Mahimbing nang natutulog si Fred. Patuloy siyang binabantayan ng ibang madre. Idinulog na rin ni Sister sa pamunuan ng mga Exorcism priest ang insidente. Patuloy pa ring bumabagabag sa isipan ko ang sinabi ni Aurelia.
"Ada, kumain ka na ba?" ang tanong ni Ate Gneiss.Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkabahala dahil sa nangyari kay Fred kanina. Umiling ako bilang sagot. Sa dami ng mga nangyari kanina, tila nawalan na ako ng gana para kumain. Nagpunta ako sa silid na tinutulugan ko at saka binuksan ang laptop ko.Binuksan ko ang social media account ko at nakita ko ang dalawang friend request. Nagmula iyon kay Arius at Gray at agad ko namang inaccept iyon. Nagulat ako nang wala pang isang minuto ay nagchat si Arius.
"Look, I'm just worried nang bigla mong binanggit yung pangalan ng kaluluwa. You should not be reckless next time and I'm sorry kung nasigawan kita,"ang sabi ni Arius sa message. Tinipa ko ang keyboard at sinagot ang kanyang mensahe. Ganun naman talaga dapat 'di ba? Hindi naman ako famous para i-seen zoned siya. Hindi ako gold para mag-inarte. "Ok lang. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasigawan. Isa pa, member ako ng club mo hindi ba? Kaya ok lang na masigawan ako lalo na kung kaligtasan ng lahat ang nakasalalay,"ang sabi ko at saka sinend ko ang message. Ngumiti ako dahil kahit suplado si Arius ay marunong rin naman pala siyang humingi ng sorry. Nagpop-up naman ang message ni Gray sa screen kaya naman binasa ko na. "Hey, I know na malungkot ka ngayon. Tingnan mo lang ang cute kong mukha at sigurado akong ngingiti ka na," ang sabi naman ni Gray sa kanyang message. Napatampal naman ang mukha ko sa mensahe ni Gray. Akala ko ba nagbago na ang isang ito? Bakit ang yabang pa rin? Nasaan na ba ang nail cutter ko at gusto kong kurutin si Gray! Yung may kasama sana na kaunting laman! Muli ko namang tinipa ang aking keyboard at dinoble check ko ang mensahe ko. "Ang kapal talaga ng mukha mo! Hindi ko alam na supplier ka ng hangin!" ang sagot ko kay Gray at saka ko sinend iyon sa kanya. Nakita ko si Calix na nakasandal sa may pintuan. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya naman inilapag ko ang aking laptop sa kama at saka lumapit kay Calix. Humalukipkip ako at tinaasan ko siya ng kilay. Kung may problema siya sabihin niya agad, hindi ako isang manghuhula upang hulaan ang kanyang iniisip.“Calix, may problema ka ba? Kasi ang hirap manghula ng iniisip mo kung patuloy kang mananahimik. Sabihin mo nga, ano ba ang bumabagabag sa iyo?” ang tanong ko.Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaksyon ko sa ginawa niya. Masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari para sa akin ngayong araw.“Huwag mo nang uulitin iyon! Hindi mo alam kung gaano ako kinabahan sa ginawa mo. Maaaring ngayon ay nalusutan mo ang bagsik ng mga nilalang paano kung sa susunod hindi na? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag napahamak ka,” ang sabi ni Calix.Ayun naman pala. Tungkol pa rin ito sa mga binanggit ko na pangalan. Ayos! Pang-apat na sermon na ito ngayong araw! Ang malala ay isang sermon ay galing sa isang multo. Sorry naman, malay ko ba sa mga bagay na iyan. Isa pa, ito ang unang pagkakataon na may nakasagupa kaming multong kayang sumanib.