Lucky's POV
"Miss Lucky may emergency po." Bungad sa akin ni Yana, ang personal assistant ko, pagkapasok ng dressing room. Kakatapos palang ng guesting ko sa isang talk show at mukhang sasalubungin na naman ako ng isang masamang balita.
"Kung tungkol na naman kay Agatha 'yan, don't bother. I knew it already, siya na ang bagong endorser ng Shoebizz and I don't care." Sagot ko at umupo na sa upuan ko.
Alam kong magagalit na naman si Mommy dahil may tinanggihan na naman akong kontrata. But like I said kanina, I don't care.
Hindi kayang abutin ng Shoebizz ang mga list of demands ko. So, why would I settle for less? Isa pa, hindi kawalan sa akin ang endorserment na iyon dahil madaming brands ang nagkakandarapang makuha ang pirma ko.
Ako nga pala si Maria Anna Lucia de Legazpi o mas kilala bilang Lucky sa show business. Anak ng isang superstar at isang businessman.
Nagsimula ako sa show business nang bata pa lang ako, malimit akong sinasama ni Mommy noon sa mga guesting niya at doon ako nagustuhan ng madla. Simula noon ay hindi na ako nilubayan ng camera.
Nasaksihan ng buong Pilipinas ang paglaki ko. Mula sa pagiging child star hanggang sa kinatatayuan ko na ngayon, teen queen.
Mabait naman akong tao, malaki din ang pasalamat ko sa mga fans ko na hindi ako iniwan mula pagkabata. Medyo sakit ng ulo nga lang ako ng manager at Mommy ko dahil mapili ako sa mga projects na tatanggapin.
Ayokong magkamali at may pagsisisihan sa huli dahil sa show business isang maling galaw mo lang mawawala ang lahat ng pinaghirapan mo.
Ayokong mangyari iyon.
"Lucky!" Sigaw ni Ms. Martha, ang manager ko, hingal na hingal siya habang papasok ng dressing room. "Ang Tita Amanda mo..."
"Anong nangyari sa kanya?"
"Nasa hospital." Nang marinig ko ang balita kay Manager ay agad kong hinila si Yana para dalhin ako sa hospital kung saan na-confine si Tita Amanda.
Halos paliparin ni Yanna ang kotse dahil na din sa utos ko.
Kailangan naming magmadali, noong nakaraang linggo, kung kailan huli kaming nagkita ni Tita Amanda ramdam kong may pinoproblema siya. Hindi niya lang masabi sabi sa akin sa hindi malamamg kadahilanan.
Nahawi ang daan nang makita ng mga taong papalapit kami ni Yana. Rinig ko ang bulong bulungan ng mga tao habang lakad takbo kami papuntang reception ng hospital. Tila hindi sila makapaniwala na nasa hospital ang isang artista.
"Nasaan po ang room ni Amanda de Legazpi?" Tanong ko sa babaeng nasa reception.
"Kaano-ano po kayo ng pas... yente?" Panandaliang na tulala ang babae nang pag-angat niya ng tingin ay ako ang nasa harap niya.
Come on people. Palagi na lang bang ganito? Pare-parehas naman tayong tao, kumakain at dumudumi, bakit kailan pa nilang matigilan kapag nakikita nila ako?
"Pamangkin niya ako." Sagot ko dito. "Ako si ..."
"Maria Anna Lucia de Legazpi." Sabay naming sabi ng babaeng nasa reception.
"9th floor po. Room 9260."
Tatakbo sana ako papuntang elevator nang harangin ako ni Yana. "Hindi magandang idea kung gagamit ka ng elevator, madaming tao ang makakakita sa iyo at mamaya magsimula na naman ito ng panibagong issue tungkol sa iyo." Sabi nito sa akin.
"Ano naman?" Tanong ko sa kanya. "Eh di sabihin natin ang totoo."
