,Berry,at Nelorie. Sinabi niya ito kina Kean at Joshua na kakabalik lang mula sa kani-kanilang assignments. Kaya naman dali-dali silang naghanap. Mabuti na lamang ay nakita niya ang ibang students na papunta sa Poseidon's pool.Exam day ngayon pero nagkaroon ng ganitong problema. Nananakit lalo ang ulo niya,tapos iyong sugat pa niya sa braso hi