Home / YA/TEEN / Mysterious Case of Love / Special Chapter: The day when JG met Berry

Share

Special Chapter: The day when JG met Berry

Author: Mystshade
last update Last Updated: 2024-01-21 06:54:54

Pumunta si Cranberry kasama ang mga staff niya sa isang orphanage. Ang utos kasi sa kanya ay magperform sa harap ng mga ulilang bata roon. Dahil nga sikat siya, siya ang kinuha para roon. Ayaw man niyang gawin iyon ay hindi siya makatanggi. Una, may contract siya sa management na nag-settle ng program. Pangalawa, kailangan siyang ma-built up para lalo siyang sumikat, at pangatlo bayad na siya, bawal nang tumanggi.

Sinsisi niya ang manager niya dahil kinuha agad ang talent fee niya. Mukhang pera talaga ito at hindi man lang inalala ang feelings niya.

Matapos siyang mag-perform kahit wala siyang talent sa pagsayaw ay naglahad ang mga bata ng mga kanya-kanyang experience, umiyak pa siya sa harap ng camera dahil hindi na niya makayanan ang paghihirap ng mga bata bago pa sila makuha ng social welfare.

Pero siya si Cranberry Hopkins. Isa siyang artista. Plastic siyang makitungo sa mga tao sa paligid niya. She doesn't want to bond with other people but she needs to. Kung hindi masisira ang career niya. Ang career niya na mukha at talent nya ang pinuhunan.

"Nakakalungkot naman," sabi nya pa habang nagpupunas ng luha. Niyakap niya ang batang babae. "Sana mabait at mapagmahal ang susunod na mag-aampon sa iyo."

Nag-iyakan ang lahat. One.two. five seconds. Five seconds niyang niyakap ang bata na parang hindi naman naliligo. Maraming press ang nakapaligid sa kanila at kinukuhanan siya ng picture.

"Aw. Ang bait talaga si Ms. Berry. Ika-caption ko ang luha niya. The empress' tears," komento ng isang photographer as he took photos of Berry crying.

Napangiti si Berry. Kung minsan ang dali lang utuin ng press.

"Huh, sigurado ka ba talaga sa sinabi mo? Baka nga kahit pagbihisin lang siya ng isang bata mag-inarte na 'yan," komento ng isa pang media na babae.

Narinig niya iyon at kahit gusto niyang irapan ito ay hindi niya magawa. Hay nako, ang hirap maging mabait sa mata ng ibang tao. Matapos niyang yumakap ay tinakpan niya ang kanyang mga mata. Ito na ang tamang panahon para umarte ng todo.

Nagtanong ang mga media kung okay lang siya. Pagkatanggal niya ng kamay sa mukha ay sinadya niyang pinatulo ang luha niya. "Hindi ko na kaya." Tuluy-tuloy siyang lumabas ng orphanage hanggang sa malayo na sa mga tao. Hindi na sumunod pa ang mga press dahil hinarang na ito ng manager at staff niya.

Bigla siyang ngumisi habang pinapahid gamit ng daliri ang tumulong luha sa pisngi niya. Hinawi niya rin ang kanyang long blonde hair.

"The empress's tears? Not bad."

On the walk to the park, she couldn't stop smiling. Mahal ang luha niya pero para siyang si Santa Claus na ibinigay lang iyon sa kanila. Ang swerte nila.

Before she entered the van, she first called her manager, who was left inside the orphanage.

"Mauuna na ako sa van," sabi niya agad rito. Alam ng manager niya na may kagaspangan ang ugali niya pero pinagpapasensyahan na lang ito ni Miss Belinda dahil kumikita ito sa kanya at sikat pa ang malditang ito sa mga teenagers. Bashers and supporters, parehas lang iyon sa kanila sikat pa rin sila kahit saan man doon. Remember, good and bad publicity is still publicity.

"Bago ka pumasok. Can you go to the church near the park and take the fruit basket to the representative of that church? Nakalimutan ko kasing ibigay eh," sabi ni manager sa kabilang linya.

