Chapter: CHAPTER 33: PASUKANDumaan pa ang ilang araw at dumating na rin ang pasukan. Sabay-sabay kaming nag-ayos ng aming mga gamit bago tuluyang lumabas upang hintayin si Heneral Cleo subalit ako'y naiwan sa loob. "Oy Mac bilisan mo! Ano bang ginagawa mo bakit hindi ka pa lumalabas?" pasigaw na sambit ni Mercury. Nang mga sandaling ito ay iniisip ko kung saan ko maaring ilagay ang itim na grimoire. Hindi ko pa alam kung may ibang taong may kakayahang makita ito kaya't mas mainam na ang maging maingat. Dahil nagmamadali na ang aking mga kasama, napagdesisyunan ko na lang na ilagay ito sa aking bag. Lumabas ako at sumama na sa kanila at sakto namang paparating na si Heneral Cleo. Sumakay kami sa kaniyang karuwahe at tumungo na sa Akademya ng mga Batang Salamangkero. Hindi pa namin alam kung ano ang maaring mangyari sa amin sa loob ng paaralan. Hindi pa namin batid kung anong pagsubok ang naghihintay sa aming magkakaibigan. Ngunit sigurado kami na kahit anong problema, basta't kami'y magkakasama, tiyak na kaya
Last Updated: 2022-11-10
Chapter: CHAPTER 32: PAGHAHANDASa loob ng opesina ni Mang Steban, kaming magkakaibigan ay magkakasamang nakaupo sa isang sopa. “Mang Steban, bakit niyo po kami pinapunta dito?” tanong ni Dane. Lumapit kay Mang Steban ang kaniyang sekretarya at may iniabot itong maliit na lalagyan. Ito’y naglalaman ng anim na singsing na may magkakaparehong wangis. Nagtaka kami nang bigla itong inilabas at iniabot sa amin isa-isa. “Ang mga singsing na ito ay may bolang kristal sa gitna. Kaya nitong itago ang mahika ng isang tao. Pwede nyo rin iyan pag-imbakan ng mahika, para may magagamit kayo kung sakali mang maubusan kayo. Pwede nyo rin iyan gamitin para itago ang buong potensyal ng inyong mahika,” pahayag ni Mang Steban. “Itsura pa lang parang ang mahal na. Bakit niyo po ito ibinibigay sa amin?” tanong ko kay Mang Steban. “Matapos ang ikatlong pagsusulit ay napagtanto ko na hindi talaga kayo normal na mga bata. Ang potensyal nyo ay masyadong mataas at maaari iyang magdulot ng matinding kaguluhan hindi lamang dito sa ating lug
Last Updated: 2022-07-29
Chapter: CHAPTER 31: IKATLONG PAGSUSULIT Alas-tres ng hapon pagkarating namin sa paaralan, “Oh, andiyan na pala kayo,” salubong na bati sa amin ni Mang Steban. “Kamusta ka na Mac? Pasensya ka na nga pala sa nangyari kahapon.” “Ayos lang po iyon Mang Steban. Hindi naman po ako nagtamo ng matinding pinsala at mabilis naman po akong gumaling,” tugon ko naman sa kaniya. Napangiti ito at sinamahan na kami papunta kung saan isasagawa ang ikatlong pagsusulit. “Saan po gaganapin yung ikatlong pagsusulit?” tanong ni Mercury. Ipinaliwanag sa amin ni Mang Steban ang tungkol sa ikatlong pagsusulit habang kami ay naglalakad, “Ang ikatlong pagsusulit kung saan tatantsahin ang inyong mahika ay gaganapin sa nakahiwalay na gusali kung saan ginanap ang una at ikalawang pagsusulit. Dito ay gagamit ang eksaminer ng isang malaking bato ng mahika. Siguro naman ay nakagamit na kayo ng bato ng mahika para malaman kung anong klaseng mahika ang mayroon kayo. Pero ang bato ng mahika namin dito sa paaralan ay mas malaki at mas matibay kaya naman
Last Updated: 2022-07-14
