Lucky's POV
"Kapag nakita ko lang talaga ang Roy na 'yan, mata lang ang walang latay sa kanya." Sabi ni Kuya Leo habang kumakain kami sa canteen ng hospital.
Inayos ko ang pagkakalugay ng buhok at ang shades na suot ko. Medyo may nakakahalata na kasi kung sino ako.
"Sinabi mo pa, tutulong ako sa paghahanap sa lalaking iyon at tuturuan natin ng leksyon ang gagong iyon." Dagdag pa ni Kuya Paul dahilan para mapailing ako.
"Sali din ako Kuya." Sabat naman ng kapatid kong si Harold na kanina pa nakikinig sa usapan naming magpipinsan.
Pinitik ko naman ang ilong niya, "Hindi pwede dahil bata ka pa. 'Wag kang tutulad sa mga pinsan mong basagulero." Paalala ko sa kapatid ko.
Sa pamilya nila Tatay, mas lamang ang bilang ng mga lalaki sa babae. Kakaunti lang ang mga babaeng de Legazpi kaya naman na overpower kami ng pagka-macho ng mga pinsan ko.
"Anong gusto mong gawin namin?" Tanong ni Kuya Leo sa akin. "Kausapin namin siya? Mukhang hindi naman magsasalita ang gagong iyon."
Napailing na lang ako at nilabas ang suicide note ni Tita Amanda. "Nagtataka lang ako dahil hindi lang si Tito Roy ang problema niya, may sinasabi din siyang sumpa dito. Anong sumpa ba ang sinasabi niya?" Tanong ko sa kanila pero natahimik ang bibig ni Kuya Leo at Kuya Paul.
"Pakiramdam ko takot na takot siya sa sinadabi niyang sumpa." Dagdag ko pa.
Binaba ni Kuya Theo ang hawak niyang dyaryo sa mesa. Tumingin siya sa akin, "Hindi mo alam ang tungkol sa sumpa?" Tanong nito at umiling naman ako dahil sa taka at gulat.
Palaging sumasama si Kuya Theo sa lakad naming magpipinsan pero hindi siya nagsasalita. Binabantayan niya lang kami palibhasa siya ang pinakamatanda sa amin. Kaya naman talagang nakakagulat kapag nagsasalita na siya.
"Naalala kong kinuwento noon ni Lolo na sinumpa ang pamilya natin. Walang babaeng de Legazpi ang makakahanap ng kahati ng kanilang puso." Sagot nito na kinagulo ng utak ko.
"Kahati ng puso?"
"Destiny." Paglilinaw naman ni Kuya Paul.
"Lahat? As in lahat ng babae?" Naguguluhang tanong ko habang iniisip kung totoo nga ang sumpang sinasabi nila.
Sabay sabay silang tumango.
Napataas ang kilay ko dahil sa sagot nila. Oo, maraming kalokohan ang mga pinsan ko pero paniguradong hindi sila magbibiro sa ganitong sitwasyon.
"Natatakot siyang hindi maikasal at makabuo ng pamilya dahil sa isang sumpa. Kaya inisip niyang patayin ang sarili niya." Pagpapaliwanag ni Kuya Leo.
"Pero si Tita Heidi."
"Nakalimutan mo na bang inampon lamang siya ng pamilya." Sagot ni Kuya Leo sa akin.
"Kalokohan." Tanging nasabi ko. "Hindi totoo ang mga sumpang iyan."
"Huwag kang masasalita ng ganyan." Babala sa akin ni Kuya Theo. Nakaramdam ako ng takot dahil sa tono ng boses niya. "Hindi mo ba alam na isa ka sa magiging biktima ng sumpa?"
"Theodore!" Saway ng dalawa.
"Huwag mo ngang takutin si Lucky." Sunod na sabi ni Kuya Leo.
"Hindi ko siya tinatakot. Nagsasabi lang ako ng totoo." Sagot nito tapos binalik ang tingin sa akin. "Isa pa, mukhang hindi naman siya natatakot. Tinawag pa nga niyang kalokohan ang sumpa."
