Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
View MoreIsang araw na siyang hindi nakakain at sigurado akong nagugutom at nauuhaw na iyon sa madilim na kulungang doon. Kaya naisipan kong dalhan ang lalaki ng pagkain at tubig pagkatapos kong kumain. Pinilit ng tatlong tulisan na kunin ang aking dalang pera. Nanlaban ako kaya binubog nila ako upang makuha lamang ang kwaltang nais nilang kunin mula sa akin. Napagbatid din ni Pedro ang ilang nagsisidatingang mga tao roon; may ilang mga kababaihang nakasuot ng magaganda't magagarang traje de boda na naghahagikhikan pa sa isa't isa habang papasok sa loob ng mansyon at may nakikita rin siyang mga papasok na mga kalalakihan roon na nakasuot ng iba't ibang isitilo ng chachetta at pantalones na sa mga kilos at tindig ay kagalang-galang tingnan. "Alas siete na pala," anya ni Don Condrado sa sarili nang malaman na ang oras. Sa di malamang dahilan, tumigil ang mga tulisan, umalis na sinunod ang ninais ng napakagandang babaeng iyon. Wari ko, hindi yata nila matanggihan ang tila isang anghel na dilag ka
Suot ang maganda at gawa sa bulak na chachetta na itim na pinalooban niya ng puting polo at kurbatang itim, ay inayos ito ni Julian sa paglabas niya ng sinakyang karwahe. "Hindi na kailangan iyan, kaibigan," wika ng lalaking panauhin sa amin nang gumitla ito. Ang mga arko namang ito ay bumuo ng malalaking debatong kaha kung saan may mga butas na siyang ginagawang tanawan at lusutan ng mga bumabaril mula sa loob ng fuerte. Nabaliw ito dahil sa labis na pagnanasa nitong maging pinakatanyag na pintor sa bansa kaya halos ginugol na niya ang buong sarili sa pagpipinta ng kung anu-anong mga larawan. Tiningnan niya ang inventario doon kung tugma ba ang mga nakasulat ayon sa pagsusuring ginawa niya. "Natutuwa ako, Carmela, at masaya kang makilala sila," wika ni Natalia sa akin na may bakas ng tuwa sa kanyang mukha para sa akin. Alam niyang sa bayang ito magsisimula ang bukang liwayway ng aking bagong buhay. Ang alak ang nagbibigay gaan sa aking loob bukod sa isang pang likidong parehong nil
"Iyon lang ang masasabi mo?" ang napabulalas na tanong ni Venancio, ang ama ni Sergio, bulalas man ngunit nasa mahinang tinig. Sa pagkakataong iyon ay para bang nalalasap sa dulo ng kanyang dila ang lamang matatamis nito na siyang napapalunok naman sa natitirang laway sa bibig niya. May sakit po kasi ngayon ang nanay ko at wala akong maiuuwi ngayon kung wala po akong mababaleng pera ngayon. akbo lang siya nang takbo, at habang hinihingal na ay may palingon-lingon niyang tinitingnan ang kanyang bandang likuran na tila ba may tinatakbuhan siyang di makita-kitang bagay sa lilim ng kadilimang naroon. Kumalam na ulit ang kanyang tiyan. "Hindi! Umalis ka na!" At sinipa si Clara ulit ng matabang donya. Nang matumba ang dalaga, kinuha siya bigla ng senyora, kapit ang kanyang suot na puting baro. Matagal lumipas ang pagkalam nito. Pinagpawisan na rin ang noo niya dala nang matinding nararamdamang gutom. Mulang siya ay magising ay inayos muna ni Graciela ang sarili niya, tumayo siya sunod at in
