Napapahikab ako habang nagrorosaryo sina Sister at Mother Superior. Siniko naman ako ni Sister Kat dahil napalakas ang hikab ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mother Superior. Totoo nga sigurong hindi mapapalitan ng kape ang kulang kong tulog. Nagsorry naman ako kay Mother Superior at saka ipinagpatuloy nila ang pagrorosaryo. Napabuntung-hininga na lang ako dahil ang tindi ng pagod na inabot ko nang habulin ako ni Fred kagabi noong sinapian siya. Nang matapos na ang pagrorosaryo ay pabagsak akong napahiga sa kama.
Ipinikit ko ang aking mata at sinimulang namnamin ang aking araw ng pahinga. Muli naman akong napamulat ng bombahin ng sunud-sunod na katok ang pinto ng kwarto ko. Ibinato ko ang unan ko sa kama at saka bumangon. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang hyper na si Ate Gneiss. Sana all, may pahingang matiwasay.
“Adamantine!" ang sigaw ni Ate Gneiss.
“Bakit , Ate? May problema ba?" ang tanong ko kay Ate Gneiss habang kinukusot ko ang aking mata dulot ng antok.
Nanlaki naman ang mga mata ni Ate Gneiss nang makita ako.
“Ang ganda ng contacts mo!" ang sigaw ni Ate Gneiss.
Napatingin naman ako kay Ate Gneiss. Napakapit naman sa aking mukha nang maalala kong inalis ko nga pala ang contact lens ko. Ang mabuti pa ay papaniwalain ko na lang na naka-contact lens ako.
“Bakit ka nga pala nandito, Ate Gneiss?", ang tanong ko sa kanya.
“Yayain ka sana naming lumabas. Manonood ng sine," ang sabi ni Ate Gneiss at ngumiti siya ng napakatamis.
Muli naman akong humikab dahil hindi ko na talaga kaya ang matinding antok. Kung sasama man ako sa panonood ng sine ay baka matulugan ko lamang ang buong palabas. Lugi naman ako doon kaya kailangan kong tumanggi sa pagkakataong ito.
“Pasensya na, Ate Gneiss pero kailangan kong matulog. Kulang kasi ang pahinga ko kagabi dahil sa nangyari kagabi. Kayo na lang ni Kuya Eli ang manood. Sige, enjoy kayo!” ang sagot ko kay Ate Gneiss.
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Ate Gneiss at saka sinarado ang pinto. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil kanina ko pa gustung-gusto magpahinga.
Nilamon ang paligid ko ng kadiliman at inihatid ang aking diwa sa mundo ng panaginip mula sa reyalidad.
Natagpuan ko ang sarili ko na nasa opisina ni Mother superior. Nakita ko ang mag-asawang gustong mag-ampon ng bata. Ramdam ko ang pandidiri nila sa akin dahil sa kulay lila kong mga mata. Halos araw-araw ay ganun ang eksena sa bawat mag-asawang nais magkaroon ng anak kahit hindi nila kadugo. At sa araw-araw na iyon, ay hindi ako napipili. Halos araw-araw akong pinapatay ng sarili kong pag-asa na may pamilyang magmamahal sa akin. Kaya araw-araw ko ring isinisiksik sa aking kaisipan na walang magmamahal sa akin hangga’t nasa akin ang mga matang ito. Kaya naman sa ilang taong inilagi ko sa ampunan ay sinikap ko na buhayin ang sarili ko. At sa araw-araw na hindi ako pinipili ay tumatak sa aking kaisipan ang kanilang mga masasakit na salita.
“Sister, wala bang ibang bata na pwedeng pamilian? Baka akalain ng mga tao na may anak akong halimaw,” ang sabi ng isang babae.
Sinamahan naman sila ni Mother Superior. Sinabihan naman ako ni Mother Superior na maglaro muna ako sa labas. Lumabas ako sa opisina at tumakbo naman ako sa may halamanan. Naabutan ko si Calix na nakatayo doon kaya naman agad ko siyang niyakap at inilabas ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Si Calix lamang ang nasasandalan ko sa mga panahong iyon. Siya ang nagparamdam sa akin kung anong ibig sabihin ng totoong pamilya.
