Home / Fantasy / Lahid / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Lahid: Chapter 51 - Chapter 60

310 Chapters

Polaris

Muli kong tiningnan ang singsing na aking ibinigay at kinuha noon mula kay Karena o ang babaeng bampira na may tunay na pangalang Natalia Perova.Ang singsing na ito na lamang ang tanging bagay na nagpapaalala sa aking pagmamahal kay Karena. Ang mga araw na kasama ko siya noon ay ang mga pinakamasasayang sandali sa buong buhay ko at iyon rin ang pinakahuling mga araw na naging masaya ako. Hindi ko alam kung bakit ngunit hindi ko magagawa ang itapon ang singsing na ito.Napansin ko naman ang sinusuot kong isang singsing. Isang singsing na yari sa puting ginto na may malapad na ukit at disenyo na may pinatong at inilagay na isang berdeng brilyante.Ang Piedra Immortalis. Ang brilyanteng siyang nagbibigay buhay at lakas sa akin. Ito rin ang may gawa sa likod ng aking anyong binata.Ang batong ito rin ang inihandog sa akin noon ni Solana mula sa pagkalugmok ko papuntang kamatayan. Isang handog na nagpapatibay sa aming kasunduan.Ang kasunduang iwaksi s
last updateLast Updated : 2021-12-27
Read more

Paghahanap

Ito na marahil ang katapusan. Nawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko na magagawang patayin ang aking ama. Hindi ko nahanap ang batong Fuego. Wala ito sa itinurong pinagtaguan ni Carmela sa hardin ng mga Agoncillo.Naalala ko ang aking kaibigang si Carmela. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o tuluyan ng pinaslang buhat sa nangyari kagabi. Ako ang dahilan, at hindi ko kailanman matatanggap, kung bakit siya napahamak. Iniligtas niya ako. Iniligtas niya ako upang magawa kong tapusin ang lahat ng ito. Pero, bigo ako. Binigo ko ang aking kaibigan. Binigo ko rin ang aking sarili.Dahan dahan pa rin akong naglalakad dahil sa iniindang sakit buhat na natamong sugat sa aking tagiliran at likuran. Kahit unti unti ng nanghehelom ang mga sugat na ito, nariyan pa rin ang taglay na sakit nito.Napadpad ako sa mercado. Dahil sa marumi at mabaho kung kasuotan, dagdag pa ang magulo kong buhok ay tinataboy ako ng mga nanininda sa pag akalang ako ay isang nababaliw na taong grasa. N
last updateLast Updated : 2021-12-27
Read more

Hinaharap

Muli ay wala na naman akong nakitang purong kadiliman. Napamulat akong bigla na nakatayo sa kalagitnaan ng madla. Sa pagkakataong iyon, hindi ako bulag.Maliwanag na nakakakita ako.Ngunit nasa hindi malamang lugar ako. Ang buong lupain ay may mga kubong yari sa mga pawid at kawayan. Ngunit ang amoy ng hangin at ang mga puno sa paligid ay hindi panibago para sa akin.Tila isa na naman akong kaluluwa at hindi man lang ako napapansin ng mga taong dumadaan. Masasabi mong mga katutubo ang mga ito dahil sa mga kasuotan nila. Tinatakpan lamang ng mga babae ng mahahabang buhok nila ang mga umuumpong mga dibdib. Nakabahag naman ang mga lalaking nakikita ko. Marahil ay bumalik na naman ako sa nakaraan.Alam kong isa na naman itong pangitain. Kabilang na naman ito sa mga naunang pangitain ko nang mabulag ako.Simula ng mabawian ako ng paningin, dito rin nagsimula ang mga matalinhagang mga pangitain.Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinusundan ko ang lakad ng m
last updateLast Updated : 2021-12-28
Read more