Chapter: CHAPTER 30: PAGKAKAAYOSTanghaling tapat habang tirik na tirik ang araw, "Handa ka na ba?" tanong ni Doktor Antonio kay Nads. "Opo. Siya nga po pala, paano ko nga po pala babayaran si Doktor Gazebo?" pabalik na tanong ni Nads. "Ahh, wag ka mag-alala. Ang may-ari na raw ng paaralan ang bahala sa gastusin mo," tugon ni Doktor Antonio. "Ganoon po ba? Pagkatapos po pala nito ay kailangan kong magpasalamat kay Mang Steban," sambit ni Nads. Ngumiti si Doktor Antonio sa sinabi ni Nads bago sila tuluyang tumungo kay Doktor Gazebo. Tatlong beses na kumatok si Doktor Antonio sa pinto ng opesina ni Doktor Gazebo, at tulad kahapon ay bumukas agad ito. Pumasok sa loob sila Nads at kanilang naabutang nag-aayos ng gamit si Doktor Gazebo. Makikita ang mga halamang gamot na may kakaibang itsura na nakalagay sa isang mesa. "Ano pong halamang gamot ang mga iyan?" pagtataka ni Nads. "Ahh ito? Ayan ang gagamitin ko mamaya para gamutin ka," wika ni Doktor Gazebo. "Halika dito, humiga ka na at magpahinga bago natin simula
Last Updated: 2022-07-02
Chapter: CHAPTER 29: PAGGALINGHabang kami ay sumasailalim sa ikalawang pagsusulit, si Nads ay naiwan sa loob ng klinika ng paaralan. Binabantayan ng doktor ang lagay ng kaniyang puso upang malaman kung maari pa ba itong magamot. “Kailan nagsimula ang sakit mo sa puso?” tanong ng doktor. “Noong bata pa po ako. Tatlong taon pa lang ata ako noon tapos sabi ng doktor na tumingin sa akin mayroon daw akong singaw sa puso,” tugon ni Nads. “Saan kang doktor nagpatingin?” nagtatakang tanong ng doktor. “Hindi ba’t nanggaling kayo ng mga kaibigan mo sa malayong bayan? Sa pagkakaalam ko, dito lang sa Hermosa na kapitolyo ng Leonardo mayroong doktor na kayang sumuri ng mga sakit sa puso,” nagtatakang wika ng doktor. Hindi namin alam na sobrang konti pa lang pala ng doktor dito sa mundo ng Aragona. Dahil hindi pa gaanong maunlad ang kanilang teknolohiya sa panggagamot, ang mga doktor dito ay karaniwang umaasa sa paggamit ng mahika sa panggagamot. Kaya naman kapag ang isang tao rito ay may puting mahika, kadalasan ay nagigin
Last Updated: 2022-05-25
Chapter: CHAPTER 28: MUNTIKANG PAGBABALIK“Ano ang magagawa ng isang batang may taglay na kakaibang lakas, pero walang sapat na karanasan sa pakikipaglaban?” “Saan aabot ang kaniyang kahibangan?” Ito ang mga katanungan na pilit na gumugulo sa aking isipan. Habang ako ay papalapit ng papalapit sa bilog, hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang aking mga naging desisyon. “Dahil nandito na rin naman na ako, kailangan ko na itong panindigan. May pangako pa akong kailangang tuparin, unang hakbang pa lang ito para sa amin,” bulong ko sa aking isipan upang aking mabigyan ng lakas ang aking kalooban. “Siguro wala ka talagang plano na sabihin sa akin kung anong ginawa mo para makapasa silang lahat sa pagsusulit na ‘to. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para malaman ko kung anong ginawa mo,” pagbabanta ni Steban. Hindi naman namin siya kaaway, pero hindi pa rin talaga kami sobrang tiwala sa kaniya. Sa mundong ito kung saan maituturing kaming isang dayuhan, ang magtiwala sa mga taong naninirahan dito ay sobrang mahirap
Last Updated: 2022-04-29