Naalimpungatan ako dahil sa malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa bintana. Nakakapagtaka dahil sa pagkakaalala ko ay sarado ang jalousie bago ako pumasok kanina sa kwarto bago matulog. Tumayo ako upang saraduhan ang bintana ngunit laking gulat ko nang makita ko si Fred na nakatayo sa labas ng kwarto ko at laking gulat ko nang bigla niyang batuhin ang bintana. Agad akong lumayo sa bintana upang hindi ako maabutan ng mga bubog nito. Agad kong kinuha ang phone ko sa mesa bago tuluyang tumakbo palabas ng kwarto.
“Saan ka sa tingin mo pupunta?” ang tanong ni Fred.Mali. Hindi si Fred ang isang ito! Si Aurelia ito! Binilisan ko ang pagtakbo patungo kay Mother Superior. Kahit na hindi ako makahinga dulot ng aking pagtakbo ang mahalaga ay makaligtas ako mula kay Aurelia. Sunud-sunod kong kinatok ang pinto ng headquarters ni Mother Superior ngunit walang sumasagot.“Binalaan na kita! Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga tao sa paligid mo! Sila ang maglulugmok sa iyong sariling kamatayan!” ang sigaw ni Aurelia.Umalingawngaw ang sigaw ni Aurelia sa kalaliman ng gabi at ramdam ko sa aking kalamnan ang takot na kanina ko pa nararamdaman. Muli akong tumakbo ngunit patungo sa kapilya ng ampunan. Naalala ko ang sabi ni Father Juan kapag nakakaramdam ako ng takot ay tumakbo lang ako sa kapilya upang magdasal.Ngunit ang dasal na iyon ay dapat magmumula sa puso dahil kung hindi mo isasapuso ang pagdadasal ay sasabayan ka lamang ng nilalang at saka niya iinsultuhin ang kinikilala mong diyos. Nagulat ako nang bigla akong nadapa. Bakit ngayon pa?
“Hinahanap mo ba ang sarili mong kamatayan? Bakit ba ang hilig niyong makialam sa mga plano ko?” ang sigaw ni Aureila.“Tanga! Humahanap ako ng ebidensya upang mailahad ang katotohanan! Kaya kung hindi mo ma-appreciate ay ibabagsak kita sa dapat mong kalagyan!” ang sigaw ko. Bumuhos ang malamig na patak na ulan at nagsimula na ang pagngangalit ng langit sa pamamagitan ng pagkulog at pagkidlat. Ramdam ko ang galit ni Aurelia nang biglang humangin ng malakas. Nagsisiyukuan ang mga puno sa paligid na animo’y may bagyong biglang namuo sa ampunan. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang group chat namin. Gumulong naman ako palayo ng bigla akong binato ni Aurelia ng bato.“Pinatay na dapat kita kanina habang nahihimbing ka sa iyong pagtulog!” ang sigaw ni Aurelia.Muli akong tumayo at saka tumakbo papuntang kapilya. Pinilit kong sumigaw ngunit walang boses ang lumabas dito. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Ang gusto ko lang naman ay makatulong nang mga hindi matahimik na kaluluwa. Pero bakit kamatayan pa ang kapalit ng pagtulong ko. Huminga ako nang malalim dahil parang puputok ang baga ko sa sobrang pagod. Inipon ko ang lahat ng lakas ko upang sumigaw.“Tulungan niyo ako!” ang sigaw ko at kasabay ng pagtama ng kidlat sa pagitan namin ni Aurelia. Napatigil si Aurelia sa pagtakbo at natulala sa nangyari. Nakita ko ang paglitaw ng dalawang babae sa harapan ko. Sila yung mga multo sa school. Anong ginagawa nila rito? “Pasensya na kung nahuli kami. Dapat kanina pa kami nagpunta rito,” ang sabi ng isa sa kanila.Nakita ko ang galit sa mukha ni Aurelia. Alam kong sila ang pagbabalingan ng galit niya ngayon. Kailangan kong makahingi ng tulong ngayon. Muli kong tiningan ang phone ko. Buti na lang at waterproof ang phone ko dahil kung hindi ay nagpaalam na ito ngayon. Narinig ko ang pagsigaw ni Gray sa kabilang linya at nakita ko naman ang pag-alis ni Gray sa kanilang bahay.“Ada, wait for us! Tumakbo ka na sa safe na lugar! Make sure na hindi ka niya aabutan!” ang sigaw ni Arius.Lumitaw naman si Calix sa tabi ko at inalalayan akong makatayo. Nakita ko ang pakikipaglaban ni Aurelia sa dalawang multo na kausap ko kanina. Nakita ko ang tumigil na sasakyan at lumabas doon ang nagmamadaling si Gray. Hindi niya inalintana ang lakas ng pagbuhos ng ulan at binuhat ako papuntang kotse niya. Ramdam ko ang lamig na nagmumula sa aircon ng kotse ni Gray. Napahagulhol na lang ako sa tindi ng traumang idinulot ni Aurelia.“Gray, anong plano natin ngayon?” ang tanong ni Tita Portia.
