Home / Fantasy / Lahid / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng Lahid: Kabanata 1 - Kabanata 10

310 Kabanata

Prologo

Gabi iyon ng ika-labindalawa ng Setyembre taong 1882 araw ng Sabado, sa Roma, Italya.Hindi ako makatulog sa ingay ng dalawang taong tila nag-aaway habang nagbubulungan lamang ng malakas na nagmumula sa ibaba ng bahay. Kahit ngabubulungan lamang ay kilala ko parin ang mga boses na naririnig ko.Ang dalawang taong iyon ay ang aking mga magulang.Tila nakakabahalang pakinggan ang kanilang mga tinig sapagkat hindi naman sila ganito noon. Alam ko na may halong takot at pangamba ito. Yaong, mga bulungan nila na hindi ko dapat marinig.Mariin ko mang pinakinggan ang mga bulungan nila ngunit ang kalayuan at kakapalan ng mga dingding ng bahay ay nagging balakid upang mapakinggan ko ito ng mabuti.
last updateHuling Na-update : 2021-11-15
Magbasa pa

Santa Lucia

Isang matagal at nakakayayat ang paglalayag ng tatlong linggo sa isang barko. Mula sa Marseilles, lugar sa Pransya ay naglayag ang sinakyan kong barkong may pangalang San Rafael patungong Maynila, ang sentro ng daungan ng mga dayuhang barko na nagmumula sa Europa, sa buong Felipinas.Nakakayat tingnan ang malawak na mga karagatang dinaanan ng barko. Mula sa Marseilles, binaybay namin ang malawak na karagatang Atlantika. Huminto rin kami ng ilang oras sa daongan ng Acapulco, lugar sa Timog Amerika, at lumayag muli sa mahabang karagatang Pasipiko patungo sa Maynila.Isang mahabang paglalayag para sa panibagong buhay.Umingay ng malakas ang alarma ng barko nang makita na sa hindi kalayuan ang pantalan ng Maynila. Nasa aking kwadro ako nang marinig iyon at habang nagbaba
last updateHuling Na-update : 2021-11-15
Magbasa pa

Buenvenido

Narating na namin sa wakas ang bahay ng mga Agoncillo. Yari sa konkreto ang ibaba nito at ang itaas naman ay yari sa pawig at kahoy na pinakintaban.Sa kabuoan,ma ganda at napakalaki ng bahay na iyon.May mga malalaking bintana ito na may mga mga nakasabit na mga kurtina. Malawak rin ang lupa nito na siya namang napapalibutan ng mga mabeberdeng halaman at puno. Ligtas at maginhawa anng buong paligid kaya naisip ko sa aking pagrating na magiging maayos ang paninirhan ko rito.Pumarad ang karwahe sa tapat ng bahay. Unang lumabas si Tiyo Graciano at inalalayan akong bumaba palabas ng karwahe. Nang makalabas ako, sinalubong ng isang bata anng aking tiyuhin."Tatay!" masayang pagsalubong ng isang bata sa kanyang ama at yumakap ito sa kanya
last updateHuling Na-update : 2021-11-15
Magbasa pa

Kaibigan

Ang centro ng bayang Santa Barbara ay isang napakaabalang lugar. Puno ng mga tao na siyang nagbubuhay sa ingay ng bayan. Nagpunta kami sa pamilihan ng mga gulay. May isang kalye sa bayan na siyang kinaroroonan ng mga nagtitinda nito.Nagkalat ang mga nagtitinda sa paligid ng makarating kami roon. May mga nakahilerang mga anigo sa gilid ng kalye na may mga naglalamang sari-saring gulay at prutas. Kadalasang nagtitinda roon ay mga kababaihang mga Pilipino. Nakatapis at nabaro lamang ang ilan. May mga nagsisindi rin ng tabako sa kanilang mga bibig na bumubuga ng usok sa mga ilong nila. Mayroon ring nagtitinda ng mga karne tulad ng baboy, manok at baka, at mayroon ring mga isda na kalimitang nabibingwit sa ilog na malapit sa bayan.Sinamahan ko si Manuela sa kanyang pagpunta rito. Naatasan siya ng kanyang ina upang mamili ng mga sangkap na
last updateHuling Na-update : 2021-11-16
Magbasa pa

Bruja

Hindi mahulugan ng karayom ang kalagitnaan ng plaza. Maraming taong pumalibot dito na nakikiusyoso sa mga nangyayaring naroon. Nagkamayaw silang makita at mapanood ang pangyayaring minsan lang masasaksihan sa buong bayan. At ito ay ang pagbitay sa isang mangkukulam.Pinalibutan ng mga tao ang isang pinataas ng platapormang yari sa makakapal at matitigas na tabla. Sinadyang pinataas ito upang makita ng buong taong naroon ang ganapang iyon. Sinadya ring pinataas ang plataporma upang bigyang taas rin ang pagitan ng lupa sa bibitayin. Sa bandang likuran naman ng platapormang iyon,may isang posteng nakatirik na yari sa makapal at mahabang kahoy ng narra na pinakoan pa ng isa pang mahaba na posteng nakahiga sa itaas nito na lumampas sa kalawakan ng plataporma. May nakabiting makapal na lubid rin ito na may binuong pabilog sa dulo para sa ulo. Karaniwang ginagamit ang platapormang iyon sa pagbi
last updateHuling Na-update : 2021-11-16
Magbasa pa

