Lost in the world named Aragona

Lost in the world named Aragona

last updateLast Updated : 2022-11-10
By:  Marx SalasOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
33Chapters
6.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Mula sa isang normal na pamumuhay, isang binata ang biglang mapupunta sa isang mundo kung saan hindi niya alam kung ano ang klase at sistema ng pamumuhay rito. Ngunit hindi siya nag-iisa, makakasama niya sa kaniyang paglalakbay ang kaniyang mga kaibigan. Dito masusubukan ang kanilang samahan. Mag-uumpisa ang nobela sa isang Highschool student na si Mac Salas kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Jas Alcantara, Set Saja, Dane Santiago, Nads Vivar at Mercury Manuel. Isang Diyosa ang magdadala sa kanila sa mundo ng Aragona upang kanila itong maisalba mula sa muntikang pagkasira. Pero ano nga ba talaga ang tunay na mangyayari at kakahantungan ng kanilang pagpunta sa ibang mundo?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: HINDI INAASAHANG PANGYAYARI

Madilim, mapuno at umuulan. Madadama na madami ang nakapalibot sa amin na mga nilalang. Nanlilisik ang mga mata at nanggagalaiti ang mga ngipin. Nagmamasid ang mga ito habang naghihintay ng pagkakataon na sumalakay. Ito ang kauna-unahang eksena na aming nasaksihan sa mundong ito.

Agad kaming tumakbo palabas ng gubat kasama  ang aking mga kaibigan na sina Jas Martinez, Dane Santiago, Nads Vivar, Mercury Manuel at Set Saja.

Marahil kayo ay nagtataka kung nasaan kami at kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon. Kaming magkakaibigan ay napadpad sa mundo kung saan wala kaming kaalam-alam sa pamumuhay at sistema ng mga naninirahan dito. Pero bago ang lahat, isisiwalat ko muna ang mga tunay na nangyare.

Hi, I’m Mac Salas isang high school student. Normal naman ang naging buhay ko, masaya dahil madami akong naging kaibigan. Ngunit may isang bagay na pakiramdam ko ay kulang. May isang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko alam, ngunit lagi ko ‘tong hinahanap.

Araw ng biyernes, habang ako ay nasa paaralan.

“Dre bakit ka nakatulala diyan sa tapat ng hagdan, tara na sumunod na tayo kila Kurt nandoon na sila sa canteen. Bahala ka baka tapos na sila kumain niyan pagdating natin,” sambit ni Set na may halong pagtataka sa ikinikolos ko.

Nang mga sandaling ito, isang kakatwang bagay sa pader ang aking nakita. Pero sa mga oras na iyon, hindi ko alam na iyon pala ang magpapabago ng takbo ng buhay ko pati narin ng aking mga kaibigan.

Ilang oras bago ko ito makita, kasalukuyan kaming nagkaklase sa science, nag-aya si Set na sabay-sabay na kaming pumunta mamaya sa canteen.

“Mac sabay na tayo pumunta mamaya sa canteen. Hintayin mo ko may aayusin lang ako.”

Tinanguan ko siya. “Sige dre.”

Pagsapit ng break time, tumungo na kami ni Set sa canteen. Ngunit habang naglalakad sa hagdan, ako’y may nakitang tila itim na tela sa pader. Sa laki nito, nakakapagtakang hindi ito napupuna ng mga nagsisidaan.

Dahil sa pagtataka, tinanong ko si Set,

“Dre bakit kaya may tela dito? Halloween na ba? Hindi ba September palang? Sino kaya naglagay nito dito?”

Naguguluhang sumagot si Set,

“Huh? Anong tela? Ano bang pinagsasabi mo dre? Okay ka lang ba?”

Pilit kong sinasabi sa kaniya na may tela talaga sa pader. Pero lagi niyang itinatanggi na nakikita nya ito. Subalit sigurado ako sa aking nakikita.

Hindi na kinaya ng pasensya ni Set kaya naman nauna na syang umalis at pumunta sa Canteen. Nanatili ako doon at saktong papadaan si Mercury.

Hinarang ko siya at tinanong kung nakikita niya rin ba ang itim na tela sa pader.

“Mercury teka may tatanong lang ako sayo. Kanina kasi kasama ko si Set tapos tinatanong ko sya kung nakikita nya ba ‘tong itim na tela sa pader. Bakit sinasabi nya na hindi nya nakikita eh ang laki-laki nga ng tela.”

