Hi guys,salamat sa mga nagbabasa,tumigil sa pagbabasa,nagbabasa pa lang,inilagay sa library pero hindi nabasa,nag-add sa reading list,sa active readers,silent readers,MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!! Sa ngayon, nag the end na po ang story. Achievement na ito sa akin dahil aaminin kong tinamad talaga akong tapusin ito. Pero dahil sa mga iilan na readers na nag-uudyok sa akin na mag-update ay nagagawa ko. Super duper thank you. Flaws,technicalities,typos,alam ko pong maraming ganyan sa story ko,gayunpaman ay binasa niyo pa rin. Sa ngayon po may naiisip akong story kaya naman pinag-iisipan ko kung may book two kasi ang gagawin ko sana sa book two ay puro kalokohan lang. Hahahaa.
One: DaydreamLUMABAS ako mula sa elevator ng school namin. Inaabangan ako ng mga students sa labas nito, may nag-abot sa akin ng bouquet of flowers. Nginitian ko siya pero binulungan ko siya na 'wag nang umasa, hindi ko siya magugustuhan. Iniwan ko siya ngunit sinundan pa rin ako ng ibang lalaki. Lahat ng madadaanan ko, sinusundan ako ng tingin. Naririnig ko pa ang ibang babae na nagsasabing ang ganda ko raw. Nginingitian ko lang sila, hinawi ko pa papunta sa likod ang aking buhok.Habang naglalakad ako papuntang library, naririnig ko pa ang saliw ng tugtog na nanggagaling sa broadcasting department namin; can't take my eyes off you.I am Flare Joshel Garcia. Maganda, sophisticated, maputi, makinis, at matalino. I'm good at everything. Sports, academic, curricular activities, name it. I'm also popular and all of the students respects me because I'm their student council president.Who says nobody's perfect? Ano ang tawag ninyo sa akin?"Miss! Tatamaan ka ng bola!"Napaangat ako ng ti
Nababagot ako na nagdo-drawing sa likod ng aking notebook. Nagdi-discuss si ma’am pero walang nakikinig, nakakantok kasi siya magturo. Well, ano ba’ng aasahan niya sa class F? Tapos science pa ang tinuturo niya. Natuwa ako nang mag-ring na ang bell. Indikasyon na tapos ang klase."Class--" paninimula ni Miss Delisa, sa sobrang tuwa ko napatayo ako bigla."Dismissed. WOO!” dugtong ko sa sasabihin ni Ms. Delisa saka tumayo at ready ng umalis nang sawayin niya ako. Naibaba kong muli ang aking bag. Saka ko na-realize ang kabastusan na nagawa ko. Napalingon ako sa classmates ko, nagpipigil sila ng tawa. "Garcia, p’wede bang patapusin mo muna ako, excited masyado?" nagagalit na sabi sa akin ni Miss Delisa. Nagpameywang siya sa harap kaya naman napukaw namin ang atensiyon ng iba kong classmates. Nagtawanan sila habang tinuturo ako."Uwing-uwi na si panget ma'am! Hahaha,” pang iinsulto sakin ni Joshua, ang numero unong nang-aasar lagi sa’kin. Nagtawanan ulit sila.Naningkit ang mga mata kon
"HEY, hey. Talk to me, please?" pakiusap niya sa akin. Mabilis akong naglalakad palabas ng campus pauwi sa amin pero sinusundan pa rin ako ng lalaking ito. Umiling-iling ako, natatakot at kinakabahan. Bakit ako sinusundan ng multo? Bakit ako? Tumakbo ako palayo pero nahahabol pa rin niya ako at wala siyang humpay kakasalita sa tainga ko, palipat-lipat siya sa magkabilang tainga ko, hindi niya ako tinatantanan.Ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko na may multong sumusunod sa akin. Naluluha na ako sa takot ko.Tinakpan ko ang tainga ko. "Ah wala. Wala akong naririnig! Flare Joshel, guni-guni lang to. Okay, okay?" pagpapahinahon ko sa sarili ko, ipinikit ko saglit ang mata ko. Paano ko siya nakikita? As far as I'm concern I don't have third eye! Sana pagdilat ko wala na siya."I'm not. Notice me. Please I need your help. Stop walking, napapagod na ako kakahabol,” reklamo niya kaya napadilat ako. Pakiramdam ko ako na ang pinakamalas na tao sa mundo nang makita ko siya sa harapan ko."Ay k
AKALA ko madali lang na tulungan ang katulad niya. Akala ko kasi ang gusto ng mga tulad niya ay isang panalangin lang at huling mensahe para sa mga magulang niya. Hindi ba't ganoon naman talaga ang mga kaluluwa? Ganoon ang napanood ko sa isang Kdrama. Hindi kasi sila matatahimik hangga't hindi pa nila nasasabi ang mga gusto nila. Pero itong multo na ito sinasabing hindi siya multo kun'di ligaw na kaluluwa lang. Ang dami niyang hinihiling sa akin. Hindi niya ako tinatantanan. "Sa tingin ko talaga wala na akong oras. Gawin mo na 'yung pinagagawa ko!" hysterical niyang sigaw sa tenga ko. Natutuliling na ako sa kaniya. Nandito ako ngayon sa library at nagrereview. SANA. Kung wala lang gumugulo sa tahimik kong mundo. "Ano na? Magsalita ka naman d'yan! Tsk,” inis niyang wika sa akin. Kung pwede lang sana akong sumigaw at kausapin siya nang hindi napagkakamalang baliw, ginawa ko na. Kung wala lang sana ako sa library. Hindi ba siya marunong magbasa? Observe silence, bes. Kapag nag-usap