Naramdaman ko na may humaplos sa aking mukha kaya naman pilit kong iminulat ang aking mga mata. Sumalubong naman sa akin ang nag-aalalang si Calix. Muli namang tumulo ang aking mga luha na siyang nakalimutan ko nang gawin sa paglipas ng panahon. Akala ko, ayos na ang lahat.
“Umiiyak ka na naman. Masama siguro napaginipan mo?” ang tanong ni Calix.
“Oo. Huwag mo akong alalahanin. Ayos lang ako. Magpapahinga na lang ako ulit ako,” ang sagot ko kay Calix.
Sumimangot naman si Calix sa akin at itinuro niya sa akin ang kanyang inihandang batya na may maligamgam na tubig sa tabi ng aking kama. Kinapa ko naman ang aking noo at napansin ko naman na may isang basang bimpo sa aking noo.
“Hindi ka ayos, Adamantine. Inaapoy ka ng lagnat kanina kaya naman nagpunta ako kay Mother Superior kanina. Kaya naman tinulungan niya akong ihanda ang maligamgam na tubig na nasa batya,” ang kwento ni Calix.
Nagtaka naman ako kung paano siya nakahingi ng tulong kay Mother Superior eh hindi naman siya nakakakita ng kaluluwa? Napakapit naman ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng hilo.
“Pagod lang siguro ito dulot ng nangyari kagabi. Isa pa, wala naman akong sapat na tulog dahil inumaga na tayo ng uwi kanina,” ang paliwanag ko kay Calix.
Sunud-sunod naman ang katok ang narinig ko sa pinto. Sigurado akong si Ate Gneiss na naman iyon. Sumilip naman si Calix at nagulat ako nang makita kong binuksan niya ang pinto. Bumungad naman si Gray na pawisang-pawisan. Kinapa naman niya ang aking leeg at nakita ko ang kanyang pag-iling. Parang butiki na dismayado si Gray dahil sa pagtunog ng kanyang dila.
“Uminom ka na ba ng gamot? Kailan ka pa nilalagnat?” ang tanong ni Gray.
“Hindi pa ako nakakainom ng gamot kagigising ko lang. Teka ano palang ginagawa mo dito?” ang tanong ko kay Gray.
Napatingin naman si Gray kay Calix. Mukhang nasobrahan sa pag-aalala ah? Mukhang hindi na ako magtataka kung mamaya ay narito si Arius.
“Sandali lang ha, kunin ko lang ang bag ko. May paracetamol ako d’on. Nga pala may dala akong sopas. Kainin mo para manubalik lakas mo,” ang sabi ni Gray at saka ipinatong iyon sa bedside table ko.
Lumabas ulit si Gray sa kwarto. Pumasok naman si Arius at kita ko naman sa kanyang mukha ang pagiging seryoso. Sinamaan ko naman ng tingin si Calix dahil hindi ko inexpect na aabot ang pagiging overreacting niya kay Arius.
“Wag mong sabihing pinuntahan ka rin ni Calix?” ang tanong ko kay Arius.
Umiling naman si Arius. Napahalukipkip naman siya at saka iniligay ang kanyang palad sa aking noo. Halos maubusan naman ako ng dugo dahil sa malapit ang kanyang mukha sa akin.
“Mataas ang lagnat mo. Kumain ka na ba?” ang tanong ni Arius.
Umiling naman ako at agad niyang kinuha ang sopas na nasa bedside table. Hinipan niya ito bago ipinakain sa akin. In fairness, masarap yung luto ni Gray na sopas.
“Teka, anong ginagawa mo dito?” ang tanong ko kay Arius.
“Nag-donate ako ng ten million sa ampunan. At iyon ang kapalit ng pagsali mo sa club natin,” ang sabi ni Arius kaya naman naibuga ko ng wala sa oras ang sopas.
Para namang gumuhit sa lalamunan ko ang sabaw ng sopas na niluto ni Gray. Napaubo naman ako kaya kinailangan kong lumingon sa ibang direksyon.
Napatingin naman ako kay Arius na ang sama ng tingin dahil puno na ng maliliit na piraso ng macaroni ang kanyang mukha. Diyos ko po! Wag naman sana bawiin ni Arius ang ten million! Inabutan naman siya ni Arius ng towel kaya naman napunasan naman niya ang kanyang mukha. Dumating si Gray dala ang gamot na kanyang kinuha sa kanyang sasakyan.
“Hala! Sorry! Ikaw naman kasi! Binigla mo ako! Teka muna! Ang laking halaga ng ten million! Mukhang habangbuhay ako sa'yo magsisilbi ah?" ang pabiro kong sabi at saka tumawa siya nang mahina.
"Akala ko naman masama ang lasa ng sopas na ito. Eh di sana ipinagluto kita," ang sabi ni Arius at narinig ko ang pagtikhim ni Gray.
Tumingin naman ako kay Gray na nakasimagot pa rin dahil sa sinabi ni Arius. Halatang hindi nito nagustuhan ang tabas ng dila ni Arius at sa tingin pa lang nito ay gusto niya nang sakalin si Arius.
"Huwag kang mag-alala, Gray. Nambigla kasi itong Arius. Pero masarap yung luto mong sopas. Walang halong biro," ang sabi ko kaya naman umandar na naman ang kayabangan ni Gray.
"Talagang masarap ako magluto! Tinulungan ako ni Mommy na lutuin yan eh! 'Di ba Mom?" ang tanong ni Gray at nag-thumbs up naman si Tita Portia.
Oo. Tita na lang daw ang itawag ko sa kanya lalo na't malaki naman ang naging ambag ko sa buhay nila. Ngumiti naman si Tita Portia at hindi tulad ng dati ay lagi itong malungkot dahil sa pagiging pasaway ni Gray.
"So magpahinga ka na. Dapat magaling ka na bukas. Hindi pwedeng hindi ka namin makikita bukas," ang sabi ni Arius at iniabot sa akin ang sopas na nasa babasaging mangkok.
Lumapit naman sa akin si Gray at iniabot sa akin ang isang banig ng paracetamol. Nagpaalam na si Arius dahil may mga mahalagang bagay pa daw siyang gagawin lalo na't hindi pwedeng isantabi ang mga iyon. Muli naman akong sumubo ng sopas dahil naiiwan sa dila ko ang masarap na lasa nito at hinahanap na ng tiyan ko ang sunod na paglasap ko dito.
"Oh, magpagaling ka. ang lungkot ng buhay ko kapag wala akong aasarin bukas," ang sabi naman ni Gray.
At sa pangalawang pagkakataon ay naibuga ko ang sopas ngunit sa pagkakataong ito ay sa mukha naman ni Gray napunta ang maliliit na piraso ng macaroni. Ano bang problema ng mga tao ngayon? Required ba talagang mambigla? Napaubo naman ako dahil nasamid pa ako sa durog na paminta.
Pakiramdam ko ay kinuha ako ng kamatayan sa mga sandaling iyon. Inabutan naman ako ni Calix ng tubig at agad kong tinungga iyon.
"Teka nga muna! Bakit ba ang hilig manggulat ng mga tao ngayon? Anong meron? Epekto pa rin ba iyan ng kaluluwang si Aurelia Manalaytay?" ang tanong ko kay Gray.
Agad namang tinakpan ni Gray ang aking bibig at agad niyang tiningnan ang paligid na parang may hinahanap.
"Pwede ba? Huwag mo na lang banggitin ang pangalan ng multong iyon. Kinikilabutan pa rin ako sa ginawa niya kagabi. Baka nakakalimutan mong nilalagnat ka ngayon dahil sa kanya? Isa pa, mga puyat na sabog rin tayo dahil sa kababalaghang nangyari kagabi?" ang sermon ni Gray na tila iritado sa nangyari.
Nakarinig naman ako ng bumagsak na gamit sa may pinto kaya naman napalingon naman kami. Nakita namin ang pangangatal ni Ate Gneiss.
"Hoy! Anong kababalaghan ang ginawa niyo kagabi? Huwag mong sabihing may nangyari na sa inyo ni Gray? Nakipagchukchakan ka ba kagabi?" ang sunud-sunod namang tanong ni Ate Gneiss.
Lumapit siya sa akin at kinapa niya ang pulsuhan ko. Napakunot naman ang noo niya nang hindi niya makuha ang inaasahan niyang resulta.
"Normal naman ang pulso mo. Mukhang hindi ko naman buntis," ang sabi ni Ate Gneiss.
