AKALA ko madali lang na tulungan ang katulad niya. Akala ko kasi ang gusto ng mga tulad niya ay isang panalangin lang at huling mensahe para sa mga magulang niya. Hindi ba't ganoon naman talaga ang mga kaluluwa? Ganoon ang napanood ko sa isang Kdrama. Hindi kasi sila matatahimik hangga't hindi pa nila nasasabi ang mga gusto nila.
Pero itong multo na ito sinasabing hindi siya multo kun'di ligaw na kaluluwa lang. Ang dami niyang hinihiling sa akin. Hindi niya ako tinatantanan.
"Sa tingin ko talaga wala na akong oras. Gawin mo na 'yung pinagagawa ko!" hysterical niyang sigaw sa tenga ko. Natutuliling na ako sa kaniya.
Nandito ako ngayon sa library at nagrereview. SANA. Kung wala lang gumugulo sa tahimik kong mundo.
"Ano na? Magsalita ka naman d'yan! Tsk,” inis niyang wika sa akin.
Kung pwede lang sana akong sumigaw at kausapin siya nang hindi napagkakamalang baliw, ginawa ko na. Kung wala lang sana ako sa library. Hindi ba siya marunong magbasa? Observe silence, bes. Kapag nag-usap kami rito palalayasin ako panigurado ng mga nag-re-review. Tapos lagi pa naman akong binabantayan ni Ms. Annie, 'yung librarian. Madalas daw kasi na hindi ibinabalik ang mga ginamit ko.
Kinuha ko ang note pad ko at nagsulat. Ipapabasa ko na lang sa kaniya ito. Ayaw ko sana sulatan itong note pad kasi ang ganda ng texture niya pero wala akong magagawa.
~~> Nag-re-review ako, mamaya na lang.
I tap the note pad para basahin niya. Napatingin ako sa paligid. Wala namang nakatingin sa akin, busy sila sa kani-kanilang gawain pero kailangan kong makasiguro na walang nakatingin. Mahirap na.
Nakita ko kung paano niya pilasin, lukutin at itapon sa ere ang piraso ng note pad. Sinundan ko kung saan pupunta ang papel at tinamaan ang lalaki sa kabilang table. Sumulyap ang lalaki na nagsusulat sa akin. Ang sama ng tingin nya. Nag-peace sign na lang ako sa kanya, mabuti na lang itinuon niya ulit ang atensyon sa ginagawa. I heaved a sigh. Muntik na akong mapaaway.
"Wala na nga akong oras, tingnan mo unti-unti akong nagpi-fade!" reklamo ng kaluluwa.
Saglit ko siyang sinulyapan. Oo nga, mas malala ang pagkaka-transparent niya ngayon. Pero bakit ganyan? Ibig sabihin ba maglalaho na siya nang tuluyan? Nakaramdam ako ng tuwa at lungkot, 'pag nawala siya babalik na sa dati ang buhay ko pero nakokonsensya naman ako.
"Tulungan mo na ako, please." Ipinagdaop niya ang dalawang palad and he's really begging for my help. Nagbaby talk pa siya. Nasabunot ko ang buhok ko sa sobrang stress sa kaniya. Nagtatanong ang isip ko kung bakit kailangan ako ang hingan niya ng tulong. Isa lang akong simpleng tao, wala akong kakayahan para damayan siya sa problema niya.
Nagsulat ulit ako sa note pad ko.
~~~> Hindi p'wede ngayon. Pagtapos ng test ko puwede na okay? Ayokong bumagsak sa exam. Please lang. Hanap ka na lang ng ibang tao na nakakakita sa---
"Hey!" Napalakas ang boses ko nang agawin niya ang note pad at ibato sa kaliwang side na table. Napatingin tuloy sa'kin 'yung babae na seryosong nagbabasa.
"Uhm. Sorry." Hiyang-hiya akong yumuko. Kunwari akong nagbasa ng libro at inangat ito para matakpan ang mukha ko. Mapapa-trouble talaga ako nang dahil sa lalaking ito.
"Fine. If you won't help me eh 'di 'wag! I guess hihintayin ko na lang na kunin ako ng grim reaper. Painumin ng inumin na nakaka-erase ng memory tsaka ako makakaakyat sa paradise." Humagulgol siya na tila nangongonsensya.
