Lucky's POV "Miss Lucky may emergency po." Bungad sa akin ni Yana, ang personal assistant ko, pagkapasok ng dressing room. Kakatapos palang ng guesting ko sa isang talk show at mukhang sasalubungin na naman ako ng isang masamang balita. "Kung tungkol na naman kay Agatha 'yan, don't bother. I knew it already, siya na ang bagong endorser ng Shoebizz and I don't care." Sagot ko at umupo na sa upuan ko. Alam kong magagalit na naman si Mommy dahil may tinanggihan na naman akong kontrata. But like I said kanina, I don't care. Hindi kayang abutin ng Shoebizz ang mga list of demands ko. So, why would I settle for less? Isa pa, hindi kawalan sa akin ang endorserment na iyon dahil madaming brands ang nagkakandarapang makuha ang pirma ko. Ako nga pala si Maria Anna Lucia de Legazpi o mas kilala bilang Lucky sa show business. Anak ng isang superstar at isang businessman.
Last Updated : 2021-12-14 Read more