Mamamatay Na Ako... Bukas!

Mamamatay Na Ako... Bukas!

last updateLast Updated : 2023-04-26
By:   Maja Rocha  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
45Chapters
6.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Pito kami sa barkada: sina Laila, Janine, Eve, Alden, Dan, Jomari at ako —si Bianca. Sa maniwala kayo’t sa hindi, apat na ang nalagas sa amin matapos magpunta ng iba sa isang bulung-bulungang manghuhula sa University. Hindi nito hinuhulaan ang love life mo, o kung ano ang magiging career mo in the future, kundi ang petsa ng kamatayan mo at kung paano ka mamamatay. Sundan ang kuwento ni Bianca. Makatakas kaya siya sa kamatayan niya, o magaya rin kaya siya sa mga barkada niya? “BUKAS” na... Nakahanda ka na ba?

View More

Latest chapter

Free Preview

Mamamatay Na Ako... Bukas! - Prologo

PAG-AALAY Para sa matalik kong kaibigang si Bianca, at sa pinsan kong si Jomari na nangarap na maka-talik ang matalik kong kaibigan…Maganda ba ang langit? *** ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
45 Chapters
Mamamatay Na Ako... Bukas! - Prologo
PAG-AALAY Para sa matalik kong kaibigang si Bianca, at sa pinsan kong si Jomari na nangarap na maka-talik ang matalik kong kaibigan… Maganda ba ang langit? ***
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more
MNAB - Kabanata I: Laila
"For I am with you, no one will attack and harm you, for many people in this city belong to me."Acts 18:10***Pito kami sa barkada: sina Laila, Janine, Eve, Alden, Dan, Jomari at ako --si Bianca!Si Laila. Siya ang pinakamatalino sa barkada. Hangang-hanga kami sa kanya dahil sa dedikasyon at sipag niya sa pag-aaral. Sa kanya kami nagpapaturo kapag nahihirapan kami sa lessons o kapag may iniwang gawain ang professor na hindi naman itinuro. Minsan nga, kapag tinatamad yung iba sa aming gumawa ng assignment, siya na ang gumagawa. Sabi ng mga kaibigan namin, hindi siguro sila makaka-survive sa College kung wala siya. Magkakaiba man kami ng kurso, Laila always finds a way para makatulong sa amin.
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more
MNAB - Kabanata I.I: Laila
Ang bulung-bulungang manghuhula... SI JUDE. Kilalang-kilala ko siya. Sa katunayan, kababata ko siya. Bata pa lang kami, nakakakita na siya ng mga hindi pangkaraniwang bagay sa paligid. May mga panaginip din siyang nagsisilbing babala. Halos lahat ng kakilala namin, natatakot sa kakayahan niya. May iba namang kinukutya siya at sinasabing anak daw siya ng demonyo. Naging biktima rin siya ng pambu-bully noong Grade School at High School kami. Ngayon namang College, iniilagan siya. Malungkot siguro ang buhay niya. Kaunti lang din kasi yung kumakaibigan sa kanya. Hindi na rin naman niya gustong makipag-kaibigan sa iba. Wala nga yata siyang ibang pinagkakatiwalaan bukod kay Jomari na pinsan niya at sa akin na kapit-bahay nila.Tulad ni Jomari, tahimik at malalim ang personalidad ni Jude; wirdo para sa karamihan. Hindi siya basta-basta nakikipag-usap sa mga tao maliban na lang
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more
MNAB - Kabanata II: Janine
Noong gabing iyon, nanaginip ako. Naglalakad daw ako sa isang palapag ng University. Nakasalubong ko si Jude. Binati ko siya, pero hindi niya ako pinansin. Maya-maya, lumitaw si Laila sa panaginip ko. Nilapitan niya ako.“Bianca!” pagtawag niya sa akin. “Nagpahula ako,&r
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more
MNAB - Kabanata II.I: Janine
Naabutan kong papasok na si Jude sa University nang magdesisyon akong umuwi muna. Ayaw pa nga niya akong kausapin noong una kahit hinarang ko na siya, pero buti na lang, pumayag din sa bandang huli.Tinanong ko siya tungkol sa ginawa niyang hula kay Laila, at sinabi niyang, “Nakita ko sa pangitain... Naglalakad siya palabas ng bahay. Mag-aabang na sana siya ng ma
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more
MNAB - Kabanata III: Eve
