Kahapon nag-usap kami ni vice pres na pumunta sa bahay nila Kean James. I'm so excited dahil first time kong makakapunta roon. Doon lang din daw nakatira sa subdivision na iyon si Kean.Hinihintay ko sya sa labas ng bahay nila. Ang sabi pumunta raw atko ng 1pm. Jusko ang init init wala pa akong dala na payong. Kanina pa akong nagdodoorbell pero wala paring lumalabas.Inilabas ko ang cellphone ko. I will call vice pres. Nakakailang scroll na ako pero walang vice pres akong nakita sa contacts ko. Then I realized I don't have his phone number. I annoyingly put my phone back inside my pocket. Ang talino mo talaga Flare Joshel. Nagdoorbell ako ng nagdoorbell. Mangingitim nalang yata ako ay hindi pa sya lalabas.Pinindot ko ng sunud-sunod ang doorbell. Nagsawa rin ako kaya pinalo ko ito.Nasaan na ba kasi sya? Paasa naman.Baka naman niloloko lang niya ako? Baka hindi naman talaga nya ako tutulungan? Aba eh masasapak ko sya.Nawala ang init ng ulo ko nang makita ko syang palabas na. Hay s
Sometimes,ang mga bully ang may mas malulungkot na buhay kesa sa mga binubully nila. Lack of love,lack of attention, lack of true friends and lack of family support.Nelorie's POVLumabas na ako ng school. Dismiss na naman ang klase. Babalik na naman ako sa bahay. Our house is as big as what you expected. Kung hindi mo nga kabisado ang bahay namin,maliligaw ka.Our house is so big,yet it feels so empty. Walang buhay. Halos walang katao-tao. I called manong Dan. He's our family driver. Sya lagi ang nagsusundo sa akin."Manong,nasan ka na?" "Malapit na ako diyan,ma'am.""Pakibilis." iyon lang then I ended the call.Nagtiptoe ako habang nakahawak sa shoulder bag ko. Naiirita ako sa mga schoolmates kong tingin ng tingin sa akin so everytime I saw someone staring at me,I glared my eyes.Iniwan ako nina Yunice at Alliah. Magsha-shopping daw ang mga talipandas. Have you ever wonder why those two girls are in class A? It's because of me. Yes,pinapakopya ko sila tuwing exam. At isa pa, galin
Flare Joshel's POVMalungkot akong pumasok sa school. Namamaga pa ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi. Nagtanong na nga ang mama ko kung bakit ako umiiyak, ang sinagot ko lang kasi nanood ako ng ending ng kdrama kaya sobra akong naiyak.Wala sa sariling naglakad ako sa hallway ng locker area. Walang gana kong binuksan ang locker. Nagkalat sa sahig ang mga basurang isinusuksok nila sa locker ko. Akala siguro nila trash can ang iyon. Hays,Nakakawalang gana ang lunes ngayon. Nakakadepress. Sobra."FLARE JOSHEL!HOY FLARE JOSHEL!" napalingon ako sa sumisigaw na si Crapberry. Eto na naman,nagpaparamdam na naman ang mga nang aaway sa akin. Sinara nya bigla ang locker ko,nangangalit ang mga mata nyang tumingin sa akin."Nasaan ang kaibigan mong si Kean James ha? Nasaan na sya? Masasampal ko ang multong iyon eh."All of students look at us. Malungkot akong napayuko. Pinaalala nya pa talaga si Kean. Hays. Hindi pa sya nakuntento nilakasan nya pa. Nakuha tuloy namin ang atensyon ng lahat."Pwede
Third person POVHindi mapakali si JG nang malaman from Flare na wala na si Kean. Hanggang sa bahay nila hindi sya mapakali.He wants to call tito James pero nahihiya syang magtanong. Hindi lingid sa kaalaman nito na ikinainis nya ang ginawa sa kanya ng kaibigan kaya naman umiiwas ang papa ni Kean na makipagcommunicate sa kanya lalo pa't shareholder ang daddy nya sa company nito.Marami syang gagawin pero kahit isa hindi sya makagawa. Nakita nya sa mini table ang phone na binigay ni tita Keana sa kanya. Kinuha nya iyon at binuksan. He played some videos. Iyong ibang videos ay ang mga bonding moments nila ni Kean. He got curious sa isang video na may name na, WATCH THIS.Sa video,Kean sat on his bed habang nakaharap sa camera. He assembled the position at nang makuntento na ito ay umupo ito ng maayos sa kama."Hi,J-Gerv."J-Gerv ang tawag nito sa kanya. Kaya natawa sya nang marinig uli ito sa kaibigan."Hindi sana ako gagawa ng ganito pero kasi nangagamba ako. Someone is giving me cre