Yumukod ako at pinantakip sa mukha ang libro. Mahilig yata 'to sa kdrama. Alam ang kwento sa Goblin eh. Tsaka may selective memory sya 'di ba? Useless 'yung pinapainom ng grim reaper sa kanya, haler.
May biglang kumalabit sa akin. Pag angat ko ng ulo, 'yung babae na natamaan ng note pad. Binalik niya sa'kin ang lumipad kong pad. Ngumiti ako sa kanya.
"Thank--" Kinuha ko iyon pero napatigil ako sa nabasa kong nakasulat sa pad.
-->Pwede ba miss kung nababaliw ka na, 'wag ka dito sa library. Maraming nagre-review rito nakakaistorbo ka. Grrr.
"Hmp." The girl smirked and left me hanging.
"Pati si ate pinapalayas ka na,” he commented.
Tinitigan ko siya nang masama. It's all your fault. Gugulpihin talaga kita, ginugulo mo ang tahimik kong mundo.
Nagtatanong ang mga mata niya. "What?"
Tsk. Nagtatanong ka pa.
Tumayo ako at lumabas na para wala nang problema. Tutal naman wala rin akong natututuhan eh.
"Uy, uy, uy babae." Kalabit niya sa akin.
Hindi ko siya pinapansin at naglalakad lang ako sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Vacant ko kasi kaya okay lang gumala basta sa loob lang ng campus.
"Help me na. Ang dami mong sinasayang na oras. Oy, babae."
Ang kapal ng mukha niyang istorbohin at utus-utusan ako. Ano naman ngayon? Oras ko ang sinasayang ko no.
Nilingon ko siya. "May pangalan ako okay!" Nakakainis na to the nth time.
Ang kulit!
"Sige, ano ba'ng name mo?" He's smirking. Putragis nang aasar na naman. Sino ang gaganahan sa kanyang tumulong kung ganiyan siya?
"I am Flare Joshel, Okay?" Diniinan ko ang bawat bigkas ko para matandaan niya. Nakapunta na sa bahay namin lahat-lahat ni hindi pa tinanong ang pangalan ko, halatang ginagamit lang talaga ako ng loko eh.
"Ah, ikaw si Flare Joshel Okay. Ganda ng apelyido mo ah," nang aasar ang kanyang ngiti.
Napakamot ako sa ulo. "Ewan ko sa'yo, mag-isa ka dyan." I stormed out.
Naalala ko na may assignment pala ako sa science. Bwisit na lalaki 'to sinisira ang buhay ko. Gagawin ko na lang ang homework ko kaysa gumala nang gumala sa campus. Ang kaso naman hindi ako titigilan ng lalaking ito. Hanggang ngayon nakasunod pa rin siya.
"Uy dali na Shel. Pearly Shel." Sinusundan niya pa rin ako. Mabuti pa siya, lumulutang lang, hindi siya napapagod. Hays. Kung pwede lang sumakay sa kaniya para lumutang lang din ako nagawa ko na. Ang kaso, I can't touch him but he can hold me, life is so unfair.
"Alam mo kahit gusto ko, hindi kita matutulungan. Iniiwasan ako ng mga students dito hindi ako makakapag investigate. Isa pa, transferee lang ako, nandito ako mga mid sem ng third year ko." Isa pa, sa papaanong paraan ko malalaman iyon? Eh ni hindi nga siya nakakakilala eh.
"Kaya mo yan, sige na,” pangungulit niya pa.
Umupo ako sa bench dito sa may garden. Malawak ang garden namin kaya hiwa-hiwalay ang mga upuan doon. Para nga itong public park kung tutuusin.
"Saan ako magsisimula? Naku naman, bakit kasi ako pa." Makakalbo na ako sa kakaisip sa problema niya.
Umupo siya sa tabi ko. Itinukod niya ang siko sa tuhod niya. "Sana nga si Liza Soberano na lang ang nakakakita sa'kin,” he said and sighed.
"Peste." Eh 'di doon siya pumunta. Ano naman ang paki ko? Mabuti nga iyon mawawalan ako ng tinik sa lalamunan. "Bakit 'di ka sa kaniya pumunta para naman hindi na ako mamroblema pa." Saglit kaming natahimik. Saan kaya ako makakakuha ng information? Siguro naman kahit isang tao ay makikilala siya, hindi ba?
Ahh! alam ko na!
I snapped my fingers. Nakangiti akong tumayo sa upuan. "Tama. Alam ko na kung saan tayo kukuha ng information," I happily said.
"Saan, saan?" excited niyang tanong.
"Sa principal's office. Pumasok ka roon tapos silipin mo ang documents mo doon." Doon talaga maraming information siyang makukuha.
Lumungkot ang mukha niya. Ano na naman kaya ang iniisip niya?
"Eh, kasi pearly shel may isa pa akong problema." Nilaro niya ang kanyang paa sa pagtadyak sa mga damo.
Nagtataka talaga ako bakit ganoon soya? Nakakahawak at nakakain siya ng mga kachenesan para siyang normal na tao.
Nairita na ako sa kanya."Ang dami mo namang problema.” nai-stress na ako bes. Jusko."TSAKA WAG MO KONG TAWAGING PEARLY SHEL.” Sa dinami-raming nickname Pearly Shel pa.
"Sinubukan ko nang pumasok doon, pero hindi ako makapasok."
Naguluhan ako. "Ano? Paano?"
"Hindi ko rin alam," Malungkot na saad niya. Nasapo ko ang aking noo. Problema nga ito. Nakakatagos nga siya pero hindi siya makapasok. System error ba ito sa pagiging multo niya?
"Oo nga pala, may CCTV sa office ni principal. Hindi tayo basta-basta makakapasok doon,” saad ko.
"Sa SSC kaya?" suggestion niya.
Napatingin ako sa kanya. Oo pwede. Mas madali pang makapasok doon at walang CCTV.
"Pwede rin. Nakakapasok ka doon?" tanong ko sa kanya ngunit nginitian lang niya ako. Lumapit siya at binangga ang balikat niya sa akin.
"Kaya mo na 'yan. Fighting!"
I rolled my eyes heavenwards. Ibig sabihin, ako ang papasok sa loob. Grrrr...
NAKATAYO kami sa harapan ng SSC office. Hindi ko alam kung paano ang gagawin namin basta kailangan namin makapasok doon. Lumingon ako sa paligid, wala namang tao. Kailangan mabilis lang, kung hindi mahuhuli kami. Pagkakuha ko, dapat tumakbo na ako agad palabas.
Sinulyapan ko siya, sinenyasan ko siya na subukang tumagos.
Nagbilang siya hanggang tatlo. Tumalon siya papunta sa pintuan pero hindi siya nakatagos. Nauntog ang noo niya.
"AAAHH!!" d***g niya. Nagpigil ako ng tawa, napansin niya ako kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Tatawa-tawa ka pa d'yan." Hinawakan niya ang batok ko, nabigla ako nang iuntog niya ako sa may pintuan.
"AAAH!" d***g ko, ang sakit! Siraulong multo.
"Ano, masakit no?" Tumawa siya nang mahina.
Tinitigan ko siya nang masama, sinubukan ko siyang suntukin pero tumagos lang ako. Kaasar.
"Hindi kita tulungan d'yan eh!" pananakot ko sa kaniya pero 'di naman siya tinablan. Nagkibit-balikat lang siya.
I heaved a deep sigh. Bwisit talaga, nang-aasar pa. Palibhasa alam niya na hindi ko siya matatanggihan, baka pati sa panaginip ko mangulit 'yan.
Pinakinggan ko kung may tao sa loob. Idinikit ko ang tainga ko sa may pinto. Wala akong naririnig sa loob, baka walang tao. Sinubukan kong pihitin ang doorknob, namangha ako ng bukas pala ito. Napangiti ako nang malapad, ayos magiging madali lang ito.
Lumingon-lingon ulit ako sa paligid tsaka pumasok. Kailangan kong bilisan, baka dumating ang officers, iniiwasan ko pa naman 'yong vice president baka maalala niya na ako ang naglaway sa library, nakakahiya.
Napanganga ako sa loob ng office. Grabe mukhang conference hall ito. Iyong mga nakikita sa mga company? Mahabang table at magagarang upuan. Para akong nasa bulwagan ng mayayaman.
Dream come true is real. Nakapasok din ako sa Office. Pangarap kong maging officer dati kaya naman hindi ko pinalampas ang pag-upo sa upuan ng president. Haha.
Feeling ko ako ang president ng Student Council. Nakalimutan ko tuloy ang tunay naming pakay roon.
"Oy, Pearly--"
"TSK," pigil ko sa sasabihin nya. Pinandilatan ko siya ng mata. Napakamot lang siya ng ulo. Ayan na naman siya sa pearly shel. Sampalin ko ito eh.
"Bilisan na natin baka dumating na 'yung mga officers." He compressed his lips.
Oo nga pala. Bawal pa naman pumunta dito ang hindi officer.
Tumayo ako at nagtungo sa shelf tsaka naghanap ng documents. Pinapadulas ko ang aking daliri sa mga files.
"Anong apelyido mo?" I asked him. Para madali na lang. Kasi kung may kapangalan pa siya lalo lang akong mahihirapan. Magtatagal kami sa loob.
"Basta hanapin mo Kean James."
Gustung-gusto kong i-umpog siya sa shelf para matauhan pero pinigil ko lang. Hindi ko rin naman magagawa.
"Kailangan ko ng surname, SURNAME."
Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya bago magsalita. Hirap na hirap sabihin eh, para apelyido lang. Papatayin ba siya kung sakaling ibigay ang apelyido niya? Bakit ano ba siya, anak ng terorista?
"Ambot,” Bulong niya.
"Huh?" Naguluhan ako.
"Ambot." Yumuko siya na parang nahihiya sa sinabi niya.
"Ano'ng ambot?" Bininisaya niya ba ako? Hoy manila girl ito. Naririnig ko iyan sa mga kapitbahay ko pero di ko alam ang meaning. Baka mura pa ibig sabihin n'yan. Mumurahin ko rin siya. Akala niya.
Sinamaan niya ako ng tingin at sumigaw."AMBOT! ANG SURNAME KO, AMBOT!!!"
Unti-unting nag-sink in sa utak ko.
So he is..
Kean James Ambot??
"Pffffttt." Pakiramdam ko mamamatay ako kapag pinilit ko pa ang hindi tumawa.
"Anong nakakatawa?" Nakasimangot siya na dinuro ang sentido ko.
"Pfft." Pinigil ko ang pagtawa."Wolo nomon." Tsaka tumawa ulit. Hindi ko magawang maghanap dahil sa pagtawa ko. Kaya siguro ayaw niyang sabihin ang apelyido niya. Hindi naman sa panget, hindi lang talaga ako sanay makarinig ng ganoong apelyido. Sorry naman.
"Tss. Parang ang ganda ng pangalan mo ah, laitera," nakabusangot niyang sabi. He crossed his arms and pouted his lips.
"Wala naman akong sinasabi ah?"
"Ganon na rin iyon."
Hindi ko na lang siya pinansin at naghanap na. Medyo mahirap kasi hindi niya maalala kung ano'ng year nya. May selective memory is real.
Nakailang kalkal pa ako nang makita ko ang pangalan niya sa fourth year. "Ito na! hahaha."
Kinuha ko agad ang files tsaka umupo sa officer's seat.
"Ano'ng sabi?" he said excitedly.
"Wait lang. 'Di pa nga bukas eh."
Pagbukas ko ng profile niya, Nakita ko agad ang mga picture niya na naka-jersey shirt. May picture siya na nakatayo at may hawak na bola sa kanang kamay, kulay blue ang jersey niya na may naka-drawing na hayop na may tatlong ulo-simbolo ng school namin.
I look at him askingly. "Varsity ka?"
He shrugged his shoulder. Mag i-scan na sana ako sa profile niya nang bigla siyang magsalita.
"May paparating. Tago!"
Nakarinig ako ng footsteps papalapit. Hindi ko alam ang gagawin ko. "Saan tayo magtatago, Kean? Ke-kean?" I searched for Kean but he is nowhere to be found. Pesteng lalaking iyon. Porque kaya niyang maglaho ganoon na lang? Iniwan ako bigla?
