Share

6: Revelation

Author: Mystshade
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Six: Revelation

PAGPASOK ko kinabukasan sa school, halos lahat ng students napapatingin sa akin tapos nagbubulungan. Kapag sinusulyapan ko naman nagbabawi ng tingin at lumalayo. Nagtataka nga ako kasi 'di tulad ng dati na pagtatawanan nila ako everytime na nakikita nila ako o 'di kaya ay ang katangahan ko. Katulad na lamang kanina, nadapa ako sa may gate kaya may kaunting dungis ang uniform ko pero wala ni isang tumawa o nang-asar bagkus ay nilayuan nila ako na parang may malubha akong sakit.

Sobrang ilag na nila sa akin. Kanina nga pumunta ako ng cafeteria para mag almusal bago magsimula ang klase, halos ayaw nilang makita ako. Nag-iiwas agad sila ng tingin tuwing mahahagip ko sila ng tingin. Kung hindi lang ako mali-late sa pagpasok ay hindi naman ako pupunta sa cafeteria, bawal kasing mahuli kahit isang minuto lang. Masyadong mahigpit ang school pagdating sa oras.

Hindi ko na lang pinansin although may tanong sa isip ko kung bakit parang takot sila sa presensya ko ngayon. But I think it doesn't make sense.

Kahit sa classroom namin, wala nang mapang asar na Joshua and the squad, lagi na lang silang nakatingin sa'kin. Tapos tahimik talaga ang room. Sobra akong nagtaka. Kahit kailan hindi tumahimik ng ganito ang section namin. Hello, we are talking about class F. Usually kapag ganitong umaga nagtatago ang iba sa gilid at nanonood ng x rated movies or videos, ang mga babae naman, nagpatayo na yata ng parlor dahil sa loob na sila nagpapakulot ng buhok, make up, manicure, pedicure. Ang iba naman may ka-chat sa cellphone. Ngayon wala, sobrang tahimik nila.

Nararamdaman ko ang mga mata nila na nakatingin sa akin. Naiilang tuloy ako, 'yung iba nagbubulungan lang. May dumaan bang anghel sa school namin? Bakit parang nabawasan ang ingay? Nagsibaitan na ba silang lahat.

Ok, baka naman kabado sila kasi exam namin ngayon?

Pero hindi eh. Dapat nga mag-ingay sila dahil labasan na ng mga dakilang kopyador at kopyadora. Magkakaroon na dapat sila ng kontrata kung saan kukuha ng sagot.

Ano ba yan, ano ba'ng meron? Baka naman may tagos ako. Tiningnan ko naman ang palda ko, wala naman eh. Sinipat ko ang buong katawan ko, baka may kung anong nakadikit sa akin kaya naman napapatingin sila. Wala naman akong nakuha nakapagtataka talaga.

Nagkibit-balikat na lang ako. Dumating na ang adviser namin. Binigyan niya kami ng questionnaire at answer sheet. Siya ang magbabantay sa amin buong araw ng preliminary exam dahil nakaatang sa adviser ang gano'ng task. Tinuon ko ang pansin sa test paper ko. Pambihira, baka magdugo utak ko sa kakaisip. Nararamdaman ko ang mata ng mga kaklase ko na pahapyaw na sumusulyap sa akin. Hirap na nga ako doon sa kaluluwang ligaw pati ba naman sila poproblemahin ko pa?

Inumpog ko ang ulo ko sa desk. Unang test pa talaga namin ang Science. Pakiramdam ko nagsipag-unat na ang kulubot ko sa utak. Mabuti na lang multiple choice. Manghuhula na lang ako ng sagot. Sa filipino ako nagreview at ni minsan hindi ko pinasadahan ng tingin ang Science. Isa sa hate subject ko ito kasama ang Math.

Kinuha ko ang lapis at nagsimula nang sagutan ang answer sheet ko. Ang ibang questions ay hinuhulaan ko na lang. Alam kong napag-aralan namin ito pero nakakalimutan ko lang talaga.

22. What is accelaration?

A. The amount of space between two places or things

B. The rate at which the speed of a moving object changes over time

C. The natural force that tends to cause physical things to move towards each other : the force that causes things to fall towards the Earth

Matagal kong tinitigan ang test paper ko. Ano'ng isasagot ko? Hindi ko alam. Bahala na huhulaan ko na lang ito.

"Letter B..."

My heart skipped a beat when someone whispered to my ear. Ayan na naman siya. Tumingin ako sa gawing kanan ko. Nakita ko siya nakayukod sa akin para magpantay ang mata namin. Ngumiti siya sa akin nang tipid at kumukurap siya na tila nagpapa-cute sa akin. Nakalagay ang magkabila niyang kamay sa likod.

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagsagot. Ayoko siyang pansinin dahil hindi ko sure baka makausap ko siya tapos sabihan na naman ako ng mga tao na nababaliw. Kainis nandito na naman siya. Wala bang rest day ang mga multo, nanggugulo na naman.

"Letter B. Isulat mo letter B," pangungulit niya. Humarap siya sa desk ko. Itinukod niya ang kanyang baba sa desk habang nakatingin sa akin. Itinuro niya ang letra na dapat kong bilugan tapos ay ngumiti siya. "Thank me later."

I scratched my chin. Kunwari nag iisip ako. "Hmm. Ano kayang sagot?" Kunwa'y hindi ko siya narinig. "Eenie meenie miney--"

Napapikit ako sa inis nang batukan niya ako. Tumama ang noo ko sa desk. Pinigil ko ang sarili ko kahit naiinis na ako. Sa lakas ng kalabog napukaw ko ang atensyon ng lahat including our teacher. Nakakabuwisit naman ito. Hmm! Makakapatay na talaga ako ng patay.

"Kunwari ka pang nag-iisip d'yan. Letter b nga!"

Bumulong ako. " Tumigil ka nga, gusto kong sagutan ito ng ako lang. Kahit ngayon lang kailangan ko ng kapayapaan," Nagtiim-bagang kong wika at ikinuyom ang kamao ko.

"Ang sabi mo ayaw mong mabokya sa test?Tinutulungan ka na nga galit ka pa. Eh bobo ka naman." Tumayo siya at inismiran ako.

Para talaga siyang bata. Anang isip ko.

"TIGILAN MO NA AKO UTANG NA LOOB!" hiyaw ko sa kanya. Sa gigil ko ipinukpok ko ang lapis sa desk. Naputol tuloy ang panulat niyon. Nagtinginan sa akin ang mga classmates ko even my subject teacher when I screamed.

"Ms. Fuentes, Sabi ko sa inyo nababaliw na siya!" sumbong ni Joshua sabay turo sa akin. Nasa harapan sila nakaupo ako naman nasa bandang likuran nila. Takot na takot siya na itinaas ang kwintas na krus at tinutok papunta sa akin.

"Quiet, Mr. Ferrer," saway ni Ms. Fuentes sa kanya sabay tingin sa'kin. Tumayo siya at lumapit si teacher sa lugar ko. "May mga classmates kang nagti-test. Please observe silence, Miss Garcia."

Yumuko ako. "I'm sorry po." Kumuha ako ng pantasa at muling tinasahan ang lapis ko.

"Continue," wika ni ma'am sa amin at tumalikod na. Napaalam siyang lalabas muna saglit sa room.

"Baliw. Isa kang baliw," sabi bigla ni Joshua. Tiningnan ko siya saglit bago itinuon uli ang pansin sa test paper ko. Tumalikod na rin siya na naiiling.

"Sagutin mo na, B," sumingit na naman si Gluta boy sa gilid. Tinitigan ko siya ng masama.

"Ano?" He murmered.

"Tumigil ka," bulong ko rin sa kanya. Kunwari ko siyang inundayan ng saksak.

Saglit siyang nawala sa paningin ko. Napabuntung-hininga ako ng malalim nang malaman na wala na siya. Sinunod ko ang sinabi niyang sagot. Sana nagpatulong na lang ako sa kanya. Nagmamatigas pa ako pero mas okay na rin iyon. Ayoko mandaya atsaka ayokong nangungulit siya sa akin.

Lumakas ang hangin galing sa may bintana na nagdala sa akin ng kilabot. Halos lahat ng papel namin muntik nang tangayin ng hangin mabuti na lang at nahawakan ko iyong akin.

May lumipad na eroplanong papel papunta sa akin. Tumama iyon sa tungki ng ilong ko. Naging normal na ang hangin. Sa pagtataka ko, binuksan ko ang eroplanong papel. Isang iyong test paper na may sagot na. Tatanungin ko sana kung kanino ang papel na iyon nang mabasa ko ang pangalan. Napakunot-noo ako na muling tinitigan ito upang makasiguro.

"Nelorie Jade Buenviaje, IV-A?" Mahinang sambit ko.

Omo!

Nanlaki ang mga mata ko. Test paper ito ng taga section A na si Nelorie. Ang kilalang Queen Bee sa Xerxes Academy. Kilala siya sa kung school namin bilang isa sa mayamang estudyante bukod pa roon kilala siya sa pagiging bully. Hindi siya napapagalitan o naga-guidance man lang dahil magaling siya lumusor at takot ang mga students sa kaya niyang gawin. Maswerte na nga lang talaga ako at hindi niya ako kilala dahil kung oo, malamang lalong magiging miserable ang buhay ko.

"Lumipad ba talaga ang papel mula sa bintana?" Narinig kong tanong ni Cristell kay Ella.

"O-oo nakita ko nga eh. Nak ng p*ta! Iyong papel parang Jollibee! Bida ang saya. " Sagot naman ni Ella.

Hindi ko magawang bitawan ang papel. Sa papaanong paraan ito napunta sa room namin? Dala lamang ba ng hangin? Imposible.

EH FIVE ROOMS ANG PAGITAN BAGO MAKAPUNTA SA AMIN MULA CLASS A!!!

Napatingin kami sa may pintuan nang may babaeng humahangos na kinalampag iyon. Si Nelorie, the Queen Bee. Galit na galit ang mukha niya, Naka eyeglasses pa siya pero maganda pa rin.

Tumingin ako sa papel na hawak ko. Sh*t! Hawak ko ang paper niya!

Sinasabi ng utak ko na bitiwan ko na pero hindi ko magawa. Nataranta ako.

"Lumipad papunta rito ang test paper ko? Sino ang siraulong may pakana no'n ha?" galit niyang tanong. May mga classmates siyang nagsulputan sa likod niya.

Hindi mo nga naman kasi aakalain na natural na hangin ang gumawa noon. Hello, tanggap pa na lumipad sa labas ng classroom pero ang mapunta sa ibang kwarto? Napakaimposible.

Nagtinginan ang mga classmates ko sa akin kaya napatingin na rin si Nelorie. Tiningnan ko ang hawak kong papel.

"Hindi namin alam kung paano niya ginawa o paano nangyari pero siya talaga iyon." turo ni Ella sa akin.

Nakita ni Nelorie na may hawak akong papel tsaka pasugod na pumunta sa akin. Hindi na ako nakakilos pa nang hablutin niya ang papel na hawak ko. Tiningnan niya iyon then she glared at me.

"Kinokopya mo ba ang sagot ko, ha?!" Nagagalit na tanong niya sa akin. Tumingin ako sa mga tao sa paligid ko lahat sila nasa amin ang atensyon.

"H-hindi." Umiiling ako tsaka tumayo. Pinagbibintangan niya na ako ang kumuha ng papel. Like she had said the paper flew away from their classroom. Parang kasalanan ko pa.

"Tell me, how did you get this?" Pinanduldol niya sa mukha ko ang test paper."HOW DID YOU GET THIS?!"

Umatras ako dahil sa sigaw niya. Bakit siya nagagalit eh hindi ko rin naman alam kung paano iyan napunta sa akin.

Was it magic or was it?

Lumingon ako sa paligid. Paniguradong siya ang gumawa nito. Pero bakit? Gusto niya talaga akong mapahamak.

"I'm asking you!" sigaw niya sa akin kaya napakunot-noo ako Iyong mukha niya namumula na at parang papatay na ng tao.

"Hindi ko alam." Tipid kong sagot sa kanya.

Nagulat ako nang dumampi ng malakas ang kamay niya sa pisngi ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Pakiramdam ko iiyak na ako sa sitwasyon ngayon pero pinigil ko lang. Wala namang magagawa ang pag-iyak ko.

"Ano'ng hindi mo alam? Paano napunta ito sa'yo? Siguro witch ka no at may magic ka para mapunta rito ang papel ko at makopya mo."

Natulala ako sa sinabi niya. Napaka-wild naman ng imahinasyon niya. Wala akong masabi. Isu-suhestiyon ko na bigyan siya ng award.

"Wala akong alam." sinabi ko ulit. Wala akong masabi na iba, paano ko naman masasabi ang katotohanan baka lalo siyang magalit sa akin. Bigla niya akong sinabunutan palabas ng room. Napahawak ako sa buhok ko sa sobrang sakit habang kinakaladkad ako ni Nelorie.

"Magsisinungaling ka pa! Isa kang mangkukulam umamin ka na . Kinuha mo ang test paper ko!"

"Hoy, Nelorie tigilan mo nga si panget! Ako lang ang puwedeng mambully dyan." saway ni Joshua kay Nelorie habang sinusundan niya kami.Nagawa akong hilahin ni Nelorie sa labas ng room. Huminto si Nelorie sa sinabing iyon ni Joshua. Nakita kong nakatayo si Josh sa pintuan. Wow naman Joshua, ambait mo din eh no. Gusto mo wala kang kaagaw sa pambubully sa akin. Parang gusto kong umiyak sa thoughtfulness niya.

