Home / Fantasy / Lost in the world named Aragona / CHAPTER 10: PAGSIBOL NG GERA

Share

CHAPTER 10: PAGSIBOL NG GERA

Author: Marx Salas
last update Huling Na-update: 2021-10-06 16:19:07

Maraming kabayo ang dumaan sa aming harapan. Sakay nito ang alkalde ng Siana na si Mang Crispin. Kasama niya ang ilan sa kaniyang mga tauhan upang tumungo sa Kapitlyo ng Leonardo.

“Bilisan niyo! Kailangan nating makarating kaagad sa kapitolyo para makahingi ng tulong.”

Nakahinga kami ng maluwag dahil ilang sandali na lang ay maari nang dumating ang tulong mula sa kapitolyo.

Nang makarating sa kapitolyo, isang umuugong na tunog mula sa tambuli ang sumalubong kila Mang Crispin.

“Ibukas ang tarankahan! Nandito ang alkalde ng Siana,” sigaw ng isa sa guwardiya ng Hermosa, ang kapitolyo ng Leonardo.

Tumungo agad sila Mang Crispin sa kastilyo ni Haring Timoteo, ang hari ng Leonardo.

“Anong kailangan niyo at pumunta kayo rito ng ganitong oras sa aking kastilyo?” tanong ng hari.

Lumuhod si Mang Crispin at ipinaliwanag ang nangyayaring pagsalakay sa bayan ng Siana.

“Sinasalakay po ang Siana ng is

Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 11: HINDI IMBITADONG TAUHAN

    Sumakit bigla ang aming ulo. Isang tinig ang aming narinig mula sa aming isipan. Boses ito ng Diyosa na si Anna. May nais itong sabihin ngunit limitado lang ang oras na pwede namin siyang makausap. “Naririnig niyo na ba ako?” tanong nito. Tumugon naman kami kaagad. “Opo. Kayo na po ba yan Diyosa?” “Sawakas! Pasensya na kung medyo natagalan. Isa kasi sa Opisyal ni Luosito ang sumalakay sa aking palasyo. Sa dami ng kaniyang mandirigma na ipinadala, natagalan ang aking mga tauhan na talunin ang mga ito. Buti na lamang ay tuluyan na silang umatras.” Tumayo si Nads at hinanap kung saan nagmumula ang boses. Nagagalit pa rin ito sa Diyosa dahil sa biglaang pagkuha nito sa amin. “Paano kami makakabalik sa mundo namin? Ayaw naming mamamtay dito. Ibalik mo na kami!” “Sandali. Hayaan mo muna akong magpaliwanag.” Habang nagsasalita ang Diyosa, naghanap kami nang maari naming mapagtaguang bahay. Baka kasi madamay pa kami sa gerang n

    Huling Na-update : 2021-10-06
  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 12: PAGPAPAHIRAP

    Mula sa itaas ng malaking bahay, isang umiilaw na espada ang sumilaw sa aming paningin. Bitbit ito ng isang lalaki na may malaking pangangatawan. Tumalon ito mula sa itaas at itinusok sa lupa ang espada. Nagdulot ito nang malakas na puwersa na nagpatalsik sa mga salamangkero.Ito pala ay ang Heneral na si Heneral Cleo. Hindi kami kilala ng Heneral, pero alam niya na hindi kami kaaway. Nakita kasi niya na iniligtas namin ang pamilyang hinahabol ng mga salamangkero.Itinaas muli nito ang espada bago bumulong ng isang salamangka. Umapoy ang dulo ng espada at mala-dragong apoy ang biglang lumabas. Nilamon nito ang mga salamangkero hanggang sa abo na lang ang natira sa mga ito.“May nasaktan ba sainyo?” tanong ng Heneral.“Wala naman po,” tumugon kami at dali-daling inilabas nila Jas sa bayan ang pamilyang aming iniligtas. Naiwan ako sa tabi ng Heneral para maghanap pa ng taong nangangailangan nang tulong.Sinubukan akong p

    Huling Na-update : 2021-11-26
  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 13: PAGKALUGMOK

    Ang nagwawalang kalangitan ay unti-unti nang kumakalma. Humihina na rin ang matinding buhos ng ulan. Mabagal ngunit mabibigat ang aking mga hakbang. Sa bawat yabag ay madadama ang matinding galit na bumabalot sa aking katawan. Pinilit kong lumapit sa kinaroroon ni Pikasyo, kahit alam ko na sobrang delikado ng aking gagawin. Nang mga sandaling ito, hindi ko na alam kung ano ang tama sa mali. Sa ‘di kalayuan, napansin ako ni Luosito habang ito’y nagmamasid pa rin sa mga ulap. Nabaling ang interes nito sa akin. “Interesante, napaka-interesante. Nais kong makita kung ano ang magagawa ng batang ito. Nararamdaman ko na isang magandang eksena ang maari kong masaksihan ngayon.” Inipon ko sa aking binti ang buo kong lakas sabay inihanda ang aking mga kamao. Tatangkain ko sanang atakihin si Pikasyo. Bagama’t alam ko na wal

    Huling Na-update : 2021-11-29
  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 14: PAGKAWALA SA SARILI

    Pagkayaring magbago ng aking anyo, pagewang-gewang akong naglakad papunta kay Pikasyo. Pilit nya akong inilalayo gamit ang kanyang mahika. Pero kahit gaano karaming salamangka ang kanyang bitawan, nilalamon lang ito ng awrang nakapalibot sa akin. “Bakit mayroon kang itim na mahika? Hindi ba’t ang mga tauhan lang ni Lusiper ang mayroong niyan? Paanong nagkaroon nito ang isang normal na taong tulad mo?” natatarantang tanong nito. Misteryo pa rin para sa amin kung ano ang itim na mahika at kung para saan ba talaga ito. Sa mundo ng Aragona, kakaunting tao lang ang tunay na nakakaalam sa pinagmulan ng itim na mahika. Hindi tumigil si Pikasyo sa pag-atake sa pag-asang matataboy niya ako. Nagamit na n’ya ang kalahating porsyento ng kaniyang lakas. Pero hindi niya pa rin ako nagagawang galusan. Mas lalo pa itong natarant

    Huling Na-update : 2021-11-29
  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 15: PAG-ASA

    Pahigpit nang pahigpit at pasakit nang pasakit ang pagkapit ng itim na anino sa aking katawan. Para bang kinakain nito ang aking balat. Napapasigaw na lang ako sa sobrang hapdi. Subalit walang ibang tao ang nakakarinig sa akin. Dahil sa pagpapatuloy nito, hindi ko na magawang manatili pang gising. Ito ang dahilan kaya muli akong nawalan ng malay. Kasabay nito ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa. Muli akong napunta sa isang madilim na kwarto. Walang ilaw, walang hangin at walang kahit ano mang tunog. Habang nag-iisa, matinding liwanag ang biglang sumibol sa madilim na kwarto. Dinala ako nito sa isang panaginip. Napakagandang panaginip kung saan hindi mo na nanaisin pang gumising. Nagtaka sila dahil biglaan na naman akong humandusay sa sahig. “Maaa...” muntikan nang su

    Huling Na-update : 2021-12-06
  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 16: PAGSAKOP

    “Weh? Hindi nga? Eh kung Diyos ka bakit ka nandito?” nagtatakang tanong ng aking mga kaibigan. Hindi pa rin sila makapaniwala na Diyos ang kanilang kausap.“Nagpapahinga ako sa aking palasyo pero narinig ko na nagkakaroon daw ng kaguluhan dito sa Siana. Kaya pumunta ako rito para tignan ito. Kayo ba? Bakit kayo nandito sa gubat?” pabalik na tanong ni Seraphil.“Oo nagkakaroon ng kagulahan doon sa bayan kaya nga kami nandito para magtago. Kaso naiwan ‘yong isa naming kaibigan doon. Kaya gumagawa kami ng plano ngayon kung paano namin sya makukuha,” sambit ni Mercury.“Ikaw ba? Kung doon ang pakay mo sa bayan, bakit ka nandito sa gubat?” tanong ni Set.“Bumaba muna ako dito sa gubat dahil may nakita ako na ayaw kon

    Huling Na-update : 2021-12-11
  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 17: DESISYON

    Sa pag-angat ko ng aking itim na espada, daglian ding inihanda ni Pikasyo ang kaniyang sarili upang dumepensa. "Heneral Cleo! Alam ko na ikaw si Heneral Cleo. Matagal na kitang kilala dahil kalat ang pangalan mo sa napakaraming lugar. Sa tingin mo, sino ang tunay na kaaway sa aming dalawa?" tanong ni Pikasyo. "Tumigil ka Pikasyo! Hindi mo ko malilinlang. Parehas lang kayong kaaway," tugon ni Heneral Cleo. Habang nag-uusap ang dalawa, muli akong lumipad ng napakabilis at sinubukan kong atakihin si Pikasyo. Sa sobrang bilis ay hindi ito napansin ni Pikasyo, ngunit nakakabiglang pangyayari ang biglang naganap. Halos dumikit na ang dulo ng aking espada sa leeg ni Pikasyo pero sinalag ito ni Heneral Cleo. Gamit ang buo

    Huling Na-update : 2021-12-18
  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 18: MALING PANAGINIP

    "Mac!! Bumangon ka ng bata ka anong oras na," pambungad na sigaw ni mama. Kilala siya sa lugar namin bilang Bot subalit Lory Salas talaga ang tunay niyang pangalan."Opo! Teka lang," nagmamadaling tugon ko naman sa kaniya.Pasukan sa paaralan namin ng araw na iyon kaya't maaga akong ginising ni mama.Pagkabangon mula sa kama, agad akong dumeretso sa banyo. Binuksan ko ang gripo sabay idinampi ang kamay sa malamig na tubig."Grrr. Ang lamiiiiiggg!!" bulong ko sa sarili. Kahit malamig ang tubig, tiniis ko na lamang ito upang mabilis akong matapos sa paliligo."Maacc!!" muling sigaw ni mama."Ano ba ma? Eto na nga 'di ba? Eto na!" naiinis kong tugon sa kaniya.

    Huling Na-update : 2022-01-11

Pinakabagong kabanata

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 33: PASUKAN

    Dumaan pa ang ilang araw at dumating na rin ang pasukan. Sabay-sabay kaming nag-ayos ng aming mga gamit bago tuluyang lumabas upang hintayin si Heneral Cleo subalit ako'y naiwan sa loob. "Oy Mac bilisan mo! Ano bang ginagawa mo bakit hindi ka pa lumalabas?" pasigaw na sambit ni Mercury. Nang mga sandaling ito ay iniisip ko kung saan ko maaring ilagay ang itim na grimoire. Hindi ko pa alam kung may ibang taong may kakayahang makita ito kaya't mas mainam na ang maging maingat. Dahil nagmamadali na ang aking mga kasama, napagdesisyunan ko na lang na ilagay ito sa aking bag. Lumabas ako at sumama na sa kanila at sakto namang paparating na si Heneral Cleo. Sumakay kami sa kaniyang karuwahe at tumungo na sa Akademya ng mga Batang Salamangkero. Hindi pa namin alam kung ano ang maaring mangyari sa amin sa loob ng paaralan. Hindi pa namin batid kung anong pagsubok ang naghihintay sa aming magkakaibigan. Ngunit sigurado kami na kahit anong problema, basta't kami'y magkakasama, tiyak na kaya

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 32: PAGHAHANDA

    Sa loob ng opesina ni Mang Steban, kaming magkakaibigan ay magkakasamang nakaupo sa isang sopa. “Mang Steban, bakit niyo po kami pinapunta dito?” tanong ni Dane. Lumapit kay Mang Steban ang kaniyang sekretarya at may iniabot itong maliit na lalagyan. Ito’y naglalaman ng anim na singsing na may magkakaparehong wangis. Nagtaka kami nang bigla itong inilabas at iniabot sa amin isa-isa. “Ang mga singsing na ito ay may bolang kristal sa gitna. Kaya nitong itago ang mahika ng isang tao. Pwede nyo rin iyan pag-imbakan ng mahika, para may magagamit kayo kung sakali mang maubusan kayo. Pwede nyo rin iyan gamitin para itago ang buong potensyal ng inyong mahika,” pahayag ni Mang Steban. “Itsura pa lang parang ang mahal na. Bakit niyo po ito ibinibigay sa amin?” tanong ko kay Mang Steban. “Matapos ang ikatlong pagsusulit ay napagtanto ko na hindi talaga kayo normal na mga bata. Ang potensyal nyo ay masyadong mataas at maaari iyang magdulot ng matinding kaguluhan hindi lamang dito sa ating lug