Ang lahat ng ito ay karaniwang ginagawa sa pabrika ni Andracio bilang isang encargador. Paulit ulit kong tinawag ang aking mga magulang ngunit pawang katahimikan lamang ang sumagot rito. Sa bahagi ring ito makikita ang isang malaking bodega, na may pintuang malahugis arko na may mga magagandang ukit na binubuo ng mga bulalak at mga ibon. Huminto ito sa tapat ng mansyon, at pagkalabas niya nang karwahe ay napansin niya kaagad sa may labasan ng casa ang mga nakaunipormeng puro Kastilang kawal ng mahistrado na buong tindig roon na nakabantay at walang bahid ni anumang damdaming makikita sa mga pagmumukha. At nang lumingon ako upang makita kung sino iyong tumambad sa akin ay doon ko natantong ako ay tama sa pagwari ko. Halos walang tao ang nasa mercado sa araw na iyon. "Bago natin ibalik ang mangkukulam na ito sa impyerno," wika ng padre sa lahat. Hindi dahil maulan at malamig kundi dahil ang mga manininda at negosyante sa pamilihang iyon ay mga ilang tagahanga at natulungang tao ni Don A
Nagpasalamat din si Julian sa kanila at tinanggap ng buong loob ang ibinigay ng mga babae sa kanya. Wala naman siyang ibang naisip na maaaring gawin upang matapos ang pagdudurusa ng lalaki--dulot ng matinding nararamdamang sakit--kaya dala ng awa ay pinatay niya ito sa pamamagitan ng pagdiin lalo ng nakatusok na kahoy sa dibdib. Marahil hindi pa alam ng mga taga Mansion Gliriceda ang pagkawala ng kanilang señorito o hindi rin napagbatid maging nang mga tauhang nagtratrabaho sa pabrikang pagmamay-ari nito.Nang mahagip bigla sa isipan ni Andracio ang pangalan ni Julian, naalala na naman niya muli ang isang bagay. Pitong lalaki ang kaagad natanaw niya na pumasok roon na pawang may mga bitbit pang mga mataas na uri ng armas.Ang lahat ng ito ay inalisan at tinanggalan niya ng alikabok, mga nakabiting agiw at dumi na apat na araw nang nalikom doon. Marahan siyang umakyat sa hagdanan, di inalintana ang madilim at makitid na mga hakbang, hanggang sa narating na nga niya ang tutok nito. "Ubos
Hindi ko mapipilit na sumagot siya sa akin sapagkat hindi naman niya ako kilala."Hindi ko ginustong mangyari ito sa akin. Hindi maaaring nilinlang ako noon ng aking kaibigang si Felina. Binuo ako ng isang bampirang nangangalang Mercedes,"ani pa niya sa akin. Hindi ko magawa ang makatayo mula sa pagkadapa ko sa lupa dahil nangangatog sa takot ang aking buong katawan. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas dahil kung hindi, tiyak mamamatay ako sa kamay ng aking kaaway na walang kalaban-laban. Tinuruan niya akong mamuhay ng karaniwan sa kabila ng sumpang aking dinadanas at sa hanggang tuluyan ko nang napigil ang aking pagkauhaw sa dugo ng tao. Kailangan na naming marating kaagad ang kuwebang iyon bago lumitaw ang kabilugan ng buwan dahil kung hindi, kutob ko, ay may masamang mangyayari. Buhat nga makahiga, binubulong ko lamang sa aking isip na iwala ang mga masasamang wari pero ang mga bakas pa rin ng takot ang tumatatak sa aking isipan. "Si Aurora talaga, kahit nakapag-asa
Ang Serapica lang ang tanging masasakyan kung papatungo sa Dapitan kaya hindi maaaring hindi sumakay sa bapor na iyon ang mga nadakip na ilustrados. Wala akong winari simula nang lumisan ako kundi ang kalimutan ang lahat ng aking mga naranasan sa Santa Lucia. Sumunod naman ako sa kargador. Kakaiba ang aking naramdaman sa kanya na hindi ko alam kung bakit gusto kong alamin ang lalaking dumaan.Sumiklab naman ang galit sa pakiramdam ni Andracio nang marinig ang mga pahambog na ito mula sa taksil. Bumaba kami sa barko na dinaanan ang hagdanang yari sa makapal na tabla. Pagbanggit niya sa pangalan ng aking alila noon,naalala ko at pumasok muli sa aking wari ang kung papaano ko napatay si Mercedes. Sa marahang pagbaba ng yumao sa kanyang lupang himlayan, biglang naagaw ang pansin ni Julian nang may makita siyang isang babae na lumapit doon. Isang nahahating maskarang puti naman ang kanyang hawak hawak sa kaliwang kamay na siyang bigay rin sa kanya ni Delfina bago ito umalis, sapagkat ang ya
Alam ni Padre Mariano na tama ang mga naging pahayag sa kanya ni Criscancio. Tanto ko, ang mahalagang pagpupulong na ito ay marahil tungkol sa mga alagad ng dilim na nagkalat na sa bansa na siya naman talagang pangunahing paksa ng lahat ng pulong. Walang ibang laman ang nasa isipan ng encargador habang siya'y nakasakay sa calesa kundi ang mga salitang natanggap niya sa dalaga. Hinablot ko ang kanyang munting katawan na siyang napunan ko ang pagkahulog mula sa aking mga bisig. Agad namang lumabas ang mag-amang Guevarra pagkatutok ng mga baril sa kanila, at pagkalabas ay walang anu-ano'y bigla na lamang tinadyakan at ginulpi ng dalawang lalaki si Don Armando. Nadarama agad ni Julian Guevarra ang paglusong ng matinding sakit sa kanyang ulo, pagkagising niya, tanghaling-tapat. Kinuha ko ang platong may lamang ulam at kanin at gamit ang kutsara ay pinasubo ko ito sa kanya. Ang punong manggagaway an gang makapangyarihan sa lahat ng mga manggagaway. Mula sa pagkakaupo sa cama ay tinunghan si
Sa paglagak ng pangpitong basong may lamang vino, biglang natalos ni Andracio sa kanyang pandinig ang isang kilalang boses. Sila ang mga dayuhang kasabay kong naglayag, mga dayuhang una pa lamang tatapak sa isla na ipinangalan ng mga Kastila sa isang hari. Natatabunan naman ng malakas na kulog ang kanyang mga nagdudurusang sigaw sa pagtawag sa pangalan ng ama na sa bawat paggapang ay ang tanging nagagawa lamang niya. "Manuela, mag ingat ka. Baka nasasaktan mo na sa higpit ng pagkakayakap mo kay Carmela," ani ni tiyo sa babaneg yumakap sa akin. Mararamdaman naman pagkapasok sa doble puerte ang bayo ng malinis na hanging nanggagaling sa labas na umihip mula sa apat na malalaking bintanang naroon. "Alam mo namang may kakayahan akong hindi kayang gawin ng iba," sagot naman niya sa akin. Malapit lang naman ang pabrika sa kanyang bahay kaya nilakad lamang ni Andracio ang pagpunta rito. Pagkarinig sa yaong pangalan ay hindi na naghintay pa ang prayle at kanya nang sinamahan ang bata pabalik
Gabi iyon ng ika-labindalawa ng Setyembre taong 1882 araw ng Sabado, sa Roma, Italya.Hindi ako makatulog sa ingay ng dalawang taong tila nag-aaway habang nagbubulungan lamang ng malakas na nagmumula sa ibaba ng bahay. Kahit ngabubulungan lamang ay kilala ko parin ang mga boses na naririnig ko.Ang dalawang taong iyon ay ang aking mga magulang.Tila nakakabahalang pakinggan ang kanilang mga tinig sapagkat hindi naman sila ganito noon. Alam ko na may halong takot at pangamba ito. Yaong, mga bulungan nila na hindi ko dapat marinig.Mariin ko mang pinakinggan ang mga bulungan nila ngunit ang kalayuan at kakapalan ng mga dingding ng bahay ay nagging balakid upang mapakinggan ko ito ng mabuti....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments