'Till I Found You

'Till I Found You

last updateLast Updated : 2023-08-27
By:   Lauren H.   Ongoing
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
56Chapters
939views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Lorryce is a simply charming young lady who just wants to enjoy her University life in peace. But the Universe has a different way to spice and shake things up for her. What would a brief but blissful encounter mean for her? How could a Heartbreak Prince change her life? And how could she ever let go of a memory that keeps on haunting her mercilessly? This story is a written in Filipino and English.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Ang Saint Peter University ay isang sikat na unibersidad sa bansa. Kilala ito sa paghubog ng mga mahuhusay at pinakamahuhusay na propesyonal sa iba’t ibang larangan at industriya. Maging sa ibang mga bansa ay namamayagpag ang prestihyosong paaralan sa mga patimpalak sa ano mang larangan- mapa sining, palakasan, komersyo o akademiko. Ang reputasyon ng SPU ay maaring ihalintulad sa mga kilalang unibersidad na nabibilang sa Ivy League sa Estados Unidos. De calibre. Nabansagan ring eskwelahan ng mga elitista ang SPU dahil karamihan ng mga estudyante rito ay nabibilang sa alta sociedad. Ang mga buildings ng school campus ay naka-pattern sa mga palasyo sa Europa na inspired by Victorian Architecture. Ang mga matatandang istraktura ang nagsisilbing main attraction ng eskwelahan. Isang siglo man ang tanda ng mga istraktura sa paaralan, matatag pa rin itong nakatayo sa lupa dahil sa masusing pag-aalaga sa mga ito. Isa pang signature ng SPU ang mala-fashion week na dating ng hangin sa buong ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
56 Chapters
Prologue
Ang Saint Peter University ay isang sikat na unibersidad sa bansa. Kilala ito sa paghubog ng mga mahuhusay at pinakamahuhusay na propesyonal sa iba’t ibang larangan at industriya. Maging sa ibang mga bansa ay namamayagpag ang prestihyosong paaralan sa mga patimpalak sa ano mang larangan- mapa sining, palakasan, komersyo o akademiko. Ang reputasyon ng SPU ay maaring ihalintulad sa mga kilalang unibersidad na nabibilang sa Ivy League sa Estados Unidos. De calibre. Nabansagan ring eskwelahan ng mga elitista ang SPU dahil karamihan ng mga estudyante rito ay nabibilang sa alta sociedad. Ang mga buildings ng school campus ay naka-pattern sa mga palasyo sa Europa na inspired by Victorian Architecture. Ang mga matatandang istraktura ang nagsisilbing main attraction ng eskwelahan. Isang siglo man ang tanda ng mga istraktura sa paaralan, matatag pa rin itong nakatayo sa lupa dahil sa masusing pag-aalaga sa mga ito. Isa pang signature ng SPU ang mala-fashion week na dating ng hangin sa buong
last updateLast Updated : 2022-12-12
Read more
Chapter 1: Home
Lorryce I could not contain my smile as I wait for my luggage to come out from the airport’s baggage carousel. I got myself into a twenty hour flight! Nakakaburyong iyon, lalo pa’t wala akong maka-usap sa eroplano. I am tapping my feet impatiently on the hard-tiled floor of the airport like a little child who cannot wait to get her hands on that mouth-watering triple chocolate ice crème with sprinkles and mallows on top. “Ang tagal naman,” naiinip kong bulong sa aking sarili. The last two years I’ve spent in Boston was the longest two years of my life. It felt like I was out of the country for ten years. Sabik na sabik na ang mga paa ko na tumapak sa lupain ng aking bayang sinilangan. Nakakatawa ngang isipin, eh. Iyong mga bagay na kinaiinisan ko noon, miss na miss ko na ngayon—‘yong ma-ingay na kalsada, ‘yong walang katapusang traffic kahit saan ka magpunta, ‘yong nakaka-suffocate na init, pati na ‘yong mga mag-jowa na hanep makapag-PDA sa kung saan-saan. Halos mapatalon ako sa
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more
Chapter 2: Wildest Dream
I am home for a month now. Masasabi kong sulit na sulit na ang bakasyon ko bago ako magsunog ng kilay sa eskwela. This year’s summer vacation is by far the best summer vacation I have had.Nagpunta kami ni Hannah sa isang private island resort para mag-relax bago ang pasukan and we really enjoyed ourselves, lalong lalo na ang best friend kong si Hannah Banana dahil feeling niya na-meet na niya noong summer ang ‘The One’ ng buhay niya.I was scanning photos taken at the Villa Sandejas, iyong private island resort na pinuntahan namin. I could not help but smile when I was able to scroll at a photo of the beautiful blue water of the sea. That photo reminded me of a one heck of an experience. **************SummerNakahiga ako sa duyan na nilililiman ng mga puno ng niyog. Relax na relax ako habang in-e-enjoy ang sariwang simoy ng hangin at pinapanood ang napakaganda at payapang dagat sa harapan ko. Malinaw ang tubig ng kulay asul na dagat at nakakaaliw ang pinong-pino at kulay puting buh
last updateLast Updated : 2022-12-13
Read more
Chapter 3: First Day High
I’m an incoming freshman at the Saint Peter’s University, home of the Victorious Kings. Actually, second year na dapat ako kaso na-late ako sa pagpasok kasi nag-punta pa ako sa Boston para lang magmove-on sa heartbreak. Kainis, ano? Medyo mababaw ako sa part na iyon pero I was young and naïve, at saka masakit, eh! Interior Design ang course na kinuha ko kasi I love Chemistry. … … Joke! Bata pa lang ako, mahilig na akong maglipat-lipat ng mga furniture sa dati naming bahay. Na-inspire rin ako sa mga napapanood kong home makeover shows sa paborito kong lifestyle channel. Pagdating ko sa dining area, naabutan ko si Mommy na inihahanda ang hapag kainan. Daddy already took his place at the head of the table. Kuya Red sat at Daddy’s left side while Mommy sat at Daddy’s righ. I was about to take my seat next to Kuya Red when I noticed the plate opposite mine. “Nini, coffee please,” tugon ng isang boses sa aming kasambahay. I was surprised to hear that calm but authoritative voice
last updateLast Updated : 2022-12-18
Read more
Chapter 4 : Fashionista  
Tumigil ang sasakyan ni Kuya Red ilang metro ang layo mula sa isang mala-palasyong building. The building is not too wide but it is tall. The exterior is made of bricks. The dominant color is beige but the edges of the bay windows and accents of the building are painted in red.The center of the building has a clock tower, while two narrower towers stand tall in the building’s left and right wings. Elaborate rin ang pagkakagawa ng mga decorative sculptures ng mga anghel na mas nagbibigay buhay sa istraktura.Bukod doon, parang nakaka-excite maglakad sa cobblestone pathway sa paligid.“That is the main building. Nandyan lahat ng offices ng school, pati ang main library. The left wing is occupied by the Humanities Department. Teacher Education naman ang nasa right,” pag-tuloy ni Kuya Red sa campus tour namin.All I can say is ‘Wow! Ang ganda.’Pagkatapos ng sight seeing sa main building, dumiretso na kami sa parking lot—sa napakalawak na open space parking lot. Hindi ko alam kung parkin
last updateLast Updated : 2022-12-20
Read more
Chapter 5: Para-Paraan
Pagkatapos kong magbihis, agad na naming hinanap ni Hannah ang aming classroom. Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang pa simpleng luminga-linga sa daan. Hanggang ngayon, nabibilib pa rin ako sa laki ng eskwelahang ito. Kaya naman pala dubbed as one of the most beautiful campuses in the world kasi malinis at maayos. Ni wala akong maipintas. Natanaw ko sa hindi kalayuan ang tarpaulin ng SPU Kings swim team. Naka-print doon ang kanilang ad para sa varsity try-out. Napangiti ako nang makita ko ang larawan ng isang Olympic swimming pool dahil isang alon ng alaala ang nagbalik sa aking isipan. ********************************* Summer Na-isipan namin ni Hannah na maglakad-lakad muna pagkatapos naming kumain. Napadpad kami sa pool area ng Villa Sandejas. Pinakamaingay sa may bandang kiddie pool kung saan nag-e-enjoy ang mga bata. Habang samay iilang mga guests naman ang nagswi-swimming sa katabing adult pool. Ang ilang guests a
last updateLast Updated : 2022-12-23
Read more
Chapter 6: Somewhere Down the Road