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 31: IKATLONG PAGSUSULIT

    Alas-tres ng hapon pagkarating namin sa paaralan, “Oh, andiyan na pala kayo,” salubong na bati sa amin ni Mang Steban. “Kamusta ka na Mac? Pasensya ka na nga pala sa nangyari kahapon.” “Ayos lang po iyon Mang Steban. Hindi naman po ako nagtamo ng matinding pinsala at mabilis naman po akong gumaling,” tugon ko naman sa kaniya. Napangiti ito at sinamahan na kami papunta kung saan isasagawa ang ikatlong pagsusulit. “Saan po gaganapin yung ikatlong pagsusulit?” tanong ni Mercury. Ipinaliwanag sa amin ni Mang Steban ang tungkol sa ikatlong pagsusulit habang kami ay naglalakad, “Ang ikatlong pagsusulit kung saan tatantsahin ang inyong mahika ay gaganapin sa nakahiwalay na gusali kung saan ginanap ang una at ikalawang pagsusulit. Dito ay gagamit ang eksaminer ng isang malaking bato ng mahika. Siguro naman ay nakagamit na kayo ng bato ng mahika para malaman kung anong klaseng mahika ang mayroon kayo. Pero ang bato ng mahika namin dito sa paaralan ay mas malaki at mas matibay kaya naman

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 30: PAGKAKAAYOS

    Tanghaling tapat habang tirik na tirik ang araw, "Handa ka na ba?" tanong ni Doktor Antonio kay Nads. "Opo. Siya nga po pala, paano ko nga po pala babayaran si Doktor Gazebo?" pabalik na tanong ni Nads. "Ahh, wag ka mag-alala. Ang may-ari na raw ng paaralan ang bahala sa gastusin mo," tugon ni Doktor Antonio. "Ganoon po ba? Pagkatapos po pala nito ay kailangan kong magpasalamat kay Mang Steban," sambit ni Nads. Ngumiti si Doktor Antonio sa sinabi ni Nads bago sila tuluyang tumungo kay Doktor Gazebo. Tatlong beses na kumatok si Doktor Antonio sa pinto ng opesina ni Doktor Gazebo, at tulad kahapon ay bumukas agad ito. Pumasok sa loob sila Nads at kanilang naabutang nag-aayos ng gamit si Doktor Gazebo. Makikita ang mga halamang gamot na may kakaibang itsura na nakalagay sa isang mesa. "Ano pong halamang gamot ang mga iyan?" pagtataka ni Nads. "Ahh ito? Ayan ang gagamitin ko mamaya para gamutin ka," wika ni Doktor Gazebo. "Halika dito, humiga ka na at magpahinga bago natin simula

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 29: PAGGALING

    Habang kami ay sumasailalim sa ikalawang pagsusulit, si Nads ay naiwan sa loob ng klinika ng paaralan. Binabantayan ng doktor ang lagay ng kaniyang puso upang malaman kung maari pa ba itong magamot. “Kailan nagsimula ang sakit mo sa puso?” tanong ng doktor. “Noong bata pa po ako. Tatlong taon pa lang ata ako noon tapos sabi ng doktor na tumingin sa akin mayroon daw akong singaw sa puso,” tugon ni Nads. “Saan kang doktor nagpatingin?” nagtatakang tanong ng doktor. “Hindi ba’t nanggaling kayo ng mga kaibigan mo sa malayong bayan? Sa pagkakaalam ko, dito lang sa Hermosa na kapitolyo ng Leonardo mayroong doktor na kayang sumuri ng mga sakit sa puso,” nagtatakang wika ng doktor. Hindi namin alam na sobrang konti pa lang pala ng doktor dito sa mundo ng Aragona. Dahil hindi pa gaanong maunlad ang kanilang teknolohiya sa panggagamot, ang mga doktor dito ay karaniwang umaasa sa paggamit ng mahika sa panggagamot. Kaya naman kapag ang isang tao rito ay may puting mahika, kadalasan ay nagigin

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 28: MUNTIKANG PAGBABALIK

    “Ano ang magagawa ng isang batang may taglay na kakaibang lakas, pero walang sapat na karanasan sa pakikipaglaban?” “Saan aabot ang kaniyang kahibangan?” Ito ang mga katanungan na pilit na gumugulo sa aking isipan. Habang ako ay papalapit ng papalapit sa bilog, hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang aking mga naging desisyon. “Dahil nandito na rin naman na ako, kailangan ko na itong panindigan. May pangako pa akong kailangang tuparin, unang hakbang pa lang ito para sa amin,” bulong ko sa aking isipan upang aking mabigyan ng lakas ang aking kalooban. “Siguro wala ka talagang plano na sabihin sa akin kung anong ginawa mo para makapasa silang lahat sa pagsusulit na ‘to. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para malaman ko kung anong ginawa mo,” pagbabanta ni Steban. Hindi naman namin siya kaaway, pero hindi pa rin talaga kami sobrang tiwala sa kaniya. Sa mundong ito kung saan maituturing kaming isang dayuhan, ang magtiwala sa mga taong naninirahan dito ay sobrang mahirap

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 27: TAGLAY NA LAKAS

    Sa mga eksaminer na magsasagawa sa amin ng pagsusulit, si Tyra talaga ang pinakamahusay sa kanilang lahat. Kaya naman siya ang inutusan ni Steban na sumukat sa pisikal na lakas ng aking mga kaibigan na lalaki. Subalit hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit hindi ako kasama sa unang sumalang. Bagamat gano’n, hindi ko na lamang ito pinansin at itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagsuporta sa aking mga kaibigan. “Mga babae na ang sasalang pero bakit ikaw Mac hindi ka namin kasunod?” tanong ni Mercury. “Hindi rin ako sigurado, pero siguro si Steban ang nagplano nito,” tugon ko sa kaniya. Umalis na sa gitna si Tyra upang magpahinga samantalang pinalitan naman siya ng isa pang babaeng eksaminer. Lahat ng eksaminer na nandoon ay babae maliban kay Steban.

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 26: IKALAWANG PAGSUSULIT

    Kaming magkakaibigan ay nagmula sa mundo kung saan hindi laganap ang gera. Mapayapang namumuhay ang mga tao at ang teknolohiya ay patuloy na umuunlad kasabay ang ekonomiya. Simula ng mapunta kami sa mundo ng Aragona, hindi namin alam noong una kung paano kami makikiangkop sa kakaibang sistema ng mundong ito. Dahil sa aking makasariling desisyon, nadamay ko ang aking mga kaibigan kahit dapat ako lamang ang mapupunto sa mundong ito. Hanggang sa ngayon, ito ang nilalaman ng aking isipan. Kailangan ko silang maibalik sa aming mundo kahit Diyos pa ang pumigil sa akin at humarang sa aming kapalaran. Lumapit silang lahat kaya sinimulan ko nang ipikit ang aking mata at pinakinggan ang kanilang hiling. Hindi ko maramdaman ang mainit na pakiramdam na lumalabas sa akin sa tuwing tumutupad ako ng kahilingan. “Mac, ayaw ba gumana?” tanong ni Mercury. “Ayaw ata eh pre. Sa tuwing gumagana kasi ito may nararamdaman akong parang mainit na pakiramdam. Pero ngayon wala akong maramdaman,” wika ko sa

  • Lost in the world named Aragona   CHAPTER 25: UNANG PAGSUSULIT

    Dali-daling nilapitan si Edwin ng kaniyang mga kaibigan at dinala sa klinika ng paaralan. Nagulat ang doktor sa klinika sa linis ng ginawa kong pagpapatulog kay Edwin. Hindi siya nagtamo ng malalang pinsala na tila ba walang nangyari sa kaniya. Sa kabilang banda ay dinala kami ni Steban sa kaniyang opesina at dito kami kinausap. Bagamat namangha siya sa nakita ay hindi niya ito pwedeng ipahalata. Bilang punong-guro ng paaralan ay kailangan niyang maging patas. “Heneral Cleo. Ikaw ang gagawin kong tagapag-alaga nila kaya lahat ng gagawin nila rito ay ikaw ang mananagot. Ayos lang ba ‘yon sayo?” tanong ni Steban. Tumingin ito sa amin. Akala namin ay magagalit ito pero sa halip ay natuwa pa ito at malugod na tinanggap ang sinabi ni Steban.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status