Hindi alam ni Berry na itinitirik na ni manager ang mga mata sa sobrang inis sa kanya. Akma pang susuntukin ang telepono upang maibsan ang inis.

Nagpapadyak siyang sumagot, "Why me? Sa iba mo na lang iutos. Nakakainis naman."

Her manager rolled her eyes. Sa isip niya, ang arte talaga ng batang ito.

"Sige na. Mas maganda kung IKAW ang magbibigay no'n. Para naman purihin ka nila and one more thing mas okay nga yon para kahit papaano makatapak ka sa simbahan," pang-aasar ng manager na nagpipigil ng tawa.

"F*ck. Akala mo banal ka. Kung makalait ka sa akin," nanggigil na sagot niya.

"Isipin mo na lang ikaw ang magbenefi--"

Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin nito at in-end call na niya. Nagdadabog na pumasok siya sa van at kinuha ang fruit basket. Hinanap ng mga mata niya ang malapit na church. Mabibigat ang kanyang mga hakbang na pumasok, tuluy-tuloy sa loob pero wala namang tao.

"Tao po," magalang siyang nagsalita habang hawak sa dalawang kamay ang basket. Ilang beses na siyang nagtawag pero wala namang tao. In the end, she decided to leave the place. She made a call with her manager pero hindi ito sumasagot. Dahil busy sa loob ng orphanage ang mga tao, Wala kang makikita sa labas kaya naman libre siyang maglakad-lakad.

She texted her manager.

'Go to the garden, now.'

Pumunta siya sa garden para maghintay sa manager niya. Uupo sana siya sa bench nang makita niyang marungis ito. Kaya naman tumayo na lang siya at naghintay roon.

Nakatalikod siya nang may marinig siyang humahakbang of of papalapit sa kanya mula sa likod. Sa wakas naman, dumating na ang manager niya. Nauurat na siya roon.

Ang hindi niya alam, hindi naman ang manager niya ang lumapit at hindi naman talaga ito lalapit sa kanya kun'di dadaanan lang sana at dahil assuming siya ay napagkamalan niyang si manager ito.

"Sa wakas naman dumating ka," sabi niya na hindi lumilingon dito. Naramdaman niyang huminto ang taong iyon sa paglalakad. Ipinatong ni Berry ang fruit basket sa bench and she crossed her arms above her chest. "Next time, I don't want to do this again. Can't you see how they touch me? Eww baka may mga sakit pa, mahawa pa ako." She felt goosebumps everytime na maaalala niya ang sitwasyon kanina.

"Nakakainis 'yong isang bata. She pulled my hair! Oh my gosh, baka madumi ang kamay niya. Masira pa ang buhok ko! Ayoko nang gawin ito. Ako si Empress Berry hindi mo dapat pinagagawa sa akin ito.”

Nagtaka si Cranberry kung bakit hindi nagsalita ang manager niya. Kaya naman nagsalita uli sya. "Oh, bakit ‘di ka makasagot dyan?"

"Wow," the guy annoyingly said.

He is John Gervie Buenaflor. Student representative of Xerxes Academy.

Pumunta siya sa orphanage para mag-donate sa charity at mag-sponsor na rin sana sa church nila ang kaso mali ang timing niya dahil may event pa lang ginagawa sa loob kaya naman ibinigay na lang niya sa head nun ang donation ng school. Pauwi na sana siya nang mapadaan siya sa garden, napahinto siya sa likod ng isang matangkad na babae dahil bigla itong nagsalita. Akala niya siya ang kinakausap nito.

Nanlaki ang mga mata ni Berry nang marinig na boses ng lalaki iyon. Ibig sabihin, hindi ang manager niya ang kausap niya. Lumingon siya agad only to find a guy with a blank expression looking at her.

"W-who are you?" she stuttered because of his aura. Strict and very manly ang tindig nito. Parang kaedad lang niya pero mukhang matured mag-isip and in fairness he's handsome.

Ngumiti siya rito para magpa-cute. Hinawi niya pa ang buhok niya at binigay sa lalaki ang matamis niyang ngiti. No one can resist her charm. "Hi. What's your name?"

Kung ito ang nakarinig ng pinagsasabi niya kanina dapat niya itong mauto para hindi nito ichismis ang mga pinagsasabi niya.

"Tsk. Do you need to know me?" masungit nitong sagot.

Naangasan siya rito ngunit pinakita ni Berry na hindi siya apektado. "Of course. By the way, my name is Berry. Tagarito ka ba? Maganda ang orphanage niyo ah," puri niya.

"Tsk." The guy look at her annoyingly. Her smile faded. This guy is not easy as she thinks. "Pwede ba 'wag ka nang magkunwari."

"What do you mean?" She turned her smile back.

"I have ears. I heard you." Itinuro nito ang tainga.

Nagkunwari siyang natatawa. "Ano ka ba, nagpa-practice lang ako para sa upcoming project ko. I'm an actress."

"Empress. Tch. Mahirap bang um-acting na mabait sa harap ng ibang tao?"

Yumuko siya nang sabihin iyon ng lalaki. Kinagat niya ang labi. Wala na siyang kawala, malamang hindi na ito maniwala kaya bakit kailangan niya pang magpanggap? Hinawi ni Berry ang blonde hair niya. She smirked and look at him. She guess she can't hide anyway. "You heard it right," Inikutan niya ang lalaki. "Sobrang hirap. Lalo na kapag ayaw mo naman talaga sa mga taong iyon. Bakit? Hindi ka ba gano'n?"

The guy’s aura darkened. "I'm not an actor so I can't relate with you."

Nawala ang ngiti niya pagkaharap niya sa lalaki. Magkaharap na sila at nase-sense niyang hindi sila magkakasundo.

"Kapag hindi ko gusto ang isang tao. Hindi ko siya papansinin, kesa naman makipag-plastic-an ako sa kanya tulad ng ginagawa mo."

Cranberry hardly laughed. Ilalabas na niya ang pagiging mataray sa lalaking ito. "Edi ikaw na perfect. Alam mo kahit saang anggulo tignan, kailangan mong makisama kahit pa ayaw mo, huh. Remember that."

"Wala kang kwenta."

"Ano?!" Pakiramdam ni Cranberry, umuusok na ang ilong niya sa galit.

He just smirked at her. "Uulitin ko pa, baka lalo kang masaktan. Ha, plastic."

"Plastic?" hindi makapaniwala niyang ulit.

"Plastic ka. Dapat hindi Empress Berry ang tawag sayo kun'di Plastic Berry tutal that suits your personality." Nilagpasan siya nito. Nakakuyom ang kamao niyang sinundan ito ng tingin.

"Sino ka para sabihan ako ng ganyan. Ang kapal ng mukha mo. Sikat ako no! Hoy, lumingon ka rito!"

He glance but never turn his body towards Berry. Sinulyapan din nito ang basket na nilapag niya sa bench. "Ibibigay mo ba 'yan sa church?"

Nilingon din niya ang basket. "Oo. Bakit?"

"Huwag mo nang ibigay iyan. Kung galing din naman sa iyo, ‘wag na lang. Baka manakit pa ang tiyan ng inalayan mo," sabi nito saka tuluy-tuloy na umalis.

"Aba't, hoy, bumalik ka rito! Hindi pa ako tapos sa iyo! Siraulo ka, buwisit!" Ginulo-gulo niya ang buhok dahil sa pagkainis. Naiirita siya sa lalaki at pinangako niya na kapag nagkita uli sila, ito naman ang susupalpalin niya.

---->>> end of special chapter.

