Kilala si Lucky bilang sikat na artista ng kanyang panahon. Matapos ang isang trahedya, malalaman niya ang pinakatatagong lihim ng kanilang pamilya.
View MoreLucky's POVAkala ko papagalitan ako ni Señora Rosario kapag nalaman niyang lumayo sa simbahan. Nagulat ako nang masaya siyang makita na magkasama ni Magnus. Mukhang nagkakamabutihan na raw kami at maganda iyon para sa pagsasama namin. Isang tipid na ngiti na lang ang binigay ko bago siya inayang umuwi. Mamaya kasi kung saan na naman mapadpad ang usapan namin ni Magnus.Pagbangon ko, rinig ko ang komosyon ng mga tao sa baba. Nakalimutan kong pista na nga pala ng mga patay at isa si Señora Rosario sa punong abala. Iba talaga ang devotion ng nga tao sa panahong ito sa simbahan.Pagbukas ko ng pintuan, agad akong hinila ni Perlita para muling pumasok sa kwarto. "Bakit ba? Marami pa akong gagawin." Sabi ko habang inaayos ang pagkakapusod ng buhok ko. Wala akong makitang panali ng buhok kaya naman gumamit nalang ako ng stick at tinusok sa buhok ko.Inaasahan ako ni Señora Rosario na magluto para sa dadalo ng padasal. Ilang araw ding kinalimutan ang mission ko kay Magnus para lang ituon ang
Lucky's POVTulala pa rin ako nang marating namin ang lugar na sinasabi ni Magnus. Hindi pa rin nag-sink in sa utak kong pinili niya akong bigyan ng pagkakataon kesa samahan si Juana sulsulera."Ayy!" Sigaw ko pagbaba namin ng kalesa. "Anong nangyari?" Kita sa mukha ni Magnus ang gulat sa sinabi ko dahil agad niyang sinuri ang katawan ko. "Nasaktan ka ba?"Sunod sunod akong umiling bilang sagot sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ang bait bait niya sa akin, samantalang noon gusto niyang mawala si Lucia sa buhay niya."Hindi kasi ako nakapagpaalam kay ina. Mamaya mag-alala sa akin iyon, bumalik nalang kaya tayo." Sabi ko. Pangalawang beses na iniwan ko si Señora Rosario sa simbahan, mamaya hindi na niya ako payagang lumabas kapag nalaman niyang umalis ako ng hindi nagpapaalam.Ngumiti lang si Magnus at hinila ako papalapit sa kanya. "Kasalukuyang magkasama sila ng aking ina at inaayos ang magaganap na pista ng mga patay. Paniguradong aabutin sila ng gabi kaya nam
Lucky’s POV Napaupo kami sa gilid ng simbahan matapos naming makipaglaro ng habulan sa mga bata. Hindi ko akalaing mapapagod ako ng ganito, ilang minuto na ang lumilipas pero hinahabol ko pa rin ang hininga ko. Pinagkaisahan namin ng mga bata si Magnus, siya ang palagi namin tinataya pero palagi namang bumabalik sa amin dahil sa bilis niyang tumakbo.Inabutan kami ni Magnus ng tig-isang buko juice pantawid uhaw. As usual, siya ang nagbayad dahil wala naman akong dalang pera palagi, kung mayroon man hindi sapat. Ngayon nila sabihing galing ako sa pinakamayamang pamilya sa panahong ito, wala nga akong kapera-perang dala.“Ate Lucky, laro ulit tayo bukas.” Sabi ni Felipe habang ginamit ang damit niya bilang pamunas sa pawis. “Hindi ko maipapangako.” Sagot ko na nagpawala ng ngiti ng mga bata. “Pero sa tuwing pupunta akong simbahan, palagi akong makikipaglaro sa inyo.”Sabay sabay na nagsaya ang mga bata matapos ang sinabi ko. Tagaktak pa rin ang pawis ko kaya naman ginamit ko ang mang