NATAPOS na ang last subject namin, sa wakas makakauwi na rin. Drain na drain na ang utak ko. Inayos ko ang mga gamit ko, nakayakap na naman ako sa bag ko, ilalagay ko na lang ito sa locker para bukas 'di na ako magdadala. Ayoko din sabihin kay mama na nasira ko ang bag, magagalit na naman iyon sa akin at pagdidiskitahan ang mga inipon kong merchandises sa bahay. Sasabihin na naman n'on kung inipon mo mga pinambili mo n'yan e 'di may bag ka sana na original at hindi galing sa bangketa!' Hindi niya kasi naiintindihan, haays."Hoy, panget!" sigaw ng alam niyo na kung sino. Siya, kasama ang squad niya. Lumapit sila sa seat ko. Umupo si Josh sa upuan ko, pinagmamasdan niya ako habang inaayos ang gamit ko. Pinapakiusapan ko ang sarili ko na 'wag siyang pansinin.Napaangat ako ng tingin sa kanilang apat nang malakas na suntukin ni Josh ang desk ko.Natatawang tinuro ni Kean ang apat. Nandito pa pala siya, naku naman para na siyang nakadikit sa akin kung saan man ako magpunta. "Suitor mo? han
Six: RevelationPAGPASOK ko kinabukasan sa school, halos lahat ng students napapatingin sa akin tapos nagbubulungan. Kapag sinusulyapan ko naman nagbabawi ng tingin at lumalayo. Nagtataka nga ako kasi 'di tulad ng dati na pagtatawanan nila ako everytime na nakikita nila ako o 'di kaya ay ang katangahan ko. Katulad na lamang kanina, nadapa ako sa may gate kaya may kaunting dungis ang uniform ko pero wala ni isang tumawa o nang-asar bagkus ay nilayuan nila ako na parang may malubha akong sakit.Sobrang ilag na nila sa akin. Kanina nga pumunta ako ng cafeteria para mag almusal bago magsimula ang klase, halos ayaw nilang makita ako. Nag-iiwas agad sila ng tingin tuwing mahahagip ko sila ng tingin. Kung hindi lang ako mali-late sa pagpasok ay hindi naman ako pupunta sa cafeteria, bawal kasing mahuli kahit isang minuto lang. Masyadong mahigpit ang school pagdating sa oras.Hindi ko na lang pinansin although may tanong sa isip ko kung bakit parang takot sila sa presensya ko ngayon. But I thi
Seven :The transferee is a celebrity 1Paakyat na sana ako sa may hagdanan papuntang second floor nang may mambato sa akin at tinamaan ako sa likod ng ulo ko. "Aahh!" daing ko. Pagtingin ko sa bagay ginamit pambato sa akin, tennis ball pala. Gumulong iyon palayo sa akin. Lagi na lang ba akong binabato? tss.Narinig ko ang tawanan ng mga babae sa bandang likuran ko kaya ako napalingon. Nakita ko ang taong nagpahiya sa akin kahapon;si Nelorie. May kasama siyang dalawang babae. Ang babaeng sobrang lawak ng imahinasyon dahil sabi niya kahapon isa raw akong witch. Well, mukha lang naman. Grabe siya manlait, mukha ba akong may hawak na walis? vacuum kaya gamit ko kahapon."Oh ano, bitchy witchy masakit ba?" nakangising tanong niya habang hinahagis pataas at sasaluhin ang isa pang tennis ball. Kinuha niya ito sa kasamahan niya na may hawak pang dalawa sa magkabilaang kamay. "Gusto mo pa ng isa?" binato niya ulit sa akin ang bola. Tumagilid ako ng kaunti kaya tumama iyon sa kaliwang pisngi ko
Flare Joshel Kanina pa ako nagtataka pagkapasok ko sa loob ng school. Wala akong student na nakikita sa hallway, garden, kahit sa field. Inikot-ikot ko ang paningin sa buong paligid. Bakit parang walang tao. Late na ba ako? Tiningnan ko ang wristwatch ko. Nagbilang pa ako mula sa unang linya hanggang sa kung saan nakaturo ang hour hand. Classic wristwatch kasi ito kaya naman hirap ako magbasa ng oras. Si mama kasi eh, ganito raw ang gamitin ko para sosyal like duh kapag digital ba ginamit ng tao pulubi na siya? Hindi naman eh. "One, two, three, four, five, six. Siiixxx." tiningnan ko naman ang minute hand. Ganoon din ang ginawa ko pero count by five naman. "Five, ten, fifteen, twenty, twenty---" nakita kong nasa gitna ng 20 at 25 ang minute hand. Ano ba'ng gitna ng 20 at 25? Ah ewan. "Six and twenty something minutes," sabi ko na lang. Haist bukas talaga hindi ko na ito susuotin lalo ko lang napapatunayan ang kabobohan ko at hindi ko iyon gusto. Maaga pa naman ah, bakit kaya walang