"Wag kang makialam! Mag move on ka muna sa akin bago ka manghimasok. Stay away from me!"pagtataray ni Nelorie na hindi pa rin binibitiwan ang buhok ko.

"Ms. Buenviaje! Let go of miss Garcia." Buti na lang dumating si Ms. Fuentes. Pumikit ako nang makita si teacher. Finally, may tutulong na rin sa akin.

Binitiwan ako ni Nelorie.

"Ma'am, that girl. She's using some magic para makuha ang test paper ko! She's a witch!" Duro niya sa akin. Lumayo ako ng kaunti sa kanya at hinawi ang buhok papunta sa likod.

Tinaasan lang siya ng kilay ni ma'am. "You're imagination is up to this Ms. Buenviaje. Kakapanood mo iyan siguro ng fantasy movies."

"Ma'am! Can you explain to me, paanong napunta ang paper ko sa section F? Huh! At sa babaeng mukhang mangkukulam na 'to?" Tinuro na naman niya ako na may galit sa mukha niya. Lahat halos ng schoolmates namin naglabasan sa para makiusyoso.

"Don't be stupid Miss Buenviaje there's no such thing as witch. Palalampasin ko ito sa ngayon. Say sorry to her, Nelorie.."

Sinamaan niya ako ng tingin."And why would I? siya dapat ang mag-sorry sakin."masungit na tanong nito.

Yumuko na lang ako. Paano ko ba sasabihing 'kaluluwa po ang may gawa nyan' e 'di ako na naman ang mapagkamalan na wala sa sarili.

"Garcia. Mag sorry ka." utos sa akin ni Ms. Fuentes.

Hindi ko magawang magsalita sa sobrang shock. Sobrang bilis ng pangyayari. Sa tingin ko hindi rin naman ako ang dapat mag-sorry. Malay ko ba sa papel na iyon. Isa pa hindi naman ako nanakit, si Nelorie naman so dapat siya ang humingi ng dispensa.

"Ano? Hindi ka magsasalita diyan?!"asar na tanong sa akin ni Nelorie. Her glare bring chills down my spine.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa akin hindi ako makapagsalita kahit kusa nang bumubukas ang bibig ko.

"Ayaw ninyo mag-sorry sa isa't-isa? Sige bilang parusa lilinisin niyo ang bodega ng school. "

"What?!" sigaw ni Nelorie tapos ang sama ng tingin sakin. "It's all your fault."

"Get back to your rooms. Aasahan ko kayong dalawa mamaya after exam."Pumasok si Ms. Fuentes sa room. Si Nelorie naman, masama pa rin ang tingin sa akin saka inirapan at bago siya umalis binangga niya ang balikat ko.

**********************************************

Pagtapos ng exam namin naglinis na ako sa bodega kasama si Nelorie na nakaupo lang naman, hindi tumutulong at nililinis ang fingernails niya. Halos maubo-ubo ako sa itsura ng bodega. Nagkalat ang mga papel sa sahig, may mga lumang magazines and school newspapers, mga folders na luma na, lumang computers at kung anu-ano pa na hindi maitapon ng teachers.

"Ano ba, bilisan mo." utos niya sa akin. Tiningnan niya saglit ang kuko niya sa kamay hindi siya nakuntento sa pagkapulido nito kaya inulit niya.

"Eh kung tumulong ka kaya." Bulong ko habang nag-vaccuum ng room. Nabahing ako sa sobrang alikabok ng lugar. Sabi ni teacher kahit mag-vacuum lang muna kami ng room kasi sobrang kapal na ng alikabok. Napabayaan na kasi talaga ang lugar na ito.

"Ano'ng sabi mo?" Huminto siya pagkuskos at binigyan ako ng matalim na tingin. Sinalubong ko ang tingin niya at huminto sa ginagawa ko.

"Sabi ko tumulong ka,"

She rolled her eyes and pointed her finger towards me. "Ikaw ang may pasimuno nito kaya magdusa ka diyan. Bitchy witchy."

Napasinghap na lang ako saka umiling. Ipinagpatuloy ko ang pagba-vacuum. Nakakaloka na talaga bakit ba may mga nakikilala akong napakasasama ng ugali. Parehas lang sila ni Kean, pinapahamak nila ako.

Speaking of gluta, nasa loob siya ng room at walang tigil sa paghingi ng sorry.

"Sorry na pearly Shel. Gusto lang naman kitang tulungan. Hindi ko alam na magiging ganito." sulpot nang sulpot siya sa tapat ko pero di ko na lang pinapansin. Kung minsan nagugulat ako sa kanya pero hindi ko pinapahalata.

Magdusa siya. Hindi niya ba alam na nasampal at nasabunutan lang naman ako dahil sa kanya. Lalo niya lang ako pinapahamak. Sikat na naman ako sa school nito.

"Alam mo naman na ako ang Queen Bee dito sa Xerxes Academy. Ang tapang mo at ako pa ang kinalaban mo, starting from now magiging hell na ang buhay mo,"

Hindi pa ba? Anang isip ko. Bakit kaya napakamalas ko talaga. Gusto ko nang tanungin kay Lord kung bakit ganito ang sinasapit ko.

"Shut your f*cking mouth. I want to kill this bitch." inis na komento ni Kean. Kukuha sana siya ng ibabato kay Nelorie pero pinandilatan ko siya ng mata. Hindi na siya tuminag pa sa kinatatayuan niya.

"Well, witch paano mo nakuha ang test paper ko? Ganoon ka ba ka-desperada para magnakaw ng sagot? " hindi pa rin siya tumitigil kakasalita.

Hindi ako sumagot. Tumalikod ako sa kanya at tinungo ang lumang bookshelves. Napahinto ako nang batuhin niya ako ng lumang folder.

"I'm asking you bitchy witchy." Sumandal siya sa lumang student chair saka nilaro sa kamay niya ang pangkuskos sa daliri. Hindi ko alam ang tawag doon pero para siyang liha na ginagamit para pumantay ang kuko.

"Sumusobra na ito." Susugurin sana ni Kean si Nelorie nang sumigaw ako.

"Wag!" Kean look at me askingly same expression as Nelorie. Kapag ginalaw na naman niya si Nelorie ako na naman ang pagdidiskitahan niyan.

"Are you shouting at me?" Tumayo siya at tinapatan ako. Mas matangkad siya sa akin tapos nakaheels pa. Nagmukha talaga akong maliit. Hinawakan niya ako sa mukha dahilan para maipit ang magkabila kong pisngi. "Hindi ko palalampasin ang ginagawa mo. Remember, I am the heir of Buenviaje Corporation. Kayang-kaya kitang paalisin sa school na ito."