Napamaang naman ako sa sinabi ni Ate Gneiss. Ano bang naiisip niya sa salitang kababalaghan? Gusto ko na lang ihagis ang sopas dahil pakiramdam ko ay may sumpa ito sa pagsasabi ng mga tao tungkol sa mga nakakabiglang bagay!
"Ate Gneiss, Hindi ako buntis. Ano bang iniisip mo?" ang tanong ko.
Napakamot naman sa ulo si Ate Gneiss. Napatakip naman ng kanyang mukha si ate Gneiss dahil sa kanyang ginawa. Agad siyang tumakbo palabas ng kwarto dahil sa kahihiyan. Nagpaalam naman si Gray na aalis na dahil kakausapin niya pa daw ang abogado ng mommy niya dahil nais niyang magsampa ng kaso laban sa kanyang ama.
Pagkatapos ng mga nangyari kanina ay pinili kong magpahinga upang mabilis akong makabawi ng lakas para bukas. Kung noong unang araw ko sa eskwelahan ay sama lang ng loob at kabwisetan lang ang ambag nito sa buhay ko, ngayon ay sabik na akong malaman kung ano ang mga susunod na mangyayari. Kung loloobin man ng diyos sana ay hayaan niyang maging mapayapa ang aking taon. Ipinikit ko ang aking mga mata at nakangiti akong humiga sa aking kama.
"Good night, Calix!" ang sabi ko kay Calix bago ako tuluyang nahimbing sa aking pagkakatulog.
Makalipas ang ilang oras ay gumising ako nang nakangiti. Hindi katulad ng dati, ay iba ang pagkasabik ko sa araw na ito. Agad kong kinuha ang cellphone ko at mabilis na nagtungo sa kusina. Isinalpak ko sa aking tenga ang earphones at masaya akong kumakanta ng music na aking pinakikinggan habang naghahanda ng pagkain. Nang matapos ko nang mailagay sa baunan ang mga pagkain ay agad ko iyong inilagay sa cute na pink na ecobag na may drawing ng kuneho.
Nang marinig kong sumipol ang takure ay agad kong pinatay ang stove at isinalin ang mainit na tubig sa timbang animo'y may nagyeyelong tubig dahil sa lamig. Inalis ko ang aking earphone at pinatay ko ang music sa aking phone bago ko ito ipinatong sa mesa.
Nang matapos na akong maligo ay pumili na ako ng damit na susuotin lalo na't wash day kami everyday. Pinili ko ang isang pulang plain na tshirt, ripped jeans at black na sneakers."New day, new adventure! Here I come!' ang sigaw ko.
Agad naman akong tumakbo palabas ng kwarto.Binati ko naman si Kuya Eli na busy sa pagdidilig ng mga halamang gulay.
"Kuya Eli! Good Morning!" ang bati ko.
"Good Morning, Ada! Mag-iingat ka sa mga tao ngayon! Mapanlinlang pa naman ang iba sa kanila," ang paalala ni Kuya Eli.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Kuya Eli.
Ngumiti naman ako at saka tumungo. Minsan naiisip ko ang weird ni Kuya Eli. May mga payo kasi siya kada araw. Pero iyon ang pinakamatindi sa kanya. Tumutumpak sa isang pangyayari ang kanyang mga payo.
Agad naman akong tumakbo patungo sa may gate ng ampunan at naabutan kong nakahinto ang isang familiar na sasakyan. Bumaba ang bintana nito nakita ko ang seryosong mukha ni Arius.
"Hop in. We have new case," ang kanyang bungad.
Wow, agang-aga. Case agad? Pero ano naman kaya iyon? Agad naman akong sumakay sa kotse ni Arius at pinaharurot naman niya ang sasakyan. Base sa mukha ni Arius, ay seryoso siya sa kanyang sinabi kanina.
"Ano bang kaso this time? Contortionist na multong nananakot?"ang pagbibiro ko kay Arius.
"Danag," ang matipid na sagot ni Arius.
Nangunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. Danag? Ano naman yun?
"Teka ano naman ang Danag parang ngayon ko lang narinig yan?" ang tanong ko kay Arius.
