Contract with the Young Master

Contract with the Young Master

last updateHuling Na-update : 2023-01-30
By:   Heyitsmejesika  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 Mga Ratings. 2 Rebyu
63Mga Kabanata
6.6Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; and in order to survive, build a strong wall and don't let your heart fall. __ Arissa Paige is the bread winner in the family. S'ya na lang kasi ang inaasahan ng dalawang nakababatang kapatid. Their parents died in a car accident 3 years ago, kaya naman napikitan si Arissa na pagsabayin ang pag-aaral ng kolehiyo pati na ang pagtatrabaho. Halos gawin na nga n'ya na araw ang gabi, kumita lang ng perang ipangtutustos sa kanilang pag-aaral at pangangailangan sa araw-araw. Ngunit dahil sa kakarampot na kinikita ay kinailangan pa n'yang maghanap ng ibang mapagkakakitaan, may ipandagdag lang sa kanilang gastusin sa bahay at paaralan. Hanggang sa... Isang site sa internet ang inirekomenda ng katrabaho, na naghahanap ng bagong sekretarya ang isang mayamang negosyante. Dahil sa malaking sahod, hindi nagdalawang isip si Arissa na mag apply sa nasabing job fair. At parang isang malaking milagro ang nangyari, dahil sa isandaang libong aplikante, si Arissa lang ang bukod tanging nakapasa. But what if sa pagpasok ni Arissa sa kontratang tinanggap, matuklasan din n'ya ang tunay na katauhan ng pamilyang kanyang pagtatrabahuhan. Handa kaya s'ya sa misteryo na matutuklasan? Magawa kaya n'yang makatagal sa puder ng masungit na Young Master? O, ito pa lang ang simula ng bagong dagok sa buhay ni Arissa? Dahil sa pagpirma pa lang n'ya sa kontrata, binigyan na rin n'ya ng pagkakataon ang puso na labagin ang ipinagbabawal na utos. At iyon ay huwag mahulog sa kanyang boss... ... na isa palang bampira? Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil isang sumpa ng katauhan ng nakaraan ang pilit na humahadlang sa kasalukuyan. Kanila ba itong malalampasan? O isang disesyon ang tatapos sa kontratang nasimulan? ___ HANDA KA NA BANG MAGPAKAGAT?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

PROLOGUE

PROLOGUENAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang lamig ng hangin sa aking katawan.Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong bukas ang bintana ng aking kwarto. Nililipad ng may hindi kalakasang hangin ang pulang kurtina.Inayos ko muna ang suot kong roba bago bumangon. Para sana isarang muli ang bintana na ang alam ko ay nilock ko kanina bago ako matulog.Paano ito nabuksan kung ganoon?Nang masiguradong lock na ang bintana, bumalik na ulit ako sa kama. Napatingin ako sa bedside table kung nasaan ang maliit kong orasan."Alas-onse pa lang?"Gabi pa pala? Akala ko madaling araw na eh. Kapag ganitong katutulog ko pa lang tapos nagising na lang bigla, hirap na akong makatulog ulit.Nakatitig lamang ako sa kisame ng kwarto. Gusto kong lumabas pero natatakot ako. Sanay naman na ako dito sa mansion, pero kapag nag-iisa na ako, hindi ko mapigilang hindi kilabutan.Lalo na kapag naaalala ko ang ilang imahe na palaging dumadalaw sa aking panaginip.Imahe ng isang lalaki.Hindi ko maaninaw ang it...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Grace Ligaya Margatelopez Francisco
Such a beautiful story I love it. Thanks to the Author hoping for a more beautiful story from you. keep it up ......️
2023-01-18 07:34:09
1
default avatar
Gaming Pro
nice story! first time ko po mabasa ng vampire story kaya nkakaexcite po. more updates po ms. a
2022-12-24 11:00:38
1
63 Kabanata
PROLOGUE
PROLOGUENAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang lamig ng hangin sa aking katawan.Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong bukas ang bintana ng aking kwarto. Nililipad ng may hindi kalakasang hangin ang pulang kurtina.Inayos ko muna ang suot kong roba bago bumangon. Para sana isarang muli ang bintana na ang alam ko ay nilock ko kanina bago ako matulog.Paano ito nabuksan kung ganoon?Nang masiguradong lock na ang bintana, bumalik na ulit ako sa kama. Napatingin ako sa bedside table kung nasaan ang maliit kong orasan."Alas-onse pa lang?"Gabi pa pala? Akala ko madaling araw na eh. Kapag ganitong katutulog ko pa lang tapos nagising na lang bigla, hirap na akong makatulog ulit.Nakatitig lamang ako sa kisame ng kwarto. Gusto kong lumabas pero natatakot ako. Sanay naman na ako dito sa mansion, pero kapag nag-iisa na ako, hindi ko mapigilang hindi kilabutan.Lalo na kapag naaalala ko ang ilang imahe na palaging dumadalaw sa aking panaginip.Imahe ng isang lalaki.Hindi ko maaninaw ang it
last updateHuling Na-update : 2022-12-16
Magbasa pa
CHAPTER 1
CHAPTER 1 NAGMAMADALING tumakbo ako papasok sa gate ng pinapasukan kong University. Katatapos lang kasi ng duty ko sa pinagtatrabahuhan kong Ministop. Pang gabi ako kaya naman pagkatapos ng trabaho ay diretso agad ako ng school. Nagkape nga lang ako dahil baka malate pa ako at hindi na makapasok.Ayoko namang may mamissed na isang araw ng klase. Ayokong bumagsak dahil ito lang ang panghahawakan kong katibayan para makakuha ng magandang trabaho sa future.Nasa kolehiyo na ako. 3rd year college at kumukuha ng kursong Cullinary Arts. Gusto ko kasi ang pagluluto, medyo matakaw din ako kumain hindi nga lang halata. Hindi kasi ako mabilis tumaba kahit na kain ako ng kain. Hindi rin ako payat, tama lang para sa isang dalaga ang katawan ko.Kaya rin nagpupursige ako ay gusto kong magpatayo ng sarili kong restaurant o cafe balang araw. Isa rin iyon sa pangarap ng mga magulang namin para sa akin.I don't want to disappoint them, lalo na ang mga yumao naming magulang. Gusto ko ring maging huw
last updateHuling Na-update : 2022-12-16
Magbasa pa
CHAPTER 2
CHAPTER 2 GRABE! Sino ba ang Cordova'ng ito? Anak ng bilyonaryo? Heir nga 'di ba. So malamang tagapagmana. Gawin ko kayang Sugar Fafa? Char!"Baka ini-echos mo lang ako ah," pagbibiro ko kay Alexis. Hindi pa rin makapaniwala sa narinig."Bakit kaya hindi mo itry para malaman mo noh?!""Eh may pasok nga bukas.""Edi pumasok ka ng umaga, sa hapon ka naman pupunta doon. Ako na ang bahala sa'yo bukas, sagot kita kay Boss.""Sayang ang isang araw na trabaho—""Pero mas sayang ang oppurtunity na iyan. Isipin mo na lang ang $100 every week plus allowance mo pa kada araw, kung mapupunta lang sa ibang tao. Balita ko pa, nabubukod tangi raw ang pamilyang Cordova sa mga mayayamang Businessman dito sa buong mundo. Malay mo, nasa mga kamay na pala nila ang swerte mo."Napaisip ako.Wala namang mawawala kung susubukan. Ika nga, 'try and try until you succeed'."Basta ikaw na ang bahala sa akin bukas ah.""Oo, basta huwag mo akong kalilimutan kapag mayaman ka na.""Mayaman agad? Eh hindi pa nga nag
last updateHuling Na-update : 2022-12-16
Magbasa pa
CHAPTER 3
CHAPTER 3 MABUTI na lamang at nagkataon na wala kaming pasok sa store ngayong araw. May importanteng pupuntahan kasi ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko kaya pansamantala muna itong isasara ng dalawang araw.Sumakto naman ang pagkakataon dahil ngayong gabi ay babalik ulit ako sa Azula Hotel para sa aking final interview with the Young Master.Kinakabahan ako. Sobra!Sana makapasa ako sa final interview. Sana matanggap ako sa trabaho. At sana hindi monster ang mga taong pagtatrabahuhan ko.Pero may monster bang ganoon kayaman?Malamang wala."Bakla congrats!!! Sabi ko naman kasi sa'yo think positive lang always. Basta galingan mo pa at maging attentive ka lang lagi para matanggap ka. Dapat globe lang lagi, go lang ng go!"Natawa naman ako sa kasiglahan ni Alexis."Thanks Lexi!""Ayarn ang gusto ko. Lexi dapat at hindi Alexis."Napailing na lang ako. Napaka-arte talaga. Akala mo babae, eh may lawit naman. Babaeng may lawit?"Basta ikaw na muna ang bahala kina Moneth at Ranz ah. Pagtapo
last updateHuling Na-update : 2022-12-16
Magbasa pa
CHAPTER 4
CHAPTER 4NANG MALAMAN ko na sila ang mga Cordova—iyong apelyedo ng pinag-aapply-an ko ng trabaho, parang gusto kong magpalamon ng buhay sa lupa. Paano kung hindi nila ako tanggapin, di ba?Knowing na kung anu-anong pinagsasagot ko kanina nang tanungin ako ng lalaking nag-ngangalang Sage Trevour. Iyong lalaking walang emosyon at parang laging galit sa mundo. Sabi nga ni Tyron Ryven, allergic daw ito sa babae. Meron bang gano'n?Pero hindi ko na dapat isipin iyon, ang dapat kung intindihin ay ang pag-aapply ko. Sayang ang malaking sahod kung hindi ako makakapasa. Malaking tulong iyon sa aming magkakapatid."Ah, actually..." napapakamot ito sa ulo. "Wala pa iyong taong pagtatrabahuhan mo, mismo. Malaki ang galit niyon sa mundo kaya chill and relax ka lang muna, dear. We're just here to interview you and talk about the contract.""And speaking of the contract—pwede ba tapusin na natin ang usapang ito? May pasok pa ako." Iyamot na wika ni Mr. Sage saka muling naupo, but this time ay sa
last updateHuling Na-update : 2022-12-22
Magbasa pa
CHAPTER 5
CHAPTER 5BINIGYAN ako ng isang araw para asikasuhin ang mga papers ko para sa transfer. Kailangan ko kasing manatili sa Villa dahil iyon ang nasa kontrata. Hindi naman pwedeng babyahe ako papunta ng San Roque para pumasok sa school tapos byahe na naman patungong Villa para gawin ang trabaho ko.Masyadong hassle iyon at aksaya sa oras.Kaya naman kailangan ko rin lumipat ng school. Hindi ako pwedeng tumigil sa pag-aaral dahil two years na lang graduating na ako.Mabuti na lamang at may malapit na University sa Villa, doon ako pinalilipat ng pag-aaral. Doon rin siguro pumapasok si Sage.Nagresign na rin ako sa Ministop na pinagtatrabahuhan ko. Masyadong malayo ang ang Villa ng mga Cordova sa San Roque kung saan kami nakatira, kaya heto kailangan ko munang magpaalam pansamantala sa lugar na kinalakhan ko. Kailangan ko kasi talaga ng trabahong ito para maibigay ang mga pangangailangan ng dalawa kong kapatid.Dahil nga sa trabahong ito, nabayaran ko na ang mga utang namin. Pati na rin tu
last updateHuling Na-update : 2022-12-22
Magbasa pa
CHAPTER 6
CHAPTER 6TINULUNGAN ako ni Kuya Migs, iyong driver na naghatid at nagsundo sa akin, na magpasok ng mga dala kong gamit sa loob ng mansion.At katulad nga ng sinabi ni Boss Travis kahapon, huwag akong umasa na masaya ang magiging pagdating ko dito sa Villa.Sobrang tahimik.At wala manlang katao-tao dito.Sobrang laking mansion pero walang tao? Nagpatayo pa sila ng ganito kalaking mansion kung wala rin naman palang titira.Iba talaga ang nagagawa kapag may pera."Kuya Migs, tama ba itong pinuntahan natin?" Tanong ko habang nililibot ng tingin ang buong palapag."Oo naman. Bakit mo naitanong iyan?""Eh kasi naman Kuya... bakit walang tao? Nasaan ang mga maids or butler? Wala ring guards? Paano kung bigla na lang may mag-akyat bahay dito? Sa mahal ng mga gamit dito hindi iyon imposible. Tsaka.... nasaan ang Young Master?" Pabulong lang ang pagkakasabi ko ng huling katagang iyon. Feeling ko kasi may nakakarinig sa akin kahit na wala naman dahil kami lang ang naririto.Ang creepy talaga.
last updateHuling Na-update : 2022-12-22
Magbasa pa
CHAPTER 7
CHAPTER 7KATULAD nga ng sinabi ni Nanay Wilma, sinamahan ako ni Yna sa paglilibot sa buong mansion."Dito sa unang palapag, naririto ang kusina, dining area at ang lobby. Sa lobby o living area malimit mong makikita si Sir Tyron kapag naririto s'ya. Kung hindi naglalaro ng cards, natutulog naman ito sa sofa.""Hindi ba uso sa kanya ang kwarto?"Natawa si Yna sa sinabi ko."Kapag kasi nalilibang si Sir Tyron sa paglalaro, minsan nakikita na lang namin na nakapikit na s'ya. Kapag kasi naglaro ito ng umaga, aabutin na ito ng gabi bago matapos.""Grabe naman.""At bawal itong istorbohin kapag naglalaro. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag inistorbo mo s'ya sa kanyang ginagawa.""Bakit? Nangangain ba ng buhay?""Oo.""H-Hoooyyyy!""Joke lang.""Akala ko talaga.""Pero kakainin ka talaga n'ya ng buhay... sa ibang paraan nga lang. Iyong tipong uungol ka sa sarap.""YNA!!"Luminga-linga pa ako dahil baka marinig s'ya ni Nanay Wilma. Baka sabihin pa nitong pinag-uusapan namin ang tatlo
last updateHuling Na-update : 2022-12-22
Magbasa pa
CHAPTER 8
CHAPTER 8NANGINIG AKO sa takot. Sino ang taong nasa veranda? Sino ito?Si Sir Travis ba ito? Si Tyron? O si Sage? Pero bakit hindi ko namalayan na pumasok ito kanina? At mas lalong wala akong narinig na dumating kanina. Saka kung ito ang boss ko, dapat tinawag na ako nito pagkarating pa lang n'ya.Kahit takot at nanginginig ang tuhod ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa nakabukas na veranda.Bilog na bilog ang maliwanag na si Luna. Gusto ko mang pagmasdan ang buwan ng matagal, hindi ko magawa dahil sa kabang nararamdaman.Ngunit sa sunod kong hakbang papalapit, bigla na lang itong nawala.Dali-dali agad akong tumakbo papalabas ng veranda ngunit walang tao roon. Ni anino ng lalaking nakita ko kanina ay hindi ko na mahagilap. Para itong hanging bigla na lang dumaan at naglaho."OH MY GOODNESS!"Bulalas ko na patuloy pa rin sa paghahanap. Sumilip ako sa ibaba pero wala. Kahit sa kabilang bahagi kung saan makikita ang mahabang hallway at fountain sa labas ay wala ring bakas ng taong
last updateHuling Na-update : 2022-12-22
Magbasa pa
CHAPTER 9
CHAPTER 9PARA AKONG dinaganan ng isan-daang bakal pag-gising ko kinaumagahan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na naging dahilan para tamarin akong bumangon. Ngayon lang ako nagising ng maliwanag na. Sabagay, hindi nga pala ako natutulog sa gabi dahil pang gabi palagi ang shift ko sa store. At kung pang umaga naman, hindi rin ako tinatanghali ng bangon dahil kailangan madaling araw pa lang gising na. Aasikasuhin ko pa kasi ang umagahan naming tatlo bago pumasok sa school.Kaya naman ngayon, nakabawi-bawi ako ng tulog. Napasarap din ang pagtulog ko dahil sa komportable at malambot na kama. Maliwanag na sa labas at ang sinag ng papasikat pa lang na araw ay kumakaway na sa akin.Hindi ko nga pala tinanggal ang tali ng kurtina, kaya pumapasok dito sa loob ang liwanag mula sa labas ng bintana.Tanghali na ba?Bumango na ako ng kama kahit pa tinatamlay. Inayos ko muna ang bedsheet at unan bago magtungo sa closet para kumuha ng damit.Maliligo muna ako baka sakaling mahimasmasan at mawala a
last updateHuling Na-update : 2022-12-22
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status