Nakita ko ang pagpihit ng doorknob kaya naman nagtago ako sa ilalim ng table. Kinagat ko ang kuko ko sa sobrang nerbiyos. Sino kaya itong pumasok, bakit ngayon pa?
Parang makaka-double dead ako ng multo nang makita ko siyang nakahiga sa sahig, nakatukod ang ulo niya sa kanang kamay, nakangiti siya sa akin nang mapanloko bago kumindat. "Galingan mo ang pagtago, baka mahuli ka." Umarte pa siya na hahalik.
Nailukot ko ang profile niya habang masamang nakatingin sa kaniya. Nauubusan na talaga ako ng pasensya.
Pumasok ang taong iyon. Unti unti siyang lumapit sa shelves katapat kung saan ako nagtatago. Tinakpan ko ang bibig ko. Baka makagawa ako ng ingay mahuli pa ako. Inangat ko ang ulo ko kaso nauntog ako. Nakagawa iyon ng ingay sa table. I touched my head. Jusko baka pumurol ang utak ko nito.
Huminto siya at lumingon sa paligid. Naku, sana hindi niya ako mahuli. Sinilip ko ulit siya, nakatalikod siya sa akin at nakaharap naman sa shelf.
Lumapit sya sa shelves at may hinanap. Lalaki sya base sa uniform nya at matangkad. Maganda ang built in ng katawan saka---
Teka nga, bakit iyan ang nasa isip ko? Ikaw talaga brainy my loves ang dami mong naiisip na kalokohan.
Tiningnan ko ang figure niya, teka parang kilala ko ito ah. Nanlaki ang mata ko nang maalala ko.
Si Vice pres!
Saglit siyang tumigil.
Hala, baka nalaman niyang may kulang na profile doon? Ay hindi, sa dami ng profile imposibleng ma-notice pa niya.
Saglit lang iyon at may kinuha rin siyang profile saka lumabas na. I sighed. That was close. Buti hindi ako nahuli.
Pinaabot ko ng 3 minutes bago ako nag-decide lumabas. Baka kasi nasa labas pa siya eh.
Tumayo na ako. Pesteng Kean 'yon nawala na naman humanda siya sa'kin mamaya. Bastos nang-iiwan basta-basta.
Hawak ko ang folder na naglalaman ng information ni Kean, dahan-dahan akong lumabas.
Ayos walang tao, hihi. Confident akong tumayo at tuluyang lumabas nang may humila sa kwelyo ko mula sa aking likod.
"Woah, woah, woah!" I surprisingly yelled while this person is pulling me up from the ground. Pinaharap niya ako sa kaniya. He is Vice President!
Biglaan kong naalala ang mga naririnig kong rumor sa kaniya. Si Vice Pres, na magaling sa lahat ng bagay at kinahuhumalingan ng kahit sino ay matindi kapag nagalit. Masyado itong strikto pagdating sa pagpapalakad ng nasasakupan.
Nakasimangot siyang nagtanong. "Who are you?"
"Ahh,hi," alangan akong ngumiti sa kanya.
Lalo niya akong itinaas sa ere.
"Ay,ay! Sir ibaba mo ako."
"Sir? Huh! Tell me, what are you doing inside the office?"
Ang mga mata niya na hindi ko alam kung galit o hindi dahil sobrang blangko niyon.
"I'm asking you!"
"Mama!" I accidentally screamed. Kasi naman nakakatakot si kuya. "Pwede bang bitiwan mo muna ako? Please?"
Saglit siyang nag-isip bago ako bitiwan sa ere kaya bumagsak ako sa sahig. Ang sakit ng pwet ko. Buset. Hinamas-himas ko iyon. Walang modo, totoo pa lang medyo cold ang personality ng vice pres, bakit ba siya nanalo sa eleksyon? Kung alam ko lang hindi ko na siya binoto. Paano naman kasi halos lahat ng mga kandidato hindi ko kilala dahil transferee ako noon. Kung sino lang ang may mukhang gagawa ng maayos, 'yon ang binoto ko.
Bigla niyang inagaw sa'kin ang profile ni Kean.
"Uy teka!" saway ko sa kaniya but he just stare at me at natakot ako roon. Yumuko na lang ako at napatayo.
"You stole an important document. For what?"
"Ahhm.. Kasi." Ano ba Joshel, magpaliwanag ka nang maayos.
"PEARLY SHEL! WAG MONG SABIHIN!!"
"Ay, kabayo!" Nagulat ako nang sumulpot sa gilid ko si Kean. "H’wag ka ngang manggulat! Paulit-ulit ko nang sinasabi!”
"May something na mayroon sya. Hindi ko siya mahawakan,” Kean said as he glanced at this guy.
Nakatingin sa'kin si vice pres habang nakakunot-noo. "Who are you talking to?" he asked.
"Wag mo siyang palapitin, ang dilim ng aura niya."
Aura?
"Ahh, w-wala. Kinakausap ko lang sarili ko." Kunwari akong tumawa. Lumingon ako kay Kean at bumulong. "Ano'ng aura?"
"Hindi siya katulad nang sa'yo. Makinang ang sa'yo samantalang sa kanya parang ang itim, parang may kinikimkim siyang galit."
"Tell me, why do you want this?" He waved the documents.
"A-ahm.. Napag-utusan lang ako." RIP liar. Naku, hindi pa naman ako magaling magsinungaling. Madali akong mahuli.
"By who?"
Tick.tock.tick.tock.
Loadiiinnnggg...
Buffeerrrriiinnggg...
"Ahm. Wala na 'yon." Hilaw akong tumawa. "Sige d'yan ka na ha. May klase pa ako."
Tumalikod na ako pero nakita ko si Joshua and the squad palapit sa amin kaya bumalik ulit ako at dumaan pasalubong kay vice pres.
I was shock when vice pres grabbed and pulled me inside the office. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Para ngang mababali ang braso ko eh. Tinitigan niya ako, 'yong titig na parang hindi siya magbibitaw ng tingin.
"Aray naman, pwedeng bumitaw ka?" I asked annoyingly.
"You see him, right?"
Napatingin ako sa kaniya. Nanlaki ang mata ko. "S-sino?"
"You know what I'm talking about."
"K-kilala mo si, si Kean?"
He rolled his eyes. "Listen to me, whatever happens, don't help him."
Nagtataka ang mata kong tumitig sa kaniya.
"Kilala mo si Kean? Friend ka ba niya?"
Hindi niya ako sinagot at binalik ang documents sa shelf. "Once I caught you again, stealing our property, you'll be dead." He glared at me and promise tumayo talaga ang balahibo ko. Lalabas na sana siya nang magsalita ako.
"Kilala mo pala si Kean, why don't you help him?"
He gave me his death glare again. Napaatras tuloy ako. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Habang lumalapit siya, umaatras naman ako. "You don't know the whole story. Kaya kung ako sa iyo..."
Sa kakaatras ko, napasandal na ako sa pader. Shit, na-corner na ako. He put his arm on the wall to corner me. I felt awkward.
"H’wag ka nang mangialam sa problema niya."
I look at him. Napalunok ako. He has this blank expression. I can't read him.
Bakit, bakit ayaw niyang tulungan si Kean?
Ano siya ni Kean? Bakit niya ito kilala???
***********************************************
"Kilala mo ba si vice pres?" I asked him while I coverednmy face with a book. Nasa garden pa kami dahil nga vacant ko pa rin. Ang tagal ng oras, ngayon lang ako nainip sa vacant ko.
"I can't remember," sagot niya. Nakahiga siya sa damuhan habang nakaunan sa mga braso niya.
"Aish." Napapikit ako sa inis. "Bakit kaunti ang natatandaan mo? Paano natin maso-solve ang case mo?"
"Bakit kaya hindi ko siya mahawakan?" Nalungkot siya sa ideyang iyon. Bakit nga ba hindi niya mahawakan? Pero ako nahahawakan niya.
Kinuha ko ang note pad ko at nagsulat.
Kean James AMBOT case
'Yan ang sinulat ko. Magja-jotdown lang ako ng things to remember tungkol sa kanya.
Jusko, bobo kaya ako bakit kailangan ako ang mag-solve sa problema niya?
Una, he can't remember some things.
Second, siya makapasok sa principal office.
Third, hindi niya mahawakan si Vice pres, nakakakita siya ng madilim na aura rito.
"BAKIT NAKACAPSLOCK ANG APELYIDO KO!"