Lucky's POV“Hay!” Tanging sabi ko nang maupo sa hagdanan sa labas ng simbahan. Ngayon ko lang na-realize na hindi ako sanay na wala akong trabaho. Kadalasan, one month lang ang binibigay ni Mommy sa pagitan ng mga projects ko para magpahinga. Palagi akong nagreklamo dahil napakabilis lang at hindi ko nagawang i-enjoy ang bakasyon ko.Sa panahong ito naman, dalawang linggo palang ako pero para na akong mamamatay sa boredom. Pinilit ko pa si Señora Rosario na isama ako sa lakad niya ngayong araw. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang sabihin kong sasama ako sa kanya. Ayon kay Perlita, ito ang unang beses na nagkusang lumabas ng bahay si Lucia, palagi nalang kasi itong nagkukulong sa kwarto nito.Kaya naman pala si Magnus lang ang gusto niya dahil ito lang kilala niya. Kung sinubukan lang niyang lumabas,makikita niyang madami pang lalaki ang karapat dapat sa pag-ibig niya. Maganda naman siya, paniguradong maraming lalaki ang magkakagusto sa kanya.Sa limang minuto kong pag-upo sa
Lucky's POVReady na ang monologue ko kaso biglang hinila ni Magnus si Juana sa lugar na walang tao. Gusto niya ‘atang ma-solo ang girlfriend niya.Nagpasya kaming magtago ni Perlita sa isang malaking puno upang marinig ang pag-uusap ng dalawa. Kahit pa may kung anong nag-uudyok sa aking hilain ang buhok ni Juana at ilampaso sa sahig.“Kalma, Lucky.” Bulong ko sa sarili ko. “Hindi mawawala ang class mo ng dahil lang sa isang lalaki.”Hindi ko napigilan ang sarili kong tignan si Juana mula ulo hanggang paa. Tama nga si Perlita, kulay kayumanggi si Juana at napakamahinhin. Maihahalintulad mo siya kay Maria Clara pero napangisi pa rin ako.Ano naman kung isa siyang huwarang Pilipina, mas maganda naman ako sa kanya.“O aking irog, nadudurog ang aking puso sa tuwing nakikita kitang kasama mo si Lucia. Pakiramdam ko’y unti unti ka na niyang inaagaw sa akin.” Sabi ni Juana habang hawak ang kamay ni Magnus.Tinakpan ko naman ang bibig ko dahil kakaunti nalan
Lucky's POVFirst time kong gumising sa panahong ito na nakangiti. Nagawa man akong iwan ni Magnus sa balkonahe para sundan si Juana, masaya pa rin ako. Lumuluha si Juana bago tumakbo papalayo sa bahay ng mga Alindogan.Sa tingin ko, nakita niya ang magkahawak na kamay namin ni Magnus. Sinuman ang makakita sa amin sa ganoong posisyon ay iisipin na mayroon kaming relasyon. Napaka-malisyoso pa naman ng mga tao sa panahong ito.Sana naman tigilan na niya si Magnus matapos ng nasaksihan niya.Pinipilit ko naman ang sarili kong kalimutan ang pagtatapat ni Amado. Sigurado na akong hindi siya si Gio kaya naman kailangan ko na siyang layuan at mag-foucs sa mission ko.“Magandang umaga.” Bati ko nang pumasok sa hapag kainan at binigyan ng yakap ang magulang ni Lucia at Ate Amor na nagsisimula na kumain ng agahan.“Mukhang maganda ang gising ng aming bunso.” Nakangiting sabi ni Señora Rosario nang umupo ako sa pwesto ko. “Maaari ko bang malaman ang dahilan ng ngit