"A-ako." Tanging nasabi ko at hinawakan ang d****b ko. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Lucky, huwag kang mag-alala hindi totoo ang balitang iyon. Siguro nasaktan lang si Tita Amanda kaya naman nagawa niyang mag-suicide." Pagpapakalma ni Kuya Leo sa akin.
"Hindi totoo? Paano mo maipapaliwanag ang nangyari kay Lola Juana?" Tanong nito sa amin. "Tumandang dalaga ito dahil sa paghihintay sa lalaking nangako sa kanya."
"Madami na kasing gagong lalaki kahit panahon pa ni Kupong Kupong." Paliwanag naman ni Kuya Paul.
"Si Lola Felicidad? Bakit niya piniling mag-madre?" Sunod na tanong ni Kuya Theo sa akin.
Napailing naman si Kuya Leo, "Siguro gusto niyang magsilbi sa Diyos." Sagot nito.
"O dahil natatakot siya sa kayang gawin ng sumpa?" Tanong sa amin ni Kuya Theo. "Kung gusto niyo, i-trace natin ang bawat henerasyon na nagdaan upang patunayan kong hindi co-incidence ang lahat."
"Tumahimik ka na nga lang Kuya Theo." Sabi ni Kuya Paul na halatang inis na inis na sa pinagsasabi ng pinsan namin.
Hinila na ako patayo ni Kuya Leo, "Tara na Lucky, huwag kang makinig sa pinagsasabi ng nerd na iyan." Sabi lang nito at hinila na ako papalayo sa pwesto namin.
Si Kuya Paul naman ang may hawak kay Harold at iniwan naming mag-isa si Kuya Theo sa canteen.
Kanina hindi ako naniniwala pero mukhang napakahirap paniwalang nagkataon lang ang lahat.
"Lucky muling pinarangalan bilang isa sa mga pinakamagandang babae sa buong Asya, alamin ang kwento sa aming pagbabalik."
Nanlaki ang mata ko nang mamatay ang TV at nakita ko si Mommy na hawak hawak ang remote. Nandito pa din ako sa hospital at nagbabantay kay Tita Amanda.
"Ano itong balitang naririnig ko?" Tanong niya sa akin. "May tinanggihan ka na namang projects? Ano bang pumapasok sa isip mo?"
"Yes. Tinanggihan ko ang isang offer na endorsement at isang movie dahil gusto ko munang magpahinga." Paliwanag ko sa kanya.
"Pahinga?" Natatawang tanong niya sa akin. "Alam mo ba ang nangyayari sa mga artista matapos nilang magpahinga sa show business? Hindi na sila nakakabalik, nalalaos sila."
"Mommy sa bahay na lang natin pag-usapan ito. Nandito si Tita Amanda, ayokong mag-away tayo sa harap niya." Sagot ko kay Mommy.
"So?" Tanong nito sa akin. "Comatose ang Tita Amanda mo, walang ibang makakakita at makakarinig sa atin. Ngayon, kuhanin mo ang cellphone mo at bawiin mo ang pagtanggi mo sa mga offers na iyon."
"No." Matigas kong sagot sa kanya. "Hindi ko babawiin ang desisyon ko."
"Paano kung hindi ka na nila ulit kunin?"
"Kawalan nila iyon." Sagot ko sa kanya.
"Akala mo magaling ka na? Akala mo alam mo na ang pasikot sikot sa industriyang ito?" Sunod sunod nitong tanong sa akin. "Paano kung malaman ng paparazzi ang ginawa mo? Paano kung may maisulat na naman silang masama tungkol sa iyo? Kaya mo bang i-handle ang sitwasyon? Ang hirap sayo Lucky palagi kang padalos dalos!"
"Lucky, hindi mo naiintindihan ang maaaring maging resulta ng pagiging padalos dalos mo." Dagdag ko pa sa kanya.
"Mommy, hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko." Sagot ko naman sa kanya. "Pagod na pagod na ako. Simula bata pa lang ay nagtatrabaho na ako, hindi ba pwedeng sarili ko naman ang intindihin ko? Two months, iyon lang ang panahong kailangan ko para sa sarili ko."
Pinikit niya ang kanyang mata at pilit na pinapakalma ang sarili niya. "Ano naman ang plano mong gawin sa pahinga mo?" Sunod niyang tanong sa akin.