Nagulat ako sa kanya kaya nalihis ang sinusulat ko. Tch. Wala na ang pangit na, ayoko pa naman na nasisira ang pagsusulat ko. Uulitin ko na lang ito mamaya.
"Wag kang basta-basta sumisigaw o nagsasalita, nagugulat ako," reklamo ko sa kanya sabay irap. Ako lang naman ang nakakarinig sa kanya bakit kailangan pang manigaw? Haays.
"Burahin mo 'yan, burahin mo 'yan!" Hindi siya tumigil hangga't wala akong ginagawang action sa inirereklamo niya.
Pinilas ko saka nilukot sa harapan niya ang papel. "Happy?" I hissed then threw the paper into the trash can beside the bench.
Nagsulat ulit ako ng gusto kong sabihin sa kanya.
--> If I were you, sundan mo siya lagi baka makahanap ka ng clue.
"Tss. I am too lazy to do that." Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin sa'kin. Bored na bored ang mukha niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Kung ganyan siya paano pa siya makakabalik sa katawan niya?
"Ang tamad mo. Mabuti pa tulungan mo na lang ako sa homework ko."
"Naaahh," He said lazily. "Ano ba 'yan? Tsaka homework ginagawa sa school, tsk."
Kinuha ko ang intemediate pad ko.
"Kailangan kong mag interview ng taong na-brokenhearted. Naka experience ka na ba ng ganon?"
"I don't know." He shrugged his shoulder."Ano'ng klaseng homework 'yan? Sino'ng teacher ang nagpa-asignatura niyan. Walang k'wenta. "
Hinampas ko sa kanya ang pad. As usual tumagos lang sa kanya. Kakainis, hingi s'ya ng hingi ng tulong sa'kin pero siya naman hindi ko maasahan.
"Aray naman!" sarkastikong sabi niya.
"Bitayin kita eh. Isipin mo na lang na experience mo na. Okay. Go."
He heaved a very deep sigh. "Okay, let me think."
"Kunwari, mahal mo siya pero iba ang mahal niya, tapos 'yung mahal niya hindi siya mahal. Tapos ikaw nagpapakatanga sa kanya."
"Ang pangit mo naman gumawa ng scenario." he pouted his lips. "Hindi ka pa nabroken heart no?"
"A-ano?" I startled. Paano niya nalaman? Don't tell me nababasa niya ang nakaraan ko? Pakiramdam ko tuloy namumula ako sa sobrang hiya.
Umiling-iling ako. Baliw ka talaga, Flare Joshel. Ano'ng akala mo sa kanya, isang reader?
Tiningnan niya ako nang nang-aasar. "You never been into relationship, am I right?"
Feeling ko nahiya ako lalo sa sinabi nya kaya napayuko ako. Na-awkward ako sa tanong niya. Alam ko naman na sa edad namin dapat hindi pa namin iniisip ang mga ganoon pero normal iyon sa ibang student kahit puppy love pa lang.
"Sabagay halata naman sa itsura mo."
I look at him, he's nodding repeatedly. I glared and wrestled him. Gusto kong pumatay ng tao kapag siya ang kausap ko, nakaiinis. Sinakal ko siya pero nagmukha lang akong tanga.
Tumigil ako sa pagsakal sa kanya dahil tinatawanan niya lang ako. Gusto kong magmura sa inis, kung maaari lang talaga pilipitin ko ang leeg niya ay nagawa ko na. Mukhang naniniwala na akong he's half alive and half dead. Lumingon ako sa paligild. As usual topic na naman nila ako at pinagbubulungan. Ikaw ba naman manakal nang walang nasasakal 'di ba? Mapagkakamalan talaga ako.
H’wag sana silang tumawag sa mental hospital. Hays.
I looked at him again and he's laughing without a tone.
Tulungan ko kaya siyang makabalik sa katawan niya tapos patayin ko ulit siya? P'wede ba 'yon?
"Hindi naman sa lahat ng bagay pakikipagbreak up ang madalas ng heartbreak no. Na-broken hearted na rin ako. 'Yun iyong hindi ako tinuturing na normal na tao ng lahat. Bakit ikaw alam mo rin ba? Ni wala ka ngang maalala eh." Nawala ang ngiti at tawa niya sa sinabi ko, para siyang tinamaan. Ngumisi siya bago napayuko, ilang segundo rin kaming natahimik. Nailang ako dahil hindi naman siya talaga tahimik na tao.
I cleared my throat. "Okay move on na. So iyon na nga broken hearted ka. Sige sabihin mo sa akin ang mararamdaman ng broken hearted."
Tumingin siya sa malayo. Pinagmasdan niya ang mga estudyanteng nagtatawanan habang naglalakad, 3 pairs sila ng babae at lalaki. "Parang.. Kinukurot ang puso mo..."
"Kinu...kurot...ang..puuu.ssoo. check.” Sinulat ko ang sinabi niya. Hinintay ko ang sunod niyang salita.
"Maninikip ang dibdib mo. Mapapahawak ka na lang doon sa sobrang sakit ng nararamdaman mo."
"Ang haba, dahan-dahan lang." Saway ko sa kanya habang nagsusulat pero hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy.
"Bigla mo na lang maiisip out of nowhere. May mali ba akong ginawa? May kasalanan ba ako? Wala ba akong karapatang sumaya? Bakit hindi na lang ibigay ng Diyos sa tao ang gusto niya. Hindi ko ba sya deserve? Paano na ako 'pag wala siya?"
"Sabi ko dahan-daha---" Natigilan ako nang makita ko siyang nakatingin pa rin sa malayo. Malungkot ang mga mata niya na teary eyed. "Han. D-dahan, dahan lang.. Ahm.. Okay ka lang?" I worriedly asked.
"Iisipin mong hindi mo na kayang mabuhay ng wala siya. Mahihirapan kang mag move on. Malulungkot ka, madi-depress at hindi makakakain nang maayos. Ito-torture mo ang sarili mo dahil sa tingin mo wala nang saysay ang buhay mo. Magiging sensitive ka din. Yung tipong kaunting pahaging lang nasasaktan ka na. Pinipilit mong ibalik ang lahat sa dati pero hindi pa kaya. Sa mata ng tao, you are absolutely recovered but deep inside wasak na wasak ka na."
Bigla na lang tumulo ang luha niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, this is the first time a guy cried in front of me. Bigla rin may tumusok sa puso ko. Tinamaan ako sa sinabi niya. Nadala ako sa aura niya.
Sa pagsunud-sunod niya sa akim, nasanay akong makulit, mapang-asar at palatawa sya pero ngayon... He's different.
Sa tingin ko may pinagdaanan siya na hanggang ngayon hindi pa sya maka-move on.
Nakita ko na lang ang sarili ko na pinupunasan gamit ang panyo ko ang luha niya, pero dahil nga hindi ko siya mahawakan ikiniskis niya na lang ang sarili sa panyo. He look at me and smiled. Hindi ako nagsasalita, kung gaano ka lamig ang katawan niya ,siya namang init ng luha niya. Nahawakan ko kasi ang basang panyo.
So bakit mainit ang luha niya? Naguguluhan ako. Hindi ko maipaliwanag. Iba ba ang multo sa kaluluwa? Hindi ba't parehas lang iyon?
Doon ako nagka-urge na tulungan siya. Baka kailangan niya talaga ng second chance.
"Isulat mo ito, mayroong 5 stages of moving on. Una, Denial, second anger, third bargaining, fourth, depression and last phase ay acceptance. Sabihin mo 'yan sa teacher mo ha."
Tumangu-tango lang ako habang nagsusulat. Naku, mukhang mataas ang makukuha kong marka kay Ms. Delisa ah.
"Flare,”$ he called me.
"Hmm?"
"Bakit ang asim ng panyo mo? Saan mo iyan pinunas bago sa mukha ko?"
Nag-alangan akong sumagot. Kasi baka magalit siya pero sumagot na rin ako. "Sa kili-kili ko. Hehe."
Unti-unting parang sumabog ang mukha niya sa galit. Hinawakan niya ako sa leeg at inalug-alog.
"FLARE JOOSSHHEEELLL!!!"
Binatukan niya ako ng maraming beses.
"OUCH! SORNA! NAGDRAMA KA KASI EH!!!"
"BABOY KA TALAGANG BABAE KA!!!"