“Oo na, sorry na. Sa susunod mag-iingat na po ako. Isa pa, kotang-kota na ako sa sermon ngayong araw. Hindi ako masyadong nag-iingat, pasensya na,” ang sabi ko kay Calix. Si Calix ang una kong naging kaibigan. Simula nang abandonahin ako nang sarili kong mga magulang ay siya na ang kinagisnan ko dito sa ampunan. Isa pa, takot sa akin noon ang ibang bata dahil sa kulay ng mga mata ko. Siyempre nga naman iisipin ng ibang bata na isa akong halimaw dahil sa kulay lila kong mga mata. Kaya nga sina Mother Superior na lang ang itinuturing kong pamilya dahil bukod kay Father Juan ay sila lang ang tumanggap sa akin sa kung sino ako. Walang dapat makaalam ng kulay ng mga mata ko dahil ayokong katakutan ako nang lahat. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para makaipon ng sapat na pera sa pamamagitan ng pagiging writer upang hindi ako maging kargo nina Mother Superior. Kaya nga nanghihinayang ako sa mga contact lens na na-eexpired dahil one year lang ang validity nito. Kung gagamit naman ako ng salamin ay malalaman ng lahat ang sekreto ko.Kumalas sa pagkakayakap si Calix at saka pinitik ang aking noo. Sa lakas ng kanyang pagkakapitik ay napakapit ako sa noo ko.“Kailangan na talaga nating maging maingat. At simula ngayon, babantayan na kita nang maigi upang hindi na maulit ang nangyari kanina. Maliwanag ba?” ang sabi ni Calix.Minsan talaga napapaisip ako kung ano ang kinamatay ng lalaking ito at bakit ganito siya ka-protective sa akin. Minsan nga napapaisip ako kung kung gaano na siya katagal na gumagala sa ampunan.Ni-minsan ba ay naisip ni Calix na magpahinga sa paraiso na dapat niyang puntahan? Napaupo naman ako sa kama at patuloy na iniisip kung bakit ba patuloy na nanggugulo si Aurelia. Kinuha ko ang aking lapop at muling tinipa ang keyboard. Hinanap ko sa internet ang mga posibleng article na may kinalaman sa nangyari noon. Kung tatanungin ko naman ang mga multo sa eskwelahan ay baka sila naman ang balingan ng galit ni Aurelia. Dumaan ang ilang oras ngunit walang lumalabas tungkol sa kaso ni Aurelia. Napahiga na lang ako sa aking kama dahil sa pananakit ng aking likod. Puro achievements lang ang nakikita ko at walang insidente na may kinalaman sa kaso.
Kinuha ko ang aking phone at nagscroll ako sa isa ko pang account upang mabawasan man lang ang aking isipin. Napadaan naman sa news feed ko ang secret files page ng eskwelahan. Nakita ko na may mga nagpapasa ng tungkol sa pag-ibig at yung iba naman ay tungkol sa kababalaghan na nararanasan nila sa eskwelahan. Isang article ang pumukaw sa atensyon ko at iyon ay tungkol sa kwento ng kanyang lola. Agad ko iyong binasa at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pangalan ni Aurelia Manalaytay.Noong dekada sisenta, ay may aksidenteng namatay na estudyante. Isinako daw nila ito at ibinitin sa puno bilang kasiyahan ngunit dahil hindi nila alam na may sakit ito sa puso ay namatay ang estudyanteng iyon. Nanatili lang na tahimik ang eskwelahan ukol sa usaping iyon. Ni hindi tinangkang buksan ang kaso dahil sa patuloy iyon na hinaharang ng mga nasa management ng eskwelahan at maging ng mga nasa gobyerno noon. Nagpatuloy sa pagtatakip at pagbibingi-bingihan ang mga nasa itaas at patuloy nilang pinagtatakpan ang hustisya para kay Aurelia Manalaytay. May nakita ako na naka-attached na file sa mismong article. Agad kong dinownload ang mismong file bago pa man ito tuluyang mabura ang mismong post. Alam kong sa ngayon ay hindi pa ito nakakarating sa mismong management ngunit sa dami ng mga mata sa paligid ay di malabong mangyari ang pagbagsak ng mismong page.