Flare Joshel's POVNagtakip ako ng mukha nang pumasok sa school. Katakot takot na pambubully ang ginawa sa aming dalawa ni Berry kahapon. Hindi naman ako pwedeng hindi pumasok dahil nakapangako na ako kay Vice pres na maglelesson kami tuwing breaktime. Nagtext pa sya sa akin kahapon. Hanggang ngayon masakit parin ang pisngi ko. Naaalala ko parin ang sampal ni tita Keana. Ni hindi man lang ako nakapagsorry sa kanya.Bawat may mapatingin sa akin,yumuyuko ako at tinatakpan ng mabuti ang mukha ko. Thanks sa scarf ni mama na galing pang amerika,natatakpan ng mabuti ang mukha ko. Someone is laughing at me because I'm acting so weird. Papasok palang sana ako ng building nang may marinig akong tilian at sigawan. Oops. Wala pong dumaan na hearthrob cockroach,kundi may nag aaway pong mga student.Sa harap ng locker area,nagsasabunutan ang dalawang tinik ng lalamunan ko. Nanlaki ang mga mata ko.Ang aga aga! Nag aaway sina Nelorie at Crap--Cranberry.Walang umaawat sa kanilang dalawa. Isinanda
JOSHUA'S POVIt's already 5 pm. Pinalabas na kami sa detention room. Hays,salamat naman. Hindi ko na kaya ang makasama pa sa isang room si Nelorie.Masaya akong lumabas nang tawagin ako ng taong iniiwasan ko."Joshua,let's talk."Nalungkot ako sa pagkakasabi nya ng pangalan ko.Dati sinasabi nya iyon ng may malambing,excited at masayang tono. But now,isang normal na tawag nalang. Walang pagmamahal,walang nararamdaman.Sumunod ako sa kanya. Nang kaming dalawa nalang,she twist her body towards me. Tiningnan ko ang mukha nya.Ang mukhang hanggang ngayon tumutorture parin sa isip at puso ko. "I know you like Flare Joshel." walang gatol nyang sabi. She crossed her arms over her chest.She thought I like Flare that much. Hindi nya alam ang dahilan ko. Wala syang alam. "And so?"She smirked."Why don't we have a deal?"Natawa nalang ako sa kanya. Dati hindi nya kayang tumingin ng matagal sa mga mata ko. Masyado syang mahiyain noon. Was it all my fault? Kung bakit parang tumigas na ang puso
Flare Joshel's POVMatapos ang royal rumble kahapon,naging tahimik ang buhay namin ngayong araw. Salamat naman at natauhan na sila. Hindi narin nila kami pwedeng awayin pa lalo pa't bumalik na ang terror vice principal namin. Lagi pa naman iyon nakamasid.Nasa classroom kami and we're just waiting for the next subject teacher when Berry sat on my desk."Hoy, Do you believe Nelorie?" she asked in her maldita way."Huh?" naguluhan ako sa kanya. She rolled her eyes heavenwards. "She invited us to her birthday. Hindi bat nakakapagtaka iyon?"Nag isip ako. At dahil mahirap mag-isip,hindi ko na pinagpatuloy. "Malay mo naman bumait na talaga sya.""Tsk. Cha.tsk-cha,tsk-cha. In an instant? Ano yun noodles? Tsk." hindi sya makapaniwala. She touched her chin. Naniningkit ang mga matang tumingin sya sa malayo. "Merong mali sa kanya. Nasiraan na yata ng utak.""Kasi nga diba,kapag nakipag away pa sya. Pak! Slash! Boom! Sira ang pangarap nyang makakuha ng honor." I told her with action.She loo
Flare's PoVSATURDAYNasa harap ako ng malaking gate. Namangha ako sa laki ng mansion nila Lorie. Ginanap ang party nya sa labas ng mansion nila at bago ka makapunta ,dadaan ka sa gate nila na may nagbabantay na dalawang security guard.I'm wearing pink gown na parang Sleeping beauty ang style iyon nga lang,mas makintab ang suot ko dahil sa mga sequins na nakapalibot. Naka-messy bun ang hair ko na may tirang buhok sa magkabilang gilid.Napahigpit ang pagkakahawak ko sa paper bag na kulay pink at purse ko. Nakalagay sa paper bag ang cake na gift ko para kay Nelorie.I sighed before I took a step towards the entrance gate."Invitiation?" tanong ng security guard.Kinuha ko ang inivitation card sa loob ng paperbag. Inabot ko iyon sa kanya."Ito po."Sinipat nya iyon. "Sige pasok na."Nagpasalamat ako saka pumasok. Namangha ako sa ganda ng lugar. Para akong nasa isang palasyo. Lahat ng mga tao,elegante ang mga suot. Maraming nakaparadang mamahaling kotse sa di kalayuang parking area. May
Third Person's POVInilapag ni Flare ang bulaklak sa gilid ng lapida ng kanyang papa. Noong huli niyang punta rito ay umiiyak siya pero ngayon ay nagagawa na niyang ngumiti.Nagpapasalamat siya sa kanyang ama na kahit sa huli nitong hininga ay hindi siya pinabayaan. She thinks she is the luckiest person to have a father like him."Thank you,papa. Don't worry,aalagaan ko ang sarili ko pati na rin si mama para sa'yo." nakangiti niyang sabi.Niyakap naman siya ng mama niya na nakangiti rin. Tanggap na nila ang sinapit nito at mahirap man ay kailangan nilang magpatuloy upang hindi masayang ang pinaghirapan nito."Papa,may chika pala ako sa'yo."excited na sabi niya. Lumingon muna siya saglit sa blankong mukha ni JG bago bumulong. "May boyfriend na ako,pa. Ang gwapo." kinikilig niyang kwento rito."Tch." narinig niyang sabi ni JG.Tumikhim naman siya saka tumingin kay JG na parang naiinip na. Siningkitan niya ito ng mata kaya naman napakunot-noo ang binata."Bumati ka sa papa ko." utos niya
Flare's POVMatapos ang insidenteng iyon,nakakapanibago na ang paaralan nila dahil pumalit na sa pwesto si Mrs. Ancelor. At dahil pangalawa sa may malaking shares ang pamilya ni Nelorie,napunta sa kanila ang paaralan sa pamamagitan ng pagbili ng shares sa family ni Mr. Principal.Sinabi rin sa kanila ng parents nila ang totoong nangyari ten years ago. Sila pa lang anim ay nakulong sa classroom habang nasusunog iyon gawa ng kindergarten pupil na si Maki Dela Cruz. Bata pa lang pala ay magkakakilala na ang mga magulang nila at ang sabi ng mama niya,kaibigan ng papa ni Kean ang papa niya. Meron nga rin daw na namatay dahil sa aksidenteng iyon.At dahil sa pangyayaring iyon,nagkatrauma silang lahat. Nagtry daw ang mga magulang nila na ipacouncil sila ngunit ang kanilang principal ay nag-offer na ipapakilala sila sa isang doctor na kayang magperform ng hypnotism. At iyon nga ang ginawa sa kanila. Upang tuluyan na raw nilang makalimutan ang lahat
"Scottie,okay ka lang?"tanong niya nang may pag-aaalala. Samantalang si Cranberry ay nakamasid lang rito.Natauhan naman ito na tumigil at tumayo ng maayos. Muli na naman itong ngumisi. "Nagkita na tayo noong mga bata pa tayo,hindi mo ba ako natatandaan?"Nagkita sila? Kailan? Hindi niya matandaan."Hindi,"iling niya.Lalo itong ngumisi na ikinakilabot niya. "Pwes,gagawa ako ng paraan para matandaan mo."Nagpalinga-linga ito sa paligid habang si Berry naman ay dumungaw sa bintana.Nakita na lang niya na may hawak nang maliit na balde si Scottie."Ano'ng gagawin mo?" kinakabahan na siya sa kung ano'ng gagawin nito sa kanya. Pwersahan na niyang iginalaw ang mga braso upang makatakas ngunit wala paring nangyari.Ibinuhos ni Scottie ang isang maliit na baldeng may gaas sa paligid ni Flare. Pakanta-kanta pa
*****Third Person POV"Nasaan na yon?"Naiinis na hinalungkat ni Scottie ang bag ni Flare. Hindi pa siya nakuntento ay ibinuhos niya ang laman nito.Nagtatanong naman ang isip ni Berry na nakamasid sa napaparanoid na lalaki."Nasaan yung journal!" sigaw nito habang napafrustrate na.Sa ingay ni Scottie ay nagising si Flare. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata kahit hirap siya dahil blurred pa ang paningin niya. Naaninag niya ang isang lalaki at isang babae.Hahawakan niya sana ang ulo niya dahil sa sumasakit ito pero nagulat siya nang mapansin na hindi niya magalaw ang kanyang kamay. Iyon pala ay nakatali ito.Nanlaki ang mata niya nang makita sina Scottie at Berry sa harap niya. Nagulat din naman si Berry kaya naman tumalikod ito."Berry? Scottie? Nasaan tayo,bakit ako nakatali?" tanong niya
*THIRD PERSON POV*Pinagmamasdan ni Scottie na nasa katauhan ni Maki ang tulog na si Flare habang nakatali ito sa upuan.Itinaas niya ang susi na galing sa kanyang namayapang tito. Napangiti na lang siya nang maalala ang mukha ng tito niya habang naghihingalo. Alam na niya ngayon kung para saan ang maliit na susing ito. Ito ang hawak nito bago tuluyang bumagsak sa sahig.Buti nga sa kanya. Anang isip niya habang nangisi. Masyado kasi itong hadlang sa buhay niya. At sa totoo lang,iyon naman na talaga ang plano niya rito. Iyon nga lang,ang lason na ginamit niya ay tumatalab lang kapag madalas gamitin. In short,ang tsaa na iniinom nitong may lason ay hindi agad tumatalab. It takes time. And how happy he was when he saw the result.Goodbye,my one and only uncle.Hindi niya napigilan ang luhang may halong poot at tuwa. Sa wakas,napatumba na niya ang mahigpit niyan
Flare's POVHindi ako makatulog pagdating ng gabi. Nahuhuli ko na lang ang sarili ko na nagpapagulung-gulong sa kama ko habang yakap ang kulay blue kong unan. Naaalala at lagi pa rin sa isip ko,paulit-ulit na nagrerewind ang sinabi ni Gervie.Ano kayang ginagawa niya ngayon? Tanong ko bigla sa isip ko.Iniisip niya rin kaya ako? Kaya siguro hindi ako makatulog! Kyaaah!Humiga ako sa kama at nagpapadyak-padyak. Hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng kama kaya nalaglag ako."Ouch!"I grunted holding my back. But I just smile like I have never been hurt. I'm too happy just to think my back is aching right now.Inabot ko sa mini drawer ang cellphone ko. Baka nagtext na siya. Abot tenga pa ang ngiti ko.But I was so disappointed when I saw nothing. No vice pres on my message box. Si talk 'n text lang ang masugi
Flare's POV"Umalis ako umiiyak ka,pag-iyak na lang ba ang kaya mong gawin,maniac?"Tinaas-baba ko muna siya ng tingin bago ako tumayo. Istorbo sa pamumuhay naman ang lalaking ito,nagsisenti yung tao eh.Nagpunas ako ng luha bago humarap sa kaniya."Bakit nandito ka pa?"hindi ako makatingin sa kaniya dahil alam niyo na,natatakot ako sa blanko niyang mata.I heard him hissed."Tch. Natural,nag-iikot ang mga Student council para tingnan kung may natira pang student sa loob BAGO KAMI UMUWI." pagdidiin niya sa tatlong huling salita. As if sinasampal niya sa mukha ko iyon. "Bakit nandito ka pa,ano'ng oras ka na naman makakauwi? It's dangerous to stay up late. Umuwi ka na,grounded ka diba?""Paano mo nalamang grounded ako? May pa-detective ka diyan ah. Tsaka wala kang paki,tutal hindi mo naman ako kaibigan diba,so hindi ka dapat
Flare's POV"Magtatransfer ka?" gulat na tanong ni Nelorie sa akin. Napatayo pa siya. Breaktime ngayon kaya nasa cafeteria kami.Napakagat-labi ako nang mapatingin sa akin sina Joshua at JG. Simula ngayon magkakasama na kami kumain tuwing breaktime. Hindi namin matanggihan si Tanda este si Kean nang sabihin niyang dapat sama-sama kami. Akala mo naman talaga tunay kaming magkakaibigan."Maupo ka nga,nakakahiya ka!" hinihila ko siya pababa para mapaupo."You heard it right,magtatransfer siya. Huhuhu!" kunwa'y naiiyak pang suminghot si Kean. "Kaya naman magbabayad na ako sa utang ko sa iyo. French fries,cola,marshmallows and pizza." he said then put the tray in front of me.Ngumiti lang ako sa kanya.Kahapon,hinatid niya ako sa bahay namin. Nagulat pa si mama nang makita na may mga kalmot,pasa at namumula ang pisngi ko pero ang sabi ko lang ay
*Third Person POV*"Nawala lang tayo saglit,nagparty na ang mga daga? Tss." sabi ni Kean habang tinitingnan siya ni John Gervie. Nasa loob sila ng Clinic at hinihintay magising si Nelorie. Nakayuko lang si Joshua sa gilid ng kama ni Nelorie.Si Flare naman ay nilalapatan ng ice pack sa pisngi ni Nurse Maggie.Hindi nila halos maalala na may naiwan sila sa pool area.Alam na niya kung sino ang may gawa ng lahat ng ito. Maghintay lang sila,paparusahan niya ang mga ito.After niyang makipagmeeting kasama ang SSC officers ay may nagbalita sa kanya paglabas nila na pinagtulungan sina Flare,Berry,at Nelorie. Sinabi niya ito kina Kean at Joshua na kakabalik lang mula sa kani-kanilang assignments. Kaya naman dali-dali silang naghanap. Mabuti na lamang ay nakita niya ang ibang students na papunta sa Poseidon's pool.Exam day ngayon pero nagkaroon ng ganitong problema. Nananakit lalo ang ulo niya,tapos iyong sugat pa niya sa braso hi