Share

3: Handsome ghost problem

 

"HEY, hey. Talk to me, please?" pakiusap niya sa akin. Mabilis akong naglalakad palabas ng campus pauwi sa amin pero sinusundan pa rin ako ng lalaking ito.

 

Umiling-iling ako, natatakot at kinakabahan. Bakit ako sinusundan ng multo? Bakit ako?

 

Tumakbo ako palayo pero nahahabol pa rin niya ako at wala siyang humpay kakasalita sa tainga ko, palipat-lipat siya sa magkabilang tainga ko, hindi niya ako tinatantanan.

 

Ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko na may multong sumusunod sa akin. Naluluha na ako sa takot ko.

Tinakpan ko ang tainga ko. "Ah wala. Wala akong naririnig! Flare Joshel, guni-guni lang to. Okay, okay?" pagpapahinahon ko sa sarili ko, ipinikit ko saglit ang mata ko. Paano ko siya nakikita? As far as I'm concern I don't have third eye! Sana pagdilat ko wala na siya.

 

"I'm not. Notice me. Please I need your help. Stop walking, napapagod na ako kakahabol,” reklamo niya kaya napadilat ako. Pakiramdam ko ako na ang pinakamalas na tao sa mundo nang makita ko siya sa harapan ko.

"Ay kalabaw!" Napahinto ako at napahawak sa dibdib ko nang sumulpot siya. Nagulat talaga ako. Huminto ako sa paglalakad.

 

Ngumiti siya at nagpameywang “Ang cute ko eh sa kalabaw mo lang ako naikumpara?"

 

"Ano ba’ng kailangan mo!" napasigaw na ako. Ang kulit niya, nakakainis! Nalilito na ako. Bakit ako pa? Of all people?

Tumingin sa akin ang mga taong nakakasalubong ko sa daan. Akala siguro nila nababaliw na ako, malamang mabaliw talaga ako kapag hindi niya ako tinigilan. Ngumiti siya sa akin at kumindat, may itinuro siya tapos ay naglakad siya palayo.

 

SAPILITAN akong sumama sa park kung saan wala na masyadong tao dahil nag-aagaw dilim na. Umupo ako sa swing, ginalaw ko ito ng kaunti habang hindi naman ako makatingin sa kaniya. Hindi naman siya itsurang nakakatakot kumpara sa mga nakikita ko sa television pero… may time na nakita ko ang leeg niya at pulso na may pulang marka. Tumingin ako sa paligid para masiguradong walang tao. Mapagkamalan pa akong baliw ‘pag kinausap ko siya mas mabuti nang walang makakita.

 

"Explain to me, multo ka ba?" sa pagkakatanong ko kinilabutan ako bigla. Bakit ‘yon ang una kong tanong? Grr.

 

Ngayon lang ko lang napansin na tila may pagka-transparent ang katawan niya. Alam mo ‘yong mukha siyang tao talaga pero kung tititigan mong mabuti, nagta-transparent siya.

 

"Nope." Nasa harapan ko siya at naka crossed arms, umiling siya ng dalawang beses. He pouted his lips and made a puppy eyes.

 

"Eh bakit parang transparent ka?” I tried to sound fearlessly. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakikipag-usap ako sa isang multo!

 

"Tsk." Kumamot siya ng buhok niya. Pakiramdam ko naiirita na siya. Kaillangan kong malaman kung sino at kung ano siya. "I'm not a ghost, neither a normal one."

 

Maang akong napatingin sa kanya. May multo bang nagda-drugs? Feeling ko nakahithit siya. "Eh, ano ka nga? Tsaka, bakit nakikita kita? Sa pagkakaalam ko, wala akong third eye."

 

Kung may third eye man ako, bakit siya lang ang nakikita ko? Natatakot ako sa posibilidad na mayroon nga ako pero so far walang katulad niya na nagpaparamdam sa akin.

 

Bigla akong napatingin sa paligid. Is it safe na nasa labas pa ako ng bahay tapos ang kasama ko ay katulad niya pa?

 

"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko ilang beses na akong nagtry magpakita sa iba pero ikaw lang ang nakakakita sa akin. Sayang naman." Kahit medyo madilim na, nakita ko ang pagkakunot ng noo niya at pag-iling.

 

"Ano’ng sayang?" Ano’ng ibig niyang sabihin? Parang siya pa ang kawawa sa aming dal’wa. Napakamalas ko nga e.

 

"Hindi man lang maganda ang nakakakita sakin." He scratched his chin.

 

Tiningnan ko ang sarili ko. “Nang-iinsulto ka ba?" Pinaningkitam ko siya ng mata. Aba, ang sama ng ugali nito, ah.

 

"Yung sexy sana, matangkad, at may MABANGONG BUHOK." Kunway hindi niya ako napapansin at naririnig.

 

Tumayo ako para sana layasan siya pero sumulpot na naman sya sa harap ko. "Ay kabayo! Pwede ba wag kang basta basta sumusulpot!" Pakiramdam ko kung naka-stapler ang puso ko baka kanina pa nalaglag. Kakainis ‘to, ikamamatay ko pa yata siya. Baka maging multo na rin ako gaya niya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

 

"Uuwi. Duh!" I rolled my eyes heavenwards.

 

"Mag-uusap pa tayo. Duh!" Ginaya niya ang tono ko.

Nagpapadyak ako sa inis. "Ano ba kasing kailangan mo? Pwede bang ‘wag na lang ako. I'm just nobody! nakakainis naman eh!"

Minsan napapaisip na lang talaga ako kung totoo ba ang reincarnation at kung may ginawa ba akong kasalanan noon, bakit ako pinaparusahan ng ganito?

 

"Aba!  Hindi ko kasalanan na mangyari ‘to. Kung may choice lang ako, bakit ako lalapit sa iyo?" inis niyang sabi. He crossed his arms above his chest.

"Bakit wala kang choice? Lumapit ka sa mga paranormal experts doon ka manghingi ng tulong." Nakakainis siya. Ang sarap niyang iumpog sa muscles ko. ‘Di yata siya natatakot sa muscles ko ah.

 

"Tss. Sabihin mo na sa’kin. Ano bang kailangan mo? Bendisyon? Dasal? Sige, ipagpi-pray kita." Itinaas ko ang kamay sa kanya na parang nagpi-pray over. Ang alam ko sa mga ganitong sitwasyon kailangan lang nila ng dasal.

 

Tinabig nya ang kamay ko. Nagulat ako, paano niya ako nahawakan? eh ‘di ba multo siya? Ang lamig-lamig ng kamay niya. Para bang galing siya sa  freezer. Juice colored. Nahahawakan ako ng multo, papaano naman nangyari ‘yon?

"I don't need that. Okay, maybe I need it but that's not what I want right now."

 

"Eh ano nga kasi?" Gusto ko na siyang batukan sa mga oras na ito.  Gusto ko nang umuwi, baka gutom lang ito kaya nakikita ko siya. O baka naman dahil natamaan ng bola ang ulo ko kaya kung anu-anong hallucinations na ang nakikita ko.

 

"Upo,” he commanded me. At ayun na naman hindi ko namalayan na sumunod ako sa kanya. Umupo ulit ako sa swing. Dalawa ang swing doon, umupo siya sa kabila.

 

"I'm not dead though I'm not alive," seryoso niyang sabi, may sinipa-sipa siya sa lupa.

 

"Eh? Ano ka don? Nasa middle?" May ganoon ba? Pakiramdam ko walang sense ang sinasabi niya.

 

He rolled his eyes. "Co…ma…tose."

 

"Komangto?" ulit ko, ‘di ko kasi masyadong marinig ang sinasabi niya.

 

"Ugh! Comatose not Komangto." Inambahan niya ako ng suntok. Naasar na siya ngunit ngumisi lang ako, parang ang sarap niyang badtrip-in.

 

"Sino'ng comatose?" tanong ko.

 

"Ako."

 

"Hmm. Multo ka eh,” pang-aasar ko sa kanya.

 

"Hindi nga ako---ugh!!" Napatakip siya ng mukha gamit ang kamay. "Ang hirap mo namang kausap. I'm not a ghost! How many times do I have to tell you that I'm---never mind." Nanggigigil siya na ikinuyom ang kamao niya habang nakatingin sa akin.

 

"O sige. Change topic na tayo. So comatose ka, okay given na. So bakit ka na-comatose?"

 

He look at me.."That's why I need your help. Noong una kasi na nalaman kong lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ko, natuwa ako. I can do everything I want and I can eat everything I want. Pero ‘yon nga may problema."

 

"Wow. So pwede ka naman pa lang kumuha ng pagkain na gusto mo pinagastos mo pa ako! Bwisit! Ang mahal ng nagastos ko sa’yo ah. Pagagalitan ako ni mama dahil sa’yo, may limit ako sa paggamit ng pera.”

 Napaisip ako bigla, paano siya nakakakain? Eh kanina nga parang wala namang bawas ang mga pagkain na binili ko pero nabusog daw siya, ano ‘yon may kaluluwa rin ang pagkain?

 

"If you will help me, I will pay you. Pagkagising na pagkagising ko,” seryoso niyang sabi saka lumuhod sa harapan ko. Na-amazed naman ako kasi ngayon lang ako nakakita ng multong lumuluhod.

 

"Hmp. Maalala mo pa kaya ako?" tanong ko sa kanya sabay ismid.

 

*insert maalaala mo kaya theme song*

 

"Aish. Cut it. Basta babayaran kita," he said annoyingly.

Hinawakan niya ang tuhod ko. Nakaramdam ako ng lamig. Parang umakyat ang lamig sa aking ulo, na-brain freeze ako nang matagal. Grabe, ‘di ko na kinakaya ang lahat ng nangyayari.

“Okay." Tumayo ako. Nangawit na ang p’wet ko kakaupo. Ang tagal magkwento ng lalaking ito, kailangan ko rin tumayo para matanggal ang kamay niya sa akin.

 

SInundan niya ako ng tingin, bumalik ulit siya sa swing.

 

"So bale ganito. Noong una nakakabalik pa ako sa katawan ko pero ayoko pa talagang gumising. May urge na nagtutulak sakin na ‘wag munang bumalik at i-enjoy ang pagiging galang kaluluwa. But after a few days, may something na nangyari. Hindi na ako makabalik kahit anong pilit ko.

"Bakit kasi nag stow away ka sa katawan mo, ayan tuloy," I scolded him. Umiling ako sa kanya. Tsk. Ayan kasi e, kung bumalik lang siya kaagad hindi na mangyayari ito.

 

"Don't blame me. Ginawa ko lang iyon dahil umiiwas ako sa examination sa school. Iyon ang narinig ko sa daddy ko. Nakakatamad magtest, no."

 

Tiningnan ko siya taas-baba. "Tsk. Tamad is you," turo ko sa kanya. Pinaningkitan niya ako ng mata.

 

"Kesa naman sa ‘yo na bobita."

 

"Hey!" Below the belt na yun ah. Ang yabang nito, akala mo kung sinong matalino ayan tuloy ‘di magising-gising.

 

"Tamad lang ako pero matalino ako no,” He boastfully said.

 

"Pft." Iniwas ko ang tingin. May matalino bang tamad? “So... What's your name?" lihis ko sa kwento.

 

"Kean James," confident nyang sabi. "Ganda ‘di ba? Kasing pogi ko."

"Kakasuka. Kean James? Ano Surname mo?"

 

"Tsk. Basta Kean James,tapos."

 

"Ah. Ikaw si Kean James Tapos,” pang aasar ko.

 

"Augh! I will be dead because of you."

 

"Patay ka na nga ‘di ba?"

 

"I'm not dead!"

 

Diin nya sa bawat salita. Nababadtrip na siya nase-sense ko kaya naman huminahon na ako baka kasi multuhin niya ako eh. Baka hindi ako patulugin mamaya, pati sa panaginip ko ay magpakita siya.

 

"So, ano’ng gusto mong gawin ko?" I asked.

He look at me again and smirk.

 

NASA loob kami ng kuwarto ko, sinisipat sipat niya ang mga merchandises and posters ko sa loob. Natatawa siya habang tinitingnan ang mga lalaki sa poster, hindi ko siya mapigilan na ‘wag pumunta sa bahay kasi sinusundan niya ako! Gusto ko siyang ipagtabuyan pero hindi ko siya mahawakan, kaya niya akong hawakan pero ako hindi.

 

"Base sa suot mo. Taga Xerxes Academy ka rin,” sabi ko habang sinisipat siya. Ano kayang ikina---

Oo nga pala hindi pa siya patay. Ano kayang ikinamabuhay nya? Kasi naman hindi ko malaman kung ang sasabihin ko ba ay patay sya o buhay. Ito na lang, ano kaya ang aksidenteng nangyari sa kanya? "Naalala mo pa ba kung paano ka naaksidente?"

 

"Seriously? No," baling niya sa akin.

 

"Hindi, ‘yung joke lang ‘wag ‘yung serious." Nakakainis siya. Wala siyang maalala pero iyong pangalan niya pinagyabang.

 

Binato nya ako ng ballpen. Hey, bakit gano’n? Dapat ang patay ah este kaluluwa hindi nakakahawak ng kahit ano ‘di ba? Hindi ba?

 

"Umayos ka nga. Hindi ka nakakatawa,” he said seriously.

Gusto ko lang naman i-lighten up ang pag uusap namin. Kainis naman, parang kasalanan ko pa.

 

"Sorry na. So paano kita matutulungan kung ikaw mismo hindi maalala kung paano ka namat---" Kean glared at me, non-verbally saying ‘sige sabihin mo humanda ka sa akin.’ "K-kung paano ka naaksidente. Ano ang dahilan kung bakit ka--you know."

 

He snaps his fingers in front of me. "Iyon ang mission mo. Alamin kung paano ako naaksidente, sino ang nakakaalam, sino ang mga kaibigan ko, at kung bakit hindi ako makabalik sa katawan ko."

 

Wow. At kailan pa ako naging agent? May mission talaga. Nagpapadyak ulit ako. "Ang dami mo namang utos. Hindi naman ako si Genie no."

 

Mukha ba akong nasa bote?

 

Hindi ko mapigilan mainis na makita syang ngumingisi pa.

I'm just a little bit caught in the middle life is a maze---teka kanta pala iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status