"Noong una, plano kong magpakalayo layo sa loob ng dalawang buwan. Wala akong pakialam kung saan man ako dalhin ng kapalaran ko, ang mahalaga sa akin ay malayo ako sa camera." Sagot ko sa kanya. "Pero ngayon gusto kong magbantay kay Tita Amanda."
Hinilamos ni Mommy ang kamay niya sa kanyang mukha. "Magbabantay ka lang sa Tita mo?" Tanong nito sa akin.
"Lucky, kayang kaya mong gawin iyan kahit pa nagtatrabaho ka."
"Gusto kong malaman kung paano makakatakas sa sumpa." Sunod kong sabi sa kanya. "Para sa akin at kay Tita Amanda."
"Come again?" Tanong ni Mommy na para bang nabingi dahil sa sinabi ko.
"Gusto kong malaman kung totoo ba ang sumpa sa angkan ng mga de Legazpi." Pag-uulit ko sa kanya.
"Are you out of your mind?" Tanong nito sa akin. Kung kanina nakakapagtimpi pa siya, ngayon unti unti ng lumalabas ang galit niya. "Kanino mo nalaman ang kwentong iyan? Sa mga pinsan mo? Lucky naman, matanda ka na, huwag mong sabihing nagpapaniwala ka pa sa kalokohan ng mga pinsan mo."
"Mom, bakasyon ko ito." Sagot ko sa kanya. "Ako ang magdedesisyon kung anong gagawin ko.
Napailing na lang siya, "Two months Lucky. Two months, siguraduhin mong walang makakaalam ng iniisip mo. Hindi lang career mo ang masisira dahil sa kalokohang binabalak mo, damay din ang akin." Tanging sabi niya bago ako iniwan sa kwarto ni Tita Amanda.
Lumapit ako sa higaan ni Tita Amanda at hinawakan ang kamay niya. "Don't worry Tita Amanda, gagawin ko ang lahat para malaman kung totoo ba ang sumpa sa pamilya natin." Paninigurado ko.
Lucky's POV"Totoo ba ang balitang mamahinga ka sa show business?" Tanong ng reporter sa akin.Nandito ako ngayon sa premiere night ng movie ni Rita, isa sa mga alaga ni Ms. Martha. Obligado akong pumunta dahil na din sa utos ng manager ko at isa ito sa mga kondisyon niya bago ako mag-bakasyon.Ayoko sanang magpa-interview dahil ayokong maagaw ang atensyon kay Rita. Gabi niya ito, dapat nasa kanya ang atensyon ng mga tao.Ngunit wala na akong magawa, na-corner na ako ng mga reporter."Gaano ka katagal magpapahinga?""Saan mo binabalak na magbakasyon?""Hey guys!" Bati ng lalaking sumulpot sa likuran ko at umakbay sa akin.Natigil lang ang sunod sunod na tanong ng mga reporter nang sumulpot si Kian, ang ka-love team ko. Matagal na akong napipikon sa lalaking ito, masyadong mayabang at ayaw n
Lucky's POVHindi maalis ang tingin ko sa papel na hawak ko.Sila kaya ang mga babaeng nabiktima ng sumpa sa pamilya namin? Kasama ang pangalan ko! Hindi ko alam kung totoo ba ang sumpa dahil hindi ko pa nararanasang magmahal.Mabilis kong kinuha ang phone ko, "Hello." Sabi ko ng sagutin niya ang tawag."I swear to god Lucky kung hindi ito emergency makakatikim ka ng sermon sa akin." Bungad ni Gio sa akin, ang nag-iisa kong bestfriend."Sorry kung nagising kita.""Really? Are you?" Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa naging sagot niya sa akin. Kilala talaga ako ng lalaking ito. "Ano bang kailangan mo ngayong dis oras ng gabi?""Gio, pwede mo ba akong samahan sa sementeryo?""Sementeryo? Lucky, ano namang gagawin mo doon?" Gulat na tanong nito sa akin. Pakiramdam ko nawala pa ang antok sa boses ni
Lucky's POV"Ayoko."Sigaw ko at pilit na hinahawakan ang kamay niya. Ayokong bumitaw, ayoko siyang iwan dito. Hindi ko alam kung paano itutuloy ang buhay nang wala siya sa tabi ko. "Sabihin mong ayaw mo akong mawala sa tabi mo. Ikaw ang pipiliin ko.""Lucky." Sabi niya at binitawan ang kamay ko. Hinaplos niya ang pisngi ko dahilan para mapapikit ako at namnamin ang huling pagkakataong mahahawakan niya ang mukha ko. "Gustuhin ko mang manatili ka sa tabi ko, bumuo ng pamilya kasama ka ngunit hindi ito ang tamang panahon.""Paano mo naman nasabi?" Inis na tanong ko sa kanya. "Hindi ka naman manghuhula ahh. Nakausap mo ba si Papa Jesus? Hindi naman di ba? Kung sinabi man niyang oo, pwede naman natin siyang kausapin. Mabait 'yun, promise!""May mga taong naghihintay sa pagbabalik mo. Maraming masasaktan kung mas pipiliin mong manatili sa panahong ito."Tinanggal ko ang k
Lucky's POVBinabantayan ko ang lalaking naaksidente dahil sa pagiging paranoid ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung napatay ko ang lalaking ito.Teka! Nasa langit na ako, paano ko magagawang makapatay? Baka nakatulog lang siya sa ginawa ko.Hindi ko mapigilang mapapikit. Baka ipatapon na ako sa baba dahil sa kakagawan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mapupunta ako sa impyerno.Mabuti nalang at sugat lang ang natamo niya.Muli akong napadasal dahil sa takot, "Lord, mabait ka naman di ba? Hindi mo naman ako basta bastang ipapatapon sa baba di ba? Sorry na! Hindi na mauulit, promise!" Bulong ko habang nakatingin sa langit.Agad ko nilinis ang sugat gamit ang tubig mula sa anyong tubig na katabi namin at tinalian ang sugat niya para hindi na muling magdugo. Pasalamat na din ako dahil tinuruan ako noon ng kasambahay namin kung paano gum
Lucky's POV"S-salamat." Tanging nasabi ko habang buhat buhat niya ako. As usual, hindi na naman niya ako pinansin, nakatuon lang ang attention niya sa nilalakaran. Mabuti na iyon, mamaya kapag binuka na naman niya ang bibig niya, mauwi na naman kami sa away."Señorito Magnus, saan ka ba naglagi?" Tanong ng isang babaeng sumalubong sa amin. "Kanina ka pa hinahanap ng iyong ama."Hindi rin pinansin ng lalaki este ni Magnus ang babae. Ugali niya ba talagang mag-snob ng babae, gwapo ahh! "Nakipagkita ka na naman ba kay Juana? Tiyak na magagalit iyon kapag nalamang sinuway mo ang utos niya." Sabi nito na napapadyak pa sa sobrang stress."Hindi magagalit si ama sa akin."
Lucky's POVHindi ko mapigilang mapaubo dahil sa pagpapausok nila sa akin. "O masamang espiritu, lubayan mo ang katawan ng babaeng ito." Sabi ng mananambal na dumating.Oo, mali ang dinig ko. Hindi manananggal ang tinawag nila, kundi mananambal. Kaya naman ngayon hawak hawak ako ng dalawang babae para hindi ako makatakas sa pag-orasyon sa akin.Tuloy tuloy lang ang pag-ubo ko at kita ko ang pag-aalala sa mukha ng pamilya ni Lucia lalo na ng babaeng feeling ko nanay niya. "Mang Tasyo, bakit hindi tumitigil sa pag-ubo ang anak ko?" Tanong nito."Nilalabas niya ang mga masasamang espiritung bumabalot sa kanya." Sabi nito na nagpa-init ng ulo ko. Kung magpalit kaya namin ng pwesto at siya ang pausukan ko, tignan ko lang kung hindi siya ubuhin.Nakaupo si Magnus sa tabi ng tatay ni Lucia at pinapanuod ang pagpapahirap sa akin. For sure, tuwang tuwa siyang nahihirapan ako ngayon.