Pagkabitaw niya sa mukha ko, siya naman ang palo sana ni Kean sa ulo niya pero tumagos lang siya rito.

"F*ck!" he exclaimed.

"Ah, ikaw pala 'yon?" patanong ko sa kanya. Siya pala yung tinutukoy sa school newspaper na heredera ng isang malaking company. Okay, alam ko na mayaman siya pero hindi ko alam na siya 'yung tinutukoy na heredera ng ewan na kumpanya.

Kumunot ang noo niya."Don't tell me ngayon mo lang alam?"

"Oo."

I don't know why but I saw a fire in her eyes. "Inaasar mo talaga ako ah."

"Hindi." Umiling ako."Ngayon ko lang kasi nalaman." honest kong sagot.

Pinaningkitan niya ako ng paningin. Nagtitiim-bagang siya na parang gusto na niya akong patayin.

Tumawa ng tumawa si Kean. Baliw na kaluluwa ito. Nag-joke ba ako bakit siya tumatawa?

Nagpapadyak sa inis si Nelorie. Bumalik siya sa upuan na inupuan niya at kinuha ang kanyang imported bag.

"Ewan ko sa'yo. D'yan ka na." inirapan niya ako tapos binangga niya ang balikat ko bago siya tuluyang makalabas ng pintuan.

"Buti naman umalis na 'yon. Pero bakit hindi ko siya mahawakan?" tiningnan niya ang kanyang mga palad. Nilingon ko siya habang nagtataka ang mukha niya. Napatingin din siya sa akin saka nag-pout.

"Flare Joshel. I'm sorry."

Tinungo ko ang pinto at sinara. Baka may makakita na naman sa akin na nakikipag usap sa ere isipin na naman nila baliw ako.

"Bakit mo ginawa 'yon?" ang tinutukoy ko ay ang pagnakaw niya ng papel ni Nelorie. "At ang galing mong mamili ah. Yung matapang pa ang pinili mo."

"I'm just trying to help you," malungkot ang mga mukha niya na lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"At ang pagtulong mo ay nakawin ang answer sheet ng iba?"

Yumuko siya. Siguro ay nagi-guilty din siya sa ginawa niya. Dapat lang, nang dahil sa kanya nasabunutan, nakaladkad, nasampal at ngayon naman pinaglinis ako ng bodega ng school. Imagine that, dahil lang iyon sa kabaliwan na ginawa niya.

"Kahit naman sa valedictorian pa 'yung ninakawan mo hindi ko rin naman iyon kokopyahin." Bumitaw ako sa kanya saka pinagpatuloy ko ang paglilinis.

"Wow, honest mo 'to." Natatawang sabi niya.

I glared at him. He shut his mouth. Nang aasar pa siya. Kaasar talaga.

"Totoo naman. Mas gusto ko pang mazero sa test kaysa mangopya. " pero ang totoo natukso din akong kumopya kaso inisip ko dinadaya ko lang ang sarili ko kapag ganoon.

"Pero kung kusa kang pinakopya ng may ari?" tanong niya.

"Aba mangongopya ako." nabigla ko sa sinagot ko. Napatakip ako ng bibig. Ang isda nga naman nahuhuli sa sarili niyang bibig.

Nagpipigil tawa na naman siya nang makita ko.

"Tumigil ka d'yan naiinis pa ako sa'yo ah." kunwari pang naiinis ako sa kanya pero ang totoo hindi ko binabahala ang kasalanan niya. Mas nangangamba ako sa mangyayari bukas dahil kay Nelorie. Paniguradong lagi na niya akong ibubully. Nadagdagan ang bashers ko. Jusko, pambihira.

Nawala ang ngiti niya. "Galit ka pa rin?"

"Oo naman no, ikaw kaya eskandaluhin ng babaing 'yon dahil sa kasalanan ng KALULUWANG LIGAW hindi ka magalit? kaya pwede ba 'wag ka muna manggulo sakin?"

Hindi siya umimik agad. Hindi ko na siya pinansin tinapos ko na lang ang gawain ko para makauwi na ako.

"Okay, bibigyan kita ng space. Sabi nila 'wag mo raw ipagsiksikan sa tao ang sarili mo, hindi ka sardinas para---"

"Tantanan mo nga ako sa hugot lines mo! Tss. 'Wag kang mag alala. Tutulungan pa rin kita, sa abot ng makakaya ko. Kailangan ko lang ng kaunting pahinga sa kakulitan mo."

"I need to wake up... In order to protect you from them."

Lumingon ako sa kanya. Nakaramdam kasi ako ng kilabot sa sinabi nya. Ano raw, ako ang poprotektahan niya? Eh pinahamak niya nga ako. Ano'ng protekta roon? Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa mga susunod na kamalasang darating sa akin nang dahil sa kanya.

Narinig ko na may ibinulong siya pero hindi ko naintindihan pero pagkasabi niya no'n umihip ng malakas ang hangin kasabay ng pagkawala ng presensya niya sa loob ng room.

Ano raw sabi? Alien mode na naman siya.

Huminto ako sa paglilinis nang may malaglag na yellow notebook sa may shelf. Pinatay ko ang vacuum. Kinuha ko nang may pagtataka ang kwaderno. Saglit kong pinasadahan ang notebook kung ano ang laman niyon. Isa iyong talaarawan. Sa school namin araw-araw kailangan may ihahatid kang balita sa lahat either current events sa pilipinas, ibang bansa o maging sa loob ng school.

Nahagip ng mata ko ang isang article about sa lalaking nagpakamatay sa loob ng school. Nagtaasan ang mga balahibo ko nang maalala na mag-isa lang pala ako sa loob ng bodega. Napalunok ako ngunit pinagpatuloy ko ang pagbabasa kahit natatakot ako.

"August 23, last year. A Male student found unconscious inside the school last year that brought fear to his fellow students. He's currently in coma. He cut his wrist and hung himself using a nylon rope. Good thing police officers found them immediately.," pagbabasa ko sa ginupit na dyaryo sa nakadikit sa notebook. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Ang sabi roon ang lalaking nagpakamatay ay nakuhanan ng suicide note. Lahat ng hinaing niya naroon pati na ang mga problema niya. May gusto itong babae pero gusto nito ang bestfriend niya, wala din daw time sa kanya ang mga magulang niya, ang mga tao sa paligid niya mahal lang daw siya dahil sikat siya pero paano na lang daw kung hindi? May mga kaibigan pa kayang dadamay sa kanya? Kilala ang lalaking ito sa school dahil mayaman ang pamilya nito at isa siyang captain ng basketball team. Hindi raw makapaniwala ang iba na magagawa nitong magpakamatay dahil happy go lucky ang personality nito.

'When you say my name three times, I will come to you and you will die.' Iyan ang huli nitong sinabi sa suicide note. Iyon ang sumpa na bumalot ng takot sa buong Xerxes academy. Pinabulaanan ng teachers ang sumpa ngunit nang may maaksidenteng estudyante matapos nitong bigkasin ang pangalan ng nagpakamatay ay nasagasaan ito.

Nabitiwan ko ang notebook nang mabasa ko ang pangalan ng estudyanteng nagpakamatay.

"Kean James Ambot, 15. Attempted suicide and still in coma."

Iyon ang sabi sa dulo ng report. Napaupo ako sa sahig sa sobrang pagkabigla. Hindi ko alam kung bakit sumakit bigla ang dibdib ko. Pinukpok ko iyon dahil hindi ako makahinga ng maayos. Hindi ko napigilan ang aking luha. Tinakpan ko ang mukha ko at hinayaang mabasa iyon ng mga luha ko.

Paano ko sasabihin kay Kean ang nabasa ko? Paano ko sasabihing siya pala ang may gustong mamatay na siya. Bakit pa niya gustong bumalik?

Paano ko siya tutulungan? Lalo lang nagulo ang utak ko. Kapiranggot na nga lang, nagugulo pa.

Tumayo ako matapos kong pahirin ang luha ko. Hinagilap ko ulit ang notebook. Napansin ko ang pangalan ng may-ari. Lalo akong naguluhan nang makita ang pangalan ni Vice pres.

**********************************************

Nagpasya na akong umuwi matapos ayusin ang locker ko na sinisiksikan ng schoolmates ko ng kung anu-anong basura. Pinagmasdan ko ang yellow notebook bago nagpasya na itago muna ang notebook sa locker ko. Hindi pa ako handa na sabihin kay Kean ang nalaman ko.

Natulala ako saglit matapos kong isara ang locker at kunin ang bago kong bag. "Hindi kaya si Vice pres ang bestfriend ni Kean?" ang sabi ng varsity player sa akin JG daw ang pangalan. Isa lang ang kilala kong JG sa school at 'yon ay si John Gervie na vice president ng student council. Malay ko naman kung mayroon pang student na may ganoong bansag hindi ba? Bakit ngayon ko lang naisip. Kailangan kong tanungin si Vice pres.

Madilim na rin at halos wala nang tao sa school maliban sa SSC officers na nag iikot pa at mga faculty members. Naglalakad ako nang mapadaan ako sa SSC office.

"John Gervie!!" sigaw ko sa malayo nang makita ko siyang lumabas kasama ng ibang officers. Napalingon din ang ibang officers na nauuna nang maglakad tapos nagbulungan sila.

Napakunot noo naman si vice pres sa akin . Nilingon niya ang ibang officers kaya nagpaalam na ang mga ito na mauuna na sila.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko habang lumalapit sa kanya. Hindi ko maalala kung nakailang lunok ako at buntung-hininga para magkalakas ng loob para kausapin siya.

Blank ang expression niya na nakatingin sa akin. May dala siyang libro sa kanang kamay niya. Hindi ko alam kung galit sya, naiinis o normal lang sa kanya ang ganyang tingin. Para wala lagi siyang emosyon.

Nang makalapit ako tinanong ko agad sya."Alam mo 'di ba?"

"What? What the hell are you talking about?"

"Si Kean," pagkasabi ko no'n ay nawala ang pagkunot ng noo niya. "Alam mo na nag-suicide siya, ikaw ba si JG?"

Nagtaas noo siya at pinasok ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa. "And so?"

Naliwanagan ako. Siya na nga ang hinahanap ko. "Alam mo rin na nakikita ko ang kaluluwa niya." Humakbang ako ng isang beses palapit sa kanya.

Hindi siya umimik. Diretso lang siyang nakatingin sa akin.

"Ano pa'ng alam mo tungkol sa kanya? Ikwento mo naman sa akin."

He smirked and shook his head. "Why would I tell you? Sorry I don't talk to strangers."

He walks out but I seized his arm. I am so desperate to know who was Kean and he is the only way. "Sandali lang." Napatingin siya sa braso niya at parahas na binawi iyon

"Don't touch me." blank expression pa rin siyang tumingin. He has this cold personality.

Inismiran ko siya dahil sa attitude niya."Arte mo." Akala mo artista, bawal hawakan? Tss. "Gusto ko lang ikwento mo ang nalalaman mo para matulungan ko siya." diretso ko ng sabi.

He crossed his arms above his chest. He laughed sarcasticly then pointed his finger."I TOLD YOU NOT TO HELP HIM! BUT YOU DIDN'T LISTEN. NOW YOU WANT ME TO HELP YOU? HUH! YOU ARE CRAZY."

Nagulat ako sa pagsigaw at pagturo niya sa akin."Bakit ka nagagalit diyan?"

"Kasi ang kulit mo!"

"Marunong ka naman pa lang magtagalog pa-english english ka pa. Pinadudugo mo lang ilong ko."reklamo ko sa kanya. I sniffed. Siya naman ang napahinto sa sinabi ko.

I heard him sighed "Fine. If you want to help him, then go. Basta 'wag mo lang akong guguluhin." Tinanggal niya ang pagkrus sa braso tumalikod siya sa akin at naglakad palayo.

"But I need your help! Bestfriend mo naman siya 'di ba?" Sinundan ko siya habang tinatahak namin ang mahabang pasilyo ng eskuwelahan.

"WALA AKONG BESTFRIEND NA KATULAD NIYA," Humarap siya ulit sa akin at sinigawan ako. Umatras ako nang bahagya, bigla akong natakot sa kanya. "Now if you want to live normal just leave me alone. He chose to die. He chose to leave me. Bahala siya sa buhay nya." Naramdaman niya siguro ang takot ko kaya hininaan na niya ang boses niya.

"Ayaw mo ba siya mabuhay uli? Anong klaseng kaibigan ka! Ikaw dapat ang tumulong sa kanya hindi ang ibang tao! Kailangan niya magising!" I shouted at him. Nainis siya kaya isinandal niya ako ng malakas sa wall ng room malapit sa amin. Nanakit ang likod ko sa pagtama roon. Ang lakas ng pwersa niya tila nanghina ako. Gusto ko ngang umupo sa sahig kaso hinawakan niya ang mga braso ko pataas.

I saw fire in his eyes. He seems to have a grudge with Kean. Mali yata talaga ako ng nilapitan pero ano'ng gagawin ko kung siya na lang ang naiisip kong pag-asa namin? "I don't care. Magising siya kung gusto niya or mamatay na lang siya ng tuluyan para matapos na ang paghihirap niya." He grinned, removed his hands on me and stormed away. Naramdaman ko ang galit sa mga mata niya. Bakit siya galit na galit kay Kean?

Sa tingin ko may lihim siya na hindi niya masabi sa akin. Iyon ang kailangan kong malaman. Siya lang ang tangi kong malalapitan.