"Tandaan mo Lucky, desidido na ang kampo ni Agatha na tanggalin ka sa posisyon mo. Gagawa at gagawa sila ng mga balitang ikakasira mo, pwede din nilang gamitin ang kwento ng Tita mo o mas masama ay gumawa ng kwento upang ikasira mo." Paalala ni Yana sa akin.
"Saan na ako dadaan niyan?" Tanong ko sa kanya. Sinagot naman niya ako sa pamamagitan ng pagturo ng daan. "Wala na bang ibang choice?"
Umiling ito kaya naman naglakad na kami papuntang hagdanan.
Bumuntong hininga ako habang tinitignan kung gaano kataas ang aming aakyatin. "Kakayanin ko ito para kay Tita Amanda." Bulong ko bago sinimulan ang pag-akyat.
Second floor
Sisiw!
Third floor
Hingal ng kaunti
Fourth floor
Keri pa!
Fifth floor
Laban lang ng laban!
Six floor
Habol hininga
Seven floor
Kinakaladkad ko na ang sarili ko paakyat
Eight floor
Halos gapangin na namin ni Yana ang hagdan. Kung may makakakita sa amin ay paniguradong matatakot. Isipin mo ba namang may dalawang babaeng gumagapang sa hagdan, magulo ang buhok na parang si Kayako.
Ninth floor
Halos hindi na namin magalaw ni Yana ang mga hita namin. Ramdam namin ang hapdi at ngalay nito dahil siguro sa pagkabigla.
"Ma'am ok lang po ba kayo?" Tanong ng nurse sa amin ni Yanna nang makalabas kami ng fire exit. Tumango lang kaming dalawa pero ang totoo kulang na lang lumabas ang puso namin sa katawan dahil sa bilis ng tibok.
"N-nasaan ang room 9260?" Tanong ko at tinuro niya sa amin ang daan.
"Sigurado po ba kayo, ayaw niyo munang magpahinga?" Tanong ng nurse sa amin. Umiling kami ni Yanna at nilakad ang daan na tinuro ng nurse.
Nang makarating na kami sa tapat ng kwarto ni Tita Amanda ay agad kong inayos ang sarili ko. Ayokong mag-alala pa siya sa akin kapag makita niya ang haggard kong itsura.
Sumalubong sa aking paningin si Tatay na nakayuko sa tabi ng kamay ni Tita Amanda. Si Mommy naman, nakaupo sa sofa at pinapanuod lang ang magkapatid.
"What happened?" Tanong ko kay Mommy nang maupo ako sa tabi niya. "Bakit siya nandito sa hospital?"
"Your aunt tried to kill herself." Sagot ni Mommy na kinabigla ko.
"Bakit?" Tanging naging sagot ko.
"Iniwan siya ng fiancé niya."
"But it's only two weeks before the wedding. Ano daw ang nangyari?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Tita Amanda and Tito Roy were the sweetest couple I've known. Hindi nga sila mapaghiwalay dahil simula highschool magkarelasyon na silang dalawa.
"I don't know." Sagot ng Mommy. "Wala naman siyang sinabing malinaw na dahilan sa suicide note niya."
Nilabas ni Mommy ang sulat at pinakita sa akin...
Alam kong mali ang gagawin ko pero sana'y patawarin niyo ako. Wala na si Roy. Iniwan niya ako. Iniwan niya ako at hindi man lang nagbigay ng kahit isang paliwanag. Paano ko itutuloy ang buhay kung nawala na sa akin ang kalahati ng aking puso? Paano ko gugustuhing ituloy ang buhay kung napatunayan kong totoo ang sumpa sa pamilya? Kahit kailan ay hindi matutupad ang pangarap kong maging isang mabuti asawa at ina. Mas mabuti pang tapusin ko na lang ito upang hindi na ako magdusa habang buhay.
Sanay maintindihan niyo ang aking desisyon at patawarin niyo ako.
Amanda
"Anong sumpa ang sinasabi niya?" Tanong ko pero umiling lang si Mommy.
"Ang tatay mo ang tanungin mo." Sagot nito sa akin bago lumabas ng kwarto.
Alam kong ayaw ni Mommy kay Tita Amanda pero sana naman magpakita man lang siya kahit kaunti pag-aalala sa kalagayan nito ngayon. Oo, desisyon niyang gawin ang bagay na ito pero hindi ba niya naisip na baka nagkulang kami sa pagpaparamdam kay Tita Amanda na mahal namin siya.
Lucky's POV"Kapag nakita ko lang talaga ang Roy na 'yan, mata lang ang walang latay sa kanya." Sabi ni Kuya Leo habang kumakain kami sa canteen ng hospital.Inayos ko ang pagkakalugay ng buhok at ang shades na suot ko. Medyo may nakakahalata na kasi kung sino ako."Sinabi mo pa, tutulong ako sa paghahanap sa lalaking iyon at tuturuan natin ng leksyon ang gagong iyon." Dagdag pa ni Kuya Paul dahilan para mapailing ako."Sali din ako Kuya." Sabat naman ng kapatid kong si Harold na kanina pa nakikinig sa usapan naming magpipinsan.Pinitik ko naman ang ilong niya, "Hindi pwede dahil bata ka pa. 'Wag kang tutulad sa mga pinsan mong basagulero." Paalala ko sa kapatid ko.Sa pamilya nila Tatay, mas lamang ang bilang ng mga lalaki sa babae. Kakaunti lang ang mga babaeng de Legazpi kaya naman na overpower kami ng pagka-macho ng mga pinsan ko.&nb
Lucky's POV"Totoo ba ang balitang mamahinga ka sa show business?" Tanong ng reporter sa akin.Nandito ako ngayon sa premiere night ng movie ni Rita, isa sa mga alaga ni Ms. Martha. Obligado akong pumunta dahil na din sa utos ng manager ko at isa ito sa mga kondisyon niya bago ako mag-bakasyon.Ayoko sanang magpa-interview dahil ayokong maagaw ang atensyon kay Rita. Gabi niya ito, dapat nasa kanya ang atensyon ng mga tao.Ngunit wala na akong magawa, na-corner na ako ng mga reporter."Gaano ka katagal magpapahinga?""Saan mo binabalak na magbakasyon?""Hey guys!" Bati ng lalaking sumulpot sa likuran ko at umakbay sa akin.Natigil lang ang sunod sunod na tanong ng mga reporter nang sumulpot si Kian, ang ka-love team ko. Matagal na akong napipikon sa lalaking ito, masyadong mayabang at ayaw n
Lucky's POVHindi maalis ang tingin ko sa papel na hawak ko.Sila kaya ang mga babaeng nabiktima ng sumpa sa pamilya namin? Kasama ang pangalan ko! Hindi ko alam kung totoo ba ang sumpa dahil hindi ko pa nararanasang magmahal.Mabilis kong kinuha ang phone ko, "Hello." Sabi ko ng sagutin niya ang tawag."I swear to god Lucky kung hindi ito emergency makakatikim ka ng sermon sa akin." Bungad ni Gio sa akin, ang nag-iisa kong bestfriend."Sorry kung nagising kita.""Really? Are you?" Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa naging sagot niya sa akin. Kilala talaga ako ng lalaking ito. "Ano bang kailangan mo ngayong dis oras ng gabi?""Gio, pwede mo ba akong samahan sa sementeryo?""Sementeryo? Lucky, ano namang gagawin mo doon?" Gulat na tanong nito sa akin. Pakiramdam ko nawala pa ang antok sa boses ni
Lucky's POV"Ayoko."Sigaw ko at pilit na hinahawakan ang kamay niya. Ayokong bumitaw, ayoko siyang iwan dito. Hindi ko alam kung paano itutuloy ang buhay nang wala siya sa tabi ko. "Sabihin mong ayaw mo akong mawala sa tabi mo. Ikaw ang pipiliin ko.""Lucky." Sabi niya at binitawan ang kamay ko. Hinaplos niya ang pisngi ko dahilan para mapapikit ako at namnamin ang huling pagkakataong mahahawakan niya ang mukha ko. "Gustuhin ko mang manatili ka sa tabi ko, bumuo ng pamilya kasama ka ngunit hindi ito ang tamang panahon.""Paano mo naman nasabi?" Inis na tanong ko sa kanya. "Hindi ka naman manghuhula ahh. Nakausap mo ba si Papa Jesus? Hindi naman di ba? Kung sinabi man niyang oo, pwede naman natin siyang kausapin. Mabait 'yun, promise!""May mga taong naghihintay sa pagbabalik mo. Maraming masasaktan kung mas pipiliin mong manatili sa panahong ito."Tinanggal ko ang k
Lucky's POVBinabantayan ko ang lalaking naaksidente dahil sa pagiging paranoid ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung napatay ko ang lalaking ito.Teka! Nasa langit na ako, paano ko magagawang makapatay? Baka nakatulog lang siya sa ginawa ko.Hindi ko mapigilang mapapikit. Baka ipatapon na ako sa baba dahil sa kakagawan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mapupunta ako sa impyerno.Mabuti nalang at sugat lang ang natamo niya.Muli akong napadasal dahil sa takot, "Lord, mabait ka naman di ba? Hindi mo naman ako basta bastang ipapatapon sa baba di ba? Sorry na! Hindi na mauulit, promise!" Bulong ko habang nakatingin sa langit.Agad ko nilinis ang sugat gamit ang tubig mula sa anyong tubig na katabi namin at tinalian ang sugat niya para hindi na muling magdugo. Pasalamat na din ako dahil tinuruan ako noon ng kasambahay namin kung paano gum
Lucky's POV"S-salamat." Tanging nasabi ko habang buhat buhat niya ako. As usual, hindi na naman niya ako pinansin, nakatuon lang ang attention niya sa nilalakaran. Mabuti na iyon, mamaya kapag binuka na naman niya ang bibig niya, mauwi na naman kami sa away."Señorito Magnus, saan ka ba naglagi?" Tanong ng isang babaeng sumalubong sa amin. "Kanina ka pa hinahanap ng iyong ama."Hindi rin pinansin ng lalaki este ni Magnus ang babae. Ugali niya ba talagang mag-snob ng babae, gwapo ahh! "Nakipagkita ka na naman ba kay Juana? Tiyak na magagalit iyon kapag nalamang sinuway mo ang utos niya." Sabi nito na napapadyak pa sa sobrang stress."Hindi magagalit si ama sa akin."
Lucky's POVHindi ko mapigilang mapaubo dahil sa pagpapausok nila sa akin. "O masamang espiritu, lubayan mo ang katawan ng babaeng ito." Sabi ng mananambal na dumating.Oo, mali ang dinig ko. Hindi manananggal ang tinawag nila, kundi mananambal. Kaya naman ngayon hawak hawak ako ng dalawang babae para hindi ako makatakas sa pag-orasyon sa akin.Tuloy tuloy lang ang pag-ubo ko at kita ko ang pag-aalala sa mukha ng pamilya ni Lucia lalo na ng babaeng feeling ko nanay niya. "Mang Tasyo, bakit hindi tumitigil sa pag-ubo ang anak ko?" Tanong nito."Nilalabas niya ang mga masasamang espiritung bumabalot sa kanya." Sabi nito na nagpa-init ng ulo ko. Kung magpalit kaya namin ng pwesto at siya ang pausukan ko, tignan ko lang kung hindi siya ubuhin.Nakaupo si Magnus sa tabi ng tatay ni Lucia at pinapanuod ang pagpapahirap sa akin. For sure, tuwang tuwa siyang nahihirapan ako ngayon.
Lucia's POVPaano ko ba ma-contact itong si Lucia?Alam kong konektado siya sa sumpa. Hindi naman siguro ako ipapadala sa panahong ito na walang dahilan.Buong gabi kong kinakausap ang sarili ko baka sakaling magsalita itong si Lucia pero nagmukha lang akong tanga. "Hoy babaeng talandi. Alam kong nandito ka lang sa loob ng katawan na ito, kaya naman lumabas ka na at kausapin mo ako." Sabi ko sa harap ng salamin.Naghintay akong ilang segundo pero wala akong narinig mula sa kanya."Sasaktan ko itong katawan mo?" Panghahamon ko pero wala akong narinig mukha sa kanya.Kaya naman kinuha ang isang suklay at sinaksak ang sikmura ko. Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig, bukod sa sobrang sakit ay muntikan na akong masuka sa kalokohan ko.Sandali akong natigilan nang may kumatok sa kwarto. "Señorita Lucia, ma
Lucky's POVAkala ko papagalitan ako ni Señora Rosario kapag nalaman niyang lumayo sa simbahan. Nagulat ako nang masaya siyang makita na magkasama ni Magnus. Mukhang nagkakamabutihan na raw kami at maganda iyon para sa pagsasama namin. Isang tipid na ngiti na lang ang binigay ko bago siya inayang umuwi. Mamaya kasi kung saan na naman mapadpad ang usapan namin ni Magnus.Pagbangon ko, rinig ko ang komosyon ng mga tao sa baba. Nakalimutan kong pista na nga pala ng mga patay at isa si Señora Rosario sa punong abala. Iba talaga ang devotion ng nga tao sa panahong ito sa simbahan.Pagbukas ko ng pintuan, agad akong hinila ni Perlita para muling pumasok sa kwarto. "Bakit ba? Marami pa akong gagawin." Sabi ko habang inaayos ang pagkakapusod ng buhok ko. Wala akong makitang panali ng buhok kaya naman gumamit nalang ako ng stick at tinusok sa buhok ko.Inaasahan ako ni Señora Rosario na magluto para sa dadalo ng padasal. Ilang araw ding kinalimutan ang mission ko kay Magnus para lang ituon ang
Lucky's POVTulala pa rin ako nang marating namin ang lugar na sinasabi ni Magnus. Hindi pa rin nag-sink in sa utak kong pinili niya akong bigyan ng pagkakataon kesa samahan si Juana sulsulera."Ayy!" Sigaw ko pagbaba namin ng kalesa. "Anong nangyari?" Kita sa mukha ni Magnus ang gulat sa sinabi ko dahil agad niyang sinuri ang katawan ko. "Nasaktan ka ba?"Sunod sunod akong umiling bilang sagot sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ang bait bait niya sa akin, samantalang noon gusto niyang mawala si Lucia sa buhay niya."Hindi kasi ako nakapagpaalam kay ina. Mamaya mag-alala sa akin iyon, bumalik nalang kaya tayo." Sabi ko. Pangalawang beses na iniwan ko si Señora Rosario sa simbahan, mamaya hindi na niya ako payagang lumabas kapag nalaman niyang umalis ako ng hindi nagpapaalam.Ngumiti lang si Magnus at hinila ako papalapit sa kanya. "Kasalukuyang magkasama sila ng aking ina at inaayos ang magaganap na pista ng mga patay. Paniguradong aabutin sila ng gabi kaya nam
Lucky’s POV Napaupo kami sa gilid ng simbahan matapos naming makipaglaro ng habulan sa mga bata. Hindi ko akalaing mapapagod ako ng ganito, ilang minuto na ang lumilipas pero hinahabol ko pa rin ang hininga ko. Pinagkaisahan namin ng mga bata si Magnus, siya ang palagi namin tinataya pero palagi namang bumabalik sa amin dahil sa bilis niyang tumakbo.Inabutan kami ni Magnus ng tig-isang buko juice pantawid uhaw. As usual, siya ang nagbayad dahil wala naman akong dalang pera palagi, kung mayroon man hindi sapat. Ngayon nila sabihing galing ako sa pinakamayamang pamilya sa panahong ito, wala nga akong kapera-perang dala.“Ate Lucky, laro ulit tayo bukas.” Sabi ni Felipe habang ginamit ang damit niya bilang pamunas sa pawis. “Hindi ko maipapangako.” Sagot ko na nagpawala ng ngiti ng mga bata. “Pero sa tuwing pupunta akong simbahan, palagi akong makikipaglaro sa inyo.”Sabay sabay na nagsaya ang mga bata matapos ang sinabi ko. Tagaktak pa rin ang pawis ko kaya naman ginamit ko ang mang
Lucky's POV“Hay!” Tanging sabi ko nang maupo sa hagdanan sa labas ng simbahan. Ngayon ko lang na-realize na hindi ako sanay na wala akong trabaho. Kadalasan, one month lang ang binibigay ni Mommy sa pagitan ng mga projects ko para magpahinga. Palagi akong nagreklamo dahil napakabilis lang at hindi ko nagawang i-enjoy ang bakasyon ko.Sa panahong ito naman, dalawang linggo palang ako pero para na akong mamamatay sa boredom. Pinilit ko pa si Señora Rosario na isama ako sa lakad niya ngayong araw. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang sabihin kong sasama ako sa kanya. Ayon kay Perlita, ito ang unang beses na nagkusang lumabas ng bahay si Lucia, palagi nalang kasi itong nagkukulong sa kwarto nito.Kaya naman pala si Magnus lang ang gusto niya dahil ito lang kilala niya. Kung sinubukan lang niyang lumabas,makikita niyang madami pang lalaki ang karapat dapat sa pag-ibig niya. Maganda naman siya, paniguradong maraming lalaki ang magkakagusto sa kanya.Sa limang minuto kong pag-upo sa
Lucky's POVReady na ang monologue ko kaso biglang hinila ni Magnus si Juana sa lugar na walang tao. Gusto niya ‘atang ma-solo ang girlfriend niya.Nagpasya kaming magtago ni Perlita sa isang malaking puno upang marinig ang pag-uusap ng dalawa. Kahit pa may kung anong nag-uudyok sa aking hilain ang buhok ni Juana at ilampaso sa sahig.“Kalma, Lucky.” Bulong ko sa sarili ko. “Hindi mawawala ang class mo ng dahil lang sa isang lalaki.”Hindi ko napigilan ang sarili kong tignan si Juana mula ulo hanggang paa. Tama nga si Perlita, kulay kayumanggi si Juana at napakamahinhin. Maihahalintulad mo siya kay Maria Clara pero napangisi pa rin ako.Ano naman kung isa siyang huwarang Pilipina, mas maganda naman ako sa kanya.“O aking irog, nadudurog ang aking puso sa tuwing nakikita kitang kasama mo si Lucia. Pakiramdam ko’y unti unti ka na niyang inaagaw sa akin.” Sabi ni Juana habang hawak ang kamay ni Magnus.Tinakpan ko naman ang bibig ko dahil kakaunti nalan
Lucky's POVFirst time kong gumising sa panahong ito na nakangiti. Nagawa man akong iwan ni Magnus sa balkonahe para sundan si Juana, masaya pa rin ako. Lumuluha si Juana bago tumakbo papalayo sa bahay ng mga Alindogan.Sa tingin ko, nakita niya ang magkahawak na kamay namin ni Magnus. Sinuman ang makakita sa amin sa ganoong posisyon ay iisipin na mayroon kaming relasyon. Napaka-malisyoso pa naman ng mga tao sa panahong ito.Sana naman tigilan na niya si Magnus matapos ng nasaksihan niya.Pinipilit ko naman ang sarili kong kalimutan ang pagtatapat ni Amado. Sigurado na akong hindi siya si Gio kaya naman kailangan ko na siyang layuan at mag-foucs sa mission ko.“Magandang umaga.” Bati ko nang pumasok sa hapag kainan at binigyan ng yakap ang magulang ni Lucia at Ate Amor na nagsisimula na kumain ng agahan.“Mukhang maganda ang gising ng aming bunso.” Nakangiting sabi ni Señora Rosario nang umupo ako sa pwesto ko. “Maaari ko bang malaman ang dahilan ng ngit
Lucky's POVTahimik ako naka-upo sa railing ng balkonahe ng bahay nila Magnus. Nakatanaw ako sa buwan na nagsisilbing ilaw ko sa madilim na kapaligiran. Pinili kong magtago dahil pakiramdam ko naubos ang energy ko sa pakikipag-socialize sa mga tao. Hindi ko sila kilala tapos kakaunti nalang dudugo na ang ilong ko sa lalim nilang magsalita ng Tagalog at Spanish.Idagdag mo pa ang pagtatapat ni Amado na nagpasakit ng ulo ko.“Woah.”Nagulat ako nang mayroong yumakap na braso sa beywang ko. Agad akong napakapit sa braso sa takot na mahulog, sementadong hagdanan pa naman ang babagsakan ko. Napahigpit ang kapit ko nang maramdaman kong hinihila niya ako pababa.Nang makatapak ang paa ko sa sahig ay agad kong hinarap ang damuhong nagpakaba sa akin. “Magnus?” Sabi ko habang inaaninag kung tama ba ang hinila ko.Tinaas niya ang bitbit niyang lampara at doon nakompirma ang hinala ko. Lumapit ako sa kanya at sa inis ko a
Lucky's POV"Aray ahh." Reklamo ko habang inaayusan ako ni Perlita. "Sigurado ka bang wala kang galit sa akin? Parang nilalabas mo na sa buhok ko ang lahat ng sama ng loob mo.""Hindi 'yan totoo, Señorita." Sagot niya at ramdam ko ang biglang panginginig ng kamay niya."Kalma. Joke lang 'yun, huwag mong damdamin.""Joke?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Marahan kong tinapik ang kamay niya. "Binibiro lang kita, masyado ka kasing seryoso sa ginagawa mo." Sagot ko at doon lang muling nakahinga ng maluwag si Perlita."Bakit ko ba kailangang mag-ayos? Akala ko may unting salo salo lang sa bahay ng mga Alindogan." "Sinabi lang iyon ni Señora Isabel para pumunta ka." Sagot niya at nilagyan ng pearl hairpin ang nakapusod kong buhok. "Alam niya kasing hindi mo siya sisiputin kung isang malaking pagdiriwang ang gaganapin sa kanilang tahanan."Totoo ang sinabi ni Perlita. Ilang beses na akong ina-anyayahan ni Señora Isa
Lucky's POVLaking pasalamat ko nang wala na nangulo sa akin ngayong araw. Hindi na bumisita si Magnus o ‘yung pinsan niyang si Amado. Nahihiya ako na nakipag-away pa ako kay Magnus para sa maling tao pero at the same time naguguluhan ako dahil sa pag-aalala niya sa akin.Idagdag mo pa ang kakaibang reaction niya nang yakapin ko si Gio este Amado pala. Para siyang sasabog sa galit dahil sa ginawa ko.Possible kayang nagkakagusto na siya sa akin?Napailing ako. “Impossible.” Bulong ko sa sarili ko. Tulad ng sabi ni Tita Amanda, hindi pwedeng magsama ang dalawang kaluluwa sa iisang katawan. Nakakasiguro akong hindi rin pwedeng magsama ang kaming dalawa ni Juana sa puso ni Magnus.“Señorita, uminom ka muna ng tsaa.” Sabi ni Perlita at inabot sa aking isang tasa.Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang upuan sa tabi ko