Witchy tale: The Oracle's Dream

Witchy tale: The Oracle's Dream

last updateLast Updated : 2022-04-29
By:  Nadia LuciaCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
53Chapters
10.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

There was this man na sa hindi maintindihang dahilan ay palagi na lang napapanaginipan ni Phoebe. She was special alam niya `yon hindi nga lang niya alam kung bakit niya nakikita ang isang lalaking `ni minsan ay hindi pa niya nakikilalaUntil she her dreams saw the man's life in danger, sa huli hindi na rin niya napigilan ang sarili na tulungan ang lalaking hindi naman niya kilala. Pero paano kung lahat ay may dahilan? Magagawa kaya nitong tanggapin siya sa kabila ng katotohanang magkaiba ang uri nilang dalawa?

View More

Chapter 1

Chapter One

NAPABALIKWAS ng bangon si Phoebe sa kinahihigaan, rinig niya ang matinis na tunog sa tenga niya, kasunod ng malakas na pagkabog ng kanyang puso. Wala sa sariling nahagod niya ang d****b nanginginig ang mga kamay niya, tumatagaktak ang kanyang pawis sa kabila ng malamig na hangin sa pumapasok mula sa capiz na bintana.

          Mariin siyang napapikit kasabay ng marahas na pagbuga ng hangin, kailangan niyang kumalma kaysa matakot sa mga nakikita niya sa kanyang panaginip.

          Nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan kaya naman tumayo na siya at lumabas ng kwarto.

          Sumalubong agad sa kanya ang tahimik na kabahayan, sanay na siya doon dahil ilang taon na rin simula nang mawala ang kaisa-isang tao na matatawag niyang pamilya.

          Ipinilig niya ang ulo saka nagsimula nang maglakad. Kabisado na niya ang buong kabahayan kaya hindi na siya nag-abala pang magbukas ng ilaw, isa pa lumalagos ang liwanag ng buwan kaya hindi na sa kanya problema ang sobrang dilim na paligid.

          Pagbaba niya sa kusina ay kumuha siya ng baso bago binuksan ang ref at uminom ng tubig. Napangalahatian na niya ang iniinom, bago iginala ang tingin sa labas. Maraming tao ang ayaw mag-isa sa dilim, pero para sa kanya sa mga ganoon na pagkakataon ay doon lang siya nakakahanap ng kapayapaan.

          Sa mga ganitong pagkakataon pakiramdam niya ay normal siya at walang kakaiba sa kanyang pagkatao.

          Napabuntong-hininga siya, saka ibinaba ang baso sigurado siyang hindi na siya makakabalik pa sa pagtulog kaya naman nagdesiyon na lang siyang tunguhin ang studio na adjacent lang sa lumang bahay niya ditto sa Antipolo.

          Sumalubong sa kanya ang amoy ng mga pintura, bahagya siyang napangiti nang makapasok siya sa lugar na itinuring na niyang munting paraiso. Umupo siya sa harap ng blankong lona at isinawsaw ang hawak niyang brotsa sa paleta. Hanggang unti-unti na niyang hinayaan ang sarili na malunod sa sariling imahinasyon. Sunod na lang niyang namalayan na isang pamilyar na mukha na naman ng isang lalaki ang naipinta niya.

          Hindi niya ito kilala at lalong kahit na minsan ay hindi pa niya ito nakita, ang hindi lang niya maintindihan ay ang paulit-ulit nitong paglitaw sa mga panaginip niya.

          Ilang taon na rin ang lumilipas pero wala pa ring siyang nakukuhang pangalan ng lalaki.

          Her dreams are like a silent movies, they move as if they don’t have actions, and talk was if they don’t have voices. Sinubukan niyang itong hanapin, pero wala naman siyang ideya kung saan nga ba siya magsisimula.

          Nang mamatay ang Lolo Tatay niya ay iniwan na nito sa kanya ang bahay kung saan siya lumaki, maging ang pera na pwede na niyang magamit sa buong buhay niya. Hindi siya palaalis, maliban na lang kung ipapasa na niya ang mga artworks niya para ibenta.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ang lalaking `yon ang nakikita niya sa kanyang panaginip. May ipinapahiwatig kaya `yon? O sadyang nagkataon lang?

Napabuntong-hininga na lang siya minsan kasi kahit na anong gawin niya ay hindi pa rin masagot ang tanong sa isip niya. Kung bakit nga ba simula nang magkamuwang siya ay iba na siya kaysa sa pangkaraniwang tao.

She had a gift pero madalas na sinasabi niyang isang sumpa ang ganitong klaseng kapangyarihan. She can dream about the future minsan kapag tulog siya minsan naman kahit na gising siya ay bigla na lang dadating ang pangitain sa isip niya.

Hindi ba ilang beses na rin niyang sinabi sa sarili niya na ayar niya ng ganito? Ayaw niyang tinatawag na kakaiba, gusto lang niya ng normal na buhay pero sabi ng Lolo Tatay niya ay isang biyaya to para makatulong sa iba.

Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kaya niyang tumulong minsan pa nga may mga taong tumitingin sa knaya na para bang siya ay may dahilan ng kamalasan sa buhay nila kahit ang totoo ay hindi naman talaga siya.

 Wala sa sariling napatingin siya sa kakatapos lang na larawan, wala sa sarilin napasandal na lang siya sa kinauupuan.

Nitong mga nakaraang araw ay palala ng palal ang mga napapanaginipan niya tungkol dito na minsan parang nasa bangungot na siya pero hindi naman niya alam  kung papaano ito hahanapin at kung makita nga niya ito sigurado ba siyang paniniwalaan siya nito sa mga sinasabi niya.

Hindi madaling tanggapin ang mga sinasabi niya pero gusto baka naman may dahilan kung bakit niya ito napapanaginipan. Hindi ba at sinabi sa kanya ng kanyang lolo na may mga bagay sa mundong `to na may dahilan o kaya may koneksyon sa isa’t-isa?

Wala sa sariling napatingin siya sa lahawan at agad na tumutok ang mata niya sa parang buhay na buhay na painting na nagawa niya. Minsan kahit siya ay hindi maiwasang maasiwa na para sa saing lalaking hindi niya kilala ay masyadong detilyado ang pagkakaguhit niya dito.

Ipinilig niya ang ulo mas mabuti saka wala sa sariling napatingin sa bintanang capiz nang mapansin niyang mag-uumaga na pala at naririnig na niya ang pagtilaok ng mga manok mula sa di kalayuan.

Ramdam na niya ang mahinang dapyo ng hangin at ang amoy ng alimugmog sa umaga. Kahit na hindi niya aminin ay ito ang sisa sa pinaka paboritong oras niya sa buong araw kahit na ba minsan ay hindi niya namamalayan ang pagdating nito.

Tumayo na siya sa kinauupuan saka nag-inat muling nakaramdam na naman siya ng antok siguro mabuting matulog na muna ulit siya at sa pagkakataon na `to hiniling na lang niya na wala na muna siyang masamang panaginip nakikita,

Masyadong unpredictable ang kapangyarihan niya, pero kahit papaano nitong mga nakalipas na taon ay unti-unti na niyang natututunang kontrolin iyon. Minsan hinihiling niya n asana may makilala siyang kagaya rin niya.

Nang kahit papaano ay masabi niya sa sarili niyang hindi siya nag-iisa na kahit na ganito siya may mga taong tatanggapin pa rin sa kanya sa kung ano at sino talaga siya. Siguro pangarap na lang `yon para sa kanya pero mahirap ang nag-iisa minsan nga hindi rin siya sigurado kung hanggang saan pa nga ba ang kaya niya.

Iyon ang mga katagang na isip niya nang muli niyang balikan ang kanyang kama. Hindi nga lang niya akalain na sa susunod na mga araw ay unti-unti na ring magbabago ang mundong nakasanayan niya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Malyn Lisondra Sab
next chapter please
2020-08-11 17:51:42
2
53 Chapters
Chapter One
NAPABALIKWAS ng bangon si Phoebe sa kinahihigaan, rinig niya ang matinis na tunog sa tenga niya, kasunod ng malakas na pagkabog ng kanyang puso. Wala sa sariling nahagod niya ang d****b nanginginig ang mga kamay niya, tumatagaktak ang kanyang pawis sa kabila ng malamig na hangin sa pumapasok mula sa capiz na bintana.           Mariin siyang napapikit kasabay ng marahas na pagbuga ng hangin, kailangan niyang kumalma kaysa matakot sa mga nakikita niya sa kanyang panaginip.           Nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan kaya naman tumayo na siya at lumabas ng kwarto.           Sumalubong agad sa kanya ang tahimik na kabahayan, sanay na siya doon dahil ilang taon na rin simula nang mawala ang kaisa-isang tao na matatawag niyang pamilya.           Ipinilig niya ang ulo saka n
last updateLast Updated : 2020-07-29
Read more
Chapter Two
          “PHOEBE,,, Phoebe!” napakunot siya nang noo nang makarinig ng pagtawag sa pangalan niya. Sa naaalala niya ay wala naman siyang kasama sa bahay kaya bakit may tumatawag sa pangalan niya? Lalo namang walang multo dito kaya parang napakaimposible nang mga naririnig niya.           Dahan-dahan niyang ibinukas ang mga mata at sumalubong sa kanya ang pamilyar na ceiling. Hindi uso sa kanya ang aircon lalo pa at may mabinin
last updateLast Updated : 2020-07-29
Read more
Chapter Three
“BEAUTIFUL as ever, Phi,” nakangiting puri sa kanya ni Mia pero tango lang ang sinagot niya.           Parang gusto niyang sabihn na mas mukha siyang naglalakad na zombie kaysa isang babae. Pero hindi na lang niya ito pinansin. Mas gusto niyang ipakita na dito ang mga natapos niyang canvass.             She’s very much confident with her works sa lahat ng hindi siya sigurado sa mundo sa mga artworks niya may 101% siyang tiwala.           “Wala ka nang dila, girl? `Kaloka,” reklamo nito.           Kimi naman siyang napangiti, Mia is one of her friends since college. Nagtayo ito ng isang maliit na gallery, na unti-unti na ring nakikilala nitong mga nakalipas na taon. Kaklase niya  ito sa fine arts noong nagaaral pa siya ng kolehiyo pero hindi ito nahilig sa pagpipint
last updateLast Updated : 2020-07-30
Read more
Chapter Four
“By the way, my name is Fiper del Roje,” anito habang nakatingin sa kanya habang kumakain. Hindi talaga alam ni Phoebe ang nangyari sa nakalipas na mga sandali, the next thing she knew nasa loob na siya ng Love & Potions. Iyon ang shop na pinasukan nila nang basta na lang siya hatakin nito kanina. Sumalubong sa kanya ang mga nakahilerang estante na may mga nakalagat na naggagandahang accessories. Some are made of crystals and gems. Iyong sa tingin naman niya ay gawa ng silver at reak gold ay nakadisplay sa isang glass table malapit sa counter. She felt comfortable in the place, so comfortable na wala siyang maramdamang pagkaasiwa sa lugar. The place was bright, and the design are quite paano nga ba niyang pwedeng i-describe? Magical? It was a feeling na parang pumasok sa ibang mundo. Seeing how beautiful every single display on the place ang masasabi lang siguro niyang peculiar, ay ang mismong si Fiper. She could even be compared with Magi, sa una
last updateLast Updated : 2020-07-30
Read more
Chapter Five
SA pagmulat ng mga mata ni Phoebe ay nagulat siya nang makita ang liwanag na naglalagos sa labas. Noon niya napansin ang kumot na nakapatong sa kanya, at maayos na pagkapatong ng kumot sa katawan niya. Sandali siyang napakunot-noo nang maalalala niya ang mga nangyari. Naalimpungatan siya kinagabihan na ginigising ni Magi. Nakatulog na naman kasi siya sa may studio nang hindi niya namamalayan. Bumangon na siya at hindi niya maiwasang makaramdam ng ginhawa ito kasi ang unang beses na nakatulog siya nang matagal o nagigising dahil sa mga napapanaginipan niya. This time she dreamed nothing,  as in wala, blangko napatingin siya sa suot na bracelet. Hindi kaya `to ang may dahilan kung bakit nakatulog siya ng maayos this time? Saka napansin niyang hindi siya ngayon ginising ni Magi, ibig sabihin ay hindi pa ito tapos sa trabaho, Inabot niya ang cellphone sa may bedside table, alas siete pa lang ng umaga. Ito yata ang unang beses na nagising siya ng gani
last updateLast Updated : 2020-07-30
Read more
Chapter Six
NAKAPANGALUMBABA si Phoebe sa may cashier counter ng Love and Potion kakatapos lang kasi niyang i-submit ang gawa kay Mia. Dapat ay si Magi ang kasama niya ngayon hindi ba noong isang araw lang ay naging buo na ang pasya niya para kilalanin ang lalaki sa panaginip niya? Ang kaso naman bigla itong may natanggap na emergency call nang araw ring `yon at wala itong magawa kung hindi pansamantalang munag ipagliban ang balak nilang dalawa. Hindi naman kasi siya marunong gumamit ng internet kaya malay ba niya kung paano mag-search `don? Kaya naman imbes na
last updateLast Updated : 2020-07-31
Read more
Chapter Seven
NAPILI ni Jean ang card na lovers at agad naman iyong kinuha ni Phoebe. Hindi niya alam kung bakit pero may isang scene agad na pumasok sa isip niya. “Once you became a licensed Architect. “ nakita niya ang pagkagulat sa mukha into dahil wala naman itong sinasabi tungkol sa sarili nito. “Makikilala mo ang lalaking para sa`yo actually nasa tabi mo na siya for the whole time. Silently loving you from afar, waiting for you to achieve all your dreams because as far as he knows you are his dream. Don’t take him for granted dahil baka mawala pa siya sa`yo.”
last updateLast Updated : 2020-07-31
Read more
Chapter Eight
“Kuya Leo saan lakad mo ngayon?” tanong sa kanya ng nakababatang kapatid na si Jean nang sumilip ito sa kwarto niya saka ito  dumiretso sa kama niya at doon umupo.           Inayos niya ang suot na kurbata habang kunot noong napalingon sa kapatid nito kasing mga nakaraang araw ay palagi itong nagtatanong kung saan siya pupunta kaya hindi niya maiwasang magtaka hindi naman kasi nito Gawain na itanong kung saan siya pupunta.       &
last updateLast Updated : 2020-08-01
Read more
Chapter Nine
“HERE  at ATV News. Kasalukuyang inaapula ang apoy sa yateng sumabog ditto sa Manila Yatch Club na pagma-mayari ng businessman na si Domingo Del Valle. Ayon sa mga nakasaksi ay ilang metro lamang ang layo ni Leandro Toledo— na siyang ka-meeting ni Mr. Del Valle— nang bigla na lamang sumabog ang yate. Mabuti na lamang at parehong hindi nakarating sa tamang oras ang dalawa at walang nasaktan.” Pagtatapos ng video na pinanuod ni Phoebe sa cellphone ni Magi. Napabuntong-hininnga siya, hindi man live na nainterview ang binata ay nai-flash naman sa video ang picture nito na  nakunan sa isang s
last updateLast Updated : 2020-08-02
Read more
Chapter Ten
IT HAD been weeks since na nangyari ang insidente sa Manila Yatch Club malaki talaga ang pasasalamat ni Leo na  walang nangyaring masama sa kanila ni Jean dahil kung nagkataon na napahamak ito kasama siya siguradong hindi niya mapapatawad ang sarili. Medyo nanahimik na ang press sa at hindi na siya masyadong kinukulit nitong mga nakaraang araw pero patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis kung ano talaga ang nangyari. Nitong nakaraang linggo ay nagpatulong na siya kay Rion isa sa malapit niyang kaibigan na may sariling detective agency para sumagawa ng isang private investigation dahil sa totoo lang sa bagal ng pagiimbestiga ng mga pulis ay wala tal
last updateLast Updated : 2020-08-02
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status