**********************************************

Kaugnay na kabanata

  • Mysterious Case of Love   Seven :The transferee is a celebrity 1

    Seven :The transferee is a celebrity 1Paakyat na sana ako sa may hagdanan papuntang second floor nang may mambato sa akin at tinamaan ako sa likod ng ulo ko. "Aahh!" daing ko. Pagtingin ko sa bagay ginamit pambato sa akin, tennis ball pala. Gumulong iyon palayo sa akin. Lagi na lang ba akong binabato? tss.Narinig ko ang tawanan ng mga babae sa bandang likuran ko kaya ako napalingon. Nakita ko ang taong nagpahiya sa akin kahapon;si Nelorie. May kasama siyang dalawang babae. Ang babaeng sobrang lawak ng imahinasyon dahil sabi niya kahapon isa raw akong witch. Well, mukha lang naman. Grabe siya manlait, mukha ba akong may hawak na walis? vacuum kaya gamit ko kahapon."Oh ano, bitchy witchy masakit ba?" nakangising tanong niya habang hinahagis pataas at sasaluhin ang isa pang tennis ball. Kinuha niya ito sa kasamahan niya na may hawak pang dalawa sa magkabilaang kamay. "Gusto mo pa ng isa?" binato niya ulit sa akin ang bola. Tumagilid ako ng kaunti kaya tumama iyon sa kaliwang pisngi ko

  • Mysterious Case of Love   Eight: the transferee is a celebrity 2

    Flare Joshel Kanina pa ako nagtataka pagkapasok ko sa loob ng school. Wala akong student na nakikita sa hallway, garden, kahit sa field. Inikot-ikot ko ang paningin sa buong paligid. Bakit parang walang tao. Late na ba ako? Tiningnan ko ang wristwatch ko. Nagbilang pa ako mula sa unang linya hanggang sa kung saan nakaturo ang hour hand. Classic wristwatch kasi ito kaya naman hirap ako magbasa ng oras. Si mama kasi eh, ganito raw ang gamitin ko para sosyal like duh kapag digital ba ginamit ng tao pulubi na siya? Hindi naman eh. "One, two, three, four, five, six. Siiixxx." tiningnan ko naman ang minute hand. Ganoon din ang ginawa ko pero count by five naman. "Five, ten, fifteen, twenty, twenty---" nakita kong nasa gitna ng 20 at 25 ang minute hand. Ano ba'ng gitna ng 20 at 25? Ah ewan. "Six and twenty something minutes," sabi ko na lang. Haist bukas talaga hindi ko na ito susuotin lalo ko lang napapatunayan ang kabobohan ko at hindi ko iyon gusto. Maaga pa naman ah, bakit kaya walang

  • Mysterious Case of Love   9: Flare has a friend?

    Flare JoshelPumasok na ako sa classroom matapos akong patalsikin ni Vice pres. Nagkukumahog akong lumabas sa hall dahil natatakot akong mapagalitan niya. Kung nakakatakot si Nelorie, mas nakakatakot siya at ayaw ko siyang makalaban.Pagdating ko sa room, bumalik na ang sigla ng classroom namin. Ang kalat na rin ng paligid dahil tila mga bata sila na nagbabatuhan ng bolang papel sa isa't-isa. Ang mga babae naman ay nagtutumpukan sa gilid at nagtsi-tsismisan.Naupo akong muli sa chair ko. Saglit akong natulala nang maalala ang nangyari kanina sa loob ng Olympus hall bigla akong natawa nang sumagi sa isip ko ang itsura ni vice pres. Kasi naman, may suot pa siyang party hat kaso 'yong mukha niya parang nalugi sa negosyo. Iyon ba ang welcome party para sa kanya? Hay nako. napapailing na lang ako."HAHHAHA!" Hindi ko napigilan ang tawa na lumabas sa bibig ko. Hindi ko magawang huminto sa pagtawa nakahawak pa ako sa tiyan ko. Napatingin lahat ang classmates ko sa akin. Tinakpan ko ang bibig

  • Mysterious Case of Love   10: Nelorie's new enemy.

    Nelorie's POVNapagod ako kakahabol kay bitchy witchy kaya naman hininto na namin ang paghahabol. I can't understand myself why I hate her. Simula nang mangyari ang incident few days ago hindi ko mapigilan ang mainis sa kanya. Maybe because I see myself to her before. Yeah, dati akong katulad niya. Medyo angat nga lang ako dahil ako nerd lang, siya weird. Pero the way she dress, iyong mahabang palda, buhaghag na buhok at maluwag na blouse? Akong ako noon. Nasa classroom na kami. Katabi ko ang dalawang kaibigan ko na kasa-kasama ko kahit saan. Nagdadaldalan silang dalawa. Mga kaibigan ko nga ba o nakikisama lang dahil matalino at sikat ako sa campus. But I don't care anymore, kahit pa plastic sila atleast ngayon meron na akong matatawag na kaibigan. Pumasok ng tuluy-tuloy si JG. Sinundan ko lang siya ng tingin habang umupo siya sa harapan. I admit,I like John Gervie. Hindi kasi sya iyong tipikal na lalaki. Hindi sya nag e effort na gustuhin mo sya,pero marami parin na n

  • Mysterious Case of Love   11: He's back

    Flare Joshel Sinasamantala ko ang araw na walang pasok. Maaga pa lang, naririnig ko na ang mga kapitbahay naming nag-aaway. Katapat namin sila ng bahay. Nagbabatuhan ng mga kagamitan nila sa bahay. Tumapat ako sa bintana ng kuwarto ko at naupo sa tapat niyon upang siliipin ang mga tao sa ibaba. Nakapuwesto ang kuwarto sa ikalawang palapag. Nakaupo ako sa tabi ng bintana habang nakatingin sa mga taong dumadaan. Natatanaw ko ang mga kapitbahay namin sa baba habang kumakain ng marshmallows. Ito talagang mag-asawang kapitbahay naming, lagi na lang nag-aaway. Babaero kasi ang lalaki kaya nagseselos ang babae. Ang edad nila, tantiya ko, mga nasa kuwarenta pataas na. Nakita ko kung paano hampas-hampasin ni Aling Loreta ng sandok ang asawa niyang si Juancho. Kinukompronta ng babae kung sino 'yong nakita ng kapitbahay nila na kasama ni Kuya Juancho sa mall. "Hala, sige banatan mo," I cheered her wife. Tama lang iyan sa mga babaero. Kung pwede nga lang sana ipatapon sila sa bermu

  • Mysterious Case of Love   12: The Kiss

    Pagkarating ko sa school ay nakita ko agad siya sa sa harapan ng gate. Nakahalukipkip siya na naghihintay. Sumenyas siyang sundan siya pagbaba ko. Nakita ko ang pagtagos niya sa tarangkahan na parang isa siya sa mutant student ni professor Charles. Napamura ako sa inis, depungal baka tumatagos siya, ako kailangan pang kumatok sa gate. Gusto niyang sundan ko agad siya.Ilang beses akong kumatok bago pagbuksan ni manong guard. Nagulat pa siya nang makita ako."Oh hija, wala pang pasukan sabado pa lang," pagbibiro nito. Kilala ni mang Herman ang halos lahat ng students dito kahit sa mukha lang kaya hindi ako nagtataka kung namumukhaan niya ako.Ngumiti lang ako. "Manong, pwede bang pumasok?""Bakit, may permit ka ba?""Kasi manong. Ihing-ihi na kasi ako." Um-acting ako na parang naiihi. Ang lame ng excuse pero iyon lang ang naisip kong idahilan. Nakahawak pa ko sa tiyan ko para medyo kapani-paniwala. "Galing kasi ako sa kaklase ko. Pauwi na po ako nang makaramdam ng pag-ihi. E napadaa

  • Mysterious Case of Love   13:Hospital

    Flare Joshel's POVKasalukuyan kong pinagmamasdan ang natutulog na si Gervie. May dextrose at may oxygen sya sa bibig.We're here in hospital. Together with student councils except the president. Naroon parin sya sa school at nagreport daw sa incident. Susunod nalang daw sya sa amin.Nagpapasalamat ako dahil dumating ang SSC Officers kung saan naroon kami ni vice pres. Naiyak nga ako nang binuhat palabas ni Vince si JG. Pero hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit biglang nagkaganoon siya. Maiintindihan ko kung nagtagal kami sa room ng ilang oras. Pero minuto lang ang tinagal namin roon,ganoon na bigla ang nangyari sa kanya?Nagpakilala sila sa aking lahat kanina matapos maipasok sa emergency room si JG. Hindi sya iniwan ng mga ito hanggang sa ward. Siguro nga kahit mainitin ang ulo niya ay mahal parin sya ng mga tao sa paligid nya at ganoon sya kahalaga.Kausap nina Vince at Anne ang doctor sa labas ng kwarto. Nandito kami sa loob ni Friah,Henry, at Dj. Tulog si vice president."

  • Mysterious Case of Love   14 : Maniac?

    Sinundan ko si Kean hanggang sa makarating kami sa isang private room na may window glass sa may pintuan. Doon lang kaming dalawa nakasilip. May nagbabantay na isang lalaki na naka business attire sa kanya. Nakaupo ito sa tabi ng kama nya hawak nito ang kanyang kamay.Paharap sa pinto ang bed ni Kean kaya naman nakatalikod sa gawi namin ang lalaki na parang nasa mid-40's na."Ikaw ba yan?" turo ko sa pasyente sa loob ng room. Medyo malayo kasi kami. Ayoko naman pumasok sa loob dahil may bantay sya. Isa pa,payat ang katawan nito."Hindi. Kapitbahay ko iyan. Malamang ako diba? " masungit niyang sagot habang nakatingin sa katawan nya.Pinaningkitan ko sya ng mata. "Bat ang sungit mo?"He stared annoyingly."Bat ambobo mo?""Tss." ngumiwi ako sa sinabi nya. Savage talaga ang lalaking ito. Bakit ko ba sya tinutulungan?"Siya ba ang papa mo?" tukoy ko sa lalaking hindi ko makita ang mukha."Siguro. Kamukha ko sya eh."I looked at him disgustingly. "Pati papa mo hindi mo matandaan?"Galing mo

Pinakabagong kabanata

  • Mysterious Case of Love   Chapter 50: Final Chapter

    Third Person's POVInilapag ni Flare ang bulaklak sa gilid ng lapida ng kanyang papa. Noong huli niyang punta rito ay umiiyak siya pero ngayon ay nagagawa na niyang ngumiti.Nagpapasalamat siya sa kanyang ama na kahit sa huli nitong hininga ay hindi siya pinabayaan. She thinks she is the luckiest person to have a father like him."Thank you,papa. Don't worry,aalagaan ko ang sarili ko pati na rin si mama para sa'yo." nakangiti niyang sabi.Niyakap naman siya ng mama niya na nakangiti rin. Tanggap na nila ang sinapit nito at mahirap man ay kailangan nilang magpatuloy upang hindi masayang ang pinaghirapan nito."Papa,may chika pala ako sa'yo."excited na sabi niya. Lumingon muna siya saglit sa blankong mukha ni JG bago bumulong. "May boyfriend na ako,pa. Ang gwapo." kinikilig niyang kwento rito."Tch." narinig niyang sabi ni JG.Tumikhim naman siya saka tumingin kay JG na parang naiinip na. Siningkitan niya ito ng mata kaya naman napakunot-noo ang binata."Bumati ka sa papa ko." utos niya

  • Mysterious Case of Love   Chapter 49: Choose

    Flare's POVMatapos ang insidenteng iyon,nakakapanibago na ang paaralan nila dahil pumalit na sa pwesto si Mrs. Ancelor. At dahil pangalawa sa may malaking shares ang pamilya ni Nelorie,napunta sa kanila ang paaralan sa pamamagitan ng pagbili ng shares sa family ni Mr. Principal.Sinabi rin sa kanila ng parents nila ang totoong nangyari ten years ago. Sila pa lang anim ay nakulong sa classroom habang nasusunog iyon gawa ng kindergarten pupil na si Maki Dela Cruz. Bata pa lang pala ay magkakakilala na ang mga magulang nila at ang sabi ng mama niya,kaibigan ng papa ni Kean ang papa niya. Meron nga rin daw na namatay dahil sa aksidenteng iyon.At dahil sa pangyayaring iyon,nagkatrauma silang lahat. Nagtry daw ang mga magulang nila na ipacouncil sila ngunit ang kanilang principal ay nag-offer na ipapakilala sila sa isang doctor na kayang magperform ng hypnotism. At iyon nga ang ginawa sa kanila. Upang tuluyan na raw nilang makalimutan ang lahat

  • Mysterious Case of Love   Chapter 48: Caught

    "Scottie,okay ka lang?"tanong niya nang may pag-aaalala. Samantalang si Cranberry ay nakamasid lang rito.Natauhan naman ito na tumigil at tumayo ng maayos. Muli na naman itong ngumisi. "Nagkita na tayo noong mga bata pa tayo,hindi mo ba ako natatandaan?"Nagkita sila? Kailan? Hindi niya matandaan."Hindi,"iling niya.Lalo itong ngumisi na ikinakilabot niya. "Pwes,gagawa ako ng paraan para matandaan mo."Nagpalinga-linga ito sa paligid habang si Berry naman ay dumungaw sa bintana.Nakita na lang niya na may hawak nang maliit na balde si Scottie."Ano'ng gagawin mo?" kinakabahan na siya sa kung ano'ng gagawin nito sa kanya. Pwersahan na niyang iginalaw ang mga braso upang makatakas ngunit wala paring nangyari.Ibinuhos ni Scottie ang isang maliit na baldeng may gaas sa paligid ni Flare. Pakanta-kanta pa