Related chapters

  • Mysterious Case of Love   Chapter twenty three: JG's house

    Chapter twenty three: JG's houseFlare Joshel's POVSaturday, nagkaroon kami ng usapan ni vice pres-este sya lang pala ang nagdesisyon, na pumunta daw ako sa bahay niya. Para sa study namin. Flashback~~~Tentenenen.ten tentententen. Ten! Ten! Ten!Lumabas na kami ng viewing room,nasa harap namin sina JG ,Nel, at Scottie. Mabilis na humarap sa akin si vice pres. "Hoy,maniac. Pumunta ka sa bahay bukas. Umayos ka,ayokong bumaba ang grades ko."Umatras ako sa talim ng mga tingin nya. Feeling ko kakainin nya ako ng buhay sa mga tingin nyang iyon. Galit pa naman sya sa akin tapos kami pa pala ang magpartner. Sana naman wag syang mamersonal sa pagtuturo."Napahinto rin sina Berry at Joshua sa gilid ko. Humarap din sina Nelorie at Pres. Napalunok akong tumango. Ano pa bang magagawa ko? Eh kung tumanggi ako,ako naman ang mapapasama. "This is crazy. Bakit kaming dalawa pa magpartner?" Crapberry pointed at Nelorie. Hindi talaga sila magkakasundo. I think its a miracle if they will end up as

    Last Updated : 2024-02-01
  • Mysterious Case of Love   Chapter 22 : Class F tutors

    Chapter 22 : Class F tutorsFlare Joshel's POVI walked back and forth. Hindi ako mapakali. Parang sinisilihan ang pwet ko dahil sa nakita ni Berry,malamang ngayon takot na iyon. Kasi naman hindi ko naman akalain na nakikita nya si Kean. Pambihira,naman kasing babae iyon eh."Pwede bang tumigil ka sa kakalakad? Naaalibadbaran ako sa yo eh!" iritableng sabi ni Kean.He's standing on the corner. Relax na relax lang sa buhay nya na ngumunguya habang nakalagay ang dalawang palad sa likod ng ulo.Nagtaka ako sa kanya. "Ano'ng kinakain mo?" I asked.Akala mo kasi kung ngumuya parang kambing."Wala." cool nyang sagot."Nagpapractice lang ako. Kapag nagising ako kakain ako ng maraming marshmallows."Inirapan ko sya. Ang hilig masyado sa marshmallows. "Hindi ka ba nababahala? Nakita ka ni Berry!"Hysterical ko."And so?"he raised his eyebrow."Edi alam na nyang multo ka. "Lumingon sya sa akin at pinaningkitan ako ng mata. "You know what ,I don't get your point. Ano naman kung malaman nya. Ayaw

    Last Updated : 2024-02-01
  • Mysterious Case of Love   Chapter 24:  Disappear

    Kahapon nag-usap kami ni vice pres na pumunta sa bahay nila Kean James. I'm so excited dahil first time kong makakapunta roon. Doon lang din daw nakatira sa subdivision na iyon si Kean.Hinihintay ko sya sa labas ng bahay nila. Ang sabi pumunta raw atko ng 1pm. Jusko ang init init wala pa akong dala na payong. Kanina pa akong nagdodoorbell pero wala paring lumalabas.Inilabas ko ang cellphone ko. I will call vice pres. Nakakailang scroll na ako pero walang vice pres akong nakita sa contacts ko. Then I realized I don't have his phone number. I annoyingly put my phone back inside my pocket. Ang talino mo talaga Flare Joshel. Nagdoorbell ako ng nagdoorbell. Mangingitim nalang yata ako ay hindi pa sya lalabas.Pinindot ko ng sunud-sunod ang doorbell. Nagsawa rin ako kaya pinalo ko ito.Nasaan na ba kasi sya? Paasa naman.Baka naman niloloko lang niya ako? Baka hindi naman talaga nya ako tutulungan? Aba eh masasapak ko sya.Nawala ang init ng ulo ko nang makita ko syang palabas na. Hay s

    Last Updated : 2024-02-02
  • Mysterious Case of Love   Special Chapter: The Queen Bee's Life

    Sometimes,ang mga bully ang may mas malulungkot na buhay kesa sa mga binubully nila. Lack of love,lack of attention, lack of true friends and lack of family support.Nelorie's POVLumabas na ako ng school. Dismiss na naman ang klase. Babalik na naman ako sa bahay. Our house is as big as what you expected. Kung hindi mo nga kabisado ang bahay namin,maliligaw ka.Our house is so big,yet it feels so empty. Walang buhay. Halos walang katao-tao. I called manong Dan. He's our family driver. Sya lagi ang nagsusundo sa akin."Manong,nasan ka na?" "Malapit na ako diyan,ma'am.""Pakibilis." iyon lang then I ended the call.Nagtiptoe ako habang nakahawak sa shoulder bag ko. Naiirita ako sa mga schoolmates kong tingin ng tingin sa akin so everytime I saw someone staring at me,I glared my eyes.Iniwan ako nina Yunice at Alliah. Magsha-shopping daw ang mga talipandas. Have you ever wonder why those two girls are in class A? It's because of me. Yes,pinapakopya ko sila tuwing exam. At isa pa, galin

    Last Updated : 2024-02-03
  • Mysterious Case of Love   Chapter 25: Attack

    Flare Joshel's POVMalungkot akong pumasok sa school. Namamaga pa ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi. Nagtanong na nga ang mama ko kung bakit ako umiiyak, ang sinagot ko lang kasi nanood ako ng ending ng kdrama kaya sobra akong naiyak.Wala sa sariling naglakad ako sa hallway ng locker area. Walang gana kong binuksan ang locker. Nagkalat sa sahig ang mga basurang isinusuksok nila sa locker ko. Akala siguro nila trash can ang iyon. Hays,Nakakawalang gana ang lunes ngayon. Nakakadepress. Sobra."FLARE JOSHEL!HOY FLARE JOSHEL!" napalingon ako sa sumisigaw na si Crapberry. Eto na naman,nagpaparamdam na naman ang mga nang aaway sa akin. Sinara nya bigla ang locker ko,nangangalit ang mga mata nyang tumingin sa akin."Nasaan ang kaibigan mong si Kean James ha? Nasaan na sya? Masasampal ko ang multong iyon eh."All of students look at us. Malungkot akong napayuko. Pinaalala nya pa talaga si Kean. Hays. Hindi pa sya nakuntento nilakasan nya pa. Nakuha tuloy namin ang atensyon ng lahat."Pwede

    Last Updated : 2024-02-04
  • Mysterious Case of Love   Chapter 26: Kean's family

    Third person POVHindi mapakali si JG nang malaman from Flare na wala na si Kean. Hanggang sa bahay nila hindi sya mapakali.He wants to call tito James pero nahihiya syang magtanong. Hindi lingid sa kaalaman nito na ikinainis nya ang ginawa sa kanya ng kaibigan kaya naman umiiwas ang papa ni Kean na makipagcommunicate sa kanya lalo pa't shareholder ang daddy nya sa company nito.Marami syang gagawin pero kahit isa hindi sya makagawa. Nakita nya sa mini table ang phone na binigay ni tita Keana sa kanya. Kinuha nya iyon at binuksan. He played some videos. Iyong ibang videos ay ang mga bonding moments nila ni Kean. He got curious sa isang video na may name na, WATCH THIS.Sa video,Kean sat on his bed habang nakaharap sa camera. He assembled the position at nang makuntento na ito ay umupo ito ng maayos sa kama."Hi,J-Gerv."J-Gerv ang tawag nito sa kanya. Kaya natawa sya nang marinig uli ito sa kaibigan."Hindi sana ako gagawa ng ganito pero kasi nangagamba ako. Someone is giving me cre

    Last Updated : 2024-02-05
  • Mysterious Case of Love   Chapter 27: Royal Rumble

    Flare Joshel's POVNagtakip ako ng mukha nang pumasok sa school. Katakot takot na pambubully ang ginawa sa aming dalawa ni Berry kahapon. Hindi naman ako pwedeng hindi pumasok dahil nakapangako na ako kay Vice pres na maglelesson kami tuwing breaktime. Nagtext pa sya sa akin kahapon. Hanggang ngayon masakit parin ang pisngi ko. Naaalala ko parin ang sampal ni tita Keana. Ni hindi man lang ako nakapagsorry sa kanya.Bawat may mapatingin sa akin,yumuyuko ako at tinatakpan ng mabuti ang mukha ko. Thanks sa scarf ni mama na galing pang amerika,natatakpan ng mabuti ang mukha ko. Someone is laughing at me because I'm acting so weird. Papasok palang sana ako ng building nang may marinig akong tilian at sigawan. Oops. Wala pong dumaan na hearthrob cockroach,kundi may nag aaway pong mga student.Sa harap ng locker area,nagsasabunutan ang dalawang tinik ng lalamunan ko. Nanlaki ang mga mata ko.Ang aga aga! Nag aaway sina Nelorie at Crap--Cranberry.Walang umaawat sa kanilang dalawa. Isinanda

    Last Updated : 2024-02-06
  • Mysterious Case of Love   Special Chapter : Joshua's reasons

    JOSHUA'S POVIt's already 5 pm. Pinalabas na kami sa detention room. Hays,salamat naman. Hindi ko na kaya ang makasama pa sa isang room si Nelorie.Masaya akong lumabas nang tawagin ako ng taong iniiwasan ko."Joshua,let's talk."Nalungkot ako sa pagkakasabi nya ng pangalan ko.Dati sinasabi nya iyon ng may malambing,excited at masayang tono. But now,isang normal na tawag nalang. Walang pagmamahal,walang nararamdaman.Sumunod ako sa kanya. Nang kaming dalawa nalang,she twist her body towards me. Tiningnan ko ang mukha nya.Ang mukhang hanggang ngayon tumutorture parin sa isip at puso ko. "I know you like Flare Joshel." walang gatol nyang sabi. She crossed her arms over her chest.She thought I like Flare that much. Hindi nya alam ang dahilan ko. Wala syang alam. "And so?"She smirked."Why don't we have a deal?"Natawa nalang ako sa kanya. Dati hindi nya kayang tumingin ng matagal sa mga mata ko. Masyado syang mahiyain noon. Was it all my fault? Kung bakit parang tumigas na ang puso

    Last Updated : 2024-02-07

Latest chapter

  • Mysterious Case of Love   Chapter 50: Final Chapter

    Third Person's POVInilapag ni Flare ang bulaklak sa gilid ng lapida ng kanyang papa. Noong huli niyang punta rito ay umiiyak siya pero ngayon ay nagagawa na niyang ngumiti.Nagpapasalamat siya sa kanyang ama na kahit sa huli nitong hininga ay hindi siya pinabayaan. She thinks she is the luckiest person to have a father like him."Thank you,papa. Don't worry,aalagaan ko ang sarili ko pati na rin si mama para sa'yo." nakangiti niyang sabi.Niyakap naman siya ng mama niya na nakangiti rin. Tanggap na nila ang sinapit nito at mahirap man ay kailangan nilang magpatuloy upang hindi masayang ang pinaghirapan nito."Papa,may chika pala ako sa'yo."excited na sabi niya. Lumingon muna siya saglit sa blankong mukha ni JG bago bumulong. "May boyfriend na ako,pa. Ang gwapo." kinikilig niyang kwento rito."Tch." narinig niyang sabi ni JG.Tumikhim naman siya saka tumingin kay JG na parang naiinip na. Siningkitan niya ito ng mata kaya naman napakunot-noo ang binata."Bumati ka sa papa ko." utos niya

  • Mysterious Case of Love   Chapter 49: Choose

    Flare's POVMatapos ang insidenteng iyon,nakakapanibago na ang paaralan nila dahil pumalit na sa pwesto si Mrs. Ancelor. At dahil pangalawa sa may malaking shares ang pamilya ni Nelorie,napunta sa kanila ang paaralan sa pamamagitan ng pagbili ng shares sa family ni Mr. Principal.Sinabi rin sa kanila ng parents nila ang totoong nangyari ten years ago. Sila pa lang anim ay nakulong sa classroom habang nasusunog iyon gawa ng kindergarten pupil na si Maki Dela Cruz. Bata pa lang pala ay magkakakilala na ang mga magulang nila at ang sabi ng mama niya,kaibigan ng papa ni Kean ang papa niya. Meron nga rin daw na namatay dahil sa aksidenteng iyon.At dahil sa pangyayaring iyon,nagkatrauma silang lahat. Nagtry daw ang mga magulang nila na ipacouncil sila ngunit ang kanilang principal ay nag-offer na ipapakilala sila sa isang doctor na kayang magperform ng hypnotism. At iyon nga ang ginawa sa kanila. Upang tuluyan na raw nilang makalimutan ang lahat

  • Mysterious Case of Love   Chapter 48: Caught

    "Scottie,okay ka lang?"tanong niya nang may pag-aaalala. Samantalang si Cranberry ay nakamasid lang rito.Natauhan naman ito na tumigil at tumayo ng maayos. Muli na naman itong ngumisi. "Nagkita na tayo noong mga bata pa tayo,hindi mo ba ako natatandaan?"Nagkita sila? Kailan? Hindi niya matandaan."Hindi,"iling niya.Lalo itong ngumisi na ikinakilabot niya. "Pwes,gagawa ako ng paraan para matandaan mo."Nagpalinga-linga ito sa paligid habang si Berry naman ay dumungaw sa bintana.Nakita na lang niya na may hawak nang maliit na balde si Scottie."Ano'ng gagawin mo?" kinakabahan na siya sa kung ano'ng gagawin nito sa kanya. Pwersahan na niyang iginalaw ang mga braso upang makatakas ngunit wala paring nangyari.Ibinuhos ni Scottie ang isang maliit na baldeng may gaas sa paligid ni Flare. Pakanta-kanta pa

  • Mysterious Case of Love   Chapter 47:

    *****Third Person POV"Nasaan na yon?"Naiinis na hinalungkat ni Scottie ang bag ni Flare. Hindi pa siya nakuntento ay ibinuhos niya ang laman nito.Nagtatanong naman ang isip ni Berry na nakamasid sa napaparanoid na lalaki."Nasaan yung journal!" sigaw nito habang napafrustrate na.Sa ingay ni Scottie ay nagising si Flare. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata kahit hirap siya dahil blurred pa ang paningin niya. Naaninag niya ang isang lalaki at isang babae.Hahawakan niya sana ang ulo niya dahil sa sumasakit ito pero nagulat siya nang mapansin na hindi niya magalaw ang kanyang kamay. Iyon pala ay nakatali ito.Nanlaki ang mata niya nang makita sina Scottie at Berry sa harap niya. Nagulat din naman si Berry kaya naman tumalikod ito."Berry? Scottie? Nasaan tayo,bakit ako nakatali?" tanong niya

  • Mysterious Case of Love   Chapter 46: Scottie's past

    *THIRD PERSON POV*Pinagmamasdan ni Scottie na nasa katauhan ni Maki ang tulog na si Flare habang nakatali ito sa upuan.Itinaas niya ang susi na galing sa kanyang namayapang tito. Napangiti na lang siya nang maalala ang mukha ng tito niya habang naghihingalo. Alam na niya ngayon kung para saan ang maliit na susing ito. Ito ang hawak nito bago tuluyang bumagsak sa sahig.Buti nga sa kanya. Anang isip niya habang nangisi. Masyado kasi itong hadlang sa buhay niya. At sa totoo lang,iyon naman na talaga ang plano niya rito. Iyon nga lang,ang lason na ginamit niya ay tumatalab lang kapag madalas gamitin. In short,ang tsaa na iniinom nitong may lason ay hindi agad tumatalab. It takes time. And how happy he was when he saw the result.Goodbye,my one and only uncle.Hindi niya napigilan ang luhang may halong poot at tuwa. Sa wakas,napatumba na niya ang mahigpit niyan

