Home / Fantasy / Lahid / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Lahid: Chapter 61 - Chapter 70

310 Chapters

Balatkayo (2)

Malaki ang aking pagtataka sa mga nangyayari."Ang pangalan niya raw ay Alana. Siya ang kapatid ni Damian. Nagpapasalamat siya sa pagligtas at pagdala natin sa kanya rito. Isang malaking bagay raw ang ginawa natin, sabi niya," pag uulit ni Pablo sa mga salitang ayon sa kanya ay pumapasok lamang bigla sa kanyang isipan. Muli ay nagsalita ito patungkol sa anumang sinasabi ng isang tinig mula sa kanyang isipan."Sabi niya, pinilit niyang kausapin ka sa isipan mo pero hindi niya magawa. Wika pa niya, isang kakaibang nilalang ka rin katulad niya,""Isa akong bampira," aking sinabi sa lobo. "Isa ring sumpa ito sa akin kagaya ng sumpa sa inyo""Sabi niya, ngayon lang siya nakarinig nang tungkol sa tinatawag na bampira," pag uulit ni Pablo sa sinasabi ng lobo sa kanyang isipan. Para bang kinakausap ng lobo si Pablo sa pamamagitan ng isip."Marami akong naririnig na kuwento tungkol sa inyo pero ngayon lamang ako nakakakita ng isang tunay na taong lobo. Ikin
last updateLast Updated : 2022-01-11
Read more

Evarum

Tumirik na ang napakalaki at buong buwan sa kalangitan. Nagbigay ito ng kaliwanagan sa buong paligid. At sa pagtaas ng buwang ito, sa loob ng kuweba, ay naiwan ang nagbabalatkayong si Damian na kanyang pinakauna.Lahat ng kanyang mga buto ay gumagalaw ng kusa. Ang sakit na dulot nito ang nagpapasigaw sa kanya ng matindi na yumayanig sa looban ng kuweba. Sa bawat malalakas na pagbali ng kanyang mga buto, hindi niya mapigilan ang sumigaw sa matinding sakit. Naririnig rin niya na sa bawat pagsigaw ay parang naririnig ang sarili na umiiling na parang lobo.Ang unang pagbabalatkayo ay ang pinakamasakit sa lahat. Ito rin ang pinakamapanganib kaya naman kailangang ikadena ang sarili upang hindi maging sanhi ng isang madugong karahasan.Sa unang pagbabalatkayo umuusbong kasi ang pagiging tunay na halimaw ng isang taong lobo. Sa panahong ito, nawawala sa sarili at tamang pag iisip ang isang taong lobo. Kaya nagpasalamat siya at naging mapalad ng makaligtas at makatakas s
last updateLast Updated : 2022-01-11
Read more

Gaway (1)

Walang hanggan ang bilang ng mga bituin sa kalangitan. Ang mga ito ay tila mga nagkikinang mga diyamante na gumagayak sa buong kalawakan. Ginagayak rin nito ang kadiliman ng kalangitan sa gabi.Napakaliwanag ng buwan sa gabing ito. Malaki at mabilog itong lumulutang kasama ang mga maririkit na mga bituin. Napakalapit itong tingnan na para bang nais mong abutin sa iyong mga kamay at yakapin.Ang liwanag ng buwan sa gabing ito ay siyang tanging ilaw sa bahagi ng gubat na kinaroroon ko.Nakahimlay sa lupa ang katawan ni Manuela Agoncillo, ang nasabing napiling mata ng tadhana. Ginamitan ko siya ng Ibaso, isang pampatulog, na aking ginawa at ipinaamoy ito sa kanya. Sa impluwensiya ng Ibaso ay makakatulog ng tatlong araw ang taong makakalanghap nito, kaya, ito ang naisip kong gamitin kay Manuela. Dinampot ko siya kagabi nang magkagulo sa plaza ng Santa Lucia. Sapilitan kong ipinaamoy sa kanya ang nakakahilong likido ng Ibaso at nang mahilo at mawalan ng malay ay dina
last updateLast Updated : 2022-01-12
Read more

Gaway(2)