  • Mysterious Case of Love   Chapter 47:

    *****Third Person POV"Nasaan na yon?"Naiinis na hinalungkat ni Scottie ang bag ni Flare. Hindi pa siya nakuntento ay ibinuhos niya ang laman nito.Nagtatanong naman ang isip ni Berry na nakamasid sa napaparanoid na lalaki."Nasaan yung journal!" sigaw nito habang napafrustrate na.Sa ingay ni Scottie ay nagising si Flare. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata kahit hirap siya dahil blurred pa ang paningin niya. Naaninag niya ang isang lalaki at isang babae.Hahawakan niya sana ang ulo niya dahil sa sumasakit ito pero nagulat siya nang mapansin na hindi niya magalaw ang kanyang kamay. Iyon pala ay nakatali ito.Nanlaki ang mata niya nang makita sina Scottie at Berry sa harap niya. Nagulat din naman si Berry kaya naman tumalikod ito."Berry? Scottie? Nasaan tayo,bakit ako nakatali?" tanong niya

  • Mysterious Case of Love   Chapter 46: Scottie's past

    *THIRD PERSON POV*Pinagmamasdan ni Scottie na nasa katauhan ni Maki ang tulog na si Flare habang nakatali ito sa upuan.Itinaas niya ang susi na galing sa kanyang namayapang tito. Napangiti na lang siya nang maalala ang mukha ng tito niya habang naghihingalo. Alam na niya ngayon kung para saan ang maliit na susing ito. Ito ang hawak nito bago tuluyang bumagsak sa sahig.Buti nga sa kanya. Anang isip niya habang nangisi. Masyado kasi itong hadlang sa buhay niya. At sa totoo lang,iyon naman na talaga ang plano niya rito. Iyon nga lang,ang lason na ginamit niya ay tumatalab lang kapag madalas gamitin. In short,ang tsaa na iniinom nitong may lason ay hindi agad tumatalab. It takes time. And how happy he was when he saw the result.Goodbye,my one and only uncle.Hindi niya napigilan ang luhang may halong poot at tuwa. Sa wakas,napatumba na niya ang mahigpit niyan

  • Mysterious Case of Love   Chapter 45:Bad News

    Flare's POVHindi ako makatulog pagdating ng gabi. Nahuhuli ko na lang ang sarili ko na nagpapagulung-gulong sa kama ko habang yakap ang kulay blue kong unan. Naaalala at lagi pa rin sa isip ko,paulit-ulit na nagrerewind ang sinabi ni Gervie.Ano kayang ginagawa niya ngayon? Tanong ko bigla sa isip ko.Iniisip niya rin kaya ako? Kaya siguro hindi ako makatulog! Kyaaah!Humiga ako sa kama at nagpapadyak-padyak. Hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng kama kaya nalaglag ako."Ouch!"I grunted holding my back. But I just smile like I have never been hurt. I'm too happy just to think my back is aching right now.Inabot ko sa mini drawer ang cellphone ko. Baka nagtext na siya. Abot tenga pa ang ngiti ko.But I was so disappointed when I saw nothing. No vice pres on my message box. Si talk 'n text lang ang masugi

  • Mysterious Case of Love   Chapter 44: JG points

    Flare's POV"Umalis ako umiiyak ka,pag-iyak na lang ba ang kaya mong gawin,maniac?"Tinaas-baba ko muna siya ng tingin bago ako tumayo. Istorbo sa pamumuhay naman ang lalaking ito,nagsisenti yung tao eh.Nagpunas ako ng luha bago humarap sa kaniya."Bakit nandito ka pa?"hindi ako makatingin sa kaniya dahil alam niyo na,natatakot ako sa blanko niyang mata.I heard him hissed."Tch. Natural,nag-iikot ang mga Student council para tingnan kung may natira pang student sa loob BAGO KAMI UMUWI." pagdidiin niya sa tatlong huling salita. As if sinasampal niya sa mukha ko iyon. "Bakit nandito ka pa,ano'ng oras ka na naman makakauwi? It's dangerous to stay up late. Umuwi ka na,grounded ka diba?""Paano mo nalamang grounded ako? May pa-detective ka diyan ah. Tsaka wala kang paki,tutal hindi mo naman ako kaibigan diba,so hindi ka dapat

  • Mysterious Case of Love   Chapter 43: Transfer?

    Flare's POV"Magtatransfer ka?" gulat na tanong ni Nelorie sa akin. Napatayo pa siya. Breaktime ngayon kaya nasa cafeteria kami.Napakagat-labi ako nang mapatingin sa akin sina Joshua at JG. Simula ngayon magkakasama na kami kumain tuwing breaktime. Hindi namin matanggihan si Tanda este si Kean nang sabihin niyang dapat sama-sama kami. Akala mo naman talaga tunay kaming magkakaibigan."Maupo ka nga,nakakahiya ka!" hinihila ko siya pababa para mapaupo."You heard it right,magtatransfer siya. Huhuhu!" kunwa'y naiiyak pang suminghot si Kean. "Kaya naman magbabayad na ako sa utang ko sa iyo. French fries,cola,marshmallows and pizza." he said then put the tray in front of me.Ngumiti lang ako sa kanya.Kahapon,hinatid niya ako sa bahay namin. Nagulat pa si mama nang makita na may mga kalmot,pasa at namumula ang pisngi ko pero ang sabi ko lang ay

  • Mysterious Case of Love   Chapter 42: Kindergarten

    *Third Person POV*"Nawala lang tayo saglit,nagparty na ang mga daga? Tss." sabi ni Kean habang tinitingnan siya ni John Gervie. Nasa loob sila ng Clinic at hinihintay magising si Nelorie. Nakayuko lang si Joshua sa gilid ng kama ni Nelorie.Si Flare naman ay nilalapatan ng ice pack sa pisngi ni Nurse Maggie.Hindi nila halos maalala na may naiwan sila sa pool area.Alam na niya kung sino ang may gawa ng lahat ng ito. Maghintay lang sila,paparusahan niya ang mga ito.After niyang makipagmeeting kasama ang SSC officers ay may nagbalita sa kanya paglabas nila na pinagtulungan sina Flare,Berry,at Nelorie. Sinabi niya ito kina Kean at Joshua na kakabalik lang mula sa kani-kanilang assignments. Kaya naman dali-dali silang naghanap. Mabuti na lamang ay nakita niya ang ibang students na papunta sa Poseidon's pool.Exam day ngayon pero nagkaroon ng ganitong problema. Nananakit lalo ang ulo niya,tapos iyong sugat pa niya sa braso hi

DMCA.com Protection Status