“Hindi ko alam, Mom. Ang plano ko lang ay ang makalayo muna sa lugar na ito!” ang sabi ni Gray at saka pinaharurot ni Gray ang kanyang kotse.Muli kong tiningnan ang phone ko at kita kong nasa kotse na rin si Arius. Nakita ko ang pagiging seryoso ng kanyang ekspresyon. “Mabuti naman at ligtas ka Ada. Gray magkita tayo sa school grounds. Kailangan nating hanapin ang artifact. Maaaring may tumutulong rin kay Aurelia para makapaghiganti. Hindi ko alam kung sino iyon ngunit kailangan nating malaman kung sino ang taong iyon!” ang sabi ni Arius.Nang makarating kami ay nakita naman namin ang isang babae na papasok sa loob ng school building. Anong ginagawa niya rito? Madaling araw palang at wala dapat estudyante rito.“Hindi ba siya yung kaklase natin na sinapian noong klase natin?” ang tanong ni Gray. Tiningnan ko siyang maigi. Napailing na lang ako kay Gray dahil may kaunting pagkakaiba ang babaeng ito at ang kaklase naming sinapian ng araw na iyon. Bababa na sana si Gray nang bigla ko siyang pinigilan. Sinenyasan ko siya na huwag muna bumaba dahil kapag nagkataon ay hindi namin malalaman ang dahil kung bakit siya naroroon. Pinabaling naman ni Gray ang sasakyan ngunit nagulat naman kami nang makita namin ang babae sa gilid ng sasakyan. Mabuti na lamang at nakapreno agad si Gray dahil kung hindi ay mababangga niya ang babae.Nagkatinginan naman kami nina Calix. Masama ang kutob ko sa babaeng ito. Alam kong hindi lang siya ordinaryong nilalang. Tumila naman ang ulan kaya naman nagkasundo kami ni Gray na bumaba sa sasakyan.“Sino kayo? Anong ginagawa ninyo dito?” ang tanong niya.Napataas naman ang aking kilay sa kanyang tanong. Hindi ba kami dapat ang magtanong sa kanya ng tanong na iyon? Sinamaan niya naman ako ng tingin dahil sa aking pag-irap. Napabuntung-hininga naman kami ni Gray sa kanyang tanong.“Kami ang dapat magtanong niyan. Anong ginagawa mo dito?” ang tanong ko.Nabalot ng ilang minutong katahimikan ang paligid at tanging tunog ng kuliglig ang naririnig sa paligid bago siya sumagot. “Sinusundan ko ang kakambal ko na pumasok sa school building. Nag-aalala ako na baka maulit na naman ang pagwawala niya kanina. Pagkatapos niyang magwala sa bahay kanina ay bigla na lang siyang tumakbo,” ang sabi ng babaeng kausap naming ngayon.Nagkatinginan naman kami ni Gray dahil nagwala din si Fred sa ampunan kanina at muntikan na rin akong patayin kanina. Posible bang sapian ang dalawang tao ng isang multo nang sabay?“Paano nangyari y’on? Sinapian rin yung batang nasa ampunan kanina? Halos patayin na nga si Ada kanina eh?” ang sabi ni Gray.
Napalingon kami kay Calix dahil bigla siyang sumigaw dahil sa may naapakan siyang sanga na siyang sanhi ng malakas na ingay mula dito. “Pwede ba Calix! Huwag kang maingay baka marinig tayo!” ang sigaw naming ni Gray.Napatingin naman sa amin ang babaeng kausap namin ngayon. Teka sino nga ba ‘to? Kanina pa kami magkakasama. Palibhasa nauna ang pagtataray naming. Pati sino ba ang mag-iintroduction sa gitna ng sitwasyon na ito?“Sino si Calix? Pati wala naman tayong ibang kasama ritro ah?” ang sabi ng babaeng kasama namin.Hindi kami pwedeng magsinungaling sa pagkakataong ito. Nadulas na kami kaya papanindigan na naming ang mga salitang nasambit namin.“Ah si Calix. Isa siyang friendly ghost. At nasa likuran natin siya kasama ng kaluluwa ng mommy ni Gray,” ang sabi ko at kita ko ang pagkunot ng noo niya.“Nakahithit ba kayo ng droga?” ang tanong niya.Napasabunot naman si Gray sa kanyang sarili. Ang babaeng ‘to hindi ko alam kung anong klaseng katangahan ang meron siya. Hindi niya ba naiintindihan na baka sinapian ang kapatid niya?“Hindi mo ba napapansin? May sapi ang kapatid mo!” ang sigaw ni Gray.“Nasa makabagong panahon na tayo! Naniniwala kayo sa ganyang bagay? Malamang stress lang ang kapatid ko at nagkaron lang siya ng hysteria!” ang sigaw niya.Napataas naman ang mga kilay namin sa pang-ilang pagkakataon. Kung may taong stress, bakit naman siya pupunta sa school? Nag-iisip ba talaga siya? Napalingon naman kami nang makarinig kami ng yabag sa aming likuran.“Oh my god! Model ba ‘tong nakikita natin?” ang tanong ng babaeng kausap namin ngayon.“Hindi ako model. Dahil walang model na mukhang raccoon dahil sa dark circles. And please, bilisan niyo dahil nakapasok na sa loob ang isa sa mga sinapian. And besides, sino siya?” ang sabi ni Arius.Napabusangot naman ang babaeng kausap namin kanina pa. Napahalukipkip na lang siya sa sinabi ni Arius. Kung badtrip ang babaeng ito ay mas badtrip si Arius dahil sa wala siyang matinong tulog.“Okay fine, I’m Caroline. At ang kakambal ko na pumasok sa loob ay Carla. Eh kayo, sino naman kayo?” ang sabi ni Caroline.“I’m Ada at ito naman si Gray. Yung lalaking sinabihan mong model ay si Arius. At ang multo sa likuran natin ay Calix at Portia,” ang mabilis kong pagpapakilala.Naglabas naman ng isang papel si Arius at may nakita kaming kakaibang character dito. Wala kaming kaide-ideya kung ano ang papel na iyon. Kinalabit naman ako ni Caroline dahil alam kong sa mga oras na ito ay siya ang pinakanaguguluhan sa mga oras na ito.“Teka nga muna, ano bang bang ginagawa niya?” ang tanong ni Caroline.“Wala kaming alam. Pero alam kong makakatulong iyon sa sitwasyon natin ngayon. Isa pa, siya rin ang rason kung bakit napahupa niya ang pagwawala ng estudyante sa klase namin kahapon,” ang sabi ko.Nakita ko sa mga mata ni Caroline ang pagkamangha. Muli kong ibinaling ang atensyon ko nang makita kong lumutang ang papel at tinangay iyon ng bughaw na liwanag. Nagulat naman kami nang biglang tumakbo si Arius papasok ng school building. Agad namin siyang sinundan at halos mangatal ang tuhod ko sa sobrang pagod. Nagulat naman ako nang bigla akong buhatin ni Calix na parang isang bagong kasal kaya naman bakas sa mata ni Caroline ang pagkagulat.“B-Bakit ka lumulutang?” ang sigaw ni Caroline habang patuloy na tumatakbo.Napalingon naman ako ng tingin kay Gray nang bigla siyang sumingit sa usapan namin ni Caroline. Alam kong magrereklamo siya na pagod na sila pagtakbo samantalang ako ay parang dumuduyan lang sa hangin.“Hoy Calix! Ang daya mo! Pare-parehas tayong napapagod rito!” ang sigaw ni Gray.Sinamaan naman siya ng tingin ni Calix. Alam kong mababadtrip lang si Gray dahil sa pagbuhat sa akin ni Calix.“Ulol! Kung maaga ka lang sanang dumating eh di sana hindi pagod ngayon si Adamantine!” ang sigaw ni Calix.“Pwede ba tigilan niyo na ang pagtatalo? At Calix ibaba mo na ako! Baka himatayin si Caroline sa sobrang takot!” ang sermon ko.Ibinaba naman ako ni Calix at muling naming ipinagpatuloy ang pagtakbo. Nakita ko naman si Tita Portia sa gilid na tila malalim ang iniisip.“Tita Portia may problema po ba?” ang tanong ko.Umiling lang siya at nagulat ako dahil may parang hangin ang tumulak sa amin kaya naman ang bilis namin na nakarating sa lugar kung saan tumigil ang papel na hawak ni Arius kanina.“Nandito na tayo. Magsipaghanda na kayo. Hindi siya basta-bastang nilalang. Isang delikadong kaluluwa ang kalaban natin,” ang sabi ni Arius.Muli naman kaming napalingon sa papel dahil para itong nagvivibrate. Kinuha naman iyon ni Arius at ibinulsa iyon. Gumuhit naman sa hangin si Arius ng bilog na may pentagram. May mga letra iyon na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung para saan ang ginagawa niya. Lumiwanag ang pentagram na kanyang ginuhit sa hangin at pasampal niya iyong itinulak sa pader. Lumitaw ang kakambal ni Caroline at pilit na kumakawala ito sa iginuhit ni Arius"Stella in caelo ego audire;Oro pro pace,Tutna, auxilio creaturae in necessitate:Supprimere rebus creaturae,Lux de caelo nostra necessitate!" ang pagbanggit ni Arius at nagsimulang magwala si Carla.Nagulat kami nang makita naming may panibagong pentagram ang lumitaw sa paanan ni Carla. "Lumayas ka sa katawan ni Carla!" ang sigaw ni Arius. "Sa tingin mo ba, susundin kita? Hindi ako tanga! Ganyan ba talaga kayo? Ginagamit ang mga impluwensya niyo para pabagsakin kaming mahihina? Binabaluktot ang batas na kayo ang nagpapatupad? Bakit ninyo minamanipula ang hustisya na para sa lahat?" ang sigaw ni Aurelia.Lalapit na sana ako ngunit pinigilan ako ni Gray. Umiling ako at inalis ang pagkakahawak ni Gray sa aking pulsuhan. Kailangan may gawin ako. Hindi ko hahayaan na hindi ko sasagutin ang baluktot niyang paniniwala. Hindi nito makukuha ang hustisyang ninanais niya. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang mukha ni Carla. "Bakit? Sa tingin mo ba makukuha mo ang hustisyang hinahangad mo sa ganitong paraan? Bakit sa tingin mo ba tama ka sa pagkakatang ito? Hindi ba wala ka ring pinagkaiba sa kanila? Inilagay mo rin sa mga kamay mo ang hustisya. Idinamay mo ang mga kadugo nila na inosente sa nangyari. Mas masahol ka pa sa kanila," ang sabi ko at nabalot ng katahimikan ang paligid sa pagkakataong iyon.Dumadaloy sa mukha ni Carla ang emosyong nagmumula sa kaluluwang si Aurelia. Alam kong sa pagkakataong ito ay ito lamang ang maiiaambag ko sa pangkat namin. Huminga ako nang malalim dulot ng pagod at kakulangan ng tulog. Unti-unti na rin naming nadidinig ang tilaok ng manok mula sa kabilag ibayo hudyat na sisilip na ang haring araw. Ngunit sa mga oras na iyon ay namamayagpag pa ang liwanag na nagmumula sa buwan. "Kasalanan ba ang makisama? Bakit kailangan kong mamatay ng walang kalaban-laban? Bakit hindi ko makuha ang hustisyang nais ko? Ang gusto ko lang naman ay ang pagbayaran ang kasalanan nila sa nakaraan," ang sambit ni Aurelia.Panginoon, kailangan ko po ang patnubay at gabay po ninyo. Sa inyo na lang po ako kukuha ng lakas at kaalaman upang maliwanagan ang kaluluwang nasa harapan ko ngayon. Ipinikit ko ang aking mga mata at taimtim na inisip ang mga kaluluwang nasa paligid."Nawa'y makarating kayo sa lugar na paroroonan ninyo. Hindi mo man nakuha ang hustisya mo dito sa lupa, ang hustisya ng diyos na ang bahala sa mga kaluluwa nila sa panahon ng paghatol. Natakasan man ng mga kaluluwang lumapastangan sa'yo ang batas ng lupa, kailan man sa mata ng diyos ay pantay-pantay tayo,"ang sabi ko at niyakap si Carla.Tumigil sa pagpupumiglas si Carla. Umiling naman ito at narinig ko ang kanyang panaghoy. Lumapit naman si Caroline sa kanyang kakambal."Aurelia, nakikiusap ako, pakawalan mo ang kakambal ko!" ang sigaw ni Caroline.Umiiyak naman si Aurelia at naiiling siya. Narinig ko na sumigaw si Arius kay Gray."Gray! Nakita mo na ba?" ang sigaw ni Arius.Napansin ko na hawak ni Gray ang isang litratong nasa loob ng picture frame."Oo eto na! Mainit-init pa! Fresh pa from Dean's office!" ang sigaw ni Gray. Nagulat ako dahil ang dami na palang nangyari habang kinakausap ko si Aurelia. At teka paano siya nakapasok sa office ng Dean? Nakita ko naman na kumakaway si Calix at Tita Portia. Maaasahan talaga sila sa mga oras na ito. "Gray! Sunugin mo na! Ngayon na!" ang sigaw ni Arius. Mula sa panglimang palapag kung saan kami naroroon ay ibinagsak ni Gray ang picture frame sa damuhan at binuhusan iyon ng isang barrel ng gasolina na bitbit ni Calix."Hindi mo dapat idamay ang mga taong nasa paligid. Magkaiba ang hustisya sa paghihiganti. Ang hustisya ang simbolo ng liwanag at kapayapaan samantalang ang paghihiganti ang simbolo ng karimlan at poot at galit na kailan man ay magdudulot ng pasakit sa buhay," ang sabi ni Gray.
"Tandaan mo, ilang dekada na ang nakakalipas. Malamang sinusunog na ang iba sa kanila sa dagat-dagatang apoy. Kaya naman, ipaubaya mo na sa langit ang parusang nararapat sa kanila," ang sabi ni Arius at inihagis niya ang isang itim na papel. Ngumiti si Arius ngunit ang ngiting iyon ay may kurot sa puso. Akala ko taong bato ang lalaking ito. Lumabas mula sa kanyang bibig ang mga salitang Latin na ngayon ay hindi ko malaman kung anong ibig sabihin. "Flamma tenebrae perdens!" ,ang sambit ni Arius at lumabas ang isang malaking bughaw na apoy at tinupok nito ang litrato. Isinuot ni Arius ang isang singsing na may luntiang bato. Kumonekta ang pentagram na pumipigil kay Carla. Naglakad siya ng paurong at unti-unting hinahatak nito ang kaluluwa ni Aurelia palabas sa katawan ni Carla ngunit ang itaas na bahagi ng kanyang katawan ang nakalabas dito. Tumutulo ang butil ng pawis mula sa mukha ni Arius dahil mukhang kinukuha ng singsing niya ang lakas nito. Akmang lalapit ako kay Arius ngunit pinigilan ako ni Calix. "Huwag kang lalapit kay Arius. Nasa kalagitnaan siya ng separation ritual. Isang maling hakbang niya lang, buhay niya ang magiging kapalit," ang paliwanag ni Calix. "Wala ba tayong magagawa?" ang tanong ko. Isang iling lang ang natanggap ko mula kay Calix. Naikuyom ko ang aking kamao. So, hahayaan kong mamatay si Arius nang walang kasiguraduhan na mabubuhay siya pagkatapos nito? Hindi maaari yun! Huminga ako ng malalim at buong lakas akong sumigaw. "Huwag kang mamamatay, Arius! Hindi kita ipagluluto ng omelette at hotdog sa lamay mo!" ang sigaw ko at lalong lumiwanag ang singsing ni Arius. Parang nanumbalik ang lakas ni Arius. Tuluyang nahatak palabas sa katawan ni Carla ang kaluluwa ni Aurelia. Tuluyan nang sumilip ang haring araw at napaupo na lamang sa sahig si Arius sa tindi ng pagod. Tumakbo kami nina Gray sa tabi ni Arius samantalang sinalo ni Caroline ang kanyang kakambal matapos mawala ang pentagram sa paligid ng katawan nito.Mabuti na lamang na Linggo ngayon at walang mga estudyante at hindi pa nagigising ang duty na guard ng mga oras na iyon. Ang kaluluwang si Aurelia na punung-puno ng galit noon ay napalitan ng ngiti at kapanatagan. Kahit walang boses na lumabas sa kanyang bibig ay alam namin ang salitang iyon. Tuluyang naglaho si Aurelia at nakahinga naman kami nang maluwag d'on. Napatingin naman sa akin si Arius at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang kasiyahan.
"Gusto ko ng omelette at hotdog. Yung may ketchup. Baka pwede namang samahan mo na rin ng fried rice?" ang tanong ni Arius habang nakangiti. Ngumiti ako at tumango ako sa suggestion ni Arius. Napahalukipkip naman si Gray at sumandal siya sa pader. "Ang daya, naghirap din naman ako ah pero bakit si Arius lang ang inalok mo ng breakfast meal?" ang tanong ni Gray. Napailing na lang ako dahil sa ligalig ni Gray. "Oo na pati rin ikaw ipagluluto kita ng breakfast meal!" ang sabi ko. Mukhang malalagot ako kay Mother Superior. Tumayo naman si Arius at lumapit siya kay Caroline. "Caroline, okay lang ba na burahin ko ang alaala mo tungkol sa nangyari?" ang tanong ni Arius. Nagkatinginan naman kami ni Gray ano naman kaya ang pinaplano ni Arius? Hindi ko alam kung lutang lang ba siya dulot ng antok namin o talagang alam niya ang ginagawa niya? Ngumiti naman si Caroline at tumango siya. "Naniwala ka naman kay Arius na kaya niyang burahin ang alaala mo? Ibang klase!" ang singhal ni Gray. Tinaasan naman siya ng kilay ni Caroline. Sa dami ng nangyari alam kong desidido na siya lalo na't isang bangungot ang nangyari sa buong gabi. "Kung nagawa nga niyang palabasin ang sumaping kaluluwa bakit naman hindi ako maniniwala sa kakayahan niyang bumura ng alaala? Isa pa, bangungot na ang nangyari sa amin buong gabi kaya naman burahin mo na ito dahil ayoko rin namang isiping nababaliw na ako," ang sabi ni Caroline. Muli namang kumuha ng bughaw na papel si Arius. Kumuha siya ng punyal at idiniin niya doon ang kanyang hintuturo. Nagsulat si Arius ng kakaibang letra gamit ang kanyang hintuturong sinugatan . Sa totoo lang ay mukhang bulateng inasinan ang kanyang sulat. "Obliviscatur," ang pagbanggit ni Arius at tuluyang nawalan ng malay si Caroline. Humarap naman si Arius sa amin. Pambihira. Sinong mag-aakalang isang kakaibang samahan ang mabubuo namin? "Gray, ihatid mo na si Caroline at Carla sa bahay nila," ang sabi ni Arius. "Teka hindi ba, maaalala pa rin ng magulang nila ang nangyari?" ang tanong ni Gray. "Huwag kang mag-aalala, pinaasikaso ko na iyon sa tauhan namin. At nga pala, tungkol sa pinapaimbestigahan mo, masyado siyang maimpluwensya kaya mag-iingat ka," ang sabi ni Arius. Namuo ang kaba sa dibdib ko. Sino nga ba ang tumulong kay Aurelia at sino ang nasa likod ng paglatlahala ng ebidensya sa page?Napapahikab ako habang nagrorosaryo sina Sister at Mother Superior. Siniko naman ako ni Sister Kat dahil napalakas ang hikab ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mother Superior. Totoo nga sigurong hindi mapapalitan ng kape ang kulang kong tulog. Nagsorry naman ako kay Mother Superior at saka ipinagpatuloy nila ang pagrorosaryo. Napabuntung-hininga na lang ako dahil ang tindi ng pagod na inabot ko nang habulin ako ni Fred kagabi noong sinapian siya. Nang matapos na ang pagrorosaryo ay pabagsak akong napahiga sa kama.Ipinikit ko ang aking mata at sinimulang namnamin ang aking araw ng pahinga. Muli naman akong napamulat ng bombahin ng sunud-sunod na katok ang pinto ng kwarto ko. Ibinato ko ang unan ko sa kama at saka bumangon. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang hyper na si Ate Gneiss. Sana all, may pahingang matiwasay. “Adamantine!" ang sigaw ni Ate Gneiss. “Bakit , Ate? May problema ba?" ang tanong ko kay Ate Gneiss habang kinukusot ko ang aki
Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang hitsura ng biktima ng pangalawang kaso. Hindi ko lubos maisip kung paano nagkaroon ng Danag sa campus. Isa pa, ayon kay Arius, hindi tulad ng ibang bampira ay hindi sila tinatatalaban ng sikat ng araw tulad ng mga napapanood sa mga pelikula. Sino bang mag-aakala na dahil sa kasong ito ay magbabago ang paniniwala ko tungkol sa mga bampira. Ayon kay Arius, maituturing na isang uri ng bampira ang mga Danag. Kasalukuyang na-kansela ang mga klase at nagkaroon ng emergency ang lahat ng facullty members ng lahat ng college department. Lumapit naman sa akin si Arius na nanatiling seryoso sa kaso."Okay ka na? You should've used to it. Posibleng hindi lang ito ang unang beses na maka-engkwentro ng kaso ng pagpatay. Hindi makukuntento ang Danag hangga't nabubuhay sila at hangga't may mabibiktima sila," ang sabi ni Arius.Napahilamos na lang ako dahil mukhang mauudlot pa yata ang mapayapang taong inaasam ko. Hindi naman na ako makakaurong
Naiiyak na lumapit sa akin si Quillia. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang takot. Sino bang mag-aakala na ang paglabas mo sa gabi ang magiging mitsa pa ng kamatayan mo?"Tulungan mo ako! Hindi ko ginustong mamatay! Dapat talaga nakinig na lang ako kay Calla!" ang sabi ni Quillia."Teka sino ba si Calla?" ang tanong ko.Napatingin naman sa akin si Quillia. Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka mapagkamalan akong baliw at isiping bagong takas ako sa mental hospital."Ang mabuti pa ay bumalik tayo sa lumang building. Huwag kang mag-aalala ligtas ka sa amin. Isa kami sa nagsosolve ng kaso tungkol sa pagkamatay mo," ang sabi ko sa kanya.Nakita ko ang ka-aliwalasan sa kanyang mukha at agad siyang lumapit sa akin."Talaga? Tutulungan mo ako?" ang tanong ni Quillia sa akin.Tumungo naman ako. Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko ang lalaking nakabunggo ko kanina."Pasensya ka na. Nagulat ba kita?" ang tanong nito
Nakaramdam ako ng kilabot nang marinig ko ang nakakakilabot na boses nito. Naging pula ang mga mata nito at humaba ang mga kuko nito. "Me. Re. Dith. Alam mo naman siguro na hindi pa naisisilang ang papatay sa akin hindi ba?" ang sambit ni Xander at wala pa sa alas kwatro ay nasakal niya na si Meredith. Nagpupumiglas si Meredith sa pagkakasakal ni Xander. Sinugatan naman ni Arius ang kanyang daliri at naririnig ko ang dasal na binabanggit niya sa ibang lenggwahe. Gumuhit ng pentagram si Arius sa hangin at hindi tulad nitong nakaraan ay naging kahel ang kulay nito na may halong dilaw. "Nam qui ducibus et protegat mundum es ingressus inIn luceat in tenebris et luceat per nos in tenebrisArmor libertatem et gladium iustitiae defendat ab omni maloMitte tuos custodes et auxilio nobis defendat nostri dilecto mundo Vocabo te Bathhala!" ang pagsambit ni Arius sa dasal at hinila niya mula sa loob ang isang espada na parang apoy ang kulay ngunit
Nagising ako sa pagsampal ng sinag ng araw sa aking mukha. Heto na naman at panibagong araw na naman ang aking sisimulan. Napatingin ako sa orasan at pasado alas otso na ng umaga. Wala ako sa wisyo upang magmadali kahit na alas otso na. Oo nga pala, wala akong pasok ngayon. Napangiwi naman ako nang may maramdaman akong mahapdi sa aking braso. Wala pa naman akong ginagawa at sa hindi malaman na dahilan ay wala naman akong naalala kung saan ko nakuha ang injury na ito. Ramdam ko ang aking pagod kahit na ilang oras na akong nakatulog. Pilit kong inaalala kung may napanaginipan ba akong kakaiba o wala. "Magandang umaga, Ada!" ang masayang bati ni Calix. Napatingin naman ako kay Calix na prenteng nakahalukipkip habang nakasandal sa pader ng aking kwarto. Naalala ko na naman ang gabing nakipagsagupaan siya sa Danag. Ni hindi rin nagkukuwento si Calix kung paano siya namatay. At lalong nagdagdag ng kanyang pagiging seryoso ay ang pinagmulan ng espadang ginamit niya la