Lucky's POVTahimik ako naka-upo sa railing ng balkonahe ng bahay nila Magnus. Nakatanaw ako sa buwan na nagsisilbing ilaw ko sa madilim na kapaligiran. Pinili kong magtago dahil pakiramdam ko naubos ang energy ko sa pakikipag-socialize sa mga tao. Hindi ko sila kilala tapos kakaunti nalang dudugo na ang ilong ko sa lalim nilang magsalita ng Tagalog at Spanish.Idagdag mo pa ang pagtatapat ni Amado na nagpasakit ng ulo ko.“Woah.”Nagulat ako nang mayroong yumakap na braso sa beywang ko. Agad akong napakapit sa braso sa takot na mahulog, sementadong hagdanan pa naman ang babagsakan ko. Napahigpit ang kapit ko nang maramdaman kong hinihila niya ako pababa.Nang makatapak ang paa ko sa sahig ay agad kong hinarap ang damuhong nagpakaba sa akin. “Magnus?” Sabi ko habang inaaninag kung tama ba ang hinila ko.Tinaas niya ang bitbit niyang lampara at doon nakompirma ang hinala ko. Lumapit ako sa kanya at sa inis ko a
Lucky's POV"Aray ahh." Reklamo ko habang inaayusan ako ni Perlita. "Sigurado ka bang wala kang galit sa akin? Parang nilalabas mo na sa buhok ko ang lahat ng sama ng loob mo.""Hindi 'yan totoo, Señorita." Sagot niya at ramdam ko ang biglang panginginig ng kamay niya."Kalma. Joke lang 'yun, huwag mong damdamin.""Joke?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Marahan kong tinapik ang kamay niya. "Binibiro lang kita, masyado ka kasing seryoso sa ginagawa mo." Sagot ko at doon lang muling nakahinga ng maluwag si Perlita."Bakit ko ba kailangang mag-ayos? Akala ko may unting salo salo lang sa bahay ng mga Alindogan." "Sinabi lang iyon ni Señora Isabel para pumunta ka." Sagot niya at nilagyan ng pearl hairpin ang nakapusod kong buhok. "Alam niya kasing hindi mo siya sisiputin kung isang malaking pagdiriwang ang gaganapin sa kanilang tahanan."Totoo ang sinabi ni Perlita. Ilang beses na akong ina-anyayahan ni Señora Isa
Lucky's POVLaking pasalamat ko nang wala na nangulo sa akin ngayong araw. Hindi na bumisita si Magnus o ‘yung pinsan niyang si Amado. Nahihiya ako na nakipag-away pa ako kay Magnus para sa maling tao pero at the same time naguguluhan ako dahil sa pag-aalala niya sa akin.Idagdag mo pa ang kakaibang reaction niya nang yakapin ko si Gio este Amado pala. Para siyang sasabog sa galit dahil sa ginawa ko.Possible kayang nagkakagusto na siya sa akin?Napailing ako. “Impossible.” Bulong ko sa sarili ko. Tulad ng sabi ni Tita Amanda, hindi pwedeng magsama ang dalawang kaluluwa sa iisang katawan. Nakakasiguro akong hindi rin pwedeng magsama ang kaming dalawa ni Juana sa puso ni Magnus.“Señorita, uminom ka muna ng tsaa.” Sabi ni Perlita at inabot sa aking isang tasa.Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang upuan sa tabi ko
Lucky's POV"Miss Lucky may emergency po." Bungad sa akin ni Yana, ang personal assistant ko, pagkapasok ng dressing room. Kakatapos palang ng guesting ko sa isang talk show at mukhang sasalubungin na naman ako ng isang masamang balita."Kung tungkol na naman kay Agatha 'yan, don't bother. I knew it already, siya na ang bagong endorser ng Shoebizz and I don't care." Sagot ko at umupo na sa upuan ko.Alam kong magagalit na naman si Mommy dahil may tinanggihan na naman akong kontrata. But like I said kanina, I don't care.Hindi kayang abutin ng Shoebizz ang mga list of demands ko. So, why would I settle for less? Isa pa, hindi kawalan sa akin ang endorserment na iyon dahil madaming brands ang nagkakandarapang makuha ang pirma ko.Ako nga pala si Maria Anna Lucia de Legazpi o mas kilala bilang Lucky sa show business. Anak ng isang superstar at isang businessman....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments