Natulala ako pansamantala. Kapag naalala kong gaganap ako bilang si Juliet sa isang play ng Theater Club. Nag-iisip ba sila? Mukha nga akong maton kapag naglalakad tapos gusto nila ako ang gaganap na Juliet? Ang malala kay Arius pa ako pinartner dahil sa ako ang nakakuha ng matamis na first kiss ni Arius. Sinamaan ko ng tingin si Gray. Dahil sa totoo lang ay kasalanan niya ang lahat kaya napunta ako sa ganitong sitwasyon. Kasalukuyan akong nagluluto at tinutulungan naman ako ni Serendipity na maghiwa ng mga gulay. May refrigerator rin dito kaya naman nakapag-imbak rin sila ng karneng baboy at karneng manok. Naisip ko magluto ng pancit, adobong manok at minarinate ko ang baboy para gawing samgyupsal lalo na't may curly lettuce na naka-imbak sa ref.
"Seren, pwede mo na baliktarin ang karne. Binuksan ko naman ang exhaust fan upang hindi kumalat ang usok dito,"ang sabi ko kay Serendipity.
Binaliktad naman agad ni Serendipity ang karne at akmang lalapit si Gray ngunit hinam
Natulala naman ako sa sinambit ni Magwayen. Nagbibiro lang naman siya hindi ba? Katatapos lang ng problema at heto isang panibagong problema na naman ang ibinigay sa akin. Pambihira, pwede bang magsubscribe ng lifetime absences? "Nagbibiro ka lang , hindi ba?" ang tanong ko. Napabuntung-hininga naman siya at tiningnan niya na naman ako nag malamig. Ayan na naman ang kanyang tingin na halos nanakot sa akin sa nakaraan. "Kung nagbibiro ako, sana ay nagpadala ako ng kaluluwa para takutin ka?" ang walang buhay na sambit ni Magwayen. Napatampal naman ako sa kanyang sinabi. Nasa seryoso kaming sitwasyon at heto naiisip niyang padalhan ako ng kaluluwa upang takutin ako? "Eh kung ipadala mo na lang kaya ang mga kaluluwa mo para hagilapin ang kaluluwang nakatakas sa sisidlan mo? Hindi yung bibigyan mo ako ng problema!" ang reklamo ko kay Magwayen. Tiningnan naman ako ni Magwayen na tila nang-iinis. Tutal mahilig naman talaga siyang mang-inis.
Natulala ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung isang ilusyon lang ang lahat ng ito. Nangangatal pa ako dahil sa ginawa ko kay Arius. Hinawakan naman ng lalaking nagngangalang Lucas. Naluluha ako dahil sa pag-aalala kay Arius. Hindi ko alam ang nangyari noong nawalan ako ng malay. Kahit ako ay hindi makapaniwala na magagawa ko iyon kay Arius. Kaya pala sinasabi ng mga taong nasa panaginip ko na gumising ako. Sana nakinig na lang ako. Sana ginawa ko kaagad ang sinasabi nila. Hindi sana aabot sa puntong ito ang lahat. “Huli na para magsisi, iha. Ang kailangan mo na lang gawin ngayon ay solusyunan ito,”ang sambit ni Lucas. Napatingin naman ako kay Calix na tila namumutla. Ano naman ba ang problema niya sa pagkakataong ito? Ako nga itong dapat mag-aalala sa aming dalawa. Kaso hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong ihaharap kay Arius pagkatapos ng lahat ng nangyari. “Paano ko po bibigyan ng solusyon kung wala akong ibang lulusutan? M
Nakatulog na sa aking balikat si Ada. Hindi ko akalaing pagdidiskitahan siya ng isang kaluluwa. Naawa rin ako sa kanya kanina lalo na at nauuhaw na talaga siya ngunit hindi ko naman siya mapagbigyan ng tubig lalo na't bilin iyon ni Arius. Perong ngayong gabi lang iyon. Hindi ko maisip na malaki ang epekto ng tubig sa sitwasyon ni Ada. Kung sabagay, mukhang tama ang sabi ng mga matatanda ang tubig ay buhay pero sa sitwasyon ni Ada ay unti-unti siyang pinapatay nito. Kasalukuyan kaming nasa silid na para sa mga relatives ng pasyente. Nasa intensive care unit pa si Arius dahil under monitoring siya lalo na't nagkaroon ng internal bleeding si Arius. Halos parehas sila ng sitwasyon ni Ada. Si Arius ay nag-aagaw buhay samantalang si Ada ay nakikipagsapalaran at patuloy na nanghihina dahil sa nangyari kanina. Kasama ko si Mommy ngayon at iniabot niya sa akin ang isang plato ng mansanas na kanyang hiniwa. Pasado alas dose kwarenta na ng hatinggabi at hindi pa rin ako dinadalaw ng an
Natagpuan ko ang sarili ko sa isang madilim na pasilyo. Tanging mga sulo lamang ang nagbibigay ng liwanag sa lugar na iyon ngunit hindi iyon sapat upang makita ang lahat. Nakita ko ang isang batang babae na tumatakbo patungo sa dulo ng pasilyo. Natutulala ako habang pinagmamasdan ang batang iyon. Napaluha ako nang makita ko kung sino ang batang iyon. Siya ang batang babaeng nagligtas sa buhay ko. “Sandali lang!” ang sigaw ko. Hindi ito huminto sa pagtakbo kaya naman hindi ko sinayang ang pagkakataon. Hinabol ko ang bata dahil gusto kong humingi ng tawad dahil sa hinayaan ko siyang masaktan sa kamay ng mga kalaban ng pamilya namin. Hindi ko na nagawang alamin ang pangalan niya dahil nang rumesponde ang mga awtoridad na sakop ng lihim na samahan ng mga exorcist, ay hindi na muling nagkrus ang landas namin. Huminto ang bata sa tapat ng isang pinto. Selyado iyon ng mga papel na may sulat ng ancient runes. Tiningnan niya ako at kinuha niya ang ak
Halos mag-aalas onse na ng gabi nang matapos sa pangngungulit ang multo. Mabuti na lamang at hindi sila nakikita ng mga bumibisitang nurse. I can't imagine na nakatagal ako ng isang linggo sa isang ospital. Napabuntung-hininga na lang ako dahil hindi ako nagawang bisitahin ng magulang ko. Siguro busy pa rin sila sa organisasyon. As if na dadalawin nila ako dito samantalang lagi nga nila ako pinababantayan sa kanilang mga spirits noong bata pa ako. I wonder if they safely return from their mission? The last time I heard abut them ay nasa America sila upang lutasin ang isang kaso ng Poltergeist and after that wala pa akong naririnig na balita sa kanila. “Gusto ko na lang maging ordinaryong nilalang. I hate these abilities,” ang sambit ko. Paglingon ko naman sa kabilang direksyon ng aking kama ay nakita ko ang makulit na multo kaya naman napabusangot ako. Hindi ba natutulog ang mga multo? Bakit ba ayaw pumirmi nang isang ito sa isang lugar kung saan hindi ko siya nakiki
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ng baliw kong kapatid. Ipapartner niya na nga lang ako sa isang kaso, sa babaeng ito pa niya naisip? Noong una kong makita ang babaeng ito ay tila isang bangungot ang naramdaman ko. Sagana sa mana ang babaeng ito at wala siyang kamalay-malay na pwede siyang medium ng mga masasamang nilalang. Kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop malapit sa ospital kung saan nakaadmit si Arius.“Isa lang lang ang sasabihin ko sa’yo. Huwag kang haharang sa dadaanan ko,”ang sambit ko sa babaeng kaharap ko.Napataas naman ang kilay ng babaeng ito at patuloy niyang tinipa ang kanyang laptop. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero duda ako sa babaeng ito. Mukhang maduming lumutas ng kaso.“Hindi mo ako kailangang sabihan. Dahil one step ahead na ako sa kasong ito,” ang sambit niya.Napataas naman ang kilay ko sa kanyang sinabi. At anong ibig niyang sabihin d’on?
Naasikaso na ni Kuya Linus ang bill ko sa hospital at pwede na akong lumabas mamaya. Naresolba na ni Kuya ang kaso ni Peridot sa tulong ni Ada. Nagising naman si Peridot mula sa pagiging comatose at nalipat na siya ng suite room. What do you expect? She’s a businesswoman. Barya lang sa kanya ang pambayad sa room na iyon. I don’t think so na naalala niya ang mga pangyayari lalo na’t kadalasan lumalabas na panaginip ang lahat nang nangyari noong kaluluwa pa lang siya or maaaring wala talaga siyang maalala.Pero ano man ang mangyari, masaya kami para sa kanya.“Sir Arius. Handa na po ang mga gamit ninyo,” ang sabi ng bagong butler na ipinadala nina lolo.Nakarating sa kanila ang balita na naospital ako dahil sa kaso ni Clara. Bukod d’on labis ang pagkadismaya ni lolo kay Mom dahil sa hinayaan niya akong bumalik ng Pilipinas mag-isa. Kaya kapalit ng galit ni lolo ay sinermonan ako ni Mom sa phone. Kapag naalala k
Nang makatapos na akoong magbihis ay pinalabas ko na closet si Arius. Makikita pa rin sa mukha niya ang lakas ng pagkakasampal ko sa kanya kanina. Nakabusangot siya dahil sa madilim at maliit na drawer ko muna siya pinagtago. Pinagpagan naman niya ang sarili niya kahit wala namang alikabok sa loob ng closet ko. Anong akala niya sa mga gamit ko, antigo?“Ano ba kasing ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nasa bahay ka?” ang tanong ko.Napahalukipkip naman si Arius at sumandal ito sa closet ko. Lumingon siya sa ibang direksyon. Makikita sa kanyang mga mata na may naging problema sa kanila. Pero bakit sa dinami-daming babagsakan niya ay bakit sa kwarto ko pa? Bakit sa oras na pa nagkataon na nagbibihis ako?“Pwede ba akong magstay muna dito?” ang tanong ni Arius.Napatampal naman ako sa aking mukha. Iisa lang ang kama ko dito sa kwarto. Baka mainitan naman siya dito? Tanging electric fan lang ang meron ako dito. Kung maghohotel naman siya
Nakatayo sa isang helipad si Arius at lumapit sa kanya si Calix. Pinagmamasdan nila ang kagandahan ng siyudad sa kalaliman ng gabi bagamat hindi maipagkakaila na lumalaganap na naman ang organisasyon ng mga bampira na siyang tumutuligsa sa layunin ng mga spirit meisters at exorcists na panatilihin ang kaligtasan ng bawat lahi. Iniabot ni Calix ang isang crystal at tiningnan iyong maigi ni Arius. “Alam ba ni Ada ang ginagawa mo?”ang tanong ni Calix. “Wala ngayon si Ada. Nasa Singapore siya dahil sa may dinevelop siyang bagong program para sa mga exorcist,”ang sagot ni Arius at napailing si Calix sa sinagot nito. Nababagabag si Arius lalo na’t hindi pa handa ang mga naiwang miyembro ng Phantom Club upang labanan ang ganitong uri ng organisasyon. Para kay Arius ay ayaw na niyang maulit ang nakaraan dahil minsan na niyang nailagay sa kapahamakan ang buhay ni Ada. “Handa ka na ba, Arius?” ang tanong ni Calix. Ngumisi lamang si Arius at inilabas niya ang isang tarot card. Ang Ace
Huling taon na namin sa kolehiyo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng klase dahil nga mga irregulars kami noong una kaming magkita nina Arius at Gray. Sino bang mag-aakala na ang mokong na si Gray ay isang mechanical engineering student at si Arius naman ay isang psychology student. Nahiya naman ako sa mga mokong dahil pang-ibang level ang kanilang mga utak. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lamang ang kanilang mga pag-iisip. Kakatapos ko lang magpresent ng thesis at masasabi kong finally ang gradwaiting ay nag-level up na sa graduating! Totoo na talaga ito! Habang lutang pa ako sa dahil sa ilang buwan din akong puyat dulot ng revision ng thesis, bumangga ako sa isang pader. Mukhang wala nang epekto sa akin ang purong kape na iniinom ko. May nakakapa pa akong mala-pandesal na parte sa tiyan nito at nang lalayo na ako ay laking gulat ko nang bigla na lang siyang nagsalita. “You should looked on your way. I don’t know what Kuya Arius find interesting about you but you look plain,” ang s
Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari sa Vesmir. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang mabuo ang Phantom Club. Hindi ko lubos maisip na lilisanin na namin ang mundong iyon upang gawin ang aming tungkulin bilang member ng Phantom Club. Sa ilang buwan na pamamalagi namin sa Colegio De Santa Carmen ay maraming kaluluwa na rin ang natulungan naming makatawid sa kabilang buhay. Sa pagkakataong ito ay isang kaluluwa na lamang ang aming tutulungang makatawid sa kabilang buhay. Ang kaluluwang naging mahalaga para kay Gray. Si Tita Portia. Nakaupo kaming lahat sa sofa ng clubroom at hinihintay naming matapos ang pag-uusap ni Gray at Tita Portia. “Sigurado ka na ba, Gray? Kaya mo na ang mag-isa?” ang tanong ni Tita Portia habang umiiyak. Isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang ina ay ang iwan ang kanya’ng anak. Ngunit ito ang batas ng mundo. Kailangan niyang umalis upang makasama ang maykapal. Lalo na’t hindi dapat gumagala ang mga kaluluwang katulad niya. Tumun
Natulala ako sa sinabi ni Sebastian. Kung gan’on, hindi lang pala kami kay Calix magpapaalam? Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil sa hindi lang isa, kundi tatlong kaibigan pala ang magpapaalam sa amin. Mamimiss ko ang kaingayan ni Miss Amaranthine kapag lasing siya. Mamimiss ko ang pang-aasar ni Manong Curtis kay Miss Amaranthine. At higit sa lahat mamimiss ko ang pagiging masungit ni Calix sa araw-araw. Humihikbi ako dahil ang sakit sa pakiramdam na kailangan mong magpaalam sa kanila at hindi ko maisip ang isang araw na wala sila. “Ada, ilabas mo lang iyan. Alam kong masakit. Sana noon pa lamang ay may nagawa kami upang pigilan ang digmaan,. Ngunit may batas ang mundo ang ang aming sinusunod upang mapanatili ang balanse nito. Hindi lahat ng nagpapaalam ay malungkot. Isipin mo na lamang na ito ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay,”ang sambit ni Mama. Pilit akong pinatatahan ni Mama. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na kasama ko si Calix, si Miss Amaranthine
Nakaupo kaming lahat sa dining hall. Nakalapag sa harap namin ang isang red velvet cake. Katahimikan ang bumabalot sa paligid at ni isa sa amin ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ako mahilig sa matamis dahil pinagcrecrave ko ngayon ay ang spicy omelette na laging niluluto ni Ada. Mahilig ako sa maanghang na pagkain.Pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung makaka Kumukulo ang dugo ni Haring Euthymius sa ginawa ni Arius kay Ada. Ikaw ba naman, mahuli mong maghahalikan ang anak mo at kanya’ng kaibigan. Pilit namang pinapakalma ni Cryon si Sebastian dahil nakarating sa kanya ang ginawa ni Arius na paghalik sa labi ni Ada. Tsk. Tsk. Iba talaga ang ganda ni Ada. “Kailan pa kayo may relasyon?”ang tanong ni Haring Euthymius. Nakapangingilabot ang boses ng papa ni Ada kaya hindi ko alam ang nararamdaman ni Arius. Pero kung sakaling mamatay si Arius dahil sa maaaring gawin ni Haring Euthymius sa kanya, good luck na lang sa kanya at bawi na lamang siya next life. Pero mukhang
Nasa madilim na silid ako at nagmumukmok ako dahil pa rin sa pagkawala ni Calix. Hindi ko alam kung may lugar pa ba akong babalikan o makakaya ko bang harapin ang bukas kahit na wala na si Calix. Buong buhay ko ay lagi akong naka-depende kay Calix. Nakalimutan kong may pusong mortal si Calix at kailangan niya rin ng panahon para sa sarili niya. Nakarinig ako ng yabag at nakita ko ang isang magandang babae na may headdress na sungay. Maputla ang kanya’ng balat at mas mapula pa sa dugo ang kanya’ng labi. Purong itim ang kanya’ng kasuotan at may gintong tungkod siyang hawak. “Hanggang kailan mo balak magmukmok sa lugar na ito?”ang tanong niya sa akin. Napatingala ako ngunit muli akong napatungo sa tuwing naalala kong halos masaktan ko sina Arius. “Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Calix,” ang sagot ko. Sa totoo lang, nahihiya ako dahil sa muntik na akong mamatay dahil sa pagiging makasarili ko. Ginawa nila ang lahat upang
Ilang araw din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Celestial at Astral Mages. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Ada. Nagsisimula nang ibangong muli ng mga Celestial Mages ang kontinente ng Edoris para sa bagong simula. Tumutulong naman ang walumpu’t pitong constellation sa pagtatayo ng mga gusali. Ngayong wala na si Calix, hindi ko na alam kung may pag-asa pa bang mabuong muli ang mga constellation. Ang espadang ginamit ni Spigel upang paslangin si Calix ay aking itinabi sa lugar na hindi maaabot ng sino mang taga-Vesmir. Alam kong balang-araw ay magagamit ko iyon sa tamang panahon. Dumating si Lola Seraphine sa mundo ng Vesmir ngunit hindi sa kanya’ng matandang kaayuan.Nakabusangot naman si Lolo Elion dahil pinagmamasdan ng mga lalaking Celestial Mages si Lola Seraphine. Nang makita niya si Ada na nagpapahinga ay napailing na lamang siya. Sinilip niya ang kalagayan ni Ada kaya naman tumingin siya sa magulang ni Ada. “Hindi ko inakalang muli kong makikita ang bat
Matapos ipikit ni Calix ang kanya’ng mga mata, nakita ko ang unti-unting paglalaho ng kanya’ng katawan. Inalog-alog ko ang kanya’ng katawan baka sakaling niloloko lamang ako ni Calix. “Calix, hindi magandang biro ito! Gumising ka! Huwag mo akong iwan! Di ba malakas! Huwag mo akong iwan!”ang sigaw ko. Hindi na muling iminulat ni Calix ang kanya’ng mga mata hanggang sa huling sulyap ko sa kanya’ng maamong mukha kapag tulog. Muling pumatak ang luha ngunit alam kong kahit na ano’ng gawin ko ay hindi na nito maibabalik ang buhay ni Calix. “Hindi na ako maiinis sa mga sermon mo! Kaya please lang imulat mo ang mga mata mo, Calix!” ang sigaw ko. Kahit na ano’ng sigaw ko, alam kong hindi na ako naririnig ni Calix. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng sermon sa tuwing nagpapalit ako ng damit kahit na nasa loob pa siya ng kwarto. Hindi ko na maririnig ang kanya’ng pagsusungit sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Akala ko walang hangganan ang buhay
Sa pagsigaw ni Athaliah ng Constellation Code Spell, Nagliwanag ang walumpu’t walong constellation na siyang itinalaga ni Athaliah. Napalitan ng battle attire ang aming mga kasuotan na siyang matagal nang pinaghandaan ni Athaliah. “Ipagtanggol ninyo ang naapi! Ipaglaban ninyo ang tama! Para sa kinabukasan ng Vesmir!” ang sigaw ni Athaliah. Nagsimula ang pakikipaglaban namin sa mga Astral Mages. Ginawa kong espada ang tubig na nagmula sa kopita. Nakangisi naman si Phoenix habang sinusunog niya ang mga Astral Mages. “Handa ka na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kompetisyon?” ang tanong ni Nether. Ngumisi lamang ako dahil sa tingin niya ba ay masyado na akong matanda para malimutan ang nasimulan namin? “Hindi ako ulyanin upang malimutan ang ating paligsahan, Nether, ”ang paalala ko sa kanya. Tumalsik naman sa aming harapan ang isang malaking shield at hinarangan nito ang isang malakas na atake mula kay Spigel. “Kung may panahon kayo upang magpaligsahan, sana ay may panahon r