Napabuntung-hininga naman si Arius na tila inihahanda ang kanyang sarili sa isang mahabang paliwanagan."Ang Danag ay kilala bilang bampira sa Pilipinas. Ayon sa alamat ay dati silang diyos. Tinutulungan nila ang mga tao na magapalago ng taro. Tapos isang araw, nasugatan yung isang babae then yung isang danag nagpresinta na s******n ang dugo ng babae para malinis ang sugat nito. Tapos nasarapan sa dugo yung Danag dahil sa kakaibang tamis nito. Nasipsip ng Danag ang lahat ng dugo ng babae hanggang sa mamatay. Kaya simuma noon, lagi na silang nambibiktima ng mga tao. Kaya hanggang ngayon, walang nakakaalam kung paano papatayin ang Danag," ang paliwanag ni Arius.
Kinuha ko naman ang cellphone ko upang itala ang mga impormasyon tungkol sa Danag. Napaisip naman ako kung paano niya nalaman ang tungkol sa kaso? Napalingon naman ako sa dinaraanan namin dahil iyon pa rin ang ruta patungong school.
"Teka, saan nga pala nangyari ang kaso?" ang tanong ko.
"Sa school natin. At ang masaklap ang taong namatay ay may koneksyon sa una nating kaso," ang sabi ni Arius.
"At saan mo naman nakuha ang impormasyg iyan?" ang tanong ko kay Arius.
Isang simangot naman ang natanggap kong reaksyon mula kay Arius na tila hindi natutuwa sa tuwing binabanggit niya iyon."Maraming koneksyon ang pamilya namin kaya naman tinatawag nila kami kapag may mga bagay na hindi maipaliwanag sa isang kaso," ang sabi ni Arius.
Natulala naman ako sa kanyang sinabi. Halos sumakit naman ang ulo ko sa impormasyong nakuha ko kay Arius. Kung ganun, ang sinasabi niyang maipluwensyang tao ang kanyang tinutukoy na unang biktima. Nang makarating kami ay nakita kong maraming estudyante ang nagkukumpulan.
Pinalalayo naman sila ng pulis dahil nagsisimula na ang imbestigasyon. Makikita mo rin ang yellow tape na kadalasang makikita sa mga balita at pelikula. Hinarang naman kami ng mga pulis ngunit sinaway naman sila ng isang Detective na siyang in-charge sa kaso. Paano ko nalaman na detective ang kanyang ranggo? Dahil iyon sa tsapa na nakasabit sa uniporme nito.
"Arius, long time no see! Ang laki na ng ipinagbago mo ah? Kamusta ang Dad mo?" ang tanong nito kay Arius.
"Ok lang naman siya. As usual, he is happy to lend his hand sa kasong ito. Ang kaso dahil nasa business trip niya ay ako ang ipinadala niya rito," paliwanag ni Arius.
Inabutan naman ako ni Arius ng isang pares na Nitrile gloves dahil mas matibay ito kumpara sa Latex Gloves. Agad ko namang tiningnan ang nakatalukbong na bangkay ng biktima at halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang makita kong nakadilat ang mata ng biktima. Napansin ko ang sugat sa leeg nito na halatang may kumagat sa leeg nito dulot ng mga bakas ng ngipin na bumaon sa balat nito.
"Confirmed. Danag ang kalaban natin ngayon," ang sabi ni Arius.
Ang gusto ko lang naman ay mapayapang taon pero bakit naman Lord ganito? Bakit parang mababalot pa yata ng kababalaghan ang taon ko?
Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang hitsura ng biktima ng pangalawang kaso. Hindi ko lubos maisip kung paano nagkaroon ng Danag sa campus. Isa pa, ayon kay Arius, hindi tulad ng ibang bampira ay hindi sila tinatatalaban ng sikat ng araw tulad ng mga napapanood sa mga pelikula. Sino bang mag-aakala na dahil sa kasong ito ay magbabago ang paniniwala ko tungkol sa mga bampira. Ayon kay Arius, maituturing na isang uri ng bampira ang mga Danag. Kasalukuyang na-kansela ang mga klase at nagkaroon ng emergency ang lahat ng facullty members ng lahat ng college department. Lumapit naman sa akin si Arius na nanatiling seryoso sa kaso."Okay ka na? You should've used to it. Posibleng hindi lang ito ang unang beses na maka-engkwentro ng kaso ng pagpatay. Hindi makukuntento ang Danag hangga't nabubuhay sila at hangga't may mabibiktima sila," ang sabi ni Arius.Napahilamos na lang ako dahil mukhang mauudlot pa yata ang mapayapang taong inaasam ko. Hindi naman na ako makakaurong
Naiiyak na lumapit sa akin si Quillia. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang takot. Sino bang mag-aakala na ang paglabas mo sa gabi ang magiging mitsa pa ng kamatayan mo?"Tulungan mo ako! Hindi ko ginustong mamatay! Dapat talaga nakinig na lang ako kay Calla!" ang sabi ni Quillia."Teka sino ba si Calla?" ang tanong ko.Napatingin naman sa akin si Quillia. Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka mapagkamalan akong baliw at isiping bagong takas ako sa mental hospital."Ang mabuti pa ay bumalik tayo sa lumang building. Huwag kang mag-aalala ligtas ka sa amin. Isa kami sa nagsosolve ng kaso tungkol sa pagkamatay mo," ang sabi ko sa kanya.Nakita ko ang ka-aliwalasan sa kanyang mukha at agad siyang lumapit sa akin."Talaga? Tutulungan mo ako?" ang tanong ni Quillia sa akin.Tumungo naman ako. Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko ang lalaking nakabunggo ko kanina."Pasensya ka na. Nagulat ba kita?" ang tanong nito
Nakaramdam ako ng kilabot nang marinig ko ang nakakakilabot na boses nito. Naging pula ang mga mata nito at humaba ang mga kuko nito. "Me. Re. Dith. Alam mo naman siguro na hindi pa naisisilang ang papatay sa akin hindi ba?" ang sambit ni Xander at wala pa sa alas kwatro ay nasakal niya na si Meredith. Nagpupumiglas si Meredith sa pagkakasakal ni Xander. Sinugatan naman ni Arius ang kanyang daliri at naririnig ko ang dasal na binabanggit niya sa ibang lenggwahe. Gumuhit ng pentagram si Arius sa hangin at hindi tulad nitong nakaraan ay naging kahel ang kulay nito na may halong dilaw. "Nam qui ducibus et protegat mundum es ingressus inIn luceat in tenebris et luceat per nos in tenebrisArmor libertatem et gladium iustitiae defendat ab omni maloMitte tuos custodes et auxilio nobis defendat nostri dilecto mundo Vocabo te Bathhala!" ang pagsambit ni Arius sa dasal at hinila niya mula sa loob ang isang espada na parang apoy ang kulay ngunit
Nagising ako sa pagsampal ng sinag ng araw sa aking mukha. Heto na naman at panibagong araw na naman ang aking sisimulan. Napatingin ako sa orasan at pasado alas otso na ng umaga. Wala ako sa wisyo upang magmadali kahit na alas otso na. Oo nga pala, wala akong pasok ngayon. Napangiwi naman ako nang may maramdaman akong mahapdi sa aking braso. Wala pa naman akong ginagawa at sa hindi malaman na dahilan ay wala naman akong naalala kung saan ko nakuha ang injury na ito. Ramdam ko ang aking pagod kahit na ilang oras na akong nakatulog. Pilit kong inaalala kung may napanaginipan ba akong kakaiba o wala. "Magandang umaga, Ada!" ang masayang bati ni Calix. Napatingin naman ako kay Calix na prenteng nakahalukipkip habang nakasandal sa pader ng aking kwarto. Naalala ko na naman ang gabing nakipagsagupaan siya sa Danag. Ni hindi rin nagkukuwento si Calix kung paano siya namatay. At lalong nagdagdag ng kanyang pagiging seryoso ay ang pinagmulan ng espadang ginamit niya la
