Sa mundo ng Aragona, ang mga libro na naglalaman ng mga salita upang makabuo ng salamangka ay tinatawag na Grimoire. Naglalaman ito ng mga konkretong teksto na kailangang kabisaduhin ng isang salamangkero kung nais nyang makagawa ng salamangka. Ang salamangka ay higit na mas malakas kaysa sa mga s*****a na gawa lang ng imahinasyon.
Dahil ang salamangka ay gawa ng mga magagaling na salamangkero, napatunayan na itong epektibo kaya naman nakalagay na ito sa mga Grimoire.
Malapit na kaming makarating sa gitna ng kagubatan.
“Naririnig niyo ba? Saan kaya nanggagaling ang ungol na ‘yon?” tanong ko sa kanila.
HIndi lang mababagsik na lobo ang nilalang na naninirahan dito. Madami pang mababagsik na hayop at halimaw ang gumagala sa kagubatan upang makahanap ng makakain.
Nagsitaasan ang aming mga balahibo dahil sa sobrang nakakatakot na awra na mararamdaman sa gubat.
“Ano ba ‘to bakit ganito dito? Parang may namamatay o pinapatay dito araw-araw, sobrang creepy ng paligid,” natatakot na sambit ni Dane.
Naghanda na kami dahil kahit anong oras ay maari kaming makainkwentro ng mababagsik na nilalang.
Si Nads ay bumuo ng pana at palaso gamit ang kanyang mahika. Samantalang isang malaking martilyo gawa mula sa matigas na bato ang binuo ni Mercury. Si Set ay lumikha ng isang matulis na sibat gamit ang tubig habang si Dane ay bumuo ng punyal na gawa sa apoy.
Ang puting mahika ay karaniwang ginagamit upang makapanggamot. Ito ay tinatawag na mahika ng liwanag dahil may kakayahan itong magpagaling ng kahit ano mang karamdaman o sugat. Ngunit ito ay nangangailangan ng mataas na kaalaman.
“Ang ganda ng gawa kong martilyo. Sigurado akong mamatay kahit sinong hampasin ko gamit ‘to,” pagmamalaki ni Mercury.
“Tsk,tsk,tsk. Mas malakas sa akin kesa sa sayo dre. Sure ako na mamatay agad ‘yong matutuhog ko ng sibat na ‘to,” sambit ni Set.
Nagpatuloy ang dalawa sa pagtatalo. Natigilan lamang sila nang awatin sila ni Nads.
“Tumigil na nga kayong dalawa. Ang lalaki niyo na pero para kayong mga bata.”
Matapos nito, nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Sinikap kong gumawa ng s*****a gamit ang aking itim na mahika, subali’t hindi ko pa rin ito magamit.
“Kayo na lang muna ang makipaglaban. Kami ni jas ang magsisilbing suporta niyo. Gagamutin namin kayo kung kinakailangan.”
Ito ang aming napagkasunduan dahil hindi naman kami makakagawa ng s*****a gamit ang puting mahika.
Sinundan namin ang ungol na aming naririnig.
“Napansin niyo rin ba? Parang ang daming nakatingin sa atin,” nangangamba sabi ni Mercury.
“Oo nga dre. Huwag tayong maghiwahiwalay.”
Pagkasambit ko nito, magkakasamang lumabas ang mga lobo sa kanilang pinagtataguan.
Gamit ang pana at palaso, isa-isa itong pinana ni Nads. Tinamaan niya ang tatlong lobo ngunit agad din itong nakatayo na para bang hindi nito ramdam ang sakit.
“Hala! Hindi ba sila namamatay? Ang lalim na no’ng sugat nila pero nakakagalaw parin sila.”
Lumusob ang lima pang lobo na nakatayo sa aming harapan. Pinalo ito ni Mercury gamit ang kaniyang martilyo. Tumilapon ang mga ito sa isang malapit na puno ngunit mabilis din silang nakatayo.
“Ano na dre? Akala ko ba isang hampas mo lang mapapatay mo na sila?” nang-aasar na wika ni Set na agad namang sinagot ni Mercury.
“Tumahimik ka na muna dre. Hindi ‘to oras para magtalo tayo.”
Dahil ako lang ang nabigyan ng pisikal na kalakasan, nahirapan kaming patumbahin ang mga lobo. Bagamat ako’y mabilis, natatakot akong lumapit sa kanila dahil hindi ko alam kung ano ang pwede nilang gawin sa akin.
“Oy ano ng gagawin natin? Kanina pa natin sila tinatamaan pero parang hindi man lang sila nasasaktan,” nababalisang sabi ni Nads.
Umisip kami ng mas magandang paraan upang mapatay ang mga lobo kaya naman nag-isip ako ng magandang ideya.
“Dane, paano kaya kung lagyan mo ng apoy ‘yong palaso ni Nads?”
Sumang-ayon naman sila sa aking sinabi. Lumapit si Dane kay Nads upang subukang paapoyin ang palaso. Inilapat niya ang kanyang kamay at nag-isip ng malalim. Ipinokus niya ang kaniyang mahika sa palasong hawak ni Nads at ito’y himalang nag-apoy.
“Ayan gumana!” masayang sambit ni Dane
Nabatid namin na pwede din palang paghaluin ang mga mahika upang makagawa ng mas malakas na s*****a.
Itinutok ni Nads sa mga lobo ang pana.
Pagkatama ng palaso ay agad na kumalat sa katawan ng lobo ang apoy na naging sanhi ng tuluyan nitong pagkamatay.
“Dane, Set. Bilisan niyo kuhanin nyo na ulo nila habang hindi pa sila nagiging abo.”
Pagkarinig sa sinabi ni Nads, nagmadali silang tumakbo papalapit sa nag-aapoy na lobo. Nandidiri man, tiniis na lang nila ang hindi kaaya-ayang itsura nito.
“Ayos. May limang ulo na tayong nakukuha.”
Sa hindi inaasahan, isang malaking nilalang ang biglang tumalon mula sa ‘taas ng isang burol patungo sa amin. Dahil sa laki nito, naapakan niya ang ibang lobo. Nadurog ang mga ito na parang isang langgam. Umungol ito ng malakas at halos mabingi kami dahil dito.
“Anong nilalang ‘yan? Paano nakatalon ‘yan hanggang dito?” nangangambang tanong ni Jas.
Para itong isang malaking tigre ngunit may pakpak. Napaupo kami dahil sa sindak at ni isa sa amin ay walang makagawang tumayo. Natatakot kaming gumalaw dahil baka mapansin kami nito. Lalo kaming nanghilakbot ng iharap nito ang kanyang namumulang mga mata sa amin.
“Dito na ba tayo mamamatay?”
“Ayaw ko pa mamatay!”
“Tulong! Tulungan nyo kami parang awa nyo na gusto pa naming mabuhay.”
Ito ang mga salitang tumatakbo sa aming isipan. Nanginginig na kami sa sobrang takot. Kahit nais naming makaligtas, ang kakayahan kong tumupad ng kahilingan ay hindi pa rin gumagana. Nang mga oras na ‘yon, akala namin na ito na ang aming katapusan.
Tumayo si Mercury at hinataw ng malakas ang halimaw gamit ang kanyang martilyo.
“Ahhh!” sigaw niya. “Lumayo ka halimaw!”
Pero sinalag lang ito ng tigre at agad na hinawakan ang martilyo sabay inihagis ng malakas. Natangay si Mercury ng martilyo dahil sa lakas ng puwersa. Naging dahilan ito kaya nawalan siya ng malay.
“Mercury!”
Sigaw namin habang tumatakbo palayo sa halimaw. Tumungo agad si Jas sa kinaroroonan ni Mercury upang siya’y gamutin.
“Mercury gising.”
Dahil isa sa pangarap ni Jas na maging isang Med Student, madami siyang alam pagdating sa medesina at paraan ng panggagamot.
Itinapat niya ang kaniyang kamay sa sugat ni Mercury at umisip ng isang bendahe. Biglang isang umiilaw na bendahe ang lumabas.
“Sana sapat na ‘to. Please gamutin mo sugat ni Mercury.”
Mag-isa nitong binalot ang mga sugat ni Mercury. Ilang segundo lang ang lumipas ay agad itong gumaling pero hindi pa rin nagkakamalay si Mercury.
Patuloy pa rin kaming hinahabol ng halimaw habang pilit itong pinapana ni Nads.
“Kuhanin niyo lang atensyon ng halimaw. Susubukan ko siyang patamaan,” wika niya.
Tinamaan niya ang kanang mata ng halimaw na naging sanhi ng lalo nitong pagwawala. Iginalaw nito ang kaniyang mahabang buntot.
“Umiwas ka…” hindi na umabot ang sinasabi ni Set dahil agad nang inihampas ng halimaw sa kanila ang mahaba nitong buntot.
Lahat sila ay tumalsik papalayo imbis sa akin dahil nakahiwalay ako sa kanila. Nasaksihan ko kung paano nalagay sa matinding kapahamakan ang kanilang buhay. Panandalian silang hindi nakatayo dahil sa lakas ng pagkakatalsik nila.
Ako na lamang ang natitira.
Binabalot na ako ng takot at galit. Hindi ko na alam ang gagawin.
“Dane, Jas, Mercury, Set, Nads. Patawarin nyo ko kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari sainyo ‘to.”
Lumuluha akong umupo. Wala akong magawa dahil kahit ako’y nabiyayaan ng diyosa ng kalakasan at talento, nilalamon pa rin ako ng takot.
Isang itim na anino ang lumabas mula sa aking katawan. Tila ba sinasakop nito ang aking mga kamay. Nabalot ng itim na anino ang buo kong braso at patuloy pa rin itong gumagapang papunta sa buo kong katawan.
“Ano ‘to?! Aray ang sakit! Parang kinakain ‘yong braso ko.”
Pilit ko itong tinatanggal dahil sa tindi ng sakit. Sinakop nito ang buong itaas na parte ng aking katawan. Nawala ako sa sarili na para bang may ibang kumokontrol sa aking isipan.
“Ahhhhh!!”
Pilit akong sumisigaw pero wala nang boses ang lumalabas sa aking bibig.
Tumalim ang aking mga kuko at tumulis ang aking mga ngipin. Mahabang buntot ang biglang tumubo sa aking likuran. Nakikita ko lahat ang nangyayari pero hindi ko makontrol ang aking sarili.
Sa isang kisapmata, gumalaw mag-isa ang aking katawan at nagulat ako dahil nakatusok na sa aking kamay ang ulo ng halimaw na tigre. Nangyari ito sa loob lamang ng ilang segundo.
Agad itong binawian ng buhay kasabay ang aking pagbagsak sa lupa. Nawalan ako ng malay dahil sa pagod habang ang itim na anino ay bumalik na sa loob ng aking katawan. Naging normal na rin ang aking itsura.
Dahil sa matinding pagkalaspag ng aking katawan, wala ako gaanong maalala sa mga naganap ng sandaling ‘yon.
“Mac ayos ka lang ba? Mac gumising ka na kailangan na nating umalis dito.”
Nanghihinang boses ni Jas ang gumising sa aking diwa. Lahat sila ay nag-aantay na lang sa aking pagbangon. Dala-dala nila ang lahat ng ulo ng mga napaslang naming lobo. Nakakolekta kami ng labing limang ulo at isa na rito ang ulo ng halimaw na tigre.
Kinuha na rin namin ito dahil baka maaari namin itong maibenta sa malaking halaga. Dali-dali kaming lumabas ng gubat at dumeretso sa bayan ng Siana. Sa tarangkahan ng bayan muna kami nagpahinga. Ang lahat ng aming sugat ay ginamot na ni Jas kaya naman mapapansin na siya talaga ang sobrang napagod sa aming lahat.
“Ahh… akala ko mamamatay na tayo kanina,” sambit ni Dane habang nakadukmo sa kaniyang mga tuhod.
“Grabe hindi ko alam na ganito pala kahirap pumunta sa lugar na ‘yon. Parang hindi pa ata sapat yung kikitain natin sa pagbubuwis natin ng buhay sa pagpunta pa lang doon,”
Naiinis man, wala kaming magawa dahil kung gusto naming kumita ng malaki, kailangan muna naming paangatin ang aming mga karanasan. Ito lang din kasi ang misyon na maari naming makuha ng araw na iyon.
“Teka nga pala dre, ano nangyare sayo kanina? Ikaw ba talaga ‘yon? Nag-iba itsura mo, ano na naman nangyari sayo?”
Nagtataka nilang tanong sa akin. Ako mismo ay hindi ko maipaliwanag ang mga nangyari. Pero sigurado ako na dulot iyon ng itim na mahika.
Siguro nga’y ito ang tinutukoy ni Mang Serio na masamang epekto ng itim na mahika. Buti na lamang ay hindi ako tuluyang nasakop nito dahil kung hindi ay baka nasaktan ko na rin pati ang aking mga kaibigan.
Tumungo na kami sa pasilidad upang ipakita ang aming mga nakuhang ulo. Nagulat sila dahil sa dala naming ulo ng halimaw na tigre. Ang tigre na ito ay kilala sa tawag na Teghasus dahil sa taglay nitong pakpak.
“Paano ninyo nakuha ‘yan? Bago palang kayo dito ‘di ba? Pero nakatalo na agad kayo ng Teghasus?” nagtataka nilang tanong.
Hindi na lang kami umimik at kinuha na agad ang pera.
Nakatanggap kami ng 4 na ginto para sa 14 ulo ng mababangis na lobo at 100 ginto naman para sa ulo ng Teghasus. Sapat na ito upang mabuhay kami ng mahigit tatlong buwan sa bayan ng Siana.
“Jackpot pala tayo sa Teghasus na napatay ni Mac, akalain mo ‘yon 100 ginto para sa isang ulo lang. Kaso halos mamatay na rin tayo kanina.”
Pagkabanggit nito ni Set, biglang naalala ni Mercury ang mga naganap.
“Oo nga pala Mac, hindi mo pa pala sinabi kanina kung ano nangyare sayo. Isa din ba ‘yon sa kakayahang ibinigay sayo no’ng Diyosa?.
“Hindi ko alam. Pasensya na kung hindi ko kayo agad natulungan kanina. Pero sa palagay ko, dahil ‘yon sa itim na mahika na mayroon ako.”
Nagtataka man, hindi na ito gaanong pinansin nila Set kahit sila mismo ay natakot sa pagbabago ng aking anyo.
“Huwag na muna natin alalahanin ‘yon. Ang mahalaga ligtas tayo. Bukas nalang natin problemahin ‘yan pero sa ngayon magpahinga na muna tayo.”
Lahat kami ay pagod na pagod kaya dumeretso kaagad kami sa panuluyan ni Mang Serio at natulog.
Matinding sikat ng araw mula sa bintana ang bumungad sa aking umaga.“Teka anong oras na ba?” tanong ko sabay tumingin sa aking mga kaibigan.“Maaraw na pero tulog pa rin sila. Mamaya ko na nga lang sila gigisingin. Bababa muna ako sa kusina para tulungan sila Aling Marita.”Lahat sila ay mahimbing pang natutulog samantalang ako ay bumaba na sa kusina upang tumulong sa pag-aayos ng makakain.“Magandang umaga po Mang Serio at Aling Marita.”Sumunod na bumangon si Mercury nang mapansin niyang wala na ako sa kama.“Mac nasa baba ka na ba?” ani niya habang nakadungaw sa pinto ng kwarto.“Oo dre. Pumunta ka na rin dito para matulungan mo kami,” tugon ko sa kaniya kaya naghanda na siya para makababa.Pahikabhikab itong naglakad sa hagdan.“Haayyy. Inaantok pa rin ako dre sobrang nakakapagod kahapon.”Habang nagkekwentuhan, napahinto kami ng ma
Maraming tao ang nagtipon-tipon sa gitna ng plaza. Nais nilang manood sa mga nagtatanghal ng mahika. May isang lalaking nakasuot ng magarbong damit ang biglang nagpakilala sa gitna. “Kamusta mga tao dito sa Siana? Ako nga pala si Steban. Ngayong gabi ay hahanap kami ng mga magboboluntaryong sumali sa aming paligsahan. Huwag kayong mag-alala, maganda ang aming ipapamigay na premyo. Ang kailangan nyo lang gawin ay ihanda ang inyong mga sarili at mahika dahil ang kompetisyon na ito ay palakasan at pagalingan.” “Sino may gusto sumali sa inyo? Ako sasali ako kayo ba?” Pagkatanong ko nito, hindi na sila nagdalawang-isip pang sumali. “Sige. Sali na rin kami mukhang maganda naman ‘yong premyo eh,” tugon ni Set. Dagdag pa ng lalaki na nagngangalang Steban, “Mamimigay ako ng iskolarsip para sa isang mamahaling paaralan sa masuswerteng tao na mananalo sa paligsahan.” Ang paaralan na tinutukoy niya ay tinatawag na Akademya ng mga B
Maraming kabayo ang dumaan sa aming harapan. Sakay nito ang alkalde ng Siana na si Mang Crispin. Kasama niya ang ilan sa kaniyang mga tauhan upang tumungo sa Kapitlyo ng Leonardo.“Bilisan niyo! Kailangan nating makarating kaagad sa kapitolyo para makahingi ng tulong.”Nakahinga kami ng maluwag dahil ilang sandali na lang ay maari nang dumating ang tulong mula sa kapitolyo.Nang makarating sa kapitolyo, isang umuugong na tunog mula sa tambuli ang sumalubong kila Mang Crispin.“Ibukas ang tarankahan! Nandito ang alkalde ng Siana,” sigaw ng isa sa guwardiya ng Hermosa, ang kapitolyo ng Leonardo.Tumungo agad sila Mang Crispin sa kastilyo ni Haring Timoteo, ang hari ng Leonardo.“Anong kailangan niyo at pumunta kayo rito ng ganitong oras sa aking kastilyo?” tanong ng hari.Lumuhod si Mang Crispin at ipinaliwanag ang nangyayaring pagsalakay sa bayan ng Siana.“Sinasalakay po ang Siana ng is
Sumakit bigla ang aming ulo. Isang tinig ang aming narinig mula sa aming isipan. Boses ito ng Diyosa na si Anna. May nais itong sabihin ngunit limitado lang ang oras na pwede namin siyang makausap. “Naririnig niyo na ba ako?” tanong nito. Tumugon naman kami kaagad. “Opo. Kayo na po ba yan Diyosa?” “Sawakas! Pasensya na kung medyo natagalan. Isa kasi sa Opisyal ni Luosito ang sumalakay sa aking palasyo. Sa dami ng kaniyang mandirigma na ipinadala, natagalan ang aking mga tauhan na talunin ang mga ito. Buti na lamang ay tuluyan na silang umatras.” Tumayo si Nads at hinanap kung saan nagmumula ang boses. Nagagalit pa rin ito sa Diyosa dahil sa biglaang pagkuha nito sa amin. “Paano kami makakabalik sa mundo namin? Ayaw naming mamamtay dito. Ibalik mo na kami!” “Sandali. Hayaan mo muna akong magpaliwanag.” Habang nagsasalita ang Diyosa, naghanap kami nang maari naming mapagtaguang bahay. Baka kasi madamay pa kami sa gerang n
Mula sa itaas ng malaking bahay, isang umiilaw na espada ang sumilaw sa aming paningin. Bitbit ito ng isang lalaki na may malaking pangangatawan. Tumalon ito mula sa itaas at itinusok sa lupa ang espada. Nagdulot ito nang malakas na puwersa na nagpatalsik sa mga salamangkero.Ito pala ay ang Heneral na si Heneral Cleo. Hindi kami kilala ng Heneral, pero alam niya na hindi kami kaaway. Nakita kasi niya na iniligtas namin ang pamilyang hinahabol ng mga salamangkero.Itinaas muli nito ang espada bago bumulong ng isang salamangka. Umapoy ang dulo ng espada at mala-dragong apoy ang biglang lumabas. Nilamon nito ang mga salamangkero hanggang sa abo na lang ang natira sa mga ito.“May nasaktan ba sainyo?” tanong ng Heneral.“Wala naman po,” tumugon kami at dali-daling inilabas nila Jas sa bayan ang pamilyang aming iniligtas. Naiwan ako sa tabi ng Heneral para maghanap pa ng taong nangangailangan nang tulong.Sinubukan akong p
Ang nagwawalang kalangitan ay unti-unti nang kumakalma. Humihina na rin ang matinding buhos ng ulan. Mabagal ngunit mabibigat ang aking mga hakbang. Sa bawat yabag ay madadama ang matinding galit na bumabalot sa aking katawan. Pinilit kong lumapit sa kinaroroon ni Pikasyo, kahit alam ko na sobrang delikado ng aking gagawin. Nang mga sandaling ito, hindi ko na alam kung ano ang tama sa mali. Sa ‘di kalayuan, napansin ako ni Luosito habang ito’y nagmamasid pa rin sa mga ulap. Nabaling ang interes nito sa akin. “Interesante, napaka-interesante. Nais kong makita kung ano ang magagawa ng batang ito. Nararamdaman ko na isang magandang eksena ang maari kong masaksihan ngayon.” Inipon ko sa aking binti ang buo kong lakas sabay inihanda ang aking mga kamao. Tatangkain ko sanang atakihin si Pikasyo. Bagama’t alam ko na wal
Pagkayaring magbago ng aking anyo, pagewang-gewang akong naglakad papunta kay Pikasyo. Pilit nya akong inilalayo gamit ang kanyang mahika. Pero kahit gaano karaming salamangka ang kanyang bitawan, nilalamon lang ito ng awrang nakapalibot sa akin. “Bakit mayroon kang itim na mahika? Hindi ba’t ang mga tauhan lang ni Lusiper ang mayroong niyan? Paanong nagkaroon nito ang isang normal na taong tulad mo?” natatarantang tanong nito. Misteryo pa rin para sa amin kung ano ang itim na mahika at kung para saan ba talaga ito. Sa mundo ng Aragona, kakaunting tao lang ang tunay na nakakaalam sa pinagmulan ng itim na mahika. Hindi tumigil si Pikasyo sa pag-atake sa pag-asang matataboy niya ako. Nagamit na n’ya ang kalahating porsyento ng kaniyang lakas. Pero hindi niya pa rin ako nagagawang galusan. Mas lalo pa itong natarant
Pahigpit nang pahigpit at pasakit nang pasakit ang pagkapit ng itim na anino sa aking katawan. Para bang kinakain nito ang aking balat. Napapasigaw na lang ako sa sobrang hapdi. Subalit walang ibang tao ang nakakarinig sa akin. Dahil sa pagpapatuloy nito, hindi ko na magawang manatili pang gising. Ito ang dahilan kaya muli akong nawalan ng malay. Kasabay nito ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa. Muli akong napunta sa isang madilim na kwarto. Walang ilaw, walang hangin at walang kahit ano mang tunog. Habang nag-iisa, matinding liwanag ang biglang sumibol sa madilim na kwarto. Dinala ako nito sa isang panaginip. Napakagandang panaginip kung saan hindi mo na nanaisin pang gumising. Nagtaka sila dahil biglaan na naman akong humandusay sa sahig. “Maaa...” muntikan nang su
Dumaan pa ang ilang araw at dumating na rin ang pasukan. Sabay-sabay kaming nag-ayos ng aming mga gamit bago tuluyang lumabas upang hintayin si Heneral Cleo subalit ako'y naiwan sa loob. "Oy Mac bilisan mo! Ano bang ginagawa mo bakit hindi ka pa lumalabas?" pasigaw na sambit ni Mercury. Nang mga sandaling ito ay iniisip ko kung saan ko maaring ilagay ang itim na grimoire. Hindi ko pa alam kung may ibang taong may kakayahang makita ito kaya't mas mainam na ang maging maingat. Dahil nagmamadali na ang aking mga kasama, napagdesisyunan ko na lang na ilagay ito sa aking bag. Lumabas ako at sumama na sa kanila at sakto namang paparating na si Heneral Cleo. Sumakay kami sa kaniyang karuwahe at tumungo na sa Akademya ng mga Batang Salamangkero. Hindi pa namin alam kung ano ang maaring mangyari sa amin sa loob ng paaralan. Hindi pa namin batid kung anong pagsubok ang naghihintay sa aming magkakaibigan. Ngunit sigurado kami na kahit anong problema, basta't kami'y magkakasama, tiyak na kaya
Sa loob ng opesina ni Mang Steban, kaming magkakaibigan ay magkakasamang nakaupo sa isang sopa. “Mang Steban, bakit niyo po kami pinapunta dito?” tanong ni Dane. Lumapit kay Mang Steban ang kaniyang sekretarya at may iniabot itong maliit na lalagyan. Ito’y naglalaman ng anim na singsing na may magkakaparehong wangis. Nagtaka kami nang bigla itong inilabas at iniabot sa amin isa-isa. “Ang mga singsing na ito ay may bolang kristal sa gitna. Kaya nitong itago ang mahika ng isang tao. Pwede nyo rin iyan pag-imbakan ng mahika, para may magagamit kayo kung sakali mang maubusan kayo. Pwede nyo rin iyan gamitin para itago ang buong potensyal ng inyong mahika,” pahayag ni Mang Steban. “Itsura pa lang parang ang mahal na. Bakit niyo po ito ibinibigay sa amin?” tanong ko kay Mang Steban. “Matapos ang ikatlong pagsusulit ay napagtanto ko na hindi talaga kayo normal na mga bata. Ang potensyal nyo ay masyadong mataas at maaari iyang magdulot ng matinding kaguluhan hindi lamang dito sa ating lug
Alas-tres ng hapon pagkarating namin sa paaralan, “Oh, andiyan na pala kayo,” salubong na bati sa amin ni Mang Steban. “Kamusta ka na Mac? Pasensya ka na nga pala sa nangyari kahapon.” “Ayos lang po iyon Mang Steban. Hindi naman po ako nagtamo ng matinding pinsala at mabilis naman po akong gumaling,” tugon ko naman sa kaniya. Napangiti ito at sinamahan na kami papunta kung saan isasagawa ang ikatlong pagsusulit. “Saan po gaganapin yung ikatlong pagsusulit?” tanong ni Mercury. Ipinaliwanag sa amin ni Mang Steban ang tungkol sa ikatlong pagsusulit habang kami ay naglalakad, “Ang ikatlong pagsusulit kung saan tatantsahin ang inyong mahika ay gaganapin sa nakahiwalay na gusali kung saan ginanap ang una at ikalawang pagsusulit. Dito ay gagamit ang eksaminer ng isang malaking bato ng mahika. Siguro naman ay nakagamit na kayo ng bato ng mahika para malaman kung anong klaseng mahika ang mayroon kayo. Pero ang bato ng mahika namin dito sa paaralan ay mas malaki at mas matibay kaya naman
Tanghaling tapat habang tirik na tirik ang araw, "Handa ka na ba?" tanong ni Doktor Antonio kay Nads. "Opo. Siya nga po pala, paano ko nga po pala babayaran si Doktor Gazebo?" pabalik na tanong ni Nads. "Ahh, wag ka mag-alala. Ang may-ari na raw ng paaralan ang bahala sa gastusin mo," tugon ni Doktor Antonio. "Ganoon po ba? Pagkatapos po pala nito ay kailangan kong magpasalamat kay Mang Steban," sambit ni Nads. Ngumiti si Doktor Antonio sa sinabi ni Nads bago sila tuluyang tumungo kay Doktor Gazebo. Tatlong beses na kumatok si Doktor Antonio sa pinto ng opesina ni Doktor Gazebo, at tulad kahapon ay bumukas agad ito. Pumasok sa loob sila Nads at kanilang naabutang nag-aayos ng gamit si Doktor Gazebo. Makikita ang mga halamang gamot na may kakaibang itsura na nakalagay sa isang mesa. "Ano pong halamang gamot ang mga iyan?" pagtataka ni Nads. "Ahh ito? Ayan ang gagamitin ko mamaya para gamutin ka," wika ni Doktor Gazebo. "Halika dito, humiga ka na at magpahinga bago natin simula
Habang kami ay sumasailalim sa ikalawang pagsusulit, si Nads ay naiwan sa loob ng klinika ng paaralan. Binabantayan ng doktor ang lagay ng kaniyang puso upang malaman kung maari pa ba itong magamot. “Kailan nagsimula ang sakit mo sa puso?” tanong ng doktor. “Noong bata pa po ako. Tatlong taon pa lang ata ako noon tapos sabi ng doktor na tumingin sa akin mayroon daw akong singaw sa puso,” tugon ni Nads. “Saan kang doktor nagpatingin?” nagtatakang tanong ng doktor. “Hindi ba’t nanggaling kayo ng mga kaibigan mo sa malayong bayan? Sa pagkakaalam ko, dito lang sa Hermosa na kapitolyo ng Leonardo mayroong doktor na kayang sumuri ng mga sakit sa puso,” nagtatakang wika ng doktor. Hindi namin alam na sobrang konti pa lang pala ng doktor dito sa mundo ng Aragona. Dahil hindi pa gaanong maunlad ang kanilang teknolohiya sa panggagamot, ang mga doktor dito ay karaniwang umaasa sa paggamit ng mahika sa panggagamot. Kaya naman kapag ang isang tao rito ay may puting mahika, kadalasan ay nagigin
