Nakaramdam ako ng kilabot nang marinig ko ang nakakakilabot na boses nito. Naging pula ang mga mata nito at humaba ang mga kuko nito.
"Me. Re. Dith. Alam mo naman siguro na hindi pa naisisilang ang papatay sa akin hindi ba?" ang sambit ni Xander at wala pa sa alas kwatro ay nasakal niya na si Meredith.
Nagpupumiglas si Meredith sa pagkakasakal ni Xander. Sinugatan naman ni Arius ang kanyang daliri at naririnig ko ang dasal na binabanggit niya sa ibang lenggwahe. Gumuhit ng pentagram si Arius sa hangin at hindi tulad nitong nakaraan ay naging kahel ang kulay nito na may halong dilaw.
"Nam qui ducibus et protegat mundum es ingressus in
In luceat in tenebris et luceat per nos in tenebrisArmor libertatem et gladium iustitiae defendat ab omni maloMitte tuos custodes et auxilio nobis defendat nostri dilecto mundoVocabo te Bathhala!" ang pagsambit ni Arius sa dasal at hinila niya mula sa loob ang isang espada na parang apoy ang kulay ngunit
Nagising ako sa pagsampal ng sinag ng araw sa aking mukha. Heto na naman at panibagong araw na naman ang aking sisimulan. Napatingin ako sa orasan at pasado alas otso na ng umaga. Wala ako sa wisyo upang magmadali kahit na alas otso na. Oo nga pala, wala akong pasok ngayon. Napangiwi naman ako nang may maramdaman akong mahapdi sa aking braso. Wala pa naman akong ginagawa at sa hindi malaman na dahilan ay wala naman akong naalala kung saan ko nakuha ang injury na ito. Ramdam ko ang aking pagod kahit na ilang oras na akong nakatulog. Pilit kong inaalala kung may napanaginipan ba akong kakaiba o wala. "Magandang umaga, Ada!" ang masayang bati ni Calix. Napatingin naman ako kay Calix na prenteng nakahalukipkip habang nakasandal sa pader ng aking kwarto. Naalala ko na naman ang gabing nakipagsagupaan siya sa Danag. Ni hindi rin nagkukuwento si Calix kung paano siya namatay. At lalong nagdagdag ng kanyang pagiging seryoso ay ang pinagmulan ng espadang ginamit niya la
Sa sobrang sabik ko ay nalimutan ko na mag-init ng tubig bago maligo. Pagkatapos ay sinuot ko ang plain na white t-shirt at ang sky blue na skater skirt. Sinuot ko ang aking white shoes bago ako nagtungo sa kusina. Napansin ko na nakaready na ang mga pagkain sa baunan kaya naman nagtanong ako kay Kuya Eli at Ate Gneiss."Kanino po ito?" ang tanong ko kay Kuya Eli."Kanino pa nga ba? Hindi ba sa'yo?" ang nakangiting sambit ni Kuya Eli.Nagulat naman ako. Paano kaya nila nalaman na aalis ako ngayon? Sinilip ko ang baunan at nakita kong may Caldereta, Sinigang na Bangus at Monggo sa tatlong baunan. Seryoso ba sila?" Teka! Hindi ko madadala ang mga ito! Magagalit sina Sister at Mother Superior!" ang sagot ko.Ngumiti si Kuya Eli at nagthumbs up naman si Ate Gneiss. Pumasok naman si Sister Serene at pumamaywang ito sa akin."Bilisan mo na Ada! Hindi dapat pinaghihintay ang mga kaibigan mo. Isa pa, hindi
Natulala ako sa sinabi ni Kuya Eli. Nang nakausap ko siya kanina sa phone ay halos magalit ito sa akin nang malaman niyang sa Villa Illumina kami pupunta. Ngunit ngayon ang boses niya ay may halong lungkot at halos mapaluha nang makita niyang muli ang Villa Illumina."Naalala mo pa ba ang kwento ng misteryo ng villa na ito, Ada?" ang tanong ni Kuya Eli.Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Sino bang makakalimot na ang vill na ito ay may sariling sementeryo sa loob? Sinasabing ang dalawang taong nagmamahalan ay parehas inilibing sa sementeryong iyon? Isa pang misteryo na ikinukuwento sa akin noon ay ang tinatawag ng mga tao doon na ang hinagpis ng Gumamela. Kung saan nagiging pula ang puting gumamela pagsapit ng alas dose ng hatinggabi tuwing kabilugan ng buwan? Sinasabi ring nagpapakita sa mga caretaker na sa bawat koleksyon ng salamin ang nakaraan ng dalawang taong hinadlangan ang pagmamahalan."Kuya Eli? Alin ba doon? Sa dami mong naikuwento sa akin nalimuta
Kinusot ko pa ang aking mga mata dahil sa pagkalito. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko. Anong ginagagawa ko dito sa nakaraan? Naglakad-lakad ako at napansin ko na lamparang de langis ang nagsisilbing street light dito. Napabusangot naman ako sa aking kasuotan dahil sinauna ang aking kasuotan at hindi ko alam kung paano nila natitiis ang ganito kainit na tela. Napakamot naman ako sa aking batok dahil makati sa balat ang telang pinya ng aking kasuotan."Naliligaw ka ata binibini? Hindi ba dapat ikaw ay nasa inyong tahanan at ikaw ay nagpapahinga na?" ang tanong ng isang lalaki.Halos mapatalon naman ako sa aking kinatatayuan at napahawak naman ako sa aking dibdib dulot ng pagkagulat. Napaharap ako sa kanya at nakita ko ang isang nilalang na talagang napakagwapo. Puti ang kanyang kamisa de chino at kulay kape ang kanyang pantalon. Naka-bakya ito at ang kanyang buhok ay nakahawi sa iisang direksyon. "Patawad, binibini. mukhang nagulat yata kita. May
Ibinaling ko ang aking atensyon sa nagaganap na konprotasyon nina Señorita Veronica at Ginoong Narciso. Alam kong hindi magiging madali ang lahat para sa kanila. Kaya naman ipinagdadasal ko na sumang-ayon sa kanilang panig ang maykapal. "Hindi maaari ang iyong hinihiling Veronica! Isa kang heredera kaya naman utang na loob lumayo ka sa lalaking iyan!" ang sigaw ng isang matandang lalaki. Lumapit si Señorita Veronica at matapang niyang hinarap ang matatapang na salita ng matandang lalaki. Naniniwala akong ipaglalaban ni Señorita Veronica si Ginoong Narciso. Naniniwala akong maaaring magbago ang nakaraan. "Ada, naniniwala ka bang magbabago ang itinakdang dapat mangyari? Anong gagawin mo ngayon?" ang tanong ni Magwayen. Sa totoo lang ay walang masamang sumubok. Pero kung mapupuno ng pagsisisi ang kanilang buhay hanggang sa susunod nilang buhay ay malilimutan lamang nila ang kanilang pagsisisi at muli lamang iyon na mauulit. Alam kong may magagawa a
Samantala habang nasa loob ng aparador si Adamantine. Patuloy kong prinoprotektahan sina Calix. Patuloy na nagpupumiglas si Calix upang iligtas si Ada. Naiinis ako dahil kailangan kong mamili sa dalawang sitwasyon na hindi ko naman inaasahan."Pakawalan mo ako dito, Arius! Kailangan kong tulungan si Ada!" ang sigaw ni Calix."Look! Mapapahamak tayo kung tutulungan natin si Ada! Priority muna natin ang iligtas ang ating mga sarili sa mga oras na ito! Dahil sa oras na mamatay tayo at nagkaroon ng pagkakataong matulungan si Ada, walang ibang tutulong sa kanya! Kaya manatili kayong buhay! Naiintindihan niyo ba?" ang sigaw ko kay Calix.Nakita kong yakap ni Mr. Eli si Miss Gneiss. I wish nagawa ko iyon sa batang iyon bago niya ako nalimutan. Sana nasa mabuting kalagayan ang batang iyon ngayon. Binura ko ang alaala niya pagkatapos ko siyang iligtas noon. Ano bang iniisip mo, Arius? Bakit ngayon mo pa naisip ang mga bagay na iyon? Kailangan kong makaisip ng paraan upan
Nakailang baling na ako sa aking kama. Ngunit hirap akong dalawain ng antok. Nanatili kasi silang tahimik pagkatapos naming umalis kanina sa villa. Siguro naman wala akong ginawang kabalbalan. Pero bakit nga ba anapagkamalan akong diwata nina Señorita Veronica? Sinearch ko sa internet kung anong ibig sabihin ng pangalang Ada at laking gulat ko nang malaman kong diwata ang ibig sabihin nito. Napangiti naman ako nang bigla kong maalala na binuhat ako ni Arius pabalik ng villa. Napansin ko naman na tahimik si Calix sa isang sulok. "Calix? May problema ka ba?" ang tanong ko sa kanya. Hindi naman nagsasalita si Calix at walang anu-ano'y tumagos ito palabas ng kwarto ko. Ano bang problema ni Calix? May buwanang dalaw ba yun? Naisip kong magdasal muna bago matulog. Ipinagdasal ko na nawa ay maging ligtas ang mahal ko sa buhay lalo na ang mga kaibigan ko na si Calix. Sana palagi siyang ligtas. Ganun na rin sina Arius at Gray pati na rin si Tita Portia at ang
Natulala ako pansamantala. Kapag naalala kong gaganap ako bilang si Juliet sa isang play ng Theater Club. Nag-iisip ba sila? Mukha nga akong maton kapag naglalakad tapos gusto nila ako ang gaganap na Juliet? Ang malala kay Arius pa ako pinartner dahil sa ako ang nakakuha ng matamis na first kiss ni Arius. Sinamaan ko ng tingin si Gray. Dahil sa totoo lang ay kasalanan niya ang lahat kaya napunta ako sa ganitong sitwasyon. Kasalukuyan akong nagluluto at tinutulungan naman ako ni Serendipity na maghiwa ng mga gulay. May refrigerator rin dito kaya naman nakapag-imbak rin sila ng karneng baboy at karneng manok. Naisip ko magluto ng pancit, adobong manok at minarinate ko ang baboy para gawing samgyupsal lalo na't may curly lettuce na naka-imbak sa ref."Seren, pwede mo na baliktarin ang karne. Binuksan ko naman ang exhaust fan upang hindi kumalat ang usok dito,"ang sabi ko kay Serendipity.Binaliktad naman agad ni Serendipity ang karne at akmang lalapit si Gray ngunit hinam
Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace
Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s
Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun
Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine
Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang
Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang
Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat
Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay
Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r