  • Mysterious Case of Love   Chapter 45:Bad News

    Flare's POVHindi ako makatulog pagdating ng gabi. Nahuhuli ko na lang ang sarili ko na nagpapagulung-gulong sa kama ko habang yakap ang kulay blue kong unan. Naaalala at lagi pa rin sa isip ko,paulit-ulit na nagrerewind ang sinabi ni Gervie.Ano kayang ginagawa niya ngayon? Tanong ko bigla sa isip ko.Iniisip niya rin kaya ako? Kaya siguro hindi ako makatulog! Kyaaah!Humiga ako sa kama at nagpapadyak-padyak. Hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng kama kaya nalaglag ako."Ouch!"I grunted holding my back. But I just smile like I have never been hurt. I'm too happy just to think my back is aching right now.Inabot ko sa mini drawer ang cellphone ko. Baka nagtext na siya. Abot tenga pa ang ngiti ko.But I was so disappointed when I saw nothing. No vice pres on my message box. Si talk 'n text lang ang masugi

  • Mysterious Case of Love   Chapter 44: JG points

    Flare's POV"Umalis ako umiiyak ka,pag-iyak na lang ba ang kaya mong gawin,maniac?"Tinaas-baba ko muna siya ng tingin bago ako tumayo. Istorbo sa pamumuhay naman ang lalaking ito,nagsisenti yung tao eh.Nagpunas ako ng luha bago humarap sa kaniya."Bakit nandito ka pa?"hindi ako makatingin sa kaniya dahil alam niyo na,natatakot ako sa blanko niyang mata.I heard him hissed."Tch. Natural,nag-iikot ang mga Student council para tingnan kung may natira pang student sa loob BAGO KAMI UMUWI." pagdidiin niya sa tatlong huling salita. As if sinasampal niya sa mukha ko iyon. "Bakit nandito ka pa,ano'ng oras ka na naman makakauwi? It's dangerous to stay up late. Umuwi ka na,grounded ka diba?""Paano mo nalamang grounded ako? May pa-detective ka diyan ah. Tsaka wala kang paki,tutal hindi mo naman ako kaibigan diba,so hindi ka dapat

  • Mysterious Case of Love   Chapter 43: Transfer?

    Flare's POV"Magtatransfer ka?" gulat na tanong ni Nelorie sa akin. Napatayo pa siya. Breaktime ngayon kaya nasa cafeteria kami.Napakagat-labi ako nang mapatingin sa akin sina Joshua at JG. Simula ngayon magkakasama na kami kumain tuwing breaktime. Hindi namin matanggihan si Tanda este si Kean nang sabihin niyang dapat sama-sama kami. Akala mo naman talaga tunay kaming magkakaibigan."Maupo ka nga,nakakahiya ka!" hinihila ko siya pababa para mapaupo."You heard it right,magtatransfer siya. Huhuhu!" kunwa'y naiiyak pang suminghot si Kean. "Kaya naman magbabayad na ako sa utang ko sa iyo. French fries,cola,marshmallows and pizza." he said then put the tray in front of me.Ngumiti lang ako sa kanya.Kahapon,hinatid niya ako sa bahay namin. Nagulat pa si mama nang makita na may mga kalmot,pasa at namumula ang pisngi ko pero ang sabi ko lang ay

  • Mysterious Case of Love   Chapter 42: Kindergarten

    *Third Person POV*"Nawala lang tayo saglit,nagparty na ang mga daga? Tss." sabi ni Kean habang tinitingnan siya ni John Gervie. Nasa loob sila ng Clinic at hinihintay magising si Nelorie. Nakayuko lang si Joshua sa gilid ng kama ni Nelorie.Si Flare naman ay nilalapatan ng ice pack sa pisngi ni Nurse Maggie.Hindi nila halos maalala na may naiwan sila sa pool area.Alam na niya kung sino ang may gawa ng lahat ng ito. Maghintay lang sila,paparusahan niya ang mga ito.After niyang makipagmeeting kasama ang SSC officers ay may nagbalita sa kanya paglabas nila na pinagtulungan sina Flare,Berry,at Nelorie. Sinabi niya ito kina Kean at Joshua na kakabalik lang mula sa kani-kanilang assignments. Kaya naman dali-dali silang naghanap. Mabuti na lamang ay nakita niya ang ibang students na papunta sa Poseidon's pool.Exam day ngayon pero nagkaroon ng ganitong problema. Nananakit lalo ang ulo niya,tapos iyong sugat pa niya sa braso hi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status