Sa sobrang sabik ko ay nalimutan ko na mag-init ng tubig bago maligo. Pagkatapos ay sinuot ko ang plain na white t-shirt at ang sky blue na skater skirt. Sinuot ko ang aking white shoes bago ako nagtungo sa kusina. Napansin ko na nakaready na ang mga pagkain sa baunan kaya naman nagtanong ako kay Kuya Eli at Ate Gneiss."Kanino po ito?" ang tanong ko kay Kuya Eli."Kanino pa nga ba? Hindi ba sa'yo?" ang nakangiting sambit ni Kuya Eli.Nagulat naman ako. Paano kaya nila nalaman na aalis ako ngayon? Sinilip ko ang baunan at nakita kong may Caldereta, Sinigang na Bangus at Monggo sa tatlong baunan. Seryoso ba sila?" Teka! Hindi ko madadala ang mga ito! Magagalit sina Sister at Mother Superior!" ang sagot ko.Ngumiti si Kuya Eli at nagthumbs up naman si Ate Gneiss. Pumasok naman si Sister Serene at pumamaywang ito sa akin."Bilisan mo na Ada! Hindi dapat pinaghihintay ang mga kaibigan mo. Isa pa, hindi
Natulala ako sa sinabi ni Kuya Eli. Nang nakausap ko siya kanina sa phone ay halos magalit ito sa akin nang malaman niyang sa Villa Illumina kami pupunta. Ngunit ngayon ang boses niya ay may halong lungkot at halos mapaluha nang makita niyang muli ang Villa Illumina."Naalala mo pa ba ang kwento ng misteryo ng villa na ito, Ada?" ang tanong ni Kuya Eli.Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Sino bang makakalimot na ang vill na ito ay may sariling sementeryo sa loob? Sinasabing ang dalawang taong nagmamahalan ay parehas inilibing sa sementeryong iyon? Isa pang misteryo na ikinukuwento sa akin noon ay ang tinatawag ng mga tao doon na ang hinagpis ng Gumamela. Kung saan nagiging pula ang puting gumamela pagsapit ng alas dose ng hatinggabi tuwing kabilugan ng buwan? Sinasabi ring nagpapakita sa mga caretaker na sa bawat koleksyon ng salamin ang nakaraan ng dalawang taong hinadlangan ang pagmamahalan."Kuya Eli? Alin ba doon? Sa dami mong naikuwento sa akin nalimuta
Kinusot ko pa ang aking mga mata dahil sa pagkalito. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko. Anong ginagagawa ko dito sa nakaraan? Naglakad-lakad ako at napansin ko na lamparang de langis ang nagsisilbing street light dito. Napabusangot naman ako sa aking kasuotan dahil sinauna ang aking kasuotan at hindi ko alam kung paano nila natitiis ang ganito kainit na tela. Napakamot naman ako sa aking batok dahil makati sa balat ang telang pinya ng aking kasuotan."Naliligaw ka ata binibini? Hindi ba dapat ikaw ay nasa inyong tahanan at ikaw ay nagpapahinga na?" ang tanong ng isang lalaki.Halos mapatalon naman ako sa aking kinatatayuan at napahawak naman ako sa aking dibdib dulot ng pagkagulat. Napaharap ako sa kanya at nakita ko ang isang nilalang na talagang napakagwapo. Puti ang kanyang kamisa de chino at kulay kape ang kanyang pantalon. Naka-bakya ito at ang kanyang buhok ay nakahawi sa iisang direksyon. "Patawad, binibini. mukhang nagulat yata kita. May
Ibinaling ko ang aking atensyon sa nagaganap na konprotasyon nina Señorita Veronica at Ginoong Narciso. Alam kong hindi magiging madali ang lahat para sa kanila. Kaya naman ipinagdadasal ko na sumang-ayon sa kanilang panig ang maykapal. "Hindi maaari ang iyong hinihiling Veronica! Isa kang heredera kaya naman utang na loob lumayo ka sa lalaking iyan!" ang sigaw ng isang matandang lalaki. Lumapit si Señorita Veronica at matapang niyang hinarap ang matatapang na salita ng matandang lalaki. Naniniwala akong ipaglalaban ni Señorita Veronica si Ginoong Narciso. Naniniwala akong maaaring magbago ang nakaraan. "Ada, naniniwala ka bang magbabago ang itinakdang dapat mangyari? Anong gagawin mo ngayon?" ang tanong ni Magwayen. Sa totoo lang ay walang masamang sumubok. Pero kung mapupuno ng pagsisisi ang kanilang buhay hanggang sa susunod nilang buhay ay malilimutan lamang nila ang kanilang pagsisisi at muli lamang iyon na mauulit. Alam kong may magagawa a
Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace
Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s
Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun
Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine
Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang
Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang
Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat
Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay
Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r