Lihim

Isang malaking bayan ang Santa Barbara. Ito ang naging sentro ng mga kalakalan ng mga malalayong lugar sa timog ng Maynila. Maraming mga manglalakbay ang dumadayo rito upang makapagpahinga mula sa malayong paglalakbay papunta o pauwi ng Maynila.Ang Hilaria ang isa sa mga pinupuntahan ng mga dayo sa bayan. Ito rin ang pinupuntahang libangan ng mga sibil ng lipunan pati na ang mga nasa maitaas na antas. Ito’y isang bahay aliwan na tuwing gabi ay may mga sayawan at kantahan. Bumubuhos rin ng mga serbesa ang bahay aliwang ito kaya naman ganoon na lamang ito kakilala sa buong bayan.Hindi lamang ito isang bahay aliwan, sa likod naman nito ay may pinaalkilang mga murang cuarto. Malalaki ang silid roon at mainam at malambot ang mga higaan. Dito ko naisipang tumuloy muna upang hindi malayo sa lipunan. Nasanay na ako kasing nakakasalamuha
last updateHuling Na-update : 2021-11-16
Magbasa pa

Natalia

Napakainit ang simoy ng gabing iyon kaya naisipan kong magpahangin sa halamanan ng bahay. Mula sa asotea sa itaas, tumalon ako pababa palabas. Pagtalon ko, matiwasay naman akong nakababa at agad tumungo sa halamanan.Malalim na ang gabi sa mga oras na iyon kaya tulog na ang lahat ng mga tao sa bahay. Nakahati ang buwan sa sandaling iyon at pinalilibutan ng mga nagniningningang mga bituin. Dumaan ako sa kwadra ng mga kambing upang hindi ko magising ang mga alilang mambabahay na natutulog sa gawing daanan sa halamanan. Nang marating ang kwadra,naalala ko kung paano naging hapunan ko ang isa sa mga kambing na naroon kanina. Kailangan kong maibsan ang uhaw para sa araw na iyon. Kailangang sariwa dahil masarap ito. Kaya nayari ko ang isang kambing at napatay na tuyo ang buong ugat. Nagtaka tuloy ang korderong nangangalaga sa mga kambing sa nakapagtatakang nangyari sa isa sa mga ito. Kahit na ganoon, mas mainam na ito ang nagaganap maibsan ko lamang ang pagkauha
last updateHuling Na-update : 2021-11-29
Magbasa pa

Simbahan

Sa SimbahanMaaliwalas ang kalangitan sa maaraw na umagang iyon. Sa aking pagmulat ng aking aking mga mata, wala ako tanging inaalala yaon si Natalia lamang. Hiniling kong sana ay ligtas siyang nakaalis at kung saan man siya naroon ngayon. Naalala ko ang sinabi niya kagabi sa akin. Isang nakababahalang kaalaman. Nandito ang kanyang ama na matagal na niyang pinagtataguan. Nandito ang kanyang ama na walang kapantay ang kasamaan ayon sa kanyang mga ikinukuwento sa akin.Inisip ko kung ano ang mga dahilan kung bakit nandirito sa bayang ito ang ama ni Natalia. Inaalala ko ang mga kagimbal-gimbal na mga kuwento sa akin ni Natalia patungkol sa kanyang ama na siyang nagpaalala sa akin sa maaring mangyari sa buong bayan ng Santa Barbara. Wala akong tanging maisip kapag ang ama na niya ang maririnig ko kundi kapahamakan at kamatayan. Ganunpaman,iisa lamang ang tangi kong gagawin ngayon at alam kong nandito ang pinakamasamang halimaw sa bayan, ito ay
last updateHuling Na-update : 2021-11-29
Magbasa pa

Rosas

Isang magandang hapon iyon kaya naisipan kong magpahangin at maglibang sa hardin. Hindi ko pinagtatakhan kung bakit noong kabataan ng aking ina ay lagi siyang naglalaro at napupunta rito. Talaga namang nakakaginhawa sa damdamin ang hanging bumabagwis sa iyo at nakakagalak sa mata ang mga mabeberde at makukulay na mga halamang naroon.Palakad-lakad akong naglibot sa buong halamanan. May mga paro-paro pa akong nakikitang palipadlipad sa mga magagandang buka ng mga bulaklak. Nililibang ko ang aking sarili sa mga halamang naroon na inaasam ang bawat sandali.At hanggang sa may nakita akong isang halamanan ng rosas. Maraming namumukadkad na mga pulang bulaklak ang naroon sa mga tangkay ng halaman. Sa aking pagkakaalam, ito ang pinakagustong bulaklak ng aking ina. Ang mapupulang rosas.Tinungo ko ang halaman at naisipang magpitas ng isang bulaklak nito. Nakakita ako ng isang magandang bukad at iyon ay aking pipitasin ko. Ngunit nang pitasin ko it
last updateHuling Na-update : 2021-12-03
Magbasa pa

Ang Prayle

Isang malakas na katok ang aking narinig mula sa pintuan ng aking silid. Nag-aayos ako ng aking mga kalat sa loob nang marinig iyon. Walang atubili ko namang pinagbuksan kung sinuman ang kumakatok rito. At nang mabuksan ko ito, tumambad sa akin si Lucio, ang sakristan ng prayle.“Lucio, bakit? Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya nang makita ko siya sa pintuan. “Claudio, pinapunta ka ni Padre Paterno sa kanyang cuarto,” sagot naman ng batang sakristan na nasa sampung taong gulang ang edad.“Bakit raw niya ako pinatawag?”“Hindi ko alam. Basta napag-utusan niya akong ipatawag ka sa kanya,”sagot ni Lucio. “Siya sige kung ganun, pupunta ako sa kanya,” anya ko sa kanya. Matapos iyon ay umalis ang sakristan sa pintuan ng aking silid.Lubos ang aking pagtataka kung bakit ako ipinatawag ng kura. Wari ng isip ko na baka tungkol ito sa nangyari
last updateHuling Na-update : 2021-12-03
Magbasa pa
PREV
123456
...
31
DMCA.com Protection Status