Pagtakas

Dumating na ang hapon. Kagaya ni Pablo, hinanap ko muna si Manuela sa buong Santa Lucia. Umabot pa ako sa giliran ng bayan at sinubukan ko kung totoo nga bang may harang ang palabas sa bayan.Hindi mo man makikita at kung iyong tatahakin palabas, may biglang na lamang pipigil sayo. Kahit anong gawin mong pagkalas, hindi mo talaga magagawang makalabas sa di makitakitang harang.Ito ang harang na tinawag na Polaris, ayon sa narinig ko kina Viktor at ang nakamaskara, isa itong makapangyarihang harang na nagtatagal lamang sa susunod na pagsikat ng araw.Tugma ang hakahaka nila. Maaari ngang lulusob mamayang dapithapon ang mga kinatatakutang mga alagad ng dilim. Ang mga alagad ng aking ama. Puwersa ng malalakas na mga bampira.Kaya dapat ay mailigtas ko na si Carmela bago pa man lumubog ang araw upang bago pa man lumusob ang aking ama sa kinasuklaman niyang bayang ito ay makikita ko na ang batong Fuego na siyang tanging kahinaan nito.Alam kong pumapata
last updateLast Updated : 2022-01-02
Read more

Alab

Nagkahiwahiwalay kami nina Natalia. Dahil sa bilis nang pangyayari, hindi na namin namalayang nagkahiwalay kami. Kasama ko ngayon at hawak hawak ko ang aking iniirog na si Eduardo.Sa wakas ay nakita ko muli ang maulap at maliwanag na kalangitan. Alam ko na hapon na dahil sa init na hindi na masyadong masakit sa balat.Nakipaghabulan parin kami sa mga nanghuhuli sa amin. Wala nang lamang bala ang baril ni Eduard kaya ang tanging ginagawa nalang namin ay magtago at tumakbo. Nagawa namang mabuwag ang mga lalaking humahabol sa amin nang magtago kami sa likod ng isang malaking kariton at nang makitang umiba na ng daanan ang mga lalaki ay nagpatuloy na rin kami sa pagtakbo.Hanggang sa narating namin ni Eduardo, ang abandonadong pagawaan ng mga tabako na pagmamay ari nila noon. Naisipan namin ni Eduardo na dito muna magtago hangga't mainit pa sa habulan ang mga lalaki bago namin hanapin ang aming mga kasama. Nagtungo kami sa may likuran ng malawak na bodegang iyon, s
last updateLast Updated : 2022-01-04
Read more

Takipsilim

Buhat sakay ng isang karwahe ay nagawa naming makatakas mula sa mga humahabol na mga kasapi ng Sinag Araw. Sinadya naman naming iniwan ang karwahe sa may gilid ng daanan nang maisipang maglakad papasok sa gubat ng Santa Lucia.Sa ngayon, ang gubat ang pinakaligtas na lugar na pagtataguan dahil hindi lamang sa maramang mapagtataguang puno at damo kundi dala na rin na mas malawak ang kabuuan nito kaysa sa sentro ng Santa Lucia.Kanina pa ako nag alala kina Carmela at Eduardo. Nagkahiwalay kami ng daan kanina paglabas ng simbahan. Dasal ko lamang ay huwag naman sanang naabutan at nadakip ang dalawa ng mga lalaking humahabol sa aming pagtakas.Isinandal ko muna ang nanghihinang si Damian sa katawan ng isang malaking puno. Panay naman ang pagmamatyag ni Pablo sa paligid-ligid at baka sakaling may sumusunod namga tauhan ng Sinag Araw sa amin.Sa lilim ng punong iyon naisipan naming magpahinga muna.Muli kong sinugatan ang aking braso at idinampi ko itong
last updateLast Updated : 2022-01-05
Read more

Dolores

Palubog na ang araw. Sa lahat ng oras na nagugol ko dito sa mundo, ang pagtatakipsilim na ito ang pinakakaiba sa lahat. Taliwas sa napakagandang tanawing makikita sa kalangitan na tila ang mga magagaan tingnang mga ulap ay nakukulayan ng dugo, ang paglubog ng araw ay naghuhudyat upang bigyan ng pagkakataon ang kadiliman na balutin muli ang mundo.Ang bumabalot na kadilimang ito dahil sa pagpapahinga muna ng araw sa kalangitan, ito ay ang siyang kinatatakutan ko.At mas tumindi pa ang aking takot ng malamang nakatakas ang mga bihag. Kabilang dito ay ang pinakamahalagang nilalang sa mga oras na ito, ang alay na si Carmela. Malaking hukbo ang inutusan ko mula sa aking kapatiran upang hanapin at dakpin muli si Carmela dahil siya lamang ang tanging sandatang tatapos sa lahat ng ito.Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya mahahanap. Alam kong nagtatago lamang ito sa loob ng bayan dahil sa nariyan pa rin ang malaki at di makitakitang harang na tinawag na Polaris. At d
last updateLast Updated : 2022-01-06
Read more

Siklab ng Digmaan (1)

"Lumulubog na ang araw, Toto," pagbalita sa akin ng aking kasamang si Kulas. May nangangamba pa ito tono sa pagsasalita. Hindi ko naman siya masisisi sa kanyang ngangatog na bigkas dahil sa mga oras na ito, kami ang naatasang magbantay sa hilagang bahagi ng Santa Lucia.Ang bahagi kung nasaan ang pangunahing daan papalabas at papasok ng bayan. Limangpu kaming naatasang magbantay sa bahaging ito at malas namang nakasama ko ang duwag na si Kulas na talagang nakakahawa ang kaduwagan."Alam ko, Kulas, kaya igihin mo ang pagmamatyag sa paligid. Aalahanin mo, tayo ang unang sasagupa sa anumang paglusob," anya ko sa kanya na nagtapang-tapangan pa. Narinig ko ang paglunok ni Kulas sa kanyang sariling laway tanda ng pagkatakot."Toto, hindi naman natin dapat pilitin ang ating mga sarili na sumali sa digmaang ito. Maaari  naman tayong umatras
last updateLast Updated : 2022-01-07
Read more

Siklab ng Digmaan (2)

Sumibol na ang gabi. At ang gabing ito ay hindi tulad ng mga pangkaraniwang gabi. Hindi pa ako nakadarama ng ganito  sa tanang buhay ko.Ang makadarama ng matinding takot.Ngunit sa kabila ng matinding pangamba at takot na nararamdaman, umusbong naman sa akin ang maliwanag at malakas na loob. Kinakailangan ko ito lalong lalo na sa mga oras na ito. Ito na ang pinakahihintay naming lahat. Sa ilang paglipas ng sandali, magsisimula na ang digmaang tatapos sa lahat ng ito.Gaya ng sinabi ng Supremo, binuo at tinipon ko ang hukbong makikipagdigma. Nakakalakas ng loob tingnan ang maraming tao na gustong lumaban sa mga bampira.  Hindi ko akalaing halos lahat  yata ng kalalakihan sa bayan ng Santa Lucia ay  narito at handang sumalo sa digmaang kahit alam nilang maaaring buhay nila ang mawawala. May iilan ring mga kababaihang lumahok sa hukbo at nagpakita pa ng walang kasing tapang kung iyong tutuusin. Mga matanda, dalaga, binata kahit mga batang nasa
last updateLast Updated : 2022-01-09
Read more

Balatkayo (1)

Gaya ng hiling ni Damian, hinanap namin ang kuwebang sinasabi niya na nasa gubat. Hiling niya na dito raw siya namin iiwan bago namin simulan ni Pablo ang paghahanap kay Manuela at sa batong Fuego. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kuwebang iyon at ganoon na lamang kaatat si Damian na marating ito.Kailangan na naming magmadali, anya ko sa aking sarili. Halos wala na kasi ang araw sa kalangitan. Bumaybay na sa kalawakan ang takipsilim. Kailangan na naming marating kaagad ang kuwebang iyon bago lumitaw ang kabilugan ng buwan dahil kung hindi, kutob ko, ay may masamang mangyayari.Itinuro naman ni Damian sa amin ang daan sa masukal na kagubatan ang patungo sa kuwebang sinasabi niya. Para rin mapadali ang aming paglalakad, inakbayan siya naming dalawa ni Pablo upang makasabay sa amin ang nanghihina pang si Damian. Nadaanan pa nga namin ang pinagpunuang bahagi ng mga kahoy na Bernados na nakakapanibago dahil halos lahat na ng mga puno roon ay pinutol na.Patingin
last updateLast Updated : 2022-01-10
Read more
PREV
1
...
45678
...
31
DMCA.com Protection Status