Lucia's POVPaano ko ba ma-contact itong si Lucia?Alam kong konektado siya sa sumpa. Hindi naman siguro ako ipapadala sa panahong ito na walang dahilan.Buong gabi kong kinakausap ang sarili ko baka sakaling magsalita itong si Lucia pero nagmukha lang akong tanga. "Hoy babaeng talandi. Alam kong nandito ka lang sa loob ng katawan na ito, kaya naman lumabas ka na at kausapin mo ako." Sabi ko sa harap ng salamin.Naghintay akong ilang segundo pero wala akong narinig mula sa kanya."Sasaktan ko itong katawan mo?" Panghahamon ko pero wala akong narinig mukha sa kanya.Kaya naman kinuha ang isang suklay at sinaksak ang sikmura ko. Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig, bukod sa sobrang sakit ay muntikan na akong masuka sa kalokohan ko.Sandali akong natigilan nang may kumatok sa kwarto. "Señorita Lucia, ma
"Señorita, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Perlita nang makita akong nakadungaw sa bintana sa kalaliman ng gabi.Hindi ko siya pinansin. Feeling ko ang habang oras sa panahong ito, bawat segundo parang oras ang katumbas. Ganun yata kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo or sa case ko napuntahan kong panahon.Lucia. Lucia. Lucia. Bakit mo naman kasi sinumpa ang angkan mo? Para sa lalaking hindi ka mahal. Dagukan nalang kaya kita baka sakaling matauhan ka.Paksht ka! Ang dami mong sinirang buhay dahil sa pagiging bitter mo. Bwisit ka."Perlita." Sabi ko nang tumabi siya sa akin. "Anong klaseng babae ako noon?"Ngumiti si Perlita. "Masunurin kang anak, mapagmahal at malambing kaya naman paborito kang anak ni Señor at Señora. Sinubukan mong magsanay kung paano maging isang maybahay ngunit nahirapan ka dahil hindi ka naman sanay sa gawaing bahay.
Lucky's POVAkala ko papagalitan ako ni Señora Rosario kapag nalaman niyang lumayo sa simbahan. Nagulat ako nang masaya siyang makita na magkasama ni Magnus. Mukhang nagkakamabutihan na raw kami at maganda iyon para sa pagsasama namin. Isang tipid na ngiti na lang ang binigay ko bago siya inayang umuwi. Mamaya kasi kung saan na naman mapadpad ang usapan namin ni Magnus.Pagbangon ko, rinig ko ang komosyon ng mga tao sa baba. Nakalimutan kong pista na nga pala ng mga patay at isa si Señora Rosario sa punong abala. Iba talaga ang devotion ng nga tao sa panahong ito sa simbahan.Pagbukas ko ng pintuan, agad akong hinila ni Perlita para muling pumasok sa kwarto. "Bakit ba? Marami pa akong gagawin." Sabi ko habang inaayos ang pagkakapusod ng buhok ko. Wala akong makitang panali ng buhok kaya naman gumamit nalang ako ng stick at tinusok sa buhok ko.Inaasahan ako ni Señora Rosario na magluto para sa dadalo ng padasal. Ilang araw ding kinalimutan ang mission ko kay Magnus para lang ituon ang
Lucky's POVTulala pa rin ako nang marating namin ang lugar na sinasabi ni Magnus. Hindi pa rin nag-sink in sa utak kong pinili niya akong bigyan ng pagkakataon kesa samahan si Juana sulsulera."Ayy!" Sigaw ko pagbaba namin ng kalesa. "Anong nangyari?" Kita sa mukha ni Magnus ang gulat sa sinabi ko dahil agad niyang sinuri ang katawan ko. "Nasaktan ka ba?"Sunod sunod akong umiling bilang sagot sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ang bait bait niya sa akin, samantalang noon gusto niyang mawala si Lucia sa buhay niya."Hindi kasi ako nakapagpaalam kay ina. Mamaya mag-alala sa akin iyon, bumalik nalang kaya tayo." Sabi ko. Pangalawang beses na iniwan ko si Señora Rosario sa simbahan, mamaya hindi na niya ako payagang lumabas kapag nalaman niyang umalis ako ng hindi nagpapaalam.Ngumiti lang si Magnus at hinila ako papalapit sa kanya. "Kasalukuyang magkasama sila ng aking ina at inaayos ang magaganap na pista ng mga patay. Paniguradong aabutin sila ng gabi kaya nam