Napakulot ang noo nito dahil sa pagtataka,

“Loko dre tigil mo, anong tela? Wala namang nandiyaan sa pader eh. Nantitrip ka na naman ne? Bala ka nga diyan aalis na ko hinahanap pa ko ni sir Legaspi.”

Agad umalis si Mercury habang naiwan ulit ako dahil puno parin ng katanungan ang aking isipan. Siguro nababaliw na ako. Pero dahil sa sobrang kuryosidad, sinubukan kong hawakan ang tela. Binuksan ko ito at laking gulat ko dahil tila ba may malaking espasyo sa loob. May nakita akong butas na kasing laki ng tela. Sinubukan kong ipasok ang kamay ko.

“Wtf! Ano nangyare bakit tumagos kamay ko dito?”

Natatakot man, hindi padin ako tumakbo at sa halip ay pinagmasdan ko pa itong maigi. Sa hindi inaasahan, isang malakas na pwersa ang humatak sa buo kong katawan. Nawalan kaagad ako ng malay.

Nang mga sandaling ito, hindi ko pa alam kung saan ako napunta. Bago ako tuluyang mawalan ng malay, isang tila karayom ang pumasok sa aking ulo. Nagdulot ito ng matinding sakit. Maraming impormasyon ang bigla na lang pumasok sa aking isipan.

Sa dami nito, hindi ko na matandaan lahat ng detalye. Pero ang mga impormasyon na ito ay patungkol sa mundo ng Aragona. Isang mundo na binubuo lamang ng isang malaking kontinente. Tinatawag nila itong Asarta. Madaming bansa ang matatagpuan dito. Pwede itong maihalintulad sa ating mundo, ngunit dito ang mahika ay matatagpuan kahit saan. Ang mga tao ay nagtataglay nito. Pero hindi lahat ay may kakayahang gamitin ito.

Lumipas ang ilang oras ay nagising na ako. Pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata ay nanlaki ito sa nakita. Isang magandang babae ang nasa aking harapan. Hindi maitatanggi ang kagandahan nito dahil sa kaniyang mahaba at maitim na buhok. Sinabayan pa ito ng kaniyang maamong mukha. Maraming lalaking nakapalibot sa kaniya. Nakabalot ang kanilang mga katawan sa puting tela. Magsasalita pa lang ako ng biglang nagsalita ang babae.

“Alam ko madami kang katanungan, subali’t wala akong sapat na oras para sagutin lahat iyan. Sa ngayon ay makinig ka muna sa aking mga sasabihin. Ako si Anna, Diyos na nagbibigay ng biyaya ng mundong ito.”

Habang nagsasalita ang babae, gulong-gulo ang isipan ko sa mga nangyayare. Sa isip-isip ko,

“Diyos? Teka ito na ba yung sinasabi nilang reincarnation? Adik ako sa anime pero ni minsan di ko inakala na mangyayare talaga to. Woah, pero di narin masama sino ba naman may ayaw na mareincarnate tapos magkaroon ng super powers diba haha.”

Nagpatuloy sa pagsasalita ang Diyosa na si Anna.

“Binigyan kita ng talent at kalakasan sa paggamit ng mahika. Magagamit mo ito sa oras nang kapahamakan.”

 Habang nakikinig, napagtanto ko na sobrang delikado pala ng nais ipagawa sa akin ng Diyosa.

“Dinala kita sa mundong ito upang magmasid sa kilos ni Luosito, Diyos ng digmaan. Nagkaroon sila ng alitan ni Carlos ang Diyos ng puting mahika kaya nadadamay pati ang buhay ng mga nilalang sa mundong ito. Nais kong tulungan mo ako na pigilan si Luosito. Ang mga tao sa mundo mo ay may makabagong teknolohiya kaya naman hindi nakapagtataka na matataas ang intelkuwal ng mga taong naninirahan doon. Kaya nais kong gamitin ang iyong mga kaalaman at maging isa sa aking mandirigma. Ang ginawa kong pagpili ay may isa lang na basehan, gamit ang aking kapangyarihan ay hinanap ko ang tao na may pinakamataas na potensyal pagdating sa mahika at ikaw ang aking nakita.”

Dahil sa pagpapaliwanag ng Diyosa, nabigyan na ng linaw ang ilan sa aking mga katanungan. Bago matapos ang aming pag-uusap, sinasabi sa akin ng Diyosa na pwede akong humiling. At kapag nagawa ko ang misyon na ibinigay nya sa akin ay bibigyan nya ulit ako ng isa pang pagkakataon na humiling.

Napahawak ako sa ulo habang nag-iisip ng malalim.

“Ano nga ba dapat kong hilingin?”

 Kailangan kong mag-isip ng maayos dahil maaring masayang ang pagkakataon na ito.

Marahil karamihan ng tao ay hihiling ng kayamanan, ngunit hindi ko habol ang materyal na bagay. Ayaw ko din naman humiling ng walang hanggang buhay dahil nakalulungkot kung ako ay buhay pa habang ang mga kaibigan ko ay wala na. Isang bagay lang naman ang ninanais ko at ito ay ang makasama ko ang aking mga kaibigan sa bawat problema.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Harvey Pineda
been binged reading this novel. must read
2021-12-04 17:49:14
1
user avatar
Kathleen Salas Ongkingco - Pineda
Interesting Story. Very unique .........
2021-12-03 00:38:52
1
user avatar
Kathleen Salas Ongkingco - Pineda
Interesting ......
2021-12-03 00:38:05
1
33 Chapters
CHAPTER 1: HINDI INAASAHANG PANGYAYARI
Madilim, mapuno at umuulan. Madadama na madami ang nakapalibot sa amin na mga nilalang. Nanlilisik ang mga mata at nanggagalaiti ang mga ngipin. Nagmamasid ang mga ito habang naghihintay ng pagkakataon na sumalakay. Ito ang kauna-unahang eksena na aming nasaksihan sa mundong ito.Agad kaming tumakbo palabas ng gubat kasama  ang aking mga kaibigan na sina Jas Martinez, Dane Santiago, Nads Vivar, Mercury Manuel at Set Saja.Marahil kayo ay nagtataka kung nasaan kami at kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon. Kaming magkakaibigan ay napadpad sa mundo kung saan wala kaming kaalam-alam sa pamumuhay at sistema ng mga naninirahan dito. Pero bago ang lahat, isisiwalat ko muna ang mga tunay na nangyare.Hi, I’m Mac Salas isang high school student. Normal naman ang naging buhay ko, masaya dahil madami akong naging kaibigan. Ngunit may isang bagay na pakiramdam ko ay kulang. May isang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko alam, ngunit lagi ko ‘tong h
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more
CHAPTER 2: KAHILINGAN
Habang nag-iisip, biglang isang magandang ideya ang pumasok sa aking isipan.“Paano kaya kung isama ko mga kaibigan ko dito?”Sigurado ako na magiging interesado din sila dahil alam ko na sobrang naiinip na sila sa normal na buhay. Ngunit hindi ko naisip na ito pala ang isa sa pinakamalaki kong pagkakamali na gagawin.“Maari nyo po ba akong ibalik sa mundong pinaggalingan ko? Nais ko po sanang tanungin ang mga kaibigan ko kung gusto nila akong akong tulungan.  Naisip ko po kasi na masyadong mahirap ang pinapagawa nyo sa akin ng mag-isa. At isa pa nga po pala, kung sakali mang naisin na nilang umalis sa mundong ito, ibalik nyo na po sana sila sa mundong pinanggalingan namin.”Nang marinig ito ng Diyosa, napangiti ito at nagwika,“Sige tutuparin ko ang iyong kahilingan, ngunit sa isang kondisyon. Kapag natapos na ang lahat o kung sakali mang ibabalik ko na sila sa mundo nyo, buburahin ko lahat ang kanilang memorya.&
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more
CHAPTER 3: PAGTITIWALA
Napaatras ang dalawa ng ako’y papalapit na sa kanila. “Sino ka? Huwag kang lalapit! Sisigaw ako kapag lumapit ka,” natatakot na pagtaboy sa akin ni Set. “Ako to dre si Mac Salas kaibigan nyo.” Pilit kong sinasabi sa kanila na ako si Mac ngunit ayaw padin nila maniwala. “Ah, alam ko na. May isa akong sikreto na silang dalawa lamang ang nakakaalam,” bulong ko sa sarili.  Ang sikretong ito ay tungkol sa babaeng aking napupusuan. Siya ay si Jas, isa sa matatalik naming kaibigan. Intinatago ko ito sa lahat dahil natatakot ako na masira ang aming pagkakaibigan dahil dito. Imbis kila Mercury at Set. Tiwala naman ako na hindi nila ipagsasabi ito kahit kanino. “May sikreto ako na kayo lang nakakaalam ‘di ba? Naaalala nyo ba ‘yong sinabi ko sainyo noong nagpunta tayo sa plaza last time? Tayong tatlo lang magkakasama noon tapos pupunta sana tayo ng Balanga. ‘Di ba sinabi ko sainyo na may gusto ako kay Jas.” Pagkasabi ko nito, kumalma
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more
CHAPTER 4: PANGAKO
Dumating kami sa panuluyan bandang alas-nuwebe ng gabi. Bago pumasok, nagpakilala sa amin ang lalaki. “Tawagin nyo nalang akong Serio, ito yung tinutukoy ko na panuluyan namin ng asawa ko.  Mamaya pagpasok nyo baka makita nyo sya loob, kausapin nyo na lang siya kung may kailangan kayo.” Sa hindi maipaliwanag na kadahilan, parang hindi mapakali si Mang Serio. Kanina pa sya tingin ng tingin sa paligid na para bang may iniiwasan. Siya ay nagpa-alam muna sa amin at nagwika, “Oh sya, mauna na kayong pumasok sa loob at doon ako dadaan sa likuran,” kinakabahang sabi nito. Hindi pa nakakalakad ay biglang bumukas ang pinto. Isang babae ang lumabas. Nakangiti ito ngunit nanggagalaiti ang mga mata. Pagalit itong sumigaw ng malakas, “Seriooooo!!! Anong oras na bakit ngayon ka lang dumating huh?! Siguro nambababae ka na noh?” Nawala ang aming pangamba at pagtataka sa ikinikilos ni Mang Serio dahil sa aming nasaksihan. Palihim kaming napangiti
last updateLast Updated : 2021-09-15
Read more
CHAPTER 5: PAGDISKUBRE
Mabibilis na tapik ang aking naramdaman sa aking bandang likuran. Umaga na pala kaya ginigising na ako ni Set upang mag-almusal. “Uy dre bangon na nandoon na silang lahat sa baba. Ikaw nalang hinihintay.” Naalimpungatan ako at bumangon mula sa pagkakahiga. Sa aking pagtayo, natanaw ko mula sa bintana ang madaming tao na abala sa kanilang mga ginagawa. Ang ilan ay nagtatayo ng maliit na silungan kung saan nila ilalagay ang kanilang mga paninda. Habang ang iba ay may dala-dalang mga armas. Nagtaka ako dahil normal lang ba ang magdala ng armas kung saan-saan? “Set, mga sundalo ba ‘yong mga lalaki na ‘yon? Bakit kaya may bitbit silang mga espada? Yung iba may dala pang mas malalaking armas.” Sumilip din si Set sa bintana upang makita, “Hindi ko alam eh dre. Hayaan mo na sila, tara na bumaba na tayo baka nagsisimula na silang kumain.” Sumama na ako kay Set pababa. Masayang nag-uusap sila Mercury at Dane habang hinihintay si Mang Serio. Noon
last updateLast Updated : 2021-09-17
Read more
CHAPTER 6: PAGSUBOK
Pumasok kami sa loob at mapapansin na sobrang laki ng pasilidad. “Ang lawak sa loob. Parang conference hall pero sobrang laki,” namamanghang sabi ni Dane. May mga kwarto kung saan ka pwedeng magparehistro upang makakuha ng mga misyon. Pumunta kami doon at isang babae ang sumalubong sa amin. “Bago lang po ba kayo dito? “ “Opo,” tugon namin sa babae. “Pasok po kayo rito sa silid na ito para mailista ko na ang mga pangalan nyo.” Sama-sama kaming nagpunta sa silid at malawak din ang loob nito. Madaming kaming mga nakasabay na nagpapalista pero hindi naman kami natagalan sa pila dahil mabilis lang ang proseso. “Sumunod po kayo sa akin at ihahatid ko kayo sa ikalawang palapag. Nandoon ang mga misyon na maari niyong makuha.” Sambit ng babae kaya agad kaming naglakad. Ipinaliwanag niya rin sa amin ang sistema rito. “Kada misyon na inyong matatapos ay makakatanggap kayo ng puntos na pagbabasihan ng inyong mga karanasan.
last updateLast Updated : 2021-09-20
Read more
CHAPTER 7: UNANG PAKIKIPAGLABAN
Sa mundo ng Aragona, ang mga libro na naglalaman ng mga salita upang makabuo ng salamangka ay tinatawag na Grimoire. Naglalaman ito ng mga konkretong teksto na kailangang kabisaduhin ng isang salamangkero kung nais nyang makagawa ng salamangka. Ang salamangka ay higit na mas malakas kaysa sa mga s*****a na gawa lang ng imahinasyon. Dahil ang salamangka ay gawa ng mga magagaling na salamangkero, napatunayan na itong epektibo kaya naman nakalagay na ito sa mga Grimoire. Malapit na kaming makarating sa gitna ng kagubatan. “Naririnig niyo ba? Saan kaya nanggagaling ang ungol na ‘yon?” tanong ko sa kanila. HIndi lang mababagsik na lobo ang nilalang na naninirahan dito. Madami pang mababagsik na hayop at halimaw ang gumagala sa kagubatan upang makahanap ng makakain. Nagsitaasan ang aming mga balahibo dahil sa sobrang nakakatakot na awra na mararamdaman sa gubat. “Ano ba ‘to bakit ganito dito? Parang may namamatay o pinapatay dito araw-araw,
last updateLast Updated : 2021-09-22
Read more
CHAPTER 8: PANANDALIANG KASIYAHAN
Matinding sikat ng araw mula sa bintana ang bumungad sa aking umaga.“Teka anong oras na ba?” tanong ko sabay tumingin sa aking mga kaibigan. “Maaraw na pero tulog pa rin sila. Mamaya ko na nga lang sila gigisingin. Bababa muna ako sa kusina para tulungan sila Aling Marita.”Lahat sila ay mahimbing pang natutulog samantalang ako ay bumaba na sa kusina upang tumulong sa pag-aayos ng makakain.“Magandang umaga po Mang Serio at Aling Marita.”Sumunod na bumangon si Mercury nang mapansin niyang wala na ako sa kama.“Mac nasa baba ka na ba?” ani niya habang nakadungaw sa pinto ng kwarto.“Oo dre. Pumunta ka na rin dito para matulungan mo kami,” tugon ko sa kaniya kaya naghanda na siya para makababa.Pahikabhikab itong naglakad sa hagdan.“Haayyy. Inaantok pa rin ako dre sobrang nakakapagod kahapon.”Habang nagkekwentuhan, napahinto kami ng ma
last updateLast Updated : 2021-10-06
Read more
CHAPTER 9: BIGLAANG PAGSULPOT
Maraming tao ang nagtipon-tipon sa gitna ng plaza. Nais nilang manood sa mga nagtatanghal ng mahika. May isang lalaking nakasuot ng magarbong damit ang biglang nagpakilala sa gitna. “Kamusta mga tao dito sa Siana? Ako nga pala si Steban. Ngayong gabi ay hahanap kami ng mga magboboluntaryong sumali sa aming paligsahan. Huwag kayong mag-alala, maganda ang aming ipapamigay na premyo. Ang kailangan nyo lang gawin ay ihanda ang inyong mga sarili at mahika dahil ang kompetisyon na ito ay palakasan at pagalingan.” “Sino may gusto sumali sa inyo? Ako sasali ako kayo ba?” Pagkatanong ko nito, hindi na sila nagdalawang-isip pang sumali. “Sige. Sali na rin kami mukhang maganda naman ‘yong premyo eh,” tugon ni Set. Dagdag pa ng lalaki na nagngangalang Steban, “Mamimigay ako ng iskolarsip para sa isang mamahaling paaralan sa masuswerteng tao na mananalo sa paligsahan.” Ang paaralan na tinutukoy niya ay tinatawag na Akademya ng mga B
last updateLast Updated : 2021-10-06
Read more
CHAPTER 10: PAGSIBOL NG GERA
Maraming kabayo ang dumaan sa aming harapan. Sakay nito ang alkalde ng Siana na si Mang Crispin. Kasama niya ang ilan sa kaniyang mga tauhan upang tumungo sa Kapitlyo ng Leonardo.“Bilisan niyo! Kailangan nating makarating kaagad sa kapitolyo para makahingi ng tulong.”Nakahinga kami ng maluwag dahil ilang sandali na lang ay maari nang dumating ang tulong mula sa kapitolyo.Nang makarating sa kapitolyo, isang umuugong na tunog mula sa tambuli ang sumalubong kila Mang Crispin.“Ibukas ang tarankahan! Nandito ang alkalde ng Siana,” sigaw ng isa sa guwardiya ng Hermosa, ang kapitolyo ng Leonardo.Tumungo agad sila Mang Crispin sa kastilyo ni Haring Timoteo, ang hari ng Leonardo.“Anong kailangan niyo at pumunta kayo rito ng ganitong oras sa aking kastilyo?” tanong ng hari.Lumuhod si Mang Crispin at ipinaliwanag ang nangyayaring pagsalakay sa bayan ng Siana.“Sinasalakay po ang Siana ng is
last updateLast Updated : 2021-10-06
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status