Bumalik sa aking isipan ang punyal na Kal-Akani. Ito lamang ang tanging magagamit ko. Kapag nasaksak ko nito si Doryang, tiyak manghihina ito. Manghihina, anya parin ng aking wari upang magbalak. Tama! Muntik ko ng makalimutan.Ngunit sa ngayon, kailangan kong makuha ang Kal-Akani kaagad upang saksakin nito si Doryang. Kailangan kong mapulot ng mabilis ang punyal na nasa malapit ng aking paanan. Naghintay muna ako ng sandali at nang may makuha ng pagkakataon, dadamputin ko na sana ng mabilis ang Kal-Akani na halos inilagay ko na ang buong lakas ko sa aking paa ngunit madali rin namang kumumpas ng kamay si Dorya upang gamitin sa akin ang kanyang gaway. Pagkumpas niya, lumipad ako bigla sa ere at hinambalos niya ako sa isang punongkahoy sa pamamagitan ng pagkumpas lamang ng kanyang kamay. Ito ay palayo sa dadamputin ko sanang punyal.Malakas ang pagkahambalos ko sa punongkahoy, bumagsak pa sa lupa, at napangisngis ako dahil sa sakit ng katawan buhat ng pagkahambalos. Ram
last updateLast Updated : 2022-01-13
Read more

Gaway (3)

Manuela!" isa nangangambang sigaw ang narinig ko mula sa likuran. Boses ito ng isang lalaki. At nang lumingon ako, nakita ko ang isang lalaki na pilit niyang ginigising ang nakahandusay na katawan ng isang dalaga sa lupa, at iyon ay nakilala ko na si Manuela. May pag alog pa sa katawan ang paraang panggising ng binatang lalaki kay Manuela.May kasama rin siyang isang babae. Maganda, maputi at mukhang mestisa ang lahi. May mapulang buhok pa ito na nasilawan ng liwanag ng buwan. Humarap naman ito sa akin.At nang may marinig na malakas na pagtapak sa aking likuran, muli akong lumingon pabalik, paharap sa umaapoy na katawan ni Tiya Celeste sa lupa. Nanlaki naman ang aking mata na halos mahulog na dahil sa pagkagulat sa hindi pangkaraniwang bagay na nakita.Isang mahalimaw sa laki na lobo na may kapayatan ang katawan at malagatas na balahibo. Naglalaway pa ang bibig nito habang umaangil na humarap sa akin."Sino ka?!" pasigaw na tanong ng babaeng may mapulang
last updateLast Updated : 2022-01-14
Read more

Gaway (4)

May magagawa ka ba gamit ang iyong katangian, upang mapadaling makuha ang batong Fuego? Marahas man ngunit kailangan naming madaliin ang makuha ito ngayon," isang tanong mula kay Pablo. Maaari ngang mayron nga, pagsang-ayon ng aking isipan.Maaari ngang makuha ko kaagad ang batong Fuego gamit ang taglay kong gaway. Kaya, naisipan kong subukan ang gusto kong subukang gawin."Susubukan ko," sagot ko sa kanila. Pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata habang nakabukas ang aking palad. Inisip ko sa mga sandaling pagpikit ko ng aking mga ang anyo ng bato. Inisip ko rin ang lugar sa bahay kung saan ko itinago ang sinasabing batong Fuego. Mariin kong inisip ang bagay na iyon. Inisip ko ng inisip hanggang sa may naramdaman na akong mabigat sa aking kamay. Pagmulat ko, natuwa ako na may pagkamangha ng makitang may ikinamkam na akong maasul na bagay sa aking kamay.At nang matingnan ko ito, ito na nga iyon."Ang Fuego!" bulalas ng babaeng may mapulang buhok ng
last updateLast Updated : 2022-01-15
Read more

Alay (1)

Lumubog na ang araw at pinalitan na ito ng maliwanag na buwan sa buong kalangitan.Mula sa bodega ng abandonadong pagawaan ng mga tabako, kung saan kaming dalawa nagtago ni Eduardo, ang kabilugan ng buwan ang siyang kaagad napansin namin sa kadiliman ng gabi sa langit. Malaki ito, mukhang malapit lamang at ang kanyang silahis ay bumalot sa buong bayan ng Santa Lucia.Naisip na rin namin ang lumabas mula sa bodega at nagmimithing mahanap ang aming nahiwalayang mga kasamahan na sina Natalia at Pablo. Kasama rin nila si Damian, ang kapatid ni Alana kung saan ipinagako kong maligtas.Mapagmatyag naman kami sa paligid-ligid ng aming nilalakad, upang magbantayan ang aming mga sarili mula sa mga tauhan ng Sinag Araw na alam naming humahabol at naghahanap pa rin sa amin.Hawak ko ang kamay ni Eduardo sa bawat paghakbang ng aming paglalakad. Iba ang dama ko sa kanyang paghawak sa aking kamay na para bang alam mong nasa ligtas kang tao at alam mong walang mangyayar
last updateLast Updated : 2022-01-16
Read more

Alay (2)

Sinubukan ni Eduardo ang pumasok sa loob ng bahay nila ngunit sadyang malakas na ang apoy na lumiliyab rito. Bigo siya sa lahat ng kanyang mga pagsubok na pasukin ang nasusunog na bahay. At nang mas lumakas pa lalo ang apoy, minabuti na lamang niyang lumayo rito at baka mahagip pa at masunog.Napaluhod si Eduardo sa lugmok dahil alam niyang nasa loob ang kanyang ina. Hindi niya matanggap na bigo siyang iligtas ang kanyang ina mula sa pagsabog at sa sunog. Wala na siyang nagawa kundi ang tingnan ang bahay na itinaguyod nila ng kanyang mga magulang na nawawasak at naaabo na dahil sa napakalaking sunog dulot ng isang di inaasahang pagsabog.Ramdam ko ang muling paghinagpis ni Eduardo. Nalugmok rin ang puso ko ng maganap ang isa pang pangyayaring hindi katanggap tanggap. Ngunit alam namin sa aming mga sarili na wala na kaming magagawa pa pero sadyang mahirap tanggapin ang itong mga nangyayari.Lalapitan ko na sana si Eduardo upang damayan, ngunit bigla akong napahin
last updateLast Updated : 2022-01-17
Read more

Angil (1)

Isang hindi inaasahang kaganapan ang nangyari sa sentro ng Santa Lucia.Isang kaganapang nagpapigil sa aking kalooban at siya ring pinilit kong winari sa aking isipan. Ang kaganapang nakikita ko ay ang nagpabilis sa pintig ng aking puso na sa bawat tibok nito ay may tanging dalang matinding pagkatakot at malubhang pangamba.Maliwanag at mainit, ito ang tanging mga salitang maihahayo ko sa pinangangambahang tanawing nagaganap. Maliwanag at mainit, hindi dahil sa nag iilaw na mga panglaw o sa maaliwalas na sikat ng araw, kundi iyon ay dahil sa matinding paglagablab ng apoy na marahasang tumupok sa maraming gusaling nakatirik sa gitnaang bayan. At sa likod ng napakainit na apoy na iyon, mula sa nagaganap na napakalaking sunog, maririnig ko ang mga nakakahindik na sigawan ng mga tao at mga nakakatakot ring mga hagulhol at iyakan na tila mga nagdudurusang mga kaluluwang pinaparusahan patungo sa kanilang walang awang kamatayan. Kamatayan, ang salita ring tugma para iuri ang
last updateLast Updated : 2022-01-18
Read more

Angil (2)

Kung ano man ang mga ginagawang balak ng Supremo at nang Liwanag, sa pagkakataong iyon, dapat akong manalig rito dahil ito na lamang ang siyang humahawak sa akin sa pag asang maitapos ang karahasang ito. Kung ganun na lamang kalaki ang pananalig sa kanyang mga balak ang pinuno, sino ako upang tanungin ang kanyang pananalig bilang isang kasapi lamang niya?Binigyan ako ng lakas ng loob ng Supremong Sinag."Kailangan nating tulungan si Claudio upang ibahagi ang balak natin, Padre. Alam ko na hindi niya iyon kaya na mag isa lang. Kailangan nating matipon ang lahat ng hukbo kaagad," biglang naisip gawin ng Supremo na sinabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya bilang pagsang ayon at matapos nito ay patakbo siyang umalis upang tulungan sa pagbahagi si Claudio sa aming balak.Inihanda ko muna ang aking hawak na baril sa kamay. Bilang isang prayle, ang mga bagay na kagaya nito ay hindi dapat ginagamit. Pero, sa pagkakataong iyon, kailangan ko ito upang iligtas ang sarili
last updateLast Updated : 2022-01-19
Read more
PREV
1
...
56789
...
31
DMCA.com Protection Status