Sa sobrang sabik ko ay nalimutan ko na mag-init ng tubig bago maligo. Pagkatapos ay sinuot ko ang plain na white t-shirt at ang sky blue na skater skirt. Sinuot ko ang aking white shoes bago ako nagtungo sa kusina. Napansin ko na nakaready na ang mga pagkain sa baunan kaya naman nagtanong ako kay Kuya Eli at Ate Gneiss."Kanino po ito?" ang tanong ko kay Kuya Eli."Kanino pa nga ba? Hindi ba sa'yo?" ang nakangiting sambit ni Kuya Eli.Nagulat naman ako. Paano kaya nila nalaman na aalis ako ngayon? Sinilip ko ang baunan at nakita kong may Caldereta, Sinigang na Bangus at Monggo sa tatlong baunan. Seryoso ba sila?" Teka! Hindi ko madadala ang mga ito! Magagalit sina Sister at Mother Superior!" ang sagot ko.Ngumiti si Kuya Eli at nagthumbs up naman si Ate Gneiss. Pumasok naman si Sister Serene at pumamaywang ito sa akin."Bilisan mo na Ada! Hindi dapat pinaghihintay ang mga kaibigan mo. Isa pa, hindi
Natulala ako sa sinabi ni Kuya Eli. Nang nakausap ko siya kanina sa phone ay halos magalit ito sa akin nang malaman niyang sa Villa Illumina kami pupunta. Ngunit ngayon ang boses niya ay may halong lungkot at halos mapaluha nang makita niyang muli ang Villa Illumina."Naalala mo pa ba ang kwento ng misteryo ng villa na ito, Ada?" ang tanong ni Kuya Eli.Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Sino bang makakalimot na ang vill na ito ay may sariling sementeryo sa loob? Sinasabing ang dalawang taong nagmamahalan ay parehas inilibing sa sementeryong iyon? Isa pang misteryo na ikinukuwento sa akin noon ay ang tinatawag ng mga tao doon na ang hinagpis ng Gumamela. Kung saan nagiging pula ang puting gumamela pagsapit ng alas dose ng hatinggabi tuwing kabilugan ng buwan? Sinasabi ring nagpapakita sa mga caretaker na sa bawat koleksyon ng salamin ang nakaraan ng dalawang taong hinadlangan ang pagmamahalan."Kuya Eli? Alin ba doon? Sa dami mong naikuwento sa akin nalimuta
Kinusot ko pa ang aking mga mata dahil sa pagkalito. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko. Anong ginagagawa ko dito sa nakaraan? Naglakad-lakad ako at napansin ko na lamparang de langis ang nagsisilbing street light dito. Napabusangot naman ako sa aking kasuotan dahil sinauna ang aking kasuotan at hindi ko alam kung paano nila natitiis ang ganito kainit na tela. Napakamot naman ako sa aking batok dahil makati sa balat ang telang pinya ng aking kasuotan."Naliligaw ka ata binibini? Hindi ba dapat ikaw ay nasa inyong tahanan at ikaw ay nagpapahinga na?" ang tanong ng isang lalaki.Halos mapatalon naman ako sa aking kinatatayuan at napahawak naman ako sa aking dibdib dulot ng pagkagulat. Napaharap ako sa kanya at nakita ko ang isang nilalang na talagang napakagwapo. Puti ang kanyang kamisa de chino at kulay kape ang kanyang pantalon. Naka-bakya ito at ang kanyang buhok ay nakahawi sa iisang direksyon. "Patawad, binibini. mukhang nagulat yata kita. May
Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace
Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s
Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun
Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine
Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang
Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang
Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat
Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay
Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r