Adamantine's Eyes

Adamantine's Eyes

last updateLast Updated : 2023-02-28
By:   KnightOfSilverSky  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
98Chapters
3.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Adamantine grew up in an orphanage and encounter a lot of paranormal activities. When she enters college, she met Gray and Arius and formed a club together. As many cases close, many clues towards her identity start to unveil. Fate starts to connect and the stars start to be aligned. Who is Adamantine? And what is the mystery of her deep violet eyes?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1-The Girl Who Can See Ghosts

Pasado alas singko y media na ng umaga. Bagamat ito yung tipo ng kasarapan ng tulog ng mga tao ngunit para sa akin ito ang oras upang magbanat ng mga buto. Napansin kong nasa gitna pa ng kasarapan ng tulog sina Kuya Eli at Ate Gneiss. Kinuha ko ang aking tuwalya at pumasok sa banyo. Nakipagtitigan ako sa tubig na nasa may timba dahil ramdam ko ang lamig sa oras na dumampi ito sa aking balat."Buwiset na buhay naman 'to oh!" ang aking sabi at isinabit ko ang aking tuwalya bago lumabas ng banyo.Nagpakulo na ako ng mainit na tubig dahil hindi ko kaya ang lamig ng tubig sinabayan pa ng simoy ng hangin na nagmumula sa labas. Habang naghihintay ako na kumulo ang tubig ay napansin kong may bata na nagtatago sa may tabi ng bigasan. Lumapit ako at napansin kong si Lorraine iyon. Sa pagkakaalala ko ay nagkaroon ito ng lagnat at maghapon siyang nagpapahinga sa kwarto."O Lorraine, wala ka na bang lagnat? Anong ginagawa mo rito? Masyado pang maaga!" ang s...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
98 Chapters
Chapter 1-The Girl Who Can See Ghosts
Pasado alas singko y media na ng umaga. Bagamat ito yung tipo ng kasarapan ng tulog ng mga tao ngunit para sa akin ito ang oras upang magbanat ng mga buto. Napansin kong nasa gitna pa ng kasarapan ng tulog sina Kuya Eli at Ate Gneiss. Kinuha ko ang aking tuwalya at pumasok sa banyo. Nakipagtitigan ako sa tubig na nasa may timba dahil ramdam ko ang lamig sa oras na dumampi ito sa aking balat. "Buwiset na buhay naman 'to oh!" ang aking sabi at isinabit ko ang aking tuwalya bago lumabas ng banyo. Nagpakulo na ako ng mainit na tubig dahil hindi ko kaya ang lamig ng tubig sinabayan pa ng simoy ng hangin na nagmumula sa labas. Habang naghihintay ako na kumulo ang tubig ay napansin kong may bata na nagtatago sa may tabi ng bigasan. Lumapit ako at napansin kong si Lorraine iyon. Sa pagkakaalala ko ay nagkaroon ito ng lagnat at maghapon siyang nagpapahinga sa kwarto. "O Lorraine, wala ka na bang lagnat? Anong ginagawa mo rito? Masyado pang maaga!" ang s
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
Chapter 2-The Paranormal Detectives
Pasado ala singko kwarenta'y singko na ng umaga ng bumangon ako sa aking kama. Masyadong naging exciting ang nangyari kagabi dahil sa wakas ay nabunyag rin ang sekretong pinakalilihim ng ama ni Gray. Nagpakulo ako ng tubig upang magtimpla ng kape dahil dama ko pa yung antok na dumadaloy sa aking sistema. Binuksan ko ang tv at nakita ko ang balitang dinakip na si congressman dahil sa mga video na inupload ko. Patuloy niyang itinatanggi ang mga akusasyon sa kanya. Hindi ko alam kung saang lupalop kumukuha ng kapal ng mukha si Congressman at nagagawa niyang magsinungaling sa harap ng madaming tao. Nang kumulo na ang tubig ay isinalin ko iyon sa thermos at naglagay ako sa aking tasa. Dinama ko ang bawat patak ng aking kape. Naligo na rin ako upang maghanda patungo sa school. Naalala kong maglalakad nga pala ako ngayon dahil sinira ng tukmol ang aking bisikleta. Nagsimula na rin akong magtakal ng walong gatang ng bigas dahil marami-rami rin ang kakain ng almusal.
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
Chapter 3- The Grudge Of the Weak (Act 1)
Mahimbing nang natutulog si Fred. Patuloy siyang binabantayan ng ibang madre. Idinulog na rin ni Sister sa pamunuan ng mga Exorcism priest ang insidente. Patuloy pa ring bumabagabag sa isipan ko ang sinabi ni Aurelia.  "Ada, kumain ka na ba?" ang tanong ni Ate Gneiss. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkabahala dahil sa nangyari kay Fred kanina. Umiling ako bilang sagot. Sa dami ng mga nangyari kanina, tila nawalan na ako ng gana para kumain. Nagpunta ako sa silid na tinutulugan ko at saka binuksan ang laptop ko. Binuksan ko ang social media account ko at nakita ko ang dalawang friend request. Nagmula iyon kay Arius at Gray at agad ko namang inaccept iyon. Nagulat ako nang wala pang isang minuto ay nagchat si Arius.  "Look, I'm just worried nang bigla mong binanggit yung pangalan ng kaluluwa. You should not be reckless next time and I'm sorry kung nasigawan kita,"ang sabi ni Arius sa message.  Tinipa ko ang keyboa
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
Chapter 3-The Grudge Of The Weak (Act 2)
Naalimpungatan ako dahil sa malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa bintana. Nakakapagtaka dahil sa pagkakaalala ko ay sarado ang jalousie bago ako pumasok kanina sa kwarto bago matulog. Tumayo ako upang saraduhan ang bintana ngunit laking gulat ko nang makita ko si Fred na nakatayo sa labas ng kwarto ko at laking gulat ko nang bigla niyang batuhin ang bintana. Agad akong lumayo sa bintana upang hindi ako maabutan ng mga bubog nito. Agad kong kinuha ang phone ko sa mesa bago tuluyang tumakbo palabas ng kwarto. “Saan ka sa tingin mo pupunta?” ang tanong ni Fred.Mali. Hindi si Fred ang isang ito! Si Aurelia ito! Binilisan ko ang pagtakbo patungo kay Mother Superior. Kahit na hindi ako makahinga dulot ng aking pagtakbo ang mahalaga ay makaligtas ako mula kay Aurelia. Sunud-sunod kong kinatok ang pinto ng headquarters ni Mother Superior ngunit walang sumasagot.“Binalaan na kita! Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga tao sa
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
Chapter 4- Danag (Act 1)
Napapahikab ako habang nagrorosaryo sina Sister at Mother Superior. Siniko naman ako ni Sister Kat dahil napalakas ang hikab ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mother Superior. Totoo nga sigurong hindi mapapalitan ng kape ang kulang kong tulog. Nagsorry naman ako kay Mother Superior at saka ipinagpatuloy nila ang pagrorosaryo. Napabuntung-hininga na lang ako dahil ang tindi ng pagod na inabot ko nang habulin ako ni Fred kagabi noong sinapian siya. Nang matapos na ang pagrorosaryo ay pabagsak akong napahiga sa kama.Ipinikit ko ang aking mata at sinimulang namnamin ang aking araw ng pahinga. Muli naman akong napamulat ng bombahin ng sunud-sunod na katok ang pinto ng kwarto ko. Ibinato ko ang unan ko sa kama at saka bumangon. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang hyper na si Ate Gneiss. Sana all, may pahingang matiwasay. “Adamantine!" ang sigaw ni Ate Gneiss. “Bakit , Ate? May problema ba?" ang tanong ko kay Ate Gneiss habang kinukusot ko ang aki
last updateLast Updated : 2022-01-04
Read more
Chapter 5-Danag (Act 2)
Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang hitsura ng biktima ng pangalawang kaso. Hindi ko lubos maisip kung paano nagkaroon ng Danag sa campus. Isa pa, ayon kay Arius, hindi tulad ng ibang bampira ay hindi sila tinatatalaban ng sikat ng araw tulad ng mga napapanood sa mga pelikula. Sino bang mag-aakala na dahil sa kasong ito ay magbabago ang paniniwala ko tungkol sa mga bampira. Ayon kay Arius, maituturing na isang uri ng bampira ang mga Danag. Kasalukuyang na-kansela ang mga klase at nagkaroon ng emergency ang lahat ng facullty members ng lahat ng college department. Lumapit naman sa akin si Arius na nanatiling seryoso sa kaso."Okay ka na? You should've used to it. Posibleng hindi lang ito ang unang beses na maka-engkwentro ng kaso ng pagpatay. Hindi makukuntento ang Danag hangga't nabubuhay sila at hangga't may mabibiktima sila," ang sabi ni Arius.Napahilamos na lang ako dahil mukhang mauudlot pa yata ang mapayapang taong inaasam ko. Hindi naman na ako makakaurong
last updateLast Updated : 2022-01-05
Read more
Chapter 5- Danag (Act 3)
Naiiyak na lumapit sa akin si Quillia. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang takot. Sino bang mag-aakala na ang paglabas mo sa gabi ang magiging mitsa pa ng kamatayan mo?"Tulungan mo ako! Hindi ko ginustong mamatay! Dapat talaga nakinig na lang ako kay Calla!" ang sabi ni Quillia."Teka sino ba si Calla?" ang tanong ko.Napatingin naman sa akin si Quillia. Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka mapagkamalan akong baliw at isiping bagong takas ako sa mental hospital."Ang mabuti pa ay bumalik tayo sa lumang building. Huwag kang mag-aalala ligtas ka sa amin. Isa kami sa nagsosolve ng kaso tungkol sa pagkamatay mo," ang sabi ko sa kanya.Nakita ko ang ka-aliwalasan sa kanyang mukha at agad siyang lumapit sa akin."Talaga? Tutulungan mo ako?" ang tanong ni Quillia sa akin.Tumungo naman ako. Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko ang lalaking nakabunggo ko kanina. "Pasensya ka na. Nagulat ba kita?" ang tanong nito
last updateLast Updated : 2022-01-06
Read more
Chapter 5-Danag (Act 4)
Nakaramdam ako ng kilabot nang marinig ko ang nakakakilabot na boses nito. Naging pula ang mga mata nito at humaba ang mga kuko nito.  "Me. Re. Dith. Alam mo naman siguro na hindi pa naisisilang ang papatay sa akin hindi ba?" ang sambit ni Xander at wala pa sa alas kwatro ay nasakal niya na si Meredith. Nagpupumiglas si Meredith sa pagkakasakal ni Xander. Sinugatan naman ni Arius ang kanyang daliri at naririnig ko ang dasal na binabanggit niya sa ibang lenggwahe. Gumuhit ng pentagram si Arius sa hangin at hindi tulad nitong nakaraan ay naging kahel ang kulay nito na may halong dilaw. "Nam qui ducibus et protegat mundum es ingressus inIn luceat in tenebris et luceat per nos in tenebrisArmor libertatem et gladium iustitiae defendat ab omni maloMitte tuos custodes et auxilio nobis defendat nostri dilecto mundo Vocabo te Bathhala!" ang pagsambit ni Arius sa dasal at hinila niya mula sa loob ang isang espada na parang apoy ang kulay ngunit
last updateLast Updated : 2022-01-07
Read more
Chapter 6-The Phantom Club First Activity: Villa Illumina (Act 1)
Nagising ako sa pagsampal ng sinag ng araw sa aking mukha. Heto na naman at panibagong araw na naman ang aking sisimulan. Napatingin ako sa orasan at pasado alas otso na ng umaga. Wala ako sa wisyo upang magmadali kahit na alas otso na. Oo nga pala, wala akong pasok ngayon. Napangiwi naman ako nang may maramdaman akong mahapdi sa aking braso. Wala pa naman akong ginagawa at sa hindi malaman na dahilan ay wala naman akong naalala kung saan ko nakuha ang injury na ito. Ramdam ko ang aking pagod kahit na ilang oras na akong nakatulog. Pilit kong inaalala kung may napanaginipan ba akong kakaiba o wala. "Magandang umaga, Ada!" ang masayang bati ni Calix.  Napatingin naman ako kay Calix na prenteng nakahalukipkip habang nakasandal sa pader ng aking kwarto. Naalala ko na naman ang gabing nakipagsagupaan siya sa Danag. Ni hindi rin nagkukuwento si Calix kung paano siya namatay. At lalong nagdagdag ng kanyang pagiging seryoso ay ang pinagmulan ng espadang ginamit niya la
last updateLast Updated : 2022-01-08
Read more
Chapter 6-The Phantom Club First Activity: Villa Illumina (Act 2)
Sa sobrang sabik ko ay nalimutan ko na mag-init ng tubig bago maligo. Pagkatapos ay sinuot ko ang plain na white t-shirt at ang sky blue na skater skirt. Sinuot ko ang aking white shoes bago ako nagtungo sa kusina. Napansin ko na nakaready na ang mga pagkain sa baunan kaya naman nagtanong ako kay Kuya Eli at Ate Gneiss. "Kanino po ito?" ang tanong ko kay Kuya Eli. "Kanino pa nga ba? Hindi ba sa'yo?" ang nakangiting sambit ni Kuya Eli. Nagulat naman ako. Paano kaya nila nalaman na aalis ako ngayon? Sinilip ko ang baunan at nakita kong may Caldereta, Sinigang na Bangus at Monggo sa tatlong baunan. Seryoso ba sila? " Teka! Hindi ko madadala ang mga ito! Magagalit sina Sister at Mother Superior!" ang sagot ko. Ngumiti si Kuya Eli at nagthumbs up naman si Ate Gneiss. Pumasok naman si Sister Serene at  pumamaywang ito sa akin. "Bilisan mo na Ada! Hindi dapat pinaghihintay ang mga kaibigan mo. Isa pa, hindi
last updateLast Updated : 2022-01-10
Read more
DMCA.com Protection Status