Lucky’s POV Napaupo kami sa gilid ng simbahan matapos naming makipaglaro ng habulan sa mga bata. Hindi ko akalaing mapapagod ako ng ganito, ilang minuto na ang lumilipas pero hinahabol ko pa rin ang hininga ko. Pinagkaisahan namin ng mga bata si Magnus, siya ang palagi namin tinataya pero palagi namang bumabalik sa amin dahil sa bilis niyang tumakbo.Inabutan kami ni Magnus ng tig-isang buko juice pantawid uhaw. As usual, siya ang nagbayad dahil wala naman akong dalang pera palagi, kung mayroon man hindi sapat. Ngayon nila sabihing galing ako sa pinakamayamang pamilya sa panahong ito, wala nga akong kapera-perang dala.“Ate Lucky, laro ulit tayo bukas.” Sabi ni Felipe habang ginamit ang damit niya bilang pamunas sa pawis. “Hindi ko maipapangako.” Sagot ko na nagpawala ng ngiti ng mga bata. “Pero sa tuwing pupunta akong simbahan, palagi akong makikipaglaro sa inyo.”Sabay sabay na nagsaya ang mga bata matapos ang sinabi ko. Tagaktak pa rin ang pawis ko kaya naman ginamit ko ang mang
Lucky's POV“Hay!” Tanging sabi ko nang maupo sa hagdanan sa labas ng simbahan. Ngayon ko lang na-realize na hindi ako sanay na wala akong trabaho. Kadalasan, one month lang ang binibigay ni Mommy sa pagitan ng mga projects ko para magpahinga. Palagi akong nagreklamo dahil napakabilis lang at hindi ko nagawang i-enjoy ang bakasyon ko.Sa panahong ito naman, dalawang linggo palang ako pero para na akong mamamatay sa boredom. Pinilit ko pa si Señora Rosario na isama ako sa lakad niya ngayong araw. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang sabihin kong sasama ako sa kanya. Ayon kay Perlita, ito ang unang beses na nagkusang lumabas ng bahay si Lucia, palagi nalang kasi itong nagkukulong sa kwarto nito.Kaya naman pala si Magnus lang ang gusto niya dahil ito lang kilala niya. Kung sinubukan lang niyang lumabas,makikita niyang madami pang lalaki ang karapat dapat sa pag-ibig niya. Maganda naman siya, paniguradong maraming lalaki ang magkakagusto sa kanya.Sa limang minuto kong pag-upo sa
Lucky's POVReady na ang monologue ko kaso biglang hinila ni Magnus si Juana sa lugar na walang tao. Gusto niya ‘atang ma-solo ang girlfriend niya.Nagpasya kaming magtago ni Perlita sa isang malaking puno upang marinig ang pag-uusap ng dalawa. Kahit pa may kung anong nag-uudyok sa aking hilain ang buhok ni Juana at ilampaso sa sahig.“Kalma, Lucky.” Bulong ko sa sarili ko. “Hindi mawawala ang class mo ng dahil lang sa isang lalaki.”Hindi ko napigilan ang sarili kong tignan si Juana mula ulo hanggang paa. Tama nga si Perlita, kulay kayumanggi si Juana at napakamahinhin. Maihahalintulad mo siya kay Maria Clara pero napangisi pa rin ako.Ano naman kung isa siyang huwarang Pilipina, mas maganda naman ako sa kanya.“O aking irog, nadudurog ang aking puso sa tuwing nakikita kitang kasama mo si Lucia. Pakiramdam ko’y unti unti ka na niyang inaagaw sa akin.” Sabi ni Juana habang hawak ang kamay ni Magnus.Tinakpan ko naman ang bibig ko dahil kakaunti nalan
Lucky's POVFirst time kong gumising sa panahong ito na nakangiti. Nagawa man akong iwan ni Magnus sa balkonahe para sundan si Juana, masaya pa rin ako. Lumuluha si Juana bago tumakbo papalayo sa bahay ng mga Alindogan.Sa tingin ko, nakita niya ang magkahawak na kamay namin ni Magnus. Sinuman ang makakita sa amin sa ganoong posisyon ay iisipin na mayroon kaming relasyon. Napaka-malisyoso pa naman ng mga tao sa panahong ito.Sana naman tigilan na niya si Magnus matapos ng nasaksihan niya.Pinipilit ko naman ang sarili kong kalimutan ang pagtatapat ni Amado. Sigurado na akong hindi siya si Gio kaya naman kailangan ko na siyang layuan at mag-foucs sa mission ko.“Magandang umaga.” Bati ko nang pumasok sa hapag kainan at binigyan ng yakap ang magulang ni Lucia at Ate Amor na nagsisimula na kumain ng agahan.“Mukhang maganda ang gising ng aming bunso.” Nakangiting sabi ni Señora Rosario nang umupo ako sa pwesto ko. “Maaari ko bang malaman ang dahilan ng ngit
Lucky's POVTahimik ako naka-upo sa railing ng balkonahe ng bahay nila Magnus. Nakatanaw ako sa buwan na nagsisilbing ilaw ko sa madilim na kapaligiran. Pinili kong magtago dahil pakiramdam ko naubos ang energy ko sa pakikipag-socialize sa mga tao. Hindi ko sila kilala tapos kakaunti nalang dudugo na ang ilong ko sa lalim nilang magsalita ng Tagalog at Spanish.Idagdag mo pa ang pagtatapat ni Amado na nagpasakit ng ulo ko.“Woah.”Nagulat ako nang mayroong yumakap na braso sa beywang ko. Agad akong napakapit sa braso sa takot na mahulog, sementadong hagdanan pa naman ang babagsakan ko. Napahigpit ang kapit ko nang maramdaman kong hinihila niya ako pababa.Nang makatapak ang paa ko sa sahig ay agad kong hinarap ang damuhong nagpakaba sa akin. “Magnus?” Sabi ko habang inaaninag kung tama ba ang hinila ko.Tinaas niya ang bitbit niyang lampara at doon nakompirma ang hinala ko. Lumapit ako sa kanya at sa inis ko a
Lucky's POV"Aray ahh." Reklamo ko habang inaayusan ako ni Perlita. "Sigurado ka bang wala kang galit sa akin? Parang nilalabas mo na sa buhok ko ang lahat ng sama ng loob mo.""Hindi 'yan totoo, Señorita." Sagot niya at ramdam ko ang biglang panginginig ng kamay niya."Kalma. Joke lang 'yun, huwag mong damdamin.""Joke?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Marahan kong tinapik ang kamay niya. "Binibiro lang kita, masyado ka kasing seryoso sa ginagawa mo." Sagot ko at doon lang muling nakahinga ng maluwag si Perlita."Bakit ko ba kailangang mag-ayos? Akala ko may unting salo salo lang sa bahay ng mga Alindogan." "Sinabi lang iyon ni Señora Isabel para pumunta ka." Sagot niya at nilagyan ng pearl hairpin ang nakapusod kong buhok. "Alam niya kasing hindi mo siya sisiputin kung isang malaking pagdiriwang ang gaganapin sa kanilang tahanan."Totoo ang sinabi ni Perlita. Ilang beses na akong ina-anyayahan ni Señora Isa
Lucky's POVLaking pasalamat ko nang wala na nangulo sa akin ngayong araw. Hindi na bumisita si Magnus o ‘yung pinsan niyang si Amado. Nahihiya ako na nakipag-away pa ako kay Magnus para sa maling tao pero at the same time naguguluhan ako dahil sa pag-aalala niya sa akin.Idagdag mo pa ang kakaibang reaction niya nang yakapin ko si Gio este Amado pala. Para siyang sasabog sa galit dahil sa ginawa ko.Possible kayang nagkakagusto na siya sa akin?Napailing ako. “Impossible.” Bulong ko sa sarili ko. Tulad ng sabi ni Tita Amanda, hindi pwedeng magsama ang dalawang kaluluwa sa iisang katawan. Nakakasiguro akong hindi rin pwedeng magsama ang kaming dalawa ni Juana sa puso ni Magnus.“Señorita, uminom ka muna ng tsaa.” Sabi ni Perlita at inabot sa aking isang tasa.Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang upuan sa tabi ko