SPU has not yet failed to impress me. Unang tapak ko pa lang sa classroom namin, I was in awe.Maaliwalas ang aming silid-aralan. Kulay puti ang pintura ng dingding na ibinagay sa makintab na puting ceramic flooring. Ang ibabang bahagi ng mga dingding ay pininturahan ng kulay pula at lila bilang accent. May pintuan sa harapan at may pintuan sa likuran. Matatanaw pa ang open ground mula sa mga malalaking bintana sa kanang bahagi ng silid.Lecture Theater ang interior ng classroom. Sa tantsya ko, kasya ang hanggang isang daang estudyante rito. Three columns ang tiered seating arrangement. Sa pinakaharap ng classroom ay ang lecturer’s podium. Ang dingding sa harapan ay inokupa ng isang mahabang white board at sa itaas ng white board ay ang adjustable projector screen na ibaba lamang kapag may electronic presentation ang lecturer.Kalahati na ng silid ang napuno. Karamihan ay nasa harapan o kaya’y nasa gitna. Mangilan-ngilan lamang ang mga estudyanteng piniling umupo sa likuran. Hannah a
last updateLast Updated : 2022-12-25
Read more
Chapter 7 : Bae
Mabilis na inalis ng mga gwardya ang “Reserved” signage sa magkakatabing parking slots sa tapat ng tinatawag nilang Runway ng Agatha Griffiths building.“Hn, Lorryce, BFF, judging by the ‘who the heck are these guys’ expression written all over your face right now, you need a little bit of introduction.”Napalingon ako kay Hannah. She read my mind. I was actually asking myself who the heck are those guys and why do I feel like they run the school.“Unlike you, I did my homework, BFF. I looked into SPU’s Who’s Who List. Although karamihan ng mga estudyante rito ay high profile, meron pa ring mga faces to remember. Okay, let’s start with that guy.”She pointed at the guy who emerged from the convertible Audi.He is tall and ruggedly handsome. His spiky mohawk hairstyle put the ‘bad’ in ‘badboy!’ Bagay na bagay iyon sa kanyang hugis diamanteng mukha. Maganda ang kanyang kayumanging balat. Matikas rin ang tindig niya, full of confidence. Iyon bang tipong, alam na alam niyang gwapo siya.I
last updateLast Updated : 2022-12-27
Read more
Chapter 8 : Close
All of a sudden, all eyes were fixed on the fourth car which parked, a black and gold Lamborghini sports car. Ito ‘yong tipo ng sasakyan na lilingonin mo talaga kapag nakita mo; ‘yong magpapapicture ka pa sa tabi para mukhang ikaw ang may-ari. Pero malakas ang kutob ko na hindi ang sasakyan ang inaabangan ng mga tao. Kasi kahit ako, I was anticipating to have a glimpse of the one inside it.Pakiramdam ko bumagal ang ikot ng mundo noong bumukas paitaas ang pintuan ng sasakyan at bumaba roon ang nagmamaneho nito. Natulala pa ako sa kanya. I will not deny, he is indeed such a good-looking creature.Matangkad siya. Katamtaman ang laki ng katawan pero nakikita ko ang magandang hubog nito sa suot niyang itim na t-shirt at medyo hapit na itim na pantalon. Mukhang malakas ang kanyang mga braso dahil sa kanyang firm biceps. His broad shoulders are also easily noticeable.His wavy and curly medium-length hair looks so good on him. Kahit medyo magulo iyon, nagmumukha lang style. Napaka-effortles
last updateLast Updated : 2022-12-31
Read more
Chapter 9 : Mambobola
Summer “Come on!” Enrico stood and led me out of the hotel to finally start the day. Sinamahan niya akong mag-wake boarding at mag-SCUBA diving. First time kong gawin ang mga iyon at talaga namang nag-enjoy ako, nakaka-boost ng adrenaline! Saglit lang kaming nag-jet ski bago siya nag-aya na mag-zipline. Honestly, I am not a fan of heights. But like what they say, we must try everything at least once, ‘di ba? Noong una, okey lang naman sa akin na mag-zipline. Pero noong nakarating na kami dito sa site, biglang nag-sink in sa akin kung gaano kadelikado ang buhay ko sa activity na ito. Isasabit ako sa kable na ilang daang metro ang taas mula sa lupa, tapos gubat ang landing site incase worse comes to worst. Unti-unti kong naramdaman ang pagtagaktak ng pawis mula sa aking sintido, pati na rin ang panghihina ng mga tuhod ko. “Are you scared,” tanong ni Enrico. Napansin niya yatang kanina pa ako wala sa sarili ko. Hindi ako nakasagot pero sa loob-loob ko gusto ko nang umatras kasi,
last updateLast Updated : 2023-01-01
Read more
DMCA.com Protection Status