“Ano ang magagawa ng isang batang may taglay na kakaibang lakas, pero walang sapat na karanasan sa pakikipaglaban?” “Saan aabot ang kaniyang kahibangan?” Ito ang mga katanungan na pilit na gumugulo sa aking isipan. Habang ako ay papalapit ng papalapit sa bilog, hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang aking mga naging desisyon. “Dahil nandito na rin naman na ako, kailangan ko na itong panindigan. May pangako pa akong kailangang tuparin, unang hakbang pa lang ito para sa amin,” bulong ko sa aking isipan upang aking mabigyan ng lakas ang aking kalooban. “Siguro wala ka talagang plano na sabihin sa akin kung anong ginawa mo para makapasa silang lahat sa pagsusulit na ‘to. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para malaman ko kung anong ginawa mo,” pagbabanta ni Steban. Hindi naman namin siya kaaway, pero hindi pa rin talaga kami sobrang tiwala sa kaniya. Sa mundong ito kung saan maituturing kaming isang dayuhan, ang magtiwala sa mga taong naninirahan dito ay sobrang mahirap
Sa mga eksaminer na magsasagawa sa amin ng pagsusulit, si Tyra talaga ang pinakamahusay sa kanilang lahat. Kaya naman siya ang inutusan ni Steban na sumukat sa pisikal na lakas ng aking mga kaibigan na lalaki. Subalit hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit hindi ako kasama sa unang sumalang. Bagamat gano’n, hindi ko na lamang ito pinansin at itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagsuporta sa aking mga kaibigan. “Mga babae na ang sasalang pero bakit ikaw Mac hindi ka namin kasunod?” tanong ni Mercury. “Hindi rin ako sigurado, pero siguro si Steban ang nagplano nito,” tugon ko sa kaniya. Umalis na sa gitna si Tyra upang magpahinga samantalang pinalitan naman siya ng isa pang babaeng eksaminer. Lahat ng eksaminer na nandoon ay babae maliban kay Steban.
Kaming magkakaibigan ay nagmula sa mundo kung saan hindi laganap ang gera. Mapayapang namumuhay ang mga tao at ang teknolohiya ay patuloy na umuunlad kasabay ang ekonomiya. Simula ng mapunta kami sa mundo ng Aragona, hindi namin alam noong una kung paano kami makikiangkop sa kakaibang sistema ng mundong ito. Dahil sa aking makasariling desisyon, nadamay ko ang aking mga kaibigan kahit dapat ako lamang ang mapupunto sa mundong ito. Hanggang sa ngayon, ito ang nilalaman ng aking isipan. Kailangan ko silang maibalik sa aming mundo kahit Diyos pa ang pumigil sa akin at humarang sa aming kapalaran. Lumapit silang lahat kaya sinimulan ko nang ipikit ang aking mata at pinakinggan ang kanilang hiling. Hindi ko maramdaman ang mainit na pakiramdam na lumalabas sa akin sa tuwing tumutupad ako ng kahilingan. “Mac, ayaw ba gumana?” tanong ni Mercury. “Ayaw ata eh pre. Sa tuwing gumagana kasi ito may nararamdaman akong parang mainit na pakiramdam. Pero ngayon wala akong maramdaman,” wika ko sa
Dali-daling nilapitan si Edwin ng kaniyang mga kaibigan at dinala sa klinika ng paaralan. Nagulat ang doktor sa klinika sa linis ng ginawa kong pagpapatulog kay Edwin. Hindi siya nagtamo ng malalang pinsala na tila ba walang nangyari sa kaniya. Sa kabilang banda ay dinala kami ni Steban sa kaniyang opesina at dito kami kinausap. Bagamat namangha siya sa nakita ay hindi niya ito pwedeng ipahalata. Bilang punong-guro ng paaralan ay kailangan niyang maging patas. “Heneral Cleo. Ikaw ang gagawin kong tagapag-alaga nila kaya lahat ng gagawin nila rito ay ikaw ang mananagot. Ayos lang ba ‘yon sayo?” tanong ni Steban. Tumingin ito sa amin. Akala namin ay magagalit ito pero sa halip ay natuwa pa ito at malugod na tinanggap ang sinabi ni Steban.