Agad kong binuksan ang file at nakita ko ang listahan ng mga estudyante ng mga panahon na iyon. May naka-attached rin na litrato sa file. Napatakip ako ng aking bibig at tila ng bumaliktad ng sikmura ko sa nakita ko. Dilat ang mga mata ni Aurelia nang ilabas siya sa may sako. Itinapon rin ang kanyang bangkay sa ilog. Ngunit sa pagkaka-aalala ko ay walang ilog rito na malapit. Agad kong trinack ang IP address ng admin ng page dahil alam kong magiging puntirya siya ng mga humaharang sa kasong ito. Binuksan ko ang chatbox at saka inadd ang dalawa. Clinick ko ang video call dahil mahirap ipaliwanag kung itatype ko lamang ang mga nadiskubre ko. Nang makita kong lumitaw na sa screen ang dalawa ay nakita ko ang nakabusangot na mukha ni Gray at ang mumukat-mukat na mga mata ni Arius. Halatang nasa kalagitnaan na sila nang mahimbing na pagtulog. Napasilip naman ako sa aking phone at nakita kong pasado ala una bente tres na ng madaling araw. Napa-peace sign naman ako sa kanila.“What are you doing? Hindi ako aware na gising ka sa umaga at nocturnal ka sa gabi,”ang nakabusangot na sabi ni Arius.“Wala ka bang balak matulog, Ada? Siguraduhin mo lang na mahalaga ang sasabihin mo kundi malalagot ka sa amin mamaya!” ang sabi naman ni Gray.Napabusangot naman ako sa reaksyon nilang dalawa. Pagkatapos kong mag-effort na magresearch sa kaso ay ito lamang ang matatanggap ko? Aba Batukan ko kaya sila?
“Alam kong may koneksyon kayo sa kaitaas-taasan kaya tulungan niyo akong lutasin ang kaso ni Aurelia Manalaytay,” ang sabi ko.Nagising naman ang diwa nung dalawa nang banggitin ko na naman ang pangalan ng multong sumasanib sa mga kilala namin. Hindi ko papalamapasin ang pagkakataong ito. Kailangan nang mapanagot ang talagang may mga sala. Pagkatapos ng nangyari kay Fred kanina ay hindi ko hahayaang makapanggulong muli si Aurelia.“Hindi ko alam kung nananadya ka ba o sadyang tanga ka lang? Di ba sinabi ko na sa iyo na huwag mong babanggitin ang pangalan ng multong iyon? Paano kung hilahin ka naman this time? Nag-iisip ka ba? Wala kami diyan ni Gray para protektahan ka!” ang singhal ni Arius sa akin.Napahalukipkip naman ako sa inasal nilang dalawa. Bakit ba ang OA ng mga lalaking ito. Nararamdaman kong mapapalapit kami sa katotohanan ng kasong ito. “Gray, Arius, Makinig kayo. Gusto kong puntahan niyo ang location ng admin ng page na ito. Alam kong isa siya sa susi ng kasong ito lalo na’t may kinalaman ito sa kaso forty years ago,” ang pakiusap ko sa dalawa.Sinend ko ang attachment sa dalawa. Kung may ganitong ebidensya, bakit ngayon lang ito lumabas? Bakit sa dinami-raming taon ang lumipas bakit ngayon lang naisipan na ilantad ang mga ebidensya.“Teka, saang lupalop mo nakuha ang mga articles na ito?” ang tanong ni Arius.“Sa Underground page ng school natin. Nakasaad diyan na pilit itinatago ng mga nasa itaas ang tungkol sa isyu na ito dahil sa posibilidad na masira ang reputasyon ng ating school,” ang sabi ko.Napalingon naman ako kay Calix na tila nagkainteres sa natuklasan ko. Bihira lang siya magsabi ng kanyang opinyon kaya naman sa pagkakataong ito ay pakikinggan ko ang kanyang sasabihin.“Hoy Calix! Alam kong may gusto kang sabihin! Sabihin mo na agad nang matapos tayo rito!” ang singhal ko kay Calix.Nangunot naman ang noo ni Gray at lalong naging seryoso si Arius. Mas lalong napataas ang kilay ko nang sabay na nagsalita si Gray at Arius.“Kasama mo siya sa kwarto mo?” ang sigaw nilang dalawa.Bakit parang naging big deal para sa kanila na magkasama kami sa iisang kwarto? Tumabi naman sa akin si Calix at napahilamos ang dalawa. Ano bang problema nitong dalawang ito? “For Pete’s sake, ilang taon ka na ba sa tingin mo?” ang sigaw ni Arius.Bakit naman kaya tinatanong ako ni Arius kung anong edad ko? May sapak ba siya? “I’m twenty-four years old, Arius kaya wala naman akong problema,” ang sabi ko.Napasabunot naman sa kanyang sarili si Arius at tila hindi siya kumbinsido sa aking sagot. Napatampal naman sa kanyang mukha si Gray.“Hindi ko na talaga alam kung babae ka ba talaga o isip-bata? Sinong matinong babae ang hahayaang tumabi ang isang multo na lalaki?” ang tanong naman ni Gray.Tumikhim naman si Calix dahil sa inasta nung dalawa. Halatang napipikon na siya sa mga linyang binitiwan ng dalawa. Alam kong hindi niya palalampasin ang mga insulto na sinabi nitong dalawa.“Hoy! Sandali nga lang muna? Bakit ako yung lugi sa insulto niyo? Akala niyo ba manyak ako tulad ni Gray?” ang sigaw ni Calix.Napataas naman ang kilay ni Gray sa inasta ni Calix. Nanlaki ang mata ko nang malaman kong nakikita niya na si Calix.“Nakikita mo na si Calix?” ang sigaw ko.Tumungo naman si Gray at narinig ko ang pagpapalagutok ng kanyang mga buto sa kamay. Halatang gustung-gusto niyang sapakin si Calix dahil sinabihan siya nitong manyak. Napakapit naman sa kanyang noo si Arius dahil halatang pagod na ito.“Pag-usapan natin ‘to mamaya. And you Adamantine! Get enough sleep! Ipapaverify ko rin ang files na nakita mo sa underground page. Para kasing may mali, bakit naman nila sa social media ilalagay ang ebidensyang dapat confidential?”ang sabi ni Arius.“Sige pahabain niyo pa ang usapang dapat pag-usapan mamaya! Makikinig ako!” ang singhal ni Gray.Nakita kong sumilip ang Mommy ni Gray sa screen at binatukan niya ang umiidlip na si Gray. Nagising naman si Gray at luminga-linga sa paligid. Kitang-kita sa mata niya ang takot. Kumaway naman ang mommy ni Gray at sinamaan niya ng tingin si Gray. Kawawang Gray. “Pambihira! May multo rin ba dito sa bahay? Baka yun yung multo na sumasanib ha!” ang sigaw ni Gray.Napabuntung-hininga naman ako. Kahit papaano ay gumaan ang sitwasyon. Pero kung nakikita ni Gray si Calix bakit hindi naman niya nakikita ang kaluluwa ng kanyang Mom? Masyadong madaming tanong na walang kasagutan ang pumapasok sa isipan ko ngayon. Tiningnan kong muli ang listahan ng mga estudyante na dawit sa pagkamatay ni Aurelia.“Hoy Gray! Bakit hindi mo makita ang kaluluwa ng sarili mong mommy?” ang tanong ko kay Gray.Nanlaki ang mga mata ni Gray sa sinabi ko. Ibig sabihin bilang lang ang kaluluwa na nakikita niya? “Ma’am, bakit ba ayaw niyong magpakita sa anak niyo?” ang tanong naman ni Arius.Nalungkot naman ang mommy ni Gray. Tiningnan niya muna si Gray na patuloy siyang hinahanap. Masakit pa para kay Gray ang pagkamatay ng mommy niya at lalong mahihirapan na maka-move-on si Gray kung patuloy niyang makikita ang mommy niya.“Kapag nakita ako ni Gray, tiyak na mahihirapan akong makatawid sa kabila. Masaya na akong nababantayan kong lumaki ang anak ko bilang mabuting bata,”ang sabi ng Mommy ni Gray.Patuloy na tinatawag ni Gray ang mommy niya. “Masyado nang malalim ang gabi. I-end call ko na ang video call. Good night,” ang sabi ko sa kanila.Pinindot ko ang end call bago pa man maka-angal si Gray. Napatingin naman ako kay Calix na natatawa sa may pintuan. Ano bang nakakatawa sa nangyari? Naawa na nga ako kay Gray at hindi niya makita ang sarili niyang nanay pero heto at tinatawanan lang siya? Sumilip naman si Calix at tiningnan niya ang nakita kong file attachment. “Sa tagal ko ritong pagala-gala, ngayon ko lamang natuklasan na may ganitong klaseng kaso. Ang kaso kapag nakialam ako hindi ko alam kung sino ang mga posibbleng madamay kaya naman pipilitin kong makatulong sa kahit na anong paraan,” ang sabi ni Calix.Nagtataka naman ako bakit ganito kadeterminado si Calix? “Sinasabi ko na nga ba. Alam ko na kung bakit sumasanib ang multong iyon. Kailangan nating makumpirma kay Mother Superior kung sino ang nag-iwan kay Fred dito sa ampunan. Kailangan nating masilip ang dokumento ni Fred,” ang sabi ni Calix.Napahawak naman ako sa aking baba. Napaka-imposible naman ata nun. Ni hindi ko nga mahawakan ang mga files sa headquarters ni Mother Superior eh. Lagi niyang sinasabi na confidential ang mga papeles doon at walang sinuman ang maaaring gumalaw doon. “Imposible ang gusto mong mangyari, Calix. Masyadong mahigpit si Mother Superior,” ang sabi ko kay Calix.“Ang mabuti pa ay matulog ka na dahil baka mahuli ka sa klase mo mamaya,” ang sabi ni Calix na biglang biago ang topic ng banggitin ko ang tungkol kay Mother Superior.Inalis ko muna ang aking contact lens bago humiga sa aking kama at ipinikit ko ang aking mga mata. Kailangan ko munang ipahinga ang aking utak dahil masyado na akong napagod kakaisip. Nang masigurado kong tulog na si Ada ay nagtungo ako sa headquarters ni Mother Superior. Nang makapasok ako sa headquarters ay laking gulat ko nang makita kong nakatayo si Mother Superior. Hindi ba dapat natutulog na siya ngayon? Bakit gising pa rin siya?“Calix, hindi ba?” ang tanong ni Mother Superior.Tumungo naman ako at nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha. Umupo siya at inilabas ang isang folder mula sa kanyang drawer. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pakay ko rito at hindi ko rin alam kung dapat rin ba akong magtiwala sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nakikita niya ako. Mukhang isa rin siyang mortal na may kakayahang makakita ng kaluluwa.“Tama ka, ako nga si Calix. Paano mo nalaman ang tungkol sa akin? At paano mo nalaman na pupunta ako rito ngayon?” ang tanong ko kay Mother Superior.Itinaas niya ang blinds ng kanyang bintana at sumilay ang kagandahan ng bilog na buwan. Bagamat walang bituin ay mararamdam mo ang kapayapaan ng gabi. Humarap siya doon at kahit na bakas sa kanyang mukha ang katandaan ay makikita sa kanya ang lakas na makikita sa mga kabataan.“Simula nang mapadpad ako sa ampunan na ito, si Ada ang isa sa mga pumukaw ng atensyon ko. Masyadong tahimik at kinatatakutan siya ng lahat dahil sa kanyang lilang mga mata. Hindi niya dapat naranasan ang lahat ng pasakit ng mundo. Narinig ko ang lahat ng pinag-uusapan niyo kanina. Kaya kunin mo na ang kopya ng dokumento, alam kong patuloy siyang babagabagin ng kanyang isipan tungkol sa nangyari kay Fred,” ang sabi ni Mother Superior.Napatingin ako sa dokumento at kinuha ko iyon.“Oo nga pala, alam kong kayo lang ang makakagawa ng bagay na iyon. Sinabihan ako ng Cardinal na hanapin niyo at sirain ang bagay na siyang dahilan kung bakit siya patuloy na naririto,” ang sabi ni Mother Superior.“Mother Superior, sabihin niyo nga sa akin, talaga bang alagad kayo ng diyos?” ang tanong ko.“Ano ba sa tingin mo?” ang tanong ni Mother Superior.Napabuntung-hininga naman ako sa kanyang sinagot. Hindi masasagot ang katanungan sa pamamagitan ng isa pang sagot at hindi matatapos ang pagtatanong kung patuloy niyang itatago ang totoo sa akin. Ginulo ko naman ang aking buhok at narinig ko ang kanyang pagtawa. “Humayo ka na, patuloy na tumatakbo ang oras,” ang sabi ni Mother Superior. Tumungo naman ako bago lumabas ng kanyang headquarters. Binuklat ko iyon at nakita ko ang dokumento sa pinagmulan ni Fred. Nakita ko ang pangalan ng totoong magulang ni Fred. Isa siyang Sevilla, ang isa sa mga maimpluwensyang pamilya dito sa San Ignacio. Isa sa pumukaw sa atensyon ko ay ang magulang ng ina ni Fred. Si Fransisco Pacifico. Sa pagkakaalala ko ay kasama ito sa listahan ng mga estudyanteng sangkot sa pagkamatay ni Aurelia Manalaytay.Sinubukan kong buksan ang laptop ni Ada ngunit may password iyon. Hay pambihirang bata ‘to. Paano ko makukumpirma ang hinala ko kung hindi ko mabubuksan ang laptop ni Ada. Umisip ako ng ibang paraan upang makakuha ng kopya ng listahan. Napapitik ako nang maalala kong pinasahan nga pala ni Ada si Gray at Arius. Tumagos ako sa pintuan at pumunta ako sa bahay nina Gray. Nagulat pa nga si Portia ng makita niya ako sa bahay nila.“Anong ginagawa mo rito?”ang tanong ni Portia.“Wala na tayong oras, kailangan kong makumpirma ang listahan ng mga estudyante na sangkot sa insidente noon!” ang sigaw ko.Nagmamadali naman kaming pumasok sa kwarto ni Gray at kinuha ang kanyang laptop. Binuksan ni Portia ang laptop at saka tinype ang password sa laptop. Binuksan niya ang file na sinend kanina ni Ada. Sinasabi ko na nga ba, may koneksyon si Fred sa isa sa mga dawit na estudyante noon. Pero bakit naman gagawin iyon ni Aurelia?“Anong ginagawa mo rito, Calix?” ang sigaw ni Gray at may hawak pa itong holy water.At sinong tanga ang mag-iisip na tinatalaban ako ng holy water? Nagtago naman sa likuran ko si Portia sa takot na masabuyan siya nito. Malamang tatalaban nga pala siya ng holy water. Pero bakit ba may holy water dito si Gray eh hindi naman siya pari?“Gago! Yung mommy mo nagtatago sa likuran ko! At pwede ba Portia! Magpakita ka na nga sa anak mo! Ang daya naman na ako lang ang nahihirapan rito oh!” ang sigaw ko kay Gray at Portia.Napatigil naman si Gray sa pagsaboy ng holy water. Nagpakita nam!an si Portia kay Gray. Narinig ko ang pag-iyak ni Portia at saka niya niyakap ang pasaway niyang anak. “Waaaaaah! Gray! I’m sorry!” ang sigaw ni Portia.Natulala pa si Gray sa pagyakap ni Portia at napatampal naman ako sa aking mukha. Bakit ba kasi ngayon pa naisip ni Portia na magreunion sila ng anak niya? Sa sobrang inis ko ay hinampas ko ang mesang nasa harapan ko ngayon.“Bilisan natin! Kailangan nating magmadali! Hindi ito ang tamang oras para sa reunion niyo! Manganganib ang mga taong may dugo ng mga estudyanteng dawit sa pagkamatay ng multong kalaban natin ngayon!” ang sigaw ko.Naalimpungatan ako dahil sa malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa bintana. Nakakapagtaka dahil sa pagkakaalala ko ay sarado ang jalousie bago ako pumasok kanina sa kwarto bago matulog. Tumayo ako upang saraduhan ang bintana ngunit laking gulat ko nang makita ko si Fred na nakatayo sa labas ng kwarto ko at laking gulat ko nang bigla niyang batuhin ang bintana. Agad akong lumayo sa bintana upang hindi ako maabutan ng mga bubog nito. Agad kong kinuha ang phone ko sa mesa bago tuluyang tumakbo palabas ng kwarto.“Saan ka sa tingin mo pupunta?” ang tanong ni Fred.Mali. Hindi si Fred ang isang ito! Si Aurelia ito! Binilisan ko ang pagtakbo patungo kay Mother Superior. Kahit na hindi ako makahinga dulot ng aking pagtakbo ang mahalaga ay makaligtas ako mula kay Aurelia. Sunud-sunod kong kinatok ang pinto ng headquarters ni Mother Superior ngunit walang sumasagot.“Binalaan na kita! Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga tao sa
Napapahikab ako habang nagrorosaryo sina Sister at Mother Superior. Siniko naman ako ni Sister Kat dahil napalakas ang hikab ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mother Superior. Totoo nga sigurong hindi mapapalitan ng kape ang kulang kong tulog. Nagsorry naman ako kay Mother Superior at saka ipinagpatuloy nila ang pagrorosaryo. Napabuntung-hininga na lang ako dahil ang tindi ng pagod na inabot ko nang habulin ako ni Fred kagabi noong sinapian siya. Nang matapos na ang pagrorosaryo ay pabagsak akong napahiga sa kama.Ipinikit ko ang aking mata at sinimulang namnamin ang aking araw ng pahinga. Muli naman akong napamulat ng bombahin ng sunud-sunod na katok ang pinto ng kwarto ko. Ibinato ko ang unan ko sa kama at saka bumangon. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang hyper na si Ate Gneiss. Sana all, may pahingang matiwasay. “Adamantine!" ang sigaw ni Ate Gneiss. “Bakit , Ate? May problema ba?" ang tanong ko kay Ate Gneiss habang kinukusot ko ang aki
Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang hitsura ng biktima ng pangalawang kaso. Hindi ko lubos maisip kung paano nagkaroon ng Danag sa campus. Isa pa, ayon kay Arius, hindi tulad ng ibang bampira ay hindi sila tinatatalaban ng sikat ng araw tulad ng mga napapanood sa mga pelikula. Sino bang mag-aakala na dahil sa kasong ito ay magbabago ang paniniwala ko tungkol sa mga bampira. Ayon kay Arius, maituturing na isang uri ng bampira ang mga Danag. Kasalukuyang na-kansela ang mga klase at nagkaroon ng emergency ang lahat ng facullty members ng lahat ng college department. Lumapit naman sa akin si Arius na nanatiling seryoso sa kaso."Okay ka na? You should've used to it. Posibleng hindi lang ito ang unang beses na maka-engkwentro ng kaso ng pagpatay. Hindi makukuntento ang Danag hangga't nabubuhay sila at hangga't may mabibiktima sila," ang sabi ni Arius.Napahilamos na lang ako dahil mukhang mauudlot pa yata ang mapayapang taong inaasam ko. Hindi naman na ako makakaurong
Naiiyak na lumapit sa akin si Quillia. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang takot. Sino bang mag-aakala na ang paglabas mo sa gabi ang magiging mitsa pa ng kamatayan mo?"Tulungan mo ako! Hindi ko ginustong mamatay! Dapat talaga nakinig na lang ako kay Calla!" ang sabi ni Quillia."Teka sino ba si Calla?" ang tanong ko.Napatingin naman sa akin si Quillia. Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka mapagkamalan akong baliw at isiping bagong takas ako sa mental hospital."Ang mabuti pa ay bumalik tayo sa lumang building. Huwag kang mag-aalala ligtas ka sa amin. Isa kami sa nagsosolve ng kaso tungkol sa pagkamatay mo," ang sabi ko sa kanya.Nakita ko ang ka-aliwalasan sa kanyang mukha at agad siyang lumapit sa akin."Talaga? Tutulungan mo ako?" ang tanong ni Quillia sa akin.Tumungo naman ako. Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko ang lalaking nakabunggo ko kanina."Pasensya ka na. Nagulat ba kita?" ang tanong nito
Nakaramdam ako ng kilabot nang marinig ko ang nakakakilabot na boses nito. Naging pula ang mga mata nito at humaba ang mga kuko nito. "Me. Re. Dith. Alam mo naman siguro na hindi pa naisisilang ang papatay sa akin hindi ba?" ang sambit ni Xander at wala pa sa alas kwatro ay nasakal niya na si Meredith. Nagpupumiglas si Meredith sa pagkakasakal ni Xander. Sinugatan naman ni Arius ang kanyang daliri at naririnig ko ang dasal na binabanggit niya sa ibang lenggwahe. Gumuhit ng pentagram si Arius sa hangin at hindi tulad nitong nakaraan ay naging kahel ang kulay nito na may halong dilaw. "Nam qui ducibus et protegat mundum es ingressus inIn luceat in tenebris et luceat per nos in tenebrisArmor libertatem et gladium iustitiae defendat ab omni maloMitte tuos custodes et auxilio nobis defendat nostri dilecto mundo Vocabo te Bathhala!" ang pagsambit ni Arius sa dasal at hinila niya mula sa loob ang isang espada na parang apoy ang kulay ngunit
Nagising ako sa pagsampal ng sinag ng araw sa aking mukha. Heto na naman at panibagong araw na naman ang aking sisimulan. Napatingin ako sa orasan at pasado alas otso na ng umaga. Wala ako sa wisyo upang magmadali kahit na alas otso na. Oo nga pala, wala akong pasok ngayon. Napangiwi naman ako nang may maramdaman akong mahapdi sa aking braso. Wala pa naman akong ginagawa at sa hindi malaman na dahilan ay wala naman akong naalala kung saan ko nakuha ang injury na ito. Ramdam ko ang aking pagod kahit na ilang oras na akong nakatulog. Pilit kong inaalala kung may napanaginipan ba akong kakaiba o wala. "Magandang umaga, Ada!" ang masayang bati ni Calix. Napatingin naman ako kay Calix na prenteng nakahalukipkip habang nakasandal sa pader ng aking kwarto. Naalala ko na naman ang gabing nakipagsagupaan siya sa Danag. Ni hindi rin nagkukuwento si Calix kung paano siya namatay. At lalong nagdagdag ng kanyang pagiging seryoso ay ang pinagmulan ng espadang ginamit niya la
Sa sobrang sabik ko ay nalimutan ko na mag-init ng tubig bago maligo. Pagkatapos ay sinuot ko ang plain na white t-shirt at ang sky blue na skater skirt. Sinuot ko ang aking white shoes bago ako nagtungo sa kusina. Napansin ko na nakaready na ang mga pagkain sa baunan kaya naman nagtanong ako kay Kuya Eli at Ate Gneiss."Kanino po ito?" ang tanong ko kay Kuya Eli."Kanino pa nga ba? Hindi ba sa'yo?" ang nakangiting sambit ni Kuya Eli.Nagulat naman ako. Paano kaya nila nalaman na aalis ako ngayon? Sinilip ko ang baunan at nakita kong may Caldereta, Sinigang na Bangus at Monggo sa tatlong baunan. Seryoso ba sila?" Teka! Hindi ko madadala ang mga ito! Magagalit sina Sister at Mother Superior!" ang sagot ko.Ngumiti si Kuya Eli at nagthumbs up naman si Ate Gneiss. Pumasok naman si Sister Serene at pumamaywang ito sa akin."Bilisan mo na Ada! Hindi dapat pinaghihintay ang mga kaibigan mo. Isa pa, hindi
Natulala ako sa sinabi ni Kuya Eli. Nang nakausap ko siya kanina sa phone ay halos magalit ito sa akin nang malaman niyang sa Villa Illumina kami pupunta. Ngunit ngayon ang boses niya ay may halong lungkot at halos mapaluha nang makita niyang muli ang Villa Illumina."Naalala mo pa ba ang kwento ng misteryo ng villa na ito, Ada?" ang tanong ni Kuya Eli.Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Sino bang makakalimot na ang vill na ito ay may sariling sementeryo sa loob? Sinasabing ang dalawang taong nagmamahalan ay parehas inilibing sa sementeryong iyon? Isa pang misteryo na ikinukuwento sa akin noon ay ang tinatawag ng mga tao doon na ang hinagpis ng Gumamela. Kung saan nagiging pula ang puting gumamela pagsapit ng alas dose ng hatinggabi tuwing kabilugan ng buwan? Sinasabi ring nagpapakita sa mga caretaker na sa bawat koleksyon ng salamin ang nakaraan ng dalawang taong hinadlangan ang pagmamahalan."Kuya Eli? Alin ba doon? Sa dami mong naikuwento sa akin nalimuta
Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace
Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s
Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun
Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine
Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang
Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang
Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat
Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay
Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r