Nanaginip ako. Nakatayo kami nina Laila at Janine sa isang tulay. Yari sa bato ang tulay; magaspang ito at bitak-bitak. Nagbahagi si Laila ng impormasyon tungkol sa tulay, na isandaang taon na itong nakatayo rito. Makasaysayan daw ang tulay sabi niya. Hindi raw iyon basta-basta magigiba, parang pagkakaibigan namin.Dumungaw ako sa ibaba; gumaya sila. Nakita kong malinaw ang tubig. Ganoon din ang sinabi nila. Sabi ni Janine gusto niyang maligo. Naka-e-engganyo kasing maligo, lalo na kung malinaw ang tubig. Nagulat na lang kami nang bigla siyang tumalon sa tulay! Napasigaw kami ni Laila!Tumingin kami pareho ni Laila sa ibaba ng tulay. Hindi namin nakita si Janine sa ibabaw ng tubig. Nakaramdam ako ng malakas na kabog sa dibdib ko. Nalunod na kaya siya? Patay na kaya siya? Sinigaw namin ang pangalan niya; tinawag namin siya, pero hindi siya sumagot.Maya-maya, lumitaw si Jani
last updateLast Updated : 2021-11-27
Read more
MNAB - Kabanata III.I: Eve
Ayokong pag-isipan nang masama si Jomari, pero shit! Nandiri talaga ako sa ginawa niya sa akin. Hinawakan ko ang leeg ko at nanalanging sana panaginip lang din ang ginawa niyang paghalik sa akin. Nang mailibing si Laila, si Janine naman ang binantayan namin. Balisang-balisa si Eve habang tinitingnan niya si Janine. Tinabihan ko siya. Nasa Paradiso kami. Nakahimlay si Janine sa kabaong. Maganda ang ayos nito. Nagkaroon ng misa matapos magbigayan ng testimonials. Nakakatawang marinig na puno na ngayon ng magagandang salita ang mga bibig ng mga taong umaway at sumumpa kay Janine noon. Ganoon siguro talaga kapag namatay na ang isang tao. Hindi na maaalala ng iba yung mga pangit na bagay na nagawa mo. Hindi ko alam kung mas mainam iyon sa karaniwang gawi na naaalala lang yung kabutihan mo kapa
last updateLast Updated : 2021-12-01
Read more
MNAB - Kabanata IV: Alden
Nang mabalitaan naming patay na si Eve, pinuntahan namin nina Dan at Jomari si Alden sa isang presinto sa Tagaytay kung saan siya dinala. Kasama ko si Dan, samantalang nagsabi si Jomari sa pamamagitan ng text message na susunod na lang siya sa amin. Wala kasi siya sa bahay nila nang puntahan ko siya.Habang nasa biyahe kami ni Dan sakay ng kotse niya, nakatulog ako at nanaginip. Naglalakad ako sa isang building; hindi ko alam kung saan. Sabi ng isip ko, nasa isang hotel ako. Umakyat ako sa hagdanan papunta sa second floor. Naglakad ako sa pasilyo at huminto sa isang silid.Bumukas ang pinto at nakita ko si Eve, umiiyak."Pabayaan mo na kami!" sabi niya. "Mahal ko si Alden!"Hindi ako na
last updateLast Updated : 2021-12-04
Read more
MNAB - Kabanata IV.I: Alden
Lumabas ako ng presinto para magpahangin. Ginusto ko rin noon na pumunta sa Tagaytay, pero hindi sa ganitong pagkakataon. Inisip ko noon na kung may pagkakataong mag out-of-town trip kami ng barkada, yung masaya at kumpleto... hindi yung ganito.'Di nagtagal, dumating si Jomari at tinabihan ako."Ok ka lang?" tanong niya."Ok lang," sagot ko, kahit na nagtatampo pa rin ako kay Dan."Sabi ni Dan, sorry raw. Nahihiya siyang lumapit sa iyo kaya ako na lang ang magsasabi. Stressed lang daw kasi siya kaya niya nasabi iyon."Ngumiti ako. "Ok lang," sabi ko. Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Tumingin ako sa malayo. Ninamnam ko ang preskong hangin bago ako nagsalita. "Si Laila... si Janine... si Eve... Mayroon pa bang susunod na mamamatay?" tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko! Unti-un
last updateLast Updated : 2021-12-09
Read more
MNAB - Kabanata V: Dan
Labinlimang minuto makalipas ang hatinggabi, eksaktong pagdating ko sa presinto, naabutan kong nagkakagulo ang mga tao. Lakas-loob akong nagtanong sa isang pulis na nakasalubong ko."Ano po'ng nangyayari?" tanong ko sa pulis na naabutan kong papalabas."May lalaki roon sa loob, bumula yung bibig. May nakain yatang hindi maganda. Tumawag na kami ng ambulansya," sagot nito.Kinabahan ako bigla. "Si Alden!" isip ko.Nagtangka akong pumasok, pero hinarang ako ng isang pulis at hindi ako pinayagan dahil nga sa nangyayaring komosyon. Sinabihan din ako ng isa pang huwag akong pahara-hara sa daan at ilalabas na yung lalaking nagsuka kani-kanina lang. Tumayo na lang ako sa gilid at hinintay na ilabas nila kung sino man yung tinutukoy nilang lalaking bumula ang bibig."Sana hindi si Alden... Sana hindi si Alden," panalangin ko.Ilang sandali pa, inilabas na nila yung lalaki. Nasurpresa ako nang makita ko kung sino ang inilalabas sa presinto. Hindi nga s
last updateLast Updated : 2021